Doon Po sa Amin, balik-tanaw – mga kwento at tulang pumapag-ibig

 

Mga kapatid, ang haba na ng litanya tungkol sa DPSA, pansin nyo rin? Ahaha, pagbigyan nyo na, ikalawang anibersaryo nga sana nitong site noong ika-27 ng Agosto, 2012… Anyway, we’re getting to the good partwink-wink… Bali-balita, interesado ang iba sa inyo – bakit at paano na-come up ang posts na tungkol sa dyaskeng pag-ibig. Na wala naman, hihi…  Alam ko, gusto nyo sana, meron nga… Sabagay, mas masaya pag totoong meron… Ayon lang, mahigit dalawang taon na yatang di nakakapaghulog ng coins  sa wishing well… 😉

 

Image of clouds with a heart shape space in between

Ang umiibig raw ay nakakakita ng signs ng pag-ibig kahit saan/ people.tribe.net

Sa mga ka-blogs na sa SSA na nakabasa ng mga sanaysay at tula ng inyong lingkod ukol sa pag-ibig, ipapaalam ko,  sa DPSA nag-umpisa ang mga sulating himig nakakakilig… Sa ka-blogs namang mga pira-pirasong tsismis o pambabalahura na lang ang naririnig, ‘yaan nyong sabihin ko – hindi ganyan ka-bagsik ang lola nyo, haha. Salamat and sincerely, I don’t deserve those mean and nasty gossips  wild speculations… Pale na pale ang departamentong yan, naman…

 

Sabi ko sa naunang posts, at sa About Page, nakakauto rin naman… Yon lang, hindi malakas ang loob ng lola nyo. Mahina ang inyong lingkod sa usapang claim, maski ipagtanong nyo pa… At sa larangan ng pag-ibig, importante raw ‘yon, sabi-sabi. Basta, ang masasabi ko sa mga nang-ookray, be kind, mga kapatid… Ikalawa, i-invoke ko rin minsan ang walang-basagan-ng-trip provisionwith matching pa-cute na expression, whehehe.

 

Sa circle of friends kong 10 years and above oldermeron kaming dakilang matchmaker, haha. Si Nanay, tawag namin sa kanya. Naku, matagal na sya sa role ng pagtitiyap at pagtutuwang ng mga tao. Dependable and credible sya sa papel na ‘yon, ahaha. Tapos ang nakakatuwa, siya mismo, ang tagal bago nakapag-asawa – late 30s na o 40 na baga? Oo, pero nagkaanak pa sya, ha? Anyway, pag nakikita nya kaming nasa listahan nya ng seemingly hopeless or basket cases, alaga nya kaming “pakitaan ng malasakit,” siyempre…

Siya ang tipong well-meaning at good-natured na tao So, ang hirap umiwas, hehe. Ang tanong nya lagi, “Ano bang criteria mo? E, di sagot naman ako, “Iyong well-read with a big heart.” Wika naman nya pabalik, “Pwedeng isa na lang do’n? ‘Yang well-read, marami akong kakilala…” Lahat daw ‘atang kilala nyang with a big heart, taken na. Ang saya lang… Siya rin ang pamilyar sa lahat yata ng pinaka-kakaiba at pinaka-weird na sitwasyon ng pag-iibigan – kakabilib lang… Minsan, wish naming magka-lovelife para mapasaya lang si Nanay, ahihi…

 

Naikwento ko sa Kayo po ang pipili, nang nag-blog, matagal ko nang naisilid sa baul ang alam sa pagtula. Puro essays ang naunang posts. Kunsabagay, iyon ang mas gamay kong anyo ng panulat. Ang unang love post sa DPSA ay fiction essay – experimental – ang Minsan, dumating ka sa buhay ko. Nag-backread ako noon sa sites ng tatlong ka-blogs at naisip ko, magsulat din ng kahawig. Nakigaya, sa ka-blogs na puma-pag-ibig, ahaha…

Nang mailathala, sabi ng Stats, marami ang bloggers na nagbasa. Based nga pala  sa Les Miserables ang plot ng Minsan  ang kwento ni di-inaasahang pagtatagpong di-malilimutan  o serendipity. Ginawan ko rin ito noon ng tulang version – ang Matay Ko Man – dito na sa SSA inilathala. Itong tula, di karamihan ang views…

Ang Les Mis, isa sa early reads ko pagtuntong sa KamaynilaanSa mga nagbasa rin nito, napansin nyo marahil na karamihan sa mga nangyari sa akda, based on chance… Ang laki ng papel ng tsansa – mabuti man o masama ang turn of events. Kaya siya romantic work at kaya kako, dati pa – ang Les Miserables, isa sa pinakaromantikong nobelang naisulat. Malinaw sa nobelang man or the human being is helpless before his conditions, be they societal impositions or love situations. Ayon…

 

Para ma-situate ang literary context ng mga sulatin ng inyong lingkod, ipaalam kong may panitikang infused sa mga sulatin ng lola nyo, marami-rami… Partikular sa tinaguriang romantic literature na Western… Sa ikatlo yatang parte ng buhay ng lola nyo rito, ginugol sa pagbabasa.  Ahaha, naipaliwanag na rin ba kung ba’t hindi maunlad ang lovelife? 😉 Sa pagba-blog, isa yaan sa mga nais kong mai-unload o ‘ika nga, mai-share... ^^

Lahat yata tayo, nagbabasa ng blogs ng iba una, para malibang ng konti. Ikalawa, para may mapulot din naman, sabi natin… Ikatlo, para magkaroon ng light and casual friendhips, along the way – ang maramdaman nating mayroon pa tayong mga kapwang pwedeng makausap at makapalagayang loob… Panghuli, makapag-seal ng ilan sa online interactions natin at magawa silang totoong bahagi ng ating actual na mga buhay at hindi ugnayan sa realm lang ng online and virtual.

 

Halos lahat ng mga naisulat na tula at sanaysay sa usapang pag-ibig – sa DPSA at sa dalawang sites na sumunod – based sa Minsan, dumating ka sa buhay ko… Lalo na ang mga tula? Hango o batay sila sa Minsan, sa tinamaan ng makulit… Ang akala ko rin dati, nagsusulat lang ako ng mga nakakaantig na likha at sa panahong kakaunti ang views mula sa mga katotong bloggers, pumipili ako ng maiilathala para kiligin naman sila – kayo – hehe. Iyon pala, may koneksyon sila sa kauna-unahang akdang ukol sa pag-ibig. Natuklasan ko ito,  Disyembre 2011 – panahong naisara na ang DPSA…

Ang sumunod na lathalain sa paksang pag-ibig sa DPSA, ang Nanliligaw sa Tanghali, tungkol sa lupakan sa nayon, 30 taon ang nakakaraan. Comedy piece ito – kwento sa lumang paraan ng ligawan sa rural areas at pang-o-okray sa mga ate kong nililigawan ng mga kabinataan sa amin noon. May talakayan sa ideya ng pag-ibig… Pero, mas lamang sa sulatin ang portrayal of ways in the barrio – from the point of view ng isang siyam na taong bata. Satire piece ang Nanliligaw sa Tanghali.

 

poster saying that love should be expressed

Kailangang ipahayag ang pagmamahal bago mahuli ang lahat/ desicomments.com

Kasunod na naisulat at inilathala, ang Kung Tapos Na ang Lahat..tungkol sa isang relasyong natapos ng may panghihinayang. Lathalain itong masidhi ang damdamin, ‘ika nga. Layon ng sumulat – ang mahawakan ng mahigpit ang atensyon ng mga babasa, ang maipakitang ang pag-ibig ay isang strong emotion at ang mga naliligaw, napapatid at nangangahas banda rito – daraan at daraan sa malalim na yugto ng pagdurusa…

 

Ang tanong ng ibang ka-blogs – kung may nagdudulot ba ng ganoong sakit sa lola nyo nang mga panahong iyon at kung sino – haha – sa suspetsang ka-blog ang may gawa… Ang cute ng allegation, feeling ko tuloy – effective ang panulat, peace… Hala pa, nagdaan din ako sa ganoong sitwasyon – pero hindi nang panahong isunulat o inilathala ang Kung Tapos na ang Lahat…

Ang nasabing akda ay isa ring experiment . Ang sinusubukan doon, voice and dramatic techniqueSecond person ang ginamit na boses sa panulat – may lalaking nagle-lecture ukol sa pagkakataong sinayang. Sa biglang basa, tila ang audience ang sinasabihan niya. Ngunit hindi… May isa pang lalaki sa eksenang siya nyang kinakausap – ang taong nagwaldas ng tsansa sa pag-ibig. In this instance, listening in lamang ang papel ng audience.Wari ko, isa ito sa intricate sa aking mga naisulat – application of technique writing.

 

Mabilis lang itong nagawa, parang kidlat nang dumating ang ideya. Ayon, tatlong gabi at dalawang araw yata akong pagod, kagagawan ng sulatin, haha. Buti na lang, Biyernes nang iyon ay na-conceptualize… Ang original draft  pala ng komposisyon, hindi tungkol sa pag-ibig. Tungkol muna iyon sa messing up chances in life, in general. Bale, revised edition na ang inilathala, nakaangkla na sa sitwasyon ng pag-ibig.

Tatlong minuto naisulat ang unang draft ng sulatin at limang minuto naman ang ginugol, para sa revised draft. Napansin ko, pag strongly-worded ang isang komposisyon, karamihan ng ka-blogs ang expectation, hango agad sa mga nangyayari sa totoong buhay ng nagsusulat sa oras na sinusulat. Sa case ng lola nyo, hindi… Bibihira ang mga sulatin kong may direktang kinalaman sa personal na nangyayari sa buhay sa panahong isinulat, lalo na sa DPSA.

 

Sa kabilang banda, ang blog daw ay personal kaya di maiiwasang hanapin ng ka-blogs ang personal angle sa naisulat. Sa Kung Tapos na ang Lahat.., ang personal siguro, ang expertise ang lola nyo sa pagpapalpak ng mga tsansa sa buhay. Sa totoong buhay, limang beses akong nag-College Algebra habang sa blog, nag-discuss ako ng Algebra na parang may Ph. D. lang naman, lol. ^^

Ilan ang pumupuri sa aking pananagalog, gayong sa totoong buhay, Pilipino ang isa sa subjects na nagpagapang sa akin – elementary hanggang college. Masyado raw nakasinsin ang paragraphs sa mga sulatin sa site, nakakailang… Nakow, gusto kong pakitaan ang ka-blogs ng papers submitted noong araw – ‘yong di na halos makita ang aking mga isinulat, natatakpan na ng ink na pula ni professor? ^^ Haha, real and personal ang kapalpakan, naman…

 

Anyway, nabatid kong marami pala sa ka-blogs, early 20s at sa cyberspace, in ang paksang pag-ibig, sabihin pa… Na-decide ko noon, gawin nang regular feature sa DPSA ang matters of the heart, ayiii… Isinulat ang una sa love post series – ang Ngiti, Ang Magmahal at ang Larawan ng Taong Wala sa Sarili. Sa series, tatlo usually ang ginagawa, magkakasunod…

Nais sanang ipakita – paano pwedeng i-develop ang isang idea – conceptual approach… Ang Ngiti nga pala, ukol sa pagkakaroon ng crush. Haha, o, di ba, ang kulit? Happy naman ang marami sa nakabasa… Ang Magmahal is more serious – ang theories behind love and loving at ang social restraints nito… Ang Larawan, satire piece sa taong nilulukuban ng pag-ibig at ang concept behind – ang taong in love, the last one to know, ang saya lang

 

Ang Larawan ng Taong Wala sa Sarili, hamon sa akin ang pagsulat – Kaya  bang humabi ng isang komposisyong ganoon ka-tricky, ang i-describe ang isang taong in love? Kinaya naman, fortunately. Hindi simbilis ng paggawa ng Ngiti at ng Ang Magmahal… Nakatatlo o apat na upuan yata, bago nabuo ang makulit na piyesa. Ang tricky sa komposisyon, paano pagmukhaing natural at hindi halata ang mga pinagtahian. Ang gusto sanang mangyari noon, palabasing trip-trip lang, alaskahan ba?

 

image of a pen that wrote down the word love

Kaya bang unawain ang pag-ibig sa panulat? / livingincourageonline.com

Pero, tila ako ang pinaglaruan ng panulat, pambihira… Natapos nga ang sulatin at nailathala nang weekend. But the idea did not leave me be, just yet. Tumambay pa sa perimeters ang damuhong paksa… Labintatlong komposisyong ukol sa pag-ibig ang naisulat matapos ang Larawan, naisulat sa loob ng kulang-kulang isang buwan. Wika ko, mga supling sila ng Larawan… Lima yatang poetic na sanaysay ang nauna sa labintatlo – may rhythm and rhyme – pero hindi nakaayos sa paraang pataludtod.

“Mala-tula” ang bansag ko sa kanila.  Habang Wala Ka at Bukas ang mga halimbawa ng mala-tulakapwa nailathala sa DPSA. Ang una, tungkol sa pag-ibig ng isang aleng handang maghintay sa kanyang minamahal. Ang Bukas naman, last tryst –  desperadong pagmamahalan… Dito unang in-introduce ang ideyang “sumpaan sa ilalim ng buwan,” konseptong mapi-feature pa sa mga darating na akda.

Looking backimportante ang mga mala-tulang sanaysay because they signified my transition back to poetry, matapos ang pagkahabang panahon…

 

Pivotal point ang Larawan sa pagsusulat ko at pati na rin  sa totoong buhay. Haha, iyan ang gustong marinig, mga kapatid? So, there – the dog is out… Pero madi-disappoint kayo sa kasunod, haha. Heto uli – hindi ako in love noong iyon ay ma-conceptualize. Ni crush, wala, ang pathetic lang… Kung meron, ipinapangako ko, hindi ko isusulat, hahaha. Siguro naman, maiintindihan nyo bakit hindi, hehe.

At my age, hindi ko na pwedeng gawing excuse ang youth’s inexperience and folly, hindi na paniniwalaan, haha. Isa pa, wiser sa mga personal na relasyon, hindi gaanong nakahayag sa publiko. Basta, alam nyo na rin ‘yon… Anyway, kako, kung may parehong kaganapan sa totoong buhay, di ako gagawa ng post na singkulit ng Larawan.

Pero, dahil sa akdang ito, nakapagsulat ako ng maraming sulatin exploring the different aspects and situations of love. As a writer, importanteng nagawa ko ito, sa wari ko… May mga naging assignments na ako sa formal writing na ganyan – bibigyan ng isang mother issue, kumbaga, tapos ipapasilip sa manunulat ang iba’t ibang aspects ng usapin. Dahil sa Larawan, nakita kong pwede rin palang mai- break down ang isang paksa sa malikhaing pagsusulat .

At gaya nga ng nasabi ko, naipirmi ko ang understanding sa isang bagay – pag-ibig, oo – na matagal kong isinantabi, iniwasan at, may mga punto, kinalimutan… Weird, di ba? Basta, ibinalik sa akin ng blogging ang pagtula at nilinaw naman ng mga sulating pumapag-ibig ang mismong personal concept at pag-intindi ko sa elusive na usapin. Ahaha, saka na ang laitan… ^^

 

So, anyway, ang point – na alam na rin naman ninyo, tingin ko – hindi kailangang in love ang manunulat sa oras na iyon para makasulat tungkol sa pagiging in love. Di kailangang bigo sa panahong nagsusulat para makagawa ng akda o likha ukol sa kabiguan… Na hindi sa direct and ongoing experiences lamang galing ang materials sa pagsusulat, lampas doon…

Ang alam at kasanayan sa isusulat – galing sa mga dating karanasan ng nagsusulat, sa mga karanasan din ng iba, sa mga nabasa at narinig tungkol sa usapin – pag-ibig man o hindi ang paksa. Mas ma-a- apreciate marahil ng ka-blogs ang ganito, habang tumatagal sa pagsusulat…

 

Anyway, di naman pure literary exercise ang mga sulatin ng inyong lola. May halaw din sa totoong buhay… Sa sanaysay na ba’t mo nga ako iniwan?, may kung ilang instances ng iwanang tinalakay. Apat doon – based on real life... Hala pa, kung may interesado (na laitin, hihi), hulaan na lang alin-alin…

 

poster explaining the logic of people coming in and going out of our lives

Sino nga ba ang makapagsasabi? Hawak ba natin?/ weheartit.com

May back-to-back na tula sa DPSA sa post na ang pamagat ay Magkatalikuran. Ang dalawang tula ay ang Huwag Mong Sabihin at ang Gusto Kong Isipin. Kasama sila sa 13 anak ng Larawan. May pagka- exhibitionists na mga piyesa, tila nagsasabi – back in her element na sa pagtula ang manunulat dito…  Ipinapakita sa mga akda ang paggamit ng point of view sa pagsusulat… Punto de bista ng lalaking nang-iwan ang Huwag Mong Sabihin. Punto de bista naman ng babaeng iniwan Ang Gusto Kong Isipin

 

Matagal kong inisip kung ipapaskil ang mga nasabing sulatin. Baka kako, maka-apekto sa ka-blogs na kadaraan lang sa ganoong sitwasyon, isiping itsini-tsismis ko ang istorya nila. Common enough ang sitwasyon sa Magkatalikuran, pero posible pa ring isipin – baka pagpapahiwatig sa kung sino ang mga tula… Wari, risky pa rin ang paglalathala…

 

Ang Nananawagan ang natatandaan kong tulang puma-pag-ibig sa DPSA na magaanQuit playing games with my heart ang underlying theme nito. Wala ritong pinariringgan – ka-blog man o hindi. That time, I simply thought, it is a universal sentiment – kahit sino, ayaw na pinaglalaruan ang kanyang damdamin…

Accidental ang pagkakabuo ng Nananawagan. Sabado yata at may sinusulat ako noong hindi para sa blog, habang ang kapitbahay namin, ang lakas tumawa. Nang sumilip na ako sa bintana para alamin ang dahilan (ba’t ang sarap ng halakhak nya), nakita kong may mga ibong naglalaro sa puddle ng tubig sa garahe… Bigla kanyong nagpatugtog sa may barangay hall ng kantang The End of the World? Ayon, na-extra sila lahat sa tula… Sa palagay ko, ang nasabing akda ang angkop na halimbawa ng pagka-basurera ng lola nyo sa pagsusulat…

 

Anyway, alam ko, oddball ang dating ko rito sa blog. Una, malalalim daw ang ideas na isinusulat, sobrang hahaba ng posts at gayong may-edad na, tumutula-tula pa ukol sa pag-i-pag-ibig na parang bagets lang, ahaha. Papansing blogger ang lola nyo, di ba halata? Sabagay, may ideya akong ang selling point sa mga nagbabasa ng mga tula sa DPSA at maging sa SSA (kung saan mas mataas na ang pitch ng mga komposisyon) ay ang pagiging intense ng mga sulatin. Siyanga?

Ahaha, paano ba? May isang ka-blog na kinwentuhan ko ng aking buhay nito lang. Ang reaction nya, speechless daw siya. Hindi nya raw naisip na pwede palang ganoon ang buhay. Para bang sinasabi nyang my life is too bad to be true. Haha, oo, ‘yun… Ang tapang ko raw, sabi nya. Ang buhay ko raw ay parang sa nobela, masyadong surreal. Siyempre, iwinasto ko sya roon sa sabi nyang ang tapang ng lola nyo rito. Kako sa kanya, dati siguro. Kung ngayon, hindi rin. Hindi na rin… In this sense, may ugnayan ang buhay at mga tula-tula…

 

Pero alam nyo, kung five years ago ako pinasulat ng mga sulatin ukol sa parehong topics sa DPSA at sa SSA, ang laki ng tsansa – wala akong maisusulat. O, kung meron man, malamang, bad poetry and awfully bad prose lang ang makakayanan, as in… Nang time na iyon, ang dami pa ng kulang sa writer’s tools dito… May ilang ka-blogs daw na hilig pagkatuwaan ang “passion,” ng lola dito. Sa akin, option nila yon bilang blogger at risk ko naman, bilang nagsulat at naglathala ng mga akda… ^^

Sakali man ngang pasaway at salbahe ang iniisip ng iba sa inyo tungkol sa nagsusulat dito –  asus, di ko sasawayin. Hindi ako galit at di na rin ako nag-i-stress over it. Nang mga unang panahon, sa DPSA – nagugulat ako, nagtataka bakit kesyo madamdamin ang sinulat, sinasabi agad ng ka-blogs na may ganoon mismong nagaganap sa totoong buhay. O, di kaya, may ka-blog daw na pinahihiwatigan… Nitong mga pahuli, hindi na… Nasasaka-blogs na. Sabi pati, free country raw tayo…

 

Anyway, for the sake of argument – Passionate lover ba pag nakakatula? Ows?…  Ang saya lang isipin, nakakaaliw. Pero, hindi rin… Baka mas makakatiyak pa tayo sa kaskaserong driver, naman. Following that line of argument, five years ago na pahirapan pa rito pagdating sa pagtula, hindi passionate noon? Di nga… Isa pa, paano kung sa papel lang passionate si manunulat? Pwede, di ba? And it seems, even that – being passionate on paper or on keyboard – takes time to mature… Peace.

Lousy raw na mangingibig ang karamihan sa passionate magsulat at poor sa personal relations, sabi… Bali-balita rin lang, ha… At ang mga tao namang may magagandang kaganapan at totoong nakakakilig na kwento sa usapang pag-i-pag-ibig – alinman sa hindi nila inilalathala sa publiko ang karanasan o hindi nila talaga naisusulat – overcome pa sila ng damda-damdamin, ahaha… Ayon ang pagkaalam ko… ^^

 

Dati, pinag-iisipan kong magsulat ng ukol sa topic na desire. Tingin ko, it’s about time that I put down on paper what I think about the matter. And I guess, I am of age to formulate my thoughts on such a delicate subject. Pero noong binalikan ko at tinantya ang pagtanggap ng mga kababayang reader-bloggers sa mga tula pa lang, nasabi ko sa sarili – baka kailangan pang maghintay ng panahon, kailangan pang ma-develop ang maturity sa paksa ng mga babasa. Medyo nagulat ako, in particular, sa responses ng ka-blogs na in their 30s na. Baka maghihintay pa kako, may mga kailangan pang masinsin.^^

 

Nasabi ko, paglalakbay pabalik ang DPSA – babalikan ko ang lugar na pinagmulan at kasama noo’y tutuklasin na rin kung may natitira pang zest sa buhay. Kapareho rin ito sa concern ng maraming iba pang nagsusulat, sa tingin ko… Anupaman, ang findings sa usapin, nasa post na Kalsadang One-Way – inilathala noong Hulyo, 2011.

Ano ang pagtingin ng manunulat na blogger dito sa usaping sex? Mga kapatid, nasa sanaysay na Payapang Dagat, inilathala sa DPSA noong Hunyo ng 2011. Bakit nagsusumigaw na single – tanong nyo at tanong rin ng lola nyo rito. Ang sagot, nasa kailan huling nagpasya ang iyong puso? Sakaling mayroong mahilig sa writing interpretation – texts and subtexts – ando’n… ^^

Sa Mga Tahi at Paso, nakalagay ano na ang paniniwala ng lola nyo sa usapang pag-ibig nitong mga huling panahon… Panghuli, sa Ipamahagi ang mga Tuwa at Sakit, inilahad ang ugnayan ng pag-ibig at pagkamakabansa, ang koneksyon ng personal and social ties ng mga tao…

 

So far, sa mga sanaysay ko inilalagay ang mga personal na usapin – tungkol man sa pag-ibig o hindi – mga kapatid, hindi sa mga tula. … Kung mayroon mang nakakatuwaang mag-interpret ng mga  madamdaming tula – kasama na ang mga tula sa DPSA at SSA – hala pa,  e, di,  masaya… Basta ang payo ko, look at those works beyond sex, mga kapatid… Pag-ibig ang pangkalahatang framework, sabi. Bahagi lang nito ang sex. Kung yaan ang bilin sa totoong buhay, ganoon din wari ang maiging attitude sa pagbabasa at pagsusulat ng mga sulating puma-pag-ibig…^^

Saka, pag sa sex angle lang sinilip ang merit ng isang akda, baka kapusin… Sandaling lang ang ipagsasaya ng online conversations. Dangan kasimay balik  din… Ang mean, nasty and vicious na mga bitaw ng blogger daw ay makakaapekto mismo  sa kanyang productivity sa pagsusulat. Blog daw ang isa sa pinaka-narcissistic na device na nadiskubre – kung ano ang itinapon, siya ring babalik. Ayon… In this sense, we would all do well to send out love  –  not hate, not cruelty and not bitterness…  ^_^

 

Anyway, sa pagkaalam ko, halos lahat ng ka-blogs, mas maunlad ang love life kaysa sa lola nyo rito, naman… Ibig sabihin, mas marami kayong karanasang paghahalawan para makapagsulat ng maganda ukol sa pasaway na paksang pag-ibig, ahaha… Pagdating ng panahong mas marami na ang laman ng writer’s tools ninyo, nagkaroon na ng relative distance sa karanasan o natapos na sa pagiging overwhelmed, hehe, maisasatitik nyo ang mga naranasan sa pag-ibig  sa paraang malinaw, madamdamin at nakaka-antig – pramis . Gaano man iyon kasakit, kapait o katamis… ^^

 

Hayaan nyong sabihin ko sa inyo ngayon ang sinabi ko noon sa ka-blog na una kong sinulatan sa email, panahon pa ng DPSA – “I wasn’t writing that much or that well, when I was your age. Keep on writing.” 😉

 

 

Nananawagan

 

Kung makahuni ang ibon

akala mo ay anong saya

Kung makasikat ang araw

tila mundo, anong ganda

 

Kung makatawa ang kapitbahay

parang ang dali lang ng buhay

Kung makatalon ang bata

tila katiting na lungkot, wala

 

Kung humaplos ang hangin

tila gusto ka nang ‘akapin

Kung maglaro ang mga ulap

akala mo, ang dali lang mangarap

Image of playful clouds, one fine day

Magandang mangarap sa ilalim ng mga naglalarong ulap/ photography. nationalgeographic.com

 

Kung humalakhak ang ale

parang tawa ay nabibili

Kung humarurot ang dyipni

tila hinahabol ng tsuper ang sarili

 

Kung tumakbo ang panahon

parang minuto lang ang maghapon

Kung humampas ang mga alon

tila santambak na galit, itinatapon

 

Kung mangako ang buwan

parang pag-ibig, walang hanggan

Kung mangaral ang paham

parang madla, sya’y pinakikinggan

 

Kung magwaksi ka ng pagsuyo

tila laruan lang itong puso

Kung magtatapos rin sa paglalayo,

damdami’y huwag gawing biro. 😉

Nananawagan, inilathala sa DPSA                         (http://may11apr1940.wordpress.com),  Hulyo 2011

Doon Po sa Amin, balik-tanaw – ikatlong bahagi

 

Ikalawang site ko na ang Doon Po Sa Amin, kung tutuusin. Ang nauna, isang blog sa English, dito rin sa WordPress.  Nagkaroon lamang iyon ng dalawang entries pagkatapos ay iniwanan ko na, patatawarin… Hindi pa yata ako marunong mag-blog noon – 2007. Pero, kung tutuusin,  2005 pa nang ako ay nag-umpisang magbasa ng blogs – tungkol sa economic, development and governance issues, madalas.  DIY type of posts din pati, from time to time. Oo, mga kapatid, stiff akong tao, dati pa, hihi… Anyway, sa malapitan, hindi naman kasing-seryoso at kasing-komplikado ng sa blog, mga kababawan din lang ang concerns and topics ng lola nyo, as in… Basta, panahon pa ng Friendster ang kauna-unahang blog, susmaryosep…

 

image of a mug with text explaining writer's block

Sari-saring pamimilipit at pamimiga sa utak at pakiramdam, makapagsulat lamang/ amandalewisab.wordpress. com

Sa loob ng sumunod na dalawa’t kalahating taon, sinubukan kong gumawa ng mga sulating parang sa blogs – medyo maiiksi, pero nakakatawag ng pansin. Creative writing kako, maiba naman sa mga usual na nakakabatong mga sinusulat … Hayon, awa ng langit, nakagawa ng dalawang sulatin sa loob ng dalawa’t kalahating taon, haha. Dalawa lang, as in… At eto pa, hindi pa talaga buong komposisyon ang mga akdang iyon. Sentence outlines pa lang at handwritten, oo. Parang passable naman ‘yong mga gawa… Ayon lang, di pa rin nabuo into paragraphs, magpahanggang ngayon… Pag may blogger na nagsasabi,  ang “sipag” at ang “husay” ko raw magsulat – parang gusto ko syang sabihan, “Kapatid, kung alam mo lang…” Kung alam mo lang ang agonies, bago nakapagsulat na parang natural at wala lang, ahaha.  ^^

 

Ang isang naisulat, ukol sa kaisa-isang photographer noon sa aming bayan (haha). Amazed ako sa pangyayaring nag-iisa ang taga-retrato sa amin noon. Feeling ko, the guy deserves a place in the history ng aming munti at aantok-antok na bayan…  Tungkol naman sa isang babaeng gustong magsulat ukol sa mga paksang sadyang gusto nya (ang self-indulgent lang, hihi) ang isa pang naisulat… Ano, bale, inspired ito ng isang nabasang write-up sa Inquirer, sa column na Young Blood? Ang pamagat ng article, This Business of Writing. Bale roon, naghayag ng saloobin ang isang PR writer na nagsusulat sa totoong buhay, pero malaki pa rin ang pangarap na ma-publish bilang siya at makalabas sa dyaryo, sa PDI – bago tumuntong sa edad na 30. Doon sa sulatin, parang ginawan ko ng sariling version ang nasabing article. Ayon…

 

image of a chicken confronted with writer's block

Marami-rami at matitinding pakikipagtuos muna sa blankong papel at kawalan, bago dumating ang mga ideya para sa panulat/ davidhuntershaw.blogspot.com

 

Noong 2010, hilig namin ng kapatid kong magnonood ng mga palabas sa cable TV –  tungkol sa pagkain. Paborito namin ang isang palabas na set sa Irish countryside, lalaking parang di nagsusuklay ng buhok ang host ng programa, haha, at iba pang kung anu-anong cooking shows sa Asian Food Channel – street foods, street dining at sari-sari pa. Sa kanonood,  sa katitingin sa berdeng kanayunan at sariwang pagkain, naengganyo rin ang lola ninyo rito. Gagawa rin kako ako ng ganyan… Ang lakas lang ng loob, as in. ^^

 

image of AFC's logo

May kung anong panghalina ang mga palabas sa AFC na nagtulak sa aking magsulat/ vimeo.com

Pero, dahil hindi naman ako marunong mag-document through film,  isusulat ko na lang – sa blog… Kaya, hayon, tungkol sa mga katutubo at pangkaraniwang pagkain ang unang dalawang posts sa DPSA. Matapos noo’y napagtanto kong wala naman pala akong sapat na kaalaman tungkol sa food preparations, haha. Ang saya lang… Bale ang nangyari, tinawagan ko si ateng mahusay magluto to verify kung tama ang pagtalakay ko sa paggawa ng pakumbo. Sabi nya, “Magkaiba ang macaroons at ang pakumbo.” Tapos, ipinaliwanag nya ang pagkakaiba – sa mga sahog at sa proseso ng paghahanda. Ayon, humbled me much. Ang lagay, kumwento pala ako sa draft post tungkol sa isang bagay na di ko naman talaga nalalaman, hihi.

 

Ang limang posts na sumunod ay ukol na sa kanayunan – buhay-buhay at kalinangan doon. Ang ika-anim at bale, pang-walong write-up ay Hello, World article na. Matapos iyon, de-ni-sign ko na ang lalamanin ng site, ahaha… Ako na ang dense, pero na-realize ko noon – mahirap kung magsusulat tungkol sa mga paksang sinauna pa (buhay-kanayunan) at sa paraang kung ano lang ang maisip ng nagsusulat sa oras na iyon… So, ang ginawa ng lola nyo, nagbuo ng three-column na chart. Sa unang column, nakalagay ang paksa. Sa ikalawa, ano ang highlight ng discussion. Sa ikatlo, ano ang approach na gagamitin – humor ba, straight-telling o tipong illustration? Surprisingly, marami-rami ang naihanay, higit sa 50 paksa yata. Ang suspetsa ko, matagal nang dala-dala ng subconscious and unconscious kong bahagi ang kagustuhang magsulat ukol sa pinanggalingan.

 

image of Albert Einstein writing a message on the blackboard

Sabi ni Einstein, wala naman talagang nakalipas/ nibiruplanetx.blogspot.com

Kaya, masasabi kong kalakhan sa laman ng DPSA, lalo na ang about countryside life – pre-conceptualized. Ayon yata ang sikreto, kung sikreto nga bang matatawag … Hindi naman siguro. Palagay ko, bibihira naman ang manunulat na kayang mag-travel back in time in an instant’s notice. Sa pakiwari ko, nakatulong ang maagang pag-set sa kung anu-ano ang susulating posts. Kumbaga, naging themed site ang DPSA… Noong actual ko nang isinulat ang posts – mabibilis, tuluy-tuloy at karamihan ay natatapos sa isang upuan lamang. Ilan lang ang hindi, for some reason. At gaya ng nasabi ko previously, aided ng research ang mga sulatin sa site. Pero palagay ko, importante rin ang long-term memory

 

May isang paksang matagal ko nang gustong isulat sa DPSA at hanggang  ngayon, di pa nagagawa – ang tungkol sa tagmais. Ay, mga kapatid, isa iyan sa pinakamagandang alaala at ipinagmamalaki ko sa aking childhood – naabutan ko pa ang mga maisan doon sa amin… Pero sa kung anong kadahilanan, hindi ko maisulat-sulat ang paksang ito. Sa wari ko ay sapagkat disjointed ang pag-alaala ko rito. Kahit pa kayang i-research sa internet ang tungkol sa mais at seasons nito sa Pilipinas, kapos pa rin – di pa rin kayang mabuo… Siyanga pala, lampas kalahati sa mga paksang naihanay doon sa chart, nailathala na noong ang site ay naisara ng Automattic – November 2011 – isang taon at dalawang buwan matapos  itong isilang.

 

Sa pagpalaot ko noon sa mundo ng blog, nadiskubre kong may readers palang bloggers din, shaks… Ang saya lang, di ko akalain ‘yon, di nga… Ang inosente kong palagay dati – private, self-indulgent at pang-autistic na enterprise lang talaga ang personal blogs. Ang ibig kong sabihin, panay sa search engine lang manggagaling ang viewership ng isang blogger – random matatagpuan ang site ni blogger ng mga taong di siya kilala at di rin naman niya kilala.Tapos, dadagdag na lang pag minsan ang ilang mga kasamahan at kakilalang inimbitahan at binigyan ng blogger ng URL o online address ng site. Maliban na lang kung public figure na talaga ang blogger – gaya nina Jim Paredes, Lea Salonga at Jessica Zafra at mga tulad nilang sadyang mayroon nang public following. Iyon ang pagkaintindi ko dati..

 

Ay, sus, hindi naman pala me, myself and I ang blog.  Ayan ang aking nakakasindak at nakakatuwa rin namang finding habang tumatagal. Na pwede palang makita at mabasa ng iba pang blogger ang iyong isinulat ilang segundo matapos itong ilathala, ahaha… Noong itong impormasyon ay naipirmi ko na, nagdagdag ang lola nyo ng mga kategorya sa site – ang blog about blogging, ang mga paksa tungkol sa pag-ibig at ang character sketches. Wala sila sa original design ng site, sa totoo lang. Kumbaga, offshoot sila ng kamalayang may mga kasamahan pala sa isperyo ng blog at mga ganyang paksa (sa tingin ko) ang  madalas na sinusubaybayan ng bloggers. Siguro nga, dahil bilang babasahin, ang blog ay masasabing personal in nature. Hindi yata pwedeng strictly issues or informative posts lamang ang dapat nitong lamanin.

 

Medyo naging kontrobersyal yata sa ibang bloggers ang blogs about blogging. May mga nagbasang nagulat at sa pagkaalam ko, may mga nawindang, ahaha… Sa totoo lang, ang tawag ko sa mga sulating iyon ay shockers, haha… May pagka-inside look into our blogging experience ang mga sulatin, inspired sila ng blogs about blogging na nababasa ko sa English ng WP. Bale, iniba ko ang anggulo ng diskusyon o treatment sa isyu sa posts – para ilapat sa wika at kalagayang Pinoy… Matataas ang views ng shocker posts among bloggers, di lang marami ang nagko-comment. Shocked pa ang ka-blogs marahil, sa candor ng mga sulatin at ng blogger na rin, pasensya naman…

 

image of a psychologist and a patient lying on the couch

Bakit nga ba ang mga tao ay nagsusulat ng mga saloobin at isipin sa blog?/ problogger.net

 

Ang nauna sa shocker posts ay ang Ang Bagong Betamax – Rated PG, isang analogy ng blogging sa pornography. Kako sa panulat, sa blog ang mga mahihinhin ay nagiging malalandi, ang mga di-makabasag-pinggan ay naglalakas-loob ng public display at ang mga taong lame naman sa totoong buhay (gaya ng lola nyo) ay umaastang exhibitionists. Ayon… Mayroon ding naisulat na Hindi Putok sa Buho, isang argumentong sabi,  karamihan sa bloggers – datihan nang nagsusulat at nagdu-doodle sa kani-kanilang secret notebooks. Kumbaga, hindi sila sa blogs nag-umpisa sa kanilang pagiging creative and weird kundi sa banda roon pa at mas maaga, ahihi. Ang post namang Gawa-Gawa Lamang ay isang lakas-loob na diskurso sa virtual experience, ang mundo ng blog bilang isang make-believe world.

 

Medyo mataas ang antas ng diskusyon sa post na ito, totoong nakakadugo ng ilong, ‘ika nga… Ang orihinal na draft ay halos doble pa ang haba kaysa sa nailathalang version  at mas malalim pa, pasensya naman… Philosophical ang take nitong sulatin, gumamit ng Algebra (Algebra, ang mortal kong kaaway sa pagkahabang panahon) at ang ideya naman para sa sulatin ay galing sa The Hunchback of Notre Dame. Isa itong nobela ni Victor Hugo, tungkol sa isang kuba at sa pinagsisilbihan niyang paring confronted by a moral dilemma. Ang unang pamagat nga pala ng post, Kung Mangahas Kang Magpahanap at Ikaw ay Matagpuan. Tila gustong itanong at sagutin na rin sa write-up – kung magpapakilala ba si blogger o patuloy na magtatago sa pagiging anonymous

 

Ang iba pa ay mas magagaan – ang Ba’t Mo Naman Napagdiskitahang Mag-blog? ay humor piece na nagtangkang kalapin at ihanay ang iba’t ibang nakasulat sa About Page ng sari-saring bloggers – bakit sila naitulak o nangahas sa blogging at paano… Ang Iyong Kwento naman,  isang pag-e-enumerate sa mga istoryang nakakaantig – galing sa posts ng kulang-kulang isang daang bloggers – nabasa ng lola ninyo, sa loob ng apat na buwan yata. Personally, isa ito sa mga paborito ko dahil tuluy-tuloy lang naisatitik at dito ko rin inilatag ang different issues discussed sa mga naunang posts about blogging sa site, sa paraang personalized. Kumbaga, it was my way of saying, “Kapatid, nabasa ko ang post mong iyon and I was touched.”

 

image of a road for running

Ang pagba-blog daw ay isang paglalakbay para sanayin at kilalanin ang sarili/ langwitches.org

Mabigat din ang Close Na Ba Tayo?, isang sarcasm piece na ang parang sinasabi –  mahihirapan akong makikilala agad si ka-blog, kahit pa matapos kong i-backread ang posts niya. Sa kabilang banda, maliit din ang tsansang makikilala kaagad ni ka-blog ang blogger dito – kahit tila nakuha naman niya ang mga gusto kong ipahiwatig sa posts. Na tila hindi ganoon kadali ang kilanlanan sa virtual settings. Ayon… Pero dahil consistent nga sa pagiging nosebleed ang site, may mas mabigat pa roon, hehe… Iyon ay ang post na Akala Natin. Ang akda ay isang tulang nagpapahiwatig –  sa virtual setting, ang isang haplos ay tila isang hambalos. Na akala natin ay wala, pero madalas, meron.

 

Ang ipinambawi yata sa nosebleed pieces, haha, ay ang Dantay. Isa itong sanaysay tungkol sa iba’t ibang uri ng touch at ang sinasabi, “Touch lightly.” Ito ay isang bagay na mahirap gawin, pero sa interactions sa blog – dapat. Dapat ay magaan lamang… Ako yata ang isa sa mahusay lumabag nito, patatawarin… Isa sa mga kabalintunaan sa blogging ay ang mataas na paghiling ng publikong mambabasa sa candid and honest na mga paglalahad – ang mapalabas ang mga kwentong blogs na tila straight from real life. Subalit dahil virtual nga ang setting, may malaking elemento ng imagination involved sa prosesong siyang nagma-magnify ng effects and impacts ng mga nakasulat na salita. Lumalabas, kung nais ng blogger na magtagal sa sphere ng blogging, may balanse sa pagitan ng intimacy and distance siyang kailangang ma-establish.

 

image of a poster outlining positive values

Susi raw para makamit ng tao ang magandang buhay ay ang pagiging mulat, maunawain at masayahin/ livelearnloveeat.com

Anyway, para sa unang anibersaryo ng DPSA, naghanda ang lola ninyo ng isang mahabang essay ukol sa makabagong journalism –  ang Lumalakad ang Balitadalawang linggo bago ang okasyon. Serious piece itong Lumalakad at ang sabi, may kaakibat na responsibilidad ang pagba-blog at iba pang modernong paraan ng pakikipagtalastasan… Subalit dahil unang anibersaryo nga ng DPSA noong ika-27 ng Agosto, 2011, naisip kong mas maigi kung magaan at nakakaaliw ang ilathalang piyesa. Saka, tagubiling pana-panahon, dapat ay magsabog ng tuwa at pag-ibig sa blog, ahaha. Kaya ayon, tatlong araw bago ang okasyon, gumawa ang inyong lingkod ng isang love post na siyang ipinampalit at inilathala para sa mismong kaarawan ng site – ang kailan huling nagpasya ang iyong puso?

 

image of a poster speaking of the need for courage

Ang pagba-blog daw ay nangangailangan ng tapang, para ring sa pag-ibig/ lovelyandlight. wordpress. com

 

 

Pambihira na sa pambihira, pero isang kilometro rin ang haba ng nasabing sanaysay. Ewan ko lang kung may nakakaalaala pa… Pero, masaya ang sulating iyon. Kumbaga, ang frame of mind noong iyon ay ginagawa – pasayahin ang mga babasa, gawing in love, hihihi… Siyempre, anniversary offering... Ang bonus track, doon ko inilagay o ipinahiwatig  sa nasabing post ang mga personal kong paniniwala sa tinamaan ng magaling na paksang pag-ibig.  Ahaha, oks ba?… 😉

 

 

 

Doon Po sa Amin, balik-tanaw – ikalawang bahagi

Documentor, organizer and coordinator ng fora and technical group meetings ang madalas na papel ng lola nyo, naaambunan ng materials about the pressing economic and political issues. At may bonus din – nakakarinig first-hand ng presentations ng sinasabing subject matter experts o SMEs. May instances na ring nag-ghostwrite for consultant ng international financial institutions (IFIs). Medyo masalimuot ipaliwanag ang ghostwriting, mga kapatid, iiksian ko… Essentially, dalawang klase ito – ang pagsusulat na naka-payroll at ang pagsusulat na independent contracting, kumbaga.

image of a notebook, pen and pencil

Samutsari ang mga paksang ipinapasulat sa isang ghostwriter/ tccl.rit.albany.edu

Pag naka-payroll ang tagasulat, maaring sa gobyerno at maari rin namang sa tanggapang pribado. Ang kadalasang ipinagsusulat niya ay ang pinuno ng opisina o tanggapan, may regular reporting din – di nga lang istriktong 8am to 5pm – at ang nagsusulat ay marami ring iba pang administrative tasks, parang sa regular na opisina. Sa isang nasa ganitong larangan, may mga taon at panahong naka-payroll at mayroon pang indie na pagsusulat at engagements. May mga panahon din namang wala, oo. Taghirap, iyong sinasabing timawang-timawa lang, ahaha.

 

Pag sa independent na pagsusulat, karaniwang ito ay  subcontracted work, may mimicry involved (parang stand-up comedians lang) sa lengwahe at kultura ng organisasyon, malaki ang hamon habang maliit ang bayad, walang credits at walang accountability sa publiko (sa nagpasulat lang). Mas madalas ding confidential ang nature ng work… At gaya nga ng nasabi ko, ang multo ay malamang – marunong magsulat, marami-rami ang nabasa, magulo ang resume at kadalasa’y walang pera, haha.

Sa isang stint dati sa ghostwriting, tungkol sa harina ang ipinasulat at ipina-analisa. Usapan yaong policy recommendation – ang ipinapahanap, saang parte ng production ng flour products and product lines ang most and least efficient. Ang kadugtong noon, ire-rekomenda for tax incentives ang most efficient habang ang least efficient naman ay ihahaing bigyan ng tax sanction o parusa. Haha, nosebleed ba? Oo, pati ako, na-nosebleed as in.. Nahilo ako sa dami ng charts and graphs at sa mga pakahulugan ng matrix-matrix, hihi… Anyway, ang natatandaan ko, ang conclusion, huwag bigyan ng sanction kundi incentives – ang manufacturers (or industrial consumers of flour) na may kakayahang sumunod sa nilalayong patakaran. Higit pa, gawing voluntary lang at hindi mandatory ang compliance o pagsunod. Haha, ang bait ba? ^^

image of wheat plant and grains, and of wheat flour

Ang harina ay galing sa trigo, isang damong hindi angkop sa klima ng Pilipinas/ howisitmade.org

 

Sa post na Bago Makapag-ani, sulating nagtalakay ng requirements sa rice production sa community level, ginamit ang ilang impormasyong galing sa nasabing study ukol sa harina. Bale, may bahagi ng post na nagpaliwanag bakit hindi kakayanin ng Pilipinas na mag-shift sa pandesal ang agahan ng mas nakararami – mula sa kinasanayang kanin sa almusal. Hindi lamang dahil mahal na rin ang pandesal at karamihan sa mga tao ay kulang o walang pambili nito, kundi kahit mayroon pang pera o pambili, hindi kakayanin ng kasalukuyang suppliers ang ganoon kalaking increase in aggregate demand. Sa post, ikinwentong ang harina ay galing sa trigo at itong huli ay hindi itinatanim sa Pilipinas. Ipinaliwanag ding isang dosena lamang ang kompanyang importers ng wheat at tanging may kakayahang mag-refine ng trigo upang gawing harina – para sa buong bansa.

image of palay plants with grains not yet ready for harvest

Ang palay ay isang tipo ng damong namumunga at nakakain/ agriculture-ph.com

Huling quarter ng 2010 isinulat ang Bago Makapag-ani, panahong tinatayang may padating na rice shortage. Nais ng post na mag-ambag ng kaunti sa diskursong developing pa lamang ng time na iyon. Sa sulatin ay hiniling na tingnan sana natin ang kanayunan, lampas sa karaniwang niro-romanticize natin ang luntiang bukirin, sariwang hangin at pagkain at ang simpleng pamumuhay ng mga tao sa nayon. Sinasabi sa panulat na may kagutuman sa kanayunan, sapagkat marami sa mga pamayanang pansakahan ay nawala o dumausdos na ang pansariling kakayahang tugunan ang food security. Ipinahihiwatig din – gawing robust muli ang palay production, dahil naroroon ang pag-asang maibalik ang kalusugan ng mga taong rural, ang dangal ng pagtatanim at ang kasiglahan ng nayon sa pangkalahatan.

image of unmilled palay in a warehouse

Magkaugnay ang panloob na kakayahang magtanim at mag-ani ng palay ng isang bansa sa dami ng bigas na aangkatin para sa taon/ businessmirror.com.ph

In several ways, DPSA was also an attempt to localize the seemingly complicated sets of information about national policies and world developments. Sa munti at alam na paraan, nais sana roong gawing kayang nguyain ang mga malalaki at tila malalayong usapin, ngunit may kaugnayan sa rural, maliliit at pang-araw-araw na mga buhay. Mahahaba, seryoso at tila impersonal ang marami sa posts sa DPSA. Bibihira itong nagtatalakay ng personal issues and developments sa buhay ng blogger sa maiiksi, magagaan at casual na paraan, ang karaniwang format ng mas maraming sites. Ipagpaumanhin ninyo, mga kapatid, ang take ng inyong lingkod sa usapin – sulatin ng blogger kung alin ang mga paksang malapit sa kanyang loob, kayang isulat at ibahagi sa interesting na paraan at maging mindful sa target audience ng blog. Sa wari ay naging matapat kahit paano, sa ganitong frame ang DPSA.

Sa isang banda, kung ang blog ay personal na account, personal na pagtingin ng blogger, personal rin siguro ang DPSA… Bukod sa nile-lecture-an ko roon freely, haha, but indirectly ang mga pamangkin ko, doon ko rin ipinapakilala ang sarili sa mismong mga kapatid. Siyanga pala, for most of our lives, hindi ko nakasama ang aking mga kapatid, ayon… Magkakahiwalay kami noon dahil sa pag-aaral at dahil sa kahirapan ng buhay, hanggang sa halos lahat sila ay nagsipag-asawa na. Sa kalakhan, masasabi kong hindi alam ng sarili kong mga kapatid kung ano ang aking mga ginawa sa buhay-buhay, kinahiligan, binasa at lalo na ang mga sinulat, sa maraming taong nagdaan. Sa blog ako nagpapakilala sa kanila, on the slim chance na isang araw, babasahin sa kanila ng mga pamangkin ko ang entries sa DPSA.

Sa mga nagbasa at sumubaybay sa DPSA, maaring inakala ninyong simpleng recall ng better days ang mga sulatin doon. Hindi ko iaalis, maaari ngang yaon ang maging impression, lalo na kung sa unang basa. Karaniwan yata yaon, lalo pa sa mga kababayang doon din sa nayon nagmula ngunit nitong mga huling taon ay sa sentro o sa lungsod na naka-base – isipin ang the good, old days – noong isang panahong simple pa ang buhay at mga pangangailangan ng tao, pati mga kaligayahan, ‘ika nga… Sa isang banda, nag-effort din ang inyong lingkod na gawin ang mga sulating full of atmosphere at ma-recreate ang mood ng lipas nang panahon at sitwasyon, sa abot ng kaya.

Sa kabilang banda,  I wanted the readers to have a realistic but kind, second look at the countryside – ang makitang ang buhay sa bukid ay karugtong ng buhay sa lungsod at ang buhay noon, karugtong ng buhay sa ngayon…

 

image of milled rice grains

Tinatarget daw ng kasalukuyang gobyerno ang sufficiency sa bigas sa taong 2012/ talakayanatkalusugan.com

 

May isinulat sa site, Bakuran Natin ang pamagat, ukol sa mga alagang puno at mga tanim na halaman sa loob ng bakuran. Ang gusto ko sanang gawin, ipakita – paano ang domestication of plants, ang backyard farming na sinasabi at paano ang mismong lay-out ng bakuran (parang blueprint). In some ways, there I was really talking about a past gone by. Way of life pa ba ng mga tao ang may tanim na gulay sa gilid at likod ng bahay para pang-ayuda sa araw-araw na uulamin? Sa ilan-ilang upper middle class yata, advocates ng healthy and organic living, oo. Sa mga mahihirap, sa malalayong lugar din siguro… Pero doon sa amin mismo, isang farming community sa loob ng ng daang taon kung tutuusin, parang hindi na… At sa ganang akin, mainam para sa mga tao kung ang kagawian ng pagtatanim sa likod-bahay ay maibabalikboth on practical and normative considerations.

image of yerba buena plants

Maraming sakit at karamdaman ang nagagamot ng halamang yerba buena/ thebignm.net

Sa Bakuran Natin, tila isang imbentaryo ng mga tanim ang ginawa. May kwento roon – ukol sa medicinal plant corner ng bakuran. Hindi ko na talaga tanda ang mga iyon, ang tagal na rin… Nag-Google search sa gayon ang lola nyo – isa-isang tiningnan ang itsura ng acapulco, yerba buena, pansit-pansitan, aloe vera atbp. Nag- countercheck din sa sites na nag-e-specialize sa horticulture at sa medicinal plants. Sa dulo, nagtingin din ng ilang international conference papers, para mas precise, kumbaga. Siguro, sa mga nagbasa, parang recall lang ng lumang pamumuhay ang sulatin. Kasama na iyon, sabi ko nga. Pero ang nais  sana, maitsurahan ng mga pamangkin ko at ng ibang babasa na rin – gaano ka-dependent sa mga tanim na gulay at prutas ang buhay ng mga tao noon – namin mismo.

image of the green cicada and its dried skin nearby

Ang mga kuliglig ay nagpapalit ng balat kapag gumulang na at naluma ang dati/ pestcontrolrx.com

Sa post namang Sabado ng Kamusmusan, parang taxonomy ng mga hayop, ligaw na halaman at kulisap ang gustong ipakita. Tungkol ito sa weekends, noong kami ay maliliit pa at nais ilarawan sa sulatin ang isang panahong ang mga tao ay nabubuhay pa ng malapit sa kalikasan. Maraming mga kulisap ang extra sa post na iyon, ahaha. And I put in special care, sapagkat ang outdoor ng mga pamangkin, sa malls na… Wala na yata sa kanilang sa burol, sa parang, o sa gubat ang destinasyon, pag weekends. Kung ilang oras din sa pangkalahatan ang nagugol sa pagkukumpara ng cicadas – yayay, turukakak at kuliglig – habitats and habits nila. Natatandaan kong isinisingit-singit noon ang pagsasaliksik sa nasabing paksa, sa gitna ng ibang gawain at sulatin, ahaha. Ang baliw lang, kung titingnan…

Pero, enjoy gawin ang mga ganoon, as in… Natuwa ako, halimbawa, noong nagri-research sa bignay, isang currant na matatagpuan sa mga gulod, bangin at gubat at siyang bida sa childhood namin. Hindi namin kinakain noon ang bunga ng aratiles, kundi laruan lamang. Di tulad ng  bignay na sinasadya pa namin sa mga dahilig at liblib na lugar – dahil noo’y isa pa itong wild plant. Hindi sa gustong laitin ang aratiles bilang domesticated plant at sa gayo’y mas lame (maraming blog posts na ukol sa aratiles ang aking nabasa), hindi naman… Nais lamang marahil na ipinta ang richness ng surroundings sa kanayunan, 30 taon ang nakakaraan. Mas diversified talaga ang flora at fauna noon, di lang siguro doon sa amin, kundi sa kabuuan ng bansa…

image of bignay fruits

Maasim-asim ang bunga ng halamang bignay. Ginagawa ito noong suka. Ngayon ay itinatanim na rin ito sa bakuran at ginagawang alak/ pinoy-entrepreneur.com

 

Para sa mga pamangkin, gusto ko sanang ma-imbue sila ng sense of wonder and awe sa kalikasan kahit paano, na maipakita sa kanilang minsan – naging posible sa mga taong malalapit sa kanilang maranasan, malapitan at mahawakan ang mga hayop at halamang sa cable TV programs na lang nila napapanood at sa mga libro na lamang nila nababasa…   ^_^

May karugtong ito, mga kapatid, pag makahanap ako ng oras… Kumusta kayo? 😉

 

Doon Po sa Amin, balik-tanaw

 

Nasa ikatlong taon yata ako sa high school, noong unang dumating ang ideyang isulat ang kapaligiran, mga tao at pangyayari sa aming baryo. Lilipas pa pala ang 24 na taon bago iyon magkaroon ng katuparan kahit paano, sa pamamagitan ng mga sulatin sa Doon Po sa Amin (DPSA). Kung distansya ang isang malaking kailangan para makapagsulat, ang layo pala ng kinailangang tawirin para maisatitik ang mga batang karanasan. Ikalawang anibersaryo sana ng Doon Po sa Amin noong ika-27 ng Agosto, 2012… Sa totoo lang, nag-umpisa ang pagsusulat sa site sa kagustuhang magsulat ukol sa lokal na kakanin, bago itinuloy sa ideyang gawing balik-tanaw sa luma pang pamumuhay. Mula roon, nabuksan ang planong gawin itong isang full-pledge chronicle ng kanayunan sa ilang piling taon noong 80s.

 

image of two kids up on a tree

Isa sa aliwan ng mga bata sa nayon ay umakyat sa mga puno/ flickr.com

Matapos ang walong sulatin, ipinihit na nga ang site para sa isang mas seryosong pagtatala ng mga pangyayaring sa kalakhan ay lipas na, kung tutuusin. DPSA became a project on my part, to go back to the place I come from, kahit sa papel at sa panulat lamang. Bale, babyahe ako ng 26 hanggang 30 taon, para silipin ng minsan pa ang mga buhay at kagawian noon, sa dalawang magkatabing baryong sinilangan at nilakihan namin  ng mga kapatid, pinsan, kalaro at ko mismo. Ilalarawan ko ang mga pangyayari at bagay  noong isang panahong bata pa ang lola nyo at babagong nagkakabait, ‘ika nga… Ang tagal at ang layo na, it was an ambitious and crazy plan from the outset. Bakit? At, bakit pa? Para ano?

 

Ang setting ng DPSA ay malapit lang – sa Southern Tagalog kami. Wala na yatang tatlong oras ang byahe paparoon ngayon, mula sa Cubao. Dati, kalahating araw o higit pa ang gugulin para makarating sa lugar kung magbibyahe lang sa bus. Nitong mga nagdaang taon, may Calabarzon na at ang dami na ring express roadsHalos wala nang hirap para makabalik, physically. Nitong mga huli, mas madalas pag umuuwi kami, naka-pribadong sasakyan, mas mabilis pa. So, hindi sana problema, technically. Wala sanang issue – umuwi kung gusto at kung kailan magustuhan. Pwedeng punta at uwi rin uli agad. Balikan, sa loob ng isang araw…

 

image of dawn in a remote place in the Philippines

Tahimik at mahamog ang bukang-liwayway sa nayon/vapostoljr.multiply.com

 

Sabi ng isang Ate ko noong una nyang mabasa ang first batch ng posts sa DPSA, gusto ko lang daw sermunan ang mga pamangkin kong spoiled, mabababaw at matitigas ang mga ulo – hinahabol ko raw sa onlineIn a way, totoo naman. Para sa mga pamangkin ko nga ang DPSA… Gusto kong iguhit para sa kanila – anu-ano ang mayroon at anu-ano ang wala noong unang panahon – ’80s. Para malaman nila – saan galing ang kanilang mga magulang, ang mga kapatid ko… Iba na kasi ang kanilang naabutan – ibang kabuhayan, ibang buhay at ibang age, ‘ika nga. Lahat yata sila, ipinanganak na sa panahong  mayroon nang remote control. Isang pamangkin ko na lang yata ang nakaabot pa ng black and white na TV.

 

image of a creek in the Philippines

Nasa gawing itaas ng sapa sa may amin ang kuluong na kuhanan namin ng tubig-inumin noon/ michaelandemilie.blogspot.com

Ipinabasa ko rin ang early posts sa mas bata naming kapatid. Pinilit ko sya, kumbaga. Ang sabi nya pagkatapos, “I don’t know, sister. I’ve seen your other writings. You write better in English. At saka, ba’t gano’n ang topics mo? Dapat ‘yong masasaya. I don’t know…” Haha, hindi gaanong encouraging, di ba? Ang tinutukoy niya nga pala, ang posts tungkol sa tubig. Dalawa ang sinulat ko noon sa DPSA tungkol sa water source – ang kuluong, kuhanan namin noon ng tubig-inumin, nasa ibaba iyon ng bangin at ang isa pa – ang tunggaan, posong pampublikong igiban namin noon ng tubig panlaba, pampainom sa mga hayop, panghugas ng pinggan at pampaligo. Hayon… Ewan ko, pero parang ang gusto ni kapatid, mas cheerful and upbeat na topics

 

May isang classmate rin ako noong elementary na pinabasa ko ng early posts. Na-meet ko siya uli 2005, nang nag-reunion kami at siya ang ka-close ko noong elementary days – panahong tinatalakay sa DPSA. In a way, natutuwa itong kaibigan ko… Sabi nya sa email, mga bata pa lang daw kami, magaling na akong kumwento (Haha, di ko natatandaan. Ang alam ko, madada ako pero di ko alam kung mukhang kwento ba ang mga ‘yon). Sa kabilang banda, sabi nya, bakit kailangan ko pang balikan?  ”Tide na ang ginagamit ng mga tao roon ngayon, hindi na Superwheel, haha. ” Ang Superwheel, sikat na sabon dati, napakatapang ng amoy at sabong pangmahirap, sabihin na natin… So, in another way, indirectly, nasasaktan din si friendKailangan pa bang ungkatin gaano ka-backward ang pinagmulan? Sa kanya, kung maaari, huwag na lang…  ^^

Isa sa nauna kong posts, ang Sabong Mabaho – tungkol sa detergent bars na panlaba, panlinis, pansabon sa katawan namin noon at minsan, pag walang gugo, siya na rin naming pang-shampoo. Ang bawi, humor ang approach na ginamit sa sulatin. Pero siguro, dahil nakakabili na pare-pareho ng bath soap and shampoo noong time na isinulat, parang ang sakit nga rin namang alalahaning may isang panahong pare-pareho kayong amoy-sabong panlaba – mula sa suot na damit hanggang sa katawan at sa ulo. Noong nabuksan ang paksa sa isang usapan, ang isang kapatid ko, parang maiiyak. Hard times nga naman… Pero isinulat ko iyon, ako na ang pasaway.

 

image of women washing clothes in the river

Parang katulad sa larawan ang eksena namin noon maliban sa sa sapa, di sa ilog, kami naglalaba gamit ay sabong mabaho at palu-palo/ panoramio.com

 

Sa biglang-tingin, marahil, tama nga sila – para saan? Saka, ang layo na ng babalikan… Papaano lilikhain muli sa imahinasyon, isasatitik  sa papel at ititipa sa keyboard ang isang panahon at buhay na lipas na? Wika nga ng kapatid ko, parang ang daming effort na kailangan dyaan at masyadong belabored… Pero, iyon siguro ang point – may mga bagay na hindi madaling makuha, na kailangan pang paghirapan bago makamit o maabot. Siguro rin, may mga kailangang balikan para makatuloy sa susunod na pupuntahan – ng walang pagtutumpik-tumpik at kaba. To make peace with the past, in a sense.

Maari nga namang mahirap… Or, at least, matrabahong gawin… Pero, sa isang banda, ang proyekto ay pagkakataon para magamit ko ang relative na kasanayan at practice sa research. Ahaha, paano ba? Let’s say, advanced ng kaunti ang skill ng lola nyo, kesa sa mga karaniwang nagsasaliksik sa pamamagitan ng Google search. Parang ganito, mabilis na kaysa sa karaniwan ang kakayahan kong ma-access ang best materials (with fairly high degree of accuracy and aptness) sa isang paksa, gamit ang internet. Nauna ko baleng naintindihan (parang) ang research function ng internet, bago ang iba pa nitong gamit at kapakinabangan, kahit walang formal input or training sa search engine optimization(SEO). Ayon… ^^

 

Noong nag-umpisang magsulat sa blog, hot topic pa ang recession sa major economies at kinunsider kong magsulat tungkol sa nasabing paksa. Hifalutin, totoong nosebleed ? Totoo… Pinag-isipan, pero di ko ginawa… Ano ang karapatang magsalita sa world crisis, hindi naman ako authority? Isa pa, in recession din ang personal economics ko, mahirap na, ahaha… Ang unang naging attempt sa DPSA na mag-discuss sa usapang pangkabuhayan on a macro scale ay sa sanaysay ukol sa metric at sa English system at sa mga tradisyunal na panukat – dangkal, tumpok (ng kamatis) at kimis (ng sitaw). Sukatin Mo ang pamagat ng akda, isang pagtatangkang i-locate ang lagay ng Pilipinas – sa metriko ng sinasabing world standards sa trade and commerce.

 

Sa linya ng Social Sciences nga pala ang kurso ko, hindi Economics. Pero, may times dating rumaraket ako ng data gathering. Ano iyon, parang underground economy ng mga nagsusulat behind the scenes. Karaniwang  data about import and export sa different industries ang ipinapahanap – kukuhanin ang mga impormasyon sa NSO, hahanapin ang particulars sa SEC at pag minsan, may detalyeng kukunin sa BSP. Haha, coolBoring at kapagod na gawain, sa totoo lang – sinusuyod ang makakapal na libro, gano’n. Saliksik kung sa saliksik…. Larangan yaon ng mga timawang writers and researchersgaya ng lola nyo. ^^ Investors and consultants ang usual na nagpapahanap ng data, para i-determine ang viability ng bubuksan o isasarang negosyo.

May ilan akong kaibigang may grad studies sa Economics at ang iba sa mga lekat, may P.h. D. pa. Anyway, sa mga kwentuhan namin, natitilamsikan paminsan-minsan ng konti-konting alam ang lola nyo, ahaha. Pasaway ang role ko sa grupong iyon ng certified nosebleed people (Sila ‘yon, hindi ako, kung alam nyo lang…). Bunso ako sa grupo at kaisa-isa ring nagpaulit-ulit ng Algebra at Calculus  sa college, haha. Pag nagkikita-kita kami ng mga buwang at timang, sagot ko ang joke, whehehe… Sample? O, sige… “Tapos na sa usapang development or lack of? O, sya, proceed na tayo sa ills of society… ” Hala, natatawa sila, pasensya naman… Usapan at alaskahan iyon ng mga taong marereklamo, wala rin namang malinaw na naiaambag sa development ng bansa, ahaha. 😉

 

image of farmers removing insects from plants

May mga pananim sa bukid na sadyang pambenta/ thephilsouthangle.com

Ang exposure sa data gathering at ang impluwensya siguro nitong mga marurunong mag-crunch ng numbers, matatalas at malalandi ring mag-isip, ang ilan sa mga dahilan bakit fascinated ang lola nyo sa paksang balance of trade (BoT) ng isang bansa. Hala, nosebleed, may import and export receipts, ganyan… Inisip ko ring magsulat tungkol dyan mismo, ang ambisyosa lang… Pero wala ngang karapatan at gusto ko rin namang puntahan ng ibang bloggers ang site (lampas sa nang-iilang lang ng bloggers, haha). Ukol sa mga prutas at gulay na itinatanim para gawing kalakal at sa mga byaherong namimili at nagdadala sa mga iyon sa pamilihan, ang isa sa mga isinulat sa DPSA. Bentahe ng Nabebenta ang pamagat, ginawa para ilarawan ang cash crop farming sa munting pamayanan.

 

Haha, trade na rin kako iyon, sa maliitang scale nga lang… Trade nga naman, kung tutuusin. Sa kalakhan, ganoong klase ang agricultural trade na mayroon tayo sa Pilipinas… Kaysa sa mag-discuss na parang technocrat lang, hindi naman, baka kako mas magi kung illustrative ang handle sa usapin sa blog … Marami pating ibang taong mas gamay ang paksa, mas authoritative din bilang practitioners o experts at marami-rami na rin naman ang mga diskusyon – graduate school or conference papers – na nasa internet – uploaded and downloadable. At, siyempre, ang mga sulatin sa DPSA ay para sa mga pamangkin – di ko gaanong maisip na mae-engganyo sila sa babasahing may charts and graphs na hindi school assignments. Baka sa title pa lang, magsitakbuhan na sila, patatawarin. Ayon, parang case study and micro ang ginamit na approach sa Bentahe ng Nabebenta…

 

image of a young man watering the plots in the barrio

Walang irigasyon doon sa amin kaya pag walang ulan, kailangang diligan ang plots ng mga halaman/ article.wn.com

 

* May karugtong… 😉