Tabatsoy

 

Hello, mga ka-blogs! Ito ang aming pangalawang apo sa pamangkin. Ate nya ang 13-year old girl na na-feature sa isang post dati. Kukok nga pala ang tawag namin sa kanya…  Sa amin, click ang mga palayaw na pangit, hihi… 😉

 

 

Nagpi-playball kaming dalawa rito...

Happy siya, basta may kalaro.

Nagpi-playball kaming dalawa rito sa unang larawan…

 

 

Somebody wants gifts, too

First birthday ni Third apo noon… Guess, sino ang namimilog ang mga mata, “Ako, wala ba akong i-o-open?

 

 

A boy inside the suitcase

Mahilig syang magtago sa mga sulok, sa kabinet at sa maleta. Pansinin nyo sya, dali. 😉

 

 

Healthy, naughty boy

Three- year old boy pa lang sya dito sa pic series. Four na sya ngayon. Eight(8) bottles pa rin ang dede nya sa gabi, hehehe.

 

Btw, ang isa pa naming tawag sa kanya, Alyas Boy Kanin. Di ko na ipaliliwanag kung bakit… 😉 🙂

 

Advertisements

Anu-ano pa ang mga kwento?

 

Hello, ka-blogs!  Ang hilig nyo pala sa inside story, ahaha, senga? 🙂 Medyo nagtataka ang lola nyo rito, sabi madalas ay ang hahaba raw ng posts ng lola at ang dami-daming kwento. Pero, hayon, nagtatanong pa rin pala ang marami kung anu-ano ang mga kwento sa likod ng mga kwento. Ano ba talaga – maraming kwento o kulang at kulang pa rin ang wento? Ahaha, naitatanong lang… ng taga-kwento.  Hihihi, ayon lang… 🙂

 

Image of a person telling a story before a group one moonlit evening

Kasali sa buhay ng tao ang magkwento at makinig ng mga kwento/ robinheyden.wordpress.com

Ano palang gusto nyong ikwento ko, this time? Tungkol pa rin sa mga tula? Pambihira, naikwento na yan dati…  O, basta, ang Sa mga siwang at pagitan, ang title ay galing sa isang post ni ivanlabayne, isang blogger from Baguio City na wari ko, isang writer. Nag-comment siya rito – sa Babatiin Ko ng Ngiti at sa page na Para Saan ang Awit?. Bale, ang wento, may English post siya noon, ukol sa spaces and distances… Natuwa ang lola nyo at iyon ang pinick-up para sa title ng tulang inspired ng video ni Tristan Prettyman, ex-girlfriend ng singer na si Jason Mraz. Tungkol ‘yon sa sentimyento ni girl na si guy ay moving on na, samantalang siya ay nasa kumunoy pa ng hinagpis over their break-up, huhu… Siyanga pala, ang Sa Mga Siwang at Pagitan lang yata ang tulang inilathala ko sa blog, within 24 hours matapos maisulat…

 

Ang kwento sa likod ng mga tulang nakahanay sa  Kayo po ang pipili ay eto – dyaran… Hihi, biro lang. O, basta, ang anim doon, humigit-kumulang, inspired or triggered ng mga sulatin ukol sa pag-ibig nina themathteacheralsoreads at ljsdeleon. Parehong titser ang dalawa, mahuhusay magsulat at nagba-blog in English and Tagalog. Btw, halos kalahati lang ng edad ng lola nyo ang edad ng dalawang bloggers. Pero hayon, ang kanilang mga tula, so right on… Moving, parang ramdam ang panaghoy sa loob. Pagkabasa sa poems nila, parang gusgustuhin mo ring mag-nurse ng wound, mag-wallow sa sama ng loob at pakalunod sa despair, ahaha. Sa pitong tulang inihanay sa Kayo po ang pipili, ang Labis Ang Pangamba lang ang dati pang naisulat at hindi influenced by ljsdeleon and mathteacher…

 

Teka, marami yata ang sumisilip sa Nalilito, Nagugulo at sa Buti Pa, Buti Nga. Gusto kong isiping mabenta sila dahil magagaan silang mga piyesa. Yes, they are supposed to be light read poetry. Btw, alam ko, uso ang mag-presuppose na ang mga tula ay pahiwatig sa ka-blog – ang saya lang…  Sa banda ryan, tutulungan ko na kayo para di na mahirapan, hihihi… Mga kapatid, pag nagsusulat ang lola nyo ng posts na inspired, triggered or influenced by a ka-blog or his or her work, sinasabi ko mismo roon sa tao. Ganoon din pag ang isang ka-blog ang pinatutungkulan sa isang sulatin – alinman sa sinasabi ko sa ka-blog o kung di kami nagkakausap, sa isang kaibigan niya…

 

So, pag may nabasa kayong post banda rito at feeling nyo, parang parinig o pahiwatig kay ganitong ka-blog, ang payo ko, tanungin nyo siya mismo, oo. Pakitanong nyo kung sinabi ko sa kanya – sa comment, sa email, sa chat o sa offline message – kung related o may kinalaman sa kanya ang sulatin – in any way. Kung sabihin ni ka-blog na hindi, better believe na hindi… Alam nyo kung bakit? I have made it my practice na i-inform ang sinumang ka-blog na pinatutungkulan sa post. Iyon ang aral na nakuha ng lola nyo mula sa unang nakasamaan ng loob na ka-blog. At malalim na leksyon iyon, ahaha – mga limang baranggay lang yata ang umaway at nag-boycott sa lola nyo dahil doon. Ang pagkaalam ko, ang iba sa kanila, hanggang nitong huli, gumagawa pa ng posts para okrayin ang lola rito. So, some lesson yon, kumbaga… ^^

 

Anyway, as I have explained before, suloy lang ng tulang Salansan ang Nalilito, Nagugulo. Ang pinaghalawan pa rin ng tula – ang love series ni bagotilyo. Ang concept behind Nalilito, ang sabi ni ka-blog na pansinin lang ng kaunti, 10 times ang epekto sa pobreng kinikilig. Ayon… Ang Buti Pa, Buti Nga, ang kwento ay iyong kwentong nasa ilalim ng post. Ang dagdag, same day na-conceptualize ang Buti Pa, Buti Nga at ang tulang Salansan… Kung mapapansin nyo, pareho sila, conceptwise – young love that didn’t quite work out in the end…

 

Ano pa, hmnn… Ayon, sana, sana lang, makita ng ka-blogs na kung nakasulat ang lola nyo ng  Salansan, hindi naman siguro imposibleng makagawa ng tulang singgaan ng Buti Pa, Buti Nga at ng Nalilito, Nagugulo… Sanayan din, mga kapatid. Kumbaga, once you got into the groove na tumula-tula, hindi na siya sobrang hirap. Hindi pa rin siya madali, pero hindi na mahirap… And, as I’ve said before, I would appreciate it kung may feedbacks through the comment section. Kahit hindi na compliments, ahihi. Sa panahon ngayon, lalo pa sa Pinoy audience, very cautious or sparing pagdating sa purihan, ahaha. Oo, medyo ganoon yata… Buti na nga lang at naisipang mag-blog sa English, hehe, doon ang lola nyo nangangahoy ng compliments, lol. Pero ma-appreciate ko ang feedbacks, pramis.  ^_^

 

Image of an ad announcing a corner to be a story-telling venue

Pwedeng may mga interesting na kwentuhang maganap sa isang munting sulok/ labs.openviewpartners.com

 

Mabanggit ko nga pala, ang tulang Wala kang binitiwang pangako, opposite ng post na buwan ang saksi – conceptwise… Sa dalawang posts na iyan,  gusto ko sanang mai-pin down ang romantic love as we know it… 😉

 

 

Magpa-plugging pala me, kung di nyo mamasamain, ahaha. Ang latest post sa DPSA, ukol sa nosebleed concept na zero-sum game. Nakow, big time concept yaan sa Economics at sa economists, whehe… Ayon lang, di ko sure if I did justice sa diskusyon… Anyway, sabi sa zero-sum game – ang loss ng isa, gain ng iba at ang gain ng iba, loss naman ng isa. Ayon, bale, iisang buslo lang ang pinagkukuhanan – either or – kung daraaanin sa logic. Sabi, ang isang tao raw para maging better off sa buhay, magagawa lang niya iyon by making somebody worse off. Ganoon ka-harsh, naman… So, ang success raw ni Juan, failure ni Pedro at ang failure ni Juan, success naman ni Pedro — parang ganoon…

 

Anyway, nauna ko na yaang i-illustrate sa English blog, sa write-up na Atmospheric Pressure, kung may nakabasa sa inyo … Kumbaga, iyon ang literary rendition ng concept. Mahirap kaya? 😉 Oo, mga kapatid, pang-level ni John Nash ang ideya, patatawarin…  Oo, naalala ko, dumurugo ang bawat hole and pore ko no’ng dini-discuss yon sa klase. May quadrants-quadrants ba naman? Ahaha… Anyway, ang gusto ko lang yatang sabihin, tingin ko, hindi nag-a-apply sa writing ang zero-sum game. Yon lang… 😉

 

* Pasensya naman, bumalik sa mahaba ang post, hehe. Dapat siguro, press statement ang itinawag ko rito, ‘indi post, hihi. Salamat sa pagbabasa. Hopefully, maiksi na uli ang kasunod at… magaan lang. 🙂

 

Pasok ka… sa mundo ko

 

Bakit tayo nagsusulat ng observations, opinions, musings at nagpapansin sa blog? Bakit hindi tayo mamuhay na lang ng tahimik – away from the peering, leering and gossiping public eye? Tsos! 😉 Bakit kailangan pang ikwento sa bawat maparaan, walang magawa at sa sinumang interesado – ang mga anik-anik ng ating buhay? Importante ang ating sasabihin, dapat pakinggan? Kabawasan  sa sangkatauhan pag di narinig ang ating istorya? Ows? May maidadagdag tayo sa laksa-laksang impormasyong bumubulusok sa paningin, sa pandinig at sa pakiramdam ng madla? Ah, eh, wala lang… Pasaway, naglalagay ng mga ganyang tanong, pasensya naman… 🙂

 

Image of a giutar, leaves and the horizon

May kanya-kanyang awit tayong pinakikinggan, pinatutugtog at sinasaliwan sa ating blogs/ http://www.deviantart.com

Katunayan, sabi – huwag maglagay ng tanong sa unahang bahagi ng blog post – kung hindi rin lang naman sikat at importanteng tao si blogger… E, yun nga – going against the grain ang dramarama ng bloggers, kasama na ako. Raising an objection, pointing to something unnoticed or calling attention to something funny or unusual – madalas nating alibi, ahihi. Nakaka-suffocate ang mainstream, umi-indie ang marami – nag-i-stake ng chance sa two-minute fame na uso … O, e, bakit? Hindi naman bawal, di nakakataba at di rin daw immoral. Btw, medyo nakakataba – at least, nakakalaki ng bilbil at nakakalapad ng pwet… But that’s beside the point, hehehe. Or, at least, part of the territory unless, trip mo ang magsulat ng blog ng nakatayo… Sabagay, pwede rin, hakhak.

 

O, bat tayo nagba-blog? Di nga… Kasi raw, feeling natin, ang daming unsaid. O, di ba?  Saan nakasulat, tayo ang annointed para magsabi sa publiko, sa madla, sa santinakpan – ito at hindi iyon ang mahalaga at dapat na pag-usapan? Wala naman, hindi ko naman napag-alamang nakasulat ito anywhere, ahihi. Teka, may nakasulat, senga? Hahaha, wala… With the advent of internet, naiba raw ang mode of interaction, of communication, ng mga tao… Bigla na lang, pwede nang kausapin ng diretsahan ang buong mundo. O, di ba? Ang galing! Ayon lang, milyon tayong mga gustong magsalita sa harap ng madlang pipol at kausapin ang sangkatauhan, ahaha. Hey, world, this is my story! Once upon a time…  Hay, ang saya-saya — kanya-kanyang mikropono para i-address ang mundo – sa sari-sariling websites, hehehe… 😉

 

Come to my world, another way to put it. Sabi ng isang blogger, “Please come under my rock. ” Tila bahay-bahayan – pwedeng mag-anyaya sa blog para ipakita ang bagong laruan, kakaibang insektong nasalubong at shell na napulot natin… Parang kalaro o kapitbahay lang ang bawat nating iniimbita sa pribadong espasyo. Dito tayo gumagawa ng usap, kwento at mga sariling pauso, hihi. Na para bang dito, pansumandali nating natatakasan ang mabibilis, nakakagasgas at nakakalitong mga kaganapan. Sabi, ang riyalidad sa blog ay  lapat, manageable at mas kayang panghawakan… At least,  pag dito  ka nagtanong, “Ba’t nga maalat ang tubig-dagat?,” di iisiping baliw ka. Weird lang. At marami naman ang weird sa blog sphere, sabi… 😉

 

Dito, pwede tayong magmukhang smart – kahit na tayo pa ang pinaka-engot na nag-grace sa balat ng earth… Pwedeng assertive, kahit pa ikaw o ako, ang pinakamalaking pushover at doormat na naitala  sa tanang buhay, ahaha. 🙂

 

 

Ang post na ito ay sagot sa Hoshi’s Blog Life Contest” ng kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com

Tila hindi nawawala

 

Hello, mga ka-blogs! Nais kong magpasalamat sa lahat ng sumilip, nagbasa at tumunghay sa likhang-akda, Mga Tahi at PasoPanauhing Lathala mula sa Doon Po sa Amin. Tila hindi ito nawawala sa listahan ng posts na sinilip ng pinakamarami. Maraming salamat. 🙂

 

Gaya ng naikwento, ito yata ang pinakamaipagmamalaki sa lahat ng posts na naisulat. Halos 24 years ang hinintay, bago naisulat ang mga isipin at saloobing nasa panulat. Ang akda ay tungkol sa romantic thoughts – ano ang lugar ng pag-ibig sa buhay ng tao. Marami sa mga ideyang nakapaloob sa sulatin ay hiram lamang — sa mga may-akdang pinangalanan sa ibaba ng write-up.

 

Image of a 19th century man standing before a cliff

Magkasabay sumibol at lumago ang  romantisismo at nasyunalismo bilang mga kilusan. Kailangan daw daanan ang romantic phase bago makamit ng individual ang holistic na pananaw sa mundo at buhay/ http://www.barnesandnoble.com

 

Dati, hindi ko maisip na darating sa puntong mahuhuli at maisusulat rin ang mga isinaad sa panulat. Kung ilan din ang anthologies of romantic literature na binasa sa maraming taon. Nangangarap, isang araw, maisasatitik ang mga pira-pirasong ideyang nakalap… Sa Les Miserables – ang buhay ay malupit at ang gabi ay para sa pangangarap, pananangis at pagtalilis. Sa Frankenstein – walang sinsakit ang mawalan ng mahal sa buhay, gagawin ng tao ang lahat para sa kanyang minamahal. Tumimo ang mga iyon sa loob at ipinangako noon – akin silang isusulat  sa sariling paraan, wika at pag-intindi.

 

image of a countryside in America

Ang romantisismo ay nananawagan ng pagbalik sa kalikasan at paniniwala sa kabutihan ng tao o humanity. Ito ay pag-aaklas laban sa rasyunalismo subalit may mga wisik ng Judeo-Christian beliefs/ http://www.artsjournal.com

Ang mga ideya sa talatang nag-uumpisa sa “Saan galing ang mga sakit at pag-iwas?,”  gayundin ang mga nasa talatang nag-uumpisa sa “Bibihira raw ang taong walang kinikimkim”  at pati  ang sa bahaging “Subalit ang araw-araw na pamumuhay raw ay tila walang-katapusang pakikihamok,” ay hindi originally sa akinI guess, I read them somewhere, a long time ago… English, French and German literatures ang marami sa pinaghalawan. Ang Les Miserables at ang The Red and the Black ay  mga kinikilalang lathalain para sa pagtataguyod ng nasyunalismo sa Europa, gitna ng 1800s. Ang una ay nanawagan ng pag-aaklas, ang ikalawa ay tumuligsa sa di pagkakapantay-pantay ng mga tao sa lipunan.

 

Ang maituturing na sadyang akin, ang huling apat na talata sa Mga Tahi at Paso. Ang crucial point, sa wari, ang talatang “Ngunit pinipilit nating maging masaya.”  Naroroon ang make-over – ng taong napaso at sugatan. Doon naganap ang pagpaling, ang pagbabagong pangako ng akda. Ito rin ang bahaging pinakamatagal at paulit-ulit ang editing – para mai-render sa graphical manner ang papel ng pag-ibig – to enable the individual to turn things around. Dahil sa pag-ibig, kakayanin niyang ibahin ang takbo ng mga pangyayari… Ang pinilit kamtin sa akda – vivid imagery – ma-itsurahan at ma-imagine ng nagbabasa ang process of transformation.

 

Image of  Eponine in the poster of Les Miserables

Sabi ng romanticism, ang pag-asa raw ng tao ay sumisibol sa mga gabing tigib sa ligalig at lungkot/ theamyspalding.com

Kung isasalin sa Tagalog, ang Les Miserables ay maaring tawaging Silang Mga Kapus-Palad. Sabi ni Victor Hugo, may-akda, ang nobela ay kanyang sinulat para imulat ang mga tao sa epekto ng ignorance and misery. Na saanman daw mayroon ng mga ito, hindi malayo ang magkaroon din ng injustice and despair. Applicable pa rin yata ito sa ngayon… Lalo pa rito sa atin – laganap pa ang kahirapan, kagutuman at naglipana ang mga bata at babaeng gala sa gabi para may ipantawid ng gutom. Nais ng nobelang silipin ang mga motibasyon ng tao – what drive them to despair, what egg them on to hope? Tila sila pa rin ang mga tanong na itinatanong natin sa kasalukuyan…

 

On a personal note, natutuwa akong may significant number ng ka-blogs na interesadong alamin, kahit paano, ang special menu ng manunulat dito… Parang Note to Self  ang sulatin,  isang  pangungumbinsi mismo sa sarili – dapat pa ring ipagpatuloy ang pakikihamok sa buhay –  gaano man ito kasakit, kapait at karami ang hatid na lungkot… Ikinagagalak kong marami ang na-curious, nais makabatid, kahit paano – what despairing events took place here, what gives me hope and what are the things that drive me to write… 🙂

 

 

Muli, maraming salamat. Maligayang Linggo ng Pag-ibig sa lahat! 🙂 🙂 🙂

 

Ang pansariling boses o marka ng manunulat

Image of a poster reminding one to be careful with words

May mga panahong nalilimutan natin itong bilin/ blogmyheartandhome.wordpress.com

Sa nakaraang post, natalakay ang mga tinig ng mga karakter sa loob ng sulatin. Sabi roon, ang mahusay at sanay nang magsulat, kaya ang magkakaibang pananaw at boses sa loob ng panulat. Iba pa ito sa sinasabing distinct voice o pagkakalinlan sa isang manunulat. Ang kanyang sariling marka, kumbaga.

 

Sabi ng mga marami nang naisulat at nailathala, nakakamit raw ang authorial voice kapag nakapagsulat na ng 1,000,000 na salita. Isang milyon, oo. Gaano karami ang isang milyong words? Mga 3,000 pages, mga kapatid. Ito ay approximately equivalent ng 15 hanggang 20 libro. Ganyan daw karami ang kailangan para ma-develop ang pansariling marka ng isang manunulat na makikilala rin ng mga mambabasa.

 

Marahil, hindi nakapagtatakang karamihan sa mga nangarap at nangangarap na maging manunulat in the real sense of the word, ang iniintindi ay kung paano maging prolific. Ibig sabihin, marami ang output – ang naisulat. Ito rin naman marahil ang proof na ang pagsusulat ay hindi isang rocket science. Tulad din ng iba pang larangan, ang puhunan sa pagsusulat ay sipag, tiyaga at tuluy-tuloy na pagpupunyagi.

 

Hala, magsulat lang tayo lagi. Sulat lang ng sulat… 🙂

 

*Maligayang kaarawan sa aming apong makulit. Two na sya. 😉 🙂