Eksenang Kalye

image of a dog

Mas maganda at mataba ang alaga namin/ squidoo.com

Noong isang gabi, naalaala kong ilakad ang aso namin. Parang ganito ‘yon, halos regular ko naman syang inilalakad. Nagkataon, medyo gabi na no’n at inaantok na rin ako. E, biglang pumasok sa isip kong medyo madalas nang i-reklamo ng kapatid kong ang taba-taba na raw ng doggie namin. Medyo mataba naman nga sya – bilog. Err, okey, bilog na bilog. Ang siste kasi, di sya masipag gumalaw, haha. Pero, ang sipag naman nyang kumain. Kaya, ‘yon…

 

To make the long story short, pinaglabanan ko muna ang mga hikab Β at lumabas pa rin kami para maglakad. Lakad, lakad nga kami. The usual route lang, sa malapit, mga 10 or 12 minutes kasi, inaantok na ang taga-lakad, hehe. Noong pabalik na, tatawid kami sa may kanto, may ilang kabataang biglang sumulpot sa may tabi namin. Tapos, may humiyaw, isang teenager na lalaking hubad-baro. Ang sinisigawan pala nya, isang teenager ding naka-bisikleta. Akala ko, kung ano lang, tutuloy pa rin kami ng dog sa pagtawid.

 

Humahakbang na kami patawid nang biglang tumakbo ang kabataang sumisigaw kanina lang. Tumakbo sya papunta sa nagba-bike, may dala pala syang timba. Ang timbang bitbit nya, ‘yong puti na dating pinaglagyan ng langis panlinis ng makina ng sasakyan – yong matigas at mabigat? Tapos, ibinalibag nya roon sa nagba-bike na mas maliit sa kanya, kung tutuusin. Tumama ang timba sa binato, Β pero hindi sapol. Ako ‘tong si engot, akala ko, nagbibiruan sila. Akala ko, ‘yong usual na harutan ng mga kabataan sa kalye – maingay at may konting sakitan. Mali.

 

Sa mga sandaling ‘yon, nagsulputan ang mga tao, galing sa yata sa gilid-gilid – may matatanda, may ilang mukhang nanay at may kung ilang mga kabataang lalaking mga hubad-baro rin. Tapos, may mga nami-miron na. Biglang parang may kaguluhan na. Β Ang nangyari pala, parang slow mo, as in… Pagkabato, tumama ang timba sa target na nakasakay sa umaandar palayong bike. Tapos, hindi pa nakontento ang nambato, tumakbo pa sya palapit sa batang tinamaan nya at akmang susugurin pa nya. Umandar pa ng konti ang bike.

 

image of a dark road at night in the city

Minsan, mahirap sabihin kung anong sorpresa ang iluluwal ng gabi/ article.wn.com

 

Tapos, di ko masiguro kung yung naka-bike was trying to break o nawalan na sya ng balanse. Tumilapon sya paunahan, sumadsad sa kalye, kamukha ng pagtilapon ng taong nagda-drive ng motorsiklong nabangga. Tumilapon din sa may unahan nya ang bike na sinasakyan, medyo malayu-layo. Mabuti na lang, walang dumaraang ibang sasakyan nang oras na ‘yon. Main road ‘yon ng siyudad namin, kadugtong ng main road ng katabing siyudad. Tapos, nagmumura na sya, akmang lalaban. Mukhang nalamog sya sa pagkabagsak, pero may lakas pa para sumugod. Tapos, may pumipigil na sa nambato. Noon ko lang nakuhang mukhang away pala ‘yon. At, seryosong away. Tipong tinambangan ang dumaan. Kaya pala maraming ibang kabataang lumabas din – ang iba ay para manood at ang iba ay para magsilbing reinforcement. Ng kung aling panig, di ko na inalam.

 

Medyo nag-panic mode din ako. Nakakita na ako dati ng gang wars sa lungsod – bayolente, pramis. Parang di kayang pigilan ang mga ganoong kabataang galit, nakatonong mang-away at handang makipag-bugbugan. May ilang sandaling hindi ko alam kung saan kami susuot ng kasama kong aso. Hindi ko sya pwedeng kargahin dahil malaki at mabigat at kinabahan ako dahil dalawa kami. Palagay ko, kung ako lang, kaya kong mag-figure out ng split-second decision kung saan sisingit o kukubli. Pero, ayon nga… Nakatabi rin naman kami, may nag-cover sa amin. Matapos ang ilang sandali, nakatawid kami ng medyo matiwasay. Haha, nakatawid kami ng kinakabahan at medyo dumadagundong ang dibdib.

 

Noong mga naka-labinlimang hakbang na siguro, saka pa lang ako medyo nakahinga. Nilingon ko ang spot kung saan tumilapon ang batang binato. Na-realize kong gabing-gabi na nga pala. Makailang hakbang pa, naulinigan ko ang boses ni Mike Enriquez na pumapailanlang. Sabado yata noon.

 

Advertisements

Tinanong Mo Ako Kung Bakit

 

Tinanong mo ako kung bakit

hinayaan ko syang umalis

kung mabilis lang ang paglimot

kung matagal ba akong nanangis?

 

Image of a mask, crying

May mga tanong na mahirap hanapan ng sagot/ http://www.masktales.com

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Tinanong mo ako kung bakit

ganoon naging pasya

kung matapos ang paalaman

nakuha ko pang maging masaya?

 

Tinanong mo ako kung bakit

hindi ko ipinaglaban

bagay na tila sa ‘kin naman

kung meron ba akong pinagsisisihan?

 

Tinanong mo ako kung bakit

hinayaan kong lumipas ang panahon

kung binabalikan – lipas nang kahapon

kung binibilang, nangalalaglag na dahon?

 

Tinanong mo ako kung bakit

hindi pinupunuan ang mga kulang

di nalalagyan ng sagot, ang mga puwang

kung tama na ba ang minsang magmahal?

 

image of leaves fallen on the ground

Binibilang ba ang nangalalaglag na dahon?/ fantom-xp.com

 

 

 

 

 

 

 

Tinanong mo ako kung bakit.

 

* Tama kayo, mga kapatid, single-blessedness ang paksa ng tula. Ahaha, oks ba? Pampasaya lang sa atin itong piyesa. Baka may ilang curious na malaman ang take ko sa usapin. πŸ˜‰ πŸ˜‰

 

** Siyanga pala, maaring i-share ang tula doon sa mga nagnanais. Subalit sakaling mayroong gusto muli itong ilimbag, kopyahin o gamitin sa paraang nasusulat o nakalimbag, mangyaring sumulat muna sa sasaliwngawit@yahoo.com para sa pahintulot.

 

Maraming salamat. Cheers! πŸ™‚

 

Sana ay masaya at maganda ka pa rin…

 

Hagkan at yakapin kaIyan ang matagal ko nang gustong gawin sakaling magkikita pa tayo. Alam ko rin namang parang hindi na, pero kahit paano – malay mo?… πŸ™‚

 

cartoon image of a mother and child in embrace

Araw araw ka naming naalala, sana ikaw ay masaya. / pinoyculture.flyingcart.com

Tandang-tanda kong ayaw mo ng amoy ng lupa kapag bagong ulan, lalung-lalo na ang unang patak ng ulan sa Mayo.

Gustung-gusto mo namang pang-ulam ang seafoods, lalo na ang malalaking alimango at alimasag. Pati na rin ang hipon… Sosyal talaga ang panlasa mo, ba’t gano’n? πŸ˜‰

Ayaw mo ng amoy ng chlorox, zonrox at iba pang matatapang na detergents. Naiinis ka kapag nakakaamoy noon ng mahigit sa limang minuto. Pinapaalis mo ang cleaning guy sa kwarto sa mga pagkakataong ikaw ang hindi pwedeng lumabas …

Gusto mo lagi ang poncan at siyempre, mas masaya ka kapag may nag-uwi sa iyo ng grapes. Feeling mo, ubas ang marapat na pasalubong. Pag ‘yon, grateful ka at nakangiti – naalaala ka kamo… πŸ™‚

Ayaw mo ng nauusukan kapag nakasakay sa dyip. Tingin mo, parang inaapi ka pag ibinabyahe ng sa dyip lang at hindi taxi. Pero ang alam ko, pag mag-isa ka naman, sumasakay ka rin ng dyip. Ba’t gano’n? πŸ˜‰

Mahilig ka sa Fita crackers. Ahaha, alam ko ‘yon. Ilang lata kaya ng Fita crackers ang nabili ko sa ‘yo noon? Naalala ko lang, ngumunguya ka ng Fita pag nanonood ng palabas sa telebisyon…

Ayaw mo ng nagsasakay sa sunud-sunod na escalators. Parang tanda ko, hanggang dalawang magkasunod, okey pa sa ‘yo. Sa pangatlo, naaasar ka na, naghahanap ka na ng hagdan, hihi. Dalawang taon siguro pagkaalis mo, pinaganda nila ang mga hagdan dito sa mall na malapit. Sayang, di mo naabutan.

Mas gusto mo ang mamili tayo sa tyangge o kaya sa fairs. Mas at home ka sa mga ganoon. Gusto mo ba ang pakiramdam pag sa ground level lang namimili? Pero, tanda ko, ayaw mo sa palengke ng Divisoria at Quiapo, nararamihan ka kamo sa mga tao. Gusto mo, ‘yong steady lang ang stream ng mga tao…

Ayaw mo ng pinapatay ang TV na binuksan mo. Kahit wala ka roon sa lugar at nasa kabilang kwarto, halimbawa, alam mo pag may gumalaw ng TV mo, ahaha. Ikaw na ang marami ang pares ng mata at matalas ang pandinig…

Gusto mo ang Chiz Curls lagi. Ewan ko, para sa ‘yo, iyon ang masarap na tsitserya. Hindi ka ba uncomfortable na dumidikit ‘yon sa kamay at nagkukulay-dilaw ang bibig matapos kumain? Ahaha. Basta, Chiz Curls… πŸ˜‰

Ayaw mo ng may nagkukwento ng marami at mahaba habang nanonood ng TV. Para sa iyo, pag nanonood, nanonood lang. Saka na ang kwento. Sabagay…

Gusto mo laging naka-sleeveless at naka-palda ng mahaba o pencil cut. E, di ikaw na ang pa-girl. Ikaw lang naman ang laging may korte ang katawan. Oo, may karapatan ka, shaks na ‘yan… πŸ˜‰

Ayaw mo ng nagpupuyat. Para sa iyo, gabi na ang alas-diyes at dapat ay tulog na lahat ng mga tao sa ganoong oras. Di ka naniniwalang iba ang body rhythm ng mga tao sa Kamaynilaan…

Gusto mo ‘yong binibilhan ka madalas ng mga bagong damit at sapatos. Okey lang naman sa amin ‘yon. Ang hindi ko masyadong makuha, ba’t madalas mo ring ipamigay ang mga iyon sa iba, pag nakatalikod na ang nagbigay, ahaha. πŸ™‚

Ayaw mo ng ang mga tao ay lumalabas ng bahay nang di nag-aagahan man lang. Sabi mo lagi, importante ang almusal. Saka mas mabuti ang may laman ang tiyan para kung saan man makarating o abutin. Ikaw na ang segurista palagi… πŸ˜‰

Gusto mo kami laging lagyan ng pagkain sa bag, maski noong malalaki na kami, as in… Hindi ka ba naniniwalang marami naman sa mga lugar ay may canteen na? Di nga… Tawa kami ng tawa pag naaalala namin ang mga surprise skyflakes o kaya nilagang itlog sa aming bag, haha. πŸ˜‰

Ayaw mo ng maraming salitaan at maraming argumento. Alam mo bang hindi lahat ng tao, simbilis mong gumawa ng pasya? Na hindi lahat, kayang panindigan agad ang mga dapat gawin? Na okey lang naman ang minsang magtalo at di-agad magkasundo? Feeling mo, disobedient kami pag nagpapalitan na. Ahaha, ang ginagawa namin pag minsan, nagtatalo pa rin kami, di lang namin ipinaparinig sa ‘yo… πŸ˜‰

Gusto mo, samahan ka pag nanonood ng TV. Hindi ko alam kung naka-quota kami rito, ahaha. Ba’t naman kasi, English pating mga palabas ang mahilig mong panoorin noon, shaks na ‘yan! Ah, basta, nabuo ko ang Betty La Fea rerun dahil sa ‘yo. Β O, ha? πŸ˜‰ Sorry, wala akong napanood maski isa sa telenovelas ni Thalia, maski Marimar. Hindi pa talaga ako nagnonood ng TV noon. ^^ Ah, ayon pa, nakanood ako ng ilang episodes ng Pangako sa ‘Yo (kahit ang ewan ng pag-arte ni Kristine Hermosa, napabilib naman ako kay Eula Valdez), haha. πŸ˜‰ Ba’t nga kaya ang hilig mo sa TV, feeling ko, parang fireplace ang dating sa ‘yo noon…

Ayaw mo ng may bukas na ilaw pag tutulog na. Kailangan, lights off na talaga. Para sa iyo, pag pahinga na, pahinga na. Wala nang pero-pero… πŸ™‚

Gusto mo si John Lloyd. Ikaw na ang mahilig sa clear-skinned, pretty boys. Sa ‘yo sya, hihi, wala kang makakaagaw, pramis. Saka, kilala mo lahat ng cast ng Tabing-Ilog, tama ba naman ‘yon? Β Ikaw na ang updated sa showbiz… πŸ˜‰

Ayaw mo ng maraming drama. Sus, ay kay drama kaya ng buhay ng pamilya natin? Pero ayon nga, ayaw mo nang gawing mas dramatic pa, ‘ika nga. Actually, may point ka ro’n, di nga… Pero, madrama ka pa rin sa mga drowing at pagsusulat mo, haha. Ikaw na ang malikhain, wala akong masabi… πŸ™‚

Gusto mo pag binibigyan ka ng bulaklak. Feeling mo, special ka pag gano’n. Special ka naman nga. Oo, Inay, hindi kita binobola. Hindi lang ako ang nagsasabi, as in… πŸ˜‰

 

image of a birthday cake for a mother

Gusto mo pag ipinaghahanda ang iyong kaarawan/ pinoyexchange.com

 

Marami pang iba. Pero, ang mga ito na lang muna. Gusto ko lang sabihin, naalaala ka namin, Inay – birthday mo kamakalawa. Maligayang kaarawan sa iyo. Sana ay masaya at maganda ka pa rin, saan ka man naroroon. Hugs na marami at Happy Mother’s Day! Lab, lab, lab… πŸ™‚

 

Kanya-kanyang Kaadikan

 

Hello, mga kapatid! πŸ™‚

 

Ang init pa rin, ano? Pero, tatlo o apat na beses na yatang nakaulan ngayong May. Iyong ulang tipong alangan kung papatak o hindi, ‘yong ulang bago bumuhos ay iinit muna ng kai-kainaman at iyong ulang pagkatapos ay sobrang mainit pa rin, haha. πŸ˜‰ Pero, at least, umuulan na. Kaysa sa naman noong April, para lang tayong piniprito, basta nasa lugar na walang air-con, hihi…

 

Image of the supermoon on May 06, 2012

Kakaiba ang liwanag at laki ng buwan noong ika-6 ng Mayo, 2012

Teka nga pala, napansin nyo ang buwan noong isang gabi, nitong nagdaang weekend? Kamakalawa at saka kagabi, parang kakaiba ang full moon, ano? Masyadong expressive ang buwan, ang laki-laki at talagang ini-illuminate nito ang bawat matabihang gusali o puno. Parang ang ganda-gandang i-shoot. Sana, maraming cinematographers ang nag-video at kumuha ng larawan nito. Iyon ang itsura ng buwang magandang maipakita sa mga sine, hindi nga…^^

 

Anyway, dahil nalungkot yata ang marami sa inyo sa huli kong post, poste-postehan muna tayo ngayon, ha? Magaan lang muna para swertehin tayo lahat sa pagpasok ng Mayo. Think positive para naman tumama tayo kahit three-digits lang sa lotto, ahaha. Saka, ano, month na ni Mama Mary, alayan na ng bulaklak sa probinsya. Naku, masaya ‘yon. Iyon ang isa sa inaabangan kong season noong maliit pa ako. Peyborit ko ‘yong mga hapong namamaybay kami ng bakuran ng may bakuran para mamitas ng mga bulaklak na iaalay sa gabi, sa Flores de Mayo. So, positive tayo para katuwaan tayo ni Mama Mary. πŸ˜‰

 

Kung kaya, ang paksa natin ngayon ay mga prutas pag summer. Hindi kasali ang sampalok, ha? Alam ko, marami sa inyo ay tulad ko ring maraming kakilalang mga adik sa sampalok. Iyong tipong may mga sampalok na nakatago sa drawer ng desk, yong tipong kahit maraming dapat ginagawa ay magpapaalam papunta sa canteen para isingit ang pagbili ng minatamis na sampalok (na medyo maasim naman) at ‘yong tipong mga kasamahang ihinihinto ang mga trabaho’t gagawin para magkumpulan at magkainan ng sampalok. Ang aadik lang, di ba? Oo, gano’n sila… Hindi sila ang topic natin ngayon, mga kapatid. Isa pa, sa pagkaalam ko, hindi summer ang panahong mabunga ang mga sampalok, ibang buwan. Ayon…

 

image of mangoes sold in a Philippine market in the South

Pag tag-araw, tag-mangga rin/ blog.travelpod.com

Kaya, doon tayo sa topic na mangga. Siyempre, maraming mangga pag summer. Pagpasok natin sa supermarket, bulaga! May bunton ng mga hinog na manggang nakapatas ng pagkaganda-ganda, sa may bungad pa lang. Naghe-hello na agad sa atin. Tapos, may mga berdeng mangga rin, para sa mga may gustong sa supermarket pa bibili ng hilaw na mangga, maski mas mahal. Pag sa palengke naman, mas lalo na, ang dami roon – bawat sulok yata, may tindang mangga. Maski nagtitinda ng isda, may mangga sa tabi, kainaman. Mas lalo na ‘yong mga nagtitinda ng damit at tela, may tinda ring mangga, ahaha. Tapos, siyempre, yong fruit stands, yong mga stalls o pwestong mga prutas talaga ang itinitinda. Kerami-raming manggang naka-display doon pag ganitong season. Minsan, mas marami pa sa mga saging, as in… At isa pa, paglabas natin ng palengke, sus, sunud-sunod ang mga karitong puro mangga ang laman. Lalo na ‘yong Indian mangoes? Naku, bumabaha niyan pag ganitong panahon…

 

image of ripe, sweet mango

Kasama ito madalas sa piknik pag tag-araw/ angela-akademika.blogspot.com

Siyempre, pag summer, uso ang piknik at salu-salo sa mga Pinoy. Hindi naman halos nawawala ang mangga pag ganoon. May mga manggang hinog agad na nakalagay sa basket, panghimagas pagkakain ng adobo, inihaw na tilapia at pansit, ahaha. Tapos, magvi-videoke. Kantahan na, magkasakitan na ang magkakasakitan, hihi. Iyong iba, dive agad, swimming na walang patumangga, walang pakialam kung mangitim o ano. Tapos, maya-maya, medyo magugutom na uli ang mga tao, maghahalungkat na ng tsitserya at kakanin. Tapos, naturalmente, may nagdala rin ng dyaran! hilaw na mangga! Ayon ang babalatan ng sunud-sunod at siyempre pa, papalibutan ng lahat. Damputan na. Kawawa ang tagapagbalat, hindi makakain…

 

So, ayon, doon na tayo sa pangunahing paksa natin. Ano ba talaga ang magandang sawsawan ng mangga?Β Saan dapat i-terno ang manggang hilaw para ma-achieve ang pinaka-to-die-for moment sa pagkain nito?Β Alam ko,Β may kanya-kanyang kaadikanΒ ang mga Pinoy pagdating dyan. Kanya-kanyang panlasa, kanya-kanyang hilig at kanya-kanyang ka-weirduhan, hindi nga… Sa iisang pamilya, may at least tatlong sawsawan ng manggang kailangang ihanda, pramis. Pwedeng magkasundo sa ibang bagay pero sa sawsawan, hindi. Isa-isahin natin, pili kayo kung alin ang trip nyo, haha —

 

1. Asin lang.

2. Asin at toyo.

3. Asin, toyo at siling labuyo.

4. Asukal na brown.

5. Asin at asukal na brown.

6. Patis at kalamansi (parang sa sinigang lang, haha)

7. Asukal at kalamansi (oo, pramis, merong ganito ang trip)

8. Iodized, refined salt lang (hindi naabutan ang rock salt)

9. Bagoong na isda, hilaw.

10. Bagoong na isdang hilaw at may sili.

11. Bagoong na alamang, hilaw.

12. Bagoong na alamang, ginisang maraming sili.

13. Bagoong na nakabote lang, mabibili sa supermarket.

 

image of sliced mango and shrimp paste

Karaniwang sa bagoong na alamang isinawsaw ang hilaw na mangga/ energychef.blogspot.com

 

Alam ko, hindi kumpleto ang listahang ito. Marami pang ibang kombinasyon. Marami pang mga taong kakaiba ang panlasa pagdating sa sawsawan ng mangga. Tanging ang nanay, BFF o asawa lang nila ang makakaintindi no’n, haha. Ang isa sa medyo naa-artehan ako ay iyong mga ayaw kumain ng mangga kapag hindi ang Nanay o Ate nila ang nag-prepare ng sawsawan… Spoiled, gano’n? πŸ˜‰ Aba, e, kung gusto nyong ma-miss out ang pagkain at pakikipag-agawan ng mangga pag summer, e, di, gowww! Iba kaya ang lasa ng manggang pinag-aagawan kaysa sa doon sa manggang ino-order nyo pag kakain kayo sa restaurant? Iba, try nyo, as in… πŸ˜‰

 

Image of singkamas bunches

Babalatan, hihiwain at palalamigin, bago lagyan ng asin at pigaan ng kalamansi/ article.wn.com

Anyway, ang kwentong summer ko sa inyo, meron akong bagong nadiskubreng masarap. Siguro, ang iba sa inyo, alam na ito. Pero sa ‘kin, bago lang. Alam nyo ‘yong binalatan at sliced na singkamas na pinalamig ng bahagya bago i-serve? O, di ba, ang sarap no’n pag ganitong tag-init? Lalo pa kung iyong singkamas ay hindi sobrang sariwa kundi medyo magulang na, naku! Ayon, mas masarap pala ‘yon kung ang sawsawan ay hindi asin lang. Ano? Asin at kalamansi, yes! Bale, bubudburan ng konting asin saka pipigaan ng kalamansi. Subukan nyo, the best ‘yon, pramis…Β Happy eating on the month of May! πŸ˜‰