mga ideya para sa panulat

 

Hello, ka-blogs! Napansin ko, marami-rami ang sumisilip sa post na Madali raw magsulat? Ahaha, may pumapansin din naman, yihee… Anyway, sa akin, sign iyon, maraming ka-blogs ang interested alamin – paano makakapagsulat ng mas marami pa at mas magagandang sulatin. Saka, ano rin, siguro, para ma-confirm, maski ang gaya ng lola nyong medyo madalas mag-post, nahihirapan din sa gawain. Na hindi biro ang paghahayag at pag-abot sa mambabasa… We’re in the same boat, ika nga. ๐Ÿ˜‰

 

Image of a pen on top of a notebook filled with notes

Sulat lang lagi/ jdelmiguez.blogspot.com

Sabi, walang formula o tiyak na hakbang para ang isang tao ay makapagsulat. Wala… Pero, huwag kayo, ang dami pa ring nagtatangka at sumusubok, ahaha. O, di ba? Ibig sabihin, kahit walang formula, maraming posibleng maisulat at pwedeng magsulat. Actually, alam nyo ‘yan. Karamihan sa ka-blogs, hindi naman sa pagsusulat ang larangan. Ang iba, ni hindi related sa trabaho o papel nila sa buhay ang pagsusulat – at all. Pero, nakakasulat. May naiisulat. At, magaganda pa nga, haha. ๐Ÿ˜‰

 

Narinig nyo na ‘yong madalas sabihin – Your life story is your most powerful tool? O, yun. Na kapag nahabi mo raw sa interesting at engaging na paraan ang iyong buhaya compelling narrativekaya mong mang-impluwensya ng iba. Makakayanan mo raw pagalawin ang ibang tao at baguhin ang sariling buhay. Ayon ang sabi… Na kapag naipaabot mo raw sa sangkatauhan ang pansariling kwentong buhay, para ka na rin – nakapagbuhat ng bundok, nakatawid ng dagat at nakapag-rewrite ng kasaysayan ng pamayanan. Ahaha, ayon ang mga sabi…

Paano naman ‘yon? E, ikaw lang ‘to. O, ako lang ‘to. Tayo lang ‘to… ๐Ÿ™‚ Saka, sa marami sa atin, gusto lang nating ma-manage ang challenges ng pang-araw-araw na buhay – may pamalengke at pang-grocery, may enough amount of love, konting respect at ilang patak ng goodwill and neighborliness. Ayon, tama na ‘yon… Huwag na ang ma-impluwensyahan pa ang sangkatauhan, ang hirap kaya no’n? Bangayan nga lang sa loob ng pamilya, ang hirap nang i-manage, humanity pa, sus! Mag-lobby nga lang sa barangay para huwag sa may gate nyo padumihin ang aso ng kapitbahay, may nakaka-away pa. ‘Yun pa kayang impluwensyahan ang sangkatauhan? Susmaryosep… At hwag na nating isali pa ang national politics, enough na… ^^

 

Image of a young person writing in a corner

Nagsusulat maski saan/ chaoticsoulzzz.wordpress.com

 

Anyway, ba’t nga ba sinasabi nilang ganoon? Ba’t panay ang salespitch ukol sa power of the individual in this time and age? Tsows! Bakit, bakit? ๐Ÿ˜‰ Kasi raw, masyadong dominated ang scene ng malalaking institutions, malalalim at entrenched na habits and traditions, naglalakihang kompanyang may specialized rules and tenets, at, ng in-your-face na tri-media… Gagatiting na raw ang espasyo at boses para sa individual na tao, ang basic unit ng lipunan, hoho. Malakas raw masyado ang pressure para mag-standardize at maging uniform – ย sa kasalukuyan, sabi… Kailangan raw palabasin ang boses at hugisan ang mukha ng individual – para balansehin ang interes ng publiko at pribado. Sabi lang naman… ^^

 

So, iyon ang madalas sabihin sa atin ngayon sa iba’t ibang babasahin at panoorin – Tell us your story. Tell us your story, and if it speaks to us of our own lives – our joys, woes and experiences – it is as if we have lived. You can make a difference. Parang ganyan ang sabi, di ba? So, ayon, we take our cue from that… Subok tayo ngayon lahat magsulat sa online – sa blogs, ahaha. May -i-sulat tayong para nga namang interesting ang ating buhay, ahaha, as if may makikinig. And, lo and behold! Mayroon naman nga. At may mga natuwa pa, ahihi. So, sulat tayo uli, medyo feeling writer na, writer na blogger, shaks lang. Hanggang isang araw… Hanggang isang araw, natuyuan ang ating tinta, hakhak. Shaks lang, at doon at noon natin naisip – hala, di nga pala ganoon kadali ang magsulat. Kailangan nga pala, nag-i-employ ng brain cells, kainaman na… ๐Ÿ˜‰

 

Image of a writer in a block

May mga panahong ayaw tumuloy sa kamay natin ang mga iniisip at pakiramdam/ razamisor.multiply.com

At siyempre, sa mga ganoong pagkakataon, nakakanto na tayo at wala tayong gaanong magawa maliban sa – kagat-kagatin ang eraser ng pencil, tumipa-tipa sa keyboard at tuminga-tumingala sa kisame ย – tinatanong natin ang sarili bakit nga ba naumpisahan natin ito at bakit naniwala tayo kahit pansumandali sa salespitch na original ang ating kwentong-buhay, haha. Kung merong nakakaalam, higit sa lahat – kung gaano ka-boring ang ating so-called life – ย tayo mismo, ahaha. Pero, hindi tayo naggi-give up – kasubuan na ito, hihihi. So, susubok tayo uli, mula sa pinaka-trivial na kwento tungkol sa langgam na papalapit sa tasa ng kape sa desk, hanggang sa pagbati ng gwardya kaninang umaga at hanggang sa bagong work schedule na natanggap kanina lamang – lahat iyon, susubukang gawan ng kwento… Boring na kung sa boring – e, bakit? Basta, susubukan, malay mo… At malay naman nga natin, ahaha. ๐Ÿ™‚

 

So, may ideya ba talaga tayo ng kung ano ang gusto nating sulatin? Kung saan sila manggagaling, kung paano natin sila isasalansan at pahihigpitin para gawing kwentong kapaki-pakinig naman, worth tapunan ng ilang sandali ng babasa, gawan nila ng panibagong kwento? Pwedeng meron… Pero, pwede ring wala. Pwedeng meron, na sa kalagitnaan ay nawala, haha. Pwedeng wala, na sa biglang pagpaling ng ulo, sumulpot at sumindi, parang bombilya – Eureka! Pwedeng merong malinaw dati, na noong tinatahi na natin, parang palabo ng palabo – sa tinamaan ng magaling na ‘yan… Pwedeng meron, nag-notes na nga tayo dati – tapos, noong sinisinop na natin ang notes, ayaw magkabit-kabit, shaks … May mga araw na wala talaga – sarado ang library ng ating utak at pakiramdam – next week na lang daw uli, on-leave ang librarian, hakhak. ๐Ÿ˜‰

 

So, ano nga uli ang ating huntahan? Kung saan at paano nanghuhuli ng mga ideya para sa panulat… Ewan ko, kanya-kanya nga siguro. Parang… Kayo ang magsasabi, di nga…. Sa DPSA pala, may naisulat ang lola nyo, Sukatin Mo ang pamagat – tungkol sa English and metric system at sa mga tradisyunal na panukat — dangkal, dipa at salop. May pagka-weird ang topic, haha. Anyway, November 2010 yata yaon nailathala. Kung paano dumating ang ideya ay ganire… ๐Ÿ˜‰

Pumunta kami noong Nob. 1 sa sementeryo, sa public cemetery sa aming bayan, ‘yong usual… Pagkakagaling namin sa mga puntod – dasal-dasal, kanta-kanta at update-update sa kamag-anak incorporated, ahaha – namimili kami sa may paglabas ng sementeryo. Ang usual na mga tinda roon, ay marami, haha. Ang madalas naming binibili, butse-butse at mga butil – paayap, kadyos at utaw (soya beans) na sariwa – dinadala pa-Maynila. Saka, minsan, sitaw… ย Anyway, ang napansin ko, kinikimis pa rin ng magtitinda ang sitaw para sukatin – isang pabilog na hawak – mga sampong sitaw ang laman. Isang kimis, a handful, sabi sa English… Ayon, na-compare ng lola nyo – ang layo ng sistemang kimis – sa style sa supermarket, tinitimbang at nila-label na lahat ng prutas at gulay. Ayon…

 

Image of stringbeans for sale

Kinikimis muna ang mga sitaw, bago tinatalian para ipagbili/ naturalherbalmedicinepinoy.blogspot.com

 

So, ganoon ka-weird at ka-ordinaryo ang instance, nag-precipitate ng isang sulatin – tungkol sa pwesto ng Pilipinas sa ISO standards, sa pandaigdigang kalakalan. A, e, siyempre, weird ang lola nyo…. Pati mga ganoon, napag-iisipan ng kung anu-ano, hakhak. Anyway, ang value sa akin ng nasabing sulatin, medyo malaki… Iyon yata ang unang post na social commentary. Kumumentari talaga, ahaha. Ay, hindi pala iyon pre-conceived post, hindi kasama sa originally pinag-isipan at ini-outline na mga paksa sa DPSA. Dahil nakitang kinikimis pa si sitaw, haha, at tinatakal pa sa maliliit na salop ang butil ng kadyos, sa may sementeryo sa bayan. Uncool, ano? Uncool ang lola, sabi sa inyo…ย Anyway, may pagka-academic ang treatment na kinalabasan ng Sukatin Mo. Mala-lecture, ahihi.ย Kaya, di na rin ako nagtataka, iniiwasan ng iba, parang subject lang sa eskwela, hakhak. ๐Ÿ˜‰

 

Image of a hand writing on a sheet of paper

Nagtataka tayo madalas, saan galing ang ideya noong mahususay magsulat/ sweetbubbles14.wordpress.com

Anyway, dati, naikwento ko sa inyo, bilib na bilib ako sa dalawang bloggers – sina taympers at joyo. Maraming dahilan bakit nagagalingan ako sa pluma ng dalawang ito. Pero, isa na lang muna ang babanggitin ko ngayon – the ability of their pens to make things, people and events come alive. Ayon, ahaha… May isang naisulat dati si taympers, tungkol sa elementary days nya sa munting paaralan sa nayon. May flag ceremony ang kwento. Sa pagkakwento nya, parang nakita ko mismo ang flagpole sa harapan ko, as in… Tapos, ang kwento naman ni joyo na tumatak sa akin, isang rant post – kung pwede lang daw na ala-Juan Tamad, maghintay na lang na pumatak sa bibig ang bayabas. Pero, the way she told her story, parang naitsurahan ko mismo ang bayabas – sa harapan ko… At na-humble akong maigi noong binasa ko ang mga istorya nila… Naitanong ko sa sarili ——

 

Saan kaya galing ang ideya nina ka-blogs para sa kanilang panulat?” Nakakainis sila, sa totoo lang. ๐Ÿ˜‰

 

Pagmamahal ng isang Ina

 

Hello, ka-blogs! Happy Mother’s Day pa rin sa lahat ng mga Nanay! Teka pala, bomoto ba kayo? Ahaha, ang lola nyo, aliw pa sa indelible ink sa hintuturo, as in. Nagpi-feeling-feeling-ang trabahador sa talyer, marumi ang kuko. Maya’t maya ay tinitingnan, ang ewan lang… ๐Ÿ˜‰

 

Image of a mother carrying her child in her bossom

Kabahagi niya/ ansathudinapotha.blogspot.com

 

Pahabol sa Mother’s Day ang kwentuhan natin ngayon. Marami kaming commotions sa homefront, nitong weekend at hanggang kahapon, pasensya na… Medyo masasaya namang kaguluhan yon, somehow.

Gayunpaman, ang kwento ko sa inyo, tungkol sa Inay naming ilang taon na rin namang wala. Namatay siya dahil sa pneumonia, sanhi ng sakit niya noon – kanser. ย Oo, siya yong ina naming makulit, mahusay magsulat at sya rin ang dahilan bakit ganoon ang URL ng una kong site, ahaha.

 

 

Bata pa ang Inay namin noong pumanaw, early 60’s lang. Late 50’s siya bale, noong tamaan ng sakit. By that time, adults na lahat ng mga anak nya. Naikwento ko na rati, 16 lamang siya nang ipakasal sa aming ama. Marami kaming magkakapatid, pero hindi naman si Inay taon-taon, nanganganak. Ang iba ay may pagitan, hihi.

Anyway, noong magkasakit siya, independent na kunwari ang lola nyo, haha. Kumbaga, ilang taon na noong nag-umpisa ang sinasabing role reversal sa pagitan ng ina at mga anak. Siya na noon ang iniintindi, ang pinagbibigyan at ibinibili ng kung anu-ano. Naming mga anak nya, ako siguro, primarily… Dangan, ang lola nyo ang singol – mas may time at mas may free money, kumbaga. Medyo ini-spoil ko sya noon at sya naman, pasaway… ๐Ÿ˜‰

 

Makulit si Inay. Ang binibili ko noong mga damit sa kanya, sa sunod kong uwi, makikita kong suot ng iba kong kapatid o hipag, ahaha. Ang grocery na binili sa kanya, makikita ko sa estante ng kapatid o hipag, hahaha uli, at ang perang iniabot sa kanya, minsan, di pa ako nakakatalikod – iniaabot na nya sa isa sa mga pasaway kong kapatid. Ahihi, di ba interesting? At nakakainis, siyempre. ๐Ÿ˜‰

Eksenang Tanging Yaman ba? Oo, hehe. Anyway, di naman ako singyaman ng character ni Edu Manzano sa pelikula, ang layo… Pero, may pagka-ganoon ang mga pangyayari. Ang paliwanag ni Inay sa tendency nya, kasi raw, ganoon sadya ang isang ina – di matitiis ang mga anak (kahit abusado ang iba). Nagtatalo kami noong dalawa, natatandaan ko… Kako, alisan nya na ng walker ang mga kapatid ko – lalo na ‘yong mga sobrang dependent. Hindi kako sila matututo… ^^

 

Ilang taon nang wala ang Inay. In many ways, sanay na rin akong wala siya. Hindi na ako umaapela sa langit, sa kapalaran o sa kanino pa man, tungkol sa maaga niyang pag-alis. Over the years, hindi na rin si Inay ang idealized mother figure sa aking isip at pakiramdam. May ideya na ako ng mga kahinaan niya, pagkukulang at saan siya lumabis – sa kanyang original na pamilya, sa ama namin at sa aming mga anak niya. Medyo alam ko na rin ang strengths niya at ano ang kanyang actual size – kung ano siya sa buhay namin… ๐Ÿ™‚

 

Sabi sa isang librong nabasa ko rati, people do not get past caring – lalo na kung usapang pagmamahal ng isang ina. Maging 7, 17 or 70 ka man daw, pag iniwan ng iyong ina – iiyak mo pa rin sa matagal na panahon at dadalhin ang kawalan sa panghabambuhay.

Ano nga ba ang mayroon sa presence at pagkalinga ng isang ina, di natin matagpuan sa iba’t ibang taong ating nasasalubong at nakakaugnayan? Ang suspetsa ko, suspetsa lang naman – warmth, comfort, tenderness and security. Security and acceptance na maging sino ka man, anuman ang kapalpakan mo sa buhay, anak ka pa rin niya – bahaging kakalingain at di niya tatalikuran, ever. ๐Ÿ™‚

 

Belated Happy birthday kay Inay. Belated Happy Mother’s day din. Late greetings ng anak sa kanyang late mother… ๐Ÿ˜‰