May Personalan

 

Gaya-gaya puto maya, may personal page din, para masaya.πŸ˜‰

 

image of a rural community in the Philippines with rice fields abound

Remote na baryo ang nilakihan ko, 5th class municipality yata ang kategorya ng bayan namin noon/ lelechicon3hk.com

 

  • Ipinanganak at lumaki ako sa bahay na napapalibutan ng mga palayan at maisan.
  • Ang kinasanayan kong meryenda ay nilagang saging, mais o kamote. Skyflakes at Fita crackers, pati.
  • Pansit o spaghetti? Pansit, siyempre. Gisadong miki-bihon. Specs: maraming sahog, malasa at di swimming sa mantika, ahaha.
  • Sumasaya ako pag nakakikita ng banana cake. Mas masaya pag natikman ko na, hihi. Madalas akong mahuhuling bumibili sa Master Siomai.
  • Mahilig ako sa talbos – talbos ng sili, ng kamote, ng petsay. Basta green, pwedeng ipakain sa akin, i-steam lang ng konti.
  • Mahilig ako sa kape. Kape three times a day. Nasusuhulan ako ng kape.
  • Cooled fresh strawberry with whipped cream ang medyo sosyal na pagkaing (dessert) gusto ko.
  • Cologne lang usually ang gamit ko. From time to time lang ako nagpe-perfume.
  • Mahilig ako sa lotion. I also think that O__ day cream and M__ F__ liquid foundation are excellent products (ahaha, may endorsement?).
  • Tagapamalengke ako lagi, maski saang bahay ako tumira… Eleven ako nag-umpisa sa papel na ito, matagal nang na-acclimatize. VP for Marketing na ang designation ko ngayon, whehe.
  • Nagluluto ako sa bahay, mga basic na lutuin lang. Pag may tomato sauce o cream na ang lulutuin, kailangan ko nang tumawag kay Ate, haha. Better yet, sa kanya na lang kaya magpaluto? Ahaha.
  • Pag nagpapalaba sa laundry shop, hindi ako usually masaya sa resulta. Hanggang maaari at kaya, ako na lang. Pero, mahilig akong magpa-dry clean.
  • Madalas akong mag-volunteer maghugas ng pinggan. Mahilig rin akong maglinis ng lababo at banyo (maski hindi ko bahay). Hanggang limang piraso ng damit na paplantsahin, okey pa sa ‘kin. Sa pang-anim, it becomes a chore. Β ^_^
  • Natuto na raw akong magbasa bago pa tinuruan at ipinasok sa eskwela. ^^
  • I only did well at school hanggang Grade IV. Best student yata ako noon sa buong Division? It was downhill from there. ^_^ Β Naka-99% din naman sa NCEE at nakapasa sa UPCAT, haha.
  • Halos lahat yata ng na-engkwentro kong tao ay mas magaling sa akin sa Math. Karamihan sa mga naging kaibigan ko, perfect ang grades sa Math.
  • image  of a dictionary

    Niregaluhan ako ng pocket dictionary ng Ate kong mahusay magluto noong ako ay nasa Grade 4/ dictionaryonline4u.com

    May dala ako laging dictionary sa bag mula 10 years old hanggang early 20s. Β ^_^Β Β Nitong huling 15 taon, may mahigit sampong iba’t ibang klaseng dictionary kami sa bahay, may apat yatang klase ng thesaurus, hahaπŸ˜‰

  • Paborito ko ang mga punu-puno sa Peyups. Β Nagustuhan ko rin ‘yong ang mga estudyante ay mahilig umupo sa pavements. Ginagawa ko rin, siyempre.
  • All my life, mahilig talaga akong magbasa. Β Nahinto lang ang habit na hobby pa, nitong ako’y mag-blog, haha. Sharing time, nyehehe.πŸ˜‰
  • Maski saang setting, mas naggo-grow (naks!) ako pag may mentor.
  • Hindi ako marunong sumayaw ng kahit anong sayaw, ahaha. Hindi rin ako marunong mag-bike at lumangoy. Β :c
  • Hindi sumagi sa isip kong sumali sa triathlon (obvious naman bakit) at sa anumang reality show. Pag nanonood nga pala ako ng concerts, madalas, sa Gen Ad section lang (di ko alam ba’t dito ito napalagay, ahaha).
  • Noong 16 to 19 gulang, nahilig ako sa bowling. In my 20s , madalas akong mag-jogging sa palibot ng University Avenue. Ahaha, sa mga tumatakbo rin dito, probably alam nyong challenge ‘yong ascent and descent sa driveway sa likod ng College of Law.πŸ˜‰
  • Volleyball ang sports na pinapanood ko ng live pag may pagkakataon. Pumipila ako para rito. Naba-bayolentehan ako sa basketball. Peace! ^^
  • Madali lang akong ayain sa lakad ng mga kaibigan at kasamahan. Usually, dumarating ako pag may gimik dahil ayokong napag-uusapan, haha.
  • Hindi ako mahilig manood ng TV. Kadalasan, nakikinood lang ako. Β Natutunan ko Β ang TV viewing noong nagbantay ako sa Inay naming may sakit. Pero, mahilig akong manood ng movies sa big screen.
  • Ang paborito kong Tagalog movie ay May Minamahal (starring Aiko and Aga). Sa English movies, Pulp Fiction (starring John Travolta, my papa). Sa romantic movies, Sabrina (starring Julia Ormond and Harrison Ford).
  • Pamilyar din ako sa pop songs pero mas komportable ako sa new wave music – Tears for Fears, Sting at U2. Gusto ko si Israel, ‘yong Hawaiian singer na kayhaba ng apelyido, haha. Sa mga sumikat kailan lang, na-appreciate ko si Amy Winehouse – her voice has a period feel to it, naks.
  • Mahilig akong sumama sa drive around the city pag gabi. Iyong iikot-ikot lang nang walang errand o sadyang pupuntahan. Ang kasama (driver) ko madalas, kaibigan o kapatid, ahaha.
  • May kung ilang taon dating nangongolekta ako ng silya, ahaha. Mayroon akong high chair, low chair, reclining chair, director’s chair, iba’t ibang klaseng stools, carabao chair at wooden chair from the North. Nagla-light up ang mata ko pag nakakakita ako ng silyang kakaiba ang design, ahaha. Β ;)
  • Pampito ako sa sampong magkakapatid. Lucky 7 ?!? Malala ang middle child syndrome ko – kasalanan ito ni Inay.
  • May alaga kaming aso sa bahay – dalawa dati, isa na lang ngayon. Masipag akong magpakain at magpaligo ng pet. Iyong naiwang dog, di gaanong mahilig mag-walk ng master.πŸ˜‰
  • May dalawa kaming puno sa bakuran sa bahay namin dito sa Kamaynilaan.Β Mahilig ako sa gardening and planting-planting. Di na masyado, after na ma-Ondoy ang aming lugar.
  • These are some of the inventions I consider useful and clever – mirror, scissors, glue gun and cut rite. Tinuruan nga pala ako ng kaibigan kong mag-bind ng libro, ahaha. Marunong akong mag-patch ng damit, maglagay ng butones at mag-lilip (hemming).
  • Alam kong kaibigan ko na ang isang tao pag tinatawagan na ako ng dis-oras ng gabi at dumarating sa bahay ng walang announcement at okey lang sa akin.
  • Kaibigan ko rin usually ang buong pamilya ng friends ko. Pwede akong makikain, makitulog at makiligo sa bahay nila maski wala mismo roonΒ ang friend ko and vice-versa. Pag pumupunta ang mga kaibigan ko sa bahay, Β madalas ay bitbit din nila ang half ng kanilang households. ^^
  • All my friends look normal. Well, they appear to be, haha. ^_^
  • Tatlong beses akong na-broken-hearted. May isang uncategorized, haha. Mahigit 10 taon na lahat nangyari. Hindi ko sure kong over na ako, as in… Β Status: Single.πŸ˜‰
  • Hindi ako panget in person. Medyo weird lang. Hindi ako mukhang nerd, at all. I look younger than my age daw, sabi-sabi.πŸ˜‰ Ligawin ako sa totoong buhay, di ko alam paano nila naaamoy na kahit paano’y babae pa rin ako, haha. ^_^
  • Wala akong Facebook account. Napakarami kong mga kamag-anak, mga naging kaklase at isang damakmak na ang taong nakilala ko sa workshops na na-attend-an. Di ko ma-imagine kung paano ko sila lahat kakausapin sa FB at kung okey bang mag-like lang sa pics na i-a-upload nila, ahaha.
  • Ang intindi ko, ang Facebook ay tila isang public registry ng mga taong online. Hindi ako against the idea na isang araw ay maging listed.
image of the University Avenue in Diliman campus, Quezon City

Tatlong kilometro raw ang isang ikot sa kahabaan ng University Avenue/ missionaryjourneys.info

 

138 thoughts on “May Personalan

  1. ahaha, ‘yon nga ang masarap sa talbos, yong parts na bagong suloy pa lang… ^^ nakow, kahit ano’ng lakas ng loob ang i-muster ko, numbers and figures plain escape me, pramis. salamat at naligaw ka banda rito and you’ve come back. so glad…πŸ˜‰

  2. Ang saklap, hindi rin ako marunong mag bike :((

    At ikaw na ang naka-99% din naman sa NCEE!!!

    Cooled fresh strawberry with whipped cream = LOVE. May kailangan pa ba akong iexplain kung bakit?❀.

    Yeheyyyy!! Ito ang hinihintay ko mula sayo!❀.

    • Ahaha, nagta-try naman akong mag-bike pag minsan sa parks – yong may sidecar? ahaha.πŸ˜‰

      Oo, hindi 99%+, kapatid. Percentile ranking ang NCEE kaya marami naman ang nakaka-99%. yon.

      Cooled fresh strawberry, yes! Kumain na naman ako nyan kanina, may galing uli sa Baguio, haha.

      At babalik ako uli sa may inyo kasi, ni-like ko na ang pages mo pero di pa ako nag-iiwan ng comments down!πŸ˜‰

      • HAHAHA iyon nga din ang gusto ko sanang sabihin, marunong din ako mag-bike. Yung may side car, enjoy na enjoy ko yun kapag namamasyal kami sati sa PICCπŸ˜€

        Panay panay at ang dating ng strawberries galing Baguio, huhu. Nakakainggit.

        Balik lang ng balik Ate San, may comments o wala, you’re always welcome!!❀.

      • Ay, ayoko sa PICC mag-bike, kitang-kita ng mga tao, hihi. Sa QC Parks and Wildlife, pwede pa o kaya sa Burnham, haha, medyo tago…πŸ˜‰

        Ah, may inaayos kasi ang brother in law ko ro’n so, napapadalas ang punta. Pag nag-uuwi ng strawberry, ako ang nakikinabang, hakhak… Oo, pupunta ako ro’n sa may inyo mamaya. Hope your Sunday’s going on fine…πŸ˜‰

  3. gaya-gaya lang din ako ha… slight langπŸ˜›

    β€’Ipinanganak at lumaki ako sa bahay na may malawak na tubuhan ang likod bahay…. dito na rin kami madalas mag “organic fertilizing” nuong bata pa kami hahahaha

    dami ko pang gusto gayahin at i-edit sa posts mo… pero baka sumobra at maging gaya-gaya sobraπŸ˜›

    i really really love road trips pero nature trips naman. nuong nasa Japan pa ako trip ko lagi sumakay ng countryside bound trains. palagi na lang akong drooling sa nag gagandahang tanawin. lalong lalo na kapag autumn season. the blending of leaves’ colors are like rainbow to my eyes.

    well, sa triathlon at dancing… di kita gagayahin. i love these… pero nuon yon. kahapon nag swim ako sa pool with my pamangkin. hingal kalabaw ako short swim palang. hayyzzz… my fitness level is at an all time low… or maybe, sign of aging na rin hahahaha.

    i always wish i can revert back again to those days😦

  4. ahaha, hello, haribon!

    hala pa, original ang experiences mo, hwag gaya-gaya… ^^

    o, tomo, tubuhan ang sa inyo? tapos, maaga ka palang nag-umpisa sa organic farming, hihi. ^^

    ah, walang edit-an ng page posts, naman… saka, mas magaganda ang experiences mo, wari ko. oo, maganda nga araw ang autumn sa Japan lalo na pag nagtsi-change colors na ang cherry blossoms, sus. gawa ka kaya ng posts ukol sa mga ‘yan? dali..πŸ™‚

    oo na, alam kong nagta-triathlon ka dati. e, di ikaw na…πŸ˜‰ nakow, end to end nga ng pool, di ko makuhang languyin, paano pa pag competition na? pero, mahilig akong pumunta, sumama sa swimming-an, ahaha. mahilig rin akong magbabad, as in…

    hala, kulang ka lang sa practice kaya hinihingal na, haha…practice lang, kapatid.πŸ˜‰ akala mo naman, kung sino akong magsabi, hihi… happy weekend!πŸ™‚

  5. oo nga isa pa yan, cherry blossoms…

    after the wintertime comes this harbinger of spring. mamulaklak muna ang mag cherry trees for a week or so. then saka palang sila mag start ng leafing. the majestic “cherry blossoms” that start from the north and flows like waves through the land down south… it’s simply nature’s work at its very finest!

    well, in part, my stays in japan was one of the most influential on my desires to transform my abode as close to nature as much as possible. ibang iba talaga mga paraan nila ng gardening.

    natawa ako dun sa organic fertlizing ko nung bata pa kami. spur of the moment biglang nag spring out ang old experience and memories. tapos kami din madalas mag harvest ng tubo for merienda. at alam na alam namin kung saan kami ng lalagay ng land mines para di kami mabiktima hahahaha

    looking back, those events somehow reinforces my statement, na lahat ng purpose natin sa buhay… na realize na natin nuong bata palang tayo. natulog lang talaga o nabaon sa limot sa kadahilanang masyado tayo naging abala sa pakiki salamuha sa daloy ng buhay.

    pero after age 40, lahat ng ito ay muling manunumbalik. at mag pokus na talaga tayo sa kung ano man ang layunin na naitas sa atin.

    in the most opportune time, we shall all reap the sweet fruits of our efforts… and shall savor altogether the beauty and experiences of its manifestations…

    and that will be the day! cheers!!

  6. hala, baka marami ang matakot, hihi.πŸ˜„

    salamat sa pagdalaw, sa pagbasa at sa pag-like.πŸ™‚ naaliw ako sa site mo, buti na lang may pakontes si kulisap, nakasalubong ako ng ibang bloggers. thanks again and cheers!πŸ˜‰

  7. Ako din!!! gusto ko ng talbos at kape….

    With chilly air and verdant fields ang kinalakhan…

    Babae…ay di lang…ligawin na babae hahahahah!!!

    VP for mktg (hebigat) hihihihi

    Salamat Saliw sa pagpapabango mo sa aking hardin na ang bantay ay laging may unstable angina sa sobrang likot ng isip!

    ^_^

    God bless B-E-A-U-T-I-F-U-L people like us!!!!

    (hehehe MIss pa?… ako Missed na hihihi)

    • hello! sarap ng may talbos lagi pag kakain saka, kape sa umaga, ahaha…πŸ˜‰

      ah, oo, mahangin sa may amin, napapaligiran halos ng mga bundok, about 7 kms away…

      ahaha, maiksi ang buhok, nakakauto rin paminsan-minsan, hihi….

      nakow, di lang VP for marketing – tagahugas rin ng isda, taga-alis ng hasang, taga-prito… ^^

      may heart condition ka, kapatid? ^^

      yeah, we’re beautiful, why not? walang kokontra, ahaha.πŸ˜‰

      miss pa, oo. tipong missed the bus several times na, ahaha. btw, single mom ka, senga?πŸ˜‰

      • hihihi, ngayon lang nakabalik dine…

        mahangin at malamig sa amin… two hrs drive from manila…south din hihihi

        hanggang bewang ang aking buhok, nang mabuwisit, pinaikli la lang (babae talaga hihihi!)

        ako din , AVP.. Assitant Vusi Palagi hihihi

        hahahaha ang aking heart condition ay laging sawi, well that’s life na parang buhay!

        at yep! mabeauty, bahala na ang iba sa palagay nila, wa care!

        hihihi… missed the trip ba? may bullet train, sakay ka hihihi!

        ako isinauli ko ang animal husbandry sa nanay niya, pero keep the change ako… kaya 3-in-1 ang drama ko ngayon

        hahahahahah!!!!

  8. Ang taba taba ng puso ko sa iyong pagpapaunlak na dalawin ang aking hardin, Saliw.

    Isang karangalan ang mabasa ng isang batikan ang aking mga kaisipan, gaano man ito kagulo minsan…

    Ayan, may cardiomegaly na ako hihihihi….

    Maraming salamat!!!! Ako ay mang aabang ng iyong mga posts na nakakachallenge talaga ng utak, promise hihihi! Buti na lang minsan light…di ko kailangang mag biogesic pagkatapos hihihi
    (parang panulat ni cup, kailangan kong mag hemostan para sa nose bleeding at biogesic sa sakit ng ulo minsan para lang maunawaan ang kahulugan ng bawat titik….)

    • ay, no problem, dear. i enjoy going over there. natuwa ako sa last batch ng sulatin mo. and to think, nagtatae lang kamo ang bolpen mo noong weekend, ha? ikaw na…πŸ˜‰

      haha, minsan lang ba light? mas madalas, heavy? hamo, napag-isipan ko nga nitong weekend na gumawa ng bagong category na tungkol sa mga personal na bagay para di gaanong mailang ang readers. mga pang-araw-araw na anecdotes and tales lang baga… sana, magawa ko…

      ahaha, malalalim nga ang tagalog ni cupnoodles, ano? tapos, spontaneous pa. sya na… ^_^

      • hihihi…

        muli maraming salamat….

        ang pagtatae ng bolpen ay minsan aking ikinatutuwa, tumatapon ang tinta nang walang patumangga… minsan nga nauuna ang bolpen sa aking isip hihihi… hinahabol ko….

        oo madalas heavy at talaga namang challenge sa utak ang iyong panulat, pero maganda, kasi may opening, may body, may closing….hindi maliligaw sa pagbabasa…

        hihihi, oo pag nasa mood spontaneous si cup, sa comments…

        pero minsan, natatahimik yan… sobrang tahimik…
        tapos biglang ,may ipapasilip…nakabuo na pala ng katha…na siya lang ang nakakaunawa sa simula hahhahah

        pero nakakahawa ang istilo ninyong dalawa…magkaiba…at nakakatuwa talaga….

      • hihihi rin… welcome, chilled honey at salamat sa pag-appreciate ng mga sulatin dito.

        ah, oo, pag dumarating ang ideas, kailangang habulin. minsan ang tagal dumating pero pag andyan na, umpisa na ng chase, ‘ika nga. usually, pencil ang gamit ko pag nagsusulat para kaya kong abutan ang ideas na dumadausdos o gumugulong pag dumarating. bihira akong nagsusulat ng diretsong tina-type – sa work ‘yon, usually (nagkukunwari, haha, o kaya, sa commissioned writings). mas madalas, naka-pencil ang first draft, ayon… ^^

        thank you rin for being candid and for saying na heavygatsby ang write-ups dito, haha. ah, nilalagyan ko ng istruktura, parang building, haha. saka, may entrance and exit at may lobby at lounge din, para naman di masyadong pressured ang dumadalaw, hihi. ^^ pero, oo, marami pang dapat i-adjust para gawing mas pop and personalized ang writings dito sa site, as in… ^^

        mabibilis at spontaneous ang writings ni cupnoodles. mas pwede rin for popular consumption, kumbaga… mas gaganda pa ang mga ‘yon over time, pag nagsinop sya sa editing. pag mas may time na sya siguro at kung gusto nya… mababagsik minsan ang daan ng bolpen nyang medyo maligalig din, haha.πŸ˜‰

        salamat sa pagbalik, ha…πŸ˜‰

  9. Ngayon ko lang nabasa ito. Nakakatuwa at parang kilala na kitang tunay, echos. Andami kong natutunan tungkol sa iyo, gusto ko din magroadtrip, pero ayoko sa siyudad, kasi feeling ko pag city laging traffic, hahaha!

    Nagsasawa na ako sa Facebook kasi dapat site siya para makapag-connect at makiupdate sa mga kaibigan/kamag-anak mo. Pero naglalaon, add na lang ng add ng kakilala kahit naman hindi ko kaibigan. Tapos payabangan na lang, ayoko na tuloy. Kaso nagtatampo yung nanay ko kapag dine-deactivate ko ang Facebook ko kasi feeling niya tinataguan ko lang siya.

    • ahaha, hello, athina… alam mo, isa ito sa write-ups na pinakanahirapan akong sulatin, as in… six sittings ‘ata ang inabot na tigpo- 40 mins, spread over three days… ang hirap palang magpakilala sa sarili, haha. kako, kung ako ang magpi-Facebook, patay na… kasi, di ba ang FB yata, self-marketing? ayon, ang hirap. di ko nga alam, mayabang naman ako pero ang hirap pa ring magpakilala, ahaha. ^^

      hala, parang lahat naman yata ng online platforms ukol sa self-marketing, haha. maski ang blogs… ang difference yata, mas real-time masyado ang FB kumpara sa blog na di masyado ang time constraint sa nagsusulat at sa nagbabasa…

      ewan ko lang kung nabasa mo, sa DPSA, may isinulat ako ro’ng blog about blogging (Hindi Putok sa Buho ang title) tapos, may pun. sinabi ko ro’ng ang blogging ay bragging din, ahaha. ^^

      actually, ahaha, may actually na naman… in the future, baka magsulat ako ng post tungkol sa nosebleed na topic – in this digital, online and global age, paano inilulugar at ipinu-pursue ng individual ang public presence nya. ba’t hindi sumasapat na ang circles nya ay ang family, classmates, workmates, neighbors and friends? ba’t kailangang may counterpart circles siya sa online and virtual world? ahaha, ganyan ka-nosebleed ang topic na yown… ^^

      huwag mo munang i-deactivate ang FB account mo kaya? maski paano, do’n ka nasusundan ni Madir dear mo, hihi… medyo gano’n na yata talaga sa panahon ngayon… ang mga ate ko, ganyan din, minsan ginagawang GPS ng mga anak nila ang FB, ahaha. kainaman… regards and cheers!πŸ˜‰

      • parang patikim pa lang ng digital world topic mo nano-nosebleed na ko. Ako din nahirapan magpakilala ng sarili, kasi parang pag magta-type ka na, tapos parang biglang hindi mo na kilala ang sarili mo, at mahirap simulan.

        Ako gusto ko ng blog kasi mas may sense ang laman, diba pinag-iisipan? Yun lang.

        Nahihirapan na kasi akong makihabol sa online people. Parang yung mga friends ko nga, friends ko naman sila, pero laging kamustahan na walang katapusan kasi madalang naman kaming magkita in real life. Tapos wala ng mapag-usapan kasi wala ng maaway na prof kasi hindi na college. Kaya nga ngayon ang hinahabol ko ay ang makabonding ang mga pinsan at mga friends ko lalo na kung may oras, simpleng dinner or weekend getaway. Yun kasi ang gusto kong social networking, mas personal.

        Yung sa blog naman, kasi parang ang tingin ko para siyang isang malaking archive ng newspaper. Kaya hindi ko maiwan. Good day!πŸ™‚

      • haha, nosebleed na ba agad? shaks…πŸ˜‰ oo, ang hirap magpakilala ng sarili sa world at large, ahehe… pag introduce yourself nga noon sa class, nahihirapan na ako – dito pa kaya, ang daming pwedeng makabasa? ahaha… ^^

        but some people are good at it, palagay ko… tapos, meron ding mga taong kailangan nila talagang matuto, maging mabilis at makalangoy smoothly sa online and public world kasi very corporatized, very bureaucratized, very citified and very modern na ang buhay at interactions nila. wari ko, ha…

        baka, hindi ito for everybody at the speed its use and worth is being peddled. baka kailangan ding ilugar at i-tyempo, kumbaga…kasi, halimbawa, para sa mga gaya nating promdi by upbringing, haha, mas gamay at mas sanay tayo sa old mode ng pakikipag-ugnayan – mas personalized at mas isinaalang-alang. tingin ko… ^^

        oo, mas nakakatuwa ang blog than other social networking media kasi kamo nga, mas pwedeng mag-expound ng views at mas pinag-iisipan din. sa FB and Twitter, medyo hirit usually ang andoon. use of the human id daw, largely. sa blogging, parehong nagagamit ang id and ego, chos!πŸ˜‰

        mas gusto ko pa rin ang personalized than showbiz na kumustahan sa friends and relatives, ahaha. mas feel… although, as life gets more fast-paced and more modern, medyo may allowance na ngang di na rin sindaming tao as before ang kayang abutin up close and personal. ang iba ay kakawayan na lang sa social media o iti-text paminsan-minsan, ahaha. haaay buhay…. regards to you & ur lovedπŸ˜‰

    • unfortunately, di na, kapatid… about 15 years ago or so nang nawala ang mga palayan at maisan. ang ipinalit nila ay tanim na paminta at iba pang cash crops na mas madaling mabenta, ayon… medyo problema nga ngayon ang subsistence ng mga tao ro’n dahil ang mahal na ng bigas… pero, marami-rami pa rin namang mga puno at halaman. pag nag-picture-picture, green na green pa rin ang background, haha…πŸ˜‰ salamat sa pagsilip dito, ha. at sa pag-iiwan ng trace. regards…πŸ˜‰

      • walang anuman po iyun! =D Salamat din po sa pag-“like” ng posts ko ^_^

        Sayang naman, pero mabuti green pa rin siya ^_^ Namimiss ko tuloy ang probinsya ko, sa Baras ^_^ haayy…. maganda kasi run sa Wawa.

        Ang mga tao talaga ngayon noh? Nawawala na nga mga morals natin. Nabalitaan nga sa Umagang Kay Ganda na may babaeng nasagasaan o nakalaktad ng Jeep, ninakaw pa ung bag niya ng mga tao dun. di ba? Nawawala na mga morals natin. Paano pa kaya ang future generation. Ano pa kaya ang maaabutan nila kung hindi ang End of the World? Eh… pangit na mundo na. Buti ang henerasyon namin, nakikita pa ang ibang kagandahan ng Mundo ngayon, lalo na sa Pilipinas.

  10. question lang po… hinahanap ko kung ano pwede kong itawag sa iyo.. ang sagwa naman kung saliw ang tawag ko sa iyo o di kaya ay ngawit.. o di kaya ay sasaliw… may nais ka bang itawag sa iyo?

    • Hello, Resident Patriot. Sa Japan ka pala, husay… Salamat sa paggawi banda rito. Hala, may face value rin ang Facebook, ahaha. FB yata is more for the skim-the-surface-type-of-thing, social type of interaction. yata… regards!πŸ˜‰

  11. hahaha. ok ‘to ah! Ako din ‘di marunong mag-bike madali kasi akong masugatan saka mababa ang pain tolerance ko…har harπŸ™‚

  12. Huwaw! After ko basahin ang about me section mo… parang kilalang kilala na kita agad hihihi…
    Eka, San ka ba dito sa Maynila? baka kapitbahay lang kita na Ondoy din kase kame…
    I enjoyed reading thisπŸ™‚

    • hello, Ana Banana… salamat sa pagdaan at sa pagbabasa. shaks, ang dali ko bang basahin? anyway, dumadaan ka dati sa dpsa, kapatid. at dumadalaw rin ako sa may inyo at tanda ko pa ang ibang kwento mo, as in… anyway, naku, malapit kasi kami sa isa sa tributaries ng Pasig River kaya hayon, swerte lang sa baha. pati itong huling ulanang dala ng habagat, naapektuhan rin kami ng bonggang-bongga. ayon… aliw at naligaw ka uli rito. regards…πŸ˜‰

  13. Ito pala ikaw…
    Si San… =} mas tatawagin yata kitang saliw ( parang yun yong mas kilala ko hihi. (at parang kilala nman noh, nakiki-close hehhe)
    Sasaliwngawit… Magaan sa loob, parang sumabay sa himig ng isang kanta.. Malaya, NAKAKAUNAWA at nakakadama…
    (hala… Wala na naman sa hulog ang napadaang palaka… Hihi… Gandang araw po nakikiraan …)

    • haha, hello, froggy… ang saya naman at dumaan ka rito. o, sya, Saliw is it. oo, yon nga, pagsabay sa himig ng kanta, kapatid… btw, kokonti ang nakalagay sa About Page mo. di ko nakuha kung ilang dekada ka na sa earth at kung may pamilya ka bang iniwan sa Pinas o kasintahang tinalikuran, este, tumalilis palayo. haha, biro lang…

      gawa ka ng second page at patsismisin mo naman ako. ma-problema ako these days, kapatid. hope your situation is better. regards at ingat lagi…πŸ˜‰

      • Wala naman kasing mailagay sa aking about…. (napapaisip ako ng malalim, ei wala talagang maisulat =])
        Hindi siguro tayo nagkakalayo ng edad(nasubukan din ang kalamansi na conditioner pati pagpipiga at pagsasala ng gugo hehhe). Naiwan sa pinas: nanay at tatay ko pati pala kapatid ko. ( ‘yong isang naiwan sa pinas kumaripas ba naman ng takbo nang nalamang frog princess si froggy, ayaw yatang magkaroon ng kulugo hahaha). ^_^
        -mahilig ako sa dark choco ( imagine gaano na kalapadπŸ™‚
        -SIMPLEng tao na may SIMPLeng gusto.. (yan lang si froggy) :)Β 
        (ayaw gumawa ng isa pang pahina kaya nagreply na lang dito hihi)…
        Kung ano man ang pinagdadaanan nyo ngayon, nawa’y maayos na agad… Pagngiti at pagtawa ng mabalanse ang bigat na dinadala… Tapos dasal… =) nasa Holy Land ako di ba? Baka mas mabilis ang access kung may katulong kang magdarasal dito, palagay mo? Subukan natinπŸ˜‰ isasama na rin kita sa prayers ko. *ibubulong ko na rin doon sa paring espanyol na gwapo(mabait sis hehhe.. May sense of humor at sweet ng boses (ikukumpisal ko na lang mga pinaglalagay ko dito sa sabado heheh)), na sa pagdarasal nya isama nya TAYO….Β 

      • haha, salamat sa mga ibinahagi, kapatid na froggy…πŸ™‚ hmn, wala kang kulugo, siya ang meron, haha. ganoon yata talaga sa buhay, nakaka-identify tayo sa taong hindi naman ganoon pala kalaki ang identification sa atin. well, our fair share of pain, comes from loving daw,haha. ^^

        salamat sa kind thoughts at sa pagdarasal. kumusta sa gwapong pari, lol. haha, yes, we need positive vibes. good to know that there’s another soul across the distance wishing one’s well-being. salamat…

        ingat and keep well.πŸ˜‰

    • hello, Tina… napansin ko lang, di ko pala na-replyan ito, pasensya, ha… and, salamat uli – for the award.πŸ™‚ napansin ko lang, may nagpalit uli ng pic sa avatar, ahaha. ikaw na ang napapadalas ang transformation, hehe. may nagmamaganda na maganda na naman sadya? heheπŸ˜‰ showbiz at paganda ang peg this summer? hihi, sana magaya kita. sana, ganyan pa ako kapayat, shaks lang… happy Labor Day, kapatid.πŸ™‚

      • Ate San!!!πŸ™‚ miss yah! eh anonymous naman ang peg mo dito sa net eh heheπŸ™‚
        Feeling showbiz hehehe thank youπŸ™‚

      • ellow, Tina… na-miss rin kita, sister. weh, di me anonymous, pakalat-kalat lang me sa mga SM, hehe… btw, naaliw ako sa bagong pic sa avatar mo, ang simple.πŸ˜‰ e, ako rin, gusto ko sanang magpaganda this summer. yon lang, ang init basta nasa bahay, wala halos magawa, ahaha. oks lang magpaganda, pag 20s, masarap pomorma at magpaganda – whehe.πŸ™‚ welcome… cheers!

      • hahahaha kulit much! sobra ngang init ngayon nakakahulas hahahaπŸ™‚ hello ate!

      • hello, Tina… hala, alam mo yong feeling na pagkababa mo ng taxi or air-con’d bus, biglang naramdaman mo ang hangin at singaw na umi-envelop sa iyo? yon, nakakahulas!πŸ˜‰ (actually, di ko na alam ang meaning ng hulas at now ko lang uli narinig o nabasa, haha).

        ellow din! kaway-kaway…πŸ™‚

      • Ay dama kita ate! Ang sakit sa ulo sobra at nakakapanglagkit. Magastos ‘tong mga ganitong panahon kasi kailangan mong maghanap ng air-con’d na place lalo na kapag walang pasok sa office.

  14. Pingback: Doon Po sa Amin, balik-tanaw – mga kwento at tulang pumapag-ibig | sasaliwngawit

  15. Nakakatuwa ka talaga ate. Ewan ko basta natutuwa ako sa iyo. Hakhak. Marunong kang sumayaw, di mo lang sinusubukan saka turuan na din kita magbike. Di ako marunong lumangoy maglulunuran lang tayo. Hakhak. Nakakatuwa yung mga pinili mong descriptions, yung talbos hahaha. saka yung tinuro sayo ng kaibigan mong maglilip hakhak. dami alam ate. experienced na talaga.πŸ˜„

    • haha, salamat. you are one of the few who do, kapatid. ‘indi raw ako masyadong likeable sa first instance, sabi. nala-like na lang eventually, naggo-grow na tipo… hakhak. hindi talaga ako maalam sumayaw – private joke ng siblings and pamangkins, gayahin paano ako mag-attempt ng sayaw – napapaka-salbahe… hala, sa lola namin galing ang pagli-lilip, kapatid. bookbinding ang turo ni friend… sows, skilled nga, engot naman sa totoong buhay – wala rin, hakhak.πŸ˜‰

  16. At natawa naman akko sa pagiipon mo ng silya hakhak. penge nalang ako. ayy ipon mo nga e hakhak. benta na natin yan ate! hakhak. ano yung middle child syndrome mo? kung iisa-isahin ko yang nakabullet di ko na matatapos basahin yung dpsa entry mo hakhak. aliw makakilala ng tao sa internet. kahit na virtual lang ang weird no.

    • alam mo, marami sa chairs ay nasira or pumanget noong mag-Ondoy. so, medyo nilubayan ko muna ang weird na hilig, haha. hala pa, e di dakilang pleaser – i-please ang matatanda dahil mas nauna sila at i-please ang mga mas bata dahil mas bata sila – so uncool…. weird ka din kasi, hakhak.πŸ˜‰πŸ™‚ hello, batopik

  17. kawawa naman yung ibang upuan. yaan mo pag nagkita tayo bibigyan kita ng silya. hakhak. yun pala ang middle child syndrome. oo nga no parang naganyan na din ako, waaah!!! nakakainis nga yun.

  18. may hinayang ako at kung bakit ngayon lang ako napadpad dito sa blog mo.πŸ˜€

    aliw na aliw ang mga post!(dadalawa pa lang nababasa ko pero alam kong aliw din yung iba)! hindi nakakatamad basahin kahit ang haba!πŸ˜€

    • ahaha, salamat at naligaw ka rito, dale… huli man raw at magaling, basta may luto pang sinaing… ^^

      salamat sa papuri, nagba-blush tuloy ako, hihi… ah, sa DPSA ‘yong patent na mahahaba. dito, marami ring maiikling posts, baka mabasa mo sila pag may time ka. thank you for commenting, ha.πŸ˜‰

      • meron kasing research na ang mga lalaki e kadalasang nagba-blog ukol sa mga iba’t ibang impormasyon at mga opinion na ini-enforce nila sa ibang tao.

        ang mga babae naman ay kadalasang tungkol sa mga personal na karanasan at damdamin sa mga bagay bagay. sympathy at relationships.

        ngayon sinusubukan kong hanapin ang info na yun pero hindi ko makita sa internet.

      • hmnn… sounds stereotype, kapatid. parang magazine feature, hehe… research and writing ang background ng lola mo, medyo mahirap nang lumayo sa pagsusulat, parang…

        weh, daming emo na tula sa both sites, silip ka minsan. at any rate, may site ako, medyo maraming damda-damdamin, hihi. saka ka na punta… sabi-sabi, mas nosebleed raw do’n. nagpapa-transfusion daw ang nagagawi banda ro’n, haha.πŸ˜‰

      • apparently, programming na yung job ko. maraming oras na nag-iisip. kung mapapansin mo, hindi ko pinapasin ang mga post na tula. kung magko-comment man ako, sabog. ang mga tula kasi pag-iisipin ka muna para maintindihan mo. wala na akong spare time para mag isip pa lol.

      • ahaha, naalala ko no’ng nag-aral ako ng html, inaabot ng madaling araw kasisipat sa commands, as in… di ko sure kung pag-iisip ginagawa ko pero definitely, nangagalumata lola mo no’n, shaks… ^^

        depende yata sa tula, kapatid…. pag may time ka, silipin mo rito minsan ang Salansan. poem ‘yon, sabi nila, elementary raw, walang na-nosebleed, sayang…πŸ˜‰

  19. Binasa ko talaga lahat ng tungkol sa’yo pati ang 100 comments ng post na ito. Nakakaaliw at ang gaan basahin. Hehehe =) Hello po! Ako’y naligaw lang at siguro’y makikitambay na sa iyong blog Ate San.

    Pangarap ko ang UP😦 Pero wala na, nakaraan na yun. Nag-enjoy talaga ako pramis. Hehehe!

    • hello, mr. beancent… ahaha, sa ‘yo baga ang post re: looban? ay, ang linis doon sa may inyo.πŸ™‚ ang nakikita at nadaraanan kong ganyan, basa-basa at maputik, hehe. ^^

      ahaha, ikaw ang pang 101 ang comment. shaks, dapat may premyo, hehe… salamat sa pagtambay, glad na naaaliw ka…

      asus, naligaw din lang ako sa UP. tapos, matagal bago ako naka-graduate, kainaman na… oy, di ba ikaw graduating na? ahihi, nabasa ko lang sa post yata ni rhence o ni mirror princess… congrats – sa yo at sa parents mo.πŸ™‚ natutuwa ako at nag-comment ka, kapatid. warm regardsπŸ™‚

      • Oo graduating na ako! Sabay kami ni Rhence (pareho rin kami ng course) pero di kami mag-classmate.

        Sa amin nga yung looban na yun. Tumayming lang ako ng kuha ng umaga habang tuyo pa yung daanan kasi nagpuputik rin dito pagdating ng tanghale. Hehehehe =) Magandang araw!

      • ahaha, kayo na ang magtatapos, ang allowance, ahihi… taga-pup ka rin? apat na older kapatids moi ang nag-aral do’n…πŸ™‚

        haha, sa umaga pala yon, picture-picture bago magputik, hanggaling.πŸ˜‰ magandang gabi sa yow…πŸ™‚

      • ay, mali – nye…πŸ˜‰ why not, choc nut? pag naka-work ka na ng 2 to 3 years, pwede ka nang mag-M.A. or MBA sa UP. magaganda ang masters program do’n… good day!πŸ™‚

  20. Naki basa na din ako dito.. nagduda kasi ako na tawagin kang ate san. feeling ko mas matanda ako sa iyo..πŸ™‚ pero reading this made me think na hindi tayo nagkakalayo ng edad.. I think I should call you San Makikifeeling close din kagaya ni Pot.πŸ™‚ gandang araw!

    • hello, Binky…salamat sa pagbabasa ng limang kilometrong bio, ha….πŸ™‚ ay, likely mas matanda me sa yo. several years tanda ko kay Potski… hmn, close ba kami ni Pot? ewan, feeling namin, haha. sa comments pa lang kami nagkakwentuhan… sila ni Resident Patriot ata, magka-age, oo… parehong ma-joke at light ang dalawang mokong. feeling ko, salbahe at riot talaga silang mag-isip – anlalakas mang-alaska ng mga huwad, hehe. peace sa kanila.πŸ˜‰

      oo, San lang. di talaga ako kagalang-galang in person, pramis. simangot at bungisngis lang. salamat sa pagdaan uli, hi to your kids.πŸ™‚

  21. wag na pag-usapan ang edad at hindi naman halata sa mukha natin.. hahaha. nabasa ko lang ung comment dito ni pot kaya nakigaya.. sya nga pala, sa iyo din pala ung doon po sa amin? ung 35andup sa iyo din ba?

    • hahaha. hello! syanga, bilin rin ng nanay ko.πŸ™‚ hala, opo… dpsa lang talaga dati. e, naipasara … ipinanganak the rest… late last year, ni-restore si dpsa. have three playgrounds now – hirap puntahan pare-pareho, ahaha. shaks na yan…πŸ˜‰

  22. I wanted to do this in the same language of the page but was afraid of offending you or saying the wrong thingπŸ™‚ I thoroughly enjoyed your Personalan page. It’s one of the best I’ve seen on WordPress. By the way, I found you through your comment at Russel Ray’s blog. Have a great weekend – Mary

    • hello, Mary… thank you for coming by, the follow and for the thoughtful message. yes, Russel Ray’s site is cool.πŸ™‚ i dropped by and took a peek in your site last night (past midnight, hehe), hope you don’t mind… thank you for reading May Personalan and appreciating. methinks it’s the write-up that took me the longest to write. i can market other people, i barely know how to sell self, haha. ^^

      you are in the Philippines… but could hardly figure out if you’re a Filipina, huh…. pasensya na, just curious (your writings sound fast, faster than a Pinay’s). am thinking, maybe you’re a Filipina who left and returned?… am glad and honored to make your acquaintance. salamat, have a fun weekend.πŸ™‚

      • Thanks for the visit, follow and taking the precious time to replyπŸ™‚

        Yes, I’m “purong” Pinay, born here, raised overseas and returned to roost and raise my own little chicks in My Tropical Home. You guessed correctlyπŸ˜‰

        I still think and write in English. I’m slowly learning to write in Tagalog thanks to our homeschooling adventure. I want to learn it more so I can properly appreciate our country’s literature.

        For the record, I think your marketing of self was superb. Entertaining to say the least, refreshing and truly representative of our race’s creative flair at the very best.

        I am also honored to meet you out here in the blogosphere. Thanks again and enjoy the rest of the weekend. Regards, Mary

      • Tropical Home, i thank you more. so glad to meet you.πŸ™‚

        nakakatuwa naman ho, tama ang hula ko.πŸ™‚ am usually poor at hula-hula, hehe.

        glad to hear about your interest in our own culture and language, after being abroad for years. how long have you been away, if i may ask… btw, you may look up a couple of books at National Bookstore’s Filipiniana section or at the UP Press, in case you have more time to read up, hehe.

        honored you appreciated it, ahaha. truly… btw, am going to disappoint you a bit. am more at home with English, too. my work usually has a writing component and almost everything is written in English, too, haha. am more used to thinking in it…

        on the other hand, both parents are Tagalog. so, am blogging in Tagalog to get used to writing and thinking the Tagalog and Filipino way. on the other hand, my looks is your typical pinay, local… and moneyless, to boot, hehe.

        imagine we met thru sir Russel? nakakatuwa. have a good and warm weekend, you and family. thanks again.πŸ™‚ ~ San

  23. Ayos to Ate San. Ang galing. Bakit ngayon ko lang nabasa ‘to? Ang ganda ng luntian sa baryo nyo. Refreshing, maaliwalas.

    Ang basketball, hindi naman violent, depende lang sa naglalaro. Kapag naglalaro nga ako, kapag nagshushoot, palayo para ayos, walang contact. Pang-Smart Gilas. Haha!

    Grabe, ang Pulp Fiction, agree ako. Ang ganda ni Uma Thurman dun, batang-bata pa siya. Nabilib ako dito kay Samuel Jackson. Dito ko nalaman kung bakit pala may reference ang Kamikazee kay John Travolta, sa kanyang dancing skills. Hehe.

    Sabaw ako magsulat ngayon.πŸ˜„ Enjoy the weekend.πŸ˜€

    • hello, Kuya Allen… ahaha, salamat. aba, ewan ko sa ‘yo, baka di mo hilig maghalughog ng sites, hihi… ay, wala na ngayong palayan at maisan sa baryo namin, maski isa… bahayan na at iba na rin crops na tanim, sadly…

      ay, Kuya, violent na sports basketball… pero ngayon yata, bawas na… originally, sa history ng basketball, it was a deadly game. a player was allowed to do anything to take hold of the ball, including hurting and killing his opponents. in the 20th century, binawasan na raw ang violence, iniba na rules, sabi… pero, from time to time, makikita pa rin harshness and violence sa players, ahaha. that is why i don’t like it, di lang daw competitiveness and skills pinalalabas nito, pati players’ instinct to kill, hala pa…πŸ™‚

      ahaha, ang tagal ko nang di nare-review ang Pulp Fiction. di ko na maalala masyado si Uma Thurman do’n (mas naalala ko sya sa Kill Bill and sa unang Les Miserables). pero true, galing ni Samuel jackson do’n, saka ni Papa John Travolta. dancer sya talaga dati, kapatid. famous sya for his movie, Saturday Night Fever, ahihi. saka, ganda mata nya… ay, bad ang Papa ko sa Pulp F.

      thank you for dropping by the page, ha… you too, enjoy your weekend.πŸ™‚

  24. Violent talaga ang basketball kung maraming Rudy Distrito ang naglalaro. Pero hindi naman. You need to credit those who play with sportsmanship na kahit pwede manakit, hindi parin hindi gagawin. Meron naman kasing mga incident tulad ng injury ni Jeric Teng kamakailan lang (alam mo to kung updated ka ng konti sa UAAP). Ewan ko. Kanya-kanya sigurong perspective ito. Marami kasi akong non-violent friends na nakilala ko lang dahil sa paglalaro ng basketball. Magandang argument ito ah. Matry ko nga gawan ng blog post.

    ‘Bout pala sa Pulp Fiction, ang galing rin talaga ng scriptwriting. Napagtagpi-tagpi siya. Kahit tinadtad ng bala ni Bruce Willis si John Travolta, bawi naman kasi ang ganda ng ending nya. Well at least, buhay pa si John Travolta sa ending. Hehe! Sa lahat, mas hanga talaga ako kay Quentin Tarantino.

    Try ko magsulat ng bagong post mamaya. Mas trip ko na ang weekly reflection ko e ipopost ko na lang sa blog ko. Have a blessed Sunday Ate San.πŸ™‚

    • ahaha, Rudy Distrito talaga, kainaman na. oo nga, notorious sya… ay, pasensya ka na, Kuya Allen… matagal na rin ako di nakakanood ng basketball, sa totoo lang… :c likely, di na violent ang game these days. di ba nga, yon ipinapalaro sa mga bata pag summer (basketball clinics) saka sa mga seminarista? so, likely, mas “mapayapa” na conduct and orientation ng game, haha. sige, defend your take in a post, babasahin ko yaan, kapatid… pasensya ka na sa viewpoint ko.πŸ™‚

      kakaiba ang pagkasulat at pagka-render no’ng film, ano? creative talaga si Quentin Tarantino, kakaiba ring mag-isip… hey, alam mo, sabi nya, sa Filipino films sya natuto? pinananood nya halos lahat ng Pinoy films noong 50s and 60s, dubbed as golden age of Phil. cinema… dami nyang kilalang artistang Pinoy, hakhak. he was here for more than a week in 2007, i got to meet and see him a couple of times, beh. hahaha. ang laki nyang tao, gala-gala sya sa Gateway, haha.

      thanks for dropping by and for the greetings, ha.., hope you’ve had a good weekend.
      antay ko post mo, Kuya Allen…πŸ™‚

    • hello, Nodz… hope you’ve had a wonderful Yuletide season. a, Taglish rito sa SSA. do’n sa isang site, DPSA (my org’l site), do’n mas Tagalog entries. glad you stumbled upon my bahay… teynks.πŸ™‚

  25. hahaha appear tayo sa kapehan at 10 magkakapatid. pero ako ang bunso sa amin. Mukhang mas talo mo ang mga social networking sites in real life.
    mabuhay and more power!

    • apir! e, di ikaw na ang bunso, haha. sa amin, exempted sa house works ang mga bunso… btw, pag maraming kapatid, daming sources ng vocabulary, aside sa daming nag-uutos, haha. Thanks sa pagdaan dito, hoshigirl.πŸ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s