Parang kailan lang

 

Masayang pagbati sa inyo. Maligayang pag-alala sa kaarawan ni Gat Andres Bonifacio! 🙂

 

Isang taon na ang Sa Saliw ng Awit. Ika-30 ng Nobyembre, 2011 nang maglimbag ng unang post dito sa site. Ika-22 naman ng parehong buwan nang mag-rehistro sa host site,  sabi ng pagbating ipinadala sa akin ng WordPress. Salamat. Nailagay pala nila iyon sa kanilang tala… Ang bilis din, ano? Kung tutuusin, parang kailan lang…

 

 poster na bumabati ng maligayang anibersaryo

Maligayang unang anibersaryo sa Sa Saliw ng Awit /feroniaproject.org

 

Parang kailan lang, nagsi-simpir akong maigi sa pagkawala ng unang site, ang DPSA. Naglalabas ng sama ng loob ang lola nyo sa ilang ka-blogs, ahaha. Nagsasabing hindi tamang isinara nila ng ganoon-gano’n lang. Naghihimutok, sabihin na natin…

Pero, maigi rin. Nalaman ko sa panahong iyon, sinu-sino sa virtual friends ang totoong concerned at sino ang totoong interesado sa aking mga panulat. Sinu-sino ang sumulat sa email at nangumusta, nagpaabot ng pagkabahala, suporta at pagnanais na kagyat sanang makabalik muli sa pagsusulat online. Salamat sa inyo… 🙂

 

May isang bandang pwedeng sabihin, ang SSA ay ipinanganak sa sama ng loob, ahaha. Sa kabilang banda, maari ring tingnan, ang pagkakaroon ng bagong site ay pagsasabi:  Hindi basta-basta mapapagulong ng ganoon na lamang ang aleng nagsusulat dito. Kumbaga, babangon at babangon – maghahayag, magsusulat… Hindi basta magpapatalo.

Ang tanong, may laban ba? Hindi ko rin sigurado… Ang tiyak, marami akong gustong sabihin, ihayag at ipaabot. Marami akong kaguluhan sa loob na sa pagsusulat, pilit kong isinasalansan, binibigyan ng hugis, boses at buhay. Ang tiyak, marami akong napapansing hindi tama sa mga pangyayari, kaayusan, palakad at posibleng tunguhin – ko at ng iba pa. Sa pagsusulat, kahit paano, nakakapalag, nakakasigaw at nakakapagsabi – meron pa…

 

Ano’ng meron? Mayroon pang pwedeng gawin, pwedeng abutin at pwede ring gumawa pa ng bago. Na hindi hanggang dito lang…  Na hindi puro lungkot, dusa at hinagpis. Hindi puro pagkainip at pag-ulit ng pare-pareho lang. Pwedeng tingnan ang kaparehong bagay at kalagayan sa ibang anggulo. Pwedeng isulat ng bago ang isang luma at gasgas nang istorya. Pwedeng lapatan ng bagong tugtugin ang isang luma nang awitin.

Pwedeng gumawa ng bagong musika. Pwedeng isulat muli ang isang kwento. Pwedeng magkaroon ng bagong karakter. Kung hindi naman, pwedeng ang dati pang karakter ay magbagong-anyo, bagong pananaw at bagong himig. Pwede ring magbagong-bihis. Pwede rin – manatili ang dati subalit may bagong sigla, bagong pag-asa, bagong tinatanaw. Sa isang mundo at buhay na maligalig, sa isang setting na umiikot ng mabilis at hindi naghihintay – may puwang para sa kinakabahan ngunit kahit paano, matapat na paghahayag.

 

 

Mataas ang tono ng unang post dito sa SSA, ang Pagpapanday ng Katotohanan, pasensya na… Parang sinasabi, paghusayan ninyo – marami nang nakita, narinig at nasalubong ang manunulat dito. Hindi siya madaling kumbinsihin. Na sa isang banda, totoo… Sa edad ko at inabot na karanasan, hindi na ako madaling bolahin. Kumbaga, narinig ko na ang iba’t ibang klase ng kasinungalingan at pagpapanggap, marami-rami nang na-engkwentrong di-pangkaraniwan at ang iba pa, kahindik-hindik.

Sa kabilang banda, hindi rin… Sphere ito ng blog kung saan tayo ay nagsusulat at nakikisalamuha sa pagkakaraming nilalang – may kanya-kanyang pinanggalingan, istorya at hinagpis sa buhay. May kanya-kanya rin tayong mga pangarap at adhikain, takot, pangamba at pag-asang pilit binibigyang-laya at katuparan sa panitik. Bawat isang blogger ay lumalangoy at nanantya sa isang pampublikong dagat – nanalig na may makukuhang simpatya, may makakadaupang-palad kahit iilan at may makakarinig, kahit paano, sa munting boses na naglalakas-loob. In this sense, tila pantay at nagkakaisa tayo. Walang maliit at walang malaki, walang una at huli. Bawat isa ay kasali.

Anupa at tila sa blog natin iginuguhit ang hugis ng pag-asang ating nababanaag. Dito tayo naglalagay ng mga mumunting saya, kapirasong hiling, mga pag-asam  at maging mga pangitain ng bukas na bahagya nang mapanghawakan, ngunit pilit pa ring hinahabi at binibigyang-katotohanan. Gaano man kanipis, gaano man kalayo o ka-imposible, isinusulat natin… Sinasamahan ng bulong at pagsasabing harinawa – ang bukas ay mas maganda, ang ako ay mas matatag at handa, at mas may kakayahang dalahin ang mga pagsubok.

 

Sabi, marami raw nagba-blog hindi lamang dahil ito ay hindi bawal, libre at madali nang maka-circulate sa virtual na mundo. Bagkus, dahil marami raw sa mga tao ay nawawala. Lost. Sa makabagong panahon, kung kailan sandamakmak ang umaagos na impormasyon, tuluy-tuloy ang dating ng mga balita at walang patid ang breakthroughs ng agham, habang hindi natatapos ang mga gera at alitan sa iba’t ibang panig, hindi raw kataka-takang milyong nilalang ang magnais na tuklasin ang kanyang lagay at lokasyon sa mga pangyayari.

It seems that we blog to locate ourselves amidst the events and apparently, to make sense of it all; to situate ourselves amidst the developments and to know where we stand. Ang iisang tao, na may iisang tinig at may iisang boto sa mga kaganapan, nangangahas na magsalita sa isang pandaigdigang mikropono upang ipaabot sa santinakpan ang kanyang mga saloobin at isipin, ang kanyang munting balita sa sanlibutan, ang kanyang ambag mula sa kanyang payak na panig. Isang tila hangal na pagtatangka, isang tila naive na gawain at isang romantikong paglalayag. Maaring sabihin…

 

May mga nagsasabi ring ang pagdami raw ng blogs ay patunay ng pakipot na pakipot na public space. Na sa panahon ngayon, paunti nang paunti ang espasyo para sa individual at pribado, sapagkat ang espasyong pampubliko – dominado ng gobyerno, mga higanteng korporasyon, malalaking institusyon at ng media na anong laki ng sakop at abot sa makabagong pamumuhay… Na ang blogs ay paggigiit ng boses niyong maraming tila nawalan na ng puwang sa pagpapasya at diskursong pampubliko, isang forum para maipaabot ang alternatibong opinyon ng sinasabing literate and wired populace. Sabi.

Ang blog ay tila isang bagay na personal ngunit ang abot nito ay tila panlipunan o social. Kahit pa ang inilalagay natin dito, tungkol sa – pagluluto ng masarap na sopas, pagsugpo ng mga uod sa tanim na halaman, pagkondena sa bagong ipatutupad na batas, paghahayag ng panlulumo sa huling naganap na krimen o projection sa tatahakin ng ekonomiya ng mundo matapos ang eleksyon sa America – personal na take natin ang ating inihahayag sa ating online na mga panulat… Kung titingnan sa maramihan, maaring ang blog ay isang social outlet, isang paraan para matantya ang mood and temperature niyong mga taong marurunong bumasa, maghayag at sumulat.

 

Maaaring nagba-blog tayo para tanungin kung tama ba ang mga nangyayari. Maari rin namang para sabihing tama lang na ganyan ang nangyayari… Maaring para sabihin, wala nang pupuntahang maganda ang mga kaganapan. Maari rin naman, para sabihing may mga di pa nasusubukang hakbang… Maaring para sabihin nating itapon at palitan na ang luma. Pwede rin namang para sabihin, hindi, maari pa iyang gawan ng paraan at pakinabangan. Maaring nagba-blog tayo para ihayag ang ating concern and care. Pwede rin namang nagba-blog para sabihing wala nang pagsasa-alang-alang at pakialam. Iba’t iba…

Anuman, masaya ang mag-blog. Nabibigyang laya nito ang ating mga pakiramdam at naiisip, hinihikayat at pinauunlad nito ang ating pagkamalikhain at iniuugnay tayo nito sa daan-daan, kundi man libo o milyong iba pang bloggers na may kaparehong nais. May isang bandang hinihipan nito ang ating tiwala sa sarili, para lumaki,  at may kabilang banda, tinatabas nito at pinaliliit ang ating ego, biases at prejudices sa buhay… Tinuturuan tayo nitong magtantya at magsa-alang-alang sa opinyon at pananaw ng iba, at, binibigyan tayo nito ng pagkakataong matuto sa karanasan, pamamaraan at nilalaman ng ibang bloggers. Inaakay tayo ng blogging sa paglalakbay ng ating panulat, sa pakikipag-ugnayan sa iba at sa pagbalanse ng sariling nangangahas at nagbabakasakali.

 

Palagay ko, ang isa sa nagagawa ng blogging, ipakita sa ating bloggers na unique tayo bilang individual, at, hindi rin naman… Na tayo ay average and connected at the same time, despite our differences and uniqueness. In this sense, habang ipinapakilala natin ang ating sarili sa publiko, tila ipinapakilala rin natin tayo – sa ting mga sarili. Nasasaatin na kung ano ang gagawin natin sa ating self-knowledge… Pero ang isang sigurado, may isang antas na pinayayaman tayo ng ating mga panulat, inaarmasan tayo nito sa ating pang-araw-araw na pakikihamok at ipinalalasap nito sa atin ang hirap at saya ng  pagbubuo at paghahayag ng ating mga karanasan – gaano man ang mga iyon kakaiba o kapangkaraniwan.

Sa blogging ko na naipirming kaya ko nga pala kahit paanong magsulat ng iba’t ibang paksa, gamit ay iba’t ibang approaches at sari-saring boses. Dito ko rin naipirming suplada nga pala ako, haha, at medyo spoiled rotten, hihi. Akala ko kasi dati, mabait ako, whehehe. At mapagbigay at magalang, hahaha. Di nga… Ngayon, dahil sa blogging, medyo alam ko nang ang dami ng defects ng personalidad ko, naitatanong ko tuloy, ano kaya ang logic and motives ng mga kumaibigan sa akin, hahaha. Mahirap namang sabihing simpleng wala silang tastes, hano? O, kaya, mababa ang kanilang standards, hehe. O, di kaya, mahilig sila sa hodge-podge na katauhan, hehe. Weird sila, yon, medyo obvious yon. Feeling nila siguro, may kakaiba rito. Akala lang nila yon, whehe… 😉

 

Siyanga pala, medyo philosophical at impractical talaga akong tao in person, ahaha. Mabiro at mapang-alaska rin sa mga matatagal nang kakilala. Moody at medyo masungit, halata nyo na naman yon, ahihi… A, pero, hindi ako madaldal all the time at hindi rin parating ma-diskurso. Karamihan sa mga kapatid  at kaibigan, mga pragmatic na nilalang, at mga day-to-day events and concerns rin lang naman ang aming pinag-uusapan at pinagtatalunan. Saka, alam nila ‘yong times na tumatahimik ako o di kaya, gawa lang ng gawa – walang imik… So, dito  sa blogs makikita at mababasa ang mga tila malalalim, kayhahaba at pa-profound na mga paksa, haha, dala marahil ng mga nabasa at napansin-pansin ng lola nyo, hihi.

Ang feedback ng marami, mabibigat daw at malalalim ang mga panulat dito sa SSA. Medyo totoo… Hindi ito kapareho ng DPSA na largely informative ang content at tungkol pa sa lumang pamumuhay ang marami sa mga sulatin. Ang SSA ay na-conceptualize bilang lagayan ng mga obserbasyon sa buhay-lungsod, kabaligtaran ng DPSA… Kaya marahil, mapapansin nyo, may write-ups tungkol sa mababangis na eksena sa Kamaynilaan, sa kadugyutan ng ilang mga sulok at marami-rami ang portrayal sa buhay na impersonal at nagmamadali… May isang bandang kadugtong pa rin ito ng DPSA, ang promding sumaltang aanga-anga at namamangha sa lunsod. Pero, may bahagi rin ng probinsyanang nakapag-aral na, nakisalamuha at nakipaghamok sa kalunsuran at sa mas malaking lipunan… Sa SSA na nakalagay ang mga aning obserbasyon at aral – sa bagong setting.

 

May mga malalalim nga akong naisulat dito, mga sulating kinakabahan ang lola nyo, bago pindutin ang “ilathala,” hahaha. Ang ilang halimbawa, Huwag Mong Isiping Ganoon Uli, Saan Napunta ang mga Pangarap? Walang Bukas at Para Saan ang isang Saglit? Pagkalathala ng mga ‘yan, kumakabog-kabog ang dibdib, hahaha. Kinakabahan sa pwedeng maging feedback at reaction ng mga makakabasa… Medyo philosophical nga ang take sa mga nasabing sulatin, medyo mataas ng pitch ng mga komposisyon. Bakit kaya? Una, ang nagsulat, mas matanda na, ahaha.  Ikalawa, hindi na ang lola nyo kasama sa generation na sinasabing random at fragmented. Panghuli, matapos ang mga napagdaanan at mga taon, mas may kakayahan na marahil magbuo at mag-philosophize, somehow… And I hope you will not take it against me, people… Kumbaga, panahon namin iyon ng mga kasabayan…

 

larawan ng isang cake na simbolo ng unang kaarawan

Masaya akong isang taon ko na kayong nakasama sa pamamagitan ng Sa Saliw ng Awit. Mabuhay kayo! 🙂 / blog.pinkcakebox.com

 

May mga naisulat din namang magagaan, makikita nyo sakaling interesado kayong maghalughog… Ang isang natatandaan kong medyo magaan, ang Kwentong Tabi-tabi, tungkol sa pagkabasag ng mga itlog na binili sa palengke. Isang upuan at tuluy-tuloy lang yaong naisulat. Ang style palang ginaya sa akda, istilo nina salbehe at jojitah. Oo, kanilang panulat ang trying hard na kinopya ko ro’n, haha. Salamat po…  Ba’t sila? Kasi funny, medyo maldita, haha, tapos, may dash ng self-deprecating humor. Siyempre, mas masaya at mas maiksi, kung sila ang magsusulat, hihi. Ayon. 😉

 

Maraming-maraming salamat, mga kapatid, sa inyong pagtangkilik, pagbabasa at pagdalaw dito sa site. Your presence is truly appreciated… Thanks for the gift of friendship. 🙂

 

Happy holiday and have a fun, long weekend… ^_^

 

Kwento-kwento muna

 

Hello, mga ka-blogs! Pasensya, napatagal na walang posts… Busy-busyhan ang dramarama ng lola nyo, hahaha. Anyway, wala pa rin akong gaanong time at wala rin sa hulog para mag-edit ng mga dati nang naisulat o gumawa ng bago, pambihira… So, ayon, kwento-kwento muna. Huntahan na lang… ^^

 

image of the book cover of Grace Paley's book, Little Disturbances of Man

Sabi sa isang review, mas maganda pa raw ang isa niyang akda, ang Enermous Changes at the Last Minute/ betterworldbooks.com

Ano bang meron banda rito? Shaks, wala yata, kakahiya… A, yon pala, kwento ko na lang ano’ng binabasa ko – libro ni Grace Paley, isang American author. The Little Disturbances of Man ang pamagat. Koleksyon ito ng short stories. Magaling, ang husay nyang magsulat, as in, kakabilib… Iba ang handle nya sa bawat istorya, nakakamangha. Katulad ng maraming makabagong may-akda, realism din ang approach nya. Ang kaibahan, hindi masyadong masakit o nakakagasgas ng damdamin ang istilo nya. Parang portrayal of life as it is, as it unfolds, kumbaga…

Late ko nang nadiskubre ang author, sayang. Halos dalawang taon pa lang ang nakakaraan simula noong una kong masalubong ang mga sulatin nya. Ang alam ko dati, mas kilala siya bilang poet, feminist na may strand na socialist ang kanyang pananaw. Ang unang libro niyang nabasa ko, koleksyon ng mga tula – Fidelity ang pamagat. Ang husay din niya roon. Matapos yaong basahin ng lola nyo, nakagawa rin sya ng dalawang tula, haha… Ang trying hard lang, as in. Nailimbag pala ang mga iyon sa DPSA – ang Dito at Akala Natin. Itinulak at impluwensyado ni Lola Grace Paley ang mga nasabing likha.

Ganoon siya kahusay, tipong mapapatula at mapapasulat ka rin pagkatapos mong basahin ang kanyang mga isinulat, hihi… Anyway, sa pagkaalam ko, hindi lang ako ang naapektuhan niya ng ganoon. May mga nabasa na akong write ups tungkol sa published authors sa U.S. na nagsasabing si Grace Paley ang pinagkuhanan nila ng sipag at inspirasyon. Mayroon pa ngang isa na ang kwento, kaya raw siya naging makata dahil noong araw, isa-isa nyang kinokopya sa sulat-kamay ang mga tula ni Grace Paley, ahaha. May mas adik pa pala sa akin… Pero sa pagkaalam ko, ilang libro na ang nailimbag ng nasabing may-akda at sikat siyang author sa America. Hayon…

 

Anyway, ganito… Ang kwento, gaya ng nasabi ko na sa About Page, hindi halos ako nagbabasa in the last two years. Medyo break ang lola nyo sa pagbabasa. O, di ba, ang weird lang? Oo, siguro, mga limang libro lang ang nabasa ko sa loob ng dalawang taon, simula nang mag-blog. Pero, mahigit isandaang libro pa rin ang nabili ko for the duration, hehe… Bale, ang deal namin ng sarili kong ewan, I’ll use my time for reading para mag-blog, ahaha. Medyo marami na kasing nabasa ang lola nyo, kung tutuusin. Ordinarily, nakakabasa ang lola nyo ng 10 to 12 books sa isang buwan, ganyan ka-adik… Mga walo roon, fiction, ahaha.

Weird, sa paningin ng pamilya ko at ng ibang tao, as in. Pero sa mga kaibigan at kakilala kong mahihilig ding magbasa, ayos lang… Ang pagbabasa, sa karanasan ko, sanayan din. Pag sanay na, nagiging speed reader na somehow at mabilis na ring mag-pick up ng ideas, parang… So, anyway, conscious decision on my part na mag-break muna sa pagbabasa. Less inputs, kumbaga at mag-output muna. Mag-practice magsulat sa pamamagitan ng blog, sumubok sa creative writing na sinasabi… Matagal na ang lola nyong nagsusulat, mahigit 20 taon na. Pero, karamihan sa mga iyon, mahirap sabihing malikhain – dry, factual and technical ang kadalasan. Kung ma-emo man ang marami sa nabasa nyo rito sa blog, siguro dahil marami sa mga naisulat ko so far, walang gaanong emosyon.

Ayon, na-enjoy ko naman ang break sa pagbabasa at naaliw naman ako sa pagba-blog, haha. Iyon lang, kai-kailan, na-realize kong nami-miss ko na rin pala ang written words ng iba (na hindi blog at di sa computer binabasa) so, nagbasa nga uli – ng Grace Paley. Ay, sobra siyang nakakatuwang basahin, sulit… Ang isa pa nga palang paborito kong kwentista, si Alice Munro, Canadian short story writer. Marami sa mga aklat niya, nabasa ko at sobrang masaya ako pagkatapos. Ang husay rin ng ale, ang galing niya sa nuancing at pag-recreate ng lumang era. Ang style nya, parang ang kwento, nangyayari mismo sa harapan ng nagbabasa. Ganoon…

 

Pero gaya nga ng naikwento ko na dati pa, ang pinaka-paborito kong nobela, Their Eyes Were Watching God, na isinulat naman ni Zora Neale Hurston, isang anthropologist na black. Sakali, balang araw, kung magsusulat ako ng nobela, gusto ko sana, parang Their Eyes… Ahaha, ang ambisyosa lang… Anyway, di naman masamang mangarap, sabi… 😉

 

image of Genvova Edroza Matute, professor and award-winning writer

Karamihan sa mga kwento niya ay may pitik ukol sa kabalintunaan ng buhay/ varsitarian.net

Ikinwento ko na rin sa DPSA, ang paborito kong local authors, sina Genevova Edroza-Matute at Kerima Polotan-Tuvera. Mahuhusay silang manunulat, as in… Si Edroza- Matute, professor siya ng ilang dekada sa Philippine Normal College (college pa lang noon) at naging pinakamataas ring pinuno ng nasabing eskwelahan, hanggang  ito ay naging university na… Sa pagkaalam ko, may mga naisulat siyang textbooks. May isa akong nabasa, nakita ko lang sa sale ng UP Press… Hindi ko talaga malilimutan ang Ang Kwento ni Mabuti, short story ni Gng. Matuteng nanalo sa patimpalak. Iyon ang kwentong nagturo sa akin ng sinasabing poignancy in writing. Tungkol yaon sa isang batang estudyante na nawe-weiduhan sa guro nyang may expression na “mabuti” o kaya, “mabuti naman.”

Si Polotan-Tuvera naman, isang manunulat, features writer siya sa magazines,  panahon ng Martial Law, sa Philippine Free Press at sa Graphic yata. May mga panahong nagtuturo rin siya sa unibersidad. Ang mga kwento nya, in English. Karamihan sa mga iyon, serialized pa, ahaha. Uso ‘yon noong araw – ang mga kwento, inililimbag by installment. Kaya, kailangang talagang mahusay ang pagkagawa para kaabang-abang, ahaha… Middle class stories ng isang asawa at nanay ang marami sa mga naisulat ni Polotan, paano sinu-survive ang domestic scenes. So, yon, siya ang natatandaan kong may mga kwento ng pag-aalaga at pagpapalaki ng anak, challenges ng pagtuturo ng gerunds and infinitives at kwentong girl bonding ng mga aleng nagsipag-tabaaan na nang mag-asawa, hihihi. Ayon.

 

Anyway, boring ang mga kwento ko, pasensya na (parang ako lang, haha). The last two weeks pala, medyo I took time din na makinig-kinig ng music at manood pag minsan ng TV, as in… Iyan ang excuses ng lola nyo ba’t walang bagong posts, hihi. Ordinarily, hindi ako mahilig manood ng TV. Hala, pwede ang lola nyong isang linggong hindi nagbubukas ng telebisyon. Tapos, sa music, mga dalawa o tatlong beses isang buwan lang ako nakikinig-kinig, ganyan. Pero lately, mas madalas na, hahaha…

A, ang isa ko pa palang kwento, na-virus attack pareho ang SSA at DPSA nitong last ten (10) days, hindi nakakaaliw … Dati, less than 10 spams sa loob ng isang linggo kung magkaroon. Aba, lately, nireregaluhan ang lola nyo ng hundreds sa isang araw. Gusto yata, career-in ko ang unspamming, hahaha…  Wala, di lang pinansin. Wala pa yatang 200 ang nadi-delete ko, bahala sila…

 

image of a typewriter being used to write stories

Pag minsan, nauubusan din ng maiisulat/onesourcetalent.com

 

Anyway, hindi ko na alam paano tatapusin ang walang ka-torya-toryang istorya, haha… Wala pa rin nga pala akong bagong post sa DPSA, kainaman na… Kung magagawi kayo ro’n, basahin nyo na muna ang Sa Aking Paningin – pinaka-mushy, pinaka-cheesy sa lahat ng nailimbag ng lola nyo, haha. May mga mas cheesy pa, actualy… Pero sus, ba’t ko naman ililimbag? Hihihi… Teka, para sulit naman ang pagtityaga ninyo till this part, ikwento ko na rin – ang taong tinatalakay sa nasabing post, ang unang pagsintang purorot ng lola nyo… Org mate ko sya noon, six footer na mama, ang unang yumakap-yakap sa akin freely, haha (Pweh ba? Pweh?). Ah, hindi nya ako girlfriend. Ang GF nya no’n, orgmate din namin.

Anyway, sexy ang mamang ‘yon. Wala pa ring beer belly ang mokong, married with kids na at may sama pa rin yata ng loob sa akin, shaks lang. Nag-uusap naman kami pag nagkakasalubong. Pero till now, di pa rin sya tumitingin pag magkausap kami, haha. Hang delinquent lang… Kagalang-galang siyang nilalang, pag makikita nyo… Siya rin nga pala ang isa sa andoon sa ba’t mo nga ako iniwan?, pangalawa sa istorya – iyong umiiba ng daan, hakhak. .. After all these years, nakukuha pa rin nyang maggalit-galitan, ang tatanda na namin… Likely, iyon ang dahilan bakit si orgmate pala ang nag-inspire ng ganoon kakesong lathalain. Sa conscious part ng sarili ko, ang alam ko, matagal  na syang nalimutan. Oo, pramis, isang century na kaya ang nakakaraan? ^^

 

Pero ‘yon, since talipandas ang blogging as an activity, kung sinu-sino ang ini-extra, hahaha… Anyway, noong sinusulat ko ang post, hindi ko rin naman alam na siya pala iyon… Sa akin kadalasan, isa o dalawang linggo pa pagkalathala ng post bago ko mai-place kung sino ang taong nag-trigger, nag-inspire o nagtulak sa panulat, lalo pa kung cheesy, haha.

 

Kayo, alam nyo ba pala agad habang nagsusulat kung sino ang pasaway na nagtulak sa inyong panulat?

 

Ay teka, sino nga pala ang paborito nyong author? 😉

 

Pag-ibig, sabi-sabi… :)

image of an apple with a heart sign curved on it

Maski walang pera, di maitatangging amoy-pasko na/ flickr.com

 

Hello, kumusta kayo? Amoy pasko na, mga kapatid… Ang kulang na lang, pambili ng mga regalo, ahaha.  The thing is, maski saan ka tumingin, may tyangge na, nakakainis. 😉 Basta, pag mahusay mag-deadma at magtago, nasu-survive din ang season of gastos, pramis… ^_^

 

Teka, may balita ako… Yes, as in, ibinalik ng WordPress ang original site ng lola nyo, ang Doon Po sa Amin. Sa totoo lang, gusto kong mag-speech, hahaha. Gusto kong pasalamatan ang sponsors, ang nag-make up at ang nirentahan ng gown, shaks!

 

‘Yon lang, dalawang beses pa lang yata akong nag-speech sa buhay ko… Both times, as substitute speaker, kainaman na. Ng politiko, kakahiya… Ang first time, three minutes lang, gusto kong maglaho no’n, as in… May senador na nakikinig, may mga CEO at may mga presidente ng sikat na eskwelahan, shaks. Nabuhay pa naman ako pagkatapos, hehe. Dinaan na lang sa pekeng confidence, naka-dress  me no’n, haha.

Ang pangalawang beses, matagal na rin. Sa Baguio City. A, di naka-dress ang lola no’n, whehehe. Pant suit, blouse and blazer ang get up, yes. Ay, ang dami ng audience – 600 plus – pupils and teachers, shaks. Medyo mahaba ang talumpati, about 20 minutes… Pinagawa ng speech ang lola noon, last minute, ako pala mismo ang magde-deliver, sa tinamaan ng magaling. Di ko rin alam paano ‘yon na-survive, haha. Ang isa pang guest speaker sa okasyon, ang mayor mismo ng lungsod, shaks. Pornography ang topic, di nga… Ang saya. 😉

 

So, anyway, I’ll do away with the speech this time, baka maluha pa tayo, ahihi… Tungkol sa buhay-kanayunan at rural ways ang unang site ng inyong lola, oo. Pero, pero, sa DPSA nag-umpisa ang love essays and poems na nakakatuwaan ng ka-blogs dito sa SSA, di nga… So, pag may time, daan kayo minsan doon sa amin – may pakape roon, ahaha.  Ilalagay ko rito ang ilang links para masaya, hehehe… Btw, iyang pag-ibig, sabi-sabi, mahiwaga raw… Iyon lang, magulo rin, hahaha. O, basta, eto…

 

Minsan, Dumating Ka sa Buhay Kodramatic ang title, naman

Kung Tapos na ang Lahatbakit nga ba laging may pagsisisi?

Ang Magmahalay mahirap pero nangyayari at sinusubukan, hala…

Larawan ng Taong Wala sa Sarilipanlalait sa taong inlababo, a portrait

Habang Wala Kawhat’s love without waiting, eh?

Bukassometimes, the waiting has got to end, shaks!

ba’t mo nga ako iniwan?ampalaya post ire – ang pait, sobra!

Magkatalikuranparting – two sides of the fence, hehehe…

kailan huling nagpasya ang iyong puso?bakit nga ba inevitable? ayiii

Tawagin ang puliswarning: super mushy at nilalanggam, hahaha 😉

 

Ito na ang sinasabing walang hiya at walang habas na self-promotion, pambihira. Ano pa nga ba? Hahaha. O, basta, happy kung makakadaan kayo doon sa amin, minsan…. 🙂

 

image of a poinsettia plant hanging from a window

Iba ang simoy ng hangin pag malapit na ang pasko/ ladiesgadgets.com

 

Happy yuletide, mga kapatid. Wishing you the best of the season. Try nating magpakabait, naman… 😉

 

Nakita mo na ba ang ulan?

 

Di nga, nakita mo na? O, basta yan ang tanong doon sa kantang narinig namin ni kapatid sa Sunset Cruise noong isang gabi. Kinakanta ni Manong Coast Guard habang patapos na ang dinner at pabalik na ang cruise sa Manila Bay. Sobrang natuwa si sister, isang dekada nya na atang di naririnig ang kanta. Noong una, aliw lang kami sa playlist, parang puro 70s music yata? Akala pa namin, record talaga. Shaks, si Manong pala – long playing songer sya, bale.

Ang mga natatandaan kong kinanta rin nya – Hotel California, Will You Still Love Me Tomorrow, mga sobrang lumang songs ni Barry Manilow at mga kantang alam ng mga ate namin, haha.  50s na nga pala ang aming mga ate. So, sure ako, 70s songs ang repertoire ni Manong Coast Guard, haha. Parang nag-time travel lang. Ayos naman syang kumanta, di naman masakit pakinggan. Nakakaaliw rin ang cruise, medyo mabagsik lang ang amoy ng madilim na tubig ng Manila Bay.

Doon pala pumupunta ang munting barko sa may bandang MOA, sa may ferris wheel. Bale, iyon pala ang highlight ng cruise, pag nasa MOA side na. Doon may view para sa picture-picture, haha. Huwag kayo, maganda kaya ro’n? Oo, simula noong madiskubre ko ang baywalk o promenade ng MOA mag-iisang taon na ang nakakaraan, naka-pitong punta na yata ako para manood doon ng sunset. Mag-isa lang, ay sus. Sa tuwing may kasama sa MOA, sa loob kami ng mall – sa kainan o sa Imax Theater. Wala akong kilalang singbaliw ko para mag-sunset viewing, as in… Basta ako, nagagandahan doon.

So, noong gabi ng cruise, namasdan ko ang MOA, not from the baywalk, kundi sa kabilang perspective, aliw. Kami ang nasa bay, minamasdan ang promenade at mga tao roon. Iba rin nga pala, tatanawin ang parehong eksena sa kabilang dako, kakatuwa… Doon pala kami sa taas na deck ng munting barko, para sa mga nagdi-date, haha. Medyo taka lang kami – ba’t ang mga mesa sa lower decks, siyang may linen habang  ang nasa upper deck na supposedly para sa nagdi-date,  hubad na monoblock tables and chairs lang? Siyempre, napansin ‘yon – kapansin-pansin, hihi.

Aliw pala ako lagi sa small boat ride, maski saan. Ang cruise ship ride, as in malaking barko, di masyado. Naiinip ako pag lumampas na sa tatlong oras ang paglalayag… O, basta, ang Manila Bay Sunset Cruise, ang istasyong sakayan, katabi lang ng pantalan ng Corregidor Cruise, sa may Folk Arts Theater. Pinoy menu pala ang dinner – may pansit bihon, haha. Happy! 😉

 

 

 

 

* Ka-blogs, may tanong pala ako – paano nagpapaliit ng You Tube attachment sa screen, sa post? Hindi ako marunong, pasensya na. Sana, may sumagot, hehe. And, salamat.

 

** Wala nga palang masyadong kinalaman ang kwento sa mga kanta, ahihi. Wala ring issue sa ulan. Basta, mabigat ang previous post, relax muna tayo ng konti… Magandang araw sa ating lahat! 🙂 😉

 

Gumuguho

 

May mga mundong gumuguho

may mga kahariang nawawasak

may mga pangarap na naaanod

may mga prinsipyong isinusuko.

 

image of ruins in the Corregidor Island in Bataan, Philippines

Anuman daw tibay ng istruktura ay tinatamaan din sa gera at iginugupo ng panahon/ members.virtualtourist.com

 

May mga destinasyong di nararating

may mga kahapong di mabalik-balikan

may mga kasalukuyang di-mapanghawakan

may mga bukas na di-maaninag.

 

 

 

May mga buhanging hinahabi

may mga sinulid na tinutuntungan

may mga islang pinagkakabit-kabit

may mga tulay, para raw malayo’y lumapit.

 

image of the Buntun Bridge in Cagayan province in Northern Philippines

May mga tulay para ang malalayo ay mailapit/ pinoyadventurista.com

 

May mga taong para laging may hinahabol

mayroon ding sa maghapo’y sapat na ang isang sakol

may mga di humihinto at di lumilingon

may nagmamaang-maangan, di raw alam saan paroroon.

 

 

Ang lasing ay nagwawala sa daan, gumegewang-gewang

nagsusulat naman ng mensahe iyong taong hangal

ang baliw na si Sisa, palaging ginagawang bida

natuloy ba ang piging na marangya, inilibing ba si Ibarra?

 

image of a drunk man swaying on the street

Gumegewang ang lakad ng lalaking lasing sa daan/ blogs.thenews.com.pk