Ang panahon ng magigiting ay panahon din daw ng mahihinhin, sabi. Ang tinutukoy, ang chivalric era, mga kapatid… Sa panahon ng feudal or medieval times ipinanganak, nag-develop at lumaganap ang mga pagpapahalagang chivalric, sa Asya man o sa Europa. Tinangkilik ng maraming tao ang paniniwalang ito noong panahong tanggap na tanggap ang pandirigma bilang propesyon.
Marangal noon ang maging sundalo ng kilalang pinuno, angkan o hari. Sa nasabing panahon, class apart ang soldiers. Pagkakatapos ng digma, binibigyan sila ng pinagsisilbihan ng mga lupain at parangal at ng karapatang pumili ng babaeng makakasama sa buhay at magpamilya, kung nais.
May history, pasensya naman… Usapang pag-ibig din ito, ka-blogs. 😉 Kunwari, may kasaysayan, history of courtly love… Anyway, feudal times, bago pa nagkaroon ng bansa-bansa, lahat ng nasasakupan ng feudal lord, pagmamay-ari niya. Ang mga lupain at teritoryong nasakop, mga hayop at pananim doon – kanya. Maging mga tao sa lugar, mga kapatid. Lalo na ang mga tao, ahaha. 🙂
Subjects, kung sila ay tawagin. Lalaki at babae, bata at matanda – pagmamay-ari sila noon ng lord ng lugar. Ang kalakaran sa Europa, sa daang taon, maaring sipingan ng panginoon ang lahat ng kababaihan sa distrito o probinsyang nasasakupan niya. Sa Asya, maaring mag-asawa ng marami ang hari at ang lords. Hindi naman nila inaasawa lahat, pumipili lang ng ilang dosena… 🙂
Sa mga pelikulang napapanood natin, karaniwan, sa gabi ng kasal ng nasasakupan, ang feudal lord muna ang sisiping sa bride. Pag sa ngayon, parang ang sakit pakinggan at tanggapin, para sa mga babae at maging sa mga lalaki… Pero, 400 taon, pabalik, ganoon ang umiral na kalakaran at paniniwala ng mga tao. Masaklap, sakali at tuwing maibigan ng lord ang isang babaeng may kasintahan na o asawa.
Masakit din sa pamilya, pag ang dalagita nila ay sapilitang kukunin para dalhin sa household ng feudal lord, bilang isa sa marami niyang asawa. Ngunit, tanging sa panggegera at pagpatay sa lord – maaring tumanggi o labanan ang kagustuhan ng panginoong nakakasakop. Hindi pa strictly monogamous ang pamilya ng naunang eras. Monogamous family as we know today, nitong mga huling centuries na lang na-institutionalized.
Anyway, kaiba sa karamihan ng mamamayan, soldiers ang unang nagkaroon ng karapatang magpamilya ng sarili at “ariin” exclusively ang asawa at mga anak na babae. Pribiliheyo iyon ng magigiting na sundalo – gantimpala sa kanila ng mga hari, lords at heneral – sa pagiging matapang nila sa digmaan. Ayon lang, madalas ay wala sila sa homefront, kundi nasa gera. Business nang mga kapanahunang iyon ang panlulusob, pasensya naman. 😉
Noon, inaasahang tapat ang asawang naiwan sa homefront, habang hinihikayat ang sundalong magkaroon ng affair sa bayang sinasakop/ http://www.medbherenn.com
The professional soldier was away most of the time – busy sa conquests.. Ang gera noon ay yaong naghaharap sa field ang magkatunggaling armies, hanggang magkaubusan ang mga panig. Tumatagal ng kung ilang taon o dekada, ang mga labanan at ang pagkalayo ng sundalo sa pamilya… Pinauso raw noon ang sinasabing chastity belt. Nagsisiguro lang daw. Kaysa naman, pag-uwi ng mga sundalo, ang kasintahan o asawa nila – asawa na pala ng iba… 🙂
Hala pa, basta, may mga pelikula at nobelang nagtatalakay nito… Sa atin, pag sinabing chivalric era, damsel-in-distress ang karaniwang naiisip – dilag na ililigtas ng prinsipeng makisig o ng mandirigmang matapang. Ayon lang, si aleng mahinhin ay nasa itaas ng tore o nasa isolated na palasyo (house arrest) o, nasa castle na pagkalayu-layo… Ay sus, kailangan pang labanan ng hero ang mga pirata, brigands at masasamang-loob – bago makarating sa tagong taguan ng dalagang marikit.
Pagdating ni ginoong matapang sa venue, mag-i-slay pa siya ng serpents, dragons, gargoyles na biglang nabuhay at iba pang kakaibang creatures – guarding the lady in isolation and insulation, hihi. Pero, huwag kayo, preserved ang beauty ng damsel – maski pa mga dayami, mga daga, suklay at salamin lang kasama niya sa tore. At ‘yon, siya ay kainaman ng hinhin… 😉
Ay, kung may Twitter na noon, sana, nai-Tweet niya location sa kanyang dashing savior, hihi. O, kung may Facebook sana, nakapag-network siya. After all, di madali ang maghintay ng kung ilang taon, cut off from the rest of the world… O, kung may blog na, naikwento sana nya updates – about cellmates nyang bubuwits. Ahihi, ang sama… 🙂
Anyway, mga kapatid, myth ang chivalric love. Legend… Kwento itong tinangkilik at pinalaganap ng marami at ipinasa sa mga henerasyon – hanggang sa naging larger than life na sa consciousness ng karamihan. Bawat isa yata sa atin, naanggihan nitong myth – sa mga usapan, sa ating mga nababasa at napapanood… Ang nasa likod nito, ang paniniwalang ang babae ay kailangan ng tagapagligtas – isang lalaking matapang sa labanan, pero gentleman. Yes. 😉
Sa pagtatagpo ng dalawa, maiwawaksi lahat ng dusa at pait ng mga nagdaang taon, sabi sa chivalric love/ http://www.pinterest.com
Sa mas modern interpretation ng chivalric myth, bored daw sa buhay nya ang babaeng single. Hindi madaling mabuhay sa inaaraw-araw – suklay ng suklay, abala sa pagtatago ng eyebags at pagtsi-check ng oiliness, ahihi. Samantala, ang lalaki raw namang single ay restless, dala ng sangkaterbang conquests na nilahukan, misadventures at mga paghimpil sa watering holes and brothels. Kailangan niya ng isang katuwang, magdo-domesticate sa kanya at magbibigay ng sense of home…
Sa pagtitiyap ng dalawa, maiiwasan nila ang bane of existence – likelihood na ang babae ay maging spinster at, ang lalaki ay maging lasenggong gala. Ayon lang, marapat nilang lampasan ang mga taon ng pagkainip at ang madudugong labanan – para ma-realize ang sitwasyong magsasalba sa kanila. Ang premise, temporarily dislodged itong select couple sa kanilang rightful place. Sa huli, ang pag-iibigan ang magbabalik sa dangal at lugar nila sa lipunan.
Sa chivalric love, virtues ang pagiging matapang at magiting ng lalaki at ang pagiging mahinhin at pasensyosa ng babae. Hindi sila pantay, sa totoo lang… Ang lalaki ay dapat experienced and been around… Matapang siya, pero larawan ng disiplina at pagiging self-contained, sa harap ng babae. Sa kabilang banda, chaste and preserved dapat ang babae, inosente. Siya ay nasa pedestal, dugong-bughaw at mapino – ngunit kailangan pang kalagan at palayain…
Pre-Romantic era lumaganap ang chivalric love bilang mito – 11th and 12th centuries sa gitnang Europa – na-revive ng 14th century, na-carry over sa Napoleonic wars at may impluwensya pa rin, noong Digmaang Pandaigdig. Common connotation din – ang duel ng dalawang kampo o angkan – para isalba ang nakanti o nadungisang dangal o manly honor. O kaya, magdudwelo ang dalawang lalaki – para sa affection ng babaeng napupusuan. Ahihi, nakakahaba ito ng hair… 😉
Daan taon na raw laganap ang chivalric myth, bago pa ang kwento ng round table ni King Arthur at kanyang knights/ http://www.spanishdict.com
Honor among men sa panahong wala sila sa battlefields, protection of the women and children (bilang mahihina) at courtly love o pagiging gentleman sa mga okasyon – core principles ng chivalry. Ito ay code of conduct ng mga sundalo during peacetimes – pag sila ay nasa korte ng hari o nasa villa (bigay ng hari o lord na pinagsisilbihan). Kung gaano kagigiting sa labanan ang mga piling mandirigma, siya namang bini ng kanilang kilos, in between wars…
Ang Anna Karenina ni Tolstoy ay set noong 1873, panahong ino-observe ang gallantry sa altasosyedad ng Russia. Ngunit, realism na ang take ng narrative ng nobela/ entertainmentrealm.com
Bilang kagawian – may rituals, weapons and tools na kasama – ang pagiging chivalric. May pokus din ang pagpapahalaga sa tindig at deportment – lalo pag ang soldier ay nasa mga pampublikong pagtitipon. Over the centuries, in-adopt ang chivalry bilang manners o refinements sa high society. Katagalan, nag-evolve na rin – from chivalry to gallantry… At hindi na lamang sila kondukta ng high officials ng digma – pati na rin ng mayayaman at mga may sinasabi…
Lumaganap ito – sa elite circles, sa mga gitnang uri at hanggang sa ibaba… Sa ngayon, may mga pelikula, madungis at mababang klaseng tao ang bida, ngunit “gentleman” kumilos (may ganito rin tayong nasasalubong sa tunay na buhay). Mayroon din, babaeng pinagpasa-pasahan na raw ng mga lalaki sa pamayanan, pero sa kilos at attitude, siya ay “lady of the house.” Ang setting ay kadalasan sa isang rundown na pubhouse, sa isang di-kilalang bayan…
Marahil, ipinapakita ng mga ganitong likha – paano napa-popularize ang isang culture na dati, kalinangan at gawi lamang ng mga pili… Sa klasikong Panitikan pala, Don Quixote de la Mancha ang unang aklat na tumuligsa sa values ng chivalry, nalimbag noong 1603. Ang karakter daw ni Don Quixote at ng kanyang kabayo, parody ng mananakop… Ang akda ay satire sa Espanya, isa sa mga unang nasyon sa Europa. Kaaagaw pa lang noon ng Spain ng korona ng panggagahis – pagiging world power – mula sa bansang Portugal.
Kulang-kulang isang libong taon umiral at nanaig ang medieval o feudal system sa Europa. Sa ibang mga kontinente at bansa mas matagal pa… Hindi nakapagtataka, ang feudal culture at ang kakabit nitong mito o, alamat ng chivalry, napakalalim sa kamalayan ng laksa... Kumiliti ito sa imahinasyon ng milyon, sa maraming henerasyon – may rituals and ceremonies, tinatangkilik ng husto at naging way of life na …
Sa chivalric love, dugong bughaw at mapino ang babae, habang mabini ang lalaking tagapagtanggol at mangingibig…/ gynocentrism.com
Ang chivalry ay isang kabigha-bighaning kwento – miyembro ng nobility ang mga bida, set sa mga kahariang may palasyo at kastilyo at, may mga balakid na kahindik-hindik. May mga moog na dapat pabagsakin, standing armies na kailangang lipulin at prinsesang kailangang iligtas… Mayroon ding magic spell, black spell, pirates and bandits, dangal na nakasalang at sa huli, gantimpala – matamis and hard-earned na pag-iibigan.
Bakit hindi sisikat at tatangkilikin? Hindi ba ganito ang buhay at pag-ibig na pinapangarap ng bawat isa? 😉
Maiba tayo sandali, ang tragic love story nina Romeo at Juliet, star-crossed lovers, naisulat ni Shakespeare, 1595. Marami ang nagsasabi, “romantic” ang kwento ng pag-iibigan ng dalawa. Kung mag-i-istrikto, chivalric love ang ipino-portray sa nasabing akda. Ang romantisismo bilang philosophical thought at kilusan sa panitikan at sining, lilitaw at madi-develop, bandang dulo pa ng 18th century.
Bukod sa may duel scene sa Romeo and Juliet, may warring families sa kwento, siyempre, at may balcony scene (na siyang nakaka-in love, hihi). Ang eksena sa balkonahe – nagpalitan sina Romeo at Juliet ng moving dialogues habang si Romeo ay naglalambitin sa vines-vines – katulad ng sa chivalric narrative — may prinsipe sa ibaba, may royal-blooded na dilag sa itaas, anxious sa kahihintay sa matikas nyang tagapagligtas. Pansinin, nasa pedestal pa ang heroine, sa Romeo and Juliet…
Marahil, romantic ang istorya nina Romeo at Juliet pagkat tulad ng mga romantikong likha, maraming ulit pumapel sa kwento ang chance. Present din ang isang element ng romantisismo – seeming impossibility of the situation. Pasensya na, uuna ng kaunti sa discussions on romanticism… Ay, sus, nakakatunaw ang romantic stories… Gaya rin naman, nakakagiliw at nakaka-flatter palagi ang bawat encounter natin sa chivalric acts (rare ang chivalric and gallant men), hihi.
Lalagi sa atin ang alaala ng Paris, sabi ng bidang lalaki sa bidang babae sa pelikulang Casablanca/ movies.film-cine.com
Touching ang romantic beliefs and stories – kaygaganda, gayong hindi nari-realize ang pag-iibigan, pasaway… Halimbawa, ang Gone With the Wind at ang Casablanca, mga pelikulang nakatatak sa ating mga puso. Hindi doon nagkatuluyan ang mag-sweetheart. For some reason, hindi… Bilang palabas, nakakakilig sila at nakakahipo sa ating pakiramdam. Bilang manonood at taga-pakinig, paulit-ulit natin silang binabalikan, gusto nating isulat muli ang kwento…
Sa chivalric narrative, larger than life ang hero at heroine at sangkatutak ang balakid sa kanilang pag-iibigan. Sa romanticism, ibababa na mula sa pedestal ang babaeng birheng ubod ng hinhin, habang ang herong kakaiba ang tapang at nagmula pa sa malayong kaharian, medyo magmumukha nang tao. Hihi, oo, yon… 😉 In ordinary human form ang mga bida sa romantic narrative, mga kapatid. Malo-localize din ang kwento.
Sa romantic narrative, wala nang kastilyong matayog, may bantay na ubod ng bangis at nakakatakot, sa isang malapantasyang lugar… Mga taong pangkaraniwan na ang bida rito – may kalakasan at kahinaan, may kadakilaan at kababaan. Tao bilang individuals ang tina-tackle sa romanticism… Ang heroes ay di na maglalakbay ng milya-milya o maghihintay ng mga taon, kasalubong ay dangers and adventures.
Subalit, may inner journey madalas sa kwentong romantiko, may inner turbulence and conflicts. Mga panloob na ligalig ng human beings, madalas na tema ng romanticism.
Kako dati, pagkaromantic ng nobelang Frankenstein ni Mary Shelley at ng Les Miserables ni Victor Hugo. Set locally ang Frankenstein, sa estate ng isang upper middle class family sa Geneva. Ang bida, si Dr. Frankenstein, namatayan ng asawa. Mahal na mahal niya ang kabiyak, nilabag ng doktor ang Hippocratic Oath – tinangka niyang buhayin ito muli. Most dramatic scene? Noong isinasayaw niya ang esposa – wala pa ring buhay. Palpak ang experiment…
Ang Les Miserables, sa kalsada ng Paris at sa isang liblib na bayan sa Pransya ang settings. Ang most dramatic scene…. di ko ikukwento, ahihi. Ayyy, basahin nyo…. True, dati ko pang ini-endorse ang aklat sa posts. Wawa naman me, para nang sirang plaka, hihi… Basahin nyo Les Mis, tapos kwento kayo, sige na… Bakit at paano sumisibol ang pag-ibig sa mga tao sa low class districts? Tapos, lagyan nyo na rin ng video nyo ng I Dreamed a Dream, ahihi… 😉
Magkasabay lumago bilang philosophical thoughts and movements ang romanticism and nationalism. Bilang sentimyento ng tao, matagal bago sila isinilang, na-develop at lumaganap. Namayagpag muna at tinangkilik ng husto ang chivalric narrative, bago pa nakilala at niyakap ng mga tao ang romantisismo at binigyang buhay ito sa nationalist movements. Sabi ng kwentong chivalric, travel and conquer the world, brave its dangers, be noble and patient, for in the end, you will find your one great, true love. Ayiii, kakakilig.
Kabaligtaran ang romantic narrative – kwentong conquer the self ito, ahihi. Oo, may trek back to a time long gone ang romanticism – pag-alam sa panloob na desires, impulses and long-held beliefs ng tao. Ang promise naman nito, pag nakilala ang sarili, noon kakayaning magmahal ng tao. Pero, at the same time, siya ay nanawagan ng pagkakaisa – nationalism – pagsasama-sama ng mga grupo, para sa mithing mas magandang bukas. Ahihi, nosebleed? Basta, parang ganito – birthing ng nation, birthing din ng individual. Ganoon daw, sabi sa history of ideas…
Matatagpuan ba ang tunay na pag-ibig sa romantic narrative? Almost. Yown… Tangential ang relationship and connection na ipino-portray sa kwentong romantiko. Pasensya (sa inyo at sa akin, hehe), may Math. Math talaga… Isang tuldok na lang, buo na sana ang circle. Pero, hindi nailagay ang kaisa-isang tuldok na iyon sa romantic narrative. Kaya nakakainis… Pag nanonood o nakikinig tayo ng romantic love stories, gusto nating palitan ang ending. Kaya rin ito addictive – parang gusto nating itama ang mali? Gusto natin, tayo ang writer at director ng kwento (hahaha, feelingera lang).
Sa nationalistic movements o sa pagsasabuhay ng romantic ideas, may patayan at laglagan sa hanay mismo ng mga namuno sa kilusan, para maipundar ang isang nasyon. Kung babalikan ang history ng mga bansa sa Europa at Asya, may ganyan parati. Maaalala natin, may na-coin na phrase, “the blood of the sons and daughters of the revolution. “ Yown. May betrayal lagi, for some reason. May pagtalikod at paglayo… Hindi raw madali ang pagsilang ng indibidwal at ng nasyon. 🙂
Bibihira na ang mga lalaking nagbubuhat ng silya para sa babae/ dalrock.wordpress.com
Anyway, ang gusto lang naman natin, buhay na may pag-ibig. Para naman masaya… Ke-chivalric pa iyan, ke-romantic ang narrative- narrative, basta nararamdaman nating in love tayo at loved din, hihi. Naman… Siyempre, gusto natin, may fairy tale – para maski minsan, maranasan nating ma-sweep off our feet. O, di ba? Oo, yong hindi simpleng nagka-crush (crash and burn), hihi o, nag-fall at hindi na nakabangon, ang sama…
Ay, gusto natin ang pakiramdam na minsan, may handang magpakamatay para sa atin (ang sama talaga). O kaya, minsan, magselos tayo ng matindi, parang handa tayong pumatay at lasunin(hihi) o pulbusin – ang kaagaw natin sa pag-e-beg, haha (masama talaga ang epekto ng love 😉 ). Gusto nating maranasan lahat-lahat, as in…
Iyon yata ang point – ang pag-ibig ay pagdanas ng buhay in its fullest and most various. Yown. Kaya ito mahirap makamit agad, sabi…
At ang tao raw, daraan sa stage na chivalric pa ang concept natin ng pag-ibig (fantasy world daw ang chivalric love and often leads to frustration and abuse) at sa romantic stage, kung kailan andyan na at halos hawak na natin – pero di nailagay ang kaisa-isang tuldok. Pero, may natutunan tayo rito, marami itong ibinukas para sa atin… Pagkatapos, handa na raw tayo sa totoo…
Realistic daw ang tunay na pag-ibig, mga kapatid. Para nga… Tingin nyo? 😉