Ang Kwento ni Eva

 

Hello, mga ka-blogs! Maligayang linggo ng Kwaresma sa mga kapatid na Katoliko and happy holidays sa mga kapatid na Islam at iba ang paniniwala… 🙂

 

Image of a woman in high heels, out to ply her night trade

Mahirap daw sabihin kung sino ang nagpuputa at ang hindi/ http://www.timeslive.co.za

Dahil sa Katolikong paniniwala, bida si Magdalena, ang prostitute na iniangat ni Jesus sa paningin ng mga tao noon, kwentuhan ko kayo ng bahagya tungkol kay Eva Peron. Siya ang naging pinakasikat na First Lady ng Argentina, ikalawang asawa ng dating presidenteng si Juan Peron.

 

Sa kasaysayan ng mundo, tatlo ang babaeng naging sikat dahil sa kanilang lavish na pamumuhay at pananamit – si Marie Antonette ng France, si Eva Peron ng Argentina and our very own, dyarann, si Imelda Marcos. 😉

Sila yaong mga asawa ng mga pinuno ng bansa, naniwalang bahagi ng kanilang papel bilang kilalang public figure ay ang mamuhay ng sagad sa luho – tungkulin raw nilang bigyan ng “escape” ang mga mga tao, lalo pa yaong mahihirap.

 

Image of a young Evita Duarte

Larawan ni Evita bago pa siya napangasawa ni Juan Peron/ commons.wikimedia.org

Anyway, si Eva ay panganay sa limang anak sa labas ni Don Juan Duarte. Parang iyong isa nating senior na Senator. Out of wedlock na anak ng mayaman, nakaranas ng discrimination at kahirapan early in life. Sabi, pag ganoon daw ang background ng isang tao, nagiging very driven, later in life… ^^

Ganoon ang nangyari kay Eva. Naglayas siya at 15, pumunta sa metropolis, sa Buenos Aires. Ito ang sentro ng cosmopolitan life sa South America noon. Si Eva ay isang aspiring actress at radio personality. Pero dahil mabangis ang lungsod, ang sabi ay kumabit at nanggamit raw muna ng marami-raming boyfriends si Eva, bago siya naka-break sa mundo ng radio, by her mid-20s.

 

 

Noong sila ay magkakilala, si Juan Peron ay 48 na, habang 24 pa lang noon si Eva. Isang dating middle level mitary officer si Peron at Minister of Labor noon. Sa isang gathering ng mga artista at radio personalities sa park, nagkakilala ang dalawa. Pinakasalan ni Peron si Eva nang sumunod na taon. Inasikaso raw at pinakialaman ni Evitang maiangat ang popularity ni Peron, sapat para makatakbo at manalo ang huli, bilang presidente ng Argentina.

 

Kapwa makisig ang mag-asawang Peron at bagay silang tingnan

Larawan ng Unang Pamilya ng Argentina sa isa sa mga pampublikong pagtitipon noong 1940s/ allwomenstalk.com

Passionate and combative – iyan ang description ng mga tao kay Eva. Ngunit maganda rin daw siya, maputi at totoong flawless, ahaha. Mahusay raw siyang mag-communicate sa mga karaniwang tao at ang main audience niya – ang “descamisados” or, the shirtless ones.

Masipag daw si Eva at sa kanyang efforts, well-attended parati ang mga assemblies at gatherings in support of Juan Peron. Kumbaga, siya ang nag-umpisa ng parang people power noong 1940s, panahong lugmok at lugami ang karamihan ng mga tao sa South America…

 

Sumikat ang Argentina sa international scene noong si Eva ang First Lady ng bansa. Mayroon siyang famous na paglalakbay, “Rainbow Tour,” kung saan nakipag-meet siya sa mga pinuno at dignitaries ng Europe, suot ay magagarbong damit – dinisenyo ng pinakasisikat na designers sa mundo.

Ang Evita ay Spanish dimunitive ng pangalang Eva, hiniling ni Evang iyon na lang ang itawag sa kanya ng mga tao. Siya ang isa sa pinakapopular na personality na nag-grace sa history ng Argentina. During her time, para siyang living legend – representative daw ng mga nag-umpisa sa ibabang umangat. Kung sa ngayon, maituturing si Evita na isang pop icon…

Mid-20s lamang si Evita nang maging first-lady. Bago pa siya mag-30, marami na ang kanyang na-accomplish, lalo pa sa itinayo niyang foundation.  Hindi siya well-liked sa high society ng Argentina, dala marahil ng kanyang background. Sabi rin, nakikiaalam daw siya  sa inner workings ng gobyerno ni Peron. Ang true-to-life fascination daw ni Evita ay si Che Guevarra – lider ng mga rebelde sa kapitbahay na bansa.

 

 

Sa musical movie na Evita ni John Lloyd Webber noong 1996, si Madonna ang gumanap na Evita at si Antonio Banderas naman, gumanap na Che Guevarra. Sa video na na-feature sa post na Mahalin, 32 noon si Evita, panahong nadiskubreng siya pala ay may cancer. Noon din niya nalaman – totoo pala siyang minahal ni Juan Peron, ang makisig na presidente ng Argentina.

 

Sabi ng iba, manggagamit daw na tao si Evita, kaya ang bilis niyang nakarating sa pinnacle ng success. Sabi pa ng iba, siya raw ang “pokpok” na pinakamataas ang narating sa buhay at sa gayon ay nakabili ng respectability sa mundo. Kung sikat si Evita noong nabubuhay pa, mas sumikat pa siya noong siya ay namatay na. Maski ang kasalukuyang presidente ng Argentina, na isa ring babae, bow rin sa mga na-accomplish ng “local girl done good” na si Evita.

Nagbilang raw ng mga naging kasintahan si Evita. Natuklasan naman niya ang kahulugan ng pag-ibig noong siya ay 32. Pumanaw siya noong 1952, sa edad na 33. Noon din naganap ang pinakamalaking funeral march sa kasaysayan ng bansang Argentina. 🙂

 

Larawan ng libing ng Unang Ginang ng Argentina na si Evita Peron, 1952

Si Evita Peron ang tanging Argentinian na nabigyan ng full state honors sa kanyang libing, kahit di siya presidente ng bansa/ http://www.fanpop.com

 

* Para sa live performance ni papah Antonio, please click here. Song performance, I mean… 😉 Kaho-holy Week lang, try nating magpakabait, hihi. 🙂

 

Advertisements

Mga Talunang Mandirigma: Mga Taya Para sa Bukas o Mga Bayaning Hindi Makikilala?

 

(Comment to CupNoodle’s post: Mga Mandirigma)

 

hello, Cup… natutuwa ako sa talas at pagkamalikhain ng iyong mga salitang habi na walang pangambang pumuri sa mga simulaing tingin ay marapat alayan ng mga taludtod … hinihingi ang iyong pasensya  at lalo, sa iyong mambabasa – isang milya ang inabot nireng comment … 🙂

 

lagi, marapat hangaan yaong mga may niyayakap na simulain – lalo silang laang magbuwis ng lakas, dunong at maging ng buhay para rito – maging sila man ay pinuno ng gangs na buong-tapang na binubuno ang bangis ng lungsod at mga elemento, yaong mga nagtataguyod ng sa paniniwala ay ancestral rights to a domain o, yaong nangangarap ng isang bansang nagkakaisa ang mamamayan tungo sa pambansang buhay na sumusulong at umuunlad,  kundi man napakasagana. saanmang grupo sila kabilang, tila isang version ng bukas ang kanilang itinataguyod… ^^

 

sa tao, wari ay hindi agad-agad dumarating ang puntong handa siyang ibigay ang lahat-lahat para sa inaasam na mithi. ito ay maihahalintulad sa pagkatagpo ng tunay na pag-ibig – handa ang umiibig na maglaan at magbubo. kahit pa, ang simulain ay posibleng mabigo… isa yata itong antas ng kamalayang hindi naaabot agad-agad at ng lahat… wari, may critical point para dumating dito ang isang tao – a certain maturity in life, experiences and perspective. ^^

 

maybe, just maybe, a point where he attains a certain commitment – yet also, a certain vulnerability – to go on ahead and fight it out. a matter of faith, as you put it… the attempt maybe crude and instinctive or maybe learned and sophisticated, maybe blinded or well-guided… ^^ it might end up in disgrace and shame, it may lead to death, or, it may indeed deliver the promised better future… nonetheless, a certain admiration maybe due those souls who endeavored to take the plunge and stake their lives and time for a cause they consider worthy – tumaya sila para sa hinaharap na kanilang nababanaag…

 

Image depicting a place where a soldier has fallen

May mga bumabagsak sa laban/ cpkake.deviantart.com

 

maari sigurong sabihin, in sweeping terms – all those who fight do so to assert their ideals of tomorrow – mga bagay na para bukas, kamo nga… engaging in a battle requires courage, ito man ay maliitang pagtatangka, hiwalay at di popular na initiative o bilang bahagi ng isang kilusang itinataguyod ng marami…

 

ang digmaang inilunsad sa napakatagal na panahon nina Francisco Dagohoy at Macario Sakay noon – nabibilang sa tinatatawag na millenarian movements – considered by most historians as crude, disparate, ill-equipped and their war objectives – hark back to a past and life of long ago (ibalik ang pre-colonial, tribal life and ways).

 

matatapang sila kung sa matatapang, matitikas at palaban… subalit kung susuriin, tila nakasulat na di magwawagi (pwedeng sandaling makatsamba) ang kanilang laban… ang papel ng mga munting kilusang nakipaghamok, gaya ng sa kanila, tila maa-appreciate lamang pag tiningnan ang kabuuang lakad ng pakikibaka ng mga Pilipino tungo sa pagbubuo ng bansa (collective journey of a people towards nationhood).

 

tila hindi instant ang pagbubuo ng nation…  isa itong prosesong pinapanday ng maraming shared pains, triumphs and challenges, over a long and considerable period, ng isang grupo ng tao that have chosen and continuously choose to live together – under one flag, one set of law, one leadership (pati one currency, haha) – with a common vision of tomorrow because they have spent and shared a common and cherished past… kung ibabalik natin sa halimbawa ng pag-ibig, nationhood is the marriage proper – each party must contribute consciously to make it work continuously. and, totoong binding, ahaha. 😉

 

i guess, guess lang, ha… the recent events in Sabah, point to certain important issues in Philippine history, sa nation-building natin… remember that Mindanao was never conquered by the colonizers (Spanish and American)?  while it can be said that most of the collective formations in the Southern parts then were either tribal (datus) or federative (sultanates) and nowhere near nationhood yet (in terms of scale, organization, machinery and scope) still – they remain potent yet unresolved parts of Philippine history… kumbaga, aborted ang organic formation ng social and political structures ng society natin, overtaken ng colonization by foreign entities na nations na, in the complete sense… sa gayon, paano at saan ilulugar sa present independent republic natin ang displaced elites of pre-colonial days?

 

there are several indications – medyo patchwork ang pagka-integrate ng Mindanao sa economic, political and social life ng bansa… over the decades, maraming stages ng pangungumbinsi, panggigyera and cooptation ang ginawa ng government national leadership sa Mindanao elites and people (na may kanya-kanyang ideologies, machineries and armed followings). in a way, kita – sa dami ng private armies, “small kingdoms” and cults doon… while the rest of the country carry on like we were a people united, solid and progressive – tuloy lang ang clan wars and seemingly pre-modern, if not, “tribal” mode of governance in certain parts of Mindanao… pasaway na opinyon, ipagpaumanhin… ^^

 

relatedly, kadikit pa rin (and more important) ang peace question sa South – bringing to the fold the armed groups that do not recognize the Philippine nation and the government’s mandate to govern the country… it appears that the Sabah event was precipitated by the developments (or lack of) in the economic and legal battle between and among parties (the lessor and the lessee) but fueled by “nationalistic” sentiments… things seem to have taken a new turn with the “invasion” and the resultant death toll that has gotten the governments (Phils and Malaysia) involved and has earned  the attention and concern of the world.

 

sa gayon, kung usaping nationhood and nationalism ang nasa dashboard – sentiments and welfare ng Sabah residents ang foremost consideration, palagay ko… sila ang mga nakatira sa isla, buhay nila ang nakasalang at kinabukasan nila at mga anak ang nagagambala at pwedeng tuluyang masira o mawala… i suppose, this must be seriously considered by the Filipino government, the Malaysian government and also, by us – mga nananalig na matapos ng may katarungan ang madudugong pangyayari…

 

wari, higit sa sentimyento ng mga kagyat na sumugod na contingents at kamag-anak (sabihin mang nakapanlulumo, nakakagalit at nakakaawa ang sinapit nila), higit sa sentimyento at palagay ng Filipinos na wala sa Sabah (kahit pa galit na galit sila/tayo sa manner and treatment of the Malaysian forces sa sultanate contingents) at, higit sa sentiments ng Malaysians na nagki-claim ng island (whether as a sovereign right or right bilang isang umuupa ng property).

 

ang mga nakatira sa Sabah rin ang magpapasya kung alin ang kinikilala nilang pamahalaan at bansang kinabibilangan – itinuturing ba nila ang sariling nasasakupan at tagasunod ng sultanate, ng bansang Pilipinas o ng Malaysia? sa aling  panig nila ibibigay ang kanilang loyalty at pagtalima, sakaling dumating sa puntong kailangan na nilang mag-armas to defend their homes? sa aling pwersa  sila papanig? … ^^

 

strictly speaking, ang Sabah island ay hindi  bahagi ng “claim” ng Pilipinas as sovereign territory ng bansa as provided for and contemplated in the UNCLOS. as I said, the issue appears to be a question of introducing amendments to a lease agreement that is apparently and in many senses, may merit(pagtataas ng upa o tuluyang pagbebenta ng oil-rich na isla). matatandaang ang upa sa isla magpahanggang-ngayon ay $1, 600 lamang kada taon, gapatak ng tunay na value ng ari-arian at mga kinikita ng Malaysia mula rito. ang nasabing halaga ay posibleng makatarungan at fair-market value noong huling dekada ng 19th century, panahong inumpisahan ang lease at panahon ding “potential” pa lamang ang langis at mga minerals na tinatayang mayroon ang isla. mahigit isang daang taon ang nakalipas at matapos ang bilyong dolyares nang kinita ng isla, outdated na at masyadong unfair ang lease agreement na tali pa sa mga lumang kalagayan at provisions.

 

it seems, ang Sabah question ay isang pribadong transaction na tila connected o nagmumukhang related sa “ancestral domains” question or territorial question ng bansa natin – in the sense na patuloy na ina-assert and unresolved sa kasaysayan ng Pilipinas – ang pwesto ng old sultanates at ang role nila sa current governance of the country… kumbaga at sa isang banda, may room para i-exploit ang questionable aspects ng authenticity and solidity ng nationhood ng Pilipinas – ang gray areas ng history ng bansa natin… sa munti kong palagay, diplomatic push, top level lawyering or intervention mula sa Phil. government ang reasonable na asahan at hilingin ng Sabah owners – hindi military support o pagtatanggol sa isang tila loosely planned military take-over of the island… ^^

 

kung kinikilala ng old sultanates ang leadership ng national government as a duly-constituted and rightful government of the Philippines, hiningi sana nila ang basbas at protection nito bago sumugod sa teritoryong ipinapa-lease nila… sa isang banda, habang leased pa ang isang property, hindi legal or moral or at the least, hindi magandang tingnan – biglang sugurin ang lugar at gambalain ang peace and quiet at buhay mismo – ng mga nakatira (na lahing Pilipino rin naman). kahit sabihin pang sultanate heirs ang rightful owner ng isla… ^^

 

tila walang solid arguments ang iba’t ibang camps against the sultanate’s ownership of the island. and, wala namang panig na nagko-contest nito actively prior to Sabah stand-off… ang  itinatanong – ang kawastuan ng biglaang pagtungo roon ng pwersang armado, tantamount to precipitating or starting a war between Phils and Malaysia.. ^^ in the first place, kung bahagi ng bansa ang old sultanates, bakit sila privately and independently armed – gayong di sila part ng country’s armed forces? 🙂 ang reason na nahahagilap – malaong hinayaan ng government natin – most of the clan chiefs and politicians in Mindanao, may kani-kaniyang army, may kakayahang maglunsad ng atake o pag-aaklas… ^^

 

against this backdrop, wari ay andiyan ang negligence o kahinaan ng Phil. government –  di nito natukoy ang temperature ng sultanate leadership pushing for and seeking the island lease(contract) amendment, gayundin ang level ng frustration and anticipation ng constituents and followers nila… na after decades of waiting, handa na pala sila – to act militarily – on their demands… to defy the odds, kahit pa may estimate naman siguro ang “mga mandirigma” at kanilang mga pinuno – ang liit ng tsansang manalo sa armed resolution of the issue…

 

conscious dapat ang gobyerno na “hot issue” ang usaping Sabah, that potentially it could erupt into an armed conflict and tempt both Philippines and Malaysia into a war or damage their diplomatic relations… and it did happen – with dire, bloody and explosive consequences… siguro, pagdamdam na rin ng ating gobyerno (na kinapos) — alam ng government national leadership — malaon nang sentimyento yaon ng mga elderly ng Mindanao at mga nasasakupan nila … ^^

 

sa isang banda, baka frustrated or desperate na ang sultanate heirs and followers – ipinangako na nila sa kanilang mga apo na isang araw, after decades of hoping, praying and wishing – maitataas ang upa sa isla o tuluyan na itong maibebenta sa Malaysia – sa maayos na presyo… sa gayon,  mai-enjoy or mari-regain na nila ang mas magandang kinabukasan at katatayuan sa lipunan. it must be remembered – sila ay old elites, proud clan and group and historically, kinilala sa mas luma pa nating lipunan at kinikilala pa sa mga lugar at pamayanang kanilang nasasakupan, magpahanggang ngayon… 🙂

 

kapatid, matatapang kung sa matatapang ang mga sumugod sa Sabah at pati ang mga naninindigan and holding their place doon. at lagi, nakapanghihinayang ang mga buhay na nangawala at posible pang mawala… hindi tinatawaran ang buhay at sakripisyo ng mga nagbuwis na at naniniwalang nasa katwiran ang simulaing kanilang ipinaglalaban at ng mga kasamahan nilang andyan pa at handa ring magbubo ng pawis at dugo. subalit, may mga pakikipaglaban at digmang hinog at mayroon ding hilaw pa… pag ang huli, alinman sa tingnan ang mga nag-alay  bilang collateral damage ng laban o unsung heroes of the struggle… 🙂

 

sa ngayon, wala tayong nararanasang open wars of aggression, maliban sa war threat na galing sa bansang Tsina kaugnay ng West Philippine Sea claim. wala ring domestic or internal war na tahasang humahati sa mga mamamayang Pilipino – maliban sa mahigit apat na dekadang gera ng kaliwang grupo at ng armado nitong yunit – ang NPA, ang dating MNLF na wari ay nanghina na at ang MILF na kasalukuyang nasa negotiating table, kaharap ng gobyerno at ang mga hiwalay na armadong grupo sa parteng Mindanao. perhaps, it can be said, walang gerang malapit at nakakaapekto sa pang-araw-araw na buhay ng karaniwang Pilipino sa kasalukuyan.

 

sa gayon, di kataka-taka, sakaling “romantic” ang dating ng expedition ng Sultanate forces na lumanding sa munting isla sa Sabah noong Pebrero. kung aalalahanin, Prinsipe ang tawag sa namuno ng expedition at ang panawagan nila ay pagbabalik  sa “glory days” ng kingdom, noong panahon pa ng Bornean trade. alalahaning lumipas pa ang dalawang linggo, bago sila in-assault ng Malaysian forces – wari, binigyan  ng bansang Malaysia ng palugit ang grupo at ang pamahalaan ng Pilipinas… may mga nagsasabi, naipit kapwa ang Malaysia at ang Pilipinas sa nangyari, sapagkat ang una ay instrumental sa ongoing peace talks ng gobyerno with the MILF. may mga nagsasabi rin, inakala ng Malaysia na dahil sa papel nila bilang broker sa ating domestic na usaping pangkapayapaan, matatabunan na ang issue ng “claim” sa Sabah.

 

maaring sabihin, may mga mandirigma at may mga mandirigma… warriors – mga sinanay, pinanday at sumalang sa digmaan at pagkapanalo ng pwersang kinabibilangan ay binigyan ng posisyon at rango sa pormal na military organization, duties and responsibilities , uniporme,  insignia at armas na issued ng pamahalaan, maging ang huli man ay munti o malaking kaharian sa isang lumang panahon o, makabago at hinalal na gobyerno sa kasalukuyang panahon… may mga mandirigma at sundalo ring pagkapanalo sa digma ay inagaw ang kapangyarihan mismo sa namumuno.  ang bayoneta o baril na dati nilang ginamit para ipagtanggol ang mga mamamayan ay kaparehong armas na ginamit din para ang mamamayan ay kanilang supilin at takutin – mga mandirigmang naging diktador… sa iba’t ibang panig at yugto, ang kasaysayan ay puno ng mga tulad nila … ^^

 

sa kabilang banda, may mga mandirigma ring bahagi ng mga di-nagtagumpay o nalupig na pwersa at sa gayon ay itinala ng kasaysayan bilang mga “rebelde” o “taong-labas.” mayroon ding napatay ang pinuno o nawalan ng command at sa gayon ay naitulak para maging upahang sundalo o “mercenaries” ng iba’t ibang pwersa at organisasyon. may mga muling bumalik sa kanilang hometowns upang doon mamuhay at sa huli ay makikilala bilang lasenggong war veterans. mayroon ding mga napapasama sa grupo ng pirates and brigands – noon man at ngayon… anupa at iba iba ang kapalaran ng mga “mandirigma,” matatapang at handang magsakripisyo – at one time or another – naging bahagi ng isang simulain at organisasyong may mithin at pangakong magandang bukas. ^^

 

maaaring sa mga kabataan, lalo pa sa mga di nakaranas ng gera, anumang paglaban – lalo pa pag handang mag-alay ng buhay ang mga kabahagi – kahanga-hanga at “noble” ang dating ng pagtatangka – sabihin mang ang mithiin ay tila isang amateurish at desperadong pagbabalik sa isang malayo ng nakalipas o isang rasyunal at pinag-isipang pag-aalay para sa isang dakilang pakikibakang may pangako ng mas makatarungan at mas masaganang bukas… ang Sabah “invasion” ay isang episode na magpapatunay – ang mga munting kaharian ng nakalipas ay maari pang mag-inflict ng damage sa “nations”  deemed and recognized, formally and at international level, to be settled and “homogeneous” republics.

 

sa ganang akin, mahirap sabihing ang biglaang pagsugod sa Sabah ay angkop, nasa lugar, pinaglimiang mabuti and, promoting nationalism and collective welfare of the Filipino people… kahit sa biglang tingin, maaring pagkamalan o ipagpalagay na ganoon ang mga bagay-bagay… ^^ kung may isa pang nabubuksan ang issue, bukod sa nanganganak ng maraming miron and instant, excited nationalists, ito marahil ay ang katotohanang fragile ang nationhood ng ating bansa at sa gawing Mindanao, tila malayo pa ang kapayapaan… kung ang nasabing pangyayari ang magbubukas ng pinto para masusing tingnan at resolbahin ang gray areas ng ating kasaysayan, baka sakali nga, ang mga nagsakripisyo at nag-alay sa Sabah nitong Pebrero at Marso, 2013 ay maituring na “mga taya para sa bukas.” 🙂

 

peace at pag-unawa sa lahat ng mga kababayang di kapareho ang saloobin at di-umaayon… 🙂 pasensya na sa pasaway at ubod ng habang opinyon, kapatid… salamat sa moving at romantic mong post at sa ibinigay mong pagkakataong magbahagi… 🙂  gandang araw, Cup. 

 

bokabolaryo, hwag nang isaulo…

 

Hello, mga ka-blogs! Walang mailagay, kaya post-post lang muna kunwari, ahaha… 😉

 

utak na sabaw – paboritong expression ng mga kabataang Pinoy nitong huling dalawang taon, madalas gamiting paglalarawan sa sarili matapos dumaan sa  pagsusulit. Sa English, addled brain – confused, muddled, jumbled or a mind without sense or order.

 

Image of a shrunk book depicting an addled brain from too uch reading

Ang utak raw ay naaalog na parang mga duhat sa loob ng garapon/ folksy.com

 

kainaman – expression para ipahayag ang isang bagay, kilos o pangyayari bilang sapat o sapat lamang. Sa English, ang eksaktong ibig sabihin ay just enough or just right.  Subalit, ngunit, datapwat, sa karaniwang paggamit nitong mga huling panahon at taon, ang pakahulugan nito ay nag-evolve na bilang labis o sobra sa nararapat. Sa gayon, kadalasang ang paggamit nito ay in an ironic sense

 

      kainaman ka – ibig sabihin, somosobra ka (tao ang tinutukoy). sa English, you’re too much…

      kainaman na – ibig sabihin, ang isang bagay o pangyayari ay somosobra sa inaasahan (bagay o sitwasyon ang tinutukoy). sa English, this is just too much

      kai-kainaman – ibig sabihin, sobra-sobra. sa English, more than what is necessary or called for; excessive.

 

Marahil, dapat tandaang ang karaniwang paggamit ng kainaman, madalas na magkahalong angal or objection, pagtanggap or acceptance at  pagkagiliw o fondness (kung tao ang tinutukoy). Tila ito ay isang pagtutol na may halong resignation. Kung bagay o pangyayari ang tinutukoy, ang paggamit nito ay pagre-rehistrong yaon ay di katanggap-tanggap, subalit tila wala nang magagawa…

Pansining ang paggamit ng nasabing expression ay nuanced at depende sa sitwasyon at takbo ng usapan ng magkausap. Halimbawa..

 

     kainaman ka! – kapag madiin at paasik ang pagkakasabi, ibig sabihin ay galit ang kausap at kaunti na lang ang natitira niyang pasensya…  🙂

 

paanhin? – pinaiksing, “Paano ang gagawin?” Sa English, “What to do?”. Na nangangahulugan, “There is nothing more we can do.”  Tila isa itong pagtatanggol sa kilos na sa tingin ay naaayon sa hinihingi ng sitwasyon. Maari ring sabihin, isang expression ng justification ng kilos o sabi, na may kasamang resignation.

 

Ito na lang muna, ka-blogs… Paanhin? Sabaw ang utak, recently. Kainaman na… 😉

 

River Flows In You by Lindsey Stirling : ala lang – pampatulog, hihi… 🙂