sasamahan mo ba akong magbilang ng mga bituin?

 

Kung aking sasabihin, mga sakunang dumating

Iyo bang wiwikain – o, sinta, sumandal ka sa akin?

Malumanay ang bitiw, magiliw ang paling

Matatas ang tinig – iyong lungkot, dito ihabilin.

 

Kung masakit na kahapon, ako’y biglang dalawin

Kamay ko ay hahawakan at lubos na diringgin?

Tahimik na maglalakbay, sa ibang papawirin

Wika ay sasamahan kita – sa iyong paninimdim?

 

Image of lovers under the moonlit sky

Ako ba ay iyong mamahalin, mula sa buwan, mga bituin at pabalik?πŸ˜‰ / quoteko.co

 

 

 

 

 

 

 

 

Kung aking ihahayag, binabatang mga suliranin

Matamang makikinig, mapang-unawa mga tingin?

May pagsuyo ang haplos sa tulirong damdamin

Magalang na wika – dusa mo giliw, anupa’t akin din?

 

Kung isa-isahin, mga pangarap na ibinulong sa hangin

Mga hinagpis ng buhay, mga bigwas na anong tulin

Sasabihin ay hwag mag-alala, malamyos na sasabihin

Irog ko – ika’y sasamahan, magbilang ng mga bituin?

 

Kung ipapaabot sa mga ulap, mga munting hiling

Sa langit ibubulong, yaong kapirasong dalangin?

Nawa’y magkaroon ng katuparan, mga nais at ibiginΒ 

Ng sinta kong tangi, magkayakap – atin silang tutupdin.πŸ˜‰

 

84 thoughts on “sasamahan mo ba akong magbilang ng mga bituin?

      • Just one more chapter…. then have a power nap for 3 hrs… then off to school…… ha, I guess you’re aware I’ve been like this since forever…. I lack sleep….

      • oh, i used to do something similar in my student days – sleep by 1030pm, wake up at 2am to study and back to sleep by 430. then, wake up again by 7 or 8am. it’s alright when one is in her 20s, i guess. as one gets older, less stamina, ahaha. have a good sleep & good day…πŸ™‚

  1. ang gandaaaaaa!

    sasamahan kitang bilangin ang bituin
    kahit abutin ng ulan at ulap ay dumilim
    basta’t ‘wag kang lumisan sa aking piling
    lahat ng pagsubok pipiliting kayanin.
    ngiti mo’t ngiti ko’y ating pag-iisahin

    haha, nagtatrying hard lang ako, sensya na.
    ang husay naman ng iyong tula babalik na tayong lahat sa pagkabata nito.πŸ™‚

    • salamaaat! Limarx…πŸ™‚

      kung kamay ko ay hahawakan
      habang langit, sabay na minamasdan
      pupunasan ba mga luha – sa matang nahilam?
      sa gitna ng pagsubok, di mo gagawing lumisan
      tunay na lalagi, dito sa piling ng ‘yong hirang?πŸ™‚

      hihi, trying hard din lang ako, ba’t ba… bata pa tayo, nai-enjoy pa natin nursery rhymes, hehe.πŸ˜‰

  2. hmmm mahirap bilangin ang bituin kasi naman… sabi nga nila…. may “nagkatago sa likod ng mga tala”.

    sobrang layo nila di natin makikita ang mga nakatago baka di rin mabilang. seryoso hehehehe.

  3. Sasabihin ay hwag mag-alala, malamyos na sasabihin

    Irog ko – ika’y sasamahan, magbilang ng mga bituin?

    Ate San… grabe ang kilig ko dito, feeling bumata ako ng 10years… hahaha..
    kahit inis na inis ako kahapon sa letseng connection ko..

    na iimagine ko kung gaano kalamyos ng tinig na tila bumubulong sa aking tenga.
    super… :)…

    • hihi, 10 years talaga? pambihira…πŸ˜‰ ey, me nagsabi na nyan sa ‘yo? sa ‘kin, wala pa, kainaman na, haha… ^^

      talaga naman, binulungan sya ng napakalambing. won over ka na ba, kapatid, pag gano’n? panalo na pursuit ni manlalandi, errr, manliligaw? hihihi.

      kaway-kaway, babetski. salamat sa pagdalaw…πŸ™‚

  4. wow….and I mean..wow…kababalik ko lang and I got a poem waiting for me – what a treatπŸ™‚ syempre after reading it ever so slowly tsaka ko lang na gets, haven’t opened the trusty online dictionary yet to help enrich my understanding. but I do agree with the others, it’s beautiful ate san even with my limited translational powers. I would love to count the stars with you, too – feeling amateur astronomer/astrophotographer naman ako eh jejejeje…and I’ll bring along my google sky map para malaman natin ang pangalan ng mga bituin na yan jejeje every single one kung type mo..

    have a wonderful weekend, kaway kaway habang nagbibilang ng mga estars…

    • hullow, Mary. ahaha, salamat, dear. natuwa nga akong mag-rhyme dyaan sa poem, pasensya sa ilang words na malalalim. panimdim is parang what one feels inside, parang ruminations na may sorrow, parang gano’n. hihi, pina-nosebleed ko nga yata kayo. basta…πŸ™‚

      ahihi, tara, stargazing tayo, dalhin mo iyong sky map…. sa UP dati, may astronomy groups do’n, may heavenly bodies hour silang nalalaman, haha. nakikisilip din kami ng friends ko, maski di naman namin kabisado constellations and such, whehe.

      ba’t ba? curious kami, ya’n ang peg namin no’n.πŸ˜‰ salamat for the appreciation, sister…

    • hello, Hoshi… aliw at napadpad ka uli dine.πŸ™‚ ay, love poem ire, kapatid, whehe – pahabol sa February. haba masyado ng previous post, kaya gawa ng medyo madaling unawaing tula…πŸ™‚ a, about serious na tanong, sinasagot in a casual or medyo malayo ng ka-blog/s, true! nangyayari yan, dear. hula ko, afraid or asiwang maging straightforward mga tao these times? especially sa virtual settings, ahaha… pero, di naman lagi, i guess. pag minsan, oks rin sagot nila, whehe.πŸ™‚

  5. β™‘β™‘β™‘ pumapag-ibig tayo ngayon ahπŸ™‚

    Halu ulit! Kumusta you at sa kasama mong nagbibilang ng mga bituin?πŸ˜‰

    Stay inspired kapatid.. Love love love!

    Keep safeπŸ™‚

    • Hello, biag. Kumusta na, kapatid… Always glad na makita ka rito, kakatuwa… Ayon, busi-busihan. Hihi, walang kasamang magbilang ng bituin, hahanapin pa. Ihanap mo kaya me? Ahaha. Gusto ko, yong mature saka masipag, yong maibibili me ng house na may yard tapos, may puno-puno, hakhak. Ayan, may specs, ha… Ikaw, me kasama ka nang magbilang ng mga bituin? Hihihi…

      Best regards sa yo and love, love, love din…πŸ˜‰

      • Yan naman tayo eh, laging beeeezzzy, kaya alang panahon makipagbilangan ng mga bituin eh haha..

        natawa ako sa qualifics, pano mahahanap yun? eh busy nga kase masipag.. mature? as in tanders? haha.. kaya lang kita ihanap ng house na may yard tapos may puno-puno… pero di ko sure yung bibiliπŸ˜›

        ako naman ay mag-isa ring nagbibilang… ng mga buwan… sa kalendaryo hahaha…
        haist, uwing-uwi na aketch, hirap dito kapatid.. walang kainuman, tsk tsk..

        anyways, salamat, at patambay nalang ulit sa bakuran mo next off ko hopefully kung maka off.

        ingats over thereπŸ˜‰

      • hello again. biag, kumusta na… busi-busihan lang, kapatid. saka, ang init dito, pramis…

        a, e, di ko rin alam, whehe. hihi, matanda na siguro since matanda na rin ako. but not really… mature mag-isip, kaya akong dalhin at intindihin, haha. a, e, kung yard na may puno, marami nyan sa New Manila at sa QC area, di ko kilala mga may-ari. di rin nila ako balak kilalanin, hakhak…πŸ˜‰

        a, talaga, you’ve plans of coming home to the Phils. this year? kakaaliw naman… wala kang makabarkada dyaan? hanap-hanap ka, friendly naman tayo than Westerners, di ba… after a while, may makakatambayan ka na at makakainuman yihee…πŸ™‚

        anytime, dear. daaan-daan ka rito. ako man, sana makadalaw sa may inyo agad, uli… relax-relax ka, pag may time. salamat at ingat din…πŸ˜‰

    • hello, plaridel… nakasilip na ako uli. pero, di pa nakaka-join. medyo maraming iniintindi, di maka-blog. may technical problem din pati lola mo, di pa ayos. try ko in the coming days, thru my english blog na siguro. thanks uli, ha… kind regards.πŸ™‚

  6. Naman! ^_^
    Pagsinta hihi

    Hallo San… Kumusta na?
    Nawa’y ayos n ayos ang lahat.

    Buti na lng dito pwede bilangin ang visible na bituin.. Lima lang yata ang pinakamaraming nabilang ^_^. Pwedeng pwede bilangin mag-isa,hindi na kailangan ng kasama… @_@

    • hello, Froggy… peb-ebeg, naman…πŸ˜‰

      ayos naman, buhay pa. ikaw, musta rin… ba’t tagal mo nang alang posts. nami-miss ko writings mo. malamig pa ryan, dear?

      ahaha, wala ka pa ring kabilangan ng bituin. dali, hanap ka na tapos, hanapan mo rin me, pagkatapos, haha. mas maigi ang may kasama, believe me.πŸ˜‰ warm regards, Zel…πŸ™‚

  7. Reblogged this on Miss Yennie Verse and commented:
    Very much in love with this literary work. It amazes me how there’s not a single English word in it. It’s not every day I get to read a pure Tagalog writing or even hear anyone speak like so. I wasn’t expecting anything like this in this era. Kudos to the author!πŸ˜€ keep it up mate! Enrich the Filipino cultural art. Nakakainspire ka. Salamat!

  8. Hinid kona siguro mabilang ang mga bituing nagdaan sa akin, pero minsan silang kimislap kaya ko sila napansin.
    Pero kung gusto mong samahan kitang magbilang ng iyong bituin, sasamahan kita na may dalang dalangin.

    • ahaha, bituin is metaphor for love para sa ‘yo, kiko? actually, parang metaphor sya for chicks, for you, ahaha. senga? but hey, ibang metaphor ang mini-mean dito sa poem ng “magbilang ng mga bituin,” kapatid. iba, hihi…

      pero natuwa me na parang poetic ka sa ‘yong comment.πŸ™‚ musta…

      • Hindi ko akalain na pag-ibig ang nasa iyong damdamin, ang sa akin lang ay mga kaibigan naparang bituin na misan napansin at sumikat sa aking paningin.

        Poet lang ang peg San… he he he..
        ikaw naman chick ka agad di pa pwedeng friends muna lol.

        eto ako … basang basa sa ulan.. este OFW parin..

      • hello,kiko… a,ang tula sa itaas is really a love poem, kapatid…and it is addressed to one person only, naks… basta, di sya metaphor for people-gazing – chicks,friends,strangers o sama-sama na. yown… what it is saying is, if you are the one, hihi, (the one talaga), would you dare the impossible with me? or, will you fight the odds with me? will you be with me in my dreams, ahaha. basta, just as i explained to Ren in the comment above.πŸ™‚

        ay,tigilan mo ‘ko,kiko sa “friends lang muna”line mo na yan. hindi ata bagay sa isa dyan? hehe, peace!hmnn, mga hirit mo,pambihira….di ata talaga bagay, lam ko, di ka bait,hoho.πŸ™‚

      • hehehe ayiiiiii talaga yung feeling na yun hahaha! Oks lang ako, Ate San. Tambak trabaho pero humihinga pa naman haha! I hope you’re doing great, too!

      • hi, Ms. N. hala, panalo pag ikaw ang napapa-ayiii. mukha ka atang no time for love, hihihi. pero, para ring pag ikaw ang nagmahal, seryoso at pangmatagalan, hoho. hula ko lang yan pow… ako naman mamamatay na sa init, kokonti natatrabaho, hakhak. di mainit dyaan?πŸ˜‰

      • On the contrary, Ate San, namumukadkad ngayon ang lovelife ko ahahaha! Ayiiiiih!πŸ™‚ At, totoo ka dyan, talagang seryoso at pangmatagalan ang love ko. Aba, ay em nat getting eni younger haha! Otsenta anyos na ako at nirarayuma na kaya kelangang ang foresight ay pang-forever love na pagdating sa lovelife ahahaha!

  9. Mahilig akong tumingala pero hindi naman ako nagbibilang ng stars. Mas trip ko ang tumingin sa moon. Ewan ko ba. Pero pwede kitang samahan magbilang ng butuin kapag trip ko lang gawin. Hehehe! Kamusta na? Nagbalik na ako. Hahaha!πŸ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s