Point Zero

Kumusta, ka-blogs… Mag-iisang taon na yata akong wala, parang wala nang karapatang mangumusta, hehe. Basta, kumusta pa rin… Pasensya na, nagkasakit ako. Worst na pagkakasakit  ito, so far. Kamuntik na.  Anyway, buhay pa maski paano. Alam ko, bad timing, pasensya na. ..Walang kinalaman sa mga pangyayari rito sa blogging world ang pagkakasakit. Basta, hindi  absent dahil sa mga okrayan, owki? 🙂

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

O, sya, kukwento muna uli ang inyong lingkod para makabawi kahit paano…  Medyo matagal ko nang gustong isulat itong topic. Naaalala nyo, pag nagsusulat ang lola nyo sa English site, basta nagbanggit ng lugar sa sulatin, sinasabi rin gaano iyon kalayo sa capital? Halimbawa, sabi, ang Taal Basilica, 65 kms. South of Manila, ang Ilocos, 500 kms. North of Manila at ang Visayas region, 600kms. South of Manila. Hindi iyon para pa-nosebleed-in ang reader, hehe. Medyo ganoon daw pag pini-presume na foreigners ang magbabasa…

Ang premise, walang masyadong alam tungkol sa bansang dini-discuss ang readers. O, kung mayroon, konti lang… Halimbawa, very likely na capital lang ng Pilipinas ang alam nila. So, parang tuturuan ng nagsusulat, igi-giya niya ang reader, paano pumunta sa lugar na pinag-uusapan by saying how far the place is, from the country’s capital. Pag minsan, hindi lang kung North or South ang dapat ilagay – kailangan ding sabihin kung East or West. Iyon, ilalagay kung x  kms Northwest or x kms Southeast. Parang tinutulungan daw ang readers na maglakbay sa bansang ikinukwento? Parang ganoon…

Kung di gaanong pamilyar, basa kayo pag may time ng international page ng dyaryo. O, kaya ng Time magazine feature story, ganyan… Mapapansin nyo, kunwari ang ibinabalita sa article, tungkol sa isang bayan sa Peru… E, shaks na ‘yan, wala naman tayong gaanong alam about Peru except Machu Picchu, Incans at tortilla, haha. Puro dinig-dinig pa, kainaman na… I mean, wala naman tayong gaanong nasasalubong na Peruvian, di ba ga? Mexican, meron. O, kaya, movies about Colombian syndicates, haha. But not Peruvians… Mas sa History subject lang natin nasalubong ang Peru – ipina-memorize. O, alala nyo pa capital ng Peru? Korek, Lima! Lima na hindi five, hehe. Apir… 🙂

Anyway, pag nagbasa ng balita o article about isang bayan sa Peru, sa unahan, nakasulat agad ang Lima or ang major city ng bansa kung saan naka-base ang journalist na nagsulat. Makikita nyo, naka-enclose iyon sa parenthesis, bago mag-umpisa ang article…. Tapos, sa loob ng istorya, sasabihin kung ilang kilometro ang layo ng bayang pinag-uusapan  – ilang kilometro o milya mula sa country’s capital. Medyo ganoon… Para ring sa blog, bale tutulungan ang foreigner o isang di pamilyar na makalibot sa bansa, kahit sa pagbabasa lang… Mas mapupukaw daw ang interes ng bumabasa kung kayang i-locate ng isip or imagination nya ang lugar sa istorya o sa balita. Kahit pa, 5000 miles away siya, kung tutuusin…

E, asan ang Point Zero? Hihi, di nga… Aba, siyempre, dahil nasabi natin kung 65, 500 or 600 kilometers ang layo, ibig sabihin, may reference point – ang point zero. Pwera biro, may Point Zero talaga sa bawat bansa… Iyon ang umpisa, ang pinagsusukatan ng distance ng bawat lugar sa territory. Asan ito? Nasa Maynila? Sure? Final answer? Hihi, tama… Pero, asan sa Maynila? Nasaan sa Maynila ang Point Zero ng Pilipinas? Uy, totoong lugar ito, may marker at higit sa lahat, pwedeng puntahan… Ang Point Zero, mga kababayan, matatagpuan sa pinakatagong lugar na kung tawagin ay Luneta. Opo, andoon.  Malayo-layo sa giant statue ni Lapu-lapu, pero andoon sa parke. Kilometre Zero pala ang isa pang tawag, represented by Km 0, yon.

Actually, sa news and public affairs ng dalawang major TV stations, dalawang beses isang taon nila ipini-feature ang Point Zero. Hindi ko alam, baka mas madalas, pero twice a year ko lang natityempuhan… Basta, may reporter na pumupunta sa Luneta at ikinukwento kung ano halaga ng Point Zero sa buhay-buhay nating mga Pinoy.  Ngayon nyo lang narinig? Oks lang, kesa naman sa hindi nalaman… Tsaka ganito, pag nagbu-bus tayo papuntang probinsya, sa ticket natin, nakalagay ilang kilometro ang layo ng pupuntahan  – 80, 100 or 120 kms. ganyan… Oo, try nyong halughugin ang huling bus ticket, may kms talagang nakalagay ro’n. Sa Point Zero iyon ibinase. Hihi, aliw?  Ako man…

  • An odometer or odograph is an instrument that indicates distance traveled by a vehicle, such as a bicycle or      automobile. The device may be electronic, mechanical or a combination of the two. The word derives from the Greek  hodos (“path” or “gateway”) and metron (“measure”). In countries where imperial units or US customary units are used, it is sometimes called a mileometer or milometer.

–              From Wikipedia, the free encyclopedia

Sa highways natin, sa gitna or islands, usually may sementong markers. Nakalagay ro’n gaano na kalayo ang lakbay, gaano kalayo mula Point Zero. Observe nyo pag pa-probinsya, may mga nakausling semento every kilometer of the way. Anong relevance sa atin? A, e, try nyong maligaw sa lugar na di pa marked ang roads, haha… Di nga, pakiramdam, nasa kadawagan, parang nag-i-stretch sa magpakailanman. Sa una, masaya… Until napansin nyong ang lalayo na ng pagitan ng bahay-bahay at parang walang mga tao sa lugar? Sakaling walang signal ang cell phone, patay… You are lost, officially, hehe. O, basta, pag nangyari yaon, kalma lang at hanap ng tagaroong magtuturo paano bumalik, sa daang kokonekta na sa national highway. Tandaan, don’t panic. 🙂

Ang alam ko rin lang dati, saan ang stop-over ng bus … Tapos, yong green signboards sa tabing-daan – Sta. Rosa exit, Calamba exit, San Miguel exit, Norzagaray exit? E, basta, yong mga ganoon ang tinatandaan, lalo na noong bata pa. E, ganito … Sa amin, pa-Southern Tagalog, may about 20 years na naranasan, ang dalas masiraan ng bus pag pauwi. Nag-o-overheat daw ang makina, iyon usual na paliwanag. Tapos, ihihinto kayong mga pasahero sa shoulder ng highway, pababain lahat. Maghihintay ng susunod na bus from the same company… Pag swerte, 15 minutes lang, makakasakay na uli. Other times, mga dalawang oras, mukha nang campers ang passengers, may dumi-dumi sa tuhod at siko. Nalanghap nyo na lahat ng usok ng malalaking trak, haha. Tapos, ang init… Mainit usually sa gilid ng highway at walang nabibilhan ng tubig at tissue, ‘yon.

Pero dahil sa mga pagkaantalang ganoon sa byahe, doon ko napansin at na-appreciate ang markers sa highways. May sukat pala talaga, may indicators ang mga lugar…  Sa ganoon nalaman pangalan at approximate distance ng bayan-bayang dinaraanan. Siyanga pala, geodetic engineers daw ang nagsusukat at gumagawa ng markers sa daan. Isinusunod raw ang mga iyon sa international standards…

Anyway highway, basta sa mga naisulat na may kilometer ng lugar na nakalagay, hindi pampaarte yon sa panulat at di rin panakot, ahaha. Kumbaga, device yaon para gawing reader-friendly ang sulatin… Owki? Apir. 🙂

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ka-blogs, may sakit lang po ang lola nyo the last 10 months, kaya absent from the scene. Around the time na ini-edit huling post na 40km, masama na lagay… Hindi raw nagme-metabolize properly ang katawan at naapektuhan na ibang organs and functions. Kumbakit tumyempo sa kasagsagan ng kontrobersya dito sa blogging, di ko po masasagot. Ang alam ko, series of unfortunate events ang nangyari. Parang naka-quota na sa misfortunes ang blogger dito… Am sorry, di na nakabigay ng notice, lalo pa sa subscribers ng sites. Pasensya na… 🙂

Batid ko, hindi tumigil sa pang-ookray ang okrayers na tila baga pagkalaki ng kalaban, kailangang mai-bring down at all cost.  Am sorry, hindi po. Hindi po ako kalakihan o kalakasan, saan ba galing ang ideyang iyon… Sa pagkatanda ko, ang huling sinabi sa kilometric post, hindi ako maghahabla at tigilan na nila ang bullying para sila ay makapahinga. Tigilan na nila para hindi madagdagan ang guilt at paranoia sa mga nangyari. Ay sus, ito ngayon at tila ang intindi at pinalalabas pa rin, e, ihahabla ko sila? Mga kapatid, precisely kaya piniling huwag maghabla kahit pa may enough and valid reason to do so, e, para walang matakot – para wala ‘yong sinasabing chilling effect sa bloggers.

* Sa kabilang site po ilalathala ang karugtong nitong mensahe. Pakiabangan lamang sa darating na limang araw… Salamat. Sana kayo ay nasa mabuti… 🙂 🙂 🙂

  • Sa isang araw na ang pic for this post, ha… Nalimutan na ng blogger paano magkabit ng pics, hehehe.
Advertisements

panahon ng mahihinhin at magigiting

 

Ang panahon ng magigiting ay panahon din daw ng mahihinhin, sabi. Ang tinutukoy, ang chivalric era, mga kapatid… Sa panahon ng feudal or medieval times ipinanganak, nag-develop at lumaganap ang mga pagpapahalagang chivalric, sa Asya man o sa Europa. Tinangkilik ng maraming tao ang paniniwalang ito noong panahong tanggap na tanggap ang pandirigma bilang propesyon.

Marangal noon ang maging sundalo ng kilalang pinuno, angkan o hari. Sa nasabing panahon, class apart ang soldiers. Pagkakatapos ng digma, binibigyan sila ng pinagsisilbihan ng mga lupain at parangal at ng karapatang pumili ng babaeng makakasama sa buhay at magpamilya, kung nais.

 

image of the book cover of the book, Rethinking Chivalry and Courtly Love

Sa chivalric narrative, naiba ang imahe ng mandirigma bilang ruthless conqueror/ http://www.abc-clio.com

May history, pasensya naman… Usapang pag-ibig din ito, ka-blogs. 😉 Kunwari, may kasaysayan, history of courtly love… Anyway, feudal times, bago pa nagkaroon ng bansa-bansa, lahat ng nasasakupan ng feudal lord, pagmamay-ari niya. Ang mga lupain at teritoryong nasakop, mga hayop at pananim doon – kanya. Maging mga tao sa lugar, mga kapatid. Lalo na ang mga tao, ahaha. 🙂

Subjects, kung sila ay tawagin. Lalaki at babae, bata at matanda – pagmamay-ari sila noon ng lord ng lugar. Ang kalakaran sa Europa, sa daang taon, maaring sipingan ng panginoon ang lahat ng kababaihan sa distrito o probinsyang nasasakupan niya. Sa Asya, maaring mag-asawa ng marami ang hari at ang lords. Hindi naman nila inaasawa lahat, pumipili lang ng ilang dosena… 🙂

 

Sa mga pelikulang napapanood natin, karaniwan, sa gabi ng kasal ng nasasakupan, ang feudal lord muna ang sisiping sa bride. Pag sa ngayon, parang ang sakit pakinggan at tanggapin, para sa mga babae at maging sa mga lalaki… Pero, 400 taon, pabalik, ganoon ang umiral na kalakaran at paniniwala ng mga tao. Masaklap, sakali at tuwing maibigan ng lord ang isang babaeng may kasintahan na o asawa.

Masakit din sa pamilya, pag ang dalagita nila ay sapilitang kukunin para dalhin sa household ng feudal lord, bilang isa sa marami niyang asawa. Ngunit, tanging sa panggegera at pagpatay sa lord – maaring tumanggi o labanan ang kagustuhan ng panginoong nakakasakop. Hindi pa strictly monogamous ang pamilya ng naunang eras. Monogamous family as we know today, nitong mga huling centuries na lang na-institutionalized.

 

Anyway, kaiba sa karamihan ng mamamayan, soldiers ang unang nagkaroon ng karapatang magpamilya ng sarili at “ariin” exclusively ang asawa at mga anak na babae. Pribiliheyo iyon ng magigiting na sundalo – gantimpala sa kanila ng mga hari, lords at heneral – sa pagiging matapang nila sa digmaan. Ayon lang, madalas ay wala sila sa homefront, kundi nasa gera. Business nang mga kapanahunang iyon ang panlulusob, pasensya naman. 😉

 

Image of a brave knight in a meeting with a local peasant

Noon, inaasahang tapat ang asawang naiwan sa homefront, habang hinihikayat ang sundalong magkaroon ng affair sa bayang sinasakop/ http://www.medbherenn.com

The professional soldier was away most of the time – busy sa conquests.. Ang gera noon ay yaong naghaharap sa field ang magkatunggaling armies, hanggang magkaubusan ang mga panig. Tumatagal ng kung ilang taon o dekada, ang mga labanan at ang pagkalayo ng sundalo sa pamilya… Pinauso raw noon ang sinasabing chastity belt. Nagsisiguro lang daw. Kaysa naman, pag-uwi ng mga sundalo, ang kasintahan o asawa nila – asawa na pala ng iba… 🙂

 

Hala pa, basta, may mga pelikula at nobelang nagtatalakay nito… Sa atin, pag sinabing chivalric eradamsel-in-distress ang karaniwang naiisip – dilag na ililigtas ng prinsipeng makisig o ng mandirigmang matapang. Ayon lang, si aleng mahinhin ay nasa itaas ng tore o nasa isolated na palasyo (house arrest) o, nasa castle na pagkalayu-layo… Ay sus, kailangan pang labanan ng hero ang mga pirata, brigands at masasamang-loob – bago makarating sa tagong taguan ng dalagang marikit.

Pagdating ni ginoong matapang sa venue, mag-i-slay pa siya ng serpents, dragons, gargoyles na biglang nabuhay at iba pang kakaibang creatures – guarding the lady in isolation and insulation, hihi. Pero, huwag kayo, preserved ang beauty ng damsel – maski pa mga dayami, mga daga, suklay at salamin lang kasama niya sa tore. At ‘yon, siya ay kainaman ng hinhin… 😉

 

Ay, kung may Twitter na noon, sana, nai-Tweet niya location sa kanyang dashing savior, hihi. O, kung may Facebook sana, nakapag-network siya. After all, di madali ang maghintay ng kung ilang taon, cut off from the rest of the world… O, kung may blog na, naikwento sana nya updates – about cellmates nyang bubuwits. Ahihi, ang sama… 🙂

Anyway, mga kapatid, myth ang chivalric love. Legend… Kwento itong tinangkilik at pinalaganap ng marami at ipinasa sa mga henerasyon – hanggang sa naging larger than life na sa consciousness ng karamihan. Bawat isa yata sa atin, naanggihan nitong myth – sa mga usapan, sa ating mga nababasa at napapanood… Ang nasa likod nito, ang paniniwalang ang babae ay kailangan ng tagapagligtas – isang lalaking matapang sa labanan, pero gentleman. Yes. 😉

 

Image of lovers in an embrace during the feudal era

Sa pagtatagpo ng dalawa, maiwawaksi lahat ng dusa at pait ng mga nagdaang taon, sabi sa chivalric love/ http://www.pinterest.com

Sa mas modern interpretation ng chivalric myth, bored daw sa buhay nya ang babaeng single. Hindi madaling mabuhay sa inaaraw-araw – suklay ng suklay, abala sa pagtatago ng eyebags at pagtsi-check ng oiliness, ahihi. Samantala, ang lalaki raw namang single ay restless, dala ng sangkaterbang conquests na nilahukan, misadventures at mga paghimpil sa watering holes and brothels. Kailangan niya ng isang katuwang, magdo-domesticate sa kanya at magbibigay ng sense of home…

Sa pagtitiyap ng dalawa, maiiwasan nila ang bane of existencelikelihood na ang babae ay maging spinster at, ang lalaki ay maging lasenggong gala. Ayon lang, marapat nilang lampasan ang mga taon ng pagkainip at ang madudugong labanan – para ma-realize ang sitwasyong magsasalba sa kanila. Ang premise, temporarily dislodged itong select couple sa kanilang rightful place. Sa huli, ang pag-iibigan ang magbabalik sa dangal at lugar nila sa lipunan.

 

Sa chivalric love, virtues ang pagiging matapang at magiting ng lalaki at ang pagiging mahinhin at pasensyosa ng babae. Hindi sila pantay, sa totoo lang… Ang lalaki ay dapat experienced and been around… Matapang siya, pero  larawan ng disiplina at pagiging self-contained, sa harap ng babae. Sa kabilang banda, chaste and preserved dapat ang babae, inosente. Siya ay nasa pedestal, dugong-bughaw at mapino – ngunit kailangan pang kalagan at palayain…

Pre-Romantic era lumaganap ang chivalric love bilang mito – 11th and 12th centuries sa gitnang Europa – na-revive ng 14th century, na-carry over sa Napoleonic wars at may impluwensya pa rin, noong Digmaang Pandaigdig. Common connotation din – ang duel ng dalawang kampo o angkan – para isalba ang nakanti o nadungisang dangal o manly honor. O kaya, magdudwelo ang dalawang lalaki – para sa affection ng babaeng napupusuan. Ahihi, nakakahaba ito ng hair… 😉

 

Image of knights assembled before the famed round table

Daan taon na raw laganap ang chivalric myth, bago pa ang kwento ng round table ni King Arthur at kanyang knights/ http://www.spanishdict.com

 

Honor among men sa panahong wala sila sa battlefields, protection of the women and children (bilang mahihina) at courtly love o pagiging gentleman sa mga okasyon – core principles ng chivalry. Ito ay code of conduct ng mga sundalo during peacetimes – pag sila ay nasa korte ng hari o nasa villa (bigay ng hari o lord na pinagsisilbihan). Kung gaano kagigiting sa labanan ang mga piling mandirigma, siya namang bini ng kanilang kilos, in between wars…

 

Image of Anna and Count vronsky in Anna Karenina movie

Ang Anna Karenina ni Tolstoy ay set noong 1873, panahong ino-observe ang gallantry sa altasosyedad ng Russia. Ngunit, realism na ang take ng narrative ng nobela/ entertainmentrealm.com

Bilang kagawian – may rituals, weapons and tools na kasama – ang pagiging chivalric. May pokus din ang pagpapahalaga sa tindig at deportment – lalo pag ang soldier ay nasa mga pampublikong pagtitipon. Over the centuries, in-adopt ang chivalry bilang manners o refinements sa high society. Katagalan, nag-evolve na rin – from chivalry to gallantry…  At hindi na lamang sila kondukta ng  high officials ng digma – pati na rin ng mayayaman at mga may sinasabi…

 

Lumaganap ito  – sa elite circles, sa mga gitnang uri at hanggang sa ibaba… Sa ngayon, may mga pelikula, madungis at mababang klaseng tao ang bida, ngunit “gentleman” kumilos (may ganito rin tayong nasasalubong sa tunay na buhay). Mayroon din, babaeng pinagpasa-pasahan na raw ng mga lalaki sa pamayanan, pero sa kilos at attitude, siya ay “lady of the house.” Ang setting ay kadalasan sa isang rundown na pubhouse, sa isang di-kilalang bayan…

Marahil, ipinapakita ng mga ganitong likha – paano napa-popularize ang isang culture na dati, kalinangan at gawi lamang ng mga pili… Sa klasikong Panitikan pala, Don Quixote de la Mancha ang unang aklat na tumuligsa sa values ng chivalry, nalimbag noong 1603. Ang karakter daw ni Don Quixote at ng kanyang kabayo, parody ng mananakop… Ang akda ay satire sa Espanya, isa sa mga unang nasyon sa Europa. Kaaagaw pa lang noon ng Spain ng korona ng panggagahis – pagiging world power – mula sa bansang Portugal.

 

Kulang-kulang isang libong taon umiral at nanaig ang medieval o feudal system sa Europa. Sa ibang mga kontinente at bansa mas matagal pa… Hindi nakapagtataka, ang feudal culture at ang kakabit nitong mito o, alamat ng chivalry, napakalalim sa kamalayan ng laksa... Kumiliti ito sa imahinasyon ng milyon, sa  maraming henerasyon – may rituals and ceremonies, tinatangkilik ng husto at naging way of life na …

 

image of courtly love of centuries gone by

Sa chivalric love, dugong bughaw at mapino ang babae, habang mabini ang lalaking tagapagtanggol at mangingibig…/ gynocentrism.com

Ang chivalry ay isang kabigha-bighaning kwento – miyembro ng nobility ang mga bida, set sa mga kahariang may palasyo at kastilyo at, may mga balakid na kahindik-hindik. May mga moog na dapat pabagsakin, standing armies na kailangang lipulin at prinsesang kailangang iligtas… Mayroon ding magic spell, black spell, pirates and bandits, dangal na nakasalang at sa huli, gantimpala – matamis and hard-earned na pag-iibigan.

 

Bakit hindi sisikat at tatangkilikin? Hindi ba ganito ang buhay at pag-ibig na pinapangarap ng bawat isa? 😉

 

Maiba tayo sandali, ang tragic love story nina Romeo at Juliet, star-crossed lovers, naisulat ni Shakespeare, 1595. Marami ang nagsasabi, “romantic” ang kwento ng pag-iibigan ng dalawa. Kung mag-i-istrikto, chivalric love ang ipino-portray sa nasabing akdaAng romantisismo bilang philosophical thought at kilusan sa panitikan at sining, lilitaw at madi-develop, bandang dulo pa ng 18th century.

Bukod sa may duel scene sa Romeo and Juliet, may warring families sa kwento, siyempre, at may balcony scene (na siyang nakaka-in love, hihi). Ang eksena sa balkonahe – nagpalitan sina Romeo at Juliet ng moving dialogues habang si Romeo ay naglalambitin sa vines-vines – katulad ng sa chivalric narrative — may prinsipe sa ibaba, may royal-blooded na dilag sa itaas, anxious sa kahihintay sa matikas nyang tagapagligtas. Pansinin, nasa pedestal pa ang heroine, sa Romeo and Juliet

 

Marahil, romantic ang istorya nina Romeo at Juliet pagkat tulad ng mga romantikong likha, maraming ulit pumapel sa kwento ang chance. Present din ang isang element ng romantisismo – seeming impossibility of the situation. Pasensya na, uuna ng kaunti sa discussions on romanticism… Ay, sus, nakakatunaw ang romantic stories… Gaya rin naman, nakakagiliw at nakaka-flatter palagi ang bawat encounter natin sa chivalric acts (rare ang chivalric and gallant men), hihi.

 

Image of poster of Casablanca movie

Lalagi sa atin ang alaala ng Paris, sabi ng bidang lalaki sa bidang babae sa pelikulang Casablanca/ movies.film-cine.com

Touching ang romantic beliefs and stories – kaygaganda, gayong hindi nari-realize ang pag-iibigan, pasaway… Halimbawa, ang Gone With the Wind at ang Casablanca, mga pelikulang nakatatak sa ating mga puso. Hindi doon nagkatuluyan ang mag-sweetheart. For some reason, hindi… Bilang palabas, nakakakilig sila at nakakahipo sa ating pakiramdam. Bilang manonood at taga-pakinig, paulit-ulit natin silang binabalikan, gusto nating isulat muli ang kwento…

Sa chivalric narrative, larger than life ang hero at heroine at sangkatutak ang balakid sa kanilang pag-iibigan. Sa romanticism, ibababa na mula sa pedestal ang babaeng birheng ubod ng hinhin, habang ang herong kakaiba ang tapang at nagmula pa sa malayong kaharian, medyo magmumukha nang tao. Hihi, oo, yon… 😉 In ordinary human form ang mga bida sa romantic narrative, mga kapatid. Malo-localize din ang kwento.

 

Sa romantic narrative, wala nang kastilyong matayog, may bantay na ubod ng bangis at nakakatakot, sa isang malapantasyang lugar…  Mga taong pangkaraniwan na ang bida rito – may kalakasan at kahinaan, may kadakilaan at kababaan. Tao bilang individuals ang tina-tackle sa romanticism… Ang heroes ay di na maglalakbay ng milya-milya o maghihintay ng mga taon, kasalubong ay dangers and adventures.

 

Subalit, may inner journey madalas sa kwentong romantiko, may inner turbulence and conflicts. Mga panloob na ligalig ng human beings, madalas na tema ng romanticism.

 

Kako dati, pagkaromantic ng nobelang Frankenstein ni Mary Shelley at ng Les Miserables ni Victor Hugo. Set locally ang Frankenstein, sa estate ng isang upper middle class family sa Geneva. Ang bida, si Dr. Frankenstein, namatayan ng asawa. Mahal na mahal niya ang kabiyak, nilabag ng doktor ang Hippocratic Oath – tinangka niyang buhayin ito muli. Most dramatic scene? Noong isinasayaw niya ang esposa – wala pa ring buhay. Palpak ang experiment…

Ang Les Miserables, sa kalsada ng Paris at sa isang liblib na bayan sa Pransya ang settings. Ang most dramatic scene…. di ko ikukwento, ahihi. Ayyy, basahin nyo…. True, dati ko pang ini-endorse ang aklat sa posts. Wawa naman me, para nang sirang plaka, hihi… Basahin nyo Les Mis, tapos kwento kayo, sige na… Bakit at paano sumisibol ang pag-ibig sa mga tao sa low class districts? Tapos, lagyan nyo na rin ng video nyo ng I Dreamed a Dream, ahihi… 😉

 

Magkasabay lumago bilang philosophical thoughts and movements ang romanticism and nationalism. Bilang sentimyento ng tao, matagal bago sila isinilang, na-develop at lumaganap. Namayagpag muna at tinangkilik ng husto ang chivalric narrative, bago pa nakilala at niyakap ng mga tao ang romantisismo at binigyang buhay ito sa nationalist movements. Sabi ng kwentong chivalric, travel and conquer the world, brave its dangers, be noble and patient, for in the end, you will find your one great, true love. Ayiii, kakakilig.

Kabaligtaran ang romantic narrative – kwentong conquer the self ito, ahihi. Oo, may trek back to a time long gone ang romanticism – pag-alam sa panloob na desires, impulses and long-held beliefs ng tao. Ang promise naman nito, pag nakilala ang sarili, noon kakayaning magmahal ng tao. Pero, at the same time, siya ay nanawagan ng pagkakaisa – nationalism –  pagsasama-sama ng mga grupo, para sa mithing mas magandang bukas. Ahihi, nosebleed? Basta, parang ganito – birthing ng nation, birthing din ng individual.  Ganoon daw, sabi sa history of ideas…

 

image of Dahl's rendition of romaticism

Ang painting ni Dahl ay kumakatawan sa Romantisismo/ http://www.skd.museum

 

Matatagpuan ba ang tunay na pag-ibig sa romantic narrative? Almost. Yown… Tangential ang relationship and connection na ipino-portray sa kwentong romantiko. Pasensya (sa inyo at sa akin, hehe), may Math. Math talaga… Isang tuldok na lang, buo na sana ang circle. Pero, hindi nailagay ang kaisa-isang tuldok na iyon sa romantic narrative. Kaya nakakainis… Pag nanonood o nakikinig tayo ng romantic love stories, gusto nating palitan ang ending. Kaya rin ito addictive – parang gusto nating itama ang mali? Gusto natin, tayo ang writer at director ng kwento (hahaha, feelingera lang).

Sa nationalistic movements o sa pagsasabuhay ng romantic ideas, may patayan at laglagan sa hanay mismo ng mga namuno sa kilusan, para maipundar ang isang nasyon. Kung babalikan ang history ng mga bansa sa Europa at Asya, may ganyan parati.  Maaalala natin, may na-coin na phrase, “the blood of the sons and daughters of the revolution. “ Yown. May betrayal lagi, for some reason. May pagtalikod at paglayo… Hindi raw madali ang pagsilang ng indibidwal at ng nasyon. 🙂

 

Image of knight in shining armor

Bibihira na ang mga lalaking nagbubuhat ng silya para sa babae/ dalrock.wordpress.com

Anyway, ang gusto lang naman natin, buhay na may pag-ibig. Para naman masaya… Ke-chivalric pa iyan, ke-romantic ang narrative- narrative, basta nararamdaman nating in love tayo at loved din, hihi. Naman…  Siyempre, gusto natin, may fairy tale – para maski minsan, maranasan nating ma-sweep off our feet. O, di ba? Oo, yong hindi simpleng nagka-crush (crash and burn), hihi o, nag-fall at hindi na nakabangon, ang sama…

Ay, gusto natin ang pakiramdam na minsan, may handang magpakamatay para sa atin (ang sama talaga). O kaya, minsan, magselos tayo ng matindi, parang handa tayong pumatay at lasunin(hihi)  o pulbusin – ang kaagaw natin sa pag-e-beg, haha (masama talaga ang epekto ng love 😉 ). Gusto nating maranasan lahat-lahat, as in…

 

Iyon yata ang point – ang pag-ibig ay pagdanas ng buhay in its fullest and most various. Yown. Kaya ito mahirap makamit agad, sabi…

 

At ang tao raw, daraan sa stage na chivalric pa ang concept natin ng pag-ibig (fantasy world daw ang chivalric love and often leads to frustration and abuse) at sa romantic stage, kung kailan andyan na at halos hawak na natin – pero di nailagay ang kaisa-isang tuldok. Pero, may natutunan tayo rito, marami itong ibinukas para sa atin… Pagkatapos, handa na raw tayo sa totoo…

 

Image of two boys making fun of a girl in the rain

Sa ngayon, batid natin – nag-iba na rin ang anyo at gawi ng chivalry/ http://www.answerbag.com

 

Realistic daw ang tunay na pag-ibig, mga kapatid. Para nga… Tingin nyo? 😉

 

Ang lugar sa panulat

 

Hello, ka-blogs… Ang tagal na, di ko pa natutupad ang pangakong magsulat uli tungkol sa isang mataong lugar sa Kamaynilaan. Ahaha, kalye ng Nakpil sa Maynila o, Cubao sa Quezon City, senga? Ayan ata ang nabanggit ko sa inyo dati, inaambisyon ko, whehe. Pasensya na, wala pa – di ko pa naiintindi… 🙂

 

Image of Mabini street in Manila

Nais nating dalhin ang mambabasa sa isang lugar, sa isang panahon at ipadama sa kanila ang ating naramdaman/ http://www.aladdin.st

Ang huli pa, yong Sa Mabini Tayo Pumadpad, sa Maynila rin… Hindi nag-click ‘yaong post sa ka-blogs, hihi. Intense yata ang naging dating sa readers? Pero, sadyang gano’n ang itsura ng Mabini noon, ganoon ang ambiance… Maraming mga sundalo roong puti, andoon pag off duty. Actually, after ko iyon i-publish, nakabasa ng ilang blogs ng mga puting madalas doon noong araw. Nahiya naman ako, ang mild ng kwento ko, hahaha. Mas makukulay ang sa kanila, di nga… Iba ang description nila — lugar daw iyon kung saan nila hinuhubad ang restraint, sabihin pa…

 

Bago iyon, naunang naisulat at nailathala ang Ibang Silip sa Sta. Mesa. Maraming salamat sa mga kapatid na matyagang nagbasa ng may kahabaang o istorya, haha. 🙂 Ang background story ng post, inilagay ko na pala mismo sa loob ng akda… Mas nauna pa roon, ang kwentong Recto at Avenida. Ang Recto, malapit sa loob ng blogger dito, true. Dyaan ako unang dinala ng ate ko pagtutuntong ng Maynila, yihee! Oo, nasa elementary pa me noon at nanood kami ro’n ng sine… Wow experience na ‘yon sa akin, that time, hihi. Ang sine? Zapped, si Ralph Macchio ang bida. Aysows, tanda pa talaga… 😉

Ang Avenida, malapit din sa akin… May dalawang ate (ibang mga ate), salesgirls sila noon ng pantalon sa Uniwide Carriedo, along Rizal Avenue. Ayon, madalas ako noong gumawi sa Avenida… Pinupuntahan ko sila, after class o basta bakante. Parang namamasyal na rin, nag-iikot sa department store, nagtitingin-tingin. Minsan, hinihintay ko sila, sabay-sabay na pag-uwi. Bonding na namin ‘yon… Working students sila – wala kaming gaanong pagkakataong magkita at mag-usap. Bale, si young sister nila ay naglilikot – habang sila, naglilista ng imbentaryo. 😉

 

Hindi ko alam kung ilang porsyento ng sarili ang interesadong balikan yaong mga lumang panulukan sa Maynila – mga landas na tinahak ng pares ng paang gala, noong unang tatlong taon sa Kamaynilaan… Ilang porsyento ang napukaw dahil sa kwentuhan namin ng isang ka-blog sa email, tungkol sa mga eksenang unang bumungad sa paningin, pagtuntong sa sentrong lungsod ng bansa… Ilang bahagi ang galing sa curiosity, ilan ang dala ng nostalgia para sa isang luma ngunit pamilyar na lugar at, ilang bahagi ang nangungulit lang, naghahanap ng updates? Hindi ko alam…

 

Image of a creek in a small, distant village

Ang lumang sarili ay bumabalik sa isang lugar, dala ay bago na nga bang pagtanaw?/ enchantedinkpot.livejournal.com

 

Medyo matagal ang the making ng nasabing lathalain… Tatlong beses kong dinalaw ang nasabing avenues para sa sanaysay. Pag sa kasalukuyan titingnan, parang ang weird… Maluho at makain sa oras ang bumalik sa isang lumang lunan – para tahiin muli sa alaala ang dati pang panahon at pangyayari – para ikumpara sa anong meron sa ngayon. Ang unang punta, sinadya talaga, haha. Ang ikalawa at ang huli – galing sa ibang lugar, hindi dapat doon mismo dumaan… Pero suminsay nga at nagmasid – sa magka-krus na panulukan – dinama ang paligid, minasdan ang mga tao roon at kinapa ang sariling pakiramdam.

Isa roon, galing ako sa probinsya. Pagdaan sa lugar, umupo sa Little Hollywood restaurant at um-order ang inyong lingkod ng kape. Hindi lang dahil sa mahilig sa kape, haha, pero kailangan ko ng masusulatan, hihi. So, nagkape nga, kahit kainitan – para maka-avail ng table tissue o napkin, susulatan ng observations. Whehe, aliw na buhay ng isang aspiring writer… So, ayon, sa magaspang na tissue ng kainan naisulat ang notes para sa Sa May Kanto ng Avenida at Recto, ahaha. Classic? Mahigit dalawang linggo sa bag ang kumpol ng papel, dala ko yata maski saan. Kainaman na…

 

Image of a painting of a frontyard of a house

Ang istorya ay maaring mangyari at umikot sa isang tagong pook, sa isang munting sulok/ howtoplanwriteanddevelopabook.blogspot.com

Pag tayo ay lumilikha o nagsusulat ng sentimyento natin para sa isang pook, alin-alin ang isinasali, inaalis at iniiwan?  Sabi, mas impressions na lang ang practical na itala at ihayag sa ngayon.. Capture the scene in that one moment, we are in a constant flow. Sabagay, mahigit 20 taon na rin… May masasabi pa kayang bago, may maidadagdag pa sa mga naihayag at naitala na ng iba, may bagong liwanag pang magpapakita muli sa nasabing lunan? Ang lugar ay minsan pang silipin, masdan, i-appreciate at damhing may pagkukuro… Paano magka-ugnay ang lugar at ang nagsusulat – napadaan lang, sadya dating pinupuntahan o naligaw lang? Paano ipapaabot sa mambabasa ng isang nagsusulat o lumilikha ang damdamin niya para sa isang lugar?

 

Sa nakaraang post, naikwento ko si Eudora Welty, tanyag na regional writer na tumanggap ng Pulitzer Prize. Kilala siya sa husay niyang maglarawan ng lugar sa panulat. Sabi niya, kung wala raw lugar sa sulatin, walang kwento… Ang galing niya sa pagbibigay-buhay sa lunan ang pinilit gayahin o higitan pa, ng manunulat na si Alice Munro. Kakaibang mag-render ng isang pook sa panulat si Munro, tila bawat isang sulok doon ay iniilawan… Ang kapansin-pansin, matingkad ang elemento ng panahon sa kanyang writings – time element. Habang binabasa, mararamdamang ang characters ay nanghihinayang, nagugulat o, nagmamadali, para habulin – ang sandali – lipas na o papadating pa lamang?

Matingkad rin sa sulatin ng iba pang mga manunulat ang lugar sa kwento – ang setting… Nakilala ang mga panulat ni Miss Read sa Inglatera dahil sa kanyang fictional village – ang Thrush Green. Sa America, napamahal naman sa laksang tao sa maraming dekada ang manunulat at radio talent na si Garrison Keillor dahil sa kanyang fictional suburban community – ang Lake Wobegon. Tinanghal sa buong mundo ang galing ng panulat ni John Steinbeck dahil sa kanyang fictional na pamayanan – ang Salinas Valley. Sa kanilang mga sulatin, binuhay ng mga may-akda ang mga pangyayari at tauhan – sa isang tiyak na setting – pinuntahan, ginalugad at tinuklas din sa imahinasyon ng milyong mambabasang napukaw.

 

Image of a painting of an old kingdom in a distant place

Noong unang panahon, sa isang malayong kaharian…./ englit-debs.blogspot.com

 

Kung ilang ilang dekada na ang layo natin sa mga nabanggit na authors. Isandaan hanggang 150 ang nakakaraan, popular ang nobela bilang anyo ng panulat at babasahin. Sa ngayon, mas coffee table books na … Kadalasan, binabasa na lang sila mula sa Kindle o sa tablet, tinitingnan na lang sa gitna ng paghihintay — sa meeting, sa sasakyan o sa in-order na inumin at pagkain. Mas maiksi at papalit-palit na rin daw ang attention ng mga nagbabasa, sabi… Bilang mga taga-kwento at tagagawa ng istorya, mahalaga pa ba sa atin ngayon ang lugar sa panulat? Paano natin iyon ipanapaloob sa entries – kuhang larawan man, tula o sanaysay – taglay ang mga payak nating iniisip at pakiramdam, pagkukuro at kapirasong pagkamalikhain? Paano natin hinahabi ang kamunting kwento, magpapasabi sa titingin o babasa, “Ay, gusto ko ryan. May naalala ako bigla…” 😉

 

Ang Pulubi at ang mga Dumaraan

 

Ano kaya ang pagkakaiba ng blogger sa pulubi sa panulukanumaamot ng gatiting na pansin sa mga dumaraan, umaasang kahit sandali titingnan siya sa mata at babahaginan ng kamunting pag-unawa? Andito ako, tumingin ka sa gawi rito, ipaling mo sandali ang iyong ulo, huwag kang lumampas, huwag… Higit sa panlabas na anyo, bukod sa daing na namumutawi sa bibig, lampas sa karaniwang paghuhusga, masdan mo ako ng saglit at bigyan ng pagsasaalang-alang. Ako ay tao rin – umiiral, may pakiramdam, pana-panahon, mayroon ding  hiya… Ako ay ikaw rin. Pag minsan, ikaw man ay andito – humihingi ng habag, nakikiusap, pinagdaramutan… Ngumingiti matapos ang pang-aalipusta, pagtataboy at panlalait ng kaharap – parang walang narinig. Anupa at may darating, may daraan muling kasunod – mas may pakikipagkapwa. Harinawa…

 

Image of a young beggar in the Philippines

Tapunan sana ng isang tingin, pahingi ng konting limos/ 500px.com

 

Ano kaya ang pagkakaiba ng blogger sa sira-ulong nagbabalita sa paparating na katapusan? Kumpleto ang custome, may paraphernalia, may bitbit na krus at banal na aklat… Matatas at tuluy-tuloy ang sinasabi – May panahon pa, umpisahan na natin ang pagsisisi, itakwil ang mga maling gawi at magtika sa mga nagawang kasalanan… May araw ng pagkukwenta at paniningil, pagbabayaran ang lahat, gugunawin ang mundo… May pagmamahal sa puso ng tao, tiyakin ang kaligtasan at huwag kaligtaan ang mga nalalabing araw para magwasto. Iligtas mo ang iyong sarili sa kasamaang bumabalot, sa kadilimang nakakabulag at sa mga anasan ng mga sinusunog na nakabibingi… Humayo ka sa tamang landas, damhin mo ang pagpapala at tahakin ang tamang daan. Ang kaligtasan ay nasa pagtalima sa tuwid na landas, huwag mong hayaang mahuli ang lahat. Halina…

 

Ano kaya ang pagkakaiba ng blogger sa putang nangangako ng ligaya at sandaling tamis? Subukan mo ang aking kandungan, kalimutan muna ang mga alalahanin at magtuwang tayo sa lugod at kasiyahan… Tutulungan kitang isantabi ang mga pait, itakwil ang mga sakit at daramhin natin ang kakaibang timpla ng landi at paglimot… Pupunta tayo sa lugar kung saan di ka mahahabol ng mga suliranin, titikman  natin ang mga bawal at magpapakalango kita sa mga inumin ng tuwa at aliw. Magsasanib ang ating mga katawan at diwa sa piging na tanging kita lamang ang inanyayahan at magsasalo, sapagkat tayo lamang ang nakakaalam. Ipagsasawalang-bahala natin ang mga unos, ang mga siphayo ng kahapon at mga hiling ng bukas. Mag-uulayaw kita sa ngayon, sa ngayong kita ang magkadaup-palad at walang ipinapangako, tanging sarap ng kasalukuyan…

 

Ano kaya ang pagkakaiba ng blogger sa naglalako ng produkto, nag-aalok ng kalakal? Bilihin mo ito, ito ang solusyon sa malaon mo nang problema, padadaliin nito ang iyong buhay. Karapatan mong makaranas ng gaan at alwan sa pang-araw-araw, oras nang tapusin ang pagtitiis, narito at abot-kamay na ang lunas sa pakikipaghamok. Hindi masama ang maghanap ng mga bagong kaparaanan, ang gumamit ng mga bagay na makabago at umangkop sa modernong panahon. Hindi ba ikaw ay minsan at dating nangarap? Nakiliti ang munting imahinasyon sa bukas na di tigib ng dusa at paghihirap? Hindi ba at minsan mong initsurahan sa isip at pakiramdam ang buhay na malaya, may pagkakataong magliwaliw at may puwang para sa ibang intindihin? Naito na ang sagot sa matagal mo nang tanong. Ang noon ay posibilidad lamang, maari na ngayong  hawakan, gamitin at subukan. Malaking halaga ang kapalit, kapatid, subalit…

 

Ano kaya ang pagkakaiba ng blogger sa paring nangangaral sa pulpito? Ang kawan ay kailangang bantayan, siguruhing nakakain at itawid sa mga daraanan ng di napapahamak o naliligaw. Bago makarating sa langit, marapat munang tahakin ang buhay sa lupang tigib sa pasakit, luha at ligalig, dala ng pagiging makasalanan at imbi. Ang pagkakasala ay di maiiwasan ng tao, ngunit dapat niyang hanapin ang pagpapatawad at pagbabalik-loob sa grasya… Malakas ang tawag ng laman, layaw at sarap. Madali ang sumuko sa kumakaway na luho, bisyo at pagpapabaya, ang magpakawala ng damdamin at sundan ang bawat pita. Subalit, matapos ang pagkadarang, ang tao ay aangat upang mamasdan ang tuyong paligid at mapagtanto –  said na ang diwa. Anupa at dapat punuin muli ang sisidlan ng mabuting gawi at kabutihan. Tanging sa pagwaksi ng makalupang sarili, makakamit ang susi sa pinto ng langit. Kapatid, ano ang iyong hinihintay?

 

Image of hands planting

Tila ang blogger ay isa ring magtatanim/ http://www.dilg.gov.ph

Ano kaya ang pagkakaiba ng blogger sa isang magtatanim? Matiyagang naghahawan at naglilinang ng lupa para mataniman ng mga punla at buto – isang araw ay sisibol at lalago? Masipag na nagtatanggal ng mga ugat, naggagamas ng mga damo at tahimik na nagdidilig sa umaga at hapon? Matamang nag-aalis ng mga uod at pesteng kulisap, nagtataboy sa mga mapanirang ibon palayo sa sakahan? Masusing nagbabantay sa mga pagbabago ng klima at panahon, nagbabanghay ng bakod at gumagawa ng mga pilapil na daanan? Ah, anong hirap ng magsaka! Palaging banat ang likod at mga gulugod sa kayuyuko, nangingitim ang balat sa bawat araw na nakabilad at tila walang masilungan pag dumarating ang sakuna… Salat sa pagkain sa pang-araw-araw, kapos sa mga pangangailangan at balot lagi ng pangamba sa paparating na bagyo at tagtuyot. Tanging buwan ng tag-ani ang sa tuwina ay nagbibigay ng pag-asang ang lupang kinalinga – isang araw ay magdadala ng pakinabang at di magdaramot… 🙂

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 

Ka-blogs, ang sulatin sa itaas ay isang halimbawa ng pointed na panulat. Napansin ko, sa kasalukuyan, uso ang short, crispy and pointed writings. Gayundin, tila fashionable ang hindi na magpaliwanag. Pag nagpaliwanag, parang uncool, ahaha. Hindi ko itatanggi, may mga naisulat sa sites na papasok sa kaparehong kategorya tulad ng Pagpapanday ng Katotohanan at Walang Bukas. Posts silang  wari, nagtulak sa marami-raming ka-blogs para magbasa at magmasid lang mula sa malayo, hoho.

Bagaman maaring sabihin, halimbawa sila ng kasanayan sa pagsusulat at kayang gawin sa ilalim ng payong ng malayang paghahayag at pagkamalikhain, tila di mabuting dalasan ang paglalathala ng kapareho. Bakit? It seems we live in uncertain and jittery times and peoples’ beliefs tend to be polarized. Tila pag sa extreme ends ng diskurso tayo nag-umpisa ng usap, interesting at nakakatawag-pansin, oo, pero ang laki ng tendency na magdala ng sigalot at di-pagkakaunawaan – sa bahagi ng nagsulat at mambabasa at sa hanay mismo ng mga mambabasa.

 

Paalalahanan nyo ang lola nyo rito pag napapadalas ang pagsusulat ng kaparehong sulatin, ha… Salamat sa inyong pag-unawa at pagtangkilik… 🙂

 

Late daw sina Rizal

 

Hello, ka-blogs! Sabi ng isang ka-blog, nauubusan na raw sya ng paksang maiisulat sa blog, nagkukudkod na raw sya ng tutong, ahaha. Scraping the bottom of the barrel pala, in English ang blog nya, hihi… Sabagay, totoo ang sabi nya, hindi naman palaging may maiisulat. Minsan, marami man tayong gustong isulat, di natin alam ang handle na gagamitin sa kwento o istorya, paano iyon gagawing interesting at kapani-paniwala …

 

Image of a man whose head is at the bottom of the barrel

Nasasaid raw ang pinagkukunan ng isang lumilikha, hanap sa gilid-gilid at ila-ilalim/ http://www.forum.exscn.net

Sa kabilang banda, si ka-blog  itong mahusay mag-handle ng online conversations at magaling magkawing ng ligaw na impormasyon sa usapan, ahaha. Ang miscellaneous topics, naiuugnay nya ng maayos sa huntahan, hindi off… Maraming pumupunta sa site nya, nagkukwento at nagsi-share do’n ng opinyon, kabilang na ako, hihi… Masaya si ka-blog kakwentuhan, medyo strong ang opinions nya and pala-palagay. But then, graceful syang magdala ng palitan. Sya na… 🙂

 

So, naniniwala ba ako sa sabi nya, nagkukudkod na sya ng tutong o hindi? Ahaha, oo at hindi. Oo, kahit iyong mga nabibilang pa sa pinakamagagaling, dumarating din sa punto – nakakanto, nabubunggo at nauubusan… Si Truman Capote, mahusay na author, pagkaraming taon ng kanyang writer’s block… Si John Kennedy Toole, iisa ang naisulat na nobela (picaresque novel, parang Don Quixote de la Mancha), pagkatapos, nag-suicide na, di nga… 11 years later, inilimbag ang kaisa-isa niyang work. Nang sumunod na taon, nanalo iyon ng Pulitzer Prize for Fiction, ahaha. O, di ba? Kasama pala sa listahan ng modern classics ang kanyang nobela.

Hindi ko na sasabihing weird na tao ang mga nagsusulat, hihi. Alinman sa alam nyo na ‘yon, ayaw paniwalaan o ikinalulungkot, hala pa… Ay, mga kapatid, mahirap na. Sa panahon ngayon, uso ang ideya – ang isang writer ay well-adjusted, successful, popular at self-aware, ahaha. Bukod pa sa mataas ang sales ng kanyang mga libro, ahaha… Sa pagkaalam ko, iilan lang ang authors na nakaabot sa gano’n… Mas marami pa rin ang mga manunulat na gumapang muna sa lusak at gumagapang pa rin ang marami, ahaha. Saka na tayo magkwentuhan sa personal na paggapang sa lusak, ha… Hindi  pati ‘yon interesting basahin, asus…

 

Image of Rimbaud in teenage years

Sinuwag ni Rimbaud ang mga panuntunan sa lipunan at ini-stretch kung ano ang katanggap-tanggap at hindi/ superdemokraticos.com

Anyway, habang nasa paksa pa rin tayo ng ka-weirduhan ng mga manunulat, dapat yata isali si Arthur Rimbaud. Notable figure siya sa history of Literature, notorious… Katunayan, ilang pelikulang ang ginawa tungkol sa kanya – sa pinakahuli, si Lionardo DiCaprio ang bida. Total Eclipse pala ang pamagat… Si Rimbaud ay isang French libertine, restless na tao and bading, pero napakahusay magsulat… Unstable ang kanyang character, malimit magwala at yon, kawawa ang kanyang nanay… Paniniwala ni Rimbaud, para maging makata, kailangan sa ibabang ibaba ng existence – base, vile and low… Do’n sa movie, may linya, “I want the sun. I want the sun!” Emote na emote si Leonardo… 😉

 

Asan na nga tayo sa kwentuhan? Ahaha, kung nauubusan ba ng susulatin ang isang manunulat? Oo naman… Ayun, mahigpit ang impluwensya ni Rimbaud sa artists at manunulat ng sumunod na periods. Kabilang sa kanila sina Pablo Picasso, Dylan Thomas, Arthur Miller, at Jim Morrison. Medyo big time si Rimbaud… Pero, ang catch, mula 15 taon hanggang 20 lamang siya nagsulat. Pagdating ng 20, nagpaka-dekadente na lang siya at nagbyahe-byahe sa tatlong kontinente. Simula noon, writer’s block ang peg ng papansing manunulat… Napaka-non-traditional niya at kakaiba. Gayunpaman, tumatanaw ng utang na loob kay Arthur Rimbaud ang Symbolist, Dadaist and Surrealist movements. Siya na… 🙂

1854 to 1891 nabuhay si Rimbaud. Nagsulat siya, dalawang dekada matapos ang tinatawag na Romantic period sa kasaysayan ng Europa. Unconventional siyang tao, artistic to the core at kulang sa atensyon… Well, hindi loving ang household niya, maaga silang nilisan ng ama at very rigorous ang early education na kanyang natanggap. Infant terrible, kung tawagin siya sa saloons at receiving rooms sa Europe… Si Rimbaud ang totoong embodiment ng tinatawag na pasaway. Hindi lang niya binali ang values ng lipunan noon, dinuraan pa niya at inihian – literally and figuratively. Sinukahan at sinuway niya ang mga alituntunin ng respectable societies. Ayon, maaga siyang namatay… Pero, sabi, siya raw itong manunulat na nangahas i-explore ang romanticism – to its logical conclusion…

 

Image of the Philippine national hero, Dr. Jose Rizal

Galing sa nakakaangat na pamilya, ipinadala si Rizal sa Europa para makapag-aral muli/ en.wikipedia.org

Si-segwey pala muna sa mismong paksa, ahihi… Sina Jose Rizal and contemporaries, nasa Europe ng 1880’s, panahong nasa Africa si Rimbaud, ahaha. Kung papansinin, Romantic and Nationalist movements ang impluwensyang nasagap nina Rizal noon. Sila na ang tambay sa saloons at cafes – sa Madrid, Paris, Brussels, at Berlin – sila na… Pero, yun, late ang philosophical thoughts na na-absorb nila, ahaha. 1850, bago ipanganak si Rizal, demise na ng Romantic movement sa Europa at lumang ideya na noon ang Nationalism. Ahaha, luma, in the sense, hindi na leading philosophical thoughts, kumbaga… Early Realism na ang trending that time – sina Stendhal (sumulat ng The Red and the Black) at ang painter na si Goya ang leading advocates…

 

Well, maaring sabihin – relevant and applicable pa sa pinanggalingan nina Rizal, Lopez-Jaena at del Pilar ang nationalistic ideals noon… Pero sa Europa, declining in popularity na ang thoughts espoused by Johann Wolfgang von Goethe, Jean Jacques Rousseau (Pre-Romanticism philosopher, playwright and musician), Madame de Stael, William Wordsworth, Nathaniel Hawthorne, Edgar Allan Poe at Richard Strauss (musician, late Romanticism). Sakali, maiging basahin ang libro ni Arthur Lovejoy, Essays in the History of Ideas… Maari ring tingnan ang sulatin ni Isaiah Berlin, Against the Current: Essays in the History of Ideas… Ang Romanticism as a movement – sa sining, musika at pilosopiya – ang diin ay sa personal na boses ng naghahayag. Isa itong pagri-rebelde sa “rationality” or “reason” ng naunang panahon, Age of Enlightenment. Ayon, late sina Rizal:  Wala pa noong Twitter. 😉

 

Caspar Friedrich's Wandered Above the Sea of Fog

Pagbabalik sa kalikasan at pagkatagpo ng pag-ibig, ilan sa laman ng pilosopiyang Romantiko/ en.wikipedia.org

 

Sooo, rumi-realism na noon ang Europa, nag-u-umpisa pa lang mag-aral ng Romanticism sina Rizal, shaks lang… At, formative stage pa lang noon ang counterpart nitong nationalist movement – sa grupo ng islang later, tatawaging Filipinas (later, later pa ang spelling na Pilipinas, with a P). Shaks, late tayo? Or, late ang representatives natin – sina Rizal? Kumpara sa Europe, oo… Pero sa Asia, tila ahead na… Si Mahatma Gandhi, lider ng nationalist movement sa India, kasabayang dekada ni Rizal nang ipinanganak – 1869. Pero ang “passive resistance” ni Gandhi, nag-umpisa lang ng 1915 – matapos ang matagal niyang pagtigil sa Africa, bilang licensed barrister sa London…

 

Image of Dr. Sun Yat-sen

Si Dr. Sun Yat-sen ang namuno para mabuo muli ang Tsinang pinaghati-hatian ng mga nanakop na bansa/sembury.weebly.com

Si Dr. Sun Yat- sen naman, nationalist leader, kinikilala bilang founder ng bansang Tsina (Republic of China), ipinanganak noong 1866… Naging magkaibigan daw sina Mariano Ponce at Sun Yat-sen sa Japan, by late 1890s. Tumulong pa si Dr. Sun sa laban ng mga Pilipino versus the Americans… Anti-imperialism ang peg nila noon, hihi. Pero, ang efforts for reunification of China ni Dr. Sun, magsisimula officially noong 1917 pa lamang… Kaya, in another sense, maaring sabihin, bandang 1890’s, trending na si Lolo Jose among intellectuals of the period, hihi… Bukod, sa kanyang pagiging Math wizard, polyglot, athlete at dashing debonaire (maayos lagi ang Amerikana at may bowler hat, haha) na mahusay mambola ng women and men admirers, ahihi…

 

Anyway, ang layo na ng tinakbo ng ating kwentuhan, pasensya na… Ang point yata, maraming pasaway sa mundo at buhay, ahaha. May mga manunulat at may artists, may kinilala at hindi, may maagang namatay at may nabuhay ng matagal (78 si Gandhi nang pumanaw). Ang usapan – kakayahang mag-break ng traditions and conventions ng mga manlilikha ng sining and philosophers. Karaniwan, may tinatawag na classicists – nag-aral, nagsanay at sumunod sa klasikong turo… Mayroon ding trendsetters and original na mga nilalang… May classicists na katagalan, naging mga rebelde. Halimbawa, si Oscar Wilde, parang sina Rizal, nag-umpisa as a classicist. Kilala siya bilang Irish playwright, notable sa kanyang wits and sarcasm at magarbong pananamit… Nag-asawa si Wilde at nagkaroon ng dalawang anak, bago nagkaroon ng homosexual affairs.

 

Image of Oscar Wilde

Makisig manamit at tanggap si Wilde sa alta sosyedad ng Europa/ http://www.peoplesniper.com

Pasaway at papansin si Wilde, pero well-received siya sa saloons noon. Mahilig siya sa luho at creature of comfort, sabi… Si Rimbaud na napag-usapan natin kanina, discredited saan man – sinasadya niya raw maging marumi at mababang tao. Curiously, tulad ni Rimbaud, hindi rin maganda ang ending ng buhay ni Wilde… Nakulong si Oscar and later, namatay na naghihikahos. Pareho sina Wilde at Rimbaud – trendsetter ng “avant-garde ” na sining at paniniwala. Kapwa sila malikhain at malalakas ang loob… Kay Rimbaud, tanging sa pag-disorganize ng self mapapalitaw ang tunay at lantay na sining. Kay Wilde – may duplicity ang tao, masakit ang katotohanan at marapat itong bihisan ng maganda. May pagkilala si Wilde sa conventions and respectability, si Rimbaud ay wala.

 

Sa usapang pag-i-scrape ng bottom of the barrel sa pagsusulat, marami sigurong matutunan kina Rimbaud at Wilde … Sa mga Pilipinong kinilala,  si Nick Joaquin ang isa sa mahusay na naglarawan sa “decadence.” Marami-rami ang naisulat niya sa paksa… Ano ang culture of decay? Bakit marami ang artists and writers na nabibighani rito? Sabi, hindi lamang daw sa tema at istilo ng pagsusulat, sa artworks, sa attitude at sa pananamit ang pagkabulok. Isa raw itong way of life… Ang lumilikha raw, darating sa punto – physically, intellectually and emotionally poor. Sayad na sayad siya sa sahig, gumagapang at walang-wala na… Sa ganoong kalagayan, doon daw lalabas ang individuality ng artist – resource, reserve and artistry niya – para makalikha ng magaganda, malikhain at orihinal.

Ka-blogs, bago ko pala makalimutan, ang major works ni Jose Rizal, Noli Mi Tangere at El Filibusterismo, romantic thoughts ang laman, yown… Doon inilagay ng ating Renaissance man ang mga natutunan niya sa pag-aaral, pakikisalamuha at pakikipagkwentuhan sa cafes at pati sa boudoirs. Ay, kasali ang boudoirs or private rooms learnings niya, ahihi… Alam nyo bakit? Sapagkat, ang romanticism as a philosophical thought, going back to man’s basic sentiments and feelings… Kaya, may trek back to nature (may eksenang ilog, di ba?) at maraming pag-explore sa senses sa mga nasabing akda, ahaha. Si Rizal, a man of reason, very celebral na tao – matapos mag- ikot sa cosmopolitan centers ng mundo – nagbabalik sa katutubo niyang lupa at inaalam ang kanyang mga sentimyento sa mga nobela niya. Noli Mi Tangere is about decadence, remember? 🙂 Hala, ang dami ng wento, susme.

 

Image of Noli and Fili, Rizal's major novels

Ang unang nobela ni Rizal ay ukol sa pagkabulok ng ating lipunan sa pagtatapos ng siglo/ http://www.tumblr.com

 

About 20 years ago, may mga nasalubong – mga taong Dadaists at Surrealists daw… Sa mas madali, Dadaism, yong art-art na may toilet, ahaha at ang Surrealism, yong dark-dark, mga sining na galing sa bangungot, yon yata… Ay, wala pa rin akong alam noon sa art-art, babago pa lang nagbabasa-basa ng Philosophy at nagtataka lang ako sa buhay ko – Bakit ang we-weird nila, ahaha… Matagal na rin, di ko na sila napagkikita… Nitong mga huling taon, ang  “unconventional” na lang na nasasalubong – mga taong mahihilig  sa reggae music, corn row ang hairdos  pag minsan, at mahihilig  sa surfing at usapang iskwater and pubhouse, hoho… Pero, parang malilinis at maseselan naman sila? Ahaha, artsy silang tao, though… Nag-iba na kaya ang philosophy of decadence? O, iba na rin pakahulugan dito sa ngayon? Naitatanong lang… 😉

 

Sa akin, parang matagal pa bago mauubusan ng paksa si ka-blog, ahaha. Hindi sa binobola  o pina-patronize ko sya. Mukha syang taong curious. Pag curious daw, hindi madaling maubusan ng creativity, sabi… Tapos, ang bata pa nya, parang ang layo pa sa end of her ropes, ang dami pa niyang pwedeng i-explore at tuklasin – sa blog man o hindi… 😉

 

Itinatala, para sa bukas

 

Sa blog, inilalagay natin ang mga tungkol sa kanina at kahapon. Iginuguhit natin at isinusulat ang mga pangyayari, ngayon. Para saan? Para sa mga babasa at titingin, mamaya at bukas.

 

We record things for posterity. Nasalubong nyo na ang huling salita? Future-oriented daw masyado ang mga tao sa kasalukuyan. Siyanga ba? 😉 Hala pa, maski saan na yata ako magpunta- may Ipad, Ipod, camera at cellphone akong nakikita  – parating may taong kumukuha ng larawan, may nagtatala…

 

Noong araw, ang mga nagtayo ng malalaki at matitibay na gusali at cathedrals, visionaries daw. Ang mga nagpundar daw naman ng villages, subdivisions at mga bayan, pioneers at mga haligi ng lipunan, sabi. Nakini-kinita raw nila ang pamayanan ng hinaharap… Iilan-ilan pa lang sila noon, iyon yata ang kaibahan…

Ngayon, wari, halos lahat yata, abala sa pagdo-dokumento, patatawarin. Masyado nga kayang mabilis ang mga nangyayari? Lahat nga kaya tayo, nag-i-struggle against impermanence? Mga makukulit na tanong lang…

 

 

O, baka, excited lang tayong gamitin ang fast and easy technologies ng makabagong panahon? Sabagay, natutuwa rin ako sa touch technology, ang bilis mag-turn, ahihi. Nakakapagtingin ako ng 30 pictures sa loob ng dalawang minuto, hahaha. Dati, bago bumukas ang isang picture, sooobrang tagal…

Hindi ako sure sa mga pinagsasabi ko, hehe. Malamang, na-trigger lang ang thought sa conversation naming magkakapatid, kagabi… Inire-reklamo sa ‘kin ni nakababatang kapatid ‘yong isang barkada ko no’ng college (na Facebook friend nya, haha). Itong ale, eventually, naging ka-close din ng ate namin. Kaharap din si ate kagabi, dalawa kaming tumatawa sa kwento.

 

Reklamo ni kapatid, “Uy, sabihan mo nga si ___. Every hour, nanghihingi sa akin ng life. Nasa meeting ako or may hinahabol na deadline, sa tuwing tutunog cellphone ko, request nya. Pambihira.” Usapang Candy Crush, hihi. Pinigil ko pagtawa ng malakas. Paminsan-minsan lang ako parang nakaka-isa kay kapatid, kagabi ang isa ro’n. 😉

May post sa DPSA, tungkol sa sabong – Manalo,Matalo. Itong si dabarkads nag-request no’n, naaalala nya raw ang Tatay nyang sabungero… Noong una, ayaw ko sanang magsulat ukol sa paksa. Naaasar ako, ang father namin, 2o years nang patay (the time na isinulat ang post), parating inuuna ang mga manok nya. Tapos, may kapatid rin kaming sabungero. Pero, pinagbigyan, kabarkada nga… Anyway, naaliw ako kagabi, hakhak.

 

Pero, dahil ang blog, naka-permalink at pwedeng mabasa sa hinaharap, di ko sure kung alin ang mas dapat kong ipag-alala –  mababasa ito ni kabarkada o ni kapatid?  Ay, bahala na bukas… 😉

 

 

Sa may gulod

 

Sa may Gulod pwedeng mag-inom ang mga taga-UP, ahaha. Iyon, pag gustong uminom ng mga estudyante ng di lumalabas, nasa campus perimeters pa rin… Saka pala sa PCED building,  sa may likod ng UP Hostel, pwede rin do’n (Kaya lang, mostly professors tambay ro’n, makikipag-inuman sila sa inyo). O, kaya, pwedeng bumili ng beer sa Coop, tapos, sa loob ng dorm nyo inumin, hihi. Patago, siyempre… 😉 Bawal kasing uminom sa loob ng campus, dati pa… Dumaraan kasi sa panahon, marami-rami ang  frat wars, paluan ng bat madalas, o kaya, pag may nakitang bote ng beer, ayon… So, bawal. 🙂

 

Image of a jeepney plying the route, UP Ikot

Sakay kayo ng dyip na byaheng Ikot, dadaan sa kaparangan ng UP, bago makarating sa may entrance ng baranggay Krus na Ligas. UP pa rin, probinsya ng UP/ apartmenthuntr.tumblr.com

Pag UP Fair, noon at doon pwede, legal… Isang linggo yaon, may mga nagtitinda ng beer sa Sunken Garden at sa pali-paligid nito. Second week ‘yon ng February, tandang-tanda, hahaha. Sa kiosks, masarap mag-inom. Parang nasa beer garden lang ang ambience, tapos, maraming kalat na bags, tsaka uniforms sa PE at folders ng assigned readings… Inuman kayo sa tambayan, magmura na ang mga may sama ng loob, haha, magkwentuhan na to the max at mag-diskurso yaong mga di pa over sa dini-discuss sa klase. Ang sama… 😉 Pwede ring mag-PDA, sus. Ay, may nagpi-PDA, maski anong season, ahihi. Pwede ring sumakay ng dyip, diretso na sa SM North, mas ito ang usual… Kung gusto, sa malapit lang, sa Katipunan. Medyo mas mahal nga lang. Pag konti budget, sa Philcoa area. May mga inuman din do’n, sa gilid-gilid…

 

Sa karaniwang pagkakataon, sa Gulod lang nag-iinom. Ang Gulod, isang beer garden, andoon sa may kanto ng Barangay Krus na Ligas at C.P. Garcia… Bale, pagkaliko ng Ikot na dyip – matapos dumaan sa UP Police station, sa mga kaba-kabayo (may farm doon,  nagbi-breed ng thoroughbreeds, haha) at sa kaparangan ng UP sa pangkalahatan – baba na… Hindi na kayo aabot sa Residence ng UP President (pag umabot do’n, ibig sabihin, lampas na). Hindi na rin aabot sa Math Building, malayo na ‘yon (at kailangan nyo nang lakarin pabalik, walang masasakyan). Doon na, sa kantong-kanto mismo ng Krus na Ligas, sa may arko ng barangay. May dalawang inuman establishments doon noon – ang Gulod at ang Sarah’s. Punung-puno lagi ‘yon ng mga estudyante pagtuntong ng 530 siguro, hanggang sa gumabi. By the way, palengke ng barangay ang bungad ng Krus na Ligas. Kaya yon, nakakatuwa, maraming mabibili…

 

Image of the entrance of Krus na Ligas village in Quezon City

Nasa kaliwang bahagi ng arko ng Krus na Ligas ang inumang kung tawagin ay Gulod/ http://www.facebook.com

 

Ang Gulod, parang inuman lang sa probinsya, ahihi.. Yari sa kubo ang establishment. As in, nipa hut, oo. Tanda nyo ‘yong kubong nipa ang bubong, may bintanang parang sa kantang Bahay-Kubo lang at may mga nakasabit na orchids sa loob at sa paligid? Oo, haha, gano’n… Tanda ko ‘yon kasi, pag ise-serve pa lang ang inumin,  gawain namin noon, i-observe ang mga orchid plants at punahin kung alin ang lumaki na, ang parang di lumalaki at kung inilipat ba ang isang paso doon sa kabila, haha. O, kaya, minsan, may orchids na yumuyungyong sa mga mata namin, hakhak… O, basta, countryside ang ambience ng Gulod. May mga bangko at mesang native, yari sa kahoy o kawayan. Parang sa probinsya talaga, hindi even ang pagkakagawa. Iyong iba, hindi magkaka-terno, hihi. Pati plates, baso at mangkok do’n, hindi terno. O, kaya, chipped ang gilid-gilid, haha. Ayos lang ‘yon sa mga estudyante, sus. 😉

 

cartoon image of a student's usual weekend routines

Masarap maging estudyante/ http://www.facebook.com

Anyway, bago nyo itsurahan sa imahinasyon ang wild drinking days namin noon, haha, hayaan nyo munang basagin ko ang inyong trip, hehe. Hindi sa Gulod naganap ang mga iyon, hakhak. Oo, at least sa groups and barkada namin, hindi sa Gulod. Sa Timog at sa SM North yon, whehe… Ang Gulod kasi, parang beer lounge ng mga estudyante – pwedeng in between classes or after the class – yon. So, medyo carefree drinking lang ang ginagawa namin doon sa sulok na yaon. Tig-iisa or dalawang beer, after class na. Actually, mas madalas, pumupunta lang kami noon doon para um-order ng gisadong pansit at Coke. Or, tokwa at baboy,  iced tea or Cali ang iniinom, haha. Kokonti ang instances na nag-inom talaga kami ro’n, as in, inom na walang patumangga at magpapakalasing, haha. Mas katuwaan lang, mapalayo kahit paano sa mga eksenang University Avenue or UP Coop or CASAA. Matataong lugar lahat yaan, puno palagi, mga estudyante at hindi…

 

Kumbaga, pag feeling namin, We want to get away from it all, akala mo naman, haha, sumasakay kami ng Ikot na dyip at punta sa Gulod. To let our hair down, kumbaga… Malayo sa sangka-estudyantehan, malayo sa makakasalubong ng professors at malayo sa mga Xerox machines na nangangahulugang readings up to sawa, sa Gulod tutungo… Feeling namin, pumupunta na sa probinsya, probinsya ng UP, hahaha. Iba rin sa pakiramdam – makalanghap ng hanging galing sa mga talahib sa bandang Farm, makakita ng mga manok na nakatali at mga taong nakabihis na parang mamalengke lang, hahaha. Parang pumupunta kami ro’n para maibaba lang ang mga bag, hahaha, makakilos ng maluwag, walang sisita at hindi mako-conscious sa itsura o, sa sasabihin ng iba. Pwede rin, doon magmumura at magmamaktol at pwede ring magbasa-basa, haha.

 

Image of the UP Sunken Garden, view from one side of the University avenue

Mas marami pa rin sa tambay namin noon, sa Sunken Garden lang o sa paligid nito/ commons.wikimedia.org

 

Actually, may time na ginagawa namin yon noon – punta kami sa Gulod para roon magpakabanal kunwari over our readings o mag-solve ng Math problems, hakhak. Lunch or after lunch… Order ng maiinom, para naman may business sila, para di magsarado, hihi…  Sa kabila, sa katabing-katabi, Sarah’s naman. Ang Sarah’s, mas malaking beer garden. Mas doon yata ang puntahan ng mga iinom talaga. Basta, mapapansin nyo, hard-core drinkers ang ando’n sa kabila. Mas marami pating isine-serve na pulutan do’n, as in… Tapos – maraming fratmen and brods-brods – doon sila pumupunta, pulu-pulutong, lalo pag bandang alas-sais na. Tatlong beses lang ‘ata akong nakapunta sa Sarah’s. Mas sa Gulod talaga kami… Dadalawa ang boys sa barkada namin, mapuputi pa sila, haha, hindi mukhang fratmen. May dalawa sa barkada namin, mga aleng sexy nga, sexy naman, pero astig, ahaha. Tipong sinusundo ng boyprend sa Gulod? Patatawarin. 😉

 

Hindi pala elevated ang kinatatayuan ng Gulod. I mean, kapantay lang ng kalsada ang grounds ng establishment. Ang area, generally, elevated. Hindi yata binabaha ang parteng iyon ng UP. Mas tama sigurong sabihin, ang pangkalahatang area ang gulod, hilly… Ang lugar na iyon, tila parang talaga. Sa malapit ay may puno-puno ng mangga, malilim, may bushes, at may damu-damo. Pwede pang pagpastulan ng hayop, haha… Pag bandang alas siyete pumaroon, para lang kayong pumunta sa tiyahin nyo sa probinsya, hihihi. Ay, siyanga pala, matagal nang wala ang Gulod na inuman. About eight years ago, pumunta kami roon, iba na ang nakatayo. Kainan pa rin, pwede pa rin yatang uminom, pero themed restaurant na. Likha Diwa yata ang pangalan. Parang artsy-artsy establishment, kamukha ng mga nasa Kamuning area. Iyong tipong artsy people ang nagsi-serve? Gano’n… Nang time na yon, though, andoon pa ang Sarah’s, sa katabi. Ewan ko lang sa ngayon… 🙂

 

Image of fried shitake mushrooms served at Likha Diwa

Deep-fried shitake mushrooms, isang pagkaing served sa Likha Diwa. Curry-flavored dish naman tinikman namin, minsang nagawi roon/ thepaoloproject.com

 

Nakaka-miss maging estudyante, hihi. Lalo pa, pitong taon bago maka-graduate. Ay, average time ‘yon para makapagtapos sa Peyups. Maski ipagtanong nyo pa… 😉