Mga tinig sa panulat

 

Hello! Dahil may category rito tungkol sa pagsusulat, paninindigan ko na, ahihi. Kunwari, may alam talaga sa larangan, tsos. 🙂

 

Image of Other Voices

Maaari raw magkaroon ng iba’t ibang boses sa loob ng panulat/ http://www.imro.ie

Sabi ng teachers ko  sa English at sa Literature dati, may mga boses raw ang panulat. Weh? Pwede raw iba-ibang boses ang gamitin, pag sanay na… So, tiningnan ko ang fictions na pinagbabasa ko no’n – parang meron nga… Madalas ako noong makabasa ng writings na boses bata… Pero paano? 😉

Paiksiin natin ang kwento, hihi. Hindi ko nalaman. Yon… Hanggang sa nag-blog ang lola nyo rito… Oha, kwentong revelation, hakhak. Pramis, sa blog ko nalaman – pwede naman nga pala. Paano? Parang magpapasapi lang, hahaha. Parang magta-transform ala superhero, mag-a-assume ng ibang identity, yey! O, di ba masaya? Internalize, yon daw, sabi… Get into the mood – blah, blah… Concentrate, feel the atmosphere, get into the characters (hahaha, sinabi na rin ‘to dati sa ‘min sa workshops, ala namang nangyari). Katahimikan… Voila! May tama ka na, hakhakhak. Ang baliw lang… 😉

 

O, basta, hindi ko talaga alam paano, shaks lang. Pero dito sa masayang mundo ng blog, kung saan katakut-takot ang naaani kong pang-o-okray sa mga taong di ko naman kilala, pero feel nila kilala nila ‘ko (haha, nag-senti lang), sabi-sabi ay may mga boses na nga raw ang panulat ng lola nyo. E, di, sumaya naman ako ng slight lang, ahihi. Ang tagal ko yatang pinangarap ma-achieve yown? Antagal hinanap, andito lang pala? 😉 Ay, di ito opening line sa isang dramatic interlude. Wala lang…

Sige na nga, gan’to… Dati, ang alam ko lang boses, yong sabi nyong “parang sa libro.”  Formal writing yata ang ibig sabihin – formal language ang karamihan sa mga salitang ginagamit sa akda at sinusunod ang rules ng grammar, ayon… Tunog business-like? Oo, ‘yong parang seryoso at hindi nagbibiro, hahaha. Isa syang textbook-like na type ng sulatin o basahin. Ano’ng trivia ko senyo? Wala lang, wala naman, hihi.

Bago nga pala nag-blog, apat na Tagalog writings lang ang naisulat ng lola nyo sa nakaraang 17 taon… isang sanaysay at tatlong talumpati. Ang sanaysay, assignment pa no’ng college. Tapos, tatlong speech sa Tagalog… Ay kasi, English halos lahat ng ipinapasulat dito sa atin, opo. Loyal tayo sa English language, ahaha… Oo, maski graduation speech dito sa atin, in English, pambihira… So, yun, walang gaanong karanasan ang lola sa pagsusulat sa Tagalog bago nag-blog. Medyo handicapped pa, pag written… 🙂

 

So, no’ng sabi ng ilang ka-blogs, para raw sa libro magsulat ang blogger dito, nangiti naman me. Madalas dating masabihan ng mga kapatid na nagpipilit raw sa isang endeavor na di naman alam. Oo, sabi nila, di raw ako marunong ng ating wika sa written… In fairness sa mga kapatid, mas maaalam sila lahat mag-Tagalog, kaysa sa lola nyo rito. Pag gumagawa ang lola nyo ng posts na Tagalog dati, bali-baligtad ang mga salita sa first draft, kakahiya. Matatawa kayo, pramis…

So, ‘ika nga, ako ay nag-persevere, ahaha… Nagpaka-trying hard mag-blog in Tagalog. O, bakit? Improved na ngayon, whehe. Proud me much, hala… May mga nag-iisip pa ngang bihasa ang lola nyo sa Tagalog? Ahihi, shaks lang…  Maalam akong magsalita. OA, Tagalog kaya kami? 😉 Ayon lang, pag hindi yata gaanong napa-praktis ang wika, pumupurol ang alam sa paggamit at dumarami rin ang insecurities, hihi. At saka, may kaibahan wari ang conversational Tagalog sa written, lalo pa kung mag-iistrikto… ^^ Anyway, feeling ko ngayon, medyo nakakabawi na, ayiii. 😉

Anyway, “panlibro” raw ang post na Papalayo, Papalapit, sabi-sabi… Nakow, tatlong kilometro ang nasabing sulatin about blogging… Sa totoo lang, di ko alam paano naging ganoon ang tunog ng sanaysay. Nakasulat na ako ng marami-raming formal essays, pero in English. Ang alala ko sa Papalayo, dumapo ang ideyang may time, space and distance sa pagsusulat. Time and distance, pasensya naman…. Basta, ang tunog ng write-up, naging pormal. 🙂

 

Boses lalaki – eto ang kwentong creepy… Oo, hahaha, brace yourselves, mga kapatid… Tinig ng kapatid naming lalaki ang ginagaya o ginagamit ko pag nagsusulat ng ganoon. Siya ang Kuya namin – artistic, may pagka-literary at baduy, hahaha. Oo, baduy usually ang art-art nya, pero artistic ang rendition lagi. Kumbaga, he has the  eye for beauty, saka may music rin sya sa katawan. Yon lang… Wala na ang kapatid naming ito. A few years back, pumanaw na sya. 🙂

 

Image of Voices and Choices

Marahil, nasa pagsasanay at pagpapasya ng nagsusulat kung alin o kaninong boses ang gagamitin sa panulat sa blog/ http://www.gundfdn.org

Hindi ko pa lang kayang ikwento ng mahabang kwento, as in…  Pero sa posts ng lola nyo, siya ang most mentioned sa mga kapatid. Yon. Hahaha, na-creep out ba kayo? Hindi naman, kapatid ko naman sya and the years before siya nawala, close kami. So, pag nagsusulat at kailangan ng boses lalaki, iniisip ko lang – paano kung si kapatid ang magsasabi no’n? Ayon… Ahaha, gan’to. Usually, ‘yong posts na may malalalim na Tagalog. OA kayo, inisip nyong ganoon talaga akong managalog? Wish ko lang… 🙂

Ang mga halimbawa ay ang Tawagin ang Pulis at dito sa SSA, ang Minsan pa, sa tag-araw… Ang Tawagin ang Pulis na pagkabaduy, parang sya mismo ang gumawa… Ganoon isusulat ‘yon ni kapatid – kung siya ang magsasatitik. E, kasi, nababaduyan ako sa idea, kailangan talagang manghiram ng voice… Ang Minsan pa, sa tag-araw, tungkol sa apo sa pamangkin. Boses din ni kapatid ang ginamit doon… Kalalalim ng Tagalog sa write-up, pati ako, nangilo… Btw, naikwento ko dati, sa Kung Tapos Na Ang Lahat, may dalawang lalaking nag-uusap? Si Kuya namin ang isa roon. 🙂

 

Kung tutuusin, nakatulong din siguro ang pagbabasa ng Liwayway magazine. Oo, haha, maraming Liwayway ang nabasa noong araw. Kami mismo sa bahay, wala nitong babasahin. Nanghihiram at nakikibasa lang… Tapos,  pinagbabasa kami ng Inay ng Bibliya sa Tagalog – pag gabi. Mga sampong taon din siguro, kainaman na… Ay, hwag nyo akong tatanungin, limot ko na … Ano na lang, pag Holy Week at may basa ng Pasyon, nakikinig ang lola nyo – ang daming mga Tagalog na salitang noon at doon ko na lang naririnig, hihi. Ang iba ay nagagamit, pag nagsusulat ng posts…

Tapos, binasa ko ng paulit-ulit ang Hiyas ng Wika I to IV, di nga. Textbooks yaon sa Panitikan ng mga nakatatandang kapatid, noong high school sila. Pinakialaman, as in, whehe… 🙂 Saan pa ba? Sa mga librong Tagalog na binasa, naikwento ko sa Mga Paglalahad page sa DPSA. Marami rin nga yatang pinanggalingan ang boses-boses sa panulat na sinasabi… Kung saan-saan kinahoy at pinulot, patatawarin. Ang iba, sobrang tagal at layo na ng pinanggalingan. Sa totoo lang, maski ako, naaaliw… 😉

 

O, sya, last na… Alin sa mga panulat ang parang boses mismo ng lola nyo sa totoong buhay? Dyarann! Dyok. Alam nyo naman ‘ata – ang Kanya-Kanyang Kaadikan, tungkol sa mangga pag summer? Gano’n ang boses ng lola nyo rito pag nangungulit… Pag medyo pormal, yong nasa Para saan ang isang saglit? 🙂

Ang boses ng bata sa panulat, di ko pa na-a-achieve. Perspective ng bata, sa post na Ang Kwento ni Nine, medyo-medyo nakuha na, maybe… Mahirap nga  ang ginagawa ng magagaling na authors – iba-ibang boses talaga sa loob ng iisang panulat… Pero sa tingin ko, tingin lang naman, a matter of familiarity din. Pag mas maraming nabasa, pag na-expose sa mga sulating may voice-voice, natutunan naman yata, over time... Kailangan, siyempre, magsanay lagi. Ayon, nasabi ko na rin  – pag interesado tayo sa ating isinusulat, napupukaw natin ang interes at nahahawa ang mga mambabasa… 🙂

 

Image of an Amazing Sunset by the Sea

Marami raw mga tinig sa loob natin, sabi ng kumuha ng larawan. Pag minsan raw, huwag muna silang pansinin para makita natin ang kagandahan ng paligid / http://www.slrlounge.com

 

Ang dami kong kwento, as in. Pati ako, nadadaldalan sa ‘kin, haha… Teka, seryoso, iniisip kong mag-shift na sa mas maiiksing entries…  Mas madali ang magsulat at maglathala ng mahahabang posts, matagal at ma-hassle ang magpa-ikli Kaya ang tanong, ahaha – Kaya ko kaya? 😉 Wish me luck, pipol. 🙂

 

Advertisements

Matatanda na sila

Image of flyfishing in Montana, from the movie, A River Runs Through It

Sinulat ni Maclean ang nobelang A River Runs through It  pagkapag-retiro/ movies.netflix.com

Matatanda na sina Norman Maclean at Frank McCourt noong sila ay magsulat at nang mailathala ang kanilang mga nobela. Si Maclean ay 74 noong mailimbag ang akda nyang A River Runs Through It, tungkol sa fly fishing sa Montana noong 1920s. Maganda ang naging pagtanggap ng mambabasang publiko sa nasabing nobela at kalaunan, ginawaan ito ng isang pelikula sa Hollywood. Si Brad Pitt ang gumanap na bida, si Robert Redford ang director at naipalabas ito noong 1992. Isa ito sa mga pelikulang natatandaan ko, napakaganda ng cinematography.

 

Si McCourt man, nagturo rin muna ng mahigit tatlong dekada at pagka-retire niya at 65, saka pa lang inatupag ang pagsusulat. Tungkol sa buhay nila noon sa Ireland at sa mga unang taon ng kanyang pamilya sa Amerika ang nobela niyang Angela’s Ashes. Masigabo ang naging pagtanggap ng publiko  sa istorya ng buhay ni McCourt – sa Amerika at sa buong mundo. Ang ashes nga pala sa pamagat,  tumutukoy sa abo ng sigarilyo ni Angela – ina ng may-akda. Parating namomroblema si Angela sa asawa nyang lasenggo at kung paano niya itatawid sa lamig at gutom ang mga anak  – sa tuwing darating ang winter sa Ireland. Ang nasabing aklat ay ginawaan din ng pelikula, ipinalabas noong 1999.

 

Winter in Ireland for a poor family, from the movie, Angela's Ashes

Ang pinakamalaking suliranin nina McCourt noon, paano lalabanan ang lamig sa mabagsik na lungsod/ widescreenworld.blogspot.com

 

Sa Ingles na blog, isa sa paborito kong blogger, si sorrygnat. Kung magsulat siya sa blog, parang 30s lang… Sa totoo, siya ay 74 taong gulang, babae, may asawa (kasal sila for 28 years, di ko lang alam kung may naunang relasyon) at may dalawang aklat nang nailimbag sa kanyang pangalan. May kakambal nga pala si sorrygnat, babae rin. Nagtuturo ang author-blogger ng writing class sa isang local community sa U.S.. Marami siyang lugar na napuntahan at tinirahan, sa loob at labas ng Amerika – kung ilang taon din si sorrygnat  tumira sa USSR. Mahusay siyang magsulat, isang wordsmith… Subalit, kai-kailan din lamang na-publish ang dalawa niyang libro. Kumbaga, for the greater part of her life, siya ang halimbawa ng writer na magaling, pero hindi published.

 

Ikinukwento nya ang mga ito sa kanyang posts – paanong parang ang tagal bago siya naging at home sa sariling katawan, katauhan at bago natagpuan ang sariling lugar… Hindi naman daw sila mahirap noon. Graduate sa Harvard ang kanyang ama. Pero noong bata sya, nag-World War II at di sila na-spare sa uncertainties of the period. Nakapag-aral pa rin si sorrygnat at sa Ivy League pa nga yatang eskwelahan. Pero, maraming naging liko ang buhay niya at ng kanyang kakambal. Ang huli ay naunang pumanaw, dahilan upang lalong maging mabigat ang mga dalahin ni sorrygnat. Maraming mga taon daw niyang binata at pinagdusahan ang isyu ng naunang pagpanaw ng kakambal. Ngayon, in her sunset years, ngayon pa lang daw ang paglaya ng kanyang sarili. It has taken me long to learn the dance, sabi nya… May lalabas  pala siyang dalawang libro ngayong taon, sa pagkaalam ko… 🙂

 

 

May isa pa akong paborito – si yearstricken. English teacher siya sa Texas, early 60s, may asawa, Irish migrant din sa Amerika at unpublished pa. Mahigit 30 years na siyang nagtuturo at napakahusay ng kanyang panulat. Ang mga sulatin nya – poetic, lyrical, pared down sa barest essence ang mga salita… Kahanga-hanga ang usage at construction ng kanyang mga akda. Bloggers na nasa grad school o may multiple Ph.D. ang marami sa nagbabasa sa site ni yearstricken  (lola nyo lang yata ang hindi). Ang nakakabilib, very poignant ang istorya ng buhay ng nasabing guro… Half siblings ang marami sa kanyang mga kapatid, ang isa ay nasentensyahan sa death row at kwento nya, may isang abortion ang Nanay nyang hanger lamang ang ginamit sa sarili… Sa madaling salita, si yearstricken ang halimbawa ng interesting at mahusay, pero aloof na blogger…

 

Kwentong atin-atin lang, ahihi. Minsan, na-curious si yearstricken at dumalaw sa English blog ng lola nyo. Kung ilan yatang posts ang binasa nya. Pag-uwi sa sariling bahay, gumawa ng posts – apat na sunud-sunod, haha… Sabi nya, sentimental raw ang mga sulating nabasa(referring probably to Off to a Place), may sprinkle ng sarcasm (marahil, ito ang post ukol sa Valentines) at sa pangkalahatan ay iyakin o maudlin,’ ahaha.  So, ang tatlo niyang posts, ukol sa sentimentality at etymology ng word na maudlin.’ Ahaha, pramis – totoo ‘to… 🙂  Ang pang-apat niyang post, parang reconciliatory na – isang sentimental ding komposisyon… Ay, nalungkot me noon – ang gaganda ng posts nya at ang dami ng bloggers na sumakay sa bandwagon. Nilait nila ang sentimentality at ang di-pinangalanang blogger dito, ahaha.

 

So, ano ang ginawa ng lola nyo? Noong una, wala. Ilang linggo muna ang pinalipas bago pa gumawa ng parang sagot – Reading through My English Sentiments ang pamagat ng post. Doon ko ipinaliwanag sa kanya, di naman English major ang lola rito, haha. Tapos, may kasunod, hihi, ang The origin of my so-called sentiments. Doon ko naman ipinaabot sa idol blogger – dirt poor din kami dati, na hindi lang sya ang nakaranas ng hardships sa buhay, ahaha… So, anyway, ano ang nangyari sa munti naming hidwaan? Hala, nag-comment siya sa Reading through, oo. Yon na… Di na siya nag-comment pa uli. Pero, nagbabasa at nagko-comment pa ang lola nyo sa site ni yearstricken at sinasagot naman niya ng maayos. Ang alam ko, nagbabasa pa rin siya sa aking English site – lurker, ahihi… In short, may isang episode na nagkatagpo ang matataray. 😉 Basta, idol ko pa rin sya at aabangan ko ang kanyang libro. Chances are, mas maganda pa ‘yon kaysa sa Angela’s Ashes. 🙂

 

Kung anu-ano lang…

 

Hello, ka-blogs! Sana ay restful ang Linggo ninyo… 🙂

 

Magagaan lang muna ang kwento natin para masaya. Magkukwento lang muna ang inyong lingkod ng kung anu-ano lang, hahaha…

 

Ano ba? Hmnn… A, ayon, pag naglalagay ang lola nyo ng YouTube video ng kanta sa posts,  iyon at iyon lang din ang music na pinapakinggan nya sa loob ng isa hanggang dalawang linggo, ahaha. Baliw ba? Oo, medyo ganoon talaga. 😉

Naaalala ko, noong unang nagkaroon ng casette tape (casette tape pa noon) ng kanta ni Lea Salonga, ten days ko yatang pinapakinggan, haha. Pagkakarating sa gabi, iyon at iyon, kainaman na… Iyon yata ang album nyang marami sa kanta, cover ng songs ni Ric Segreto? Oo, ayon…

Tapos, noong nagkaroon ako ng Sting (CD na yata ‘yon), mga dalawang linggo – iyon lang ang pumapailanlang na musika sa aming bahay at bakuran. Parang gusto akong saktan ng housemates noon, haha. Pero, ayon, they survived that phase naman, haha. 😉

 

Image of green leaves after the rain

Malinaw na berde ang mga dahon matapos paliguan ng ulan/ http://www.fanpop.com

Sa blog, ang pinakamatagal ko yatang pinakinggan, ang YouTube video ni Rod Stewart sa kanta nyang Have You Ever Seen The Rain? – mga three weeks, haha. Mahilig talaga ang lola nyo sa kantang may ulan-ulan, ahaha.

Saka, natuwa ako sa vid noon, naka-Americana si Rod Stewart, haha. Ang mga napanood kong MTV nya noong araw, ang get-up nya – alinman sa hubad or bihis-punk – hindi ko gaanong nagustuhan. Isang kanta lang yata niya ang na-appreciate ko dati, maski sikat na sikat siya noong 80s.

 

Ah, eto… Napansin ko, ang dami pala sa ka-blogs nag-view ng post na ulan sa puso at iba pang mga tila walang saysay na panimdim. Haha, kung tama ang nakuha ko sa grapevine (alam nyo naman ‘yang grapevine, karaming sekreto), kasi raw ay may pagka-sensual, ahaha. Paano ba? Ano’ng kwento?

 

Image of vine leaves being rained upon

Madalas ay mahiwaga at nakakabighani ang mga proseso ng kalikasan/ bluebutterfliesandme.wordpress.com

Said post, isa sa attempts kong mag-describe ng nature and its processes. Sa DPSA, ilan ang sinulat ng lola nyong posts tungkol sa panahon… Hilig ko ang paksa at laging pinagtatangkaan – the changing of the seasons. Pakiramdam ko, artistic and creative ang paglalarawan sa kalikasan – pagpapalit-palit nito at pagbabago. ‘Yon.

 

Sakaling na-appreciate nyo ang akda, salamat. Kung may mga na-intriga pero naasiwang mag-comment, salamat pa rin. Kung mapapansin ninyo, may kaugnayan ang akda sa posts na Tag-araw, Tag-init, Unang Patak ng Ulan sa Mayo at Pangako ng Tag-ulan. Karugtong pa rin…

 

Ang pamagat ng post – ‘yon ang sinadya, ahaha. Giliw ako sa salitang panimdim – hindi ko na naririnig na ginagamit ito ng mga tao sa ngayon. Ang rain in one’s heart naman, galing pa rin sa kanta ni Ric Segreto* na kinanta ni Lea.  Oo, may ganto iyon sa lyrics, ” like a sturdy tree that’s seen a thousand seasons…”

Bago pa iyon, may nauna nang sinulat ang lola nyo tungkol sa ulan sa English blog, Atmospheric Pressure ang title. Ahaha, rain lang ang ibig sabihin ng atmospheric pressure… Ay kasi, baduy ang original title ng post – Hold the Rain, Bring On the Pain. Noong ipa-publish na, naisip ko, palitan ng something na parang profound? Hakhakhak, ang sama… Ayon, parang bumagay naman ang pamagat sa article. Usapang ulan, patatawarin…

 

Senga pala, if you find ulan sa puso intriguing, worth na pag-usapan, laitin at anupaman, bahala kayo, mga kapatid… Time nyo ‘yan, effort nyo at kwentuhan nyo, ahaha. Hindi ko kayo sasawatain. Malalaki na kayo and of age na rin – tama? 😉 Isa pa, ang nature, andyan na – pilit ko lang inilalarawan sa mga panulat. Kung nakakataas ng kilay o mahalay ang dating  –  sa kalikasan nyo po ihain ang reklamo. I, thank you. 😉 🙂

Kung agree kayo sa mga sinasabi sa posts, pwede nating pag-usapan sa comments,  hala pa. Kung hindi naman, keep it to yourself, haha. Ang sama talaga… Pwera biro, pwede nating pag-usapan. Basta, let’s promise that we will keep the discussion clean. 🙂

 

Sa kabilang banda, gan’to…  Of age na ang lola nyo rito. Unmarried, oo. Pero, mahabaging langit, surrounded ang lola nyo ng married na family members, friends and colleagues. Technically, mababa lang ang inabot ng lola nyo sa sex, as in… Pero ang tenga at consciousness ng lola nyo, hindi na chaste, am sorry… 🙂 😉

So, ‘yon, bibihira ang slip of the tongue sa sensual contents ng posts; conscious ang lola nyo pag inilalagay ang mga ‘yon. Pero, as I said, pwede nating pag-usapan, if that is your pleasure. Pwedeng artistry and creativity ang ating excuse, haha. 😉 Peace!

 

Image of a woman playing in the rain

May kakaibang lungkot at sayang dala parati ang ulan/ http://www.artifacting.com

 

By the way, ang kauna-unahang blog nga pala ng lola nyo, ‘yong ginawa noong 2007, may word na rain sa pangalan. English blog ‘yon, oo. Ayon lang, hindi ko na mabuksan, haha.

 

Hope you are well… Keep on writing! 🙂

 

* Kay Basil Valdez pala ang original ng Let The Pain Remain. ^_^

 

Karahasan at Kapayapaan

 

Mailap ang kapayapaan, iyan ang sabi. Pangkaraniwan naman ang karahasan, isa pang sabi. Hinahanap at inaasam natin lagi ang una. Iniiwasan natin parati ang huli. Anupa at sa madalas, hangad nating lahat ang payapang buhay…

 

Image of a bird signifying peace

World peace ang madalas nating hiling – kalahating biro, kalahating totoo. / peacenext.org

 

Gusto natin ay buhay na hanggang maari, puno ng pagmamahalan, pag-uunawaan, pagbibigayan at paggalang. Subalit ang totoo, ang mga tao ay ipinanganak na magkakaiba – sa timpla ng katawan o temperaments, sa sirkumstansya sa buhay, sa mga hilig at nais. Sa mga gustong puntahan, abutin, kamtin – hindi tayo pare-pareho. O, maaaring sabihin, ang mga tao ang mga nilalang na magkakapareho, pero magkakaiba rin.

 

May isang ka-blog na nagtatanong – bakit raw hindi marami ang tumitindig laban sa karahasang nagaganap sa paligid? Bakit nga ba mas madali o mas simple ang manahimik sa mga ganitong isyu at pagkakataon? Sa bigla, maaring sabihing dahil sa takot o sa pag-iingat. Maari rin namang pag hindi na binanggit, hindi na lalaki pa ang usapin. Huwag pansinin – baka sakaling mas mabilis na lilipas. Pag-usapan sana ang mas magagaang bagay, mas kaiga-igaya…

Sa mga pelikula, ang tema lagi ng ganitong usapan ay protection of homes and way of life. Parating may isang payapang pamayanang biglang guguluhin ng isang conflicted na tao, isang character – siyang gugulo ng patas at routines na nakasanayan na. Siya ang gugulat, magpapalabas ng mga tanong at magtutulak sa mga taong andoon – suriin ng minsan pa ang values na kanilang nilakihan at nakagawian.

Ganoon din naman palagi ang underlying theme ng mga pelikulang tungkol sa gera o digmaan. Ang sabi lagi ng mga nananakop – ang expansion of territory and power ay kailangan – para maisustina ang lifestyle at luho ng sarili nitong mamamayan. Tila isang given – kapag lumaki at lumakas na ang isang bansa o nasyon, hindi maiiwasang magdagdag siya ng lugar at mga sakop na gagalawan. Ang madalas na napagbabalingan ay mga bansa at taong higit na maliliit at mahihina. Might makes right, ang tradisyunal na paliwanag.

 

Sa loob ng ating pamamahay, mayroon itong kahawig. May kasapi ng pamilyang nais ay mas masarap lagi ang kanyang pagkain, mas magagara ang kanyang pananamit, mas komportable at maraming laman ang kanyang kwarto – kanya ang mas magandang sound system. O, dili kaya, mas malaki ang kanyang allowance, mas marami siyang budget na panggimik. Kung hindi, magwawala siya o magtatampo. Kung minsan din, hindi lamang isa ang miyembrong ganito sa pamilya. Kung minsan, sila ay atin nang nababansagan – black sheeps, bullies o family terrorists.  Sila yaong kasaping kukunin ang gusto – sa anumang paraan.

Ang academic term na madalas gamitin para ilarawan ang nabanggit – impunity. Ang ibig sabihin nito ay walang habas at walang konsiderasyong kilos o salita, hindi inaalintana ang maaring epekto o kahihinatnan ng kilos o sabi – sa iba. Ang impunity ng kilos, lalo pa pag may weapon o kasangkapang gamit, kadalasang nagreresulta sa karahasan at pagkamatay, pagkadamay ng mga di-kasali at pananahimik sa mahabang panahon ng mga nakasaksi. Ito ay maaring magdulot ng bigla at mabigat na takot, hindi maialis na kaba at pangmatagalang pagkabahala – sa mga taong nakabatid ng marahas at malupit na ginawa. Muli, para saan? Para makuha ang gusto ng isa o ng ilan – sa paraang kakaunti o walang pagsasaalang-alang sa iba.

 

Noong unang panahon – panahong ang mga tao ay sa yungib pa nakatira, umaasa sa biyaya ng mga puno at ilog – kalakaran ang paggamit ng hubad na dahasAng kalupitan ay itinuturing noong isang virtue, isang positibong pagpapahalagang nangangahulugan ng tapang at kahandaang harapin ang mga hambalos at atake ng elements, sa napakalupit din namang natural surroundings… Iyon din ang panahong sabi sa cartoons, ang lalaki raw pag may naibigang babae – hahatawin o tatakutin lamang niya ng club, hihilahin sa buhok at iuuwi na sa kanyang kweba… Sabi rin, sa paglaot natin sa mas modernong setting, masuyong panliligaw at seduction na ang mas katanggap-tangap na pamamaraan ng human mating. Iwas na raw sa dahas…

Sa pormal na mundo ng diplomasya, kapayapaan na rin ang umiiral na tenet. Hindi na katanggap-tanggap ang open aggression sa pagitan ng mga bansa – ligawan na rin ang uso. Ligawan ng mga bansa sa pamamagitan ng trade agreements, treatises, loan grants and aids – ginagawa sa mga pulong na madalas tawagin ay summits… Kapalit ito ng ilang karapatan – magtayo ng negosyo, manirahan o magtrabaho ang kanilang mga mamamayan o magkondukta ng military excercises sa isang parte ng teritoryo – ng isang bansang dayo.  Sabi, ang panahon daw ng raw and naked use of force – lipas na. Sabi…

 

Kung ating lilimiin, sa family setting man, sa lipunan o sa mas malaking mundo ng ugnayan ng mga bansa, ang usapan pa rin ay containment of desires – mga pagnanais ng tao. Katanggap-tanggap bang ang isang may malaki at biglang ninanais – igiit ang gusto kailanman at sa anumang paraang maibigan at kaya? Wala nang marami pang salita o usap-usap, basta… Kukunin ang gusto sa lalong madaling panahon, pasusukuin ang kaharap – dahas ang mananalita. Tingnan na lamang kung sino ang mananaig, kaninong panig ang igugupo at kaninong bahagi ang mas maraming iiyak.

Sa ating sariling lipunan, tila napakataas pa ng ating pagpapahalaga sa aggressive types. Hangang-hanga tayo sa mga taong siguradung-sigurado sa kanilang mga gusto at hindi, kung paanong tila nakukuha nila ang bawat maibigan. May isang bandang hindi na natin gaanong pinapansin – sinu-sino ang tinapakan, ginamit o inapi ng mga taong iyon para sila ay makarating sa luklok ng tagumpay. Bilib na bilib tayo – sa dami ng kanilang salapi, taas ng posisyon, high profile na mga relasyon, alahas at mamahaling gamit – parang kaybilis at kaydali lamang nilang makuha, kumpara sa kakayahan ng karaniwan… May tawag tayo sa kanila – fast rollers, womanizers and lords. Sabi natin, sila ang mga taong go getters – by club or any other means, ‘ika nga, nakukuha nila ang kanilang gusto…

 

Image of a luxury car

Mataas ang pagpapahalaga natin sa mga taong nasa fast-lanes, mga taong alam ang gusto nila sa buhay/ adelaidenow.com.au

 

Iyon lang, ang kaparehong mga tao rin, kung ating mapapansin – tila sila ang gun-wielding, gun-trotting sa ating lipunan. Kung di man sila mismo ang may bitbit na baril, mayroon silang body guards o goons. Gawi nila ang magpasunod, against the will ng kaharap… Ang baril ay pwersa – concentrated force. Tila ito ang makabagong club o malaking piraso ng kahoy na panghataw – para makuha ang pagsunod o kooperasyon ng sinuman. Maaring itong iputok at ikamatay ng isa, ng ilan o ng marami… Kung hindi naman, ipantakot para sumunod sa nais ang kaharap o katunggali. At pamilyar tayo rito – sa naririnig, napapanood at nababasa nating balita ukol sa traffic altercation na nagkamatayan, sa pagwawala ng isang lalaki sa loob ng isang subdivision o sa panloloob ng mga armadong sindikato sa bangko. Hubad na dahas, kung tawagin.

Sabi ng iba, proteksyon daw mula sa lawless elements ang pagkakaroon at pagsasanay na humawak ng baril. Sa isang lipunang mataas ang pagpapahalaga sa harapan, tahasan at walang habas na pagkuha ng sariling gusto, unahan lamang daw iyan… May sinasabi ring responsible ownership daw ng baril – para sa mga taong propesyunal at disiplinado, may iniingatang posisyon at sa mga nasa hazardous na hanapbuhay. Ang pagkakaroon daw ng baril ay para itaboy o para pangimiin ang ibang taong armado rin, upang di sila basta-basta galawin. Pag-iingat lamang daw, iyon ang sabi…

 

Subalit ako ay nababahala sa panukala ng ilang armasan pa ang mas marami. Napakarami na ng may baril dito sa atin – rehistrado man o hindi. May rehistro man o wala, tila pareho pa rin ang epekto – magsabog at magtanim ng takot sa sinumang makaka-engkwentro nito. Sabi ng iba, iyon daw may properties at may mga iniingatan, obligadong magkaroon ng sariling proteksyon – sa anyo ng baril. Ang nakakakaba, karamihan sa mga may dalang baril, tila may inordinate amount of desire sa katawan – matindi ang pagnanais nilang manaig sa kapwa – sa iba’t ibang pagkakataon. Ang iba namang hindi, tila unti-unti ring nakaka-develop ng ganoong tendency. Ang mahirap sa baril, wari ay  sinumang nakakahawak nito, nahihirapan nang ito ay bitawan  o mabuhay nang wala nito… 🙂

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 

Kamakailan lamang ay naglathala ang inyong lingkod ng isang tula sa English blog, isang akdang humihiling para sa kapayapaan, In The Fields of Hate I Wandered ang pamagat. Hindi ko na ilalagay ang link dahil tila marami ang kablogs na nagulat, nalungkot at naapektuhan nang ito ay mabasa. (Isa lamang yata ang Pilipinong ka-blog na naka-appreciate at napahanga, hala pa). Sabagay, mabigat nga naman ang mensahe… 🙂

Pero dito ko sasabihin, compassion ang hinihiling ng nasabing akdang tula. Hindi iyon pagtataguyod sa mindset ng isang criminal, kundi pagkilala sa blackness in the human heart. Isang pagsasabing marahil, kaya may mga massacre at maramihang pamamaril, sapagkat kulang pa ang pagtataguyod natin ng kapayapaan sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Na ang isang lipunang totoong kumakalinga, may kakayahang unti-unting tunawin ang galit na namumuo sa dibdib ng taong pakiramdam ay wala siyang halaga sa lipunan. Ang taong naduwag na sa dami ng pagkabigo, dapat ay tukoy at inaantabayanan ng mga tao sa kanyang paligid.

Sabi, ang mga tao raw na palaging nagnanais manaig sa pamamagitan ng dahas at lakas ng baril ay matatapang. Matatapang sila sa isang banda, sapagkat hindi nila alintana ang posibleng kahinatnan ng marahas na kilos – sa sarili, sa pamilya at sa lipunan. Sa kabilang banda, tila kailangan din ng tapang noong  mga nagnanais na magtaguyod ng kapayapaan. Tapang – sapagkat hindi madali ang lumapit, makipag-usap at payapain ang taong ang dibdib ay nabubuhay sa galit at takot – taong nakakaramdam lamang ng kapayapaan pag may hawak nang baril. 🙂

 

Peace poster

Sa mga lipunang kakaunti ang ligalig at kaba ng mga tao, maging mga pulis ay wala nang dalang baril./ voiceseducation.org

 

Happy weekend, ka-blogs! 🙂

 

Pagkikilanlanan

 

Kumusta, mga ka-blogs? Medyo matagal ring di nakapagsulat ang lola nyo rito – dalawang linggo? Haha, oo, medyo abala ako sa pagkukunwaring abala, patatawarin… 🙂

 

Poster illustrating the shit cycle in life

Sunud-sunod at patung-patong daw ang ligalig at lungkot sa buhay

Pasensya na, may munti akong problema mula noong nai-restore na ang DPSA. Oo, medyo mahirap ang dalawa ang sites sa Tagalog. Kahit pa medyo mabilis nang magsulat, hindi pa rin yata ganoon kadali ang mag-mintina ng dalawang blogs. Kung napansin nyo, puro reblog ang ginawa ng lola nyo sa DPSA sa loob ng dalawang buwan, hahaha. Ang pinag-iisipan ko, alin sa SSA at sa DPSA ang pananatilihin, kainaman na…

Mas mataas ang Stats na nagi-generate ng DPSA, kumpara sa SSA at kahit idagdag pa ang Stats  sa English site ng lola nyo. Ang dilemma ko, personally, mas preferred ko na ang SSA – mga eksenang lungsod at nagtatalakay sa mga pangyayari sa kasalukuyan… Kung tutuusin, parehong  time-consuming at walang bayad ang pagsusulat sa dalawang sites (hahaha).

 

Pero sabi ni ka-blog na makabayan, last December, “Magtira ka naman ng isang Tagalog, pambihira.” Naikwento ko kasi sa kanya sa email, iniisip kong blog na lang sa English ang ituloy. Tutal, English writer naman talaga ang lola nyo (declared ito sa DPSA page) at mas marami pati ang pang-ookray na nakukuha ko sa pagsusulat sa Tagalog, kesa sa appreciation. Hay, buhay…

Sa ngayon, ang resolution ko so far, to keep both sites – salitan na lang muna ang pagsusulat. May linggong sa SSA may ilalathala at may linggong sa DPSA.  Hanggang kaya, ha… Hindi ko rin masabi… 🙂

 

Tingin ko, marami-rami ang naku-curious sa mga sinusulat ng lola nyo. Ayon lang, hindi naman artista ang inyong lolang sanay sa intriga… Isa pa, kako nga, wala itong bayad. Maski kape kapag nagsusulat, hindi naman libre, ahaha. Pero ayon, ang daming alingasngas at di sa comments pinapadaan kundi sa mga huntahan sa social networks, patatawarin… Siguro, ang tanong — sino baga itong napakaraming pinagsasabi gayong hindi naman sikat? Hahaha, hindi talaga. Isang malaking trying hard lang…

Ayon, my views tend to be strong, unusual and non-traditional…  Pero malikhain ang marami, hindi ko itatanggi, hahaha, at kahit paano, kayang tumindig bilang well-considered, kundiman, educated opinions. Ang pagiging malikhain, isang bagay na hindi ko na-achieve sa pagsusulat na hindi sa blog. Pinakamarami pa rin sa naisulat ko so far – office letters, reports and solidarity messages. Marami-rami ring position papers at mga talumpati ang nagawa. Sa kalakhan, sa pagsusulat ng mga ganyan nahubog ang writing skills dito…

 

Ang mga tulang nabasa nyo sa SSA, hindi outbursts of the moment o pagpapahiwatig sa kung sino. Haha, ang sayang mag-isip ng ka-blogs, pambihira… Karamihan sa mga iyon, naisulat ng mas maaga kaysa sa panahong inilathala. Bahagi sila ng exploration ng lola nyo – tingnan ang iba’t ibang aspeto ng pag-ibig at conceptual level. Pwede naman, di ba? At maaayos naman ang mga likhang akda, I humbly think, ahaha. Kung may mga tanong pa rin, silip kayo pag may time sa Hello, World article – ipinaliwanag ko roon ang context ng mga tula-tula.

Sa totoo lang, ang dami kong nababasang magagandang tula at essays ng mga ka-blogs na mas bata pang di hamak kesa sa akin, di nga… Noong nag-guest post ang DPSA kay Superlolo,  nag-usap kami sa email… Naikwento ko sa kanya ang ugnayan ng nasyunalismo at romantisismo sa panitikan at sa philosophical thought… Na kako, magkasabay lumago ang romantic at nationalist movements sa kasaysayan – lalo na sa Western setting. Nabanggit ko rin, interesado akong tingnan ang romanticism sa Philippine context – may naisulat nang romantic poems and essays at balak kong dagdagan pa – sa SSA.

 

Image of two chickens discussing creativity source

May ugnayan daw ang mga hirap na dinanas at ang pagiging malikhain – sabi. / ieet.org

Kaya inilalathala ko ang iba bilang posts – nais  sanang kumuha ng feedbacks sa mga ka-blogs at compliments na rin, hahaha. Naghahanap ng compliments ang nagsusulat dito, di ba halata? Hehehe. Basta, sa akin nyo sabihin, huwag sa grapevine… Pag close na tayo sa comment section, pwede na tayong magkakwentuhan sa email, hihi… At nagsi-send din ako ng picture, oo. Ayon, pag may picture na, doon na kayo matakot properly, hahaha.

 

Sabi-sabi, para raw sa libro kung magsulat ang lola, kaya asiwa ang marami sa ka-blogs. Tanggap ko, mga kapatid. As of now, limitasyon yaan ng aking panulat… Kumbaga, ang dami pang kailangan para gawing mas welcoming, mas conversational at mas popular ang tunog ng mga panulat. Bawasan ang pagka-isnabera ba? Oo, hahaha. Naparami  kasi ang nabasang Foreign Affairs journal noong nasa college, di nga… Lima ang subjects ko noong International Relations. Pag basa ng basa ng mga gano’n, parang nai-imbibe na rin… So, ‘yong mga English-English na parang elegant (para lang, haha) na nababasa nyo sa mga sulatin, doon galing. Oo, saka sa works ni Nick Joaquin. Shaks na ‘yan.

 

Sa pagkaalam ko, marami-rami ang nagbasa ng page na Awit, Laban at Pag-ibig – doon daw may mga namangha at natakot na ka-blog, sus. Totoo, mabilis at tuluy-tuloy ko lang yaong naisulat. Hindi iyon magic, nais kong ibahagi sa inyo – lalo pa sa mga interesadong magsulat sa pangmatagalan. Noong iyon ay sulatin, nakapagsulat na ang lola nyo ng higit sa isandosenang posts na blog about blogging sa DPSA. Kumbaga, parang summing up na lang ang ginawa  sa nasabing page write-up. At ito ang gusto kong sabihin sana – over time and through constant practice, nagma-mature ang mga sulatin natin. Nasasanay ang utak sa organization of thoughts, hayon… So, take heart, mga ka-blogs, walang magic. 😉

 

May isang banda rin nga yatang generational ang pagsusulat. Dito sa WordPress, sa pagkaalam ko, ang contemporaries ng lola nyo, sina HaringIbon at KritikongKiko. Pareho silang engineers sa Middle East, interesting at may content ang kanilang mga akda at, matatalas, sabihin na natin. Sa isang banda, nasa edad na sila – may mga karanasan na sa buhay, may observations nang naisubi at may mga pananaw nang nabuo, ‘ika nga… Ang isa pa, si PinoyTransplant, isang lung doctor na nasa Iowa, mas matanda yata siya sa amin ng limang taon. Kung papansinin natin – fluent si Dok sa English at Tagalog, may content at very lyrical ang kanyang mga likha – for somebody na nasa propesyong quantitative sciences. Bulakeno siyang lumaki sa Sampaloc, Maynila…

Let me take the liberty of analyzing their writings some… Napansin ko, common thread sa mga sulatin nila ang pagpupugay sa mga gawi at kasanayan ng mga tao sa lugar na kanilang nilakihan, ang longing for home at ang mga patak ng kapaitan – sa pangyayaring sila ay nagtagumpay at kinilala sa propesyon – pero hindi sa sarili nilang bayan… Kung madalas kayong magbabasa sa sites nila, mapapansin ninyo rin ang mga ito marahil. May optimism din – minsan ay hayag at minsan ay padaplis lamang – na isang araw, ang success na kanilang natagpuan sa lupang dayuhan, maiuuwi nila at kayang pangyarihin sa lupang tinubuan… May hawig ang kanilang sentiments sa writings ng earlier batch ng professional Filipinos na nanirahan sa abroad noong 70s at 80s – sina Kerima Polotan, Winnie Monsod, Dr. Cabral at iba pa. Nagsi-uwi sila sa Pilipinas…

 

Ang lola nyo rito, nagkaroon na rin ng ilang pagkakataong magtrabaho sana at manirahan sa abroad, several years back – sa Canada, sa Middle East (Qatar) at  sa Europa (London and Dublin). Ahaha, may employers na sana ako roon, may pag-o-opisinahan, kainaman na… Bandang huli at palagi, nananaig sa akin ang paniniwalang “Hindi, may lugar ako rito (Pilipinas).” At pilit ko lagi iyong pinaninindigan, kahit sabihin pang wala namang pera, glamor at gaanong freebies sa mga naging trabaho ko, so far.  Mas marami lagi ang sabon at adrenalin rush na nakukuha, hahaha. Wala pang lovelife, madalas na computer screen at libro ang kasama. Nabubuhay madalas sa dami ng meetings, nagpapalaki ng bilbil, haha, at nagbabasa o gumagawa ng reports. Nitong huli, pinaglilimian ko nang mali ang naging pagpapasya – na tila ang tama ay umalis…

Kaya tulad ng kina Haribon, KritikongKiko at PinoyTransplant, may mga pait rin kayong mararamdaman sa mga panulat dito – baka mas marami pa. Ang sentimyento ng isang nangatawang hindi talikuran ang pamilya at bayang nilakihan, kumpara sa sentimyento ng ibang maagang nagpasya – sa dayuhang lupa matatagpuan ang pag-asenso, pagkilala at kinabukasan. Tila pare-pareho lang kami ng mga kasabayan – may kinikimkim at nais patunayan. Maaaring sila, ang gustong sabihin – tama ang naging pag-alis, hindi iyon pagtalikod at mayroong pangarap na isang araw – babalik at magiging ganap. Sa bandang akin, maaring gustong ipaabot – tama ang naging paghimpil pero malaki ang kapalit ng katapatan sa pansariling buhay at sa katuparan ng mga pangarap.

 

Kung tutuusin at sa isang banda, ang usapan pa rin – pagsunod sa bahaghari… 🙂

 

Image of trees in the forest, representing the wild corner of our dreams

Bawat isa raw sa atin ay nangangarap na maging ganap/ personaldevelopmentmaster.com

 

Maganda at Masaganang Bagong taon, ka-blogs! 🙂 🙂 🙂

 

Sa Likod ng Quiapo

 

Manigong Bagong Taon sa lahat! Mgakapatid, ka-blogs, ito ang unang pagtatangka ko rito sa SSA na gumawa ng mahabang sanaysay ukol sa lugar sa Maynila. Ire-reblog ko para sa mga hindi pa nakabasa. Kumusta, sana kayo ay nasa mabuti… 🙂

sasaliwngawit

 

Dalawang araw ang karaniwang inaabot ng pagdiriwang ng pista ng Nazareno sa Quiapo. Petsa otso ng unang buwan ng taon, sa bisperas at sa mismong araw, sa ika-9 ng Enero. Pero ngayong 2012, inabot ng tatlong araw ang celebration dahil hindi raw makausad-usad ang prosesyon. Ang di-kagandahang nangyari roon ay nasira raw ang tatlong gulong ng karosa o float sa early part pa lang ng procession, sa bandang Quirino pa lang.

 

Naalaala ko pa namang noong isang linggo, iyon ang highlight sa balita. Idine-demo noong architect kung gaano at paano medyo mas hi-tech, mas state of the art, ang karosa ngayong taon. Custom-built daw para kung dumugin man daw ng devotees sa parada ang imahe ng Nazareno, mas kayang mag-endure noong sasakyan. Anyway, hindi rin. Hindi rin daw kinaya, sabi.

E, siyempre, huwag na nating pag-usapan kung paano nagiging enthusiastic ang mga Pinoy pagdating sa pahiran ng panyo…

View original post 1,065 more words