Babatiin Ko ng Ngiti

Sisikat din ang araw

Matatapos din ang gabi

Bukang-liwayway

Babatiin ko ng ngiti.”

image of sun rising, view from a Philippine mountain

Teknikolor rin at magical ang pagsikat ng araw/ flickrhivemind.net

 

Ito ang isang stanza ng kanta roon sa tatlong theme songs ng Storyline, isa sa mga paborito kong programa sa telebisyon. Miyerkules ipinapalabas ang current affairs program na ito, around or past midnight na, ahaha. Basta…

 

Ang bukang-liwayway, isa sa pinakamaganda at pinaka-graphic na salita sa wika natin. Buka na ang ibig sabihin ay open up at liwayway na ang kahulugan naman ay sun rays. Sa akin, ang parang ibig sabihin nito, the rays of the sun open up (and bring with them, joy). Kumbaga, very process-oriented itong salita. Pwedeng sabihin, may pagka-literal. Pero sexy, haha.

Ang mga counterparts nitong salita, magaganda rin – takipsilim at dapithapon. Ang takipsilim, ang ibig sabihin, twilight. Ang pagdapit naman ay pamamahinga ang ibig sabihin. Katulad ito noong pagsampa ng manok sa sanga ng kahoy pag madilim na. Kaya ayon, ang hapon ay dadapit o mamahinga, naman. Ba’t nga naman hindi? After shining its brightest light sa bandang hapon, even the sun could use some rest, ahaha.

 

Image of sunset in the Philippines

Kapag lumulubog ang araw, nag-iiba-iba ang kulay ng langit/ http://www.bhmpics.com

 

Madalas, sunset ang nakakatawag ng ating mga pansin. Iyon kasi ang karaniwan nating naaabutan. O, natityempuhan, pag minsan. At naman, eye-catching lagi ang paglubog ng araw. Makaka-witness ka ng myriad of colors sa langit, transforming right before your very eyes, ha, ha. Pero, mas maganda ang sunrise, pramis. It really is a splendor to behold and to experience.

 

image of early sun rising in a beach in San Juan, Batangas

Madilim rin ang itsura ng sunrise sa umpisa, para ring sunset/ blog.travelpod.com

Para roon sa mga hindi pa nakakaranas magmasid at maging bahagi ng pagsikat ng araw, payo kong subukan ninyo minsan. Hindi kayo magsisisi. Maaamoy nyo pa ang umaga, bukod sa makakita kayo ng mga hamog, ahaha. Oo, may amoy ang umaga. May amoy ang nature announcing the sun’s arrival in the mornings.

 

Kung nasa siyudad kayo, pili kayo ng parte ng lungsod na may greeneries at ang pupwestuhan ninyo, siyempre, facing the east side. Doon nyo abangan ang pagdating ni haring araw. Huwag doon sa inyong porch o sa likod-bahay, lalo na kung ang tirahan nyo ay nasa sentrong-sentro, puro pader na ang paligid at sala-salabid ang plumbings sa ilalim. Iba ang maaamoy nyo pag gayon, haha. Pwera-biro, magandang maranasan ang pagbubukang-liwayway.

 

Pag sunset, ang usual na nakikita natin, ang agawan ng dilim at liwanag. Andyan na ang overcast na clouds pero ang araw, nagpupumilit pa rin sa kanyang pwesto. Pag ganoong oras na papadilim na, ang dami pa ring bahagi ng langit na may golden rays. Kumbaga, the sun making its last bid para ipakita sa santinakpan na siya pa rin ang hari at siya ang mananaig. Kahit pa, andyan na ang gabi, nag-aantay pumalit.

 

image of sunrise in Palawan, Philippines

Nag-iiba-iba rin ang mga kulay ng langit sa pagsikat ng araw/ photos.ferdzdecena.com

Pag sunrise, baligtad na ang equation, ahaha. Nag-i-struggle ang dilim na siya pa rin ang mangibabaw sa horizon habang andyan na’t sumisilip ang araw, nagsasabing siya naman. Tapos, magpapambuno ang dalawa – ang gabing papaalis at ang araw na padating. May wrestling, bale, na magaganap sa langit, haha. Pag nanaig na ang umaga, makikitang silently, nagri-recede ang gabi sa background. Ha, ha, parang gano’n.

 

Pagkatapos noon, ang mga buhay at bagay na andoroon sa setting will be bathed in sunlight, literally. Kung swerte at andoon ka, wala sa higaan, ahaha, maliligo ka ng liwanag. Babalutin ka nito, mula ulo hanggang paa. At kahit marami ka pang proble-problema sa buhay, haha, ika’y mapapangiti. Despite yourself, ang kulit lang.

 

Ang recommended place ko pala para ma-experience ang sunrise, sa gitna ng Binangonan Lake. Habang sakay kayo sa bangka, doon sa gitna ng islets doon, mamamangha kayo, as in… Pwede ring sa Laguna Lake. Actually, magkarugtong ang dalawang tubig na yoon. 😉

 

Image of sunrise at Binangonan, Rizal, Philippines

Ang tubig sa Laguna de Bay ay dumadaloy sa Binangonan, Rizal/ http://www.panoramio.com

 

Sa May Kanto ng Avenida at Recto

image of Doroteo Jose platform in Manila, going Monumento side

Silip muna sa view ng lumang Maynila habang naghihintay ng tren/ flickr.com

 

Simula noong maligaw ako sa Quiapo, naka-apat na beses na yata akong bumalik-balik sa syudad ng Maynila. At siyempre, natutunan ko na ang aking aral – mag-LRT hangga’t maari, haha. Katunayan, napasobra yata ang aking pagsakay-sakay sa tren, Lines 1 and 2, pag nasa bandang Maynila. Kahit hindi naman kailangan, naghahanap ako ng excuse para makasakay sa mga ‘yon. Hindi na nga yata ako hinihingal pag-akyat-baba sa LRT platforms, ang husay lang.

 

image of LRT2, going from Recto Ave. to Santolan

Mas bago ang linyang ito ng tren at kulay purple/ article.wn.com

Anyway, ganito. Nahilig ako sa connecting flights, eerrr, connecting tubes ng mga tren, haha. Kahit naka-high heels ako, keber sa keber ang maglakad. Feel na feel, kainaman. Kabisado ko na yata kung saang windows mabilis bumili ng ticket, aling turnstiles ang gumagana at alin ang hindi,  at saang yellow lane dapat tumapat sa pagsakay, para hindi masyadong masikip sa loob ng train box, ahaha. Ako na…

 

Since nga na-revive ng  accidental sojourn sa Quaipo ang interes ko sa Maynila, haha, ang mga mata at isip ko ay para laging nagja-jot down notes pag ako’y nasa bandang Maynila na. Parang gustong i-absorb lahat – mauusok at nangingitim na islands sa ilalim ng train lines, mga basurang nakatambak sa sulok at pati mga mamang hubad-baro at mga manang na naka-leggings at sleeveless  (haha, ang sama ko) – naka-paste yata lahat ‘yon sa utak kong ewan.

 

image of vehicular traffic in the Rizal and Recto avenues intersection

Mga byaheng galing Sta. Cruz papuntang Blumentritt at Monumento/ victorvillanueva.net

Ganoon pa man, ang kwento ko sa inyo ngayon ay tungkol sa panulukan ng Rizal Avenue na mas kilala bilang Avenida,  at  sa Recto Avenue, kilala bilang Azcarraga Street noong araw (noong di pa rin ako ipinapanganak, hehe). Yan, Maynilang Maynila – walang duda, mga kapatid… All the smokes, dirts and grimes that one could imagine, ando’n, haha. Context pala muna, sa intersection na ‘yan, isang block lang ang layo ng connecting tube ng LRT1 sa LRT2.  Madadaanan mo ang lugar alinman pag galing kang Baclaran(Baclaran station) o Makati (Buendia station), papuntang Quezon City (para sa connecting trip to Cubao o Santolan station) . And vice-versa. Pwede rin namang pag galing ka sa bandang Tondo o kaya R. Papa at at ayaw mong sa EDSA dumaan pa-QC. Bale, mag-e-LRT1 ka muna tapos, sakay ng LRT2 pa-Katipunan. So, yon.

 

Mga busy na panulukan pareho ang Avenida at Recto. Ang Avenida kasi ay malapit na sa Sta. Cruz, isang abalang lugar at ang Recto naman ay malapit na sa Divisoria, isang pamilihang mas abala pa. Malapit din ang Recto sa Morayta at sa stretch ng tinatawag na University Belt. Kaya ayon, mataong lugar ang kanto ng Recto Avenue na nag-intersect sa Avenida. Mga sampong taon ang nakakaraan, nagagawi ako banda ryan dahil may bilihan do’n sa Recto ng art supplies. Enriquez Art Supply ang pangalan.

 

image of Recto and Avenida intersections in Manila

Ibang fastfood chain ang lessee sa kantong ito noon/ wn.com

 

So, noong isang araw, sinisilip ko kung andoon pa ba ang Enriquez. Di ko sigurado pero di ko na maaninag. Ang nakakatuwa, andoon pa ang lumang sinehan sa building na ‘yon. Hindi ko lang alam ang pangalan ng Cinerama o Theater. Pero, nakita ko, ang palabas ay pelikulang ang pamagat ay Daklot. O, di ba? Interesting, haha. Lalaki, siyempre ang nasa billboard, wink wink. Artistang di ko kilala. Doon ‘yon sa hilera ng Funeraria Paz Manila sa dulong kanto, Recto side at sa kabilang dulo ay may Chowking, sa kantong-kanto ng Recto and Avenida intersections. Twenty years ago, ang lessee establishment doon ay Cindy’s, isang fastfood chain na wala na sa ngayon. Kulay dilaw ang kainan ng Cindy’s at pula naman ang mga letra ng pangalan nito. Haha, tanda ko pa.

 

Pero sa same hilera, along Avenida side,  andoon pa rin and doing good business ang Baker’s Fair. Ito yong tindahan ng hopia at mga tinapay, may branch pa rin nito akong nakita kailan lang sa Cubao, sa may Farmer’s. Pag maglakad ka ng ng konting-konti lang, may Jollibee naman, ahaha. About half a block mula roon, pa-North sa Avenida, makikita mo na ang kailan lang ay binago, pinaganda at ni-revive na Manila Grand Opera Hotel, sa kanto ng Doroteo Jose. Daraanan mo muna, siyempre, ang mga nagtitinda ng yosi’t kendi, isang bus station papuntang Bagong Silang, isa pang istasyon pa-Bulacan naman at pati yaong mga nagtitinda ng tinging gulay galing Baguio.

 

image of the new Manila Grand Opera Hotel in Doroteo Jose, Manila

Engrande raw ang lugar at tambayan ng alta sosyedad noong araw/ skyscrapercity.com

 

Anyway highway, sa kabilang side, Avenida pa rin, pa-Monumento,  sa tapat bale,  andoon pa rin ang istasyon ng bus papuntang North, mga byaheng Zambalez at Baguio. Dati, ang alam ko ay Philippine Rabbit* yata ‘yon. Hindi ko lang alam kung depot pa rin yon ng parehong kompanya. Pero halos ganoon pa rin ang itsura – matao, masikip, marumi, haha, maraming nagtitinda ng poncan at orange sa harap at mayroon na ring lansones at strawberries, ahaha. May mga tindahan pa rin ng biskwit at juice in tetra packs saka, M.Y. San na nasa balde at timbang dilaw at green, haha.

 

image of Odeon Mall, former location of Odeon Theater in Manila

Sikat raw ang Odeon Theater noong 60s hanggang 80s/ skyscrapercity.com

Sa kantong-kanto noon, andoon dati ang Odeon Theater. Naku, sikat ‘yon noong araw, as in, let’s say, thirty years ago, haha. Kasi, sabi ni SuperlolongPinoy, doon daw ipinapalabas ang Bruce Lee at James Bond movies. Ahaha, hindi ko talaga alam, isang beses lang yata ako nakanood doon. Oh, basta, ilang taon lang ang nakalilipas, inalis na ang movie house na ‘yon at ginawa na ‘yong Odeon Shopping Mall. Dangan kasi, ang building na ‘yon mismo ang nasa ilalim ng connecting tube ng LRT. Bale, daanan ito ng sangkatutak na passersby at commuters.

 

Sa tapat naman nito, sa Recto side, pareho pa rin halos ang establishments. By the way, clockwise ang direksyon ng paglalarawan ko, ha…. So, yon, halos iyon at iyon pa rin ang mga tindahan at kainan doon sa pagtawid ng Odeon papunta sa kabilang side ng Recto. Pati yata mga nagtitinda at tumatambay, ‘yon pa rin. Marumi talaga ang sulok na iyon, excuse me lang po. Maraming nagtitinda ng kung anu-ano sa bangketa – may pagkain, may prutas, may pang-ayos ng buhok at iba pa – nasa portable tables ang mga paninda o kaya, sa kariton. Tapos, sa kalsada, doon pa sa mismong kantong-kanto humihinto ang mga byaheng Punta, San Juan, Cubao at Morayta – galing lahat sila sa Divisoria. So, yon nga, it’s a busy place, patatawarin. At may karakter, haha, hindi nga. Kumbaga, you want a slice of Manila at it’s finest (or most naked, haha)? Doon ka tumingin.  Marami kang makikita, pramis.

 

image of the projection room of the Dilson Theater in Recto Ave., Manila

Ganito pa ang itsura ng projection room ng lumang sinehan ng Dilson/ http://my_sarisari_store.typepad.com

Iyong tiles pa lang ng bangketa ang tingnan mo, mapapansin mong mas matanda pa yon sa ‘yo o baka pati sa mga magulang mo, ahaha. Tapos, ang mga nakapagkit na usok at dumi, baka pwede nang bomoto, ahihi. Anyway, ang good news ko sa mga mahihilig sa picture ng city decadence, ahaha, andoon pa ang lumang theater o movie house doon. Dilson ang pangalan. At may palabas pa. Lumang bold movie na hindi sikat, siyempre. Ayon tuloy, hindi ko natandaan ang pamagat. Ang sistema ng ticketing nila roon ay ‘yong dati pa, ha? Iyong pink o green na rectangular paper na pinipilas, haha.

 

Pero, eto ang better news, sa katabing building nito, andoon pa ang isa pang lumang sinehan, ang Holywood Theater. Nakow, sikat ito! Ang claim to fame ng sinehang ito ay dito lang naman ang shooting ng movie ni Papa Piolo Pascual noong babago pa nating nabi-bistahan ang kanyang kapogian, ahaha. Opo, wala nang iba, sa Holywood Theater nag-shoot ang Lagarista. Ah, basta, hindi ko na ‘yon ikukwento, i-download nyo na lang ang kopya, sakaling hindi nyo pa napapanood, haha.

 

image of Hollywood Theater in C.M. Recto Avenue in Manila

Dito nag-shoot ang pelikulang Lagarista ni Piolo Pascual/ http://my_sarisari_store.typepad.com

 

Ganoon pa rin ang itsura ng Hollywood Theater –  may orchestra, may balcony at may loge, haha. Lumang ticketing system din. Double picture na bold nga pala ang palabas. Hindi ko rin maalala ang pamagat pero iyong isa ay may salitang ligaya at ang isa naman ay may hiram. O, Hiram ‘ata mismo ang pamagat noong isang movie? O, yan din pala ang palabas doon sa google pic na nahanap ko, ahaha, ang kulit lang… Kung hindi ba naman tunog steamy ang mga movies na ‘to, ewan ko lang, ahaha. Ah, at saka nga pala, ang billboards nitong mga sinehang naikwento ko ay iyong luma pa rin, yong hand-painted sa Signs and Crafts shops noong araw? Di ba ngayon, tarpaulin na ang karamihan o di kaya, movie poster na lang sa cinema lobbies? Nakaka-miss din nga pala ‘yong manu-manong billboards na uso dati, naman.

 

At any rate, ang Hollywood Theater ay may katabing isa pang building na nagha-house sa Little Hollywood Restaurant, isang kainang ang especialty raw ay crispy pata. Basta, nadiskubre ko na ito dati, last quarter last year pa, ahaha. Isang kainang kulay dilaw at orange ang mga upuan, magkaharapan ang diners sa upuang may sandalan ng likod at ang itsura nito’y lumang noodle and dimsum house, na mga lumang parokyano ang tumatambay, haha. May videoke na (concession sa makabagong panahon) at mahal ang kape. Nescafe lang, trenta pesos na, haha. Parusa siguro yon sa usiserang nakikiupo para magmasid-masid, sus.

 

Ganoon pa man, balik na tayo uli sa kantong-kanto mismo ng panulukan. Doon sa sinasabi kong busy at di-kalinisang kanto, ang katapat nito sa Avenida side ay mga lumang buildings pa rin. Iyon pa ring mga dati, palagay ko. Parang iyon pa rin ang lessees, tenants at mga vendors sa harap. Pag umusud-usod ka banda roon, makikita mo pa rin ang sign ng Alemar’s Bookstore. Hindi ko lang alam kung bukas pa itong establishment, sarado kasi noong ako ay dumaan.

 

image of Rizal Avenue, just before the C.M. Recto intersection

Sa bandang kaliwa ng view ang Merriam & Webster, katapat sa kanan ang Alemar’s/ panoramio.com

Pero parang ganoon pa rin ang itsura noong corner. Ang isang building doon, natatandaan kong Arguelles Building yata ang pangalan. Ang itsura nito, ‘yong typical gray cement building gaya  sa bandang Binondo at Divisoria – space for shops sa ibaba, maaring stockroom sa second and third floors, at residences na sa top floors. Iyon bang tipong ang mga sira at maalikabok na bintana ang nagsisilbing testimony sa commercial place na has seen better days? Ahaha. Basta, parang gano’n.

 

Halos magkatapatan ang Alemar’s at ang Merriam and Webster sa kabilang side. Pero itong huling bookstore, nagbagong-anyo na. Medyo pinaganda na at pinaliwanag ang loob, parang mas malinis kaysa dati at mas maayos. Ganoon pa man,  ang mga katabi nitong tindahan ng mumurahing pantalon at belts, halos iyon pa rin, pareho pa rin halos sa twenty years ago. May nagtitinda pa rin ng manggang binalatan sa harap at may burger joint pa ring katabi, na tila tambayan ng lahat.

 

image of Recto and Avenida intersections with an LRT1 train in the background

Nagsasalubong sa Doroteo Jose Station ang LRT 1 and 2, kalapit ng Recto at Avenida/ manilahub.i.ph

At sabi ko nga, huwag kang masyadong titingin sa bandang baba, kasi naman nga, ang tiles, ang tiles. May panahon kayang nakaranas din ang mga iyong ma-hose down at ma-scrub? Ahaha, ang lagay ay nagtatanong lang. Nagtatanong ang isang taong siya namang may penchant gumawi sa mga lugar na ang sabi, seedy places daw. Asus.  🙂 🙂

 

 

 

 

* May pagwawasto – sa halip na Victory Liner, Phil. Rabbit ang tamang pangalan ng depot. Salamat kay Superlolo.

Patuloy Kitang Mamahalin

image of a plate of love

Ang pag-ibig daw ay isang pag-aalay/ wentokoto.blogspot.com

At dahil mahal kita, handa akong magparaya. Kahit katumbas nito’y kasawian.” Iyan ang madamdaming awit na naulinigan ko kaninang umaga, courtesy ng kapitbahay naming masipag magpatugtog, haha. Ito ang isa sa mga lumang kantang pinapahaba ang boses, Beegees style. Kung bagbagan at bagbagan ng damdamin ang usapan, winner ang piyesang ito. Sabi talaga sa umpisa, “Ika’y patuloy kong mamahalin. Maging sino ka man, di na magbabago ang pag-ibig ko.” Naman, panalo, di ba?

 

Iyon daw ang totoong love, generous na, unconditional pa. Walang hinihinging kapalit, hindi nagbibilang and makes or asks for no excuses. Saan ka pa? Ahaha. Kaya masarap din ang feeling ng nai-in love, nagkakaroon ka ng chance na maging selfless, ‘ika nga. Wala kang cares, makapagbigay lang, maipaabot mo lang sa mahal mo ang iyong pagtatangi. Maski magmukha kang tanga, okey lang. Hahamakin mo ang lahat, maging ang sarili mo, ha, ha. Actually, higit at una sa lahat, ang sarili mo ang iyong hinahamak, pag inlababo, patatawarin.

 

E, ano’ng gagawin, dumarating ang mga ganoong pagkakataon? Pag gayon, tatakbuhan mo ba, iisnabin, iiwasan? Madalas, oo. Pero may mga panahong hindi, haha. Hinaharap mo, tinatagpo. In short, nangangahas ka at nagbabakasakali. Baka isang araw nga naman, ang once-in-a-lifetime chance mo ay andyan na, ha, ha. Iyan ang tao – laging nagmamahal, laging umaasa at laging vulnerable.

 

Kasi, sabi sa isa pang kanta, “Kung di ako magmamahal, sino ako?” Naman.

 

Maaring i-click at pakinggan ang video sa ibaba:

 

 

Sa Likod ng Quiapo

Image of the Black Nazarene in procession on the feast day of Quiapo

Parang pilgrim ng mga Kristyano sa Pilipinas ang pagdalo sa prosesyon ng Itim na Nazareno sa Quiapo/ gulfnews.com

 

Dalawang araw ang karaniwang inaabot ng pagdiriwang ng pista ng Nazareno sa Quiapo. Petsa otso ng unang buwan ng taon, sa bisperas at sa mismong araw, sa ika-9 ng Enero. Pero ngayong 2012, inabot ng tatlong araw ang celebration dahil hindi raw makausad-usad ang prosesyon. Ang di-kagandahang nangyari roon ay nasira raw ang tatlong gulong ng karosa o float sa early part pa lang ng procession, sa bandang Quirino pa lang.

 

Naalaala ko pa namang noong isang linggo, iyon ang highlight sa balita. Idine-demo noong architect kung gaano at paano medyo mas hi-tech, mas state of the art, ang karosa ngayong taon. Custom-built daw para kung dumugin man daw ng devotees sa parada ang imahe ng Nazareno, mas kayang mag-endure noong sasakyan. Anyway, hindi rin. Hindi rin daw kinaya, sabi.

E, siyempre, huwag na nating pag-usapan kung paano nagiging enthusiastic ang mga Pinoy pagdating sa pahiran ng panyo sa Poon. Ang sumasagi agad sa isip ko ay ang paglubog ng ferry noong araw sa isa sa mga selebrasyon ng Penafrancia festival. Ganoon din. Nabigatan masyado ang sasakyang-pandagat na kinalalagyan ng poon kaya tumagilid iyon at lumubog .  Ayon…

Anyway, daloy ng traffic lang naman yata ang naapektuhan sa pagka-delay ng 2012 na parada. Wala yatang taong nasaktan o nasugatan. Marami lang siguro ang nainip at siyempre, may mga nagutom. Pero ganoon naman yata palagi, handang magutom at makipagsiksikan ang mga deboto para maging bahagi ng taunang okasyon sa Quiapo.

 

Nasa Quiapo ako sa mismong araw ng kapistahan ng Itim na Nazareno.  Di ko naman sinasadya. Ang nangyari ro’n, nag-dyip  ako sa halip na usual na nagta-taxi. Sumakay ako ng pa -Sta. Cruz. Ayon na ang aking malaking pagkakamali, haha. Magkatabi nga pala ang Sta. Cruz at Quiapo? Inangkopo, ba’t walang nag-remind sa akin, pambihira! At ba’t hindi ko naisip? Rerouted pala ang mga sasakyan sa Maynila. Kung saan-saan dumaan itong sinasakyan ko at ang ending, sa bandang Recto Avenue. Sumuot sa isa sa mga gilid na kalye at iyon, natagpuan ko na lang ang sarili ko sa Quiapo: likod. Sa mismong araw ng pista ng Quiapo kung kailan may milyong tao sa lugar. Haha, ang saya lang.

Ang ginawa ko ay bumaba na lang at naghanap ng makakainan dahil lunchtime na. Lunes na lunes, ang daming kailangang gawin, andoon ako sa panulukang iyon.  Andoon na rin lang, hindi na ako nag-object. Hindi ko akalaing ang ka-engotan ko’y gayon na lamang, haha. Pero, oks na rin.  Sa isang karinderyang lutong-bahay ako umupo at kumain. Ayos naman, family-business type na kainan, malinis naman. Pwede na ang luto, parang luto ko lang, haha.

 

Habang kumakain, ang dami kong nakikitang dumaraang devotees. May mga pira-piraso rin ng prosesyong napapadaan. Tipong contingents, ba? May representation nga pala ang ganoong prosesyon, may delegation ang bawat lugar at grupo ng devotees. E, di masaya, napanood ko sila. Ang dami ng naka-T-shirt na may design ng Nazareno, ‘yong Hesus na may koronang tinik? Iba’t iba ang kulay, iba’t iba rin ang nakasulat. Mayroong ang nakalagay,  “Ama, patawarin mo sila. Di nila alam ang kanilang ginagawa.” Meron namang ang sabi, “Ama ko, ako ay nauuhaw.”

 

May mga mag-asawang talagang humahangos pero sige, tuloy. Basta, sa itsura nila, mukha silang mag-asawa at panata nila ang uma-attend sa yearly celebration ng Quaipo. Merong magkakabarkadang babae , may mga lalaking mukhang magkaka-tropa at meron din namang barkadahan ng magkaka-kapitbahay. Mayroong mga kalbo, yong mukhang nagpakalbo para sa okasyon? Kamukha ng ginagawa ng ibang Pinoy pag Mahal na Araw, gano’n.  Mayroon ding mga nakayapak, marami. Medyo napatingin ako roon. Mainit kaya noon? Hahaha. Pero, trip nila ‘yon, panata nila. Sino ba naman ako para humusga kung tama ‘yon o mali? Basta ang alam ko, mainit kahapon at siguro, mainit ang yumapak sa kalsada, haha.

 

Image of youngsters queuing for a chance to touch the Black Nazarene icon

Maghapon at magdamagang pagpila ng mga kabataan para makapahid ng panyo sa imahe ng Itim na Nazareno/ allvoices.com

Pero ang dami kong nakita sa araw na iyon. Hindi lang mga taong gustong mag-abang sa imahe ng Nazareno, makipahid ng panyo sa Poon at mag-sakripisyo para sa kanilang debosyon. Ang nakita ko pa at napansin, ang lumang Quiapo. Ang dating Quiapo. Pag sa usual connotation natin, ang Quiapo ay ang simbahan, ang parada at ang Quezon Avenue, ang main street ng Quaipo area. Idagdag pa natin ang Quiapo market sa ilalim, ang kalye ng Raon na bilihan ng lens ng camera, speakers ng sound system at spare parts ng appliances, at ang Carriedo, ang kalsadang nagdurugtong sa Quiapo at Sta. Cruz. Pero hindi rin. Ang Quaipo nga pala ay ang mga bahay, mga residente at samutsaring pamumuhay din ng mga taga-roon. Kumbaga, Old Manila siya, susmaryosep.

Ang likod at mga gilid-gilid ng Quezon Avenue ay representative ng isang lumang era. Mga bahay na luma na na hindi na, hindi pa, ipinapa-repair at ang itsura ay isandaang taon na o higit pa, hinati-hati lang para maging boarding houses. Iyong iba naman, nilagyan ng karinderya sa ilalim, iyong iba ay tindahan na may load para sa cellphones at yong iba, general merchandize stores o tipong krudong business center – may Xerox, may school supplies at may tindang diapers, haha. Anything to supplement the income, kumbaga. Tipong eking a living, medyo nag-concede sa commercialization ng lugar pero pinanatili pa rin ang old way of life nila. Maski ang itsura ng kanilang mga bakod, patungan ng paso ng halaman at gates, marami ay hindi binago. Iyon pa rin, lumang Maynila pero bago na ang mga tao –  ang mga nakatira.

 

image of children in Quaipo with the famous Philippine church as background

Makulay ang Quaipo at gayundin marahil ang buhay ng mga bata roon/ flickr.com

Maraming mga bata at kabataang bading sa Quiapo. Marami ring mga batang babaeng ang liliit pa pero mukhang magkaka-career bilang starlet, haha. Basta, mukhang may future sila sa larangang iyon, ahaha uli. Meron ding siyempreng mukhang magiging big-time criminals pagdating ng araw, ahaha. Iyon ay kung di pa sila nag-uumpisa sa eksena ngayon, habang bubot at trainable pa, haha. Mayroon din siyempreng mga mukhang ordinaryong batang nag-aaral sa eskwela, mga ordinaryong Nanay na naghahatid sa anak at mga ordinaryong Tatay na pumapasok sa araw at naglalasing sa gabi, haha. May senior citizens din, ‘yong tipong walang gaanong pakialam sa itsura ng paligid, basta tuloy lang sila sa nakasanayan nilang routines, may parada man o wala, matao man o hindi, may nanghuhuli mang pulis sa malapit. Basta…

 

Ayon ang Quaipo na napagmasdan at napanood  ko uli kahapon, sa loob ng wala pa sigurong isang oras. Ang hindi ko makakalimutan ay ang mga lumang grills ng bahay, ang beams noong iba – yong ma-elaborate ang designs, parang sa mga bahay sa Crisologo Street sa Ilocos. At ang mga pambakod na tanim, marami pa roon ang bahay na may bougainvilla plants na eksaktong naglalaglagan ang mga bulaklak kahapon. Ang gandang tingnan, parang autumn na hindi naman, haha. Nasa Pilipinas kaya ako?

 

image of a street in the Quaipo area

Ang Quiapo nga pala ay isang piraso ng lumang Maynila/ traveleronfoot.wordpress.com

 

Anyway, noong nasa byahe na ako papunta na talaga sa aking pupuntahan, at sa awa naman ng langit, mabilis lang, saka ko lang naisip: ang mga nakasulat nga pala sa T-shirts ng Nazareno devotees ay ang Seven Last Words. Ahaha. At noong araw ay kabisado ko ang Bible, susme.  Pero, noon ‘yon. Noon.

 

Sa mga namista, nakiparada at nakibahagi sa pagdiriwang ng pista ng Nazareno, sana ay nakauwi na kayo at nakapahinga sa inyong bahay-bahay. Mayroon pa uli sa susunod na taon, ha, ha.

 

Pero next year, sakaling mapunta uli ako sa Maynila sa a-nwebe ng Enero,  mag-i-LRT   na ako, patatawarin! 🙂