Awit, Laban at Pag-ibig

image of two persons in love with musical instrument in the background

Mga kwento ng pagsinta, laban sa buhay at awit na ramdam natin ang ating itinatala/ himigkoayikaw.blogspot.com

 

Sa mahigit isang taon at kalahating pagsusulat ko sa online, sari-sari na rin ang aking nabasa at na-engkwentro. May mga nasalubong na akong kwento ng saya, kalokohan at pighati. May pagmamaktol at may pagkalito, habang mayroon ding tala ng pagtataka. Mayroong tahimik, may sobrang ingay at mayroong pahapyaw na sumasabay. May nananangis, may humihikbi sa isang tabi at may nagtutungayaw sa galit. Mayroong nagmamasid, may nakikinig at may pasimpleng nangungulit. May mga nasundan akong istorya ng pagtugon sa hamon, pagsuko at mayroon ding kwento ng pananagumpay. Iba iba rin nga.

 

Sabi, may kanya-kanya raw kultura ang bawat henerasyon – may kanya-kanyang hilig na musika, may kanya-kanyang gawi at may kanya-kanyang hinaing. O, mensaheng gustong ipaabot sa mas nakatatanda sa kanila at gayundin sa mga padating pa – sa mga mas nakababata. Naniniwala ako rito. Iba’t iba ang panahong ating inabutan, nilakihan at sa isang banda, sinabayan. Ibang usapan pa kung tayo – ang bawat isa sa atin – ay lumampas o naka-igpaw sa panahong iyon ng may hiya, may agam-agam o may matinding takot. O, di kaya naman, buong tapang natin iyong hinarap at sa ngayo’y may ngiting dala ng pagwawagi, may dunong mula sa pagkamatatag o may sigaw na galing sa kaloobang nanaig.

Ang punto marahil ay may pinanggalingan tayo – isang lugar at panahon – isang mundo, maaring sabihin. Isang mundong tayo lang ang nakakaalam dahil tayo ang nakaranas – nabaguhan, nasanay at doo’y nagdusa, sabihin na natin. Gusto natin, sa sarili nating paraan, sa sarili nating wika at sa sarili nating pag-intindi – ibahagi ang mundong iyon sa iba pa. Tawagin ang atensyon ng kasalukuyan sa isang munting bahagi ng kasaysayang ang gumanap ay tayo. Ganito ko siya nakita, ganito ko naramdaman, ganito ako naapektuhan – iyan ang sabi natin sa ating mga blog.

 

image of a boy and a girl scribbling on the sand

Nagsusulat tayo noon sa buhangin o sa lupa. Wala lang, sabi natin… / niyorgogoi.blogspot.com

Minamarkahan natin ang mga pangyayari, iginuguhit natin sa pamamagitan ng permalink (kaiba na sa stick na ipinansusulat natin sa buhangin o sa alikabok  noong tayo ay mga bata pa) at nilalagyan natin ng mga malikhaing simbulo para i-rehistrong iyon ay pansarili. Ano kaya ang kaibahan ng mga ito sa mga kapiranggot na drowing natin sa ibabaw ng desk o di kaya naman, sa ” —— loves me” na patagong isinulat sa likod ng kwaderno? Mga pribadong bulalas na inaasahan nating sana’y walang ibang makakita o makabasa. O, kaya, sana ay mabasa at tanggapin ng may pag-unawa niyong pinatutungkulan.

 

Noong bago pa lamang tayong nagsusulat ay inakala nating sarili lamang natin itong mundo – wala tayong pakialam at kinalaman sa iba pang nagsusulat at naghahayag din. Dito tayo magtatala at sana ay wala sa ating makapansin. Maliban sa iilang taong binigyan natin ng pribiliheyong dumalaw, tila baga piling kalarong pinasilip natin sila ng ating mga ipinagsusulat at iginuhit –  sa munti at sekretong kwaderno. Itinuring natin ang blog na sariling palaruan, music room at library. Walang magre-reklamo kung ang gawin mo man ay tumalon at maglambitin, magpatugtog ng malakas o magkalat ng mga aklat, tinapos mang basahin o hindi. Sabi natin…

Ngunit para sa mga matagal-tagal na ring nagsusulat, marahil ay alam na nating hindi ito pribadong espasyo. Ito ay ang kabaligtaran. Ito yaong palaruang bukas sa publiko anumang oras, ang silid na kayrami ng may hawak ng susi at aklatang ang inilimbag ng isa ay maaring mabasa rin ng iba pa. Ang mga sinabing salita rito ay maaring tingnan at beripikahin sa iba pang mga nailimbag din. Dito, ang musikang iyong sinasamba ay maaaring itinatakwil o kinamumuhian ng iba at hindi sila mangingiming ikwento iyon sa marami. Dito, ang kapirasong hiling ay maaaring pagbigyan ng isangdaan, habang ang galit na nabitawan ng di-sinasadya ay maaaring maging dahilan ng himutok ng isang dosena.

 

Nawala na ba ang saya mula ng madiskubre nating may audience pala ang ating blogs? Hindi naman, sa tingin ko. Katunayan, marami sa mga nagsusulat sa online ay nagsasabing isa sa pinakamasayang sandali ay noong nalaman nilang may nagbabasa pala sa kanilang mga isinulat. Gayon din sa akin – halong gulat, di-pagkapaniwala at munting malanding saya – iyon ang bumalot sa akin noon. May nanonood pala sa aking munting pagtatanghal, may nakikinig pala sa aking kwentong parang wala namang kwenta at may nakaka-ugnay pala sa pira-piraso at magugulong istoryang ibinabahagi ko sa pahina. Maski papaano, kahit paano, may connection. May rejoinder ang ka-blog sa aking binitawan. Bahagi pala ako, tulad rin ng iba pang bloggers, ng isang pamayanang hindi ko naman nakikita ng tunay at harapan. Virtual lang.

 

image of an audience

Nakakailang din ang pakiramdam kapag alam mong may mga nanonood sa pagtatanghal/ prmarketingcommunication.wordpress.com

 

Sa ating blogs, ang madalas nating inilalagay ay mga kwento ng awit, laban at pag-ibig. May mga iba pa, gaya ng practical tips sa pagne-negosyo, paano gamitin ang bagong gadget, ano’ng pelikula ang dapat abangan at kung anu-ano pa. Pero, kadalasan, ang tatlong paksa ang nilalaman ng ating mga sulatin. Bakit kanyo? Sa hula ko lang, dahil ang blog ay personal. Kaya dyan natin inilalagay ang kwento ukol sa paborito nating awit, tugtog na pinakikinggan natin sa sasakyan at kantang kinaiinisan natin pero lagi naman nating nasasabayan o hinihimig. Madalas, pinipilit nating aninagin ang pagkatao ng blogger sa pamamagitan ng mga kantang kanyang pinipili, sa genre ng awiting kanyang inabutan at itinataguyod, at, siyempre pa, ang tipo ng musikang pumapasa sa kanyang panlasa.

Dito rin sa blog ang ating personal issues – ang mga ayaw natin, ang mga kinahihiligan natin at ang mga kinahihibangan natin. Ang mga laban natin sa buhay gaya ng friction sa pamilya, hirap sa pag-aaral, conflict sa trabaho at mga pangarap na isinaisantabi o kinalimutan muna.  Ang mga ligalig sa buhay na kinakaharap ng nagsusulat, ibinabahagi sa madla para maihayag ang saloobin ukol sa mga taong malalapit sa kanya, sa mga kasamahan – sa komunidad,  sa eskwela o sa hanapbuhay –  at sa lipunan, sa pangkalahatan. Mga ligalig na nagdadala ng pangamba, kaba at kung minsan, lungkot at galit. Marami nito sa blog lalo pa nga at wala naman sa ngayong gera. Kwento ng gera sa loob ng pagkatao ang marami sa isinusulat natin. Mga kwento tungkol sa makukulit nating kaibigan, sa blog din matatagpuan.

 

At siyempre pa, ang walang kamatayang kwentong pag-ibig, mainstay feature ng bawat isang blog na personal. May mga istorya ng kung paano ang punyemas na pag-ibig ay iniwasan at tinakbuhan, upang sa huli ay maabutan din naman. Mayroon din namang tungkol sa mag-iisang dekada nang paghahanap at paghahabol, paghihintay sa tila hindi naman maaasahang hintayin. May tungkol sa masaklap na paghihiwalay, gaya rin ng may ukol sa matagal na pananangis at panghihinayang – sa relasyong nauwi sa wala.

 

image of a mug with message of love

May mga pag-ibig na natatagpuan/ bestfreepoems.wordpress.com

May kwentong ukol sa pagtitiyap, sa palaiwas na pagsintang isang araw ay natagpuan din sa tamang lugar, ikinuwentong pasimple at may tamang kilig. Mayroon namang ukol sa pagsuyong parating paalis, gaano man ang pagtatangkang ito ay panghawakan. Mayroon ding kung paano ang pag-ibig ay inaalagaan, pinalalago at pinoprotektahan. Hinahangaan at iginagalang natin itong huli, kadalasan, pero hindi tayo masyadong nadadala, ahaha. Gusto natin, kwentong pag-ibig na may hidwaan, may plot, parang sa telenobela lang.

 

Kaya ang tanong  – paano naman ‘yong hindi mahihilig sa kanta o kaya ay yaong walang gaanong isyu o laban sa buhay at paano iyong mga wala pang pag-ibig o kaya ay nagsabi nang tapos na sila sa pag-i-pag-ibig na iyan? ^^ Wala na bang lugar sa kanila sa blogosphere? Ang sagot, siyempre, ay mayroon. Wala naman kasing itinatakda sa atin kung ano ang dapat na susulatin. Ang tagubilin lang ay gawin natin itong malikhain at engaging na basahin. Kuhanin daw natin ang atensyon ng mambabasang alam naman nating madalas ay abala o di kaya ay mainipin. Hulihin natin ang pansin nila para sila ay bumalik muli.

Napakarami ng kabalintunaan o ironies na matatagpuan sa pagba-blog – ang pagiging publiko ng mga bagay na personal, ang mataas na paghiling ng blogger sa privacy habang umaamot naman ng closeness o intimacy mula sa mga mambabasa at ang pagtitimpla ng papel ng manunulat bilang information provider at isa rin sa mga mambabasa o consumers ng online writings ng iba pa.

 

Nariyan din ang concern na kung cooperation o competition ba ang framework sa pagsusulat at pagbabahagi? Kung iyong una, marapat lamang na may pagsasaalang-alang sa pananalita at pananaw ng nakararami. Kung ang pangalawa, dapat ay itulak ang pinakamataas na standard o pamantayan ng pagsusulat at pagkamalikhain. Iyon nga lang, may mataas na tsansang maiwan ang bulto ng mambabasa kapag ganito. Sabihin pa, mahirap malagay sa ganitong posisyon.

image of two hands with fingers joining together

Ipinapaabot natin sa blog ang ating mga damdamin at iniisip/ bloggers.com

Pansinin natin. Ang mga naisulat nating pinakamalapit sa ating mga puso ay yaong sulating ginawa natin para sa pansariling konsumo – yaong isinulat nating parang walang ibang makakabasa – isang pagtatanghal na tila walang nanonood. Ngunit may mga nangahas na sumilip sa mga ‘yon, nag-comment pa at kung minsan, may humiling na makipagkilala ng mas malapit sa nagsulat. Ganoon din naman, sa tila pinaka-pribadong sulatin ng iba ay nagpahiwatig tayong tayo ay nandoroon sa eksena. Pinipindot natin ang like button at nag-iiwan tayo ng comment na tila ba kilala natin ang nagsulat. Kahit hindi pa naman. Gaano. O, hindi talaga. Kung minsan, para tayong mga maninilip. Mental voyeurs, kung tutuusin…

 

Saan-saan nga ba tayo maaaring dalahin nitong ating paghahayag? Sabi natin noong tayo ay nag-umpisa ay isa lamang itong exercise sa self-expression – aliwan, sanayan at pakikipag-bahaginan, sa munting scale. Habang tayo ay pumapalaot at habang nababatid nating hindi lamang tayo ang andito, tila nababawasan ang ating spontaneity, ang openness at ang willingness na magbahagi sa pangkalahatang madla. Tila gusto yata nating i-edit ang ating mga sinasabi, lagyan ng bakod at pader ang site at magsalita na lamang sa iilang taong malalapit sa atin o kahawig ng sa atin ang panlasa, nais at sadya sa buhay. Kung minsan, parang ang gusto na lang nating kausapin ay yaong mga katulad natin ang tastes sa music.

Paano nga ba? Paano ang pagba-balanse ng intimacy at distance sa ating buhay blog? Paano ang tamang pagdadala ng private at public na impormasyon sa paraang napapanatiling enjoyable experience ang pagba-blog? Paano mapapanatili ang pananampalatayang ang kwentong ibinabahagi o nais ibahagi ng blogger ay may saysay at dating sa iba pang naghahanap rin ng kakampi sa online venue? Kailan sasabihing O, tama na ang opinyon mo, love life ko ‘to! O, di kaya, “Tumigil ka na sa comment mo, pamilya ko ‘to!” O, panghuli, “Tama ka na dyan, sampong taon ko nang pinapanginoon ang bandang ito!” Kailan at paano?

 

Sa pagkaalam ko, isa sa mga nais payabungin ng blog ay ang sinasabing free exchange of ideas. Maganda ang konseptong ito at waring ang nais nitong malinang sa mga nagsusulat at nagbabasa ay ang tinatawag na tolerance. Ito ay ang pagkilalang maraming iba-ibang pananaw sa mundo, dulot ng magkakaiba ring buhay at pagkatao ng bloggers. Subalit alam naman natin, sa totoong buhay mismo ay mahirap itong itaguyod. Laging mas madali ang maging intolerant,  ang pumanig at kumampi sa mga ideya, interes at grupong pamilyar na sa atin, at, kaagad mag-suplada o mag-suplado kapag may komokontra sa atin. Mas reflex na rin natin ang tumikom at tumabi para gawing ‘ika nga’y mas manageable ang lahat.

 

image of a poster explaining creativity

Ang pagkamailkhain ay nangangailangan ng lakas ng loob/ webgrrls.com

Habang tumatagal tayo sa pagba-blog, napapansin na nating ang dami ng may talent, sangkatutak pala ang taong creative. Nalalaman na rin nating marami palang paraan para ikwento ng kaiga-igaya ang isang nakakainip at pangkaraniwang karanasan. Nadidiskubre na rin nating kailangan pala ng isang bodegang pasensya, hindi isang basket lang o isang drum. Nababatid nating kailangan pala nating makipag-usap sa iba at mag-engage. Akala natin noong una ay keyboard at monitor lang ang ating kakausapin, susmaryosep. Hindi pala. Interactive nga palang medium ang blogosphere, hindi special place para sa mga may autistic tendencies. ^^ Hindi rin siya tambayan ng isang barkada lang o grupo, bagaman at kapansin-pansing mas madalas mag-usap at mag-kumustahan ang like-minded individuals at yaong nabibilang sa parehong age groups.

 

Bilang isang dati pang nagsusulat, napansin kong ang blog ang isang platapormang nagdala sa pagsusulat sa arena ng tinatawag na social experience. Bagama’t noon pa ay sinasabi nang ang pagsusulat ay isang social endeavor at hindi lamang isang private undertaking, hindi ito maisakatuparan ng husto bago nagkaroon ng blog.

Doon muna tayo sa sinasabing social endeavor. Panlipunan ang pagsusulat sapagkat sa mga komposisyon natin nakalagay ang iba’t ibang suson o layers ng ating karanasan at pakikipag-talastasan. Kahit pa iyon ay ginamitan ng personal na kakayahan, nakatuntong sa personal na pananaw at ginawa sa personal na limitasyon at kagustuhan ng taong nagsulat, nakapaloob doon ang multi-faceted interactions niya sa lipunang ginagalawan.

 

cartoon image explaining possible key to blogging success

Isang layunin ng blogging ay pagbasag sa karaniwang perceptions/ amnottheonlyone.blogspot.com

Paano ito sa aktwal? Sa mas simple, ang pinaka-epektibo at tinatangkilik na mga sulatin ay yaong nakakahuli sa mga karanasan at sentimyento ng nakararaming mambabasa. Kung masyadong natatangi o unique ang experience na isinatitik, maaaring iyon ay purihin ng mga batikan, subalit hindi papansinin ng mass audience. Halimbawa, ang isa ay nagsulat ukol sa scuba diving. Kaagad, nalilimitahan ang audience sapagkat ilan lang ba naman ang may kakayahang bumayad para sa scuba? Subalit kung ang write up ay tungkol sa pangangati o kaya ay kahirapan sa paghinga habang nag-i-scuba dive at isinulat sa paraang naiintindihan maski noong mga walang pambayad sa diving, maaring lumawak ang bilang ng babasa at makaka-identify sa dilemma ng isang nagtangka at nanibago sa scuba diving.

 

Noong wala pang blog, sobrang limitado at matagal bago dumating ang feedback sa mga isinulat. Ang mga manunulat ay pirming naghihintay sa snail mail o koreo, ng sulat na magsasabi kung naibigan ba o hindi ang kanilang mga sulatin, at, kung nasapol ba ang isyu o mensaheng gustong talakayin sa audience. Ngayong may blog na, mas madali na ang pagkuha ng feedbacks. Mas mabilis na ang pagtantya sa reaksyon ng mga nagbasa. Subalit, kasama rin sa immediacy of publication and feedbacks sa blog ay ang mabilis na pagdating ng comments, comments na maaring hindi na gaanong pinag-isipan o kaya ay kulang sa tinatawag na pakundangan at pagsasa-alang-alang. Nasty or irresponsible comments, sa iba’t ibang direksyon maaring manggaling. Handa ba tayo?

Isa pa, ang paglulugar sa pakikipagkaibigan at romance na posibleng sumulpot sa ating blogging interactions. Aminin man natin o hindi, madalas ay best foot forward tayo pag nagsusulat o naglalagay ng posts. Gusto nating i-reflect ang magandang anggulo ng ating personalidad na maaring hirap tayong kamtin sa totoong buhay o di kaya naman ay napapabayaan na natin sa gitna ng iba pa nating concerns. Sa gayon, posibleng may taong maakit para makipagkaibigan o makipagkilalanlanan pa ng mas malapit sa nagsulat. Handa rin ba tayo para sa mga ganito? Paano ang maayos na kondukta nito sa isang platapormang bukas sa publiko?

At paano sa mga pagkakataong mayroon tayong hindi nakakasundo – dahil may sinabi sa ating hindi natin naibigan o kaya ay downright offensive o sa kabilang banda, tayo naman ang may nabitiwang mga salitang hindi magaganda? Titigil na ba tayo sa pagsusulat? Sasabihin ba nating ang balon ng ating pagkamalikhain ay natuyo na? Agad-agad? Kagyat, naubusan tayo ng mga kantang maibabahagi, mga kwento ng buhay na maikukwento o sasabihin natin, “Ah, this blogging business has, all of a sudden, drained my source of love!” Pagkatapos, pamamahingahin muna ang keyboard, itatabi ang pluma at magde-deklarang ayaw na muna. O, ayaw na talaga? ^^

 

Mabalik tayo sa sinasabi kong ang pagsusulat sa blog ay isang social experience, isang kakaibang karanasan. Sapagkat dito sa blog, ibinubukas ang hayagan at kagyat na venue sa sinumang online na nagbibigay ng oras, talino at lakas para magbasa at magsulat. Hindi rito sinasabing dapat ang blogger must be 18 years of age o kaya, not more than 60. Hindi rin dito sinasabing dapat Phil. Daily Inquirer ang binabasa mo para makasali ka sa palitan ng karanasan at opinyon. Wala ring sinasabing dapat may degree ka sa Fine arts, Literature o kaya nakatapos ka ng kurso at pagsasanay sa photography. Wala.

Wala ring requirement na dapat ay may previous experience na sa pagsusulat. O, kaya, may portfolio na ng artworks. O, kaya, may sangkaterba nang karanasan sa buhay, mga gawaing sinubukan at naabot, pinagtagumpayan ang ganito kataas na porsyento. Wala. Wala ring sinasabing dapat ay magaling sa Math o kaya ay perpekto kung um-English. Wala… Maghayag sa interesting na paraan, iyon ang sabi. Dito sa blog, binibigyan tayo ng pagkakataong makita ang range ng lahat ng taong online – mabasa, marinig at mapanood ang kanilang sinasabi – habang tayo naman ay binibigyan din ng access at exposure sa kanila.

 

image of a dog blogging

Kadalasan, sa umpisa ay di natin alam kung ano itong ating pinapasok/ thecrossnerd.blogspot.com

Pantay ba ang tsansa para sa lahat ng mga nagba-blog? Sa maraming sense, oo. Pare-pareho ang applications at features ng sites natin. Pare-pareho tayong nabubuhay at may pagkukuhanan ng materials na pwedeng buuin bilang kwento. Marurunong tayo lahat mag-type at bumasa. May sapat tayong literacy para intindihin ang mga nailimbag at irehistro ang naibigan natin at ang hindi. Pare-pareho tayong pwedeng umalis o huwag magbasa sa sites na ayaw natin tulad rin naman ng pwede tayong iwan anumang oras ng mambabasa at huwag basahin ang ating sinulat.

Sa kabilang sense, hindi rin. May lamang na ang iba. Lamang ang matatanda sapagkat mas marami nang karanasang pwedeng paghalawan. Mas marami na rin ang kanilang bokabularyo at stored knowledge, sa isang banda. Lamang naman ang mas nakababata sapagkat mas marami pang oras na magbasa online at mas mabilis din silang tumawid sa iba’t ibang sites at iba’t ibang plataporma. Mas madali  para sa kanila ang kumabisa ng teknolohiya at features, para magamit sa blogging. Sa pangkalahatan, mas malikhain ang kabataan, kumpara sa matatanda. Isa pa,  mas flexible ang kabataan sa larangan ng pakikipag-kaibigan, maski sa pakikipagkagalit, at sa pag-explore nitong makabagong interactive media. Kaya, hindi na rin pantay, kung tutuusin.

 

Bago ako magsulat sa blog, ang una kong tinimbang ay kung magsusulat ba ako ng walang bayad, hindi nga. Maliit lang ang perang nakukuha sa pagsusulat, hindi ito financially rewarding na larangan. Pero, may bayad. Sa blog, ang compensation ay tanging sa dami ng Statistics, bilang ng nag-like at nag-comment. Pero, para sa akin, dramatic ang confidence na naibibigay ng blogging. Dito ko naipirming ang pagsusulat nga pala ay tungkol sa passion, sa damdamin ng isang tao. Na kapag malapit sa iyong loob ang tinalakay mo, nagkakahugis ito ng lampas sa karaniwan – nagiging masining. Na kapag ang isang paksa ay inihayag mo sa paraang interesting, magkaka-interes din pala ang ibang tao. Gaano man ito kaliit o ka-ordinaryo.

 

Masasabi kong kakaiba ang blog sapagkat ito ang tanging platapormang nagre-require na gamitin kapwa ang human id at ang conscious o ego ng tao. Sa pormal na pagsusulat o sa pagsusulat labas sa blog, ang mas madalas na gamitin ay ang conscious – ang sulatin ay dapat na may lohika, sumusunod sa tamang anyo at alinsunod sa itinakdang lalamanin.  Sa kabilang banda, sinasabing ang paghahayag naman sa mga platapormang gaya ng social networks ay lamang sa paggamit ng human id – the human creative impulses and rebellious tendencies.  Mga hirit, ‘ika nga. Tanging sa blog maximized kapwa ang creative aspect ng ating pagkatao, habang may malaking tulong na hinihingi mula sa ego, para mabuo ang makatarungan at malinaw na paghahayag ng karanasan.

 

image of a poster explaining Freud's theory

Malikot at malikhain ang id habang mas naninimbang ang ego ng tao/ makingthemodernworld.org.uk

 

Sa blog maaring i-explore kapwa ang uniqueness natin bilang indibidwal habang dito rin natin maaring makita ang universality ng ating experiences and sentiments bilang tao. Dito, maari rin nating mabatid ang kaibahan at pagkakatulad natin sa iba pang henerasyon, ibang lahi at ibang kalinangan. Dito ang pribado ay nagiging pampubliko, habang ang impormasyong pampubliko ay nililimi natin at ginagawa nating personal at pansarili. Dito, ang kahapon ay ginagawa nating pangkasalukuyan, ang komplikado ay ginagawa nating payak at kayang nguyain, habang ang malaki  ay napagmumukha natin ditong maliit and vice-versa – sa pamamagitan ng ating malikhaing paglalarawan at pagsusulat.

 

Walang ganito dati. Mayroon at marami na rin noong nagsusulat ukol sa nagagawa ng awit sa buhay ng tao, sa pangangailangan at kadakilaan ng pakikipaglaban sa buhay, at, sa saya at pait na hatid ng pag-ibig. Marami na rin ang nagbabasa at komukonsumo ng mga sulating ganito. Subalit ngayon lamang blog age naging ganito ka-personal, ganito ka-mass directed at ganito ka-interactive ang pagsusulat. Sa isang banda, maaring sabihing nakakakaba, nakakailang at nakakalula ang magsulat ng blog. Sa kabilang banda naman, hindi ba at comforting din ang ganitong sitwasyon – tila madali sapagkat hindi impersonal – kundi ramdam ang paghahayag?  Tila binubuksan nito ang posibilidad na napakaraming maaring gawin at isulat.

 

Marami-rami sa mga humigit-kumulang kakilala kong dating masisipag magsulat sa blog ay huminto raw muna sa pagsusulat. Ang iba ay dahil nadala raw o kaya ay nanghinawa, dulot ng hindi-kagandahang cyber conflicts and encounters na naranasan. Ang ibang ka-blogs naman daw ay tinatamad, o sabi, kinakapos daw sa material o sa inspirasyon. May ilang tumigil dahil  busy lang talaga sa ibang mga bagay at hirap ilugar ang pagsusulat. Anu’t anuman, nasasa kanila naman palagi kung muli at kagyat pa silang magsusulat ng blog at magbabasa pa sa sulatin ng iba.

Totoo namang hindi kabawasan sa buhay kung walang blog. Pero batid nating lahat, kung hindi man tayo pinayayaman, pinasisikat o pinatatalino ng pagsusulat, dinaragdagan nito ang tiwala at pagkilala natin sa ating mga sarili.  Maski pa baduy ang mga paborito nating kanta, mga kababawan lang ang isyu natin sa buhay na pinalalabas nating seryosong laban at wala naman talaga tayong matinong pag-ibig, haha. ^^ Pero, hoping tayong magkakaroon. Naman!   ^_^

 

image of a note about true love

Lampas sa maisulat, mas maiging matagpuan at maranasan ang pag-ibig/ lookforthegoodproject.org

 

 

Maligayang panahon ng Kwaresma sa mga kapatid na Katoliko. Happy summer sa ating lahat!  :)🙂

 

– Ika-3 ng Abril, 2012

 

26 thoughts on “Awit, Laban at Pag-ibig

  1. hanap ako ng hanap ng tinukoy mong mahabang sanaysay…. kung saan saan ako nag tingin tingin… nandun lang pala sa itaas!

    nakow ang haba nga pala nito sis, pahapyaw ko palang nababasa…

    kailangan pag ukulan ng panahon ito at ilang tasang tsaa😉

    • ahaha! oo, parang prosesyon sa haba, pasensya naman… ^^

      hey, nasa Pilipinas ka ba ngayon? ba’t hindi UAE ang nagre-register na kinaroroonan mo? ako na ang ang aleng matanong, hihi, ibulong mo sa ‘kin kung asang parte ka na ng mundo, kapatid. ikaw na ang gala… ^_^

      read the page when you’ve the time. walang pilitan, haha. ingat ka, haribon.🙂

  2. after the long read, muli ay nanumbalik sa akin ang isang bahagi ng buhay naghahatid ng higit na kaliwanagan sa mga tanong… mga tanong ng ating buhay.

    sa ating pakikipag daupang palad sa mundong ito ng panulat, naipapamalas natin ang anyong bumabalot sa atin, bilang isang nilalang. malaya natin naipapamalas ang daloy ng enerhiya na syang nagtutulak sa atin upang harapin at gampananan ang pang araw araw na takdain ng buhay.

    naipapamalas natin ang ating rurok ng kakayanan na hindi maihahalintulad sa iba, sapagkat bawat isa sa atin ay may kanya kanyang bahaging ginagampanan sa pangkalahatang anyo ng kamalayan…

    nabibigyan din tayo ng pagkakataon na humabi ng panibagong ideya at kaalaman sa pagtunghay at pakikipag daupang palad sa mga kapwa natin kabahagi sa mundong ito ng panulat…

    naimumulat tayo sa mas malawak na antas ng pangunawa upang maging bukas ang isipan at maging mapaglimi sa mga daloy ng diwa ng kapwa, natututo tayong balangkasin ng mas makabuluhan ang mga plano ng ating kinabukasan,

    napakarami pang maaring ipamalas at ipahayag,

    sa aking palagay at higit sa lahat, sa pamamagitan ng paghahayag ng ating mga karanasan sa ating kapwa sa mundong ito ng panulat nagagawa natin na mas higit na maunawaan ang ating katawan at kaisipan upang higit itong mapag ibayo at mapaunlad.

    at sa bawat katagang ating binibitawan at ipinapahayag sa mundong ito ng blog, ito’y magiging mitsa ng pag lago, hindi man natin binalak o ninais… ang paglago ng oportunidad sa ating kapwa, ang oportunidad na maari lamang makamtan…. kung tatangapin ang naitakdang layunin.

    upang sa malaon o madali… ang naisulat ay syang magaganap.
    🙂

    • amen, haribon.🙂 teka, ba’t nga ba tunog religious at tunog may mission ka rito? may mission ang pagsusulat? ^^ hmmn… sabagay…sa akin, connection ang isang layon ng pagba-blog, pagsusulat man nito o pagbabasa. ayon… salamat sa mahaba at malamang comments. warm regards…🙂

  3. At, natapos ko rin siyang basahin makalipas ang dalawang araw. pero baka kasi mapahaba, isa munang paglalahad.

    Kadalasan ang aking memorya ay fragmented o kalatkalat(?) (meron po bang mas direktang salin ito sa wikang filipino?) kaya magkokomento ko habang naalala ko siya.

    Habang binabasa ko ang mga unang parte, ang mga pumasok sa isipan ko ay, “Martial Law Babies, o kung hindi man, mga magulang ng Martial Law Babies” yan ang aking pag tantya sa inyong edad, ngunit habang lumalalim ako sa artikulo naging “cannot be defined” na siya, pero ang sigurado ko lang ay, “di hamak na mas nakakatanda siya sa akin, maaring kasing edaran pa nga niya ang aking magulang. o kung hindi naman ay siguro kasing edaran ko lang ngunit sobrang biniyayaan ng brains” sabi ng aking isip. So ano po connect niyan? actually wala, binanggit ko lang po.😀

    Doon naman sa pagka pribado ng isang blog, sa katunayan ay pwede po iyon sa settings, ngunit sa kasamaang palad, maraming tao po ang hindi tinitignan ang kasuluk-sulukan ng mga bagay. kumbaga, laging yung pangibabaw ang tinitignan. malakas po ang kapangyarihan ng Internet, ngunit hindi niya kinikilala kung alin ang tama at mali (na kung saan, eh subject to verification at personal biases pa).

    Kaya nga po may isang computing principle na sa pagkakaalam ko ay tinuturo dapat sa mga computer classes sa ating mga paaralan. “Garbage In, Garbage Out.” na ang sinasabi lang eh, kung ano ang iyong ipasok na command sa computer, iyon din ang kaniyang ilalabas.

    Kaya’t isa lang ang ibig sabihin nito, gusto nating may magbasa ng ating sinusulat pag siya ay nakapampubliko, (or at least, inaassume ng mga tao.)

    Sa paksa naman ng pagkita sa isang blog site, possible rin po iyon. sa katunayan, maraming nagboblog ay dahil sa dahilang iyon. ngunit hindi ko na palalalimin pa ang usapin na yan dahil wala akong alam masyado diyan at hindi ko siya interes.

    napahaba na pala siya, marami pa kong gustong sabihin lalo na ang pinagbago ng blogging at ng social networking na maaring pumasok sa paksa ng human ID at consciousness, ngunit naubos na ang aking gasolina, hayaan niyo po at idadagdag ko ang aking mga susunod na komento sa mga susunod na oras o araw. sana po ay coherent ang aking pinagsusulat ngayong madaling araw. Magandang Gabi po sa iyo

  4. Hello, SLGPM,

    Hey, kung dalawang araw ang ginugol mo para mabasa ito, kapatid, sus, comment away. pwedeng isang page pa, haha.😉

    Oks lang ‘yon. Pag 20s (at halos pati sa 30s), fragmented pa karamihan ng iniisip natin, wari ko. Bibihira ‘yong nasa first half pa lang ng buhay ay organized and systematized na kung mag-isip, ayon…

    Ahaha, sinadya ko ang catchy na title, hihi. Kumbaga, shock and awe ang style, ang kulit lang… Actually, seven pages ang write up – sa typical reader, shocking sya, haha.

    Ahihi, malayo naman ako sa pagiging Martial Law protest participant, kapatid. Pero, oo, way older ako sa ‘yo. Nag-umpisa na ako sa second half ng buhay, ‘ika nga. Hindi na masyadong fragmented ang thoughts (feelings na lang, haha), may mga nabubuo na, kumbaga. Pero, di kami magkaedad ang parents mo, probably younger dito by many years. Parang lola nga lang mag-isip, hihi… ^^

    Ah, may point kang maganda. Na kahit blog na ito na parang sophisticated platform kung tutuusin, ang operating priciple pa rin – GIGO. Baka kasi sa dami ng apps and features, nalilimutan nating it’s still GIGO-based. Oo nga, no, pwede ngang ma-pollute at maging toxic ng husto ang internet space? Alarming level na ba ang dami ng trash? Hindi pa naman siguro… ^^

    Technically, pwede naman talagang i-private setting ang blogs. And, pwede ring lagyan ng ads ang site lalo na kung dot com and somehow ay pagkakitaan (technically, di ako marunong nito, haha) Maraming options ang user/blogger and the host site sees to that and provides that… Ang nais ko sanang sagiin sa article ay ang rollercoaster ride sa pagba-blog. Halimbawa, nag-umpisa sa bukas na bukas at walang kiyeme sa posting at pag-o-opinyon. Tapos, as one goes along, medyo nagkakaroon ng limits, tinatabasan ang mga sinasabi at binibitawan. Bakit? Kasi nga, it’s a public forum. And basta public domain, hindi sya kesehodang maski ano na lang ang pwedeng itapon at walang aaray o magri-react.

    Pag nag-uumpisa pa lang, di ito masyadong halata. Seemingly, may lisensya ang mga taong maghagis ng kung anu-ano sa cyberspace. Lalo na ‘yong kabataang bloggers na lahat halos ng angas ay dyan ibinubunton. Pero, it looks to me that they learn, sooner or later. Lalo na kapag dumarami na ang nakakabanggaan o kapikunan nila sa cyberspace. Either ang gagawin nila ay magla-lock (private or exclusive or upon invitation) or hihinto muna and after a while, saka babalik, ibang site or domain name na. Pag nagpa-private, nililimitahan ang access (outgoing and incoming) sa worldwideweb or the blogger takes a very thin slice of the www’s capacity. Which is okey for most of the users, manageable…

    Actually, itong ganitong usapan, mas na-elaborate doon sa several posts ko sa ‘king suspended (na-virus) na blogsite. That the blogosphere is a worldwide public address system – gano’n sya kalaki at ka-powerful. But how many bloggers are creative enough, diligent enough, authoritative enough (with interesting stories enough) to really stand before the worldwide crowd and say his or her piece, kumbaga? Mas marami ang naghahanap lang ng kakwentuhan or ng mapaglalagyan ng mga muni-muni or mapagsisidlan ng portfolio (online). May iba ring nakikiuso lang, hihi (ganyan ako noong unang-unang nag-blog, haha). Mga gano’n… Hah, pinagod yata kita.😉

    • Nakakatuwa, eto ang aking hinahanap hanap mula sa “dating” internet na aking nakilala na pinatay ng mga microBLOGGING sites tulad ng facebook at twitter. Ang forum, kung saan makakita ka ng mga mahahabang diskusyon at diskurso, at kung saan rin nakilala ko ang karamihan sa aking kaibigan ngayon. (useless trivia)

      Pero balik po muna tayo from the top, ganun pala pag 20’s pa lang, eh hindi pa nalalayo masyado ang aking paglakbay sa edad na iyan. bukod pa sa talagang, magulo akong mag-isip at paiba iba. hahaha.

      Ang ibig ko pong sabihin sa martial law eh, yung age range po. pero mukhang malayo talaga ang aking pagtantya.

      Ngayon, di ko na alam kung saan ako magsisimula sa pagsagot sa mga susunod na bagay, medyo nabusog rin kasi ako at inaantok na. (iniwanan ko ang unang kalahati at kumain) kaya tutuloy ko na lang po ito pag gising ko mamaya. (sana’y wag bangungutin,) magandang umaga po muna sa ngayon.

      • Salamat, kapatid. Btw, marami pang sites na nagtatalakay ng ganito hindi nga lang gaano sa WP Tagalog kundi sa English o kaya sa blogspot dot com. Ayos lang sa aking may Facebook at Twitter, magkakaiba naman silang platforms – magkakaiba ng forte at serbisyong ini-especialize kumbaga.

        Hmmn, mas marami ang nahihirati sa paggamit ng mga ‘yan dahil sa mas maiksi ang mensahe at mas madaling gamitin. Over time, mare-realize naman ng users kung iyon ba ang the best platforms na need nilang gamitin para maghayag sila o hindi. May kanya-kanya silang gamit… ^^

        Parang kaedad ka ng mga nauna kong pamangkin so, baka ang mga panganay kong kapatid ang ka-batch ng parents mo, ahaha. 10 years ang pagitan namin ng second oldest kong kapatid. yown…😉

        Ah, yong mga kakilala kong bloggers na 40s na, mas systematized and sorted na talaga ang written thoughts. Medyo may layo na sa thoughts ng bloggers na early 20s and early 30s. Ayon… Mas lalo na yong bloggers na late 50s and early 60s, ang tining na ng mga ideya at experiences na ibinabahagi nila, as in… Parang pieces of wisdom na, kumbaga.

        Which doesn’t mean na pag bata pa ay di pa pwedeng mag-blog… Pwedeng pwede naman. Ayon lang, medyo fragmented at di pa gano’n kasinsin ang mga isinusulat at that age. And more importantly, writing and art kasi comes from living, sabi. Live fully and well para maraming maisulat. Pag naranasan ang mga saya at sakit ng buhay, mas may maipapahayag ang isang tao. Ayon…😉 Happy sunday!

  5. Ayan, kagigising ko lang.

    Well, wala naman po akong sinabi na hindi ko gusto ang mga naturang platforms dahil kahit ako ay gumagamit ng mga ito, pero iyon nga, pinatay ng mga naturang websites ang forum at pati na mismo ang blogging.

    Pero ang magandang tanong siguro eh, bakit ba nagboblog ang karamihan sa atin? personally ako, maaring maoffend ang mga tunay na alagad ng sining sa pagsusulat tulad ninyo, ngunit nagboblog lang ako kasi, wala lang. trip ko lang. (kung saan siguro ay lumalabas sa infrequency ng aking entries, at pagiging walang katuturan nito kadalasan.)

    So ayun, kelangan lang sigurong tandaan na lahat ng ilalagay natin sa internet ay panghabang buhay na lalo na at nacache na ito ng Google. kahit burahin mo siya nandyan na siya. kaya dapat ring maging maingat sa bawat ilalagay dito.

    And, babalik na ko doon sa unang komento na naputol ako kanina, tungkol sa mga kabataang puro angas, nagdaan din ako diyan, pero ang masasabi ko lang po eh, malawak naman po ang internet, kung hindi nagugusthan ang nababasa, maaring umalis mas mabilis pa sa sikat ng araw, Ikalawa, ito naman ay isang “personal” blog. maaari niyang gawin ang kaniyang ninanais sa kanyang munting tahanan. kumbaga eh, walang basagan ng trip. kayo na po ang nag sabi, ang mga tao ay hindi magkakatulad, ang maaring hindi maganda sa isang tao, ay maaring maganda sa isa.

    at pang huli, doon naman sa pagiging isang Worldwide PAS ng blog, isang bagong konsepto ito para sakin, na pag pinagisipang mabuti ay tama naman. hindi ko pa kasi tinitignan ang blogging sa ganyang aspeto dahil sa totoo lang, wala namang katuturan ang aking sinusulat sa aking blog.🙂

    Maari ko po bang malaman kung ano ang dating blogsite ninyo?🙂 kung kayo ay inatake ng mga ganun ay marahil isa po kayong batikan at sikat na blogger hindi po ba?

    P.S.
    BTW, maari niyo po akong tawagin sa pangalang nyvremzurc o snake. para po mas maikli.🙂 kayo po, sa anong pangalan ko po kayo maaring tawagin?

    • Hello, SLGPM,

      salamat sa pagbabalik. iyong sabi mong pinatay ng Facebook and Twitter ang microblogging, ikaw pa lang ang Pinoy na nabasa kong nagsabi niyan. Naririnig ko ‘yan, medyo matagal na from the Western people – Americans or Europeans. sabi nila, blogging is dead na raw. about three years pa nila idineklara iyan… ^^

      i think we blog for many and varying reasons. pero ang isang pinaka-common siguro ay para maka-ugnay sa iba pa – maka-relate tayo sa sinasabi ng other bloggers at sila rin sa atin namang mga sinasabi at ipinapahayag.

      marami-rami ang nagsasabing nagba-blog lang dahil wala lang, trip lang, wala lang magawa, ganyan…but i guess that isn’t very honest, haha. siyempre, may dahilan hindi lang siguro malinaw pa sa blogger or hindi pa sya handang aminin kung anuman ‘yon. pero meron…^^

      i would assume na partly because, sa panahon ngayon, hindi cool ang palabasing pinaghirapan o nag-effort ang isang kabataan para makamit ang isang bagay. kahawig siguro ito noong make-up that looks like no make-up. pero, that look takes four (4) hours to achieve, haha. holywood style…^^

      blogging has many components, isa rito ang pagsusulat ng likha. and though many claim that they barely put effort into their writings and they have no agenda whatsoever, i would beg to differ. as i said in my previous posts, hindi neutral or value-free ang pagsusulat. It’s a partial or partisan activity. and according to the writer, Joan Didion, writing is always an imposition, no matter how smooth, how soft-spoken, how mannered it may be… ^^

      walang basagan ng trip, i suppose, is an urban expression coined to express not just the liberty in blogging but also, licentiousness (maski ano, kahit pa low, vile, wicked and offensive). i am all for liberty but not for licentiousness, my friend. para sa akin, may ethics pa rin, kahit paano, may decorum, may sense ng decency… mas lalo nga itong kailangan kasi virtual ang setting (hindi nagkikita-kita at nagkakakilala ng lapat ang participants) and usually, mas masakit ang latay at hagupit ng virtual kaysa sa actual. ayon… ^^

      masyado yatang napapalaki ng iba ang role ng no barrier feature ng blogging (entrance and exit anytime, no questions asked). ang tingin nila sa virtual identity nila ay artificial and divorced entity sa totoong sarili ng blogger. alam mo marahil na hindi ito totoo. maaring gawin sa limited time and setting pero practically, isang araw, aabutan din sa chase ang blogger, ang director ng show sa site (whether fictional o outright lie ang ipinapalabas niya). at pag hindi maganda ang pinaggagawa at sinabi nya roon, there’ll be hell to pay… ^^

      tingin ko, may ibang nagtatanggol at sumasamba pa nga sa licentiousness sa blogging. napansin kong karamihan sa kanila ay malilikot, techie (mabilis kumabisa ng features at magpipindot-pindot) and for some reason, deeply insecure. some of them morph into cyberbullies – thugs of the cyberspace. nambubugbog sila at nagpapahiya ng bloggers and they get beaten and embarassed in return. pero dahil nga mahigpit ang kapit nila sa paniniwalang licentiousness ang dapat manaig, hindi sila tumitigil. a sorry business… ^^

      i think, isang mahalagang component ng blogging ay ang traffic ng visitors and readers. kaya nga ini-encourage na i-link or i-network ang sites especially para doon sa mga hindi naman forte ang pagsusulat or budding pa lang ang creativity. para hindi mabakante, kumbaga.

      hindi lang writings ang ibinebenta sa blogging kundi maging ang personality ng nagsusulat. merong sites na walang bago o kakaiba sa content pero ang taas ng traffic kasi, friendly and masipag mag-network ang blogger. on the other hand, merong very informative and sensible ang contents pero dahil bahagya or hindi nakikipag-relate sa readers, minimal or middling ang traffic ng visitors sa site. ayon…^^

      marami pang iba pero hanggang dito muna ngayon. true, i’ve discussed this subject matter before, in several posts in my suspended site. btw, paano mo nalaman ang tungkol dito? ako ang nagbanggit sa iyo? ^^

      ah, you may call me ate. yan ang tawag sa ‘kin ng karamihan, kapatid na snake. shaks, name mo ‘yan? haha.😉 parang makamandag… ^^ Cheers!🙂

      • Licentiousness? kinailangan ko pa pong i-google kung ano yan. I agree naman po sa inyo na wala talagang may karapatang mangbaboy ng pagkatao ng sino man kasi sa internet. pero yun nga, sa tingin ko isa sa mga dahilan na nagagawa iyon ng karamihan ay dahil sa “anonymity” pero in a way, hindi ako sang ayon na mawala ang anonymity ng mga tao sa internet.

        Sadly, hindi naiisip ng nakararami lalo na yung lahat na lang ay nilalabas nila na kulang na lang ay idownload nila ang kabuuang utak nila sa internet. (pero ibang usapin na siguro yan)

        binanggit niyo po sa naunang reply niyo sa akin ang tungkol sa suspended site ninyo.🙂

        babalik at babalik po siguro ako dito kasi eto ang aking hinahanap. “kausap”.🙂
        hindi naman po, si snake ay character sa paborito kong video game.
        ate? ang boring naman po nun, pwede po bang tawagin na lang kitang miss jane? (hango sa Jane Doe.) hahaha.

        Ayan, di ko alam kung coherent siya kasi patayo tayo ako nung tinype ko to, I think may idadagdag pa ko pero nakalimutan ko na. haha. so yun, nice talking to you po miss.

  6. Actually, naalala ko na. tungkol sa pagboblog dahil sa wala lang… inisip kong mabuti, binigyan ko ang sarili ko ng isang “neutral” (hopefully) na self assessment.

    at eto po ang aking binagsakan, nagblog ako dahil gusto ko lang siguro ng mapaglabasan ng ideya ko na walang gustong makinig. saying that, kung wala ring magbasa o bumasa noon, ay ayos lang sa akin. dahil sa katunayan, sanay na ako. at mas nagugulat pa nga pag nalalaman kong may nabasa noon.

    marahil tataas ang kilay ng mga “tunay” na alagad ng sining sa pagsusulat sa aking mga sinabi, na tipong talagang seryoso sa kanilang pag lilimbag. pero no offense meant po, yun lang talaga ang aking nararamdaman o naiisip.

    as always, maraming salamat po ulit sa pag sagot miss, asahan niyo po na pag sinipag ako magbabasa po ulit ako, di ko nga lang maipapangako ang mag komento lalo na sa mga bagay na hindi na sakop ng aking kaalaman. (na kung saan ay karamihan ng aking nakikita dito.) magandang umaga po sayo.

  7. Hello, Snake,

    You may call me Ate San. Yan din ang tawag ng maraming bloggers sa ‘kin. Teka, lilinawin ko lang na mas marami pa rin naman sa bloggers ay peace-loving netizens and persons. Mas kakaunti ‘yong mga kinakarir ang tripping and pambabalahura sa other bloggers, ahaha. Doon ‘yon nakapaloob sa licentiousness na ipinaliwanag ko sa itaas.

    Medyo parang ganito kasi ‘yan… Isang nagagawa ng blogging ay to connect and bring together bloggers who are like-minded, interesado sa parehong mga bagay at interes gaya ng showbiz, gadgets, photography, history, etc. Nakakapag-usap sila ng madalas at nagkikita pa nga ng personal kung minsan. But at the same time, itong alignment of like-minded individuals ring ito ang nagli-lead into intolerance and viciousness against others. Nagigi silang parang fan groups or exclusive clubs or plain gangster type formations, kung minsan. Ang objective nila – sabunin at ipahiya ang mga tao who do not think or believe in the same way that they do. Para silang mga fanatics kumbaga, especially dahil nauuna sila sa infos about the things or events or people that they regard highly. Ayon, gano’n…

    Iyong iba namang nagbubunton lang ng hinanakit or biases sa blogs as individual at wala namang circle o grupong kinapapalooban, hindi naman gaanong nakakaapekto sa over-all “peace situation” ng blogosphere kumbaga. Kung may ma-offend or masaktan man siya o sila, ‘yong dalawang involved lang ang affected. May epekto pa rin kasi, for the time being, malamang magbi-break sila from blogging or magha-hibernate muna. Kung marami ang dadaan sa ganito- individual online quarrels – may epekto rin sa over-all na bilang ng active bloggers. Kung mapapansin mo sa WP interface, three times a day kung mag-flactuate ang bilang ng active bloggers. Kung minsan, nagda-drop by 50, 000 kaagad. Gano’n ka steep…

    Pwede naman talagang parang online journal lang ang blog, may araw na may babasa at may araw na wala. Pero since openly accessible sya via search engine, one’s posts are available to the public in general. Bale, bawat blogger ay info source, raw material ang posts, kumbaga. And in that condition, in that seemingly innocent, harmless, unassuming state, posts do play a role in the greater scheme of information exchange. Parang gano’n.

    And hey, ano ba ‘yong alagad ng sining na sabi mo ryan, kapatid? Shaks na yan… Di ako awarded ng kahit ano sa mga nalikha o nasulat ko na. Amateur din lang ako sa paglikha-likha, ahaha. Lamang lang siguro ako sa inyo sa edad, karanasan at nabasa. But otherwise, am just a babbling fool here, ano ka ba…^^

    Iyong kwento about my old site, andoon sa isa pang page dito with the title, Para Saan ang Awit? Thanks for your interest, your time and hope the coming days will treat you kind. Regards!😉

  8. Ang haba… haha! Pero bawat salita kahit sa umpisa pa lang, may lasa, ika nga🙂

    Iinom muna ako ng tubig at pagkatapos ay uupuan ko ito, Ate San🙂

  9. Pagkalipas ng ilang minuto, natapos ko din..🙂

    Habang binabasa ko, nagkaron ako ng mga tanong sa isip ko. Napaisip ako kung ano nga ba ang ginagawa ko dito sa mundo ng blogging? Bakit nakakailang blog sites na ako? Bakit ngayon lang ako nagkaron ng lakas ng loob na seryosohin ang bagay na ito (well, kung matatawag ngang seryoso :D)?

    Ang totoo, dati nagbablog lang ako para sa pansariling interes. Gusto ko lang iexpress ang sarili ko. Sa computer, natural. Kasi ito ang lagi kong hawak. Mula kolehiyo. Pero noon pa, bago ko pa natutunan na may ganito palang uri ng medium, nagsusulat ako gamit lamang ang ballpen at papel. hanggang sa nauso ang bulletin board sa friendster, and multiply at iba’t iba pa..

    Noong una, gusto ko lang tipahin ang kung anong lumalabas sa utak ko.. Mas mabilis ang kamay ko kesa sa bibig ko eh. Sa tuwing nagpapaliwanag ako gamit ang bibig, hindi ko alam kung ano ang uunahin kong bigkasin.. Parang nag-uunahan lahat ng thoughts sa utak ko palabas… Kumbaga, para silang tae.. Naguunahan palabas hahaha.

    Dati, lahat ng mga piyesa ko, ako lang ang nagbabasa, hanggang sa hindi ko namamalayan, may mga nagbabasa rin pala na taga ibang panig ng kung saan man.. Hindi ko iyon iniinda, basta tipa lang ng tipa.. Ang totoo, hindi naman mahalaga sa akin ang views o stats, basta nabigyang laya ko ang kung anuman ang nakahawla sa utak ko, okay na ako..

    Pero syempre, dagdag taba ng puso ang malamang mayroong ibang tumatangkilik sa mga ginawa mo.. Mayroong nagkagusto, mayroong hindi.. Ayos lang.

    Sa pagbaybay ko sa panahon, napagtanto kong marami akong natututunan dito.. Sa sarili kong mga piyesa, at higit sa lahat, sa pagbisibisita sa iba’t ibang lungga. Napansin ko na may iba’t ibang style ang mga tao dito.. Mayroong gusto lang ishare kung ano yung nangyari sa kanya kanina sa tindahan, mayroong katulad nga ng mga nabanggit mo sa taas. Lahat may dahilan, lahat may pinaghuhugutan.

    Lahat tayo ay mayroong kalayaan para sabihin ang ating mga saloobin. Ngunit, may mga bagay pa ring dapat isaalang alang..

    Respeto. Ang pinakamahalaga..

    Salamat Ate San ^^

  10. Hello, Merry!!! Salamat sa pagtitiyaga mong basahin, tapusin at intindihin ang seven pages (oo, seven pages sya, kapatid) na sulatin. Pasensya ka na’t ngayon ko lang masasagot, busy-busyhan me much kanina. ^^

    Natutuwa ako sa mga ibinahagi mong personal na karanasan sa pagba-blog. Natutuwa akong dahil sa sulatin sa itaas, na-engganyo kang balikan ang iyong personal experiences sa blogging. Hmnn, paano ba? Naisipan kong gumawa nyang article na ‘yan – the blogger as info provider and as info consumer/reader – dahil doon sa luma kong site, pana-panahon akong gumagawa ng posts doong blog about blogging (na hindi ko nagagawa rito sa mas bago).

    Ikalawa, siguro na rin, hikayatin ang ibang bloggers na patuloy lang magsulat kahit pa may mga di-magagandang engkwentro sa blogging. Bakit? Kasi, ang pagba-blog ay isang paraan di lang para ihayag ang sarili kundi para tuklasin din ang mga bagay ukol sa ating sarili. At yaong mga ganoong engkwentro ay parte ng ating pagtuklas – maaring nakakapikon, nakakahiya at nakakapanlumo pero kaya naman sigurong makayanan at mapangibabawan, over time.

    And you’re right, over time, ‘yon ang isa sa nadidiskubre natin dito – kailangan ang respeto. Na mas gaganda at sasaya ang ating paghahayag kung may healthy dose of respect sa sarili natin at sa iba pang bloggers. Sa kanya-kanyang paraan at karanasan, nalalaman natin dito kung alin ang mga impormasyong pampribado at alin ang pwedeng ihayag ng malaya sa publiko. Ayon yata…^^

    Mas maraming salamat sa ‘yo, kapatid. Have a good weekend…🙂

  11. Hands down, Ate! :))

    Truelaloo. Dito, hindi lang natin basta naihahayag ang mga bagay na mayroong reference o topic tulad ng reviews ukol sa isang pelikula o musika. Sa paghahayag natin ng ating mga damdamin dito, nakakaisip na rin tayo ng solusyon sa kung anuman ang pinagdadaanan, nakikita natin kung ano na ang ipinagbago ng takbo ng buhay natin mula noon hanggang ngayon, at oo, dahil doon, mas nakikilala natin ang ating sarili..

    Happy Sunday!!!❤.

    • ahaha, naman ‘to… a, more or less, three hours – three sittings… parang mabilis na, marami nang naisulat na blogs about blogging dati sa dpsa. parang summary na lang ‘to, kumbaga… hala, sige, take your time, ma-content kasi… :c hello, patriot🙂

  12. Pingback: Pagkikilanlanan | sasaliwngawit

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s