Usap-usap…

 

Hello, ka-blogs… Pasensya na, pansamantagal akong nawala at di na nakapagpaalam sa inyo. Na-injure ang kanang kamay ng lola nyo, ‘yon… Sa lahat ng pagkakasakit, ito ang di ko na-anticipate. Di ko naisip possibility na isang araw, mada-damage ang kamay, kanan pa, at mawawalan ng function. Kainaman na… Anyway, magaling na po. At sana, di na maulit, hakhak. Dumaan sa di ko mabuhat ang mug, di makapagsulat at masakit pag nagta-type, yon. Marunong pala akong magsulat using my left, haha, natutunan no’ng college, pag maraming kinokopya. Pero, ang hirap pa rin pala pag kanan na-damage. Parang naka-attach lang sa balikat ang isang kamay? Hihi. Pero walang gamit. Kakaibang experience…

Ay, sana andito pa rin kayo, ka-blogs at mambabasa. Salamat sa mga loyal na sumisilip at nagtitingin kung may update – na-miss ko kayo. Na-miss kong mag-blog at na-miss kong magbasa. Hindi rin ako masyadong nakabasa sa sites nyo, pasensya na. Ayoko masabik mag-blog habang disabled, hakhak. Pero, parang nakapahinga na rin and the time I was not here, generally productive. Sana okay kayo while I wasn’t around. Pasensya na talaga. Sus, di naman ako basta-basta aalis ng walang paalam, magpapaalam ako pag iiwan na blogging. Magpapaalam din, pag hihinto nang magsulat sa isang site, yon. Teka, nag-worry ba kayo? Natuwa yata kayo? Ehehe, kunwari, di ko narinig. Apir!

Salamat sa tatlong ka-blogs na sumulat at nangumusta, salamat sa concern nyo at pag-aalala. Sana, nasa maigi kayo… Salamat sa mga nag-iwan ng comment at nagtanong kung asan me, thank you. Salamat sa mga bumabalik, every so often, kahit walang bagong posts. Hindi naman nag-zero ang sites, thankfully… By the way, sa mga ka-blogs na nagpadala sa email ng posts para sa guest posting, salamat. Natutuwa ako sa inyo. Pasensya na sa delay, ha… Ilalathala na natin sila sa susunod. Salamat uli for obliging me. Open pa rin pala guest posting, sa mga ka-blog na nagnanais, pakipadala lamang sa email. ^_^

 

Nakakapanibagong bumalik, parang sanay na rin akong hindi blogging… Anyway, habang hinto sa pagba-blog, nasilip ko somehow ang mga nailathala. Marami-rami na pala naisulat, seryoso ang iba at mahahaba nga (!!!), compared sa usual blogs. Ay, I must have scared you, guys. Nalula siguro ang iba (o, ang marami? whehe) sa contents at nakomplikahan sa mga pinagsasabi … Tapos, yon, too well-structured daw ang mga sinulat. Gusto ko sanang magpaliwanag, isa-isahin sa inyo ang contexts ng posts, sabihin bakit at paano ko sila na-arrive at. Pero, may tags naman sila, andoon na subtexts.

Ayon, ituring nyo na lang, musings sila ng isang failing na ang eyesight, ahaha. Oo, yon. Ilang tumbling na lang, failing memory na rin lola nyo, hakhak. Malay nyo, may ilang mapupulot din sa mga pinagsasabi? Hoho. Marami sana akong gustong sabihin, mga gustong iwasto sa maling impressions, seemingly misplaced expectations, na-generate ng posts. Pero dati, may nagsabi sa akin, we hit the ground running daw. Wala raw room for false starts, walang excuses, walang alibis. Siguro nga… Thus, I won’t make any. Just be patient with me, pipol, and take the things I say at face value, ahaha. On the other hand, titingnan ko rin mga pwedeng gawin, para mas mapagaan at gawing mas madaling nguyain ang laman ng panulat. Titingnan ko…  Sa akin, blogging has enriched me, in many ways. And, most of you have been here with me. I thank you, sincerely. 🙂

 

 

Teka, parang ang drama naman nitong come back post. I’m baaack, yes. Pssst, kumusta kayo? 😉

 

bukas na pinto…

 

 

Maligayang araw ng mga puso. Para sa iyo, ang bukas na pinto ay… 😉

 

I-click ito para sa liriko ng awitin.

 

Para sa Minsa’y Naroroon

image of a house fence overlooking a mountain view

Tatawid ng mga bayan, ilog at mga bundok para makamit ang hangad/ http://www.123rf.com

 

 

 

 

 

 

 

Kung para sa pag-ibig, binagtas mo ang limang kilometro

Sa gitna ng ulan at mga paghuhuramento ng kulog

Nagngangalit ang langit, tila mga ulap, pinupunit

Sa maputik na daanan sa isang tagong kabukiran

Kung para sa pag-ibig, tinawid mo ang humuhugos na ilog

Patalun-talon sa mga higanteng batong-buhay

Umakyat ng tatlong bundok

Na nagwawalay sa bahay ng kanyang ama

Mula sa lansangang hintuan ng bus sa isang bayang patay

Kung para sa pag-ibig sa kanya, nagtiwala ka sa di-kilala

Lango sa tuba, siyang sa iyo ay naggiya

Nagbitbit ng iyong bag, kapalit ay munting salapi

Habang suot ng iyong mga kamay, sapatos na sapin

Noong isang hapon ng kawalang-katiyakan

Habang papagapang na ang gabi

At di mo alam kung may hahapunanin

(Kung wala, magpapalala sa asim ng sikmurang sadyang karamdaman)

Sino’ng makapagsasabi

Kung iyon ay katapangan o kawalan ng ingat? 

At hindi mo kayang kalasin

Tulad rin ng pagtandang di kayang pigilin

Ngumiti ka, talos ang pagpaparaya ng panahong nagpapalimot

Anuman yaong labas sa pag-ibig na pumukaw sa iyo

At sa bundok na niyayapakan ng iyong mga paa.

Nilupig ng ulan ang alikabok ng tag-araw

Malugod mong tinanggap maging ang pangangaligkig ng katawan

At kung saan ang hapong kalamna’y dapat mamahinga

At damhin ang kaigayahan

Ng isang larawang kalahati pa lamang ang hugis,

Ang diwa ay marapat na magpatuloy

Sundan ang katotohanan hanggang sa dulo ng bangin – at malaman:

Wala siya sa tahanan ng kanyang ama.

Ang umuugong at nag-aalburutong ulan

Marahil ang nagsabi sa iyo

Ang paghihintay ay mauuwi sa wala,

Subalit hinintay mo siya ng buong gabi.

Ang iyong nalinlang na paghahangad

Pinagkamalan ang bawat hampas ng ulan

Na tunog ng kanyang mga hakbang.

Sa dilim ng gabi, wari

Ay pagaspas yaon ng saya niyang basa ng tubig

Mula sa mga sangang ipinugong ng gabi

Ang pormal at malinaw ang matang kwago

Nag-anunsyo noong pagdatal ng sandali.

Naiwan kang tanging labi ng baga ng pangarap ang kapiling

Upang noo’y mabatid, kasabay ng ulan

Ang pagtatapos ng takas na tag-araw. 🙂

 

image of sun rising by early morn

Darating ang mga sinag ng umaga, matapos ang nagpupuyos na ulan ng gabi/ zzanyy.blogspot.com

 

 

 

 

 

 

 

 

– Ika- 4 ng Hunyo 2013

Salin ng tula, To One Who Was There

ng makata, Ginoong Anthony Tan

 

* Ang tula ay unang isinalin at inilathala ni thoughtpick o LJ de leon sa kanyang blog noong ika-9 ng Mayo 2013, may pamagat na Para sa Minsa’y Naroroon. Nabasa yaon ni ssa at hiniling niya kay ka-blog, ilathala rin sana niya ang orihinal na English version…

Nang mailathala ni ka-blog ang sipi ng To One Who Was There, nabasa ni ssa at naisipang gumawa rin ng sariling salin, hala pa… Nagawa naman (ang kopya ay nasa itaas). Ayon lang, ang layo sa ganda at husay ng original, ahihi. Paanong gagawin? 🙂

At, di hamak, mas mahusay ang salin ni ka-blog LJ. Mas maalam tumula ang ka-blog na ito sa ‘kin, sabihin ko sa inyo. Siya na ang nakakaalam – ano ang desire, hihihi. Di nga, pansinin at pagkumparahin ang dalawang translation, lalo sa bahaging pagaspas ng saya, ahihi.

Mas maganda ang kanyang salin. Mas alam niya, sya na… At kung tutuusin, iyon wari ang heart ng composition –  Paano ang pakiramdam ng isang naghahangad? Tila lahat ng bagay ay pumapatungkol sa iniibig. 😉

 

Maligayang Buwan ng Wika, mga kapatid, ka-blogs, kababayan… 🙂

 

 

 

Late daw sina Rizal

 

Hello, ka-blogs! Sabi ng isang ka-blog, nauubusan na raw sya ng paksang maiisulat sa blog, nagkukudkod na raw sya ng tutong, ahaha. Scraping the bottom of the barrel pala, in English ang blog nya, hihi… Sabagay, totoo ang sabi nya, hindi naman palaging may maiisulat. Minsan, marami man tayong gustong isulat, di natin alam ang handle na gagamitin sa kwento o istorya, paano iyon gagawing interesting at kapani-paniwala …

 

Image of a man whose head is at the bottom of the barrel

Nasasaid raw ang pinagkukunan ng isang lumilikha, hanap sa gilid-gilid at ila-ilalim/ http://www.forum.exscn.net

Sa kabilang banda, si ka-blog  itong mahusay mag-handle ng online conversations at magaling magkawing ng ligaw na impormasyon sa usapan, ahaha. Ang miscellaneous topics, naiuugnay nya ng maayos sa huntahan, hindi off… Maraming pumupunta sa site nya, nagkukwento at nagsi-share do’n ng opinyon, kabilang na ako, hihi… Masaya si ka-blog kakwentuhan, medyo strong ang opinions nya and pala-palagay. But then, graceful syang magdala ng palitan. Sya na… 🙂

 

So, naniniwala ba ako sa sabi nya, nagkukudkod na sya ng tutong o hindi? Ahaha, oo at hindi. Oo, kahit iyong mga nabibilang pa sa pinakamagagaling, dumarating din sa punto – nakakanto, nabubunggo at nauubusan… Si Truman Capote, mahusay na author, pagkaraming taon ng kanyang writer’s block… Si John Kennedy Toole, iisa ang naisulat na nobela (picaresque novel, parang Don Quixote de la Mancha), pagkatapos, nag-suicide na, di nga… 11 years later, inilimbag ang kaisa-isa niyang work. Nang sumunod na taon, nanalo iyon ng Pulitzer Prize for Fiction, ahaha. O, di ba? Kasama pala sa listahan ng modern classics ang kanyang nobela.

Hindi ko na sasabihing weird na tao ang mga nagsusulat, hihi. Alinman sa alam nyo na ‘yon, ayaw paniwalaan o ikinalulungkot, hala pa… Ay, mga kapatid, mahirap na. Sa panahon ngayon, uso ang ideya – ang isang writer ay well-adjusted, successful, popular at self-aware, ahaha. Bukod pa sa mataas ang sales ng kanyang mga libro, ahaha… Sa pagkaalam ko, iilan lang ang authors na nakaabot sa gano’n… Mas marami pa rin ang mga manunulat na gumapang muna sa lusak at gumagapang pa rin ang marami, ahaha. Saka na tayo magkwentuhan sa personal na paggapang sa lusak, ha… Hindi  pati ‘yon interesting basahin, asus…

 

Image of Rimbaud in teenage years

Sinuwag ni Rimbaud ang mga panuntunan sa lipunan at ini-stretch kung ano ang katanggap-tanggap at hindi/ superdemokraticos.com

Anyway, habang nasa paksa pa rin tayo ng ka-weirduhan ng mga manunulat, dapat yata isali si Arthur Rimbaud. Notable figure siya sa history of Literature, notorious… Katunayan, ilang pelikulang ang ginawa tungkol sa kanya – sa pinakahuli, si Lionardo DiCaprio ang bida. Total Eclipse pala ang pamagat… Si Rimbaud ay isang French libertine, restless na tao and bading, pero napakahusay magsulat… Unstable ang kanyang character, malimit magwala at yon, kawawa ang kanyang nanay… Paniniwala ni Rimbaud, para maging makata, kailangan sa ibabang ibaba ng existence – base, vile and low… Do’n sa movie, may linya, “I want the sun. I want the sun!” Emote na emote si Leonardo… 😉

 

Asan na nga tayo sa kwentuhan? Ahaha, kung nauubusan ba ng susulatin ang isang manunulat? Oo naman… Ayun, mahigpit ang impluwensya ni Rimbaud sa artists at manunulat ng sumunod na periods. Kabilang sa kanila sina Pablo Picasso, Dylan Thomas, Arthur Miller, at Jim Morrison. Medyo big time si Rimbaud… Pero, ang catch, mula 15 taon hanggang 20 lamang siya nagsulat. Pagdating ng 20, nagpaka-dekadente na lang siya at nagbyahe-byahe sa tatlong kontinente. Simula noon, writer’s block ang peg ng papansing manunulat… Napaka-non-traditional niya at kakaiba. Gayunpaman, tumatanaw ng utang na loob kay Arthur Rimbaud ang Symbolist, Dadaist and Surrealist movements. Siya na… 🙂

1854 to 1891 nabuhay si Rimbaud. Nagsulat siya, dalawang dekada matapos ang tinatawag na Romantic period sa kasaysayan ng Europa. Unconventional siyang tao, artistic to the core at kulang sa atensyon… Well, hindi loving ang household niya, maaga silang nilisan ng ama at very rigorous ang early education na kanyang natanggap. Infant terrible, kung tawagin siya sa saloons at receiving rooms sa Europe… Si Rimbaud ang totoong embodiment ng tinatawag na pasaway. Hindi lang niya binali ang values ng lipunan noon, dinuraan pa niya at inihian – literally and figuratively. Sinukahan at sinuway niya ang mga alituntunin ng respectable societies. Ayon, maaga siyang namatay… Pero, sabi, siya raw itong manunulat na nangahas i-explore ang romanticism – to its logical conclusion…

 

Image of the Philippine national hero, Dr. Jose Rizal

Galing sa nakakaangat na pamilya, ipinadala si Rizal sa Europa para makapag-aral muli/ en.wikipedia.org

Si-segwey pala muna sa mismong paksa, ahihi… Sina Jose Rizal and contemporaries, nasa Europe ng 1880’s, panahong nasa Africa si Rimbaud, ahaha. Kung papansinin, Romantic and Nationalist movements ang impluwensyang nasagap nina Rizal noon. Sila na ang tambay sa saloons at cafes – sa Madrid, Paris, Brussels, at Berlin – sila na… Pero, yun, late ang philosophical thoughts na na-absorb nila, ahaha. 1850, bago ipanganak si Rizal, demise na ng Romantic movement sa Europa at lumang ideya na noon ang Nationalism. Ahaha, luma, in the sense, hindi na leading philosophical thoughts, kumbaga… Early Realism na ang trending that time – sina Stendhal (sumulat ng The Red and the Black) at ang painter na si Goya ang leading advocates…

 

Well, maaring sabihin – relevant and applicable pa sa pinanggalingan nina Rizal, Lopez-Jaena at del Pilar ang nationalistic ideals noon… Pero sa Europa, declining in popularity na ang thoughts espoused by Johann Wolfgang von Goethe, Jean Jacques Rousseau (Pre-Romanticism philosopher, playwright and musician), Madame de Stael, William Wordsworth, Nathaniel Hawthorne, Edgar Allan Poe at Richard Strauss (musician, late Romanticism). Sakali, maiging basahin ang libro ni Arthur Lovejoy, Essays in the History of Ideas… Maari ring tingnan ang sulatin ni Isaiah Berlin, Against the Current: Essays in the History of Ideas… Ang Romanticism as a movement – sa sining, musika at pilosopiya – ang diin ay sa personal na boses ng naghahayag. Isa itong pagri-rebelde sa “rationality” or “reason” ng naunang panahon, Age of Enlightenment. Ayon, late sina Rizal:  Wala pa noong Twitter. 😉

 

Caspar Friedrich's Wandered Above the Sea of Fog

Pagbabalik sa kalikasan at pagkatagpo ng pag-ibig, ilan sa laman ng pilosopiyang Romantiko/ en.wikipedia.org

 

Sooo, rumi-realism na noon ang Europa, nag-u-umpisa pa lang mag-aral ng Romanticism sina Rizal, shaks lang… At, formative stage pa lang noon ang counterpart nitong nationalist movement – sa grupo ng islang later, tatawaging Filipinas (later, later pa ang spelling na Pilipinas, with a P). Shaks, late tayo? Or, late ang representatives natin – sina Rizal? Kumpara sa Europe, oo… Pero sa Asia, tila ahead na… Si Mahatma Gandhi, lider ng nationalist movement sa India, kasabayang dekada ni Rizal nang ipinanganak – 1869. Pero ang “passive resistance” ni Gandhi, nag-umpisa lang ng 1915 – matapos ang matagal niyang pagtigil sa Africa, bilang licensed barrister sa London…

 

Image of Dr. Sun Yat-sen

Si Dr. Sun Yat-sen ang namuno para mabuo muli ang Tsinang pinaghati-hatian ng mga nanakop na bansa/sembury.weebly.com

Si Dr. Sun Yat- sen naman, nationalist leader, kinikilala bilang founder ng bansang Tsina (Republic of China), ipinanganak noong 1866… Naging magkaibigan daw sina Mariano Ponce at Sun Yat-sen sa Japan, by late 1890s. Tumulong pa si Dr. Sun sa laban ng mga Pilipino versus the Americans… Anti-imperialism ang peg nila noon, hihi. Pero, ang efforts for reunification of China ni Dr. Sun, magsisimula officially noong 1917 pa lamang… Kaya, in another sense, maaring sabihin, bandang 1890’s, trending na si Lolo Jose among intellectuals of the period, hihi… Bukod, sa kanyang pagiging Math wizard, polyglot, athlete at dashing debonaire (maayos lagi ang Amerikana at may bowler hat, haha) na mahusay mambola ng women and men admirers, ahihi…

 

Anyway, ang layo na ng tinakbo ng ating kwentuhan, pasensya na… Ang point yata, maraming pasaway sa mundo at buhay, ahaha. May mga manunulat at may artists, may kinilala at hindi, may maagang namatay at may nabuhay ng matagal (78 si Gandhi nang pumanaw). Ang usapan – kakayahang mag-break ng traditions and conventions ng mga manlilikha ng sining and philosophers. Karaniwan, may tinatawag na classicists – nag-aral, nagsanay at sumunod sa klasikong turo… Mayroon ding trendsetters and original na mga nilalang… May classicists na katagalan, naging mga rebelde. Halimbawa, si Oscar Wilde, parang sina Rizal, nag-umpisa as a classicist. Kilala siya bilang Irish playwright, notable sa kanyang wits and sarcasm at magarbong pananamit… Nag-asawa si Wilde at nagkaroon ng dalawang anak, bago nagkaroon ng homosexual affairs.

 

Image of Oscar Wilde

Makisig manamit at tanggap si Wilde sa alta sosyedad ng Europa/ http://www.peoplesniper.com

Pasaway at papansin si Wilde, pero well-received siya sa saloons noon. Mahilig siya sa luho at creature of comfort, sabi… Si Rimbaud na napag-usapan natin kanina, discredited saan man – sinasadya niya raw maging marumi at mababang tao. Curiously, tulad ni Rimbaud, hindi rin maganda ang ending ng buhay ni Wilde… Nakulong si Oscar and later, namatay na naghihikahos. Pareho sina Wilde at Rimbaud – trendsetter ng “avant-garde ” na sining at paniniwala. Kapwa sila malikhain at malalakas ang loob… Kay Rimbaud, tanging sa pag-disorganize ng self mapapalitaw ang tunay at lantay na sining. Kay Wilde – may duplicity ang tao, masakit ang katotohanan at marapat itong bihisan ng maganda. May pagkilala si Wilde sa conventions and respectability, si Rimbaud ay wala.

 

Sa usapang pag-i-scrape ng bottom of the barrel sa pagsusulat, marami sigurong matutunan kina Rimbaud at Wilde … Sa mga Pilipinong kinilala,  si Nick Joaquin ang isa sa mahusay na naglarawan sa “decadence.” Marami-rami ang naisulat niya sa paksa… Ano ang culture of decay? Bakit marami ang artists and writers na nabibighani rito? Sabi, hindi lamang daw sa tema at istilo ng pagsusulat, sa artworks, sa attitude at sa pananamit ang pagkabulok. Isa raw itong way of life… Ang lumilikha raw, darating sa punto – physically, intellectually and emotionally poor. Sayad na sayad siya sa sahig, gumagapang at walang-wala na… Sa ganoong kalagayan, doon daw lalabas ang individuality ng artist – resource, reserve and artistry niya – para makalikha ng magaganda, malikhain at orihinal.

Ka-blogs, bago ko pala makalimutan, ang major works ni Jose Rizal, Noli Mi Tangere at El Filibusterismo, romantic thoughts ang laman, yown… Doon inilagay ng ating Renaissance man ang mga natutunan niya sa pag-aaral, pakikisalamuha at pakikipagkwentuhan sa cafes at pati sa boudoirs. Ay, kasali ang boudoirs or private rooms learnings niya, ahihi… Alam nyo bakit? Sapagkat, ang romanticism as a philosophical thought, going back to man’s basic sentiments and feelings… Kaya, may trek back to nature (may eksenang ilog, di ba?) at maraming pag-explore sa senses sa mga nasabing akda, ahaha. Si Rizal, a man of reason, very celebral na tao – matapos mag- ikot sa cosmopolitan centers ng mundo – nagbabalik sa katutubo niyang lupa at inaalam ang kanyang mga sentimyento sa mga nobela niya. Noli Mi Tangere is about decadence, remember? 🙂 Hala, ang dami ng wento, susme.

 

Image of Noli and Fili, Rizal's major novels

Ang unang nobela ni Rizal ay ukol sa pagkabulok ng ating lipunan sa pagtatapos ng siglo/ http://www.tumblr.com

 

About 20 years ago, may mga nasalubong – mga taong Dadaists at Surrealists daw… Sa mas madali, Dadaism, yong art-art na may toilet, ahaha at ang Surrealism, yong dark-dark, mga sining na galing sa bangungot, yon yata… Ay, wala pa rin akong alam noon sa art-art, babago pa lang nagbabasa-basa ng Philosophy at nagtataka lang ako sa buhay ko – Bakit ang we-weird nila, ahaha… Matagal na rin, di ko na sila napagkikita… Nitong mga huling taon, ang  “unconventional” na lang na nasasalubong – mga taong mahihilig  sa reggae music, corn row ang hairdos  pag minsan, at mahihilig  sa surfing at usapang iskwater and pubhouse, hoho… Pero, parang malilinis at maseselan naman sila? Ahaha, artsy silang tao, though… Nag-iba na kaya ang philosophy of decadence? O, iba na rin pakahulugan dito sa ngayon? Naitatanong lang… 😉

 

Sa akin, parang matagal pa bago mauubusan ng paksa si ka-blog, ahaha. Hindi sa binobola  o pina-patronize ko sya. Mukha syang taong curious. Pag curious daw, hindi madaling maubusan ng creativity, sabi… Tapos, ang bata pa nya, parang ang layo pa sa end of her ropes, ang dami pa niyang pwedeng i-explore at tuklasin – sa blog man o hindi… 😉

 

Itinatala, para sa bukas

 

Sa blog, inilalagay natin ang mga tungkol sa kanina at kahapon. Iginuguhit natin at isinusulat ang mga pangyayari, ngayon. Para saan? Para sa mga babasa at titingin, mamaya at bukas.

 

We record things for posterity. Nasalubong nyo na ang huling salita? Future-oriented daw masyado ang mga tao sa kasalukuyan. Siyanga ba? 😉 Hala pa, maski saan na yata ako magpunta- may Ipad, Ipod, camera at cellphone akong nakikita  – parating may taong kumukuha ng larawan, may nagtatala…

 

Noong araw, ang mga nagtayo ng malalaki at matitibay na gusali at cathedrals, visionaries daw. Ang mga nagpundar daw naman ng villages, subdivisions at mga bayan, pioneers at mga haligi ng lipunan, sabi. Nakini-kinita raw nila ang pamayanan ng hinaharap… Iilan-ilan pa lang sila noon, iyon yata ang kaibahan…

Ngayon, wari, halos lahat yata, abala sa pagdo-dokumento, patatawarin. Masyado nga kayang mabilis ang mga nangyayari? Lahat nga kaya tayo, nag-i-struggle against impermanence? Mga makukulit na tanong lang…

 

 

O, baka, excited lang tayong gamitin ang fast and easy technologies ng makabagong panahon? Sabagay, natutuwa rin ako sa touch technology, ang bilis mag-turn, ahihi. Nakakapagtingin ako ng 30 pictures sa loob ng dalawang minuto, hahaha. Dati, bago bumukas ang isang picture, sooobrang tagal…

Hindi ako sure sa mga pinagsasabi ko, hehe. Malamang, na-trigger lang ang thought sa conversation naming magkakapatid, kagabi… Inire-reklamo sa ‘kin ni nakababatang kapatid ‘yong isang barkada ko no’ng college (na Facebook friend nya, haha). Itong ale, eventually, naging ka-close din ng ate namin. Kaharap din si ate kagabi, dalawa kaming tumatawa sa kwento.

 

Reklamo ni kapatid, “Uy, sabihan mo nga si ___. Every hour, nanghihingi sa akin ng life. Nasa meeting ako or may hinahabol na deadline, sa tuwing tutunog cellphone ko, request nya. Pambihira.” Usapang Candy Crush, hihi. Pinigil ko pagtawa ng malakas. Paminsan-minsan lang ako parang nakaka-isa kay kapatid, kagabi ang isa ro’n. 😉

May post sa DPSA, tungkol sa sabong – Manalo,Matalo. Itong si dabarkads nag-request no’n, naaalala nya raw ang Tatay nyang sabungero… Noong una, ayaw ko sanang magsulat ukol sa paksa. Naaasar ako, ang father namin, 2o years nang patay (the time na isinulat ang post), parating inuuna ang mga manok nya. Tapos, may kapatid rin kaming sabungero. Pero, pinagbigyan, kabarkada nga… Anyway, naaliw ako kagabi, hakhak.

 

Pero, dahil ang blog, naka-permalink at pwedeng mabasa sa hinaharap, di ko sure kung alin ang mas dapat kong ipag-alala –  mababasa ito ni kabarkada o ni kapatid?  Ay, bahala na bukas… 😉

 

 

Mga Karton at Kanta

 

Hello, ka-blogs!

 

Nasa high school ‘ata ang lola nyo noong malaman niya paano ginagawa ang mga palabas na cartoons. Na series pala iyon ng drowing tapos sina-shuffle para magmukhang gumagalaw sa screen, ahehe. Ay, siyempre, am talking analog technology pa, ha… Iba pag usapang digital na ang cartoons, computer manipulations na, ’empre… Pero, yun nga, noong malaman ko kung paano, medyo na-mesmerize ang lola nyo, hihi. Feeling ko, ang cool naman… 🙂

 

Image of a cartoon character shooting violently while Bugs Bunny watches on

Noon pa man, marami na ring karahasan sa mga palabas na cartoons/ http://www.modernmom.com

Anyway, may nabasa akong blog before, tungkol sa black humor. Tinatanong ni blogger bakit daw ang taas yata ng tolerance ng mga tao sa ngayon sa black humor – mga kartong ang inilalarawan ay karahasan, kalupitan at kaitiman ng budhi ng tao? Na kung tututuusin, sa totoong buhay daw, mari-repel tayo sa mga ganoon… Pero, dahil raw id-in-orowing o kaya, depicted in moving cartoons, para raw ang dali na lang tumawa para sa mga tao? Naalala ko tuloy, tuwa ako noon pag nasasaktan ang mga kaaway ni Bugs Bunny, hehe. Yong makulit na character do’n, sa segment na We and Them? Sari-sari – pamamaril sa kanya gamit ay bazooka gun, ginagawa syang bala ng kanyon at siyempre, inira-ram through the wall ang kawawang nilalang… Mas moderate na yata akong tao sa kasalukuyan, whehe. Pero, dumaan din sa sa ganoon. Kayo ba? 🙂

 

Noong bata pa, mahilig kaming manood ng Hans Christian Andersen creations, Popeye at Ghostbusters na cartoons. Tapos, noong tumanda na at sa city na naka-base, hayon, madalas manood ng Disney movies. Madalas, pag papipiliin ako ng papanoorin – movie acted by real people o yong sa Disney cartoons? Disney, siyempre… Tapos, nagri-rent pa dati, madalas, ng CD or DVD version ng pelikula. As in, di yata ako nagsasawang ulit-ulitin… Pag pupunta sa video shop tapos, wala pang bago, hihiram lang muna uli ng Disney movies, ahaha. Ganoon talaga, pasensya naman. Sa totoong buhay, di ako mahilig magbasa ng fantasy genre. Pero pag sa cartoons, okey na okey sa ‘kin. Ewan ko, siguro dahil nga cartoons at magaganda kadalasan ang soundtrack. Ayon… 😉

 

Anyway, di ba sa DPSA, may isinulat ang lola nyo before about colonization? Marami-rami na akong nabasa ukol sa paksa, sa eskwela at sariling initiative. Pero, pero, mas naintindihan ko sila noong napanood ko sa big screen, sa Disney movie, oo. Kaya share ko sa inyo ang isa sa mga paborito kong soundtracks, usapang colonized at colonizer, hihi… Tapos, yong isa pang d-in-iscuss rin sa blog ukol sa dynasty-dynasty? Di ba, sa World History sa high school natin yaon nasalubong? Yong tungkol sa Ming Dynasty, Han Dynasty, mga ganyan? Dahil sa Mulan at sa Kungfu Panda, mga cartoon movies, kaya na-make sense ang topic. Siguro, tinulungan ng movies na mabuo ang ideya para sa akin… 🙂

 

 

Eto pala ang movie version, sung by Judy Kuhn. Ito rin yong video na love ang  angle, whihihi. 😉 Siyanga pala, si Judy Kuhn ay isang Broadway artist. Ang kanyang version yata ng I Dreamed a Dream ang ginaya ni Anne Hathaway, para sa musical movie na Les Miserables (hindi ang kay Lea Salonga, paging Ricky Lo)… 😉

 

Ang taong nagdaan…

 

Hello, mga kapatid… Masaya at masaganang bagong taon sa ating lahat… 🙂 Sana ay mas mabait ang 2013. Pati tayo, sana mas magbait, hihihi. 😉

 

Image of children with horns, welcoming the coming new year in the Philippines

Sana ay puno ng kasiyahan ang papasok na taon… / remate.ph

 

Sa totoo lang, kabusyhan lahat at tanging yaong mga walang lovelife ang may pagkakataong umupo sa harap ng computer at mag-check ng mga kaganapan online, haha. Ang sama… 😉

 

Anyway, bago ako mag-pack ng mga gamit pauwi sa probinsya, naisip kong magta-type ng kung anu-ano muna, hihihi. Napansin ko, uso ang year-end assessments at mga listahan ng accomplishments and resolutions among bloggers. Ang siste, bibihira akong gumawa no’n pag katapusan o umpisa ng taon. Ewan ko ba, hindi ko nakasanayan… O, di kaya, ginagawa ko ang gayon sa ibang buwan at pagkakataon.

Pero dahil nakikigaya ako, e, di, gow! Para mas masaya pati, hahaha. Mahihirapan ako rito, pramis… Sobrang trying ang 2012 para sa akin. Actually, nagulat akong umabot din pala ako sa dulo, hahaha. Ganoon siya kahirap. Ang daming pagsubok, pahirap at pasakit, sabi nga… One of the haziest years sigurong napagdaanan ko, parang di talaga makita kung paano lalabas sa kinaroroonan. And for the most part, at kung paano rin ako nakilala ng marami – para raw laging may solusyong nahahanap – mabigat man o komplikado ang sitwasyon. Not in 2012, sadly… Na-survive din naman. Barely, hahaha. 😉

 

Somehow, nakatulong ang pagsusulat sa blogs. Dito ko naihinga kahit paano ang mga kinukuyom sa loob, ang mga di-mahuling pakiramdam at mga pag-iisip na hindi maibulalas sa kaharap o katabi. Dito ko rin nailagay ang pagka-malikhain, kahit papaano. Dati kasi, mayroon akong sports activities and creative endeavors palagi. Hindi sila mailugar nitong mga huling panahon. So, anuman ang creative at energetic kunwari na napapag-isipan ng lola nyo, sa blogs nailagay. In many ways, naging katuwang at kasama ang blog… And for that am thankful. Natutuwa akong di tumigil sa pagba-blog, kahit pa naisara noon ang DPSA.

Pero may mga napuntahan pa rin naman sa buong taon. Hindi nga yata pwedeng tumigil na lang ang buhay kahit pa puno ng lungkot at ligalig. Iikot pa rin ang mundo – kasama man ako o hindi… gugulong pa rin ang buhay. Tataas pa rin ang mga bilihin, maluluma pa rin ang mga gamit, magkakaroon uli ng bagong models ng gadgets – gustuhin ko man o hindi, may pambili man ako o wala, naiintindihan ko man ang sabi sa manual nito o hindi. Ang isang constant feature sa taon, isang madalas makapagpasaya sa akin – ang pangatlo naming apo sa pamangkin. Ayon, sya ‘yon… She never fails to bring us cheers and confusions, hehe. Makulit at malikot sya – buhay na laruan at pang-aliw namin sa pamilyang magulo, whehehe.

 

Anyway, saan-saan ba ako nagawi ng 2012?

 

Hongkong – Pumunta kami rito ni kapatid second week of February para maglaro sa Disneyland at gumala-gala, mag-sample-sample ng noodles at mag-picture-picture, hahaha. Ang lamig, tail-end pa no’n ng winter nila. Sa tuwing pabalik na kami sa hotel, parang refuge talaga ang tingin ko sa batcave namin, hihihi. Masasarap ang breakfasts namin doon, iyon ang isa sa naaalala ko sa trip na ‘yon. Cool rin ‘yong nakipagkita sa amin ang isang friend ni sister na Hongkong local, nakipag-dinner and coffee sya sa amin isang hapon. Tapos, ipinasyal nya kami nang gabi. Multi-lingual siyang bata and exposed sa iba’t ibang culture, pero ang simple at ang pleasant nyang kasama.

UP Fair – Parang tradisyon na sa amin ni kapatid na pumunta rito. Wala lang, nakasanayan na lang – makikinig sa mga banda, magri-reconnect sa mga kakilala, sa org mates at sa mga kaklaseng hiraman ng notes noong araw, hahaha. Hindi college friends ang kasama ko rito, usually, kundi friends ni kapatid. Bandang September to December pa kasi ang usual na pagkikita-kita namin ng college friends… Pag nag-u-UP Fair pala, pagkakataon na naming makabili ng anik-anik na matagal nang pinaghahanap, haha, at ng souvenirs and items na may tatak ng UP, haha. Loyal… Nananalo nga pala ako ro’n ng Angry Bird na lagayan ng cellphone, o, di ba? 😉

Bicol – Nakarating din ako for the first time, hahaha. Ang tagal nang ang daming nag-aaya sa aking pumunta pero parati akong nalalayuan. Ang unang beses, matagal na – para mamundok, hahaha. Hindi ako na-delight at na-excite sa prospect, na-frustrate ang unang pagkakataong makatuntong ng Bicol. Sumunod, ang father ng bayaw kong parati akong inaaya sa kanila – all expense paid, hihihi. Ayoko, nahihiya ako – hanggang sa pumanaw na sya…

Ang lahat ng sumunod pang imbitasyon, galing na sa politikong naka-trabaho ko  o sa kapamilya nila. Siyempre, nahihiya rin ang lola nyo – walang natuloy do’n. Itong huli, kaya na-engganyo ako, pumasok sa isip ko ang ideyang sumakay ng tren na pang-malayuan, haha, ang kulit. Ayon, di naman natuloy, nag-eroplano pa rin. Pero at least, natuloy ang pagkikita namin ng Mayon, ‘yong sabi ng titser namin noon sa NatSci – live, up close and life-size, ahaha.

Baguio – Bibihira ang taong hindi ako nagba-Baguio. Usually, work-related na mga lakad. Pero nitong mga huling taon, nadiskubre naming masarap mag-Baguio nang walang seminar o presentation, haha, kaya sinusubukan naming mag-Baguio pana-panahon na walang aasikasuhin at walang alalahanin – pasyal-pasyal, bili-bili at kain-kain lang. Ikot-ikot sa malamig na lugar para mag-chill at hindi maalaala ang mga suliraning di-natatapos.

Tagaytay – Sa isang taon, medyo madalas kaming mag-Tagaytay ng mga kapatid at pamangkin – weekend getaway type na lakad. Mas madalas, pag summer. Ginagawa namin ito pag may mga problemang pwede at kaya pang pag-usapan. Since ang pamilya namin madalas, may sangkatutak na ka-problemahan, every so often, magta-Tagaytay. Paliligawan ang mga bata roon para makapag-usap ang adults, over coffee. Siyempre, maraming picture-picture with the pamangkins and bonding-bonding sa kanila. Saka, dumadaan sa kainan ng bulalo at bilihan ng mga prutas.

 

Image of Taal lake in Southern Philippines

Kaiga-igaya lagi ang tanawin ang look ng Taal/ ilovegoingplaces.blogspot.com

 

Intramuros – Si kapatid, mahilig bumili ng coupons online – sari-sari, hahaha. Anyway, isa sa nabili nya, dinner sa isang kainan sa Intramuros. Ayon lang, ang hirap isingit at nakailang reset bago kami finally natuloy. Kasama namin ang nakatatandang kapatid – sisterly act, bale. The year before, may isang lakad na kaming parang ganito rin – dinner naman sa Intercon, masaya yon. Pinag-tripan namin ni Ate si nakababatang kapatid, hihihi. Curiously, wala kaming dala maski isang camera noon, kaya naging masaya ang nasabing lakad (feeling namin). Medyo masaya rin itong dinner sa Intramuros, ilang beses si kapatid naligaw-ligaw sa pagda-drive, hahaha. Nakapasyal tuloy kami sa Maynila and got reacquianted with the place, ‘ika nga. Hindi nag-tantrums si Ate, haha. Mahirap siya usually  i-please sa mga kainan, siya itong mahusay magluto…

Nasugbu, Batangas – Hahaha, ang layo nito pag sa Metro Manila manggagaling, mahigit isang oras pa, after ng Tagaytay. Long drive kung sa long drive, kainaman na. Pero, summer this year, sa kagustuhan naming maipasyal ng malayo si apo sa pamangkin, with matching swimming, ayon, balik kami ng Nasugbu (gaya ng nakaraang taon). Sulit naman, nag-enjoy naman ang bata… Iba nga naman ang ambiance – countryside na manicured ang grounds, haha. Siyempre, daan pa rin sa kainan ng bulalo, hahaha. Naligaw pa pabalik, ang saya lang. Iyon yata ang gabing kakaiba ang buwan, ayon…

Taylor Dayne concert – Sa MOA Arena ito ginanap. Magaling ang singer. Throw back to the 80s na concert artist si Taylor, pero mahusay pa rin syang kumanta at mag-perform. First time kong nakanood sa MOA arena pati…  Mas maganda pa ring arena ang Araneta Dome, para sa akin. Kailangan lang sigurong i-renovate, hahaha.

Thailand – Matagal na kaming may planong pumasyal sa Bangkok na madalas napo-postpone. This time, natuloy kaming pumunta. Yon lang, di sa Bangkok, kundi sa kalapit na mga lugar nito. Ang ganda… At least ako, nagandahan ako – parang Pilipinas na mas malinis at mas maayos, ang sama ko… 😉 Natuwa ako, mas mura ang mga bilihin nila roon kaysa sa atin at ang gagalang ng mga tao. Mas magaling tayong umintindi at magsalita ng English kesa sa Thais. Napansin ko, kamukha natin sila, pero mas malinis silang tingnan at mas polite, hihihi.

Tears for Fears concert – Ginanap ito shortly after ng pananalasa ng nagpi-feeling-feelingang bagyo na si Habagat. Late ako sa concert na ‘to at ang dahilan – di pa ako tapos magligpit ng mga kalat ng baha sa garahe, kainaman na. Galit na galit sa akin si sister, natapos na ang front act, wala pa rin sa Araneta ang beauty ng lola nyo… Feeling ko, lampas sa habambuhay dadalhin ni kapatid ang galit sa pagka-late kong ‘yon at nauunawaan ko naman sya. Ako nga naman ang dakilang fan ng Tears for Fears tapos ako pa itong si late? Naman… Anyway, naabutan ko pa rin ang first song nila, ang swerte lang…The concert was great! Ayon ‘yong concert na 10 minutes na yatang tapos, wala pang umaalis sa mga upuan at ang mga tao, hoping na baka pwede ang  paulit-ulit na extension, hahaha.

 

Anyway, hanggang dito na lang muna – baka sapakin nyo na ako sa haba ng kwento, hahaha. Ang last quarter ng taon, karamihan sa mga pinuntahan, mga kainan at pasyal pa rin… Malaki kasi kaming pamilya at malalaking tao rin (at least, malalapad at mabibilog) ang aking mga kapatid at pamangkin, hahaha. Madalas ang kainan sa amin and oftentimes, sa mga oka-okasyon kami nagkikita-kita. O, kaya, kanya-kanyang gawaan ng lakad para may excuse na maisama ang latest naming apo sa pamangkin, hihihi. Pag sinabing kasama si apo, ang dami lagi sa aming nagsisiratingan, haha.

Kilala nga pala ang Tears for Fears sa mga kanta nilang Shout, Sowing the Seeds of Love, Mad World at Everybody Wants to Rule the World. Ayon bale, staple ng 80s ang mga bandang Tears for Fears, The Police (at vocalist nitong si Sting) at pati na rin ang Chicago (at ang vocalist nitong si Peter Cetera). Bata ang lola nyo nang 80s at nag-teenager din sa dekadang yaan… May naisulat na nga pala ako dating sanaysay – Makulay at Madamdaming 80s – nauna pang naisulat kaysa sa Lumalakad ang Balita, isang sulating nailathala na sa DPSA. Hayaan nyo, pag nagka-time na mag-type at mag-edit, ilalathala ko rin ang nasabing essay dito sa SSA. Hopefully, makatulong itong maunawaan nyo ang laman at paraan ng aking pagsusulat, sakaling may interesado, ahehe… Medyo ganoon talaga ang 80s – ma-drama, ma-content at maligalig, ahaha. 😉

 

Sana, ang darating na taon, maging masagana at mabait sa atin. At sana rin, we will be stronger, if not wiser and fairer… Kablogs, wishing you all the best in 2013! 🙂 🙂 🙂

 

Image of a fruit tray for the new year

Nawa ay masagana at puno ng kulay ang darating na taon para sa atin/ blog.mangotours.com

 

Nakita mo na ba ang ulan?

 

Di nga, nakita mo na? O, basta yan ang tanong doon sa kantang narinig namin ni kapatid sa Sunset Cruise noong isang gabi. Kinakanta ni Manong Coast Guard habang patapos na ang dinner at pabalik na ang cruise sa Manila Bay. Sobrang natuwa si sister, isang dekada nya na atang di naririnig ang kanta. Noong una, aliw lang kami sa playlist, parang puro 70s music yata? Akala pa namin, record talaga. Shaks, si Manong pala – long playing songer sya, bale.

Ang mga natatandaan kong kinanta rin nya – Hotel California, Will You Still Love Me Tomorrow, mga sobrang lumang songs ni Barry Manilow at mga kantang alam ng mga ate namin, haha.  50s na nga pala ang aming mga ate. So, sure ako, 70s songs ang repertoire ni Manong Coast Guard, haha. Parang nag-time travel lang. Ayos naman syang kumanta, di naman masakit pakinggan. Nakakaaliw rin ang cruise, medyo mabagsik lang ang amoy ng madilim na tubig ng Manila Bay.

Doon pala pumupunta ang munting barko sa may bandang MOA, sa may ferris wheel. Bale, iyon pala ang highlight ng cruise, pag nasa MOA side na. Doon may view para sa picture-picture, haha. Huwag kayo, maganda kaya ro’n? Oo, simula noong madiskubre ko ang baywalk o promenade ng MOA mag-iisang taon na ang nakakaraan, naka-pitong punta na yata ako para manood doon ng sunset. Mag-isa lang, ay sus. Sa tuwing may kasama sa MOA, sa loob kami ng mall – sa kainan o sa Imax Theater. Wala akong kilalang singbaliw ko para mag-sunset viewing, as in… Basta ako, nagagandahan doon.

So, noong gabi ng cruise, namasdan ko ang MOA, not from the baywalk, kundi sa kabilang perspective, aliw. Kami ang nasa bay, minamasdan ang promenade at mga tao roon. Iba rin nga pala, tatanawin ang parehong eksena sa kabilang dako, kakatuwa… Doon pala kami sa taas na deck ng munting barko, para sa mga nagdi-date, haha. Medyo taka lang kami – ba’t ang mga mesa sa lower decks, siyang may linen habang  ang nasa upper deck na supposedly para sa nagdi-date,  hubad na monoblock tables and chairs lang? Siyempre, napansin ‘yon – kapansin-pansin, hihi.

Aliw pala ako lagi sa small boat ride, maski saan. Ang cruise ship ride, as in malaking barko, di masyado. Naiinip ako pag lumampas na sa tatlong oras ang paglalayag… O, basta, ang Manila Bay Sunset Cruise, ang istasyong sakayan, katabi lang ng pantalan ng Corregidor Cruise, sa may Folk Arts Theater. Pinoy menu pala ang dinner – may pansit bihon, haha. Happy! 😉

 

 

 

 

* Ka-blogs, may tanong pala ako – paano nagpapaliit ng You Tube attachment sa screen, sa post? Hindi ako marunong, pasensya na. Sana, may sumagot, hehe. And, salamat.

 

** Wala nga palang masyadong kinalaman ang kwento sa mga kanta, ahihi. Wala ring issue sa ulan. Basta, mabigat ang previous post, relax muna tayo ng konti… Magandang araw sa ating lahat! 🙂 😉

 

Katutubong Wika sa Katutubong Awit

 

Bilang pagpupugay sa buwan ng ating wika, nais ko sanang magsulat ng ukol sa ugnayan ng wika at pagkabansa, kung paano ang wika ay mahalagang instrumento sa pagbubuklod ng sambayanan at paanong kasabay itong umuunlad ng mamamayang binibigkis nito. Subalit, kulang ang panahon at mahirap pumalaot sa ganoong paksa ng walang pagsasaliksik.

Sa gayon at ipagpaumanhin ninyo, minarapat ko na lamang na ilarawan ang husay at ganda ng ating wika sa mga awitin ng tinaguriang Superstar ng pelikulang Pilipino na si Nora Aunor. Siyanga pala, sa kanyang boses at pagkanta siya unang tinanghal bago pa ang kung ilang dekada niyang pangunguna sa pinilakang tabing. Naririto ang tatlong awitin niya sa wikang sariling atin – Buhat, Ikaw at Dahil sa Iyo.

 

 

Ang buhat ay salitang Filipino na nangangahulugang umpisa nang o since sa English. Maaari rin namang ang ibig sabihin nito ay from.

 

Ang tulutan naman ay nangangahulugan sa English na to let or to allow.

 

 

 

Nora Aunor fan ba ang inyong lingkod? Hindi at oo. Hindi dahil noong teenager pa, karamihan sa mga napanood kong pelikula ay pinagbibidahan ni Vilma Santos, haha. Hindi rin niya ako solid fan, pero maraming pelikula ni Ate Vi ang napanood ko at medyo mas nasubaybayan ko rin kung paano siya gumulang bilang isang aktres. Sa kabilang banda, ilan lang ang pelikula ni Norang pinanood ko sa big screen –  The Real Life of Pacita M., Sidhi at Naglalayag. Ang iba pa tulad ng Himala, Minsan, May Isang Gamu-gamo at Bona ay napanood ko na lamang sa telebisyon.

Naikwento ko sa inyo sa isang lumang post na ang Inay namin ay mahusay kumanta at marami ang nagsasabing kaboses raw niya si Nora Aunor. Kaya hayon, lumaki kaming naririnig ang ina naming laging kumakanta ng mga kanta ng Superstar. Sa isip namin, magaling kumanta si La Aunor dahil halos lahat ng kanta niya, inaawit rin ng Inay, haha. Pero bilang aktres, hindi namin siya gaanong pinapanood. Siguro dahil karamihan ng tinatangkilik ng mga taong artista nang panahong iyon ay mapuputi, mga mestisa at mukhang mga taga-alta sosyedad, haha. Samantala, si Ate Guy naman ay maitim, pandak at baduy. Mukhang katutubong Pilipina, ‘ika nga… ^^

 

Pero noong 1991, nakapanood ako ng The Real Life of Pacita M. Ang M nga pala ay nangangahulugan ng Macaspac, apelyido ng karakter sa pelikula. Si Pacita M ay isang inang nagdurusa dahil ang anak niya (Lotlot de Leon) ay nakaratay dahil sa karamdaman. Walang gaanong dialogues ang pelikula at doon ko nasaksihan – ang husay nga palang gumanap ni Nora Aunor. Parang medyo nakanganga lang naman ako pagkalabas ko ng sinehan, hihi. Ganoon pala siya kagaling umarte, parang hindi umaarte maski kaunti. Iyon ay bukod sa ang husay pa niyang kumanta.

 

Nais ko nga palang pasalamatan ng lubos ang lahat ng kasamahang bloggers na masigla at bukas sa pusong lumahok sa pagsasalin sa Pilipino ng tulang Casting a Spell ni Elizabeth Jennings bilang pagtataguyod ng buwan ng wika noong nakaraang taon, sa luma pang site. Maraming maraming salamat, mga kapatid. Mabuhay kayo. 😉

 

Maligayang buwan ng wika sa ating lahat! 🙂