Bilang isang kamalian

 

Magandang araw, mga ka-blogs! 

 

Bilang isang blogger at isang mamamayang matagal-tagal ding tinustusan ng buwis sa pamantasan, ako ay naa-alarma sa tahasan at walang habas na paggamit ng pariralang “bilang isang” sa maling paraan. Nitong mga huling panahon, parati ko itong naririnig sa mga panulukan kapag naglalakad, bumibili, tumatambay o simpleng napapadaan sa mga umpukan at usapan. Sa tuwing  mangyayari ito, ako ay walang masabi at magawa – kundi ang mag-double take. Hano raw? Bilang isang

 

image of a man seething because something is wrong

Minabuti kong ibahagi sa inyo, tingin ko ay may mali/ toptenz.net

 

Sa tingin ko, sa dinig ko, tila ginagamit ang nasabing parirala bilang kapalit ng mga salitang “since” sa English o kaya naman ay “dahil,” sa Tagalog. Narito ang isang halimbawa –

 

Estudyante: “Bilang ako ay isang late na, um-absent na lang ako.”

Estudyante 2: “Ah, gano’n? May point ka ryan.”

 

Ay, sus, malinaw – since ang kanyang ibig sabihin…. E, ba’t kaya ayaw nya ng the good old dahil? Ewan ko lang, serviceable pa naman ang dahil bilang isang salita. Hindi siguro kasing-cute, pero naman… Hindi ba at kaya nagpakapagod, nagpakapuyat at tumanggap ng labada ang ating mga Nanay noong araw – para matutunan natin ang tamang gamit ng mga salita? Kesyo iba raw magsalita ang may pinag-aralan – madalas sabihin ng ating mga magulang noong bata pa tayo at hindi pa natin makuha kung bakit kailangang pumasok lagi gayong mas masarap mamaluktot at maglaro lang pagkatapos? Ewan ko lang…

Ang tamang gamit ng bilang, lalo pa kung may kadugtong itong isang,  ay as sa English. Ang pinapatungkulan nito madalas ay ang papel o role ng tao, bagay o pangyayari sa pangungusap. Naririto ang ilang halimbawa ng gamit ng bilang pag ang pinag-uusapan ay mga bagay –

 

1. Bilang moda ng pakikipagtalastasan, napaka-kumbenyenteng gamitin ng cellphone.

2. Mainam kung may soda crackers lagi sa bag, bilang pantawid-gutom.

3.  Bilang aplikante, mas maigi kung darating sa panayam ng mas maaga.

 

Sa karamihan sa atin, doon yata unang nakasalubong ang salitang bilang sa Panatang Makabayan, ang pledge o Patriotic Oath na nire-recite noong araw, sa tuwing may flag ceremony. Sabi doon, “bilang ganti, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang.” Pag sa English, ang ibig sabihin ng bilang ganti ay in return. Kung mapapansin ninyo, ang bilang ay ginagamit sa tuwing ang pinag-uusapan ay duty, responsibility o requirement – bagay na expected tayong gawin o sundin. Ito siyempre ay applicable sa mga taong naniniwalang there is such a thing as duties. Kung sa paningin ng iba ay wala nito, e, di, wala akong sinabi, hehehe…. Narito ang mga halimbawa ng paggamit ng bilang kaugnay ng tungkulin –

 

1. Bilang estudyante, tungkulin ninyo ang mag-aral ng mabuti.

(As students, it is your duty to study well)

2. Bilang mamamayan, tungkulin nating sundin ang mga batas-trapiko.

(As citizens, it is our duty to follow the traffic rules)

3. Bilang blogger, magandang asal ang sumilip din sa blogsites ng iba.

(As bloggers, we are ethically required to visit other sites)

 

Pero ‘yun nga. Nitong mga huling panahon, panay na panay ang maling paggamit ng bilang isang sa bawat kanto, sa bawat palabas at sa napakaraming usapan. Noong isang gabi lamang, napanood ko si IC Mendoza na may ini-interview na kapwa artista at ginamit nya sa maling paraan ang nasabing parirala. O, nilagyan nya ng bilang isang ang kanyang sinabi, kahit hindi naman dapat… Siyempre, pag bading ang nagku-kwento, laging nakakatuwa at buhay na buhay. At saka, alam naman natin ang kontribusyon ng mga bading sa pagti-trend set ng mga salita, sa paggawa nitong mas dynamic at mas nakakatawang pakinggan. Pero kahit pa, ang paggamit ng bilang isang para gawing tila mas importante ang sinasabi kaysa sa actual na worth nito,  may limitations din, tingin ko…

Kung tutuusin, hindi ito malaking bagay sa mga taong marurunong na, alam na kung kailan at paano ang tamang gamit ng parirala. Pero, para doon sa mga batang bagong nag-aaral, sa mga kakaunti ang inabot na aral at sa mga huminto na sa pag-aaral, wari ko (wari lang naman), hindi makakabuting kung alin ang mali, siya pang lagi nilang naririnig at ginagamit dahil pinalalaganap din noong nakakaalam ng tama… Cute pakinggan, oo, andoon na ako. Pero, mali. At gaya nga ng sabi at alam na natin, ang mali kapag inulit-ulit, nagmumukha nang tama… Bilang bloggers na may mabubuting mithiin (bukod sa magpapansin, haha), tungkulin nating huwag nang dumagdag pa sa miseducation of the less educated. Tingin ko lang naman… Minsan pa, ito ang ilang halimbawa ng tamang gamit ng bilang  –

 

Nagmamano tayo sa matatanda bilang tanda ng ating paggalang sa kanila.

(We kiss the hands of our elders, as a sign of respect for them)

Iginawad ang pagkakulong bilang parusa sa magnanakaw.

(A jail term was meted out to the thief as a punishment)

Siya ay binigyan ng gantimpala bilang pagkilala sa mabuti niyang ginawa.

(He was given an award as a recognition of his good deed)

 

image of a duck that does not want to admit being in the wrong

Ipinapaalala lang na may mali sa paggamit, nasasainyo kung tatanggapin o hindi/ nataliedee.com

 

Mali nga pala ang title ng post – Dahil Mali ang siyang dapat. Sinasabi ko lang,  bilang pagwawasto, hehehe. 😉 Kapayapaan sa ating lahat!

 

Advertisements

Doon Po sa Amin, balik-tanaw – kakwentuhan, tagasubaybay at iba pa

 

Nais kong pasalamatan ng taos-puso ang lahat ng sumubaybay, sumuporta at dumalaw sa Doon Po sa Amin. Pati ang mga nakisilip at inalam kung ano ang mayroon banda roon, ahaha. Kayo ang nagpatunay na ang isang ilusyunadang pagtatangka ay pwede palang magkatotoo – magkaroon ng buhay at sigla. Kayo ang luya, bawang at asin sa gulay na bulanglang, ahaha…

 

image saying thank you

Kung wala kayo, paano na? 🙂 / graphicshunt.com

 

Nakakatuwang marami-rami rin ang naabot ng DPSA, isang site na pang-niche market, kumbaga. Sabi ng kapatid ko dati, archaic raw ang napili kong paksain sa blog at dapat daw, masaya na ako sa tuwing may tatlong sisilip  sa isang araw. So, noong lampas 30 na ang views per day sa site, ibinalita ko sa kanya (with matchingHah, you didn’t think i could do it? haha).

Sa paglipas ng mga buwan, nag-multiply ng mas maraming beses pa, umabot sa antas na ni sa hinagap, hindi ko naisip aabutin… Ang DPSA din ang nagpasipag sa aking magsulat. Sa non-blog writing, hindi ganoon ang enthusiasm ng lola nyo. Abot sa deadlines  madalas, o, kung minsan, mas maaga pa nga. Pero, sa sarili, alam kong hindi ako masyadong challenged.

 

Noong nagsulat na sa DPSA, doon ko naramdamang I have to go beyond the usual sa pagsusulat  – sa variety, sa range at pati sa dexterity, kung mayroon. Ayon… Salamat ng marami sa inyo. 🙂 Nilagyan nyo ng asim, alat, tamis  at pati konting pait ang DPSA, nagkalasa, naman… Naging mas masaya at puno ng pagsubok. Iyon bang pakiramdam na, “Aba, may nakaka-relate, may naaaliw din, as in… ”

And, at some points, ginawa nyo ring miserable, nakakakaba at nakakatakot ang mag-blog, haha. Nasabi ko, “Ba’t ko nga ba naumpisahan ito? Dati naman ay tahimik lang ang aking buhay, haha. Saka, appreciated na naman ng friends ko ang aking pagsusulat, proud na sila sa ‘kin.” Hihihi. Pero, iba pa rin ang may virtual friends, parang may nag-e-egg on na magsulat at mag-share ng mga kwentong di mo naman binalak i-share at all, ahaha. Di nga…

 

Anyway, matuwain ako kaya karamihan sa mga nakalista, nag-subscribe ako sa site nila – nag-follow… Hayon, anim sa kanila, polite enough para i-follow back ang inyong lingkod, ahaha. And I appreciate that, honestly and deeply… Iyong mga hindi, para sa akin, mas magagaling kayo. Hala, patunayan nyo yan, in the coming days, ahaha…

Teka, pag sinabi ko bang shy ang lola nyo rito, maniniwala kayo – shy na madaldal, meron ba no’n? Malamang hindi. So, sabihin na lang natin, suplada ako in person, hehe. Noong estudyante pa, ang madalas ko lang kinakausap at kinakawawa, ang seatmates, as in… Saka, yong masisipag na hiraman ko ng notes para i-Xerox, ahaha. Ang sama ko… Anyway, pag nakakasalubong ko sila semesters and years after, dinaig pa namin ang best friends, ahihi.

Hindi talaga ako ang tipong popular in real life. Nala-lab na lang nila ako, pag naging groupmates kami. Doon lang nagkaka-change of heart… Sa work, na-a-appreciate ang lola nyo pag nakasama na sa projects, sa seminar at sa workshop-workshop, ganyan. May pagka-grim and determined akong nilalang, up close. Mukhang tambay lang, kung sa itsura, oo.

Pero, nagko-contribute ang lola nyo, naggi-give back, ‘ika nga. Hindi puro papansin o kabig lang ng pakinabang. Bibihira pati ang instances na nagpi-free ride. The rare times that I do, tiyak ko sa inyo, may malalim at compelling na dahilan. Ayon.

 

Simple lang akong mag-expect sa ka-blogs. Isang beses ka lang na dumalaw sa site,  sisilip na ako sa site mo. Pag makita kong maganda ang site, ipa-follow ko agad (nag-follow man ang ka-blog o hindi). Sa akin, mahirap makahanap ng magagandang sulatin at ng magagaling na magsulat. So, the moment na may makita akong ganoon, susuportahan ko agad. Ayon…

Isa pa, di ako maramot sa like at sa comment. Alam nyo ‘yan… Kahit pa suplado o parang hermitanyo ang blog, haha, maglalike pa rin ako at magko-comment (basta pwede) once na naantig o nakuha ang interes ko ng inyong sulatin. Ang iba, kinakabahan yata o naasiwa sa ginagawa ko. Ganito – hindi ako sa inyo curious (suplada nga ako, di ba? hihi) – kundi sa isinulat o sa ideya nyo. Ayon.

 

image of a message on the wall, saying i like it

Hindi mahirap para sa akin ang magsabing nagugustuhan ko ang likha/ carmen-ky.blogspot.com

 

Pero, polite din, usually, somehow, haha. Isa sa mga una kong tinitingnan ay ang About page ng site, parang SOP sa akin. Mas madalas, nagla-like din ako ro’n at pag tila approachable ang blogger, comment…  Anyway, alam nyo na rin – I am 15, 10 and 5 years older than most bloggers, oo.  So, bagaman madaldal sa comments at generous sa pagla-like, hindi na ako masyadong tuned in sa eyeball-eyeball, pasensya po.

Medyo conservative  din. Tipong naiisip kong kitain sa personal ang ka-blog – one year pa, simula makagaanang loob. Kadalasan, balak ko, 2 to 3 years pa… Hindi ako masyadong makabagong nilalang. Isa siguro sa dahilan, ang dami ko nang na-meet na tao, as in… Isa pa, sa edad ko, hindi na gaanong adventurous. Panghuli, alam kong ang mahuhusay magsulat, kadalasan – komplikado, may pagka-pribado at medyo maliligalig na tao – sa totoong buhay, ahaha. 😉

So, tingin ko, it takes time to build trust on both ends enough para talagang maglapit at magkilanlanan pa ng mas seryoso. Anyway, ako lang naman… I mean, I have nothing against those bloggers who believe and observe otherwise. Ayon.

 

Naniniwala akong dapat suportahan ang pagsusulat sa pangkalahatan at sa partikular, ang pagsusulat sa blog. Bakit? Sapagkat naniniwala ako sa informed choices. Para sa akin, ang pagsusulat ay pagpapatalas sa abilidad ng taong mag-isip, gumawa ng mas matino at maging intellectually honest sa buhay, sa abot ng kaya…

Masigla kadalasan ang comments ko sa posts para i-rehistro  ang  suporta. Pag may nagustuhan lang akong isang paragraph, isang sentence o kung minsan, isang salita lamang sa post, nila-like ko na… Naniniwala akong dapat i-encourage ang paghahayag at pagka-malikhain ng tao. Sa akin, isang mechanism ang like para sabihin, “Sige, lumikha ka pa. Darating din ang panahong mahahanap mo ang iyong boses, bibilis ang takbo ng iyong panulat at magsasalita ka sa harap ng marami ng hindi kinakabahan o nahihiya.” Ayon.

 

Partial ba ang lola nyo  sa ilang ka-blogs? Oo, naman. Siyempre, hindi naman monotonous, uniform and standard ang mga ugnayan natin. May mga itinuturing na higit, ‘ika nga… Heniwey, sinu-sino ang ka-blogs na higher in my esteem? Hehehe. Sa pagsusulat sa pangkalahatan – sa lalaking ka-blog, si taympers. Hwag nyo nang tanungin kung bakit, hihi. Sa babae, si joyo. Hwag nyo na ring tanungin, ahaha…

Sa pagsusulat sa blog (as bloggers, bale), sina narsmanang, otep at hoshi. Sina manang at otep, kasi seasoned bloggers sila, five years na silang blogging when I met them and they started at what, 17? So, para sa akin, sila talaga ang marurunong sa larangang ito… Si hoshi, iyong blog nya ang nakita kong diversified and changing palagi to suit the perceived demands of readers

Sa prose, hinahangaan kong mabuti ang panulat ni lipadlaya, as in… Bihasa siya sa paggamit ng wikang Tagalog at may hagod lagi ang kanyang mga habi. Sa philosophical content ng mga sulatin (may gano’n? hehe, mayroon), si aninipot – may pagka-sage ang aleng ito… Sa artistry, partial ako sa kakulitan nina duking at sphere – may engineering touch ang karamihan ng kanilang mga likha.

 

Special mention ko sina banjo at haribon. Throughout the lifespan ng DPSA, kanila iyong maraming ramdam na comments, tila pinag-isipan munang maigi. At na-appreciate ko, salamat… Malaki rin ang utang na loob ng blogger dito kina bagotilyo at limitsandhorizons, mga nakilala nang mga huling buwan ng DPSA sa ere, hihi. Dahil sa kanilang mga sulatin, naipirmi ko at nabuo ang concept ng pag-ibig.

Ahaha, oo, sila ‘yon… Kay limits, sa kanya galing iyong pag nagmahal, love with your all, naks. Kay bagotilyo naman, iyong pag nagmamahal, nawawalan ng sense of proportion ang isang tao at paanong pag nasaktan – tila ayaw maampat ang bleeding, hahaha. Peace, mga kapatid… 😉 Hindi man party mode ang kanilang love life, pero sa kanilang sulatin ko nabanaag – paano magmahal ng totoo…

May special place pala sa blogger dito si metaporista – ang ka-blog na kauna-unahang nakatuklas sa DPSA at nagpabatid sa aking hindi pala sariling mundo ang  virtual na bakuran doon sa amin, ahaha. Wala nang palitan, pwesto nya ‘yon, anupaman ang mangyari…

 

Maraming-marami pang ibang ka-blogs na sumuporta, dumaan at nagbasa sa DPSA, hindi man nakalista ang pangalan ng sites sa ibaba. Pasensya na, kulang sa time para magbuklat ng emails at balikan isa-isa – paano at gaano nyo tinangkilik at itinaguyod ang mga ideyang nakapaloob sa DPSA at paano nyo rin pinasaya ang blogger dito, as in… Maraming salamat, mga kapatid

Siyanga pala, batid ko, kulang na sa 10 sa mga nakalista ang ka-blogs  na sumubaybay pa, hanggang dito sa Sa Saliw ng Awit (SSA) at lalo pa sa English na blog ng lola nyo. Siyempre, mas maigi sana kung nagtuluy-tuloy na magkakasama tayo. Pero, iyon nga, hindi naman maaring pilitin… Masaya na ring at some points – nakasama ko kayo, naka-ututang dila at ang promding bahagi ng ako, na-appreciate ninyo. Thank you. Natutuwa akong nakilala ko kayo, kahit paano. By the way, chances are, nagbabasa pa rin ako sa sites nyo…

 

Siyanga pala, chronological ang pagkahanay sa mga sites sa ibaba, according  sa panahong nakakilala ko, ng DPSA – kayo – sa blogosphere. Mga ka-blogs, sa darating na mga araw na lang ang link, ha. Pag mas marami nang oras, pramis… At labindalawa lang muna ang nalagyan ng kwento at paglalarawan, pasensya muna sa iba, ha… Pipilitin kong mapunuan, sa mga susunod na araw. Basta, alam nyo naman kung paano tayo nag-relate.

Sabi ko nga, minsan kayong dumating at pinasaya nyo ang aandap-andap kong buhay, hihi… Muli, maraming-maraming salamat sa mga nakadaupang-palad at nagtaguyod sa DPSA. Mabuhay kayo! 🙂

 

image of a bird saying thank you

Minsan kayong dumaan at pinasaya nyo ang paglalakbay. Salamat. / myniceprofile.com

 

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

 

metaporista – naligaw  siya sa post na Walang Bait at nag-iwan ng comment tungkol sa sinaing na napabayaan nyang nasunog at paanong nabigyan siya ng magulang ng reward na hampas ng tabo, hihi… sinulatan ko dati si metaporista sa email at tinanong paano mag-upload ng pictures sa post. sumagot siya, as in – nagpaliwanag paano at kung di ko pa raw makuha, magkita kami at tuturuan nya ako. natutunan ko na ang mag-upload, di na kami nag-meet up. just the same,  naisulat ang mala-tulang sanaysay,Tuturuan Kita – para kay metaporista at sa iba pang mga nagturo sa akin – appreciate the gesture.

salbehe – na-a-appreciate ko ang posts nyang bukod sa funny at papansin, focused palagi at may border. bibihira ang nakakapagsulat ng ganoon, sabihin ko sa inyo… paborito ko sa mga naisulat niya, Usap Tayo, Gibo, iba sa usual nyang ikinukwento para kay salbe ang post sa DPSA na Bahay-bahayan, luma at bago, isang ma-dramang blog about blogging na sabi ay pag kagalit natin ang mundo, nagri-retreat tayo sa ating pribadong sulok, sa ating bahay-bahayan.

narsmanang –  cool ang gravatar nya at nakakatuwa ang tagline so, hinanap ko ang may-ari… her site did not disappoint – magaganda ang mga retrato, may pagka-self-effacing ang blogger at hindi nakakainip basahin ang kanyang posts. paborito ko sa mga naisulat nya,  tungkol sa mamang nagtatanong sa kanya paano maglaglag ng sanggol at ang post nyang personal stand sa issue ng reproductive health – isa  sa pinakamagandang blog about the issue na nabasa ko. may post rin nga pala sya, picture series ng mga bagay na nasa loob ng kanilang bakuran, Promdi ang title. ay, sus, parang equivalent na ng saikatlo ng laman ng DPSA ang post na iyon, pramis…

aninipot – bukod sa mahusay ang kanyang kamay, malalim mag-isip ang blogger na ito. bata pa, pero parang matanda kung mag-isip, ahaha, and she’s able to put those complex thoughts into words… pag binabasa ko ang musings nya, naitatanong ko sa sarili – anong edad ko ba naisip ang mga ganoong saloobin. tapos, anong edad ko na nakayang isatititik? hindi kasing-aga ng kay ani, that’s for sure… nabigyan nya na rin ako ng coffee paintings, sinamahan pa nya ng handwritten note. ahaha, cool, di ba? anyway, may post sya minsan, nagtatanong kung maari bang pagkatiwalaan ang ka-blog ng kanyang mga kwento. sinagot ko yaon  sa isang post sa DPSA, Ang Iyong Kwento ang pamagat. itinulak yaon ng panulat ni ani… 😉

duking – sa dinami-dami ng ka-blogs, sa kanyang dambana ako unang nanikluhod at nag-alay ng mga insenso at bulaklak, haha. nakakainis ang galing niyang gumuhit. makukulit ang posts nya – laging puno ng imagery. sinauna madalas ang nilalaman kanyang mga kwento – folksy –  at, pag modern setting, tila pambabalahura sa makabagong kultura, ahaha… anyway, lantaran at kapos sa hiya kung mag-comment ako sa site nya. isang araw, napilitan na siyang sulatan ang kanyang fan at sabihang bawasan ng konti, ahihi…

pitong akda ang aking naisulat, one way or the other, impluwensyado o triggered ng posts o sinabi ni duking – apat yata ang nailathala – sa DPSA at sa SSA. ang halimbawa, post nya sa baryang pag-ibig, isang pagmamahal na naalangang magbigay ng lubos. ini-stretch ko pa further ang argument sa tulang Paano?, post ukol sa isang naparalisa ng karanasan at walang kakayahang umibig…

joyo – nagkukwento man sya tungkol sa kaopisinang ang hinang rumamdam, sa showbiz happenings na tsaka o tungkol man sa pag-ibig na nagpaasa lamang – puno ng damdamin palagi ang panulat ni joyo... pili ang mga salitang kanyang ginagamit, may sequence ang presentation ng ideas at well-edited ang piyesa sa kabuuan. may bago laging jologspeak o gayspeak akong natutunan sa kanya, ahaha, at angkop na angkop ang pagkagamit nya  – poised and nuanced. para pati akong nag-aaral ng Biology at Anatomy sa kanyang mga sulatin, parang trademark nya na – sasabihin nya kung aling muscle, aling tendon, aling nerve, o anumang bahagi nya ang naapektuhan at nagri-react sa mga pangyayari, hahaha… awed ako sa galing ni joyo at itinuturing kong kakaiba ang panulat nya.

nadia – blogger siya sa UAE at sa English na Freshly Pressed ko siya natagpuan. hindi lang niya sinagot ang iniwan kong comment sa post,   dumalaw rin siya sa DPSA at nag-comment din, patatawarin… ikinuwento nyang nag-aral at tumira siya sa Pilipinas sa loob ng 10 taon at natutuwa siya sa DPSA dahil practice-an nya ng Tagalog, haha… sharp and witty ang aleng ito, malakas ring mang-alaska, hehe. reklamo nya madalas, palalim daw ng palalim ang mga Tagalog words sa posts ko, pinarurusahan ko raw ang mambabasa. reklamo rin yata iyon ng marami, hehehe, pero si nadia, diretso nyang sinasabi sa akin, as in… ang posts nya pala, in English – magaganda lagi ang narrative, puno ng puns at ang huhusay pa ng mga kuhang larawan… pero ang mas na-a-appreciate ko at ramdam – considerate, thoughtful and concerned siyang ka-blog. mabilis syang makakagaanan ng loob.

banjo – gifted sa pagsusulat ng fiction ang blogger na ito. malawak at malayo ang nararating ng kanyang imahinasyon at kaya niyang i-render sa panulat. sa kanyang site mo makikita ang mga local mythical characters, ang mga nilalang sa fantasy lands, ang mga demonyo at tikbalang sa panaginip at maging ang konsensyang ayaw magpatulog… hindi ko pa masyadong kilala si ka-blog as a person, sa comment section lang kami nagkakapalitan. pero, iyon nga, gifted siya… at gaya nga ng nasabi ko na, mahilig syang dumalaw, magbasa sa DPSA at mag-iwan ng pinag-isipang comments. siya ang alam kong isa sa mga nagba-backread sa site… pareho pala kaming Tagalog ng mamang ito, parehong promdi at parehong humihirit ng social commentaries sa posts, hihi.

beeftapa – siya ang isa sa ka-blog na malambing, iyon ang impression ko. maski sa pagsusulat, may pagka-ganoon din yata… may mga naisulat syang nostalgia pieces at posts na pumapag-ibig na sobrang nakaka-touch. parang sincere ang panulat nya. may pagka-sentimental wari, pero madalas ay nakakadala at nakaka-antig basahin… nakakatuwa, medyo kakaiba kasi, engineering ang profession nya. sa stereotype na pagtingin, hard discipline equals hard and exacting person, pero hindi… noong makausap ko sya sa chat, ang kulit nyang magtanong at ang tipid namang sumagot, ahihi… hula ko, mahilig syang magpadama, as in. kadalasan, puro toinks ang hirit nya… peace.

pulubingprinsipe – mahusay magsulat ang ka-blog na ito. hindi ko na mabalikan ang site nya, hindi kasi sa WordPress, sayang… pero siya ang isa pa sa natatandaan kong loyal na nagbabasa sa DPSA at madalas din ako noong dumalaw at mag-comment sa site nya. promdi rin ang kanyang background, tipong marami siyang pangarap at sa blog nya ikinukwento kung paano nya isa-isang tutupdin ang mga iyon… natatandaan ko, minsan nyang ikinwento sa post ang dagat sa may kanila at pinamagatan  niya yata iyong Doon Din Po sa Amin – maganda ang kanyang pagkakwento, sa pagkaalaala ko… isa rin si ka-blog na hayagang bading at tanda ko pa, nag-request siyang sana, ikwento ko sa DPSA ang mga bading sa kanayunan noong araw… natutuwa ako sa kanya, he sounds honest and purposeful

jecmendiola – artistic ang young blogger na ito. marami naman sa ka-blogs ang artistic at pangita sa mga isinusulat at iginuguhit nila, pero si jec ang nakilala ko (kahit paano) na kakaiba –  laking-lungsod siya at laki sa hirap ang background. parang siya ay patunay na kahit kapos sa buhay, pwede rin palang ma-cultivate at mag-thrive ang sining sa isang tao… so, ayon, she’s oozing with art, ‘ika nga… makikita mo iyon sa entries nya, sa mga larawang  ipino-post nya – kuha gamit ay cellphone camera lang naman (oo, inirereklamo ko ito) pero dinaig pa ang mga kuha ng professional photographers na kumpleto sa gamit – at sa mga komposisyon niyang karamihan, melancholic pero ang gaganda… she’s got the attitude, ‘ika nga. and, she wears it…  siyempre, subjective ako – fan, e… maraming naisulat si jec na masarap balikang basahin – mababanaag mo roong mahilig magbasa ang sumulat, maraming pinagdadanan sa buhay at maraming mga gustong maabot, pero hinahanap pa kung paano…

kritikongkiko – ahaha, siya ang blogger from Abu Dhabi na mahilig gumawa ng listahan. makabagong journalist ang tipo nito, as in… sinusunod ng panulat nya ang tenet na huwag pahirapan, butasin ang silya at i-delay ang mambabasa. ang huli ay palaging nagmamadali, mainipin at maraming mas exciting na gawin, kaysa sa magbasa…  so, ang tatak ng mga sulatin nya – to the point, interesting at nagre-resonate sa readers, dahil common and ordinary enough ang mga karanasang inihahain. pero, dahil summing-up ang format, madalas ay nag-o-offer din ang mga iyon ng matatalas na observations sa buhay-buhay…

parang ganito, matatapos mong basahin ang post nya sa loob lamang ng limang minuto o mas maiksi pa at, nakapag-comment ka na rin noon, haha…  ayon, itong blogger na si kiko, exact opposite ng blogger dito, hihi… pero, mahilig syang magbasa sa DPSA, dahil promdi rin daw sya.  siya rin yata ang ka-blog na pinakamadalas kong kausap at pinakamarami kaming logged in hours sa YM – wala naman kaming seryosong pinag-uusapan, haha. nahinto lang ang gawaing iyon matapos nyang makita ang pic ng lola nyo. natakot ang mokong, sarap lang kutusan… definitely and absolutely married si ka-blog na kiko. just a minor detail, hehe… 😉

 

otep

taympers

dhang

lambing

gnehpalle02

keekaye

sphere

superlolongpinoy

greenbellpepper

haring ibon

lipadlaya

hoshi

kulisap

bagotilyo

angtambaynasimyr

renxkyoko

aubu

limitsandhorizons

 

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

 

Hindi ito ang kwento

 

Hindi ito ang kwento ng taksil na kahapong tila ayaw kang lubayan. Hindi ito ang kwento ng ngayong nagmamadali at tuliro. Hindi ito ang kwento ng di-madalumat at walang-katiyakang bukas. Hindi ito.

 

cartoon image of chivalry

Hindi ito ang kwento ng pagiging magiting o pagiging mahinhin/ esquire.com

 

Hindi ito ang kwento ng mahiwagang pag-ibig na nagbubukas ng sari-saring pintuan. Hindi ito ang kwento ng pag-asang naaninag sa kawalan at handang suungin ang lahat ng pagsubok. Hindi rin ito ang kwento ng sinungaling na pagkakataong nag-aalok ng nilubid na pangako. Hindi ito.

Hindi ito ang kwento ng di-inaasahang pagtatagpong gumuguhit ng ngiti sa nagulat na mukha. Hindi ito ang kwento ng magkataliwas na daang nagkasalubong sa makipot na sulok. Hindi ito ang kwento ng pagbabalik matapos ang kaytagal na paggagalugad at paglimot. Hindi ito.

 

Hindi ito ang kwentong may umpisa, may gitna at may wakas. Hindi ito ang kwentong nagsimula sa kaguluhan at nagtapos sa pagkaayos ng mga salansan. Hindi ito ang kwento ng bigo at lupaging lumaban, upang  sa dulo ay magtagumpay. Hindi ito.

Hindi ito ang kwento ng mahigpit na sitwasyong nalabanan o ng maigting na emosyong nalupig. Hindi ito ang kwento ng nilalang na walang lugar sa lipunan. At hindi rin ito ang kwento ng lipunang tinalikuran at pinabayaan ng kanyang mga supling. Hindi ito.

Hindi ito ang kwento ng paglalakbay o paglalayag, hindi rin ito kwento ng masalimuot na paghahanap ng kasiyahan at aliw. Hindi ito ang kwento ng paglayo o pagtakas o kaya ay pagtugis. Hindi ito ang kwento ng paniningil o paghihiganti. Hindi ito ang kwento ng pagkatagpo sa naligaw o nalihis. Hindi ito.

 

Hindi ito ang kwento ng pagkatunton sa mga bakas na maghahatid sa kinaroroonan ng pinaghahanap. Hindi ito ang kwento ng pagtatagisan ng magkatunggali o  ang kwento ng maliit na nagpatumba sa malaki. Hindi lalo ito ang kwento ng tuksong di-napaglabanan. Hindi.

Hindi ito ang kwento sa pagkatuklas ng mga lihim  o pagkalulong sa mga dapat iwasan. Hindi ito ang kwento ng pag-angat sa buhay o ng mabigat na pagpapasya. Hindi rin ito ang kwento ng pagkawasak o pagtatangkang buuin muli ang nasira. Hindi ito.

Hindi ito ang kwento ng pagpapalit ng anyo o pagbabago ng pananaw at buhay. Hindi rin ito ang kwento ng karanasang nagpagulang sa tao at nagbigay sa kanya ng bagong pagpapahalaga. Hindi ito ang kwento ng bawal na pinilit pa ring makuha. Hindi ito ang kwento ng pag-aalay ng sarili para sa katarungan o paglaya. Hindi ito.

 

Hindi ito ang kwento ng lambong ng takot na buong-loob na napangibabawan. Hindi ito ang kwento ng walang pag-iimbot na pagbibigay ng awa at pag-unawa. Hindi rin ito ang kwento ng hidwaang naresolba sa katapatan ng mga damdamin sa angkop na panahon. Hindi ito.

Hindi ito ang kwento ng mga balakid na nalampasan. Hindi ito ang kwento ng mga suliraning nahanapan ng akmang katugunan. Hindi ito ang kwento ng salungatang natapos sa tawanan sapagkat wala naman palang pinagtatalunan. Hindi ito.

Hindi ito ang kwento ng pagpapatawad matapos ang laksang dusa at pagkalito. Hindi ito ang kwento ng pagpupunas ng luhang bumalong ng tila walang patlang habang impit ang paghagulhol. Hindi ito ang kwento ng pagyayakap at pag-uunawaan o  pag-aabot ng kamay para magkasamang harapin ang sikat ng araw. Hindi ito.

 

Hindi ito ang kwento ng pagkatalos sa mga aral ng sandaling pinalampas o sinayang. Hindi ito ang kwento ng pagkabatid sa kahalagahan ng pagsusumikap at pagpupunyagi. Hindi ito ang kwento ng pananaig ng mabuti sa masama. Sana nga… Pero, hindi ito.

 

Hindi ito ang kwento. Sapagkat ang totoo, pana-panahong nauubusan ng maiikwento…  ^_^

 

cartoon image of modern-day chivalry

Pana-panahon, gusto nating nakakarinig ng kwentong luma pero parang bago/ barryscartoons.com

 

Ikaw, ano ang kwento mong hindi naman talaga? 😉

 

Doon Po sa Amin, balik-tanaw – usapang pag-unlad

image of humans and their vision of sustainable development

Dapat ilugar ng tao ang pag-unlad na kayang ipagpatuloy/ tesd.cesie.org

Development talk. Uso ito sa grupo namin, mga taga-UP na nag-kolehiyo noong late 80s. Sariwa pa sa pakiramdam ng mga tao noon ang sinasabing euphoria ng EDSA, kaya in parati sa usapan ang pag-unlad. Sa mga tambayan noon, makakarinig kayo ng terms –  panacea for progress (haha, OA ba? Tingin ko rin, masyadong poetic, hihi) and trickle down effect – iyong bababa raw ang benefits ng political upheaval sa mas nakararami, sa masa. Magkakaroon daw ng democratization sa iba’t ibang aspeto ng buhay, hindi lamang sa kabuhayan at politika, kundi maging sa kultura ng mga mamamayan. Siyempre pa, sa mga estudyante, karaniwan ang tanungan –  ano ang maiaambag ng bawat isa – para mapaganda ang bansa. Cool pag-usapan ang nationhood noon, hindi lamang sa mga aktibistang panay ang sigaw at may bitbit laging banner, kundi maging sa neat and well-mannered na mga istudyanteng tila wala namang pinu-problemang mabibigat sa buhay.

 

Image of people converging at EDSA in 1986

Sariwa pa noon sa alaala ang mga ipinaglaban sa EDSA/ http://www.egguevara.com

 

Gaya ng naikwento ko na dati,  doon ako galing  – sa munti naming baryo. Ni hindi ko nga sigurado kung village level ba ang pamumuhay na mayroon kami noon. Maliit lang ang aming lugar at makipot din ang buhay na inikutan namin. Nang mag-high school, sa isa sa noo’y dadalawa pang city ng probinsya naman ako tumira –  sa kamag-anak. Pero dahil nakikitira lang, wala ring gaanong exposure sa city life na nakuha. Walang pera at luho sa buhay, kapos na kapos… Miyembro ako noon ng choir sa eskwelahan at iyon na marahil ang masasabi kong cultural exposure na nagkamayroon. Iyon na rin ang socialization na kahit paano ay nakuha sa ganoong setting. Idagdag na rin siguro iyong mahilig akong magbasa – mga panitikang Kanluranin ang marami. Kumbaga, para na ring umaalis pag nagbabasa – nakakarating ng ibang lugar, nakakakilala ng ibang tao at nai-expose sa ibang pamumuhay at kultura… ^^

 

Image of the UP Oblation

Ang UP Oblation daw ay sumisimbolo sa pagnanais ng taong maabot ang kanyang buong potensyal/ darthkix.deviantart.com

Pagtuntong sa Kamaynilaan, matapos habulin ang hininga sa kalalanghap ng  maruming usok pag papasok, na-engkwentro ko na ang masayang atmosphere ng pamantasan. Ang mga guro noon, multi-lingual ang marami at wala pa silang multiple consultancies, haha. Kupas ang mga suot nila madalas at kung minsan, tastas ang laylayan, haha. Ang mga kaeskwela naman, karamihan ay urbanites and middle class. Ilan lamang kaming dayo from the province, as in… Maski noon pa, mas middle class and rich na ang mga estudyante sa UP. Uso dati ang poor look, haha – cool ang naka-maong lang at puting t-shirt. Pero siyempre, pag tiningnan mo sa malapitan,  di maiiwasang mapansin – makikinis ang kanilang balat, mabibini silang gumalaw at may twang ang kanilang English, hahaha. Iba ang kanilang level of confidence, sabihin pa… Sa  exclusive schools galing ang karamihan sa schoolmates o graduates sa Science high schools ng mga probinsya. Kaming mga promdi na poor, nag-i-stand out sa crowd, ahaha. Halata pa naman ang punto ng lola nyo, Tagalog na nag-uumi-English, pambihira…

 

image of a paper where cynicism's definition is written on

Habang dumarami raw ang karanasan ng tao, nadaragdagan ang kanyang cynicism/ searchquotes.com

Anyway, background lang – para maitsurahan nyo ang panahon, para may context, ‘ika nga… Nagkikita-kita pa rin kami from time to time nitong mga kaibigan at kakilalang ito, ang first batch of friends ko from UP (kung mag-istrikto, di sila ang first batch, kundi friends sa block section). Siyempre, karamihan ay may mga pamilya na, mas malalaki na ang income (nila) at uso na sa grupo ang bilbil at double chin, haha. Hindi na kasing bibibo at singpi-pretty ng dati, maraming cynicism na ang na-ingest sa sistema at pangangatawan, haha. Pinag-uusapan pa rin ang development pero, mula sa ibang perspective na. Hindi na bilang mga estudyanteng nagpapagalingan sa logic at nag-uunahang makapagbigay ng best example. Pare-pareho nang nakapagtrabaho sa pribado at sa gobyerno and at some points, naging parte ng malalaking institusyong may say sa mga patakarang binubuo at ipinapatupad sa bansa. May wrinkles na yata lahat kami sa mukha…

 

Noong araw, uso ang slogan na tutulan, ilantad at pabagsakin. Haha, ang sistema, oo. Ang mga estudyante noon, hati sa dalawa – ang magre-reporma ng sistema at ang magpapabagsak nito. Bakit? Kasi nga raw ay bulok. It could use some change for the better, sabi… Fast forward tayo sa kasalukuyan, mahigit 20 taon, marami ba ang nabago? For the better ba? Passé na ba ang manawagan para sa pagbabago? Naitatanong lang… Noong magsulat sa DPSA, nagkataong mas kabisado ng lola nyo ang international events and issues (haha, ganyan ka-weird, oo). Pero, ayon, I would be talking above peoples’ heads, kung ukol doon ang ipagsusulat. Next choice, tungkol sana sa national events and issues. On several instances, naging bahagi ang inyong lingkod ng review and revision ng mga batas at patakaran sa bansa. Pero largely behind-the -scenes ang participation sa mga isyung iyon, hindi ko maisip kung anong public credential ang pwede, paano magsasalita ng kapani-paniwala sa mambabasa.

Doon yata pumasok ang ideyang talk locallyfrom the ground level – paano ang  village level na pagtingin sa mga usapin. Una, may credential, hehe – nakatira, nakaranas at isinabuhay ko mismo ang buhay sa kabukiran. Dagdag pa, andoon siguro sa larangang lokal ang challenge, bukod sa makakapagsanay ding magsulat sa wikang Tagalog… Ipinanganak nga ang DPSA, sa umpisa naman ay tungkol lang sana sa lokal na kakanin. Tapos, nagka-suloy, nagkaroon ng mga akda ukol sa kaparaanan ng pamumuhay ng mga tao sa nayon. Hanggang unti-unti itong lumago, nagkasanga at namunga na rin, ‘ika nga… Sa paglikha, sinisikap ng inyong lingkod na may lohika ang mga sulatin – maaaring sang-ayunan o di-sang-ayunan sila ng mga mambabasa. Hopefully, andoon din ang regular na requirements – kaakit-akit, malikhain at may relevance sa readers. Sinusubukan ko laging i-develop ang paksa – hindi spoon feeding at hindi rin take-it- or-leave-it. Kahit pa batid na tila itong huling approach ang uso – nitong mga huling panahon.

 

Kumbaga sa pagkain, acquired taste ang mga talakayang rural. Mas marami ang bloggers na taga-lungsod at di pamilyar sa paksa. Anyway, tulad rin ng iba pang bloggers, naglakas-loob ang lola nyo – hindi naman bawal, wala namang gaanong mawawala at baka may iba ring makuha ang interes… Saka, kung tutuusin, hindi rin naman ganoon ka-conscious ang bawat sulatin at paksa sa DPSA at maging sa mga sumunod pang blogs… Malaki at marami rin ang parteng pagsubok sa sarili, tipong “Tingnan nga, tingnan kung kaya…” o di kaya, “Pwede kaya ‘yon?” at mayroon ding ” Malay mo, baka sakali…” Kasi, kahit sabihin pa nating mas inire-rekomenda, mas maganda raw at mas matibay kung conscious ang pagsusulat, may malaking bahagi pa rin nitong umaasa sa spontaneity –  sa pagbibigay-laya sa diwang namamasyal, naglalaro at tila naghahanap ng kung anu-ano sa kung saan-saan. At sa kalakhan, di natin hawak ang ganoong tendency ng panulat…

 

image of a young woman writing away excitedly

Ang pagsusulat daw ay pagtuklas ng ating mga pinaniniwalaan kahit pa ang paksang isinusulat ay ukol sa kawalan ng paniniwala/ seo-hacker.com

Sabi ng matatagal na sa larangan, ang pagsusulat daw ay hindi lamang pag-abot sa publikong mambabasa. Ito raw ay paggigiit din ng ating mga saloobin at isipin sa sangkatauhan. We are writing to make a point and to impose our views about life, living and the world upon our audience. Gaano man daw kahinay, kalambot o ka-inosente at unobstrusive ang ating mga sulatin. Kahit pa, tila suggestion lang ang ating hain o kaya ay parang nag-o-offer lang ng kakaiba at payak na point of view. O, iyong madalas nating sabi – gusto lang nating ihayag ang sarili, magtala ng kapiranggot na pangyayari o magbato sa langit ng munting pakiramdam. Lampas daw doon ang abot ng pagsusulat – isipin man natin o hindi, limiin man natin o hindi at tanggapin man natin o hindi… Ito raw ay pirming may agenda, punto ng mga batikan. Gayunpaman, ang pinakamagandang ani raw mula sa pagsusulat ay ang malaman at malinaw ng may-akda mismo sa sarili – anu-ano ang kanyang mga saloobin, isipin at pinaniniwalaan sa buhay. In this sense, writing is an inner journey. Iyon ang sabi…

 

In this vein, isinulat ang mga sulatin sa DPSA na kahit paano, layon ay tuklasin – Ano na ang kalagayan ng aming nayon sa usapang pag-asenso? Umaandar ba? May naabot? Nasaang punto na sa mga sukatang pag-unlad o development measures? Umangat ba ang kabuhayan ng mga tao? Gumaan ba ang pamumuhay? O, bumilis lamang? Masasabi bang mas lamang kaysa sa dati? Nasasaan ang mga bara sa pag-unlad, kung mayroon? Bumubuti ba ang lagay o lalo lamang napapasama? May maaari pa bang gawin? O, mas maiging hayaan na lamang? Maari bang pakialaman ang buhay ng mga tao sa nayon, in the first place? O, ang pangarap na umasensong magkakasama ay mananatiling pangarap na lamang? Bakit hindi ganoon kadaling ilikas na lang sa lungsod ang mga kamag-anakang nasa baryo? Bakit ang kapamilyang nagtrabaho at tumira na sa lungsod o sa ibang bayan, karaniwang di na bumabalik at nanirahan muli sa nayon? May kompormiso bang maaring maabot sa pagitan ng lumisan at mga iniwanan? O, dadalhin lamang sa loob ang sakit ng pagkakawalay?

 

image of young girls at play in the rural area

Sa Pilipinas, ang buhay sa bukid ay karaniwang nangangahulugan ng pagiging malapit sa kalikasan at maging sa kahirapan/ matadornetwork.com

 

Bago tayo pare-parehong maiyak sa mga usaping inilatag, nais kong ipaalam sa inyo – wala rin akong sagot sa mga nabanggit na mga tanong. Walang tiyak na kaalamang maibabahagi sa mabibigat na usapin. Katunayan, karamihan sa mga isinulat sa DPSA sa paksang rural development ay mga paglalarawan o illustrative pieces. Isinulat ang Kahit Munti, isang recall sa bahay-kubong una naming tinirahan sa bukid. Hindi namin iyon pag-aari, nakitira lamang kami, kumbaga. Mayroon ding Usong Yari ng Bahay, ang bahay na naipatayo ng aming ama – yari sa semento at kauna-unahang konkretong bahay sa aming lugar. Sa biglang-tingin, tila may kaya na kami noon sa aming baryo, haha. Pero ang totoo, ang sumunod doon, serye ng pangungupahan namin sa lunsod – pagtira sa kung saan-saan, pakikisama sa kung kani-kanino, bago pa ang mga pangyayaring may pirming nang mga bahay, nitong huling 15 taon.

Isunulat at inilathala din ang Maglalako, isang akda ukol sa iba’t ibang itinerant peddlers na gumagalugad sa magkakalayong bahay doon sa amin at nagsilbing ugnay ng mga tao sa buhay at kalakalan sa labas ng aming nayon. Nandoon ang mga ale at mamang naglalako ng kutsinta, ng dirty ice cream, ng kumot at kulambo at ng labaha at tari, doon sa amin… Ang Bentahe ng Nabebentaisang silip sa pangangalakal ng gulay at prutas – paanong ang mga ani ay nakakarating sa malalaking pamilihan ng lungsod at umaayuda sa kabuhayan ng mga magtatanim sa amin at sa kanilang pamilya… Ang Kwento ni Nine, isang fiction story na naglalarawan kung paano lumakad ang balita sa lokalidad – sa kalagayang wala pang two-way radio, walang telepono at wala ni anong makabagong paraan ng pakikipagtalasan. Samantala, ang Kinig, Sagap… ay ukol naman sa panahong transistor na radyo ang pangunahing aliwan ng mga tao sa nayon at siya ring tulay ng mga tao para malaman ang mga kaganapan sa Kamaynilaan at upang makasagap ng news around the world.

Sa Busy ang Linya, dalawa ang paksang tinalakay – una, ang panahong naka-depende pa sa sulat sa koreo ang mga tao at ang tagahatid ng sulat ay itinuturing na mahalagang tao sa malalayong lugar. Ikalawa, ang mga dekadang ang pagtawag sa telepono ay isang importante, pinaglalaanan ng panahon at kinasasabikan pang activity ng mga tao, long-distance pa noon lahat ng tawag at operator-mediated pa, hahaha. Those were the days… Iyon yata ang panahong ang laki-laki pa ng mundo, malayong-malayo  pa ito sa fingertips. Kabaligtarang-kabaligtaran ng salespitch sa ngayon – abot na raw ng sinumang electronically-connected ang lahat, sa kahit saan… Ang Baku-bakong Kalsada sa Aming Nayon ay isang pakikipag-tuos sa sarili, maaring sabihin… Dito ko inilatag ang mas malaking tanong ukol sa sama-samang pag-unlad – bakit rugged and uneven ang paths to development? Kung madrama, pasensya naman, mga kapatid…

 

image of an unpaved road in the Philippines

Limitado ang access sa kalakalan at edukasyon sa mga lugar na wala pang maayos na kalsada/ brommel.net

 

Dalawa ang undercurrents sa sulatin – ang personal at ang political. Sa personal, sinubukan kong i-pose ang tanong – Bakit may mga naiwan pa kaming kaanak at kasamahan sa baryo? Nakaalis ba talaga kami sa nayon kung saan at kailan halos lugmok kami sa kahirapan? O, akala lang namin iyon? Sa political, itinanong sa sulatin kung bakit dekada ang binilang bago naipagawang konkreto ang kalsada sa aming lugar? Bakit ang haba ng panahong ipinagtiis namin sa maalikabok at maputik na daan, habang naglalakad ng kilo-kilometrong walang sapin sa paa o malaki pa sa limang pisong barya ang butas ng tsinelas? Kumbaga, alin-alin doon ang sakripisyong dala ng personal and family circumstances and limitations? Alin-alin ang mailalagay at masasabing dictates of the times – mga kahirapang dulot ng kalumaan at pagka-atrasado ng panahon? Looking back, tila kapwa sila may timbang…

Isa sa mga huling pagtatangkang magtalakay sa usapang rural sa DPSA, sa posts na tinawag kong Gulay series – mga artikulong naisulat noong Hunyo 2011. Nine-part series ang sulatin, parusa sa mambabasa, haha. Lima yata ang nai-edit at nailathala, may apat pang unpublished. Food security and malnutrition sa kanayunan sana ang gustong tumbukin ng serye. Hindi sila madadaan sa isang bagsak na pagtalakay, tingin ko… Kung gusto lang tumawag ng pansin, kumuha ng simpatya sa isyu o mang-antig ng damdamin, pwedeng post lang ng isang larawan ng malnourished na bata at lagyan ng isang paragraph – kwento sa personal circumstances niya. Kung gayon, malamang, ang dami ng sympathetic na komentong makukuha. Naging bahagi ako dati ng ilang hearings and technical groups ukol sa food security at nakapagsulat na rin ng policy papers ukol sa malnutrition sa bansa. Pakiramdam ko no’n I will be selling the audience short, kung isang article na papansin at “simple” lang ang isinulat. Tingin ko, iba ang simplistiko kaysa sa simple

 

Anyway, ayon, lahat tayo ay nagsusulat dito sa blog at nagbabahagi, sabi natin… Ang isini-share natin – kung ano ang mayroon tayo, kung saan tayo mahusay at kung saan, may tsansa tayong pansinin – sapagkat ang ibinabahagi natin sa mambabasa ay ramdam. Nagre-resonate sa readers, sabi sa English… Maaaring iyon ay kwento ng araw-araw na buhay ng isang estudyante, humor pieces ng isang blogger na magaling talagang magpatawa in real life o kaya ay drama ng isang individual na pinalad na puno ng ligalig at kalungkutan ang buhay. Anuman iyon – mukhang may sense man o wala, kaintindi-intindi man o hindi ang pagkakahayag o masyado mang dry or factual, nakakabato, pero isinusulat pa rin natin at inilalathala. Naniniwala tayong somewhere out there, may makakarinig, may magsasabing, “Kapatid, hindi ka nag-iisa, dinaanan ko na rin ‘yan.” O, kaya, “Kapatid, ganyang-ganyan din ang iniisip ko…“At nagagalak tayo sa tuwing mangyayari ang ganito, tila tayo ay affirmed – gaano man ka-boring, ka-unfair o kasaklap – ang buhay na mayroon tayo…

 

cartoon image of a man running in a grassfield

Kapag random ang mga bagay, walang patterns at maliit ang tsansa ng pangmatagalang ugnayan/ sandbox.yoyogames.com

Sa panahon ngayon, tila ang prevailing na paniniwala, na siya ring dala-dala ng marami at itinataguyod ng karamihan sa traditional na media, ay random ang mga bagay-bagay at pangyayari sa mundo at buhay ng tao. Na ang best nating magagawa ay to skim the surfaces and to make the rounds in the swiftest way possible, without breaking – parang ganyan ang kuha ko… Under the said conditions, lalabas ngang pasaway at kontrapelo ang mga sulatin sa DPSA. Hindi na raw uso ang maghalukay pa ng mga isyu at wala nang silbi ang silipin pa ang social dimensions ng mga bagay-bagay. Na nasa individual daw ang kapangyarihahang magpasya anumang oras, sa iba’t ibang pagkakataon. Hindi rin… Bakit? Sapagkat ang individual ay nakapaloob sa lipunang kanyang ginagalawan, doon umiikot ang kanyang standards, choices at pagpapasya, maging ang limitations. Hindi pa siya fully autonomous.

 

Totoong inspiring lagi ang makabasa at makarinig ng kwento ukol sa spectacular individual na nalampasan ang mga balakid at panghuhusga at naabot ang di-kapanipaniwalang antas at pagkilala sa buhay. Subalit dapat pa ring i-consider ang background at context – kung bakit at paano naabot ang kagila-gilalas na achievement. Sa ganang akin, hindi random ang mga bagay-bagay kundi may patterns… At ang credit ng exceptional na individual ay maaga niyang na-figure out ang patterns at kanyang nagamit para sumulong, manaig at magtagumpay sa buhay bilang siya. Sabi, it is the times that make the hero… Mismong mga bayani ang nakababatid, hindi sapat at hindi sasapat ang achievement lamang ng isa o ng iilan… Na ang sukatan talaga ng pag-unlad at pananagumpay ng tao ay kung maipalalaganap ng mga naunang umangat ang kanilang kasanayan, husay at pagtitiwala sa kakayahanIn this light, it probably makes sense –  silipin ng minsan pa ang lumang daan – para magbigay-pugay sa pinagmulan, magbalik sa mga dapat balikan at kalimutan ng tuluyan ang mga sakit ng hindi madaling kahapon.

 

Ang kwento ng grupo naming taga-UP, post-EDSA dreamers – mga nangarap ng magandang Pilipinas na maaring maipagmalaki kahit saan… Noong araw, nagtatalu-talo lang kami tungkol sa industrialization, bakit ang Pilipinas ay hindi naka-take off kumpara sa mga kasabayang bansa at paanong ang technology and know-how ng agriculture natin, several centuries behind – kumpara sa ibang agricultural countries. Ang consensus namin noon – hindi nagkaroon ang Pilipinas ng land reform, totoong land reform na talagang namahagi ng lupa sa tillers of the land, gaya ng ginawa sa US at Japan. Ang pinag-uusapan, social policies na dapat gawin – para paramihin at palakihin pa ang middle class ng bansa o mga pamilyang may purchasing powers. Isa pa, ang tax system sa bansang masyadong skewed in favor ng mga may properties na at conducive para gawing idle lamang ang marami sa mga ari-arian. Anyway, marami sa amin ay nakapagtrabaho na sa gobyerno at alam namin – first-hand – hindi ganoon kadaling baguhin ang mga kalakaran at bagay-bagay

 

image of a poster saying that things will one day fall into their proper places

Darating din ang panahong lilinaw ang usaping human interconnectedness/ http://worldofrush.com

Pero ang usapin pa rin – May dapat pa bang gawin at kung may gagawin pa tayo? O, isasalong na natin ang tabak at sasabihing tapos na ang laban? Na nakarating na tayo sa ating mga dapat puntahan? Bilang tao, bilang indibidwal at bilang bahagi ng lipunan at ng mundong kinabibilangan natin… Ito na ba ang best na mai-o-offer natin at kung anong meron at nakukuha tayo sa ngayon, iyon na ba ang best? Sasabihin ba natin, “I’ve scanned the world and that’s the best by far, I’ll take it?” Tila madali lang mag-settle, ang makontento sa makipot, kakaunti pero manageable na buhay at mundo – ang isipin ay pansariling kapakanan lang at mag-pokus sa kasalukuyan. Madali lang kalimutan ang kahapon, kung tutuusin… Katunayan, dumaan din sa panahong  expert ako ryan, haha. Pero sa buhay, sa tingin ko, darating din sa puntong mag-iisip ang tao tungkol sa sariling binubuo ng mga karanasan at pangyayaring hindi lamang siya at hindi lamang kanya… May kabahagi, may karugtong. At tila, hindi natatapos…

 

Bukod sa boring at sinauna ang mga paksa sa DPSA, may mga nagsasabi ring marami sobra ang inputs sa posts at parang masyado raw literate. Sa panahon ngayon, mas practical na maiiksi at magagaan lang ang mga sulating i-offer bilang babasahin online. Nakukuha ko at nasasabayan itong argumento. Subalit, hindi naman siguro masama o kasalanan kung hindi sumabay sa trend. After all, nag-a-apply pa rin naman dito ang rule – basahin lamang ang posts na nakakuha ng personal na interes. Wala pa ring pilitan… At sakali mang “literate” masyado ang dating ng mga isinulat, iyon ay sa pagtatayang kayang basahin, unawain at intindihin ng mga kapatid na manunulat at mambabasa ang mga paksang tinatalakay. Ahaha, panatag ang loob ko – kaya nyo ‘yan… Isa pa, ang background ko, malayo sa literacy na binabanggit – second year high school lang ang inabot ng aming ama, hindi pa nya natapos… Ang mga kamag-anak doon sa amin, ang mga taong ikinukwento ko sa inyong ang huhusay magsalita, karamihan sa kanila – di man lang nakapagtapos ng elementary…

 

Ang pagsusulat daw ay isang paglalakbay para kilalanin, unawain at tanggapin ang sarili. Para kahit paano ay masagot – may iniunlad ba mula sa dati? 😉

 

Pahinga muna…

 

 

 

Break! 😉 🙂

 

image of a woman tired and snatching some rest while sitting

Mabilis makasulat ng mahaba at matagal naman bago makasulat ng maiksi./ mcomv2.blogspot.com

 

Pasensya na, mga kapatid… Naidamay ko kayo sa napaagang pagpi-penitensya – kilo-kilometro ang habang posts gayong malayo pa naman ang mahal na araw, susmaryosep… Anyway, highway, subway – dalawang paksa na lang ang DPSA balik-tanaw – ang mga naging kakwentuhan, bisita at taga-subaybay ng  site at ang usapang pag-unlad.

 

Isusulat pa lang pareho ang dalawang usapin, brothers and sisters and fellows. Sana naman ay magawa sila ng lola nyo rito. Expected ko pala, hindi singhaba ng mga naunang balik-tanaw posts ang usapang pag-unlad (Buntong-hininga at pasasalamat? hehe). Kung tama ang recall, iilan pa lang ang posts discussing rural development na naisulat at nailathala sa DPSA. Tulad nyo, am crossing my fingers – huwag sanang humaba ang nasabing review write-up, haha.

 

Pahabol and some words to leave you with, mga ka-blogs. Wala iyan sa haba o iksi – pramis. Sabi – nasa charm, potency, efficacy and endurance daw, naman… 😉 Iyong efficacy, salitang naaral dati ng lola nyo sa subject na Public Ad. Iyan din ang meron dito, whehehe… ‘Yong iba namang words, alam kong i-spell, hihi. Happy weekend! 😉 🙂

 

image of a post-it reminding one to take a break

Maraming ka-problemahan ang lola nyo… Excuse me, got to sob some, hehe/ zazzle.com