Salamat sa mga sumisilip

 

Hello, ka-blogsJust taking the time para pasalamatan ang mga sumisilip sa sites, pero di nag-iiwan ng bakas through the like and comment features. Salamat. 🙂

 

Image of a dog taking a glimpse inside from a fence

Tingin lang, walang sasabihin, di magpaparamdam/ http://www.flickr.com

Sa mga sumisilip para okrayin ang posts at ang blogger dito, salamat din. Salamat sa curiosity and the efforts. Nag-aabala pa kayo, sus… 🙂 Ay, senga pala, bukas ang comment section, sakali, may gusto kayong itanong at alamin mula sa nagsusulat, welcome kayo, di nga… Ilagay nyo lang, kapatids,  pipiliting sagutin sa abot ng kaya…

 

Seryoso yata ang mga nakaraang posts, pasensya na. True, feeling ko, pati ako, napagod, kainaman na… O, di ba, may emotional reserve na hinihingi ang pagsusulat at pagbabasa? Nararamdaman nyo ‘yon, yong pagkatapos isulat at ilathala ang post, parang mixture ng pagod at relief? Oo, ahaha, may gano’n… 😉

 

Pasensya na kayo, mabibigat ang menu na nai-serve nitong mga huling araw. Susubukan ko, i-minimize na… Anyway, ka-blogs, may posts dito, medyo mataas ang views from fellow bloggers. Nagtataka ako bakit, as in… Paningit na posts lang sila nang isinulat at ilathala. Pero, since rumi-rating, i-a-ask ko sana sa inyo – bakit, ano ang mayroon sa mga iyon…

Hahaha, marami-rami  ang sumisilip sa kanila, pero di nadadagdagan ang likes or comments. Baka, kako, may kung ano sa mga ito, sa inyo ko mismo itatanong –

 

Maraming Salita

Mga kwento sa likod ng kwentong tag-araw

Katutubong Wika sa Katutubong Awit

Babatiin ko ng Ngiti

 

Sakaling makakuha tayo ng sapat na bilang ng feedbacks or responses (medyo makatarungan at believable, ha, kapatids, hihihi), ilalathala natin ang isa sa tatlong natitira pa sa pitong poems enumerated sa Kayo Po ang Pipili. Tanda nyo pa? Oo, may tatlo pa sa imbakan, madadrama at pa-comedy effect din, hihi.

Or, pag marami sa mga nagbasa ng alinman sa apat na posts ang nagbigay liwanag sa misteryo, haha, baka ma-excite ang lola nyo rito (am pretty excitable, hakhak) at ilathala natin ang isa pang tula sa imbakan. Ay, pasaway title, hala…

 

May Mahika Nga Ba ang Pag-ibig? 😉

 

Image of the statue of Julius Caesar

Sa lahat ng kapanalig, pati kapwa maliligalig,  ahaha… ;)/ mawdizzle.com

May katagalang panahon na rin naisulat ang poem,  di ko sana balak i-publish… Pero, in the spirit of camaraderie and fun, am willing to be convinced, hakhak. Biro lang,  mga kapatid… Ano rin, nagkukwento kasi at nagpahiwatig  lately about romanticism, romantic thoughts and related ideas, bumubukas ako sa possibility – may ilang na-curious sa mga pasaway na hirit sa paksa….

 

So, friends, Romans, countrymen, lurkers, lovers and foes alike, hinihikayat ko kayo, mag-comment at magbigay sana ng feedbacks. Your time and thoughts will be much appreciated. Thanks. 🙂

 

Have a good week ahead… ^_^

 

Late daw sina Rizal

 

Hello, ka-blogs! Sabi ng isang ka-blog, nauubusan na raw sya ng paksang maiisulat sa blog, nagkukudkod na raw sya ng tutong, ahaha. Scraping the bottom of the barrel pala, in English ang blog nya, hihi… Sabagay, totoo ang sabi nya, hindi naman palaging may maiisulat. Minsan, marami man tayong gustong isulat, di natin alam ang handle na gagamitin sa kwento o istorya, paano iyon gagawing interesting at kapani-paniwala …

 

Image of a man whose head is at the bottom of the barrel

Nasasaid raw ang pinagkukunan ng isang lumilikha, hanap sa gilid-gilid at ila-ilalim/ http://www.forum.exscn.net

Sa kabilang banda, si ka-blog  itong mahusay mag-handle ng online conversations at magaling magkawing ng ligaw na impormasyon sa usapan, ahaha. Ang miscellaneous topics, naiuugnay nya ng maayos sa huntahan, hindi off… Maraming pumupunta sa site nya, nagkukwento at nagsi-share do’n ng opinyon, kabilang na ako, hihi… Masaya si ka-blog kakwentuhan, medyo strong ang opinions nya and pala-palagay. But then, graceful syang magdala ng palitan. Sya na… 🙂

 

So, naniniwala ba ako sa sabi nya, nagkukudkod na sya ng tutong o hindi? Ahaha, oo at hindi. Oo, kahit iyong mga nabibilang pa sa pinakamagagaling, dumarating din sa punto – nakakanto, nabubunggo at nauubusan… Si Truman Capote, mahusay na author, pagkaraming taon ng kanyang writer’s block… Si John Kennedy Toole, iisa ang naisulat na nobela (picaresque novel, parang Don Quixote de la Mancha), pagkatapos, nag-suicide na, di nga… 11 years later, inilimbag ang kaisa-isa niyang work. Nang sumunod na taon, nanalo iyon ng Pulitzer Prize for Fiction, ahaha. O, di ba? Kasama pala sa listahan ng modern classics ang kanyang nobela.

Hindi ko na sasabihing weird na tao ang mga nagsusulat, hihi. Alinman sa alam nyo na ‘yon, ayaw paniwalaan o ikinalulungkot, hala pa… Ay, mga kapatid, mahirap na. Sa panahon ngayon, uso ang ideya – ang isang writer ay well-adjusted, successful, popular at self-aware, ahaha. Bukod pa sa mataas ang sales ng kanyang mga libro, ahaha… Sa pagkaalam ko, iilan lang ang authors na nakaabot sa gano’n… Mas marami pa rin ang mga manunulat na gumapang muna sa lusak at gumagapang pa rin ang marami, ahaha. Saka na tayo magkwentuhan sa personal na paggapang sa lusak, ha… Hindi  pati ‘yon interesting basahin, asus…

 

Image of Rimbaud in teenage years

Sinuwag ni Rimbaud ang mga panuntunan sa lipunan at ini-stretch kung ano ang katanggap-tanggap at hindi/ superdemokraticos.com

Anyway, habang nasa paksa pa rin tayo ng ka-weirduhan ng mga manunulat, dapat yata isali si Arthur Rimbaud. Notable figure siya sa history of Literature, notorious… Katunayan, ilang pelikulang ang ginawa tungkol sa kanya – sa pinakahuli, si Lionardo DiCaprio ang bida. Total Eclipse pala ang pamagat… Si Rimbaud ay isang French libertine, restless na tao and bading, pero napakahusay magsulat… Unstable ang kanyang character, malimit magwala at yon, kawawa ang kanyang nanay… Paniniwala ni Rimbaud, para maging makata, kailangan sa ibabang ibaba ng existence – base, vile and low… Do’n sa movie, may linya, “I want the sun. I want the sun!” Emote na emote si Leonardo… 😉

 

Asan na nga tayo sa kwentuhan? Ahaha, kung nauubusan ba ng susulatin ang isang manunulat? Oo naman… Ayun, mahigpit ang impluwensya ni Rimbaud sa artists at manunulat ng sumunod na periods. Kabilang sa kanila sina Pablo Picasso, Dylan Thomas, Arthur Miller, at Jim Morrison. Medyo big time si Rimbaud… Pero, ang catch, mula 15 taon hanggang 20 lamang siya nagsulat. Pagdating ng 20, nagpaka-dekadente na lang siya at nagbyahe-byahe sa tatlong kontinente. Simula noon, writer’s block ang peg ng papansing manunulat… Napaka-non-traditional niya at kakaiba. Gayunpaman, tumatanaw ng utang na loob kay Arthur Rimbaud ang Symbolist, Dadaist and Surrealist movements. Siya na… 🙂

1854 to 1891 nabuhay si Rimbaud. Nagsulat siya, dalawang dekada matapos ang tinatawag na Romantic period sa kasaysayan ng Europa. Unconventional siyang tao, artistic to the core at kulang sa atensyon… Well, hindi loving ang household niya, maaga silang nilisan ng ama at very rigorous ang early education na kanyang natanggap. Infant terrible, kung tawagin siya sa saloons at receiving rooms sa Europe… Si Rimbaud ang totoong embodiment ng tinatawag na pasaway. Hindi lang niya binali ang values ng lipunan noon, dinuraan pa niya at inihian – literally and figuratively. Sinukahan at sinuway niya ang mga alituntunin ng respectable societies. Ayon, maaga siyang namatay… Pero, sabi, siya raw itong manunulat na nangahas i-explore ang romanticism – to its logical conclusion…

 

Image of the Philippine national hero, Dr. Jose Rizal

Galing sa nakakaangat na pamilya, ipinadala si Rizal sa Europa para makapag-aral muli/ en.wikipedia.org

Si-segwey pala muna sa mismong paksa, ahihi… Sina Jose Rizal and contemporaries, nasa Europe ng 1880’s, panahong nasa Africa si Rimbaud, ahaha. Kung papansinin, Romantic and Nationalist movements ang impluwensyang nasagap nina Rizal noon. Sila na ang tambay sa saloons at cafes – sa Madrid, Paris, Brussels, at Berlin – sila na… Pero, yun, late ang philosophical thoughts na na-absorb nila, ahaha. 1850, bago ipanganak si Rizal, demise na ng Romantic movement sa Europa at lumang ideya na noon ang Nationalism. Ahaha, luma, in the sense, hindi na leading philosophical thoughts, kumbaga… Early Realism na ang trending that time – sina Stendhal (sumulat ng The Red and the Black) at ang painter na si Goya ang leading advocates…

 

Well, maaring sabihin – relevant and applicable pa sa pinanggalingan nina Rizal, Lopez-Jaena at del Pilar ang nationalistic ideals noon… Pero sa Europa, declining in popularity na ang thoughts espoused by Johann Wolfgang von Goethe, Jean Jacques Rousseau (Pre-Romanticism philosopher, playwright and musician), Madame de Stael, William Wordsworth, Nathaniel Hawthorne, Edgar Allan Poe at Richard Strauss (musician, late Romanticism). Sakali, maiging basahin ang libro ni Arthur Lovejoy, Essays in the History of Ideas… Maari ring tingnan ang sulatin ni Isaiah Berlin, Against the Current: Essays in the History of Ideas… Ang Romanticism as a movement – sa sining, musika at pilosopiya – ang diin ay sa personal na boses ng naghahayag. Isa itong pagri-rebelde sa “rationality” or “reason” ng naunang panahon, Age of Enlightenment. Ayon, late sina Rizal:  Wala pa noong Twitter. 😉

 

Caspar Friedrich's Wandered Above the Sea of Fog

Pagbabalik sa kalikasan at pagkatagpo ng pag-ibig, ilan sa laman ng pilosopiyang Romantiko/ en.wikipedia.org

 

Sooo, rumi-realism na noon ang Europa, nag-u-umpisa pa lang mag-aral ng Romanticism sina Rizal, shaks lang… At, formative stage pa lang noon ang counterpart nitong nationalist movement – sa grupo ng islang later, tatawaging Filipinas (later, later pa ang spelling na Pilipinas, with a P). Shaks, late tayo? Or, late ang representatives natin – sina Rizal? Kumpara sa Europe, oo… Pero sa Asia, tila ahead na… Si Mahatma Gandhi, lider ng nationalist movement sa India, kasabayang dekada ni Rizal nang ipinanganak – 1869. Pero ang “passive resistance” ni Gandhi, nag-umpisa lang ng 1915 – matapos ang matagal niyang pagtigil sa Africa, bilang licensed barrister sa London…

 

Image of Dr. Sun Yat-sen

Si Dr. Sun Yat-sen ang namuno para mabuo muli ang Tsinang pinaghati-hatian ng mga nanakop na bansa/sembury.weebly.com

Si Dr. Sun Yat- sen naman, nationalist leader, kinikilala bilang founder ng bansang Tsina (Republic of China), ipinanganak noong 1866… Naging magkaibigan daw sina Mariano Ponce at Sun Yat-sen sa Japan, by late 1890s. Tumulong pa si Dr. Sun sa laban ng mga Pilipino versus the Americans… Anti-imperialism ang peg nila noon, hihi. Pero, ang efforts for reunification of China ni Dr. Sun, magsisimula officially noong 1917 pa lamang… Kaya, in another sense, maaring sabihin, bandang 1890’s, trending na si Lolo Jose among intellectuals of the period, hihi… Bukod, sa kanyang pagiging Math wizard, polyglot, athlete at dashing debonaire (maayos lagi ang Amerikana at may bowler hat, haha) na mahusay mambola ng women and men admirers, ahihi…

 

Anyway, ang layo na ng tinakbo ng ating kwentuhan, pasensya na… Ang point yata, maraming pasaway sa mundo at buhay, ahaha. May mga manunulat at may artists, may kinilala at hindi, may maagang namatay at may nabuhay ng matagal (78 si Gandhi nang pumanaw). Ang usapan – kakayahang mag-break ng traditions and conventions ng mga manlilikha ng sining and philosophers. Karaniwan, may tinatawag na classicists – nag-aral, nagsanay at sumunod sa klasikong turo… Mayroon ding trendsetters and original na mga nilalang… May classicists na katagalan, naging mga rebelde. Halimbawa, si Oscar Wilde, parang sina Rizal, nag-umpisa as a classicist. Kilala siya bilang Irish playwright, notable sa kanyang wits and sarcasm at magarbong pananamit… Nag-asawa si Wilde at nagkaroon ng dalawang anak, bago nagkaroon ng homosexual affairs.

 

Image of Oscar Wilde

Makisig manamit at tanggap si Wilde sa alta sosyedad ng Europa/ http://www.peoplesniper.com

Pasaway at papansin si Wilde, pero well-received siya sa saloons noon. Mahilig siya sa luho at creature of comfort, sabi… Si Rimbaud na napag-usapan natin kanina, discredited saan man – sinasadya niya raw maging marumi at mababang tao. Curiously, tulad ni Rimbaud, hindi rin maganda ang ending ng buhay ni Wilde… Nakulong si Oscar and later, namatay na naghihikahos. Pareho sina Wilde at Rimbaud – trendsetter ng “avant-garde ” na sining at paniniwala. Kapwa sila malikhain at malalakas ang loob… Kay Rimbaud, tanging sa pag-disorganize ng self mapapalitaw ang tunay at lantay na sining. Kay Wilde – may duplicity ang tao, masakit ang katotohanan at marapat itong bihisan ng maganda. May pagkilala si Wilde sa conventions and respectability, si Rimbaud ay wala.

 

Sa usapang pag-i-scrape ng bottom of the barrel sa pagsusulat, marami sigurong matutunan kina Rimbaud at Wilde … Sa mga Pilipinong kinilala,  si Nick Joaquin ang isa sa mahusay na naglarawan sa “decadence.” Marami-rami ang naisulat niya sa paksa… Ano ang culture of decay? Bakit marami ang artists and writers na nabibighani rito? Sabi, hindi lamang daw sa tema at istilo ng pagsusulat, sa artworks, sa attitude at sa pananamit ang pagkabulok. Isa raw itong way of life… Ang lumilikha raw, darating sa punto – physically, intellectually and emotionally poor. Sayad na sayad siya sa sahig, gumagapang at walang-wala na… Sa ganoong kalagayan, doon daw lalabas ang individuality ng artist – resource, reserve and artistry niya – para makalikha ng magaganda, malikhain at orihinal.

Ka-blogs, bago ko pala makalimutan, ang major works ni Jose Rizal, Noli Mi Tangere at El Filibusterismo, romantic thoughts ang laman, yown… Doon inilagay ng ating Renaissance man ang mga natutunan niya sa pag-aaral, pakikisalamuha at pakikipagkwentuhan sa cafes at pati sa boudoirs. Ay, kasali ang boudoirs or private rooms learnings niya, ahihi… Alam nyo bakit? Sapagkat, ang romanticism as a philosophical thought, going back to man’s basic sentiments and feelings… Kaya, may trek back to nature (may eksenang ilog, di ba?) at maraming pag-explore sa senses sa mga nasabing akda, ahaha. Si Rizal, a man of reason, very celebral na tao – matapos mag- ikot sa cosmopolitan centers ng mundo – nagbabalik sa katutubo niyang lupa at inaalam ang kanyang mga sentimyento sa mga nobela niya. Noli Mi Tangere is about decadence, remember? 🙂 Hala, ang dami ng wento, susme.

 

Image of Noli and Fili, Rizal's major novels

Ang unang nobela ni Rizal ay ukol sa pagkabulok ng ating lipunan sa pagtatapos ng siglo/ http://www.tumblr.com

 

About 20 years ago, may mga nasalubong – mga taong Dadaists at Surrealists daw… Sa mas madali, Dadaism, yong art-art na may toilet, ahaha at ang Surrealism, yong dark-dark, mga sining na galing sa bangungot, yon yata… Ay, wala pa rin akong alam noon sa art-art, babago pa lang nagbabasa-basa ng Philosophy at nagtataka lang ako sa buhay ko – Bakit ang we-weird nila, ahaha… Matagal na rin, di ko na sila napagkikita… Nitong mga huling taon, ang  “unconventional” na lang na nasasalubong – mga taong mahihilig  sa reggae music, corn row ang hairdos  pag minsan, at mahihilig  sa surfing at usapang iskwater and pubhouse, hoho… Pero, parang malilinis at maseselan naman sila? Ahaha, artsy silang tao, though… Nag-iba na kaya ang philosophy of decadence? O, iba na rin pakahulugan dito sa ngayon? Naitatanong lang… 😉

 

Sa akin, parang matagal pa bago mauubusan ng paksa si ka-blog, ahaha. Hindi sa binobola  o pina-patronize ko sya. Mukha syang taong curious. Pag curious daw, hindi madaling maubusan ng creativity, sabi… Tapos, ang bata pa nya, parang ang layo pa sa end of her ropes, ang dami pa niyang pwedeng i-explore at tuklasin – sa blog man o hindi… 😉

 

Itinatala, para sa bukas

 

Sa blog, inilalagay natin ang mga tungkol sa kanina at kahapon. Iginuguhit natin at isinusulat ang mga pangyayari, ngayon. Para saan? Para sa mga babasa at titingin, mamaya at bukas.

 

We record things for posterity. Nasalubong nyo na ang huling salita? Future-oriented daw masyado ang mga tao sa kasalukuyan. Siyanga ba? 😉 Hala pa, maski saan na yata ako magpunta- may Ipad, Ipod, camera at cellphone akong nakikita  – parating may taong kumukuha ng larawan, may nagtatala…

 

Noong araw, ang mga nagtayo ng malalaki at matitibay na gusali at cathedrals, visionaries daw. Ang mga nagpundar daw naman ng villages, subdivisions at mga bayan, pioneers at mga haligi ng lipunan, sabi. Nakini-kinita raw nila ang pamayanan ng hinaharap… Iilan-ilan pa lang sila noon, iyon yata ang kaibahan…

Ngayon, wari, halos lahat yata, abala sa pagdo-dokumento, patatawarin. Masyado nga kayang mabilis ang mga nangyayari? Lahat nga kaya tayo, nag-i-struggle against impermanence? Mga makukulit na tanong lang…

 

 

O, baka, excited lang tayong gamitin ang fast and easy technologies ng makabagong panahon? Sabagay, natutuwa rin ako sa touch technology, ang bilis mag-turn, ahihi. Nakakapagtingin ako ng 30 pictures sa loob ng dalawang minuto, hahaha. Dati, bago bumukas ang isang picture, sooobrang tagal…

Hindi ako sure sa mga pinagsasabi ko, hehe. Malamang, na-trigger lang ang thought sa conversation naming magkakapatid, kagabi… Inire-reklamo sa ‘kin ni nakababatang kapatid ‘yong isang barkada ko no’ng college (na Facebook friend nya, haha). Itong ale, eventually, naging ka-close din ng ate namin. Kaharap din si ate kagabi, dalawa kaming tumatawa sa kwento.

 

Reklamo ni kapatid, “Uy, sabihan mo nga si ___. Every hour, nanghihingi sa akin ng life. Nasa meeting ako or may hinahabol na deadline, sa tuwing tutunog cellphone ko, request nya. Pambihira.” Usapang Candy Crush, hihi. Pinigil ko pagtawa ng malakas. Paminsan-minsan lang ako parang nakaka-isa kay kapatid, kagabi ang isa ro’n. 😉

May post sa DPSA, tungkol sa sabong – Manalo,Matalo. Itong si dabarkads nag-request no’n, naaalala nya raw ang Tatay nyang sabungero… Noong una, ayaw ko sanang magsulat ukol sa paksa. Naaasar ako, ang father namin, 2o years nang patay (the time na isinulat ang post), parating inuuna ang mga manok nya. Tapos, may kapatid rin kaming sabungero. Pero, pinagbigyan, kabarkada nga… Anyway, naaliw ako kagabi, hakhak.

 

Pero, dahil ang blog, naka-permalink at pwedeng mabasa sa hinaharap, di ko sure kung alin ang mas dapat kong ipag-alala –  mababasa ito ni kabarkada o ni kapatid?  Ay, bahala na bukas… 😉

 

 

Sa may gulod

 

Sa may Gulod pwedeng mag-inom ang mga taga-UP, ahaha. Iyon, pag gustong uminom ng mga estudyante ng di lumalabas, nasa campus perimeters pa rin… Saka pala sa PCED building,  sa may likod ng UP Hostel, pwede rin do’n (Kaya lang, mostly professors tambay ro’n, makikipag-inuman sila sa inyo). O, kaya, pwedeng bumili ng beer sa Coop, tapos, sa loob ng dorm nyo inumin, hihi. Patago, siyempre… 😉 Bawal kasing uminom sa loob ng campus, dati pa… Dumaraan kasi sa panahon, marami-rami ang  frat wars, paluan ng bat madalas, o kaya, pag may nakitang bote ng beer, ayon… So, bawal. 🙂

 

Image of a jeepney plying the route, UP Ikot

Sakay kayo ng dyip na byaheng Ikot, dadaan sa kaparangan ng UP, bago makarating sa may entrance ng baranggay Krus na Ligas. UP pa rin, probinsya ng UP/ apartmenthuntr.tumblr.com

Pag UP Fair, noon at doon pwede, legal… Isang linggo yaon, may mga nagtitinda ng beer sa Sunken Garden at sa pali-paligid nito. Second week ‘yon ng February, tandang-tanda, hahaha. Sa kiosks, masarap mag-inom. Parang nasa beer garden lang ang ambience, tapos, maraming kalat na bags, tsaka uniforms sa PE at folders ng assigned readings… Inuman kayo sa tambayan, magmura na ang mga may sama ng loob, haha, magkwentuhan na to the max at mag-diskurso yaong mga di pa over sa dini-discuss sa klase. Ang sama… 😉 Pwede ring mag-PDA, sus. Ay, may nagpi-PDA, maski anong season, ahihi. Pwede ring sumakay ng dyip, diretso na sa SM North, mas ito ang usual… Kung gusto, sa malapit lang, sa Katipunan. Medyo mas mahal nga lang. Pag konti budget, sa Philcoa area. May mga inuman din do’n, sa gilid-gilid…

 

Sa karaniwang pagkakataon, sa Gulod lang nag-iinom. Ang Gulod, isang beer garden, andoon sa may kanto ng Barangay Krus na Ligas at C.P. Garcia… Bale, pagkaliko ng Ikot na dyip – matapos dumaan sa UP Police station, sa mga kaba-kabayo (may farm doon,  nagbi-breed ng thoroughbreeds, haha) at sa kaparangan ng UP sa pangkalahatan – baba na… Hindi na kayo aabot sa Residence ng UP President (pag umabot do’n, ibig sabihin, lampas na). Hindi na rin aabot sa Math Building, malayo na ‘yon (at kailangan nyo nang lakarin pabalik, walang masasakyan). Doon na, sa kantong-kanto mismo ng Krus na Ligas, sa may arko ng barangay. May dalawang inuman establishments doon noon – ang Gulod at ang Sarah’s. Punung-puno lagi ‘yon ng mga estudyante pagtuntong ng 530 siguro, hanggang sa gumabi. By the way, palengke ng barangay ang bungad ng Krus na Ligas. Kaya yon, nakakatuwa, maraming mabibili…

 

Image of the entrance of Krus na Ligas village in Quezon City

Nasa kaliwang bahagi ng arko ng Krus na Ligas ang inumang kung tawagin ay Gulod/ http://www.facebook.com

 

Ang Gulod, parang inuman lang sa probinsya, ahihi.. Yari sa kubo ang establishment. As in, nipa hut, oo. Tanda nyo ‘yong kubong nipa ang bubong, may bintanang parang sa kantang Bahay-Kubo lang at may mga nakasabit na orchids sa loob at sa paligid? Oo, haha, gano’n… Tanda ko ‘yon kasi, pag ise-serve pa lang ang inumin,  gawain namin noon, i-observe ang mga orchid plants at punahin kung alin ang lumaki na, ang parang di lumalaki at kung inilipat ba ang isang paso doon sa kabila, haha. O, kaya, minsan, may orchids na yumuyungyong sa mga mata namin, hakhak… O, basta, countryside ang ambience ng Gulod. May mga bangko at mesang native, yari sa kahoy o kawayan. Parang sa probinsya talaga, hindi even ang pagkakagawa. Iyong iba, hindi magkaka-terno, hihi. Pati plates, baso at mangkok do’n, hindi terno. O, kaya, chipped ang gilid-gilid, haha. Ayos lang ‘yon sa mga estudyante, sus. 😉

 

cartoon image of a student's usual weekend routines

Masarap maging estudyante/ http://www.facebook.com

Anyway, bago nyo itsurahan sa imahinasyon ang wild drinking days namin noon, haha, hayaan nyo munang basagin ko ang inyong trip, hehe. Hindi sa Gulod naganap ang mga iyon, hakhak. Oo, at least sa groups and barkada namin, hindi sa Gulod. Sa Timog at sa SM North yon, whehe… Ang Gulod kasi, parang beer lounge ng mga estudyante – pwedeng in between classes or after the class – yon. So, medyo carefree drinking lang ang ginagawa namin doon sa sulok na yaon. Tig-iisa or dalawang beer, after class na. Actually, mas madalas, pumupunta lang kami noon doon para um-order ng gisadong pansit at Coke. Or, tokwa at baboy,  iced tea or Cali ang iniinom, haha. Kokonti ang instances na nag-inom talaga kami ro’n, as in, inom na walang patumangga at magpapakalasing, haha. Mas katuwaan lang, mapalayo kahit paano sa mga eksenang University Avenue or UP Coop or CASAA. Matataong lugar lahat yaan, puno palagi, mga estudyante at hindi…

 

Kumbaga, pag feeling namin, We want to get away from it all, akala mo naman, haha, sumasakay kami ng Ikot na dyip at punta sa Gulod. To let our hair down, kumbaga… Malayo sa sangka-estudyantehan, malayo sa makakasalubong ng professors at malayo sa mga Xerox machines na nangangahulugang readings up to sawa, sa Gulod tutungo… Feeling namin, pumupunta na sa probinsya, probinsya ng UP, hahaha. Iba rin sa pakiramdam – makalanghap ng hanging galing sa mga talahib sa bandang Farm, makakita ng mga manok na nakatali at mga taong nakabihis na parang mamalengke lang, hahaha. Parang pumupunta kami ro’n para maibaba lang ang mga bag, hahaha, makakilos ng maluwag, walang sisita at hindi mako-conscious sa itsura o, sa sasabihin ng iba. Pwede rin, doon magmumura at magmamaktol at pwede ring magbasa-basa, haha.

 

Image of the UP Sunken Garden, view from one side of the University avenue

Mas marami pa rin sa tambay namin noon, sa Sunken Garden lang o sa paligid nito/ commons.wikimedia.org

 

Actually, may time na ginagawa namin yon noon – punta kami sa Gulod para roon magpakabanal kunwari over our readings o mag-solve ng Math problems, hakhak. Lunch or after lunch… Order ng maiinom, para naman may business sila, para di magsarado, hihi…  Sa kabila, sa katabing-katabi, Sarah’s naman. Ang Sarah’s, mas malaking beer garden. Mas doon yata ang puntahan ng mga iinom talaga. Basta, mapapansin nyo, hard-core drinkers ang ando’n sa kabila. Mas marami pating isine-serve na pulutan do’n, as in… Tapos – maraming fratmen and brods-brods – doon sila pumupunta, pulu-pulutong, lalo pag bandang alas-sais na. Tatlong beses lang ‘ata akong nakapunta sa Sarah’s. Mas sa Gulod talaga kami… Dadalawa ang boys sa barkada namin, mapuputi pa sila, haha, hindi mukhang fratmen. May dalawa sa barkada namin, mga aleng sexy nga, sexy naman, pero astig, ahaha. Tipong sinusundo ng boyprend sa Gulod? Patatawarin. 😉

 

Hindi pala elevated ang kinatatayuan ng Gulod. I mean, kapantay lang ng kalsada ang grounds ng establishment. Ang area, generally, elevated. Hindi yata binabaha ang parteng iyon ng UP. Mas tama sigurong sabihin, ang pangkalahatang area ang gulod, hilly… Ang lugar na iyon, tila parang talaga. Sa malapit ay may puno-puno ng mangga, malilim, may bushes, at may damu-damo. Pwede pang pagpastulan ng hayop, haha… Pag bandang alas siyete pumaroon, para lang kayong pumunta sa tiyahin nyo sa probinsya, hihihi. Ay, siyanga pala, matagal nang wala ang Gulod na inuman. About eight years ago, pumunta kami roon, iba na ang nakatayo. Kainan pa rin, pwede pa rin yatang uminom, pero themed restaurant na. Likha Diwa yata ang pangalan. Parang artsy-artsy establishment, kamukha ng mga nasa Kamuning area. Iyong tipong artsy people ang nagsi-serve? Gano’n… Nang time na yon, though, andoon pa ang Sarah’s, sa katabi. Ewan ko lang sa ngayon… 🙂

 

Image of fried shitake mushrooms served at Likha Diwa

Deep-fried shitake mushrooms, isang pagkaing served sa Likha Diwa. Curry-flavored dish naman tinikman namin, minsang nagawi roon/ thepaoloproject.com

 

Nakaka-miss maging estudyante, hihi. Lalo pa, pitong taon bago maka-graduate. Ay, average time ‘yon para makapagtapos sa Peyups. Maski ipagtanong nyo pa… 😉

 

Kwentong atin-atin

 

Hello, ka-blogs… 🙂

 

Kwentong atin-atin lang – mahirap ang ilan ang sites, haha. Di na ang lola nyo nakakabasa ng Freshly Pressed, as in… Yun ang gusto ko rati sa blogging, nakakabasa ng pinapaksa ng iba pang manunulat. These days, ang nagagawa, silipin na lang ang sites ng mga nag-comment at nag-like, pasensya naman. Nami-miss ko talaga ang FP… Nami-miss ko rin ang nagba-backread, oo…

Paano naka-cope? Actually, hindi, hahaha. Bahagya na… Anyway, may reblogging, saka YouTube, hihi. Napansin nyo marahil, panay ang posts na song-related. Iyon ang madali-dali, ahaha. Kung tutuusin, may mga nakasubi pang naisulat… Pero, hindi pa sila typed at time-consuming ang editing. Medyo nahihirapang ilugar, hala… 🙂

 

Cartoon image of a man blogging

Minsan, kunwari ay  meron…/ http://www.smallbizwebdesign.ca

 

Ay, istorya pala muna (parang di pa kumukwento, e, ‘no? ;)). Inside story, kunyari… Hindi kataasan ang views ng SSA, average lang ng 50 in a day yata. Minsan, less pa… Pag Lunes hanggang Miyerkules, nakakatsamba ng around 100, yon. Pag may inilathalang tula-tula, nadadagdagan ng viewership – mula sa ka-blogs (lurkers, hihi).

Ang DPSA, pag Lunes hanggang Miyerkules, nakaka-300 siguro ng views. About 280 yata, galing sa searches, ahaha. Konti rin ang views nito mula sa ka-blogs… Siyempre, sa galing sa search engine, minsan, ang search words na ginamit, nakakaiyak. Halatang naligaw lang sa site? Hihihi… Saka, bilang nagsusulat, may hopes tayo para sa ilang entries – mas iyon sana ang basahin ng marami. E, hindi, kainaman na… 🙂

 

Sa English na site, mas mahirap pa. Pag may 15 to 20 views do’n sa isang araw, ayos na… Ito sa tingin ko lang, ha? Mas mahirap kumuha ng audience sa English blog, yaong regular na magbabasa at babalik… Una, parang ang laki ng English-speaking world. Ikalawa, marami rin, sisilip lang sa iyong site pag napansing mga tatlong dosena na ang nabasa mo sa posts nila, haha at ni-like mo ang mga kalahati, hihi…

Sa ka-blogs na Pinoy, di karamihan ang nagbabasa sa mga sulating English. Mayroon din…  Pero, iilan lang ang magla-like at lalo pa, magko-comment. Iyong iba, follow lang. Mayroon din, lurkers – sisilip minsan sa dalawang buwan, yata… Mas mabilis ako mag-conceptualize at magsulat sa English, sabihin na… Pero, ang isang isinulat at inilathala sa English – baka lampas pa ang views ng DPSA sa isang araw – sa isang linggo roon. Ay, medyo ganoon… ^^

 

So, ano ang problema ko? Hihi, marami… 🙂 Wala naman, masyado, baka iniisip lang ng iba, tumatabo sa takilya ang mga online sulatin ng lola nyo, hihi. Lilinawin ko, hindi po… Bukod sa length and seriousness ng karamihan sa entries, sa pangkalahatan, talking to myself and to my family pa rin ang nilalaman ng mga akda. Isinusulat sila, para linawin ang mga bagay-bagay – sa nagsulat mismo…

Ang gulo ko? Ang komplikado? Sabi ko rin nga, hihi… Ay, teka, nadi-disarm kayo minsan sa honesty ng ibang mga sulatin sa blogs? Naasiwa kayong mag-comment? Medyo hula ko ito, ha… Ganito, may ideya ang inyong lingkod, gaano ka-capable ang sariling magtabon ng mga katotohanan, haha. O, kaya, mag-dekorasyon – gamit ang mga salita… Kaya ang pangontra, maging tapat sa mga sulatin… Sana, hanggang kaya…

 

Pero, may mga limitasyon, hanggang saan ang ihahayag publicly, mga kapatid. Bakit? May pamilya at mga kaibigan ring pwedeng maapektuhan. Pangalawa, hindi naman yata lahat ng juicy details ng buhay-buhay, pambahagi sa publiko… At sa maibahagi baga, malamang, juicy lang sandali, haha. Isa pa, para saan, di nga… Konsiderasyon din, marami sa aking mga nasalubong sa malimuot na byahe, so far, public personas… Hindi madaling bitawan ang mga pangalan nila nang walang posibleng epekto. Mahirap ding gawin yaon, nang di maakusahang name-dropping… ^^

Ang nais ko sanang ibahagi, ideas… Mailinaw mismo sa sarili, saan na ba ang inabot? Sa dami na rin naman ng nasalubong, may tumining ba? O, koleksyon pa rin lang ng senseless ramblings? Simpleng impressions? May natandaan rin ba, sa dinami-dami na ng encounters, sa itinanda na? Somehow, siguro, nagmumukhang know-it-all ang blogs. Sa totoo lang, know nothing ang person behind, hahaha. Di nga… Makikita nyo sa mga darating na panulat – paanong pagdami ng sinasabi, pagkaunti ng kabatiran. At, paanong walang karapatang mag-preach… Wala.

 

In the meantime, hayaan nyong pasalamatan ko ang mga nagbasa sa May Personalan at sa iba pang About Pages ng lola nyo. Salamat…  At, sa mga nag-like, I appreciate it, mga kapatid… Sa tuwing naiisip ko, huwag na lang ituloy ang pagsusulat sa blog, naalala ko yaon. Malaking bagay sa akin na dumaan kayo, nag-like at nag-iwan ng comment. Mabuhay kayo! 🙂 🙂 🙂

 

Image of Filipino rock singer, Bamboo

Ampogi. ‘Indi na kailangan ng paliwanag / kingtheory.wordpress.com

Tsika lang… Dalawang weekends na akong nakakanood ng The Voice of the Philippines, haha. Medyo naiingayan ako kay Lea, hindi yata ako sanay na gano’n sya kapasaway at kakulit, haha. Anyway, ang news, ando’n si Bamboo, yihee… Ang cute nya lang, di nga… Cool ang Adam’s apple nya. Saka pagpi-perform nya, pagkanta, ahihi… With the Voice, pwede ko na syang pagmasdan galore, ayiii. Hangganda lang ng mata nya, pramis. Feeling ko, pag tinitigan nya me, matutunaw lang ako at walang magagawa. Pagbigyan nyo na, ahihi, minsan lang magpaka-fan girl. 😉

 

Hi, Bamboo! 🙂 

 

 

 

 

Halata pala, sino’ng nagustuhan ko sa audition? haha. Cool sya kumanta, but I doubt if sya ang magiging popular choice sa dulo. Parang mas maganda sya pakinggan sa gig, peace. 🙂