Point Zero

Kumusta, ka-blogs… Mag-iisang taon na yata akong wala, parang wala nang karapatang mangumusta, hehe. Basta, kumusta pa rin… Pasensya na, nagkasakit ako. Worst na pagkakasakit  ito, so far. Kamuntik na.  Anyway, buhay pa maski paano. Alam ko, bad timing, pasensya na. ..Walang kinalaman sa mga pangyayari rito sa blogging world ang pagkakasakit. Basta, hindi  absent dahil sa mga okrayan, owki? 🙂

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

O, sya, kukwento muna uli ang inyong lingkod para makabawi kahit paano…  Medyo matagal ko nang gustong isulat itong topic. Naaalala nyo, pag nagsusulat ang lola nyo sa English site, basta nagbanggit ng lugar sa sulatin, sinasabi rin gaano iyon kalayo sa capital? Halimbawa, sabi, ang Taal Basilica, 65 kms. South of Manila, ang Ilocos, 500 kms. North of Manila at ang Visayas region, 600kms. South of Manila. Hindi iyon para pa-nosebleed-in ang reader, hehe. Medyo ganoon daw pag pini-presume na foreigners ang magbabasa…

Ang premise, walang masyadong alam tungkol sa bansang dini-discuss ang readers. O, kung mayroon, konti lang… Halimbawa, very likely na capital lang ng Pilipinas ang alam nila. So, parang tuturuan ng nagsusulat, igi-giya niya ang reader, paano pumunta sa lugar na pinag-uusapan by saying how far the place is, from the country’s capital. Pag minsan, hindi lang kung North or South ang dapat ilagay – kailangan ding sabihin kung East or West. Iyon, ilalagay kung x  kms Northwest or x kms Southeast. Parang tinutulungan daw ang readers na maglakbay sa bansang ikinukwento? Parang ganoon…

Kung di gaanong pamilyar, basa kayo pag may time ng international page ng dyaryo. O, kaya ng Time magazine feature story, ganyan… Mapapansin nyo, kunwari ang ibinabalita sa article, tungkol sa isang bayan sa Peru… E, shaks na ‘yan, wala naman tayong gaanong alam about Peru except Machu Picchu, Incans at tortilla, haha. Puro dinig-dinig pa, kainaman na… I mean, wala naman tayong gaanong nasasalubong na Peruvian, di ba ga? Mexican, meron. O, kaya, movies about Colombian syndicates, haha. But not Peruvians… Mas sa History subject lang natin nasalubong ang Peru – ipina-memorize. O, alala nyo pa capital ng Peru? Korek, Lima! Lima na hindi five, hehe. Apir… 🙂

Anyway, pag nagbasa ng balita o article about isang bayan sa Peru, sa unahan, nakasulat agad ang Lima or ang major city ng bansa kung saan naka-base ang journalist na nagsulat. Makikita nyo, naka-enclose iyon sa parenthesis, bago mag-umpisa ang article…. Tapos, sa loob ng istorya, sasabihin kung ilang kilometro ang layo ng bayang pinag-uusapan  – ilang kilometro o milya mula sa country’s capital. Medyo ganoon… Para ring sa blog, bale tutulungan ang foreigner o isang di pamilyar na makalibot sa bansa, kahit sa pagbabasa lang… Mas mapupukaw daw ang interes ng bumabasa kung kayang i-locate ng isip or imagination nya ang lugar sa istorya o sa balita. Kahit pa, 5000 miles away siya, kung tutuusin…

E, asan ang Point Zero? Hihi, di nga… Aba, siyempre, dahil nasabi natin kung 65, 500 or 600 kilometers ang layo, ibig sabihin, may reference point – ang point zero. Pwera biro, may Point Zero talaga sa bawat bansa… Iyon ang umpisa, ang pinagsusukatan ng distance ng bawat lugar sa territory. Asan ito? Nasa Maynila? Sure? Final answer? Hihi, tama… Pero, asan sa Maynila? Nasaan sa Maynila ang Point Zero ng Pilipinas? Uy, totoong lugar ito, may marker at higit sa lahat, pwedeng puntahan… Ang Point Zero, mga kababayan, matatagpuan sa pinakatagong lugar na kung tawagin ay Luneta. Opo, andoon.  Malayo-layo sa giant statue ni Lapu-lapu, pero andoon sa parke. Kilometre Zero pala ang isa pang tawag, represented by Km 0, yon.

Actually, sa news and public affairs ng dalawang major TV stations, dalawang beses isang taon nila ipini-feature ang Point Zero. Hindi ko alam, baka mas madalas, pero twice a year ko lang natityempuhan… Basta, may reporter na pumupunta sa Luneta at ikinukwento kung ano halaga ng Point Zero sa buhay-buhay nating mga Pinoy.  Ngayon nyo lang narinig? Oks lang, kesa naman sa hindi nalaman… Tsaka ganito, pag nagbu-bus tayo papuntang probinsya, sa ticket natin, nakalagay ilang kilometro ang layo ng pupuntahan  – 80, 100 or 120 kms. ganyan… Oo, try nyong halughugin ang huling bus ticket, may kms talagang nakalagay ro’n. Sa Point Zero iyon ibinase. Hihi, aliw?  Ako man…

  • An odometer or odograph is an instrument that indicates distance traveled by a vehicle, such as a bicycle or      automobile. The device may be electronic, mechanical or a combination of the two. The word derives from the Greek  hodos (“path” or “gateway”) and metron (“measure”). In countries where imperial units or US customary units are used, it is sometimes called a mileometer or milometer.

–              From Wikipedia, the free encyclopedia

Sa highways natin, sa gitna or islands, usually may sementong markers. Nakalagay ro’n gaano na kalayo ang lakbay, gaano kalayo mula Point Zero. Observe nyo pag pa-probinsya, may mga nakausling semento every kilometer of the way. Anong relevance sa atin? A, e, try nyong maligaw sa lugar na di pa marked ang roads, haha… Di nga, pakiramdam, nasa kadawagan, parang nag-i-stretch sa magpakailanman. Sa una, masaya… Until napansin nyong ang lalayo na ng pagitan ng bahay-bahay at parang walang mga tao sa lugar? Sakaling walang signal ang cell phone, patay… You are lost, officially, hehe. O, basta, pag nangyari yaon, kalma lang at hanap ng tagaroong magtuturo paano bumalik, sa daang kokonekta na sa national highway. Tandaan, don’t panic. 🙂

Ang alam ko rin lang dati, saan ang stop-over ng bus … Tapos, yong green signboards sa tabing-daan – Sta. Rosa exit, Calamba exit, San Miguel exit, Norzagaray exit? E, basta, yong mga ganoon ang tinatandaan, lalo na noong bata pa. E, ganito … Sa amin, pa-Southern Tagalog, may about 20 years na naranasan, ang dalas masiraan ng bus pag pauwi. Nag-o-overheat daw ang makina, iyon usual na paliwanag. Tapos, ihihinto kayong mga pasahero sa shoulder ng highway, pababain lahat. Maghihintay ng susunod na bus from the same company… Pag swerte, 15 minutes lang, makakasakay na uli. Other times, mga dalawang oras, mukha nang campers ang passengers, may dumi-dumi sa tuhod at siko. Nalanghap nyo na lahat ng usok ng malalaking trak, haha. Tapos, ang init… Mainit usually sa gilid ng highway at walang nabibilhan ng tubig at tissue, ‘yon.

Pero dahil sa mga pagkaantalang ganoon sa byahe, doon ko napansin at na-appreciate ang markers sa highways. May sukat pala talaga, may indicators ang mga lugar…  Sa ganoon nalaman pangalan at approximate distance ng bayan-bayang dinaraanan. Siyanga pala, geodetic engineers daw ang nagsusukat at gumagawa ng markers sa daan. Isinusunod raw ang mga iyon sa international standards…

Anyway highway, basta sa mga naisulat na may kilometer ng lugar na nakalagay, hindi pampaarte yon sa panulat at di rin panakot, ahaha. Kumbaga, device yaon para gawing reader-friendly ang sulatin… Owki? Apir. 🙂

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ka-blogs, may sakit lang po ang lola nyo the last 10 months, kaya absent from the scene. Around the time na ini-edit huling post na 40km, masama na lagay… Hindi raw nagme-metabolize properly ang katawan at naapektuhan na ibang organs and functions. Kumbakit tumyempo sa kasagsagan ng kontrobersya dito sa blogging, di ko po masasagot. Ang alam ko, series of unfortunate events ang nangyari. Parang naka-quota na sa misfortunes ang blogger dito… Am sorry, di na nakabigay ng notice, lalo pa sa subscribers ng sites. Pasensya na… 🙂

Batid ko, hindi tumigil sa pang-ookray ang okrayers na tila baga pagkalaki ng kalaban, kailangang mai-bring down at all cost.  Am sorry, hindi po. Hindi po ako kalakihan o kalakasan, saan ba galing ang ideyang iyon… Sa pagkatanda ko, ang huling sinabi sa kilometric post, hindi ako maghahabla at tigilan na nila ang bullying para sila ay makapahinga. Tigilan na nila para hindi madagdagan ang guilt at paranoia sa mga nangyari. Ay sus, ito ngayon at tila ang intindi at pinalalabas pa rin, e, ihahabla ko sila? Mga kapatid, precisely kaya piniling huwag maghabla kahit pa may enough and valid reason to do so, e, para walang matakot – para wala ‘yong sinasabing chilling effect sa bloggers.

* Sa kabilang site po ilalathala ang karugtong nitong mensahe. Pakiabangan lamang sa darating na limang araw… Salamat. Sana kayo ay nasa mabuti… 🙂 🙂 🙂

  • Sa isang araw na ang pic for this post, ha… Nalimutan na ng blogger paano magkabit ng pics, hehehe.

17 thoughts on “Point Zero

  1. Hello po. Salamat naman at mabuti ka na. Isang palatandaan ang bagong poste. Matagal din akong naghintay at pasilip-silip dito sa iyong bloghay.

    Ganun pala yun ang matinong pagkukuwento, kailangan may halos eksaktong sukat sa kuwento. HIndi lang malayo at malapit. Salamat po sa tip na ito.

    At salamat din dahil mali pala ang pagkakaalam ko sa point zero ng Pinas. Ang akala ko ay sa City Hall ng Maynila, yun pala ay sa Luneta(Medyo malapit na rin naman).

    Naalala ko tuloy ang sinasabi mo na istasyon ng isang bus company dati sa Southern Tagalog na BLTBco. Kapag nasiraan ay daraan sa Calamba para gawin o palitan ang bus.

    Salamat din sa iyong pagbisita sa aking mumunting bloghay, na medyo panandaliang din natigil na masundan ng bagong poste…busy kasi sa APOstolic works dito.

    Ingat palagi and God Bless!

  2. Welcome back. Alam ko ang kilometer 0 ng Pilipinas, kasi madalas kami doon noon, pinapagitnaan ito ng kalabaw at ni Rizal. Ang komentong ito ay 12882 kilometro ang pinangalingan mula sa Maynila. 🙂

  3. San! Ang haba pa din ng post mo. Baka mabinat ka hehehe ^_^
    Pagaling ka ng husto at makapgsulat ka pa ng mas mahaba dito hehehe
    Nakaka-miss ka… (…at sila din).

    Point zero may picture kami doon (8 years old yata kami noon). Maghang-mangha pa noon dahil 0km ang nkasulat. At doon nagsisimula ang lahat (sabi ni tiyo). 😉

  4. Noong bata pa ako takang-taka ako kung bakit may mga number ang mga poste sa mga kalapit probinsyang napupuntahan namin, then kalaunan ako na mismo ang umalam ang dahilan. ‘Yung mga news na isinisingit ang number of kilometers mula sa pinaka-landmark ng bansa ay ngayon ko lang nalaman ang dahilan gaya nang pagkakaalam namin sa dahilan kung bakit nawala pansamantala ang writer/blogger dito.

    Pagaling ka Ate San. Marami pa kaming malalaman at mababasang impormasyon mula sa’yo. 🙂

Mag-iwan ng puna