Usap-usap…

 

Hello, ka-blogs… Pasensya na, pansamantagal akong nawala at di na nakapagpaalam sa inyo. Na-injure ang kanang kamay ng lola nyo, ‘yon… Sa lahat ng pagkakasakit, ito ang di ko na-anticipate. Di ko naisip possibility na isang araw, mada-damage ang kamay, kanan pa, at mawawalan ng function. Kainaman na… Anyway, magaling na po. At sana, di na maulit, hakhak. Dumaan sa di ko mabuhat ang mug, di makapagsulat at masakit pag nagta-type, yon. Marunong pala akong magsulat using my left, haha, natutunan no’ng college, pag maraming kinokopya. Pero, ang hirap pa rin pala pag kanan na-damage. Parang naka-attach lang sa balikat ang isang kamay? Hihi. Pero walang gamit. Kakaibang experience…

Ay, sana andito pa rin kayo, ka-blogs at mambabasa. Salamat sa mga loyal na sumisilip at nagtitingin kung may update – na-miss ko kayo. Na-miss kong mag-blog at na-miss kong magbasa. Hindi rin ako masyadong nakabasa sa sites nyo, pasensya na. Ayoko masabik mag-blog habang disabled, hakhak. Pero, parang nakapahinga na rin and the time I was not here, generally productive. Sana okay kayo while I wasn’t around. Pasensya na talaga. Sus, di naman ako basta-basta aalis ng walang paalam, magpapaalam ako pag iiwan na blogging. Magpapaalam din, pag hihinto nang magsulat sa isang site, yon. Teka, nag-worry ba kayo? Natuwa yata kayo? Ehehe, kunwari, di ko narinig. Apir!

Salamat sa tatlong ka-blogs na sumulat at nangumusta, salamat sa concern nyo at pag-aalala. Sana, nasa maigi kayo… Salamat sa mga nag-iwan ng comment at nagtanong kung asan me, thank you. Salamat sa mga bumabalik, every so often, kahit walang bagong posts. Hindi naman nag-zero ang sites, thankfully… By the way, sa mga ka-blogs na nagpadala sa email ng posts para sa guest posting, salamat. Natutuwa ako sa inyo. Pasensya na sa delay, ha… Ilalathala na natin sila sa susunod. Salamat uli for obliging me. Open pa rin pala guest posting, sa mga ka-blog na nagnanais, pakipadala lamang sa email. ^_^

 

Nakakapanibagong bumalik, parang sanay na rin akong hindi blogging… Anyway, habang hinto sa pagba-blog, nasilip ko somehow ang mga nailathala. Marami-rami na pala naisulat, seryoso ang iba at mahahaba nga (!!!), compared sa usual blogs. Ay, I must have scared you, guys. Nalula siguro ang iba (o, ang marami? whehe) sa contents at nakomplikahan sa mga pinagsasabi … Tapos, yon, too well-structured daw ang mga sinulat. Gusto ko sanang magpaliwanag, isa-isahin sa inyo ang contexts ng posts, sabihin bakit at paano ko sila na-arrive at. Pero, may tags naman sila, andoon na subtexts.

Ayon, ituring nyo na lang, musings sila ng isang failing na ang eyesight, ahaha. Oo, yon. Ilang tumbling na lang, failing memory na rin lola nyo, hakhak. Malay nyo, may ilang mapupulot din sa mga pinagsasabi? Hoho. Marami sana akong gustong sabihin, mga gustong iwasto sa maling impressions, seemingly misplaced expectations, na-generate ng posts. Pero dati, may nagsabi sa akin, we hit the ground running daw. Wala raw room for false starts, walang excuses, walang alibis. Siguro nga… Thus, I won’t make any. Just be patient with me, pipol, and take the things I say at face value, ahaha. On the other hand, titingnan ko rin mga pwedeng gawin, para mas mapagaan at gawing mas madaling nguyain ang laman ng panulat. Titingnan ko…  Sa akin, blogging has enriched me, in many ways. And, most of you have been here with me. I thank you, sincerely.🙂

 

 

Teka, parang ang drama naman nitong come back post. I’m baaack, yes. Pssst, kumusta kayo?😉

 

50 thoughts on “Usap-usap…

  1. ho ho ho! mangunguna na ko dito!

    Kaya pala naglaho ka ng matagal Ate San…mahirap nga iyan at mabuti naman magaling ka na hihihi…marami kaming sa iyo ay nakamiss harharhar

    sinalubong nga pala ni glenda at henry ang aking pagbabalik. humahabol din si meralco ha ha ha

    • hello, aysa… welkam back to the Philippines. ba’t parang insincere pagkakasabing ako’y na-miss, ha? ha? hihihi😉 bagyo sa iyong pagdating, what to do? andilim pa naman sa Aurora Blvd. ilalim ng LRT pag rainy season, hakhak. alam ko na – pasyal ka sa Ateneo grounds tuloy sa Miriam grounds. maganda ro’n pag ganitong tag-ulan, hanap ka makakasama… cheerio!🙂

      • kainaman, tigang ang term. OA ka, RP, andaming info nga ng posts mo? parang mahirap gumawa ng gano’n, kapatid. siguro, inisip mo ring maging journalist dati, hano? haha…

        ‘lam mo, minsan, feeling ko, parang service hotline or information center site mo, di nga. parang booth, minsan, haha. kaway-kaway sa ‘yo.🙂

  2. Hi Ate San, Akala ko pumasok ang comment ko hindi pala. Hehe
    Alam ko, may dahilan kung bakit bigla kang nawala sa blogging at saka dapat magpapaalam ka sa amin hindi ‘yung basta-basta mo na lang kaming iiwan.
    Mabuti at okay ka naman at may mababasa na ulit kaming interesting post sana magtuloy-tuloy na ang paggaling ng kamay mo.
    About guest posting, naipost ko na sa blog ko ‘yung entry para sa’yo kasi wala akong maisip na ipost kaya hayun, nagalaw ko. Pasensya naman.

    Welcome back Ate San!

    • hellow, Limarx… hihi. oo, di naman yon naasar lang ako isang araw tapos, ayaw ko na, haha… may tiglilima namang readers ang bawat site, hakhak. siyempre, papaalam ako sa kanila, sa inyo (charot!)…

      actually, hindi raw sure na di mauulit. parang feeling ko nga. unfortunately… ^^

      hala, tamo ugali mo? hihihi, oks lang. ipa-publish ko pa rin. may ilang edits, ha (mga ay at ang lang mostly). pasensya na talaga, kapatid. na-delay… :c

  3. Welcome back ate susan. It’s been a while…

    Dapat ang come back post hindi madrama tignan mo yung post ko. wahaha

    CArpal tunnel syndrome ba yung naging sakit mo or katam? :p

    I’m glad you’re back.

    Ang gnda pala ng video ng Nokia1020 (yung sa second video) makabili nga ng lima mamaya. haha

    • hoy, bagotilyo… ikaw ang welcome. tamo ‘to…. ey, manong, ikaw ‘tong more than a decade nawala kaya? hahaha. peace.😉

      oo, mukhang paiyak ka lagi sa pics sa recent post mo, hihihi. hindi halatang may maiiwan ka na namang crush do’n sa workplace. o, mami-miss mo ang crush ng bayan/resident nurse status, whehe.😉 peace uli…

      carpal tunnel nga! ba’t mo alam? nye, nars ka nga pala, nar-es… aysows, napasipag nga raw lola, kaya nagkagano’n, maryosep… feeling ko, pag nag-i-age, gano’n, nangangalas na and nagpo-fall into disuse or dysfunction ang body, hakhak…

      heh! salamat. at ang N1020 talaga ang napansin ng bruho. siguro, pupunta kang Megamall at bibili, ‘no? hahaha. regards sa yow…🙂

  4. Ikaw ay nagbalik. Haha! Kay tagal kitang hinintay (parang kanta lang ah?). Nagbasa ako ng lumang posts ko; nakita ko yung comment mo sa hagod sa taludtod. Babasahin ko pa lang after two years. Toinks! Haha! Welcome back!

  5. musta na Sa Saliw ng Awit? Hope you’re doing fine at ready na ang iyong kanang kamay para makapagsulat. Mahirap nga yan at kamay pa, sa bagay talagang masakit naman kahit alin pang bahagi ng katawan ang parang pasalisado.

    get well and be happy always. mabuhay!

    • hello, hoshi… ayos-ayos na, kapatid. mahirap sya noong first two months… na-strain daw masyado. anyway, bumuti na, salamat….🙂 natutuwa ako sa mga hirit mo sa yong Aguinaldo post, hahaha. medyo mayamanin daw si El Presidente, may lifestyle, gusto primera klase bagay-bagay, sabi…🙂

      i hope you are busy and happy din. salamat sa pagdaan…🙂

    • hahaha, opo. a, e, gumagana pa naman, dok PP. natawa ako sa typing gamit ang paa or siko. pag-iisipan ko po kung ganoon ako ka-dedicated na blogger.😉

      salamat po. happy weekend in the Philippines.🙂

    • hellowie… oo, yon. nag-off kamay ng blogger, ansaya… ay, oks lang po. updted me ng onti sa nangyayari sa may inyo, thru your posts, hehe. have a great week ahead din, good luck sa projects at experiments mo. take care din…🙂

  6. San kumusta?
    Magaling n ba 100% ang kamay? ^_^ nawa’y ok na ok na…

    Parang kabuti lang si froggy n pasulput-sulpot…🙂
    “Pag-ingatan ang kamay, mhalaga ‘yan sa pagba-blog hihi”

    • Hello, Zel? Okay na kamay, isip at pakiramdam ang hindi, haha.

      Uy, ba’t di ka nagba-blog, kapatid? magsulat ka, naman… salamat. nakaw, mahalaga kamay for many things, na-realize ko no’ng ito ay frozen, hihi. hope you are doing well…🙂

  7. Halla.. sorry to hear kapatid, sana totally recovered na kamay mo..

    Anyare bah, nadali sa online games? Hehe..

    Pasensya na nahuli sa balita, busy girl kase the whole summer.. kaya ngayon lang ulit nakadalaw sa bakuran..

    Ingat ingat po.. I really miss reading your blogs, and hopefully I will have more time for reading soon..

    Keep safe🙂

    • ahaha, salamat and ayos na po. ah, di. sa pagga-garden yown, kapatid. napwersa daw, may in-uproot kasi ‘kong fruit-growing tree (sintaas ng hita) dahil di sya pwede sa spot na tinubuan nya. turned out, malalim pala mga ugat. kinarir kow at naalis naman, haha. ayon lang, the next day, parang paralyzed na, hihi. pasaway.

      hala, ano’ng pinagkaabalahan mo no’ng summer? ay, september morns na, di na summer dyaan…

      magsulat ka. andaya mo minsan, nakikibasa ka lang, hahaha. nami-miss ko writings mo, dear.

      ingat ka rin dyan. kwento ka sa blogs ng recent happenings dyan. waving…🙂

      • Kase.. masyadong masipag eh.. At nag-gagarden ka narin ngayon, eh di mas lalong wala ka ng time umispot ng kasamang magbilang ng mga bituin nyan..?😛

        Hayaan mo, ta-try kong mag-update sa mga pangyayari netong summer (which ends on the 26th na nga pala). Umiwas ako sa pagsusulat ng ilang buwan, yoko mag-isip kase non, kaya manga at gala muna inatupag ko.

        Inaantay ko rin kaya bagong paskil mo haha..

        Ingat ulit kapatid.. kaway2 rin🙂

  8. Hello po! Nangangamusta rin ako sa iyo sana masundan na ang post na ito muli…sensya na po at ngayon lang din lang ako nagparamdam. Salamat sa iyong pagpaparamdam sa aking munting bloghay. Ako man ay napatigil sa pagsusulat…ok naman ako at mga kamay pero ayun…bisibisihan lang siguro.

    Ingat palagi dyan sa atin San.

    • hello, Lolo… ayos lang po, thanks… a,e, wala pa po. try ko next week.

      sa dpsa ho, baka magka-post this week.,, ay, tapos na summer nyo, shaks, ibang season na uli ryan. tag-ulan pa rin dito, haha. binaha ho uli kami last sept 19, kainaman na…lilipat na me next year talaga, hihi.

      good luck po sa kabisihan nyo. kind regards…🙂

  9. Pingback: sa mga ka-blogs na nang-ookray… | doon po sa amin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s