Para Saan Ang Awit?

 

Ang awit ay likhang magandang tunog na naghahayag  ng mga nararamdaman ng tao sa malikhaing paraan. Ang awit ay palaging may mga titik at may himig bukod sa tunog. Ang awit ay ginagawa natin at andiyan para pagaanin ang ating damdamin at mga dalahin.  Ang awit, sabi ng mga eksperto, ay isa raw na tipo ng universal language. Hindi na raw kailangan pa ng interpreter para ang isang tao ay makasabay sa awit.

Marami-rami sa aking mga naisulat sa totoong buhay at dito sa blog ay galing, inspired o di kaya ay triggered ng kapirasong kantang narinig o naulinigan. Maaring iyon ay isang linya o isang salita lamang ngunit nanganganak ng kung ilang talata o taludtod. Hindi ko rin gaanong taos kung paano at bakit pero madalas mangyari sa akin ang gayon. Madalas akong mamulot, manghiram o manghingi ng material sa mga gawa na ng iba. Iniiba ko lang ang ayos, ang approach o di kaya, tini-tweak ko ng konti. Nagre-recycle din ako, iniiba ko lang ang perspective or dimension.

Sa madaling salita, hindi ako masyadong original writer. May kung anong kulang siguro sa aking creativity package, haha. Pero, hindi ko gawain ang magnakaw, by habit and by training. Nakasanayan ko na ang mag-attribute properly, kumbaga. At ginagawa ko ang ganito hanggang sa maaari at kaya. Ang larangan ko ay pagsusulat at pagsasaliksik. Sa pagsusulat, ang malaking puhunan dyaan ay dami ng karanasan at dami ng nabasa. Check ako sa pareho, sa kabutihan o kasamaang palad.

 

Sa pagsasaliksik,  ang susi ay sipag at tiyaga sa paghahanap ng material, sa pagbabalik-balik sa references at sa bilis ng recall or association. Idagdag pa, ang tatag ng mananaliksik na magkumpara at mag-contrast ng materials na naisulat na ng iba at nailimbag. Sa pagkakaalam ko, bago dumating ang internet at ang free sharing na tinatawag,  isa sa pinakamaramot na larangan itong research.

Largely private and commercial interests ang nagtutulak sa pananaliksik. Isa itong mundong nagta-thrive sa tinatawag na asymmetry of information. Kapag nauna o nakaungos sa impormasyon ang isang player, hawak nya na ang bola, kumbaga. Ang nakikita kong saving grace nitong larangan ay ang katapatan nito sa tenet ng citation and referencing – kailangang maipakita sa information package kung alin ang gawa ng iba at alin ang bagong idinagdag.

 

Kaya noong una akong mag-blog, isa sa mga layunin ng dati kong site ay magkawanggawa sa research, magsulat at magbahagi ng information na kakaunti pa o walang available na material sa wikang Tagalog. May mga panahon ding tinitingnan ko ang search words na ginamit ng mga nananaliksik roon lalo na iyong mga tila napatid o nalinlang lang papunta sa lugar, haha. Pag marami na silang mukhang mga naligaw lang dahil may hinahanap na kung ano, ginagawaan ko  ng post ang kanilang paksa. Iyon ‘yon dati.

Ang masaklap, iyon daw huli kong post na nalimbag ay nagka-virus. Malamang nga. Hindi ko sigurado pero may pop-up boxes nga yata ang ilang links na binisita ko noon. Na ang karaniwan kong ginagawa, isinasara lamang, ni hindi ko binabasa, haha. Sa malas, nailagay ko pala iyong iba bilang reference links. Hindi ko na-double check, gaya ng usual, dahil ako noo’y nagmamadali. Hatinggabi ko tinaype ang huling post, naghahabol ako makagaling sa bakasyon. The rest is history. Isang taon at dalawang buwang pinaghirapan, ni hindi ko na uli nasilayan si site, ahaha.

Paulit-ulit akong sumulat sa host site para magpaliwanag, makiusap at magmakaawang ibalik ang site. Sa isip ko, kung may paglabag man ngang nangyari, siguro naman ay may palugit para sa first offense. Walang naging tugon ang site admin  maliban sa tatlong beses na  Your message is flying through space, etc. Gusto ko sanang itanong kung ilang ulit ba nagna-navigate sa space ang message bago makarating sa tama at dapat nitong puntahan, ahaha.

 

Pero, gumawa na rin ako ng bago, makalipas ang halos isang buwan. Kaya naipanganak itong site na Sa Saliw ng Awit (SSA). At kung napansin ninyo, dito ko pa rin itinirik at ihinimpil ang bagong bahay sa dating host site. Ang paliwanag, mas gusto ko ang features dito kaysa sa iba – mas blogger friendly at mas magaan sa mata ang interface. Kung sa familiarity at familiarity, mas sanay ako sa ibang host sites. Limang taon bago ako naging blogger, nagbabasa na ako ng blogs at karamihan sa mga iyo’y hindi rito hosted, sa iba.

Kaya kahit walang naging paliwanag o usapan sa kahihinatnan ng dati, itinuloy ko na rin ang pagsusulat. Pero, iba na rin. Dito, mas maiiksi ang entries at hindi necessarily informative ang content and format ng mga sulatin. Hindi na info sharing ang isa sa overarching concerns nito. Parang mas personal na journal o notebook na lamang. Taglish ang wikang gamit dito, hindi tulad noong dating predominantly Tagalog at pag ginamitan ng ibang wika ay italicized. Walang ganoon dito.

 

Sa ngayon, wala pa sa plano kung retained ang regular features sa menu gaya ng character sketches at blogs about blogging. Mas nakapwesto na ng husay ang mga ganoon sa dating site. Dito sa SSA, hindi gaanong magtatalakay tungkol sa buhay at kalinangang rural, gaya doon sa dati. Isa pa, mas madalang ang magiging posting dito. Isa sa mga paliwanag ay dahil kailangan ding magbigay oras para sa isa pang site, in English, na binuksan na rin dito ngunit experimental pa sa ngayon.

At siyempre, aaminin kong medyo napaso ako roon sa nangyaring biglaang pagsasara ng site ng ganoon-ganoon na lamang. Mas mataas ang tingin at pagtataya ko sa host site kaysa sa aking naranasan. Ironically, ang pamagat ng huli kong post doon ay Mga Tahi At Paso, ang kulit lang. Isandaan at sampong posts na yata ang nailimbag ko roon sa dati, about 70% sa kanila ay informative ang content at 65%  naman ng dumadalaw sa site ay mga estudyanteng nagsasaliksik.

 

Sa ngayon, ang total views nitong SSA sa loob ng dalawang buwan ay equivalent sa dalawang araw na views noong dating site. Wala akong reklamo o sama ng loob.  Doon din sa dati, hindi ko gaanong naging concern kung marami ba ang babasa o hindi. Dumating na lamang ang mga mambabasa at tagatangkilik and to this day,   ipinagpapasalamat ko iyon. Anuman ang nangyari sa dati, ang inisip ko, dito sa bago, dadaanin ko muna sa kanta. Hihimig muna ako at nang gumaan ang aking pakiramdam. Lilikha ako rito ng mga bagong tunog.

 

Baka sakali rin, may mga makarinig na gustong sumabay.🙂

 

Sa Saliw ng Awit

Ika-30 ng Enero, 2012

 

20 thoughts on “Para Saan Ang Awit?

  1. “…hindi ko gaanong naging concern kung marami ba ang babasa o hindi.” sapat na ang isa o dalawa. minsan, kahit walang makabasang iba, sapat na ang sariling dumistansiya pansumandali sa sarili upang maisulat–makausap–ang sarili.

    • hello, ayer,

      ahaha, dati nga, walang nakakabasa ng mga sinusulat ko kundi ako lang, hehe. sa work, oo, merong nakakabasa. pero, iba ang commissioned or work-related na pagsusulat, eh.

      dahil sa blog, marami akong naisulat na hindi ko alam na alam ko. o, di kaya, alam ko pero di ko alam na kaya kong i-render on paper. ayon, gayon…

      thank you for your wise words and for your comment. btw, fan ako ng blog mo. ^^ 🙂

  2. sabi ng isa, at pinaparaphrase ko lang sya, kahit isa lang ang bumabasa sau, if she is the right reader, if she engages with your letters, if she reads beyond the surface, that is enough. i would be content with that. at tama lang yan, wag titigil magsulat, marami mang nagbabasa o hindi🙂

  3. Ayy SSA nga no. Hakhak. Hello, doon po sa amin. Di na talaga binalik, parang gobyerno ng pinas din pala puro lang salita. Hakhak. Pero buti na lang tinuloy mo pa. Ano yung english blog mo? Pakita!

    • hello, abrilatang makunat,

      haha! ikaw lang eh, di mo ako pansin as ssa, kainaman. panay paramdam ko ro’n sa ‘yo, about hemingway ka lang na-curious, as in. hamo, kwento ka lang sa site mo re: authors na binabasa mo, pag alam ko, dudugtong ako ng trivias, ahaha. ^^

      o, sige, mamaya ibubulong ko sa ‘yo ang experimental na english site. hellow!🙂

  4. Tama ka, hindi dapat maging concern ang page views and visitors, maliban na lamang kung ang blog ay may intensyong pagkakitaan. Personally, ang blogging para sa akin ay catharsis, an expression and release of emotions. Pag may naka-relate, salamat. Pag wala, salamat pa rin🙂

    Glad I’ve found your other blog hehehe

    • hello, nortehanon,

      hala, tanda kita sa lumang blog. ikaw yaong ang work ay may kaugnayan sa schoolchildren sa remote areas, da ba? tanda ko, may post ka last year na ukol sa summer tapos, may pic, ahaha. masaya ang blog mo, hehe… hi, glad to see you again. ^^

      ey, masaya rin pag mataas ang stats, hihi… although, kamo nga, blogging is more of and from personal expression – malaman mo if others share your experiences and/or views and to find others of similar inclinations din. makapagkwento at maka-practice magsulat… ^^

      salamat at napadaan ka uli. see you around 🙂

  5. Patuloy lamang ang musika ng sarili mong tinig dito sa mundo ng mga salita. Musika nga ‘iyan. Maglipat-bahay man o tila ipaparenovate lamang. Ikaw pa din ang may-ari.
    🙂

    • Kulisap! OMG, it’s you, bato, ahaha. magpapabili ako ng tinapay sa bayan at magluluto ng sopas dahil sa pagsulpot mo, hihi. iimbitahin ko ang mga kahanggan at bubuksan ang nakasubing lambanog, ahaha. kainaman ka, ‘ika’y nangangay-on…😉 ‘musta?

  6. what can i say.. honestly am a fan now of this blog..🙂
    continue to inspire..

    —–
    ‘Largely private and commercial interests ang nagtutulak sa pananaliksik. Isa itong mundong nagta-thrive sa tinatawag na asymmetry of information.’

    i want to relate your word to “culture of production/production of culture..” information like the rest important ingedrients of a thriving community is now seen and valued on its commercial viability.. dahil dyan ang kultura ay nililikha at pinararami na rin hindi dahil sa isa itong importanteng bahagi ng isang lipunan.. kundi isa itong paraan ng pagkakakitaan..

    me nakausap akong british na guro.. lahat daw ng bagay na nahawakan ng kamay ng komersyalismo (business) eh nagbabago.. karamihan.. ang pagbabago eh sa kamalian..

    wala lang na-miss ko lang yung art studies ko.. hihihihi..

    isang mapagpalayang araw sa yo.. hindi kita ma-address sa pangalan mo dahil di ko naman alam ang iyong pangalan..😐

    • hello, Cocoy,

      salamat sa pagbabalik at sa pag-appreciate ng site. nakakagaan ng loob, kapatid.🙂

      about pop and commercial culture, hmn, paano ba? paano pati ang information production, sharing and consumption sa isang commerce-driven at makabagong mundo? in a way, tama, e. when i started blogging in 2010, ang dami na noong write ups sa Western World, UK and US in particular, saying na blogging is dead na raw kasi overtaken by commercial interests – bawat magaling daw na writer, artist and opinion-maker, naka-payroll na sa big companies and institutions at nagta-trumphet na lang ng messages online ng certain products, services or organizations. ayon ang sabi…

      anyway, since nga nagri-research ako, tiningnan ko sa google and other search engines kung covered na nga ba ang mga topics na sa tingin ko, pwede pang palaganapin or i-popularize. so far, hindi pa naman. ang dami pang topics na wala, lalo na kung in Tagalog. kaya ang mga una kong naisulat sa old site, about basic things like tubig or water source, ganyan, pagtatanim… magugulat ka, wala halos online materials on these. kung meron man, in English at hindi pati kumpleto. so, ayon…

      isa pa, sa ngayon kasi, ang sabi, messages daw should be simple, yong madaling maintindihan. pero sa tingin ko, mas marami sa messages online ay simplified na simplistic pa. tila ginawa sila with a view to dull the understanding of the audience, not to stimulate further or critical thinking, kumbaga. okey naman ang simple e, pero dapat, may understanding na sa likod ng bawat simpleng bagay or information is a complexity. and definitely, hindi ang mga ‘yan neutral or in a vacuum. ayon, kaya ang isang ini-strive ko sa aking writing usually, ay ang context. tingin ko, importante ‘yon to situate the audience at nang hindi spoon feeding lang.

      sa ngayon, i believe na may mga pores pa naman. hindi pa naman largely controlled ng iilan ang info production dito sa atin. at the global level, medyo iba ang picture doon… ^^

      ahaha, ang haba ng sagot ko, napasubo ka. at ako na rin, hihi… thanks uli and cheers!🙂 ~San

      • Hehehe, naniniguro lang poh. Kaya pala parehas mabalasik ang inyong mga panulat. Wala kase ako idea pasensiya. Gusto ko rin kase magpasalamat kay doon po sa amin kase nagsisimula pa lang ako sa wordpress kapag may mga katanungan ako ay nabibigyan nya ng kasagutan. Nais ko pa man din basahin un mga lumang entries dahil alam kong may laman at makabuluhan ang mga panulat nyang yon. Gayunpaman, maraming salamat kamo!😉

      • hamo, nakarating ang ‘yong pasasalamat. i-inform kita pag nagbukas na ang dpsa. dami pa nga akong write-ups na nakaimbak para ro’n.

        ahaha, dito ka na muna mag-backread pag wala kang magawa. happy weekend.😉

  7. Pingback: Anu-ano pa ang mga kwento? | sasaliwngawit

  8. Pingback: Swatch | thelovelybiatch

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s