Kwentong Kantahan

 

Hello, ka-blogs! Happy summer…🙂

 

Image of a young girl singing heartily

Larawan ng isang batang babaeng masiglang kumakanta, may headset/ http://www.speechbuddy.com

Hala pa, maagang na-frustrate ang pangarap kong maging songer. Grade five, as in… Song leader ba namang naturingan sa klase namin, sa  first section, acheche…. Hala, dadalawa ang sections sa bawat grade. Aba, siyempre, sa first section ang lola nyo – doon sa munting mababang paaralan sa aming baryo.😉

Ang kwento, ganito… Problematic kami sa homefront nang kapanahunang iyon at mula sa pagiging bida at bibong mag-aaral the previous year, na-transform ang bata tungo sa isang morose na payating estudyante… Entonces, nang mag-election sa class, panay decline sa nominations ‘ata ang ginawa, ahaha… Ang friendly lang, yes.

E, di namroblema si titser-adviser dahil maski paano, running pa raw naman sa honor roll ang pasaway. Ay, computation nila ‘yon, hwag ako ang inyong tanungin…😉 Anyway, ang solution ni concerned teacher, in-appoint me as song leader. O, di ba, ang saya lang…. Shaks, ba’t tanda ko pa ‘to? Hahaha. O, basta, appointed post ang pagiging song leader. Nominal position, ako na ang may titular post, hakhak…

 

Anyway, ang munting suliranin do’n – ang song leader – makikipag-compete sa bayan, yown… Oo, kasabay ng isang major quiz bee. Oks lang naman dahil kasali pa rin me sa quiz bees, parang extra task lang ang pagkanta sa contest. After the quiz bee proper, singing competition na, paktay!

Cartoon image of children happily singing

Kartong larawan ng mga batang nagkakasiyahan habang nagkakantahan/ primetimeschools.com

Nasabi ko bang di kagandahan ang boses ko? Oo, yun nga… I mean, nakakanta naman, why not? Pero yon, do’n yon sa program-program naming magpipinsan – pag walang choice at may kamag-anak na dumating, kailangang aliwin, ahaha. O, kaya, pag maulan or sobrang init  – obligado kaming magkakapatid at magpipinsan – indoor lang ang mga laro at katuwaan.

E, di, kantahan… May I perform naman, oo. Si Olivia Newton John pa ang popular singer no’n, saka sina Elton John and Billy Joel. Tapos, sa local, sina Imelda Papin, Claire de la Fuente, Rico Puno at Rey Valera, ahaha. Paki-consult lang pala si Mr. Google, kung di nyo sila naabutan. Oo, kilala sila ni Wiki, pramis…😉

 

So, hindi sapat ang mga pagsasanay ng inyong abang lingkod para bumirit sa entablado ng pinakamalaking eskwelahan sa bayan, kainaman na. Sus, mga 30 principals lang naman ang nasa audience, hakhak, kasama ng 200 to 300 na participants sa quiz bee . Kayang-kaya, patatawarin… At, siyempre, may mic, hahaha.

Ayon, ang practices ng lola nyo, walang microphone, as in… So, ang lakas ng kabog ng dibdib noong mag-umpisa na si singing contest. May mic – God save me – di ko alam ang tunog ng sariling boses pag may mic na, susmaryosep… Eto pa, ang mga naunang tinawag, magagaling? Pambihira… Pambihira talaga, mukhang may mga boses sila at parang may nag-coach? What to do? Huwat?😉

Ang solusyon, dyaran… Ang solusyon, ipinakita ng mga nalagay sa bandang gitna ng patimpalak at ng iba pang gaya ko – pinalad na sa bandang dulo, ahaha. Hindi ang ibang contestants kumanta, yown… Noong tinawag ang kanilang pangalan, hindi sila umakyat ng entablado, ang saya… E, di, ako na ang original, errr, manggagaya pala, hihi – hindi rin me kumanta. Lost by default lang ang peg. May I decline the chance na makaawit ng may mic, ayon…

 

Cartoon image of a girl in colorful dress belting out a song

Belt it out, kiddo! / picornot.com

Isa lamang akong duwag, aaminin ko na, huhu… A, siyempre, pag-uwi sa sintang  paaralan, I lost face, true. Song leader na di kumanta? Naman… Ako na ang di nag-step up, ang di nag-rise to the occasion, ang di nag-deliver – ako na… Masisisi ba nila ako? Kasalanan ko bang kayhuhusay pala ng ibang contestants? Kasalanan ko bang di ko pinili ang magkalat sa entablado at sarilinin na lang ang kahihiyan? May pitch, tempo at range pala ang pagkanta, bukod sa may power dapat ang rendition, ahaha. Well, I found out too late…😉

Anyway, dinedma ko lang ang nasabing episode. Pinili kong kimkimin at itago, Ate Charo… hanggang sa ako ay makapagtapos at naging pang-anim din naman sa honor roll, ahihi. By that time, di na me concerned kung honor pa o hindi. Mas matatangkad pa sa akin ang kaproblemahan namin noon. Walang lugar maging bitter sa honor-honor… Anyway uli, ang nangyari, sa city me nag-high school, hakhak. Yun lang… Doon umangat uli ng slight ang pagtingin nila sa lola nyo, ahihi… Kunwari, big time, lampas sa bayan, hakhak.😉

 

That time, big deal na yon, doon sa amin… Akala ng taga-amin, pag sa city na tumira, nasasaiyo na ang lahat, hakhak. Di nila alam, tuyo pa rin ang ulam at madalas pa ring walang pamasahe, haha… Pero eto – naging member me ng choir noong high school. O, di ba? Parang masaya na sa akin yon. Parang I belong na rin? Tapos, may chance to rectify the mistakes of the past (song leader episode, hakhak) Ayon, aliw ako  sa choir… Una, nakakanta me nang di kailangang mag-solo. Tapos, may coach, ahihi. Na-enjoy ko ang parteng iyon ng high school, aliw…

Cartoon image of a young girl giving it all in her singing/ mainehumanities.org

Ang summa total, nag-improve ng bahagya ang pag-unawa ko (haha, sana nga) sa mga kanta, sa pag-awit at sa kalikasan ng himig, nyehehe. Na-appreciate ko rin ang kahalagahan ng tempo at ng pagsasanib ng iba’t ibang tinig o blending – para makagawa ng musikang kaaya-ayang pakinggan, yown… Saka, yun nga, ang pag-intindi at pag-internalize sa lyrics ng mga kanta. Ang malaman, through practice and exposure – instinctive ang music sa tao. May kung ano sa kanyang loob – sasabay, iindak at papalakpak – sa tinig at himig, humahalina at umuugnay sa kanyang pagkatao sa sandaling marinig.

 

Pag sa videoke, kulelat ako, as in… Ang resolution: maging tagapakinig, taga-palakpak at taga-kain na lang ng pulutan, ahaha. Maging appreciative sa mga taong marurunong talagang kumanta at totoong may karapatang humawak ng mikropono at bumirit. Maging butihing participant sa bonding sessions at huwag madala sa paanyayang umawit – pag biglang tinapatan ng mikropono sa mukha. Kumbaga, be kind… May kanya-kanyang talent at galing ang mga tao at sa pagkanta, di me nabiyayaan – saklap lang.  I can appreciate good music, iyan ang ibinubulong ko sa sarili. Pag minsan naman, parang totoo, ahaha.😉

 

Ang tagal na ng song leading event na yon, ang unang karuwagang nagawa ko sa buhay, ahaha… Sa choir ko nalaman – pang-second voice lang ang powers, ahihi. Paanhin? Sa isang banda, hindi naman negative ang epekto, hindi no’n nabawasan ang interest ko sa music. Baka nadagdagan pa, atsetse… Pag may susulatin, karaniwang nakikinig muna ng mga kanta at tugtog at do’n, nagkaka-ideya… Madalas din, nari-relax…  Sa pagsusulat, malaking bagay ang ma-relax bago pumalaot sa pag-iisip ng isusulat, oo. Panghuli, nakakagawa ng mga tula – galing sa mga awit na narinig. Which makes perfect sense, dahil noong araw – halos lahat ng kanta – nag-umpisa sa mga tulang nilapatan ng tunog at isinahimig.🙂

 

Image of a young girl singing and pointing to her audience

Ikanta mo ‘yan, madalas na sabi sa sarili/ http://www.nymetroparents.com

 

Hanggang dito na lang muna ang aking tsika sa inyo. Sa susunod…🙂

 

 

Ate San/

Sa Saliw ng Awit

Ika-7 ng Abril, 2013

 

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s