Personalan daw ang politika dito sa atin…

 

Ka-blogs, let’s talk shop. Let’s talk politics pala, hihi… 😉

 

Image of a candidate in the Philippines during a motorcade

Mas gusto nating mga Pinoy na nahahawakan at nakikita ng malapit ang ating mga opisyal/ dalje.com

Personalan daw ang politika dito sa atin. Hindi raw based on platforms or based on merits ang pagtakbo para sa isang posisyon. Hindi pa… Hindi rin daw nahahalal ang mga kandidato dahil sa husay nilang tumrabaho o sa pagkaka-kabisa nila sa mga lokal o pambansang isyu. Usually, name recall daw ng mga taong bumoboto sa pangalan ng politiko ang nagti-tip ng timbangan. So, alinman daw sa nananalo ang kandidato dahil sa luma, pero tanda pa ng mga tao ang apelyido niya  o ng Tatay niya o kaya – popular, charming at personalized ang kanyang dating sa mga tao, ahaha.  Kaya, na-coin ang term na PBA (politika, basketbol at artista) para ilarawan ang preoccupation o libangan ng mga tao rito sa atin. Ang political culture na rin, siguro…

 

Pero tingin ko, may dagdag na, nitong mga huling halalan. Naihahalal na rin pati ang mga dating rebeldeng military officials, ahaha. Naka-tatlo na tayo ng Senador na yaan ang background. Feeling ko, feeling lang, dahil may side tayong mga Pinoy na mahilig sa underdog – ang rebeldeng nag-mutiny at di-nagtagumpay, sa Senado ilagay (practice lang po sa rhyming, haha). On the other hand, parang hope for reforms rin siguro ang pagboto natin sa tulad nila. Sabagay, dati nga, may Senador tayong artista’t magsasabong ang background. Meron ding action star na pagiging action star lang talaga ang alam – may matanda at bata, ahaha. Sabagay, dito sa atin, marami ang artistang naihahalal sa pwesto. Kunsabagay, hawig naman ang politika at pag-a-artista –  kapwa sila pinilakang tabing. 😉

 

Ang ganitong  kalakaran, hindi raw unique sa atin… Sa Europe, ang kahawig natin ang politika, Italy. Ahaha, para ring dito – makukulay at characters ang mga politiko roon, mayroon ding backslapping na tinatawag at may backroom deals din,  ‘ika nga…  Sa Latin America, ang pinakakahawig naman sa politika  ng Pilipinas  – Mexico. Ang paliwanag yata – pareho tayo ng Mexicans na nasakop ng mga Espanyol sa matagal na panahon. So, para ring dito  – sa page one ng dyaryo nila – nakalagay kung ano ang kinain sa breakfast ng Presidente, sinu-sino ang mga bisita at kausap niya at, ano ang latest development sa kanyang lovelife, ahaha. Oks ba? May kapareho tayo, hehe.

 

Image of Philippine president, Noynoy Aquino

Mas komportable tayong alam natin ang mga detalye ng buhay ng public officials natin, maging ang kanyang lovelife/ http://www.philstar.com

 

Ayon nga, dapat unang ma-meet ng kandidato ang personal expectations ng constituents than the professional ones, hano?  Dapat maka-identify tayo sa kanyang itsura, background at pati tunog nya, hala pa. Pag hindi, malabo si aspiring politiciang mahalal at suportahan ng tao. Katunayan, karamihan sa nagiging Presidente natin, may itsura at makikisig, pramis. Ang exception lang yata rito ay ang dalawang babaeng Presidente at ang presidente sa kasalukuyan. Gusto natin, hanggang maari, presentable ang ating Presidente – pang-display, kumbaga. Hindi ko rin masyadong talos kung bakit. Importante siguro sa atin ang deportment ng isang public official. Mas maigi yata pati para sa botante sa atin  – bongga at extravagant ang pinuno. Or, at least, medyo kumukuti-kutitap. Tila gusto natin, bedazzling ang ating leader, ahaha.

 

Mga ka-blogs, kung hindi pa kumpleto ang listahan nyo ng 12 Senador, hihilingin ko – idagdag nyo sana si Risa Hontiveros. No. 13 na siya noong 2010 election, maigi at sinubukan nya uli ngayon. Kung tulad ng sabi sa surveys, di pa rin siya papasok sa Top 12, sayang naman. Baka bumalik uli siya sa private sector… Minsan lang may gaya ni Risa – knowledgable and articulate sa maraming  issues ng bansa, dedicated magtrabaho at concerned sa welfare ng kababaihan at mahihirap na nanay. Bibihira ang ganoon – may caliber and commitment. Yun lang, mestisa sya, hindi patok sa grassroots ang looks nya, kumbaga…

Si Risa ang isa sa kilala kong legislator na alam ang ins and outs ng tariffs, trade and agriculture issues ng Pilipinas, kabisado ang iba’t ibang panig at anggulo ng peace question ng bansa at maging ang defense and security question natin… 🙂 In public, mas nakilala sya dahil sa Reproductive Health issue, sa Generics Law at sa mga isyung karapatang pangkababaihan.

 

Kung mauupo si Risa sa Senado, malamang, considerably less ang oras at resources na gugulin nya para magpaganda, haha, compared sa ibang aspiring candidates  – ang taas ng chance na sa papogi at paganda mapupunta ang kanilang time and efforts… Matagal na rin si Risang nakikihalubilo sa urban poor leaders, nakikinig sa mga hinaing ng marginalized sectors at nakikipag-usap sa farmers and fisherfolks,  sa iba’t ibang probinsya… At ang notable sa kanya, listening type si Risa… Gracious na tao, if there is one. Sayang, kung hindi si Risa Hontiveros mahahalal… 🙂

 

Image of candidate for the Senate, Risa Hontiveros

Pag sa beauty pageant, sabi natin – beauty with substance. Pag sa public service, hindi?/ halalan.up.edu.ph

 

Ang trade, peace and defense issues ang posibleng kaharapin natin, in the coming years. Mas maigi kung may authority on the said issues na nasa Senado.

 

Ating tinuan ang pagboto para makapag-upo tayo ng matitinong opisyal, ahaha. 😉 Maraming salamat, ka-blogs. Happy holiday! 🙂

 

Sa sangandaan ng buhay

 

Sa sangandaan ng buhay

kita’y nagsalubong

Binati mo ako

ng tawang malutong.

 

image of a car in a crossroad

Sa sangandaan ng buhay, kita’y nagsalubong. Ikaw ay laging pasulong/ birchcreektrading.blogspot.com

 

Munting pangungumusta

buhay nasaan na?

Magkikita tayo muli

pupuntahan kita.

 

At ang mga munti mong kaway

tanong sa buhay-buhay

Ikinasiya kong tunay

tila baga, mga munting alay.

 

Tayo’y magtatawanan

magkukwentuhan

Malayo sa hinagap

isang araw – may iwanan.

 

image of a couple in deep embrace

May kakaibang lugod at saya ang magmahal at mahalin din/ bethtrissel.wordpress.com

 

At kung paglalayo

sing-ilap din ng pagtatagpo

Hindi akalain o kinuro

sandaling ikaw – maglalaho.

 

Ano nga ang sabi

ang dakilang aral?

Ang magmahal

ay para sa hangal.

 

Ang umasa ng kapalit

para lang sa iilan.

Hindi patas ang laban

kaya nga, may digmaan.

 

Tinatanong sa sarili

ang umasa ay anong silbi?

Babalik ba ang dati

ang doon ay paparini?

 

Itataboy na lang ng hangin

mga lungkot at panimdim

Tatanungin ang buwan

kung tunay ang damdamin.

 

Sa sangandaan ng buhay

kita’y nagsalubong

masigla ka’t parang pasulong

animo’y sasakyang de-gulong.

 

Maya-maya ika’y nagpaalam

mag-aayos kamo ng bubong

Dagli akong sumang-ayon

kahit  di pa naman – tag-ulan noon.

 

Image of two roads intersecting

Pagkakataon ang dahilan ng pagtatagpo. Pagkakataon din ang dahilan ng paglalayo?/ http://www.visualphotos.com

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sa sangandaan ng buhay

kita’y nagsalubong. 🙂