Ang taong nagdaan…

 

Hello, mga kapatid… Masaya at masaganang bagong taon sa ating lahat… 🙂 Sana ay mas mabait ang 2013. Pati tayo, sana mas magbait, hihihi. 😉

 

Image of children with horns, welcoming the coming new year in the Philippines

Sana ay puno ng kasiyahan ang papasok na taon… / remate.ph

 

Sa totoo lang, kabusyhan lahat at tanging yaong mga walang lovelife ang may pagkakataong umupo sa harap ng computer at mag-check ng mga kaganapan online, haha. Ang sama… 😉

 

Anyway, bago ako mag-pack ng mga gamit pauwi sa probinsya, naisip kong magta-type ng kung anu-ano muna, hihihi. Napansin ko, uso ang year-end assessments at mga listahan ng accomplishments and resolutions among bloggers. Ang siste, bibihira akong gumawa no’n pag katapusan o umpisa ng taon. Ewan ko ba, hindi ko nakasanayan… O, di kaya, ginagawa ko ang gayon sa ibang buwan at pagkakataon.

Pero dahil nakikigaya ako, e, di, gow! Para mas masaya pati, hahaha. Mahihirapan ako rito, pramis… Sobrang trying ang 2012 para sa akin. Actually, nagulat akong umabot din pala ako sa dulo, hahaha. Ganoon siya kahirap. Ang daming pagsubok, pahirap at pasakit, sabi nga… One of the haziest years sigurong napagdaanan ko, parang di talaga makita kung paano lalabas sa kinaroroonan. And for the most part, at kung paano rin ako nakilala ng marami – para raw laging may solusyong nahahanap – mabigat man o komplikado ang sitwasyon. Not in 2012, sadly… Na-survive din naman. Barely, hahaha. 😉

 

Somehow, nakatulong ang pagsusulat sa blogs. Dito ko naihinga kahit paano ang mga kinukuyom sa loob, ang mga di-mahuling pakiramdam at mga pag-iisip na hindi maibulalas sa kaharap o katabi. Dito ko rin nailagay ang pagka-malikhain, kahit papaano. Dati kasi, mayroon akong sports activities and creative endeavors palagi. Hindi sila mailugar nitong mga huling panahon. So, anuman ang creative at energetic kunwari na napapag-isipan ng lola nyo, sa blogs nailagay. In many ways, naging katuwang at kasama ang blog… And for that am thankful. Natutuwa akong di tumigil sa pagba-blog, kahit pa naisara noon ang DPSA.

Pero may mga napuntahan pa rin naman sa buong taon. Hindi nga yata pwedeng tumigil na lang ang buhay kahit pa puno ng lungkot at ligalig. Iikot pa rin ang mundo – kasama man ako o hindi… gugulong pa rin ang buhay. Tataas pa rin ang mga bilihin, maluluma pa rin ang mga gamit, magkakaroon uli ng bagong models ng gadgets – gustuhin ko man o hindi, may pambili man ako o wala, naiintindihan ko man ang sabi sa manual nito o hindi. Ang isang constant feature sa taon, isang madalas makapagpasaya sa akin – ang pangatlo naming apo sa pamangkin. Ayon, sya ‘yon… She never fails to bring us cheers and confusions, hehe. Makulit at malikot sya – buhay na laruan at pang-aliw namin sa pamilyang magulo, whehehe.

 

Anyway, saan-saan ba ako nagawi ng 2012?

 

Hongkong – Pumunta kami rito ni kapatid second week of February para maglaro sa Disneyland at gumala-gala, mag-sample-sample ng noodles at mag-picture-picture, hahaha. Ang lamig, tail-end pa no’n ng winter nila. Sa tuwing pabalik na kami sa hotel, parang refuge talaga ang tingin ko sa batcave namin, hihihi. Masasarap ang breakfasts namin doon, iyon ang isa sa naaalala ko sa trip na ‘yon. Cool rin ‘yong nakipagkita sa amin ang isang friend ni sister na Hongkong local, nakipag-dinner and coffee sya sa amin isang hapon. Tapos, ipinasyal nya kami nang gabi. Multi-lingual siyang bata and exposed sa iba’t ibang culture, pero ang simple at ang pleasant nyang kasama.

UP Fair – Parang tradisyon na sa amin ni kapatid na pumunta rito. Wala lang, nakasanayan na lang – makikinig sa mga banda, magri-reconnect sa mga kakilala, sa org mates at sa mga kaklaseng hiraman ng notes noong araw, hahaha. Hindi college friends ang kasama ko rito, usually, kundi friends ni kapatid. Bandang September to December pa kasi ang usual na pagkikita-kita namin ng college friends… Pag nag-u-UP Fair pala, pagkakataon na naming makabili ng anik-anik na matagal nang pinaghahanap, haha, at ng souvenirs and items na may tatak ng UP, haha. Loyal… Nananalo nga pala ako ro’n ng Angry Bird na lagayan ng cellphone, o, di ba? 😉

Bicol – Nakarating din ako for the first time, hahaha. Ang tagal nang ang daming nag-aaya sa aking pumunta pero parati akong nalalayuan. Ang unang beses, matagal na – para mamundok, hahaha. Hindi ako na-delight at na-excite sa prospect, na-frustrate ang unang pagkakataong makatuntong ng Bicol. Sumunod, ang father ng bayaw kong parati akong inaaya sa kanila – all expense paid, hihihi. Ayoko, nahihiya ako – hanggang sa pumanaw na sya…

Ang lahat ng sumunod pang imbitasyon, galing na sa politikong naka-trabaho ko  o sa kapamilya nila. Siyempre, nahihiya rin ang lola nyo – walang natuloy do’n. Itong huli, kaya na-engganyo ako, pumasok sa isip ko ang ideyang sumakay ng tren na pang-malayuan, haha, ang kulit. Ayon, di naman natuloy, nag-eroplano pa rin. Pero at least, natuloy ang pagkikita namin ng Mayon, ‘yong sabi ng titser namin noon sa NatSci – live, up close and life-size, ahaha.

Baguio – Bibihira ang taong hindi ako nagba-Baguio. Usually, work-related na mga lakad. Pero nitong mga huling taon, nadiskubre naming masarap mag-Baguio nang walang seminar o presentation, haha, kaya sinusubukan naming mag-Baguio pana-panahon na walang aasikasuhin at walang alalahanin – pasyal-pasyal, bili-bili at kain-kain lang. Ikot-ikot sa malamig na lugar para mag-chill at hindi maalaala ang mga suliraning di-natatapos.

Tagaytay – Sa isang taon, medyo madalas kaming mag-Tagaytay ng mga kapatid at pamangkin – weekend getaway type na lakad. Mas madalas, pag summer. Ginagawa namin ito pag may mga problemang pwede at kaya pang pag-usapan. Since ang pamilya namin madalas, may sangkatutak na ka-problemahan, every so often, magta-Tagaytay. Paliligawan ang mga bata roon para makapag-usap ang adults, over coffee. Siyempre, maraming picture-picture with the pamangkins and bonding-bonding sa kanila. Saka, dumadaan sa kainan ng bulalo at bilihan ng mga prutas.

 

Image of Taal lake in Southern Philippines

Kaiga-igaya lagi ang tanawin ang look ng Taal/ ilovegoingplaces.blogspot.com

 

Intramuros – Si kapatid, mahilig bumili ng coupons online – sari-sari, hahaha. Anyway, isa sa nabili nya, dinner sa isang kainan sa Intramuros. Ayon lang, ang hirap isingit at nakailang reset bago kami finally natuloy. Kasama namin ang nakatatandang kapatid – sisterly act, bale. The year before, may isang lakad na kaming parang ganito rin – dinner naman sa Intercon, masaya yon. Pinag-tripan namin ni Ate si nakababatang kapatid, hihihi. Curiously, wala kaming dala maski isang camera noon, kaya naging masaya ang nasabing lakad (feeling namin). Medyo masaya rin itong dinner sa Intramuros, ilang beses si kapatid naligaw-ligaw sa pagda-drive, hahaha. Nakapasyal tuloy kami sa Maynila and got reacquianted with the place, ‘ika nga. Hindi nag-tantrums si Ate, haha. Mahirap siya usually  i-please sa mga kainan, siya itong mahusay magluto…

Nasugbu, Batangas – Hahaha, ang layo nito pag sa Metro Manila manggagaling, mahigit isang oras pa, after ng Tagaytay. Long drive kung sa long drive, kainaman na. Pero, summer this year, sa kagustuhan naming maipasyal ng malayo si apo sa pamangkin, with matching swimming, ayon, balik kami ng Nasugbu (gaya ng nakaraang taon). Sulit naman, nag-enjoy naman ang bata… Iba nga naman ang ambiance – countryside na manicured ang grounds, haha. Siyempre, daan pa rin sa kainan ng bulalo, hahaha. Naligaw pa pabalik, ang saya lang. Iyon yata ang gabing kakaiba ang buwan, ayon…

Taylor Dayne concert – Sa MOA Arena ito ginanap. Magaling ang singer. Throw back to the 80s na concert artist si Taylor, pero mahusay pa rin syang kumanta at mag-perform. First time kong nakanood sa MOA arena pati…  Mas maganda pa ring arena ang Araneta Dome, para sa akin. Kailangan lang sigurong i-renovate, hahaha.

Thailand – Matagal na kaming may planong pumasyal sa Bangkok na madalas napo-postpone. This time, natuloy kaming pumunta. Yon lang, di sa Bangkok, kundi sa kalapit na mga lugar nito. Ang ganda… At least ako, nagandahan ako – parang Pilipinas na mas malinis at mas maayos, ang sama ko… 😉 Natuwa ako, mas mura ang mga bilihin nila roon kaysa sa atin at ang gagalang ng mga tao. Mas magaling tayong umintindi at magsalita ng English kesa sa Thais. Napansin ko, kamukha natin sila, pero mas malinis silang tingnan at mas polite, hihihi.

Tears for Fears concert – Ginanap ito shortly after ng pananalasa ng nagpi-feeling-feelingang bagyo na si Habagat. Late ako sa concert na ‘to at ang dahilan – di pa ako tapos magligpit ng mga kalat ng baha sa garahe, kainaman na. Galit na galit sa akin si sister, natapos na ang front act, wala pa rin sa Araneta ang beauty ng lola nyo… Feeling ko, lampas sa habambuhay dadalhin ni kapatid ang galit sa pagka-late kong ‘yon at nauunawaan ko naman sya. Ako nga naman ang dakilang fan ng Tears for Fears tapos ako pa itong si late? Naman… Anyway, naabutan ko pa rin ang first song nila, ang swerte lang…The concert was great! Ayon ‘yong concert na 10 minutes na yatang tapos, wala pang umaalis sa mga upuan at ang mga tao, hoping na baka pwede ang  paulit-ulit na extension, hahaha.

 

Anyway, hanggang dito na lang muna – baka sapakin nyo na ako sa haba ng kwento, hahaha. Ang last quarter ng taon, karamihan sa mga pinuntahan, mga kainan at pasyal pa rin… Malaki kasi kaming pamilya at malalaking tao rin (at least, malalapad at mabibilog) ang aking mga kapatid at pamangkin, hahaha. Madalas ang kainan sa amin and oftentimes, sa mga oka-okasyon kami nagkikita-kita. O, kaya, kanya-kanyang gawaan ng lakad para may excuse na maisama ang latest naming apo sa pamangkin, hihihi. Pag sinabing kasama si apo, ang dami lagi sa aming nagsisiratingan, haha.

Kilala nga pala ang Tears for Fears sa mga kanta nilang Shout, Sowing the Seeds of Love, Mad World at Everybody Wants to Rule the World. Ayon bale, staple ng 80s ang mga bandang Tears for Fears, The Police (at vocalist nitong si Sting) at pati na rin ang Chicago (at ang vocalist nitong si Peter Cetera). Bata ang lola nyo nang 80s at nag-teenager din sa dekadang yaan… May naisulat na nga pala ako dating sanaysay – Makulay at Madamdaming 80s – nauna pang naisulat kaysa sa Lumalakad ang Balita, isang sulating nailathala na sa DPSA. Hayaan nyo, pag nagka-time na mag-type at mag-edit, ilalathala ko rin ang nasabing essay dito sa SSA. Hopefully, makatulong itong maunawaan nyo ang laman at paraan ng aking pagsusulat, sakaling may interesado, ahehe… Medyo ganoon talaga ang 80s – ma-drama, ma-content at maligalig, ahaha. 😉

 

Sana, ang darating na taon, maging masagana at mabait sa atin. At sana rin, we will be stronger, if not wiser and fairer… Kablogs, wishing you all the best in 2013! 🙂 🙂 🙂

 

Image of a fruit tray for the new year

Nawa ay masagana at puno ng kulay ang darating na taon para sa atin/ blog.mangotours.com

 

mga ayaw at gusto sa pasko

 

Para sa mga bata raw ang pasko. Para sa matatanda raw naman ang gasto, sabi… May s nga pala. Gastos – marami yon, ahaha. 😉

 

Image of Filipino children merry-making during Christmas

Pagmamahal at pagbibigayan daw ang mensahe ng pasko kaya malapit ito sa puso ng mga bata/ tlcmama.multiply. com

Oh, well, it makes sense naman yata. Siyempre, pag bata pa, puro laruan at regalo ang ibig sabihin ng pasko. Mga bigay-bigay, bagong damit, kasama sa pag-alis-alis at larong up to sawa, hahaha. Saka, practice-practice magmano, para kasiyahan ng mga ninang at ninong – marami ang i-aginaldo, shaks na ‘yan… Saka, paano magmukhang polite at may manners (at masabihang maganda, hihihi) para makarami ng bago at malulutong na pera – galing sa matatandang natuwa dahil sa pangkalahatan ay lumaki ka na, haha, kainaman na… Saka, pagkain – sari-sari, sa iba’t ibang bahay… 😉

 

Pag matanda na, siyempre, iba na. Pressure na ang kahulugan ng pasko, whehehe. Magreregalo pa ba sa mga ka-opisina? Baka pwedeng hindi na… Makikita pa ba this year si ganito at ganyang inaanak? Sino nga ‘yong taon-taon ay idinadaan sa bahay? Hehe, walang ligtas… May reunion ba ang college barkada this year? May exchange gift pa ba? Pwede bang pumunta ng walang bitbit? Pwedeng Red Ribbon na lang o maghahanap pa ng regalong mukhang pinag-isipan? Ang siste, wala nang time at ang hirap nang bunuin ng traffic pag nag-second week na ng December. Ay, listahan? Shaks, may listahan pa ba this year? Hindi ba pwedeng pass na lang muna? 😉

 

~~~ ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 

Ang mga ayaw ko sa kapaskuhan –

 

1. Ma-traffic, maski yata saan.

2. Ilan lang ang ATM na nagwo-work o may lamang cash. Malalayo pa.

3. Mahirap makahanap ng grocery o supermarket na maluwag…

4. Maraming dumarating na tao lagi, marami rin ang tumatawag.

5. Parang hindi nauubos ang mga hugasin, kainaman na…

 

Image of dishes piling up on the sink

Parang kakambal na yata ng okasyon ang mga hugasing di matapus-tapos/ colourbox.com

 

6. Laging may nakakalimutang bilhin, naaalala lang last minute…

7. Nagtatanungan ang mga tao parati kung gagawa pa ba ng salad.

8. Kulang lagi ang tomato sauce, sa kung anong dahilan.

9. Kinakapos lagi sa pabalat tapos, napapabili ng maraming naiimbak lang.

10. Kung kailan tapos nang magbalot ng mga babalutin, saka may nag-o-offer na pwede siyang tumulong…

 

Image of a christmas present in a nice box

Pag maganda ang balot, tyak gustong buksan agad/ fulltwist.net

11. Gustong buksan ng mga tao ang box na maganda ang balot o pagkakagawa ng ribbon.

12. May gusto kang regaluhan na hindi mo naasikasong bilihan at may hindi ka balak na bigyan, pero siya pang nauuna, haha.

13. May makikipadala raw ng papasko sa probinsya. Mas marami pa sa regalo namin ang ipapabitbit nya, shaks na ‘yan.

14. May regalong pinagdudahan mo kung magugustuhan ng pagbibigyan. Tapos, tama ka – di nga nagustuhan, hihi.

15. Dumarami bigla ang mga bata, di alam kung saan nanggagaling. Kulang lagi ang perang nadudukot sa dami ng mga nakabukas-palad, shaks. Parang gusto kong magsuot ng tshirt na may nakasulat, “Walang Pera.” Actually, totoo naman, hihi.

16. Nakakataba ang kulang-kulang na tatlong linggong ‘yon. Yun na.

17. Ramdam na ramdam na wala nang pondo pagkatapos at may mga utang pa, shaks. Pero at least, tapos na, hahaha. 😉

 

Ang mga gusto ko sa kapaskuhan –

 

1. Parang maraming pera ang mga tao, hahaha.

2. Parang lahat ay willing na gastusin ‘yon, haha uli.

3.  Maraming batang nakabihis na pang-alis – handang sumayaw, kumanta at mag-perform para may pambili ng kwitis, watusi at iba pang bagay na dahilan ng pag-iyak-iyak  nila, maya-maya lang…

4. Maraming dumarating na tao lagi, marami rin ang tumatawag.

5. Parang parating may niluluto sa mga kusina ng mga bahay-bahay. Hindi lang masabi kung kailan maluluto at maiihain, ahaha.

6. Madaling gumawa ng lakad at magyayaan palabas.

7. May mga bagong jokes akong natutunan. Hindi ko ipinapahalatang mga luma pa rin ang alam ko, whehe.

8. Legitimate activity ng mga nasa bahay ang panonood ng movies – marathon.

9. Parang tumatalas ang pang-amoy sa mga niluluto ng kapitbahay, hahaha.

10. Parang mura ang ham, kahit hindi.

 

Image of a ham for Filipino Christmas table

Sa mga Pinoy, kailangang may hamon pag pasko kung may pambili rin naman, sus…/ themagazine.ca

 

11. Parang masarap mamili ng prutas basta nasa labas, hahaha.

12. Nagdi-Divisoria taon-taon para masabing nakapag-Divisoria na at hindi pa matao masyado/sobrang dami na ng tao, hahaha.

13. Nakakahanap ng oras para magsusukat ng mga damit at mag-usap-usap tungkol sa uso kahit pa busy at wala nang time ang peg, hihihi.

14. May taong nakakaalaala sa iyong hindi mo naisip na naaalala ka pa. Susulpot o magpaparamdam bigla, out of nowhere.

15. Pag nakauwi na sa probinsya ang magsisi-uwi, biglang lumuluwag ang mga kalsada sa malaking lungsod- parang ibang lugar, haha.

16. Naba-brush up ang cooking skills na kinakalawang na. Hah, the last time you checked, pagbabalat na lang ng carrots at paghihiwa ng sibuyas ang alam mong alam mo, hihi.

17. May goodwill ka pa palang naitatago, akalain mo yon? Ang alam mo, crispy bills lang ang iyong ini-stash, ahaha. Chocolates, pag minsan…

18. Nagkukunwari ang mga pamangkin kong nagbabasa sila sa blogs ni Tita. 😉

 

Image of poinsettia plants, a staple on Christmas season

Parating may halamang poinsettia kapag kapaskuhan/ apps.rhs.org.uk

 

Maligayang Pasko sa ating lahat! Hugs, mwah, mwah! May embrace pa… 😉 🙂

 

Ang lumang kalye ng Arroceros

 

Ang lumang kalye ng Arroceros sa Maynila ay may bago nang pangalan – Villegas Street. Sa ngayon, mas alam ito ng mga tao bilang kalsadang bungad o pasukan ng SM Manila… Pero bago ang pagkakaroon ng nasabing mall, Arroceros ang tawag sa kalyeng iyon – bago pa man ako ipinanganak. Pag galing sa Mendiola Area, ito ang kalye pagkababa ng Ayala Bridge, pakanan. Pag dineretso ito ng lakad, ang dulo ay ang City Hall ng Maynila, palabas na sa pinakapangunahing kalsada ng lunsod ng Maynila, ang Taft Avenue. Sa kanto naman ng Ayala Bridge mismo, San Marcelino Street ang kalyeng nag-i-intersect sa Arroceros, kalsadang kinatitirikan ng Philippine Normal University (PNU) at sa banda roon pa, ng Adamson University.

 

SM Manila is located at corner Concepcion and Villegas streets. The latter was formerly known as Arroceros.

Ang higanteng mall sa Maynila ay nasa kanto ng dating Arroceros Street at Concepcion Street, lakad lang mula sa LRT Central Station/ skyscrapercity.com

 

Kilala ang Arroceros noong araw pa man. Una, dahil katabi ito mismo ng munisipyo ng punong kapital ng bansa. Ikalawa, sa kalyeng ito andoon noon ang headquarters, gym at recreation center ng YMCA, kahilera mismo ng Manila City Hall. Katapat naman ng YMCA building, punong tanggapan ng GSIS. Dalawampo’t limang taon na ang nakakaraan o mas maaga pa, pag-aari na ng GSIS ang building na pinag-oopisinahan nito ngayon sa Pasay at kinalalagyan din ng Philippine Senate. Pero, sa Arroceros Street nag-o-opisina noon ang GSIS, sa kung anong dahilan. Bukod sa may mga nagtitinda ng binalatang hilaw na mangga, banana que at nilagang mais sa Arroceros Street, may Ever Department Store din noon sa lugar, oo.

 

Image of Arroceros Street corner San Marcelino, in Manila

Ang San Marcelino ang unang intersection sa Arroceros Street, bago pa ang kanto ng Concepcion Street na kinatatayuan ng SM Manila ngayon/ panoramio.com

Iyon yata ang pinakamaganda at medyo sosyal na Ever na nakita ko, hahaha. Doon iyon noon sa kantong-kanto mismo ng Arroceros, pagkaliko galing sa Ayala Bridge. Pataas o elevated ang nasabing department store, pagkapasok sa establishment ay may escalator na bubungad sa shopper para makaakyat para magtingin o mamili. Dahil medyo kubli at may mga tanim na halaman sa palibot, parang pribado at ekslusibo ang ambiance ng Ever-Arroceros. Mukhang mga maykaya at may sinasabi rin ang marami sa mga namimili roon noon. Paglabas naman ng Ever, lakad-lakad ng kaunti paunahan, GSIS building na…

 

Noong panahong bagong salta ako sa punong lungsod, ang mga kapatid kong mas matatanda, sa Sta. Mesa pa nakatira. Pag hindi sa Cubao o Greenhills ang punta namin, ahaha, puro pa-Maynila na ang mga lakad – Recto, Sta. Cruz, Quiapo at Arroceros. O, kaya, sa Harrison Plaza o sa Quad Mall sa Makati – parehong sa Manila area pa rin ang daan – dadaan ng Quiapo o kaya Arroceros. Kaya, medyo buo pa sa isip ko ang itsura ng huli. Tanda ko pa ang mga nagtitinda ng sedula pagkalampas na pagkalampas ng YMCA building. Pero higit pa, tanda ko ang Arroceros dahil may dalawang taong naglalagi ako noon sa YMCA, kasama ang mga unang kaibigan sa Kamaynilaan. Naglalaro kami ng bowling doon. Duckpin pa, ahaha. Oo, ‘yong pins at bola na mas maliit. Pag baguhan nga pala sa larong ito, mas mainam mag-umpisa sa bolang magaan.

Ang YMCA ang isa sa natatandaan kong maganda sadyang laruan ng bowling. Ilan na rin lang noon ang establishments na duckpin pa ang bowling  – sa Farmers sa Cubao, sa lumang building ng UP Alumni Association sa loob ng Diliman campus at sa Discovery building sa Sta. Mesa. Mayroon din yata sa Pasay, pero di ko lang napupuntahan at napaglalaruan. Ang mga mas kilala at mas may pangalang laruan gaya ng Celebrity Sports Plaza sa Diliman, tenpin na noon ang gamit. Pati ang mga andoon sa Timog, Katipunan at sa Greenhills. Mas mura din nga pala ang bayad sa duckpin dahil ang turing ay laro ito ng amateurs. May bowling lanes nga pala sa siyudad sa lungsod namin sa probinsya, pero wala pa kaming budget sa recreation noong andoon pa ako. Pagtuntong sa malaking lunsod, noon ko medyo sinulit, haha – sa UP Alumni at sa Arroceros…

 

Arroceros then and now look almost the same. The present mall at the area must have taken over where the old YMCA building was located.

Halos ganito na rin ang itsura ng Arroceros, 25 taon ang nakakaraan. Kung di ako nagkakamali, nasakop ng mall ang lugar na dating kinatititrikan ng YMCA building/ skyscrapercity.com

 

Madalas kami ng mga kaibigan kong makikita noon sa YMCA. Pag weekdays, ang nakakalaro namin sa bowling, judges sa Manila Regional Trial Court, haha. Siguro, nagsasawa rin sila minsang  sila-sila lang ang magkakalaban kaya pinapatulan nila ang mga baguhan sa laro. Mababait sila sa amin, mga neneng kaming mapuputla at payat, hihi… May ilang pagkakataon ding ang kalaban namin, ang grupo nina Dindo Fernando, bago siya pumanaw. Si Dindo pala, drama king sa pelikulang Pilipino, 80s. Siyempre, noong una, starstruck pa kami sa kanya. Noong madalas na namin syang nakikita, di na kami naiilang. May isang beses palang natalo namin ang grupo nila, hihi. Inilibre kami ni Dindo, ang saya… Iyon ang kalakaran noon sa YMCA – ang matalo, manlilibre ng Sprite. Kami na ang nailibre ng artistang pagkaganda ng mata, hihi… 😉

 

Image of a part of Arrceros Park, a few steps from the LRT central station and a short walk fro the mall

Kuha ng isang bahagi ng Arroceros Park, ilang hakbang mula sa LRT Central Station at kaunting lakad mula sa SM Manila/ flickr.com

Anyway, may LRT Central Station na rin noon sa lugar, katatayo lang nang time na ‘yon. Andoon na rin noon ang Arroceros Park pero iba pa ang itsura nito sa ayos ngayon. Dati, medyo parang munting gubat lang ang parke (hindi maintained) at may mga parte namang imbakan at tapunan ng mga katabing tanggapan. Pagdaan ng mga taon, magkakaroon ng isyu sa lungsod ng Maynila kung aalisin ba ang park at iko-convert na lamang sa pagiging commercial land. Sa pagkaalam ko, marami ang tumutol. Noon nakilala ang “ladies” ng Maynilang  nag-depensa sa parke. Nagkaroon ng resolusyon ang lungsod para panatilihin ang kapirasong gubat sa gitna ng lungsod. Kaya hayon, sa ngayon, nadidiligan at naaalagaan  ang Arroceros Park, ang immediate view sa likod ng Metropolitan Theather sa Lawton.

 

Hindi ko alam kung kailan eksaktong napalitan ang pangalan ng kalye ng Arroceros at naging Villegas Street. Siyanga pala, si Antonio Villegas ay dating mayor ng lungsod mula 1962 hanggang 1971, sakop ang panahong itinuturing na golden age ng Maynila. Sa kanyang panunungkulan naipatayo ang Quiapo at Lagusnilad underpass, ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila(PLM), ang Ospital ng Maynila at maging ang rebulto ni Andres Bonifacio sa Plaza Lawton.

 

Image of the old Arroceros street in Manila during the Spanish period

Ito ang imahe ng kalye ng Arroceros sa lunsod ng Maynila noong panahon ng mga Kastila/ tumblr.com(old manila’s account)

 

Mga kapatid, from memory lang itong kwento ko. Dagdagan nyo sana, kung may alam din  – luma man o bago… Maraming salamat sa pagdalaw.  Magandang pasko sa ating lahat! 🙂