Ang lugar sa panulat

 

Hello, ka-blogs… Ang tagal na, di ko pa natutupad ang pangakong magsulat uli tungkol sa isang mataong lugar sa Kamaynilaan. Ahaha, kalye ng Nakpil sa Maynila o, Cubao sa Quezon City, senga? Ayan ata ang nabanggit ko sa inyo dati, inaambisyon ko, whehe. Pasensya na, wala pa – di ko pa naiintindi… 🙂

 

Image of Mabini street in Manila

Nais nating dalhin ang mambabasa sa isang lugar, sa isang panahon at ipadama sa kanila ang ating naramdaman/ http://www.aladdin.st

Ang huli pa, yong Sa Mabini Tayo Pumadpad, sa Maynila rin… Hindi nag-click ‘yaong post sa ka-blogs, hihi. Intense yata ang naging dating sa readers? Pero, sadyang gano’n ang itsura ng Mabini noon, ganoon ang ambiance… Maraming mga sundalo roong puti, andoon pag off duty. Actually, after ko iyon i-publish, nakabasa ng ilang blogs ng mga puting madalas doon noong araw. Nahiya naman ako, ang mild ng kwento ko, hahaha. Mas makukulay ang sa kanila, di nga… Iba ang description nila — lugar daw iyon kung saan nila hinuhubad ang restraint, sabihin pa…

 

Bago iyon, naunang naisulat at nailathala ang Ibang Silip sa Sta. Mesa. Maraming salamat sa mga kapatid na matyagang nagbasa ng may kahabaang o istorya, haha. 🙂 Ang background story ng post, inilagay ko na pala mismo sa loob ng akda… Mas nauna pa roon, ang kwentong Recto at Avenida. Ang Recto, malapit sa loob ng blogger dito, true. Dyaan ako unang dinala ng ate ko pagtutuntong ng Maynila, yihee! Oo, nasa elementary pa me noon at nanood kami ro’n ng sine… Wow experience na ‘yon sa akin, that time, hihi. Ang sine? Zapped, si Ralph Macchio ang bida. Aysows, tanda pa talaga… 😉

Ang Avenida, malapit din sa akin… May dalawang ate (ibang mga ate), salesgirls sila noon ng pantalon sa Uniwide Carriedo, along Rizal Avenue. Ayon, madalas ako noong gumawi sa Avenida… Pinupuntahan ko sila, after class o basta bakante. Parang namamasyal na rin, nag-iikot sa department store, nagtitingin-tingin. Minsan, hinihintay ko sila, sabay-sabay na pag-uwi. Bonding na namin ‘yon… Working students sila – wala kaming gaanong pagkakataong magkita at mag-usap. Bale, si young sister nila ay naglilikot – habang sila, naglilista ng imbentaryo. 😉

 

Hindi ko alam kung ilang porsyento ng sarili ang interesadong balikan yaong mga lumang panulukan sa Maynila – mga landas na tinahak ng pares ng paang gala, noong unang tatlong taon sa Kamaynilaan… Ilang porsyento ang napukaw dahil sa kwentuhan namin ng isang ka-blog sa email, tungkol sa mga eksenang unang bumungad sa paningin, pagtuntong sa sentrong lungsod ng bansa… Ilang bahagi ang galing sa curiosity, ilan ang dala ng nostalgia para sa isang luma ngunit pamilyar na lugar at, ilang bahagi ang nangungulit lang, naghahanap ng updates? Hindi ko alam…

 

Image of a creek in a small, distant village

Ang lumang sarili ay bumabalik sa isang lugar, dala ay bago na nga bang pagtanaw?/ enchantedinkpot.livejournal.com

 

Medyo matagal ang the making ng nasabing lathalain… Tatlong beses kong dinalaw ang nasabing avenues para sa sanaysay. Pag sa kasalukuyan titingnan, parang ang weird… Maluho at makain sa oras ang bumalik sa isang lumang lunan – para tahiin muli sa alaala ang dati pang panahon at pangyayari – para ikumpara sa anong meron sa ngayon. Ang unang punta, sinadya talaga, haha. Ang ikalawa at ang huli – galing sa ibang lugar, hindi dapat doon mismo dumaan… Pero suminsay nga at nagmasid – sa magka-krus na panulukan – dinama ang paligid, minasdan ang mga tao roon at kinapa ang sariling pakiramdam.

Isa roon, galing ako sa probinsya. Pagdaan sa lugar, umupo sa Little Hollywood restaurant at um-order ang inyong lingkod ng kape. Hindi lang dahil sa mahilig sa kape, haha, pero kailangan ko ng masusulatan, hihi. So, nagkape nga, kahit kainitan – para maka-avail ng table tissue o napkin, susulatan ng observations. Whehe, aliw na buhay ng isang aspiring writer… So, ayon, sa magaspang na tissue ng kainan naisulat ang notes para sa Sa May Kanto ng Avenida at Recto, ahaha. Classic? Mahigit dalawang linggo sa bag ang kumpol ng papel, dala ko yata maski saan. Kainaman na…

 

Image of a painting of a frontyard of a house

Ang istorya ay maaring mangyari at umikot sa isang tagong pook, sa isang munting sulok/ howtoplanwriteanddevelopabook.blogspot.com

Pag tayo ay lumilikha o nagsusulat ng sentimyento natin para sa isang pook, alin-alin ang isinasali, inaalis at iniiwan?  Sabi, mas impressions na lang ang practical na itala at ihayag sa ngayon.. Capture the scene in that one moment, we are in a constant flow. Sabagay, mahigit 20 taon na rin… May masasabi pa kayang bago, may maidadagdag pa sa mga naihayag at naitala na ng iba, may bagong liwanag pang magpapakita muli sa nasabing lunan? Ang lugar ay minsan pang silipin, masdan, i-appreciate at damhing may pagkukuro… Paano magka-ugnay ang lugar at ang nagsusulat – napadaan lang, sadya dating pinupuntahan o naligaw lang? Paano ipapaabot sa mambabasa ng isang nagsusulat o lumilikha ang damdamin niya para sa isang lugar?

 

Sa nakaraang post, naikwento ko si Eudora Welty, tanyag na regional writer na tumanggap ng Pulitzer Prize. Kilala siya sa husay niyang maglarawan ng lugar sa panulat. Sabi niya, kung wala raw lugar sa sulatin, walang kwento… Ang galing niya sa pagbibigay-buhay sa lunan ang pinilit gayahin o higitan pa, ng manunulat na si Alice Munro. Kakaibang mag-render ng isang pook sa panulat si Munro, tila bawat isang sulok doon ay iniilawan… Ang kapansin-pansin, matingkad ang elemento ng panahon sa kanyang writings – time element. Habang binabasa, mararamdamang ang characters ay nanghihinayang, nagugulat o, nagmamadali, para habulin – ang sandali – lipas na o papadating pa lamang?

Matingkad rin sa sulatin ng iba pang mga manunulat ang lugar sa kwento – ang setting… Nakilala ang mga panulat ni Miss Read sa Inglatera dahil sa kanyang fictional village – ang Thrush Green. Sa America, napamahal naman sa laksang tao sa maraming dekada ang manunulat at radio talent na si Garrison Keillor dahil sa kanyang fictional suburban community – ang Lake Wobegon. Tinanghal sa buong mundo ang galing ng panulat ni John Steinbeck dahil sa kanyang fictional na pamayanan – ang Salinas Valley. Sa kanilang mga sulatin, binuhay ng mga may-akda ang mga pangyayari at tauhan – sa isang tiyak na setting – pinuntahan, ginalugad at tinuklas din sa imahinasyon ng milyong mambabasang napukaw.

 

Image of a painting of an old kingdom in a distant place

Noong unang panahon, sa isang malayong kaharian…./ englit-debs.blogspot.com

 

Kung ilang ilang dekada na ang layo natin sa mga nabanggit na authors. Isandaan hanggang 150 ang nakakaraan, popular ang nobela bilang anyo ng panulat at babasahin. Sa ngayon, mas coffee table books na … Kadalasan, binabasa na lang sila mula sa Kindle o sa tablet, tinitingnan na lang sa gitna ng paghihintay — sa meeting, sa sasakyan o sa in-order na inumin at pagkain. Mas maiksi at papalit-palit na rin daw ang attention ng mga nagbabasa, sabi… Bilang mga taga-kwento at tagagawa ng istorya, mahalaga pa ba sa atin ngayon ang lugar sa panulat? Paano natin iyon ipanapaloob sa entries – kuhang larawan man, tula o sanaysay – taglay ang mga payak nating iniisip at pakiramdam, pagkukuro at kapirasong pagkamalikhain? Paano natin hinahabi ang kamunting kwento, magpapasabi sa titingin o babasa, “Ay, gusto ko ryan. May naalala ako bigla…” 😉

 

Advertisements

mahahabang maiikling kwento

 

Sa ganyan siya nakilala, sa kanyang mahahabang maiikling kwentong nakakapukaw, set sa isang county sa Southern Ontario. Si Alice Munro ang aking tinutukoy, Canadian short story writer, itinanghal na Nobel Prize Winner for Literature, 2013.  Ahaha, sobrang tuwa ko nang unang mabasa ang balita. As in, feeling ko, kapamilya ko ang nanalo, hihi. Hindi naman niya ako kilala, ahihi… Isa lamang ako sa daang libo niyang tagahanga. Kung kilala ko sya? Konting-konti siguro, sa kanyang mga panulat… ^^

 

Image of Nobel Prize for Literature 2013 winner, Alice Munro

Si Alice Munro, isang magaling at bihasang kwentista/ http://www.npr.org

May pagka-pribado syang tao. Iyan din ang sabi tungkol sa kanya ng mga nailathalang features at panayam. Isa raw si Alice Munro sa relatively famous authors na sobrang maingat sa pribadong buhay, iwas sadya sa limelight. May asawa siya at tatlong anak (apat, pero namatay ang isa). Katagalan, naghiwalay sila at muling nag-asawa si Ms. Munro. Napakadalang niyang magpa-interview at sinisikap nya, walang camerang nagbabantay sa kanyang mga kilos. Mayroon nga pala siyang bookstore na ilang dekada na at andyan pa rin, ahaha. Marami na si Alice Munrong napanalunang writing awards at pinakasikat yata siyang contemporary writer sa Canada nitong huling dalawang dekada…

 

Ang swerte ko, ang una kong nabasa sa mga akda niya, ang una rin niyang aklat na nalimbag, Dance of the Happy Shades, collection of short stories. Ang ganda no’n! I mean, seriously, nabasa ko rin ang mga sumunod niyang likha. Hindi pa lahat, pero karamihan… Para sa akin, pinakamaganda ang una niyang libro – isa sa mga nabasang di ko malilimutan. Wow na panulat, as in, wow… Hindi ako sing-smitten sa mga sumunod nyang likha, for some reason. Pero, ang gagaling din, andoon pa rin ang kakaibang touch niya bilang author. Na para sa akin, parang walang katulad. May mga kahawig marahil, pero walang katulad, ahaha.

Maiiksing kwento ang sinusulat ni Alice Munro, iyon ang distinct sa panulat nya. Puro short stories, ahaha. Nakaka-curious – bakit maiiksing kwento lang, walang nobela?  Marami na rin ang nagtanong. Hindi ko maalaala ang sagot, sa totoo lang… Pero, dati, sabi-sabi, ang isang libro nya, nobela. Bilang fan, excited akong makahanap ng kopya… Tapos, tapos, noong makakita na at makabili, binasa ko agad, ahihi. Aba, wari ko,  di pa rin iyon nobela. Short story pa rin, mahaba nga lang, kaysa sa mga dati nyang naisulat, ahihi…  Yon, sabi sa mga nabasa ko later, erroneous PR lang daw ang balita. Short story collection pa rin ang nasabing aklat. Ang saya… 🙂

 

Ang husay-husay sa paglalarawan ng panulat ni Alice Munro. Halimbawa, sa kwento nya, ang setting ay sa bakuran ng bahay, ikukwento nya, ano ang mayroon sa yard – mga halaman, damo, sampayan, mga ipit ng damit, bangkong lumang-luma na, mga nakatambak na gulong sa sulok, scarf na naiwan sa may hagdanan at paano ang slant ng araw, ahaha. Tapos, ang galing din ng pag-ugnay niya ng slant ng araw sa expression ng mukha ng character sa kwento, paano nag-react ang bida sa pagkakita, halimbawa, sa mga gulong na nasa sulok. O, di kaya, sa lumang bangko. O, sa mga ipit sa sampayan, ahaha. Gaano man kaliit ang detalye, may connect sa istorya, ganoon siya magsulat…

 

Sabi ni Ms. Munro, si Eudora Welty raw ang author na nag-impluwensya ng mahigpit sa kanyang panulat. Regional writer si Welty, American, awarded ng Pulitzer Prize, nabuhay at nagsulat two decades earlier kay Munro. Southern rich ang pamilya ni Eudora Welty. School teacher ang ina niya, tulad rin ng school teacher ang Nanay ni Ms. Munro… Noong nakabasa na ako ng apat yata sa books ni Alice Munro, na-curious na ako sa buhay ko, haha, nagbasa na ako ng works ni Eudora Welty. Mahusay si Ms. Welty, astute magsulat… Pero, mas nagagalingan ako kay Munro, ahihi. Ang style ng idol ni Alice, parang photographic ang panulat, parang snapshots ang kanyang mga kwento sa mga nobela nya. Sa totoong buhay, journalist at photography enthusiast si Welty at mahusay siya sa kanyang larangan.

Pero para sa akin, mas may kurot ang mga kwento ni Ms. Munro at mas rounded yata? Ewan ko lang kung dahil Nanay si Alice at si Eudora ay single, ahaha. Pero, for some reason, parang matitigas ang istorya at pati ang point of view ni Ms. Welty? O, di kaya, dahil upper middle class si Welty, habang rural poor naman ang background ni Munro, farm girl na naging middle class suburban wife? Ahaha, hindi ko lang alam… May hawig, kahit paano, ang point of view and treatment ni Welty sa kanyang mga nobela sa panulat ni Virginia Woolf, isa pang astute na babaeng author at aristocratic din or well-off ang background. Hindi ko sadya alam, sa pakiwari ko lang…

 

Ang isa pang natatangi sa panulat ni Alice Munro, ang mga kwento nya ay umiikot sa isang dekada lamang, dekada kung kailan siya ay teenager sa farm na kanyang nilakihan. Sa isang interview, tinanong na siya tungkol dito, bakit… Sabi niya, iyon daw period na iyon ang kaya niyang i-illustrate ng may katarungan at iyon din ang malapit sa kanyang isip at pakiramdam. Ayon, ang characters sa kanyang mga akda, nabuhay at pumalaot sa iisang panahon, ahaha. Pero, pag binasa nyo, modern and contemporary na rin ang dating ng mga akda nya, marami na rin ang aspetong makabago… Iyon lang, may mga kwento pa siya sa pag-i-skin ng hayop – hanapbuhay ng ama niya noon sa rural Canada.

 

Hindi ko lang alam kung nasa lugar akong magsabi, pero ang author na nakikita kong malapit o hawig kay Alice Munro ang mga likha, sa women writers, si Grace Paley. May pagkakapareho ang ilang gawa nila, lalo sa pagkapa sa pakiramdam ng tao – kung ano ang nangyayari sa loob ng pagkatao ng tao, habang ganito o ganyan naman ang kanyang ikinikilos o sinasabi sa labas o sa publiko. Pero si Grace Paley, American modern writer (pumanaw kai-kailan lang), mahusay at nakilala sa iba’t ibang anyo ng panulat – nobela, maikling kwento at mga tula. Si Munro, pirming maikling kwento lang ang anyong ginamit at nakasanayan. Realism ang genre ni Paley, hindi malinaw kung realism rin bang matatawag ang mga sulatin ni Alice Munro. Parang hindi…

Mas sharp din yata ang mga likha ni Grace Paley, lalo pa at lantad siyang feminist. May panahon din, naging bahagi siya ng kilusang sosyalista. Walang markadong political involvement si Alice Munro, sa kabilang banda. Hindi ko alam kung may sinalihan o pinanigan siyang kilusan o samahan at kung may itinaguyod siyang pampulitikang paniniwala. Parang wala… In this sense, kakaiba si Ms. Munro. Karamihan sa mga manunulat na gumawa ng pangalan at nag-iwan ng marka sa panitikan, in one way or another, nakisali at nakialam sa panlipunang issues. Na, sa isang banda, nakatulong para ma-formulate ang kanilang mga paniniwala sa buhay, siya nilang ibinahagi sa publikong mambabasa.

 

Hindi ko masabi kung writer for writing’s sake ang liga ni Alice Munro. O, kung importante pa bang ilagay siya sa isang kahon o kategorya… May mga manunulat at kritikong nagkukumpara sa kanya kay Anton Chekhov, Russian author. Si Ginoong Chekhov, prolific writer at kilala sa istilong napakahusay sa pag-recreate ng mood at atmosphere sa kwento. Playwright, novelist at short story writer siya at isang medical doctor… Sabi ng mga kilala ring Canadian writers, si Alice Munro raw is the Canadian Chekhov. Parang ganoon nga ang kanyang panulat – kaya niyang dalahin ang mambabasa sa isang malayong panahon at ipanood at ipadama sa kanila ang mga pangyayari – parang andyan lang, nangyayari sa harapan.

Sabi ng mga pumili sa kanya para sa Nobel Prize, master of fiction daw si Ms. Alice Munro. Parang angkop na angkop ang paglalarawan sa kanya. Sa mga akda niya, makikita mo ang layers ng human interaction, ang daming ambiguities at very complex ang portrayal niya sa human nature. Iyong parang indirectly, sinasabi niya – hindi tayo pwedeng magkahon? Marami sa mga bida sa kanyang mga kwento ay babae at iyon din ang napapansin ng marami sa kanyang mga likha – very nuanced at may depth daw ang kanyang pagbibigay-hugis sa katauhan ng babae – ang babaeng napakaraming roles sa buhay. Sa maiikling kwento niya, hahanapin mo palagi at aabangan ang revelation, ang realization at ang irony, feature parati ng mahuhusay na short stories.

 

Para sa akin, writer’s writer si Alice Munro… Hala pa, basahin nyo works nya. 🙂 😉

 

Para sa Minsa’y Naroroon

image of a house fence overlooking a mountain view

Tatawid ng mga bayan, ilog at mga bundok para makamit ang hangad/ http://www.123rf.com

 

 

 

 

 

 

 

Kung para sa pag-ibig, binagtas mo ang limang kilometro

Sa gitna ng ulan at mga paghuhuramento ng kulog

Nagngangalit ang langit, tila mga ulap, pinupunit

Sa maputik na daanan sa isang tagong kabukiran

Kung para sa pag-ibig, tinawid mo ang humuhugos na ilog

Patalun-talon sa mga higanteng batong-buhay

Umakyat ng tatlong bundok

Na nagwawalay sa bahay ng kanyang ama

Mula sa lansangang hintuan ng bus sa isang bayang patay

Kung para sa pag-ibig sa kanya, nagtiwala ka sa di-kilala

Lango sa tuba, siyang sa iyo ay naggiya

Nagbitbit ng iyong bag, kapalit ay munting salapi

Habang suot ng iyong mga kamay, sapatos na sapin

Noong isang hapon ng kawalang-katiyakan

Habang papagapang na ang gabi

At di mo alam kung may hahapunanin

(Kung wala, magpapalala sa asim ng sikmurang sadyang karamdaman)

Sino’ng makapagsasabi

Kung iyon ay katapangan o kawalan ng ingat? 

At hindi mo kayang kalasin

Tulad rin ng pagtandang di kayang pigilin

Ngumiti ka, talos ang pagpaparaya ng panahong nagpapalimot

Anuman yaong labas sa pag-ibig na pumukaw sa iyo

At sa bundok na niyayapakan ng iyong mga paa.

Nilupig ng ulan ang alikabok ng tag-araw

Malugod mong tinanggap maging ang pangangaligkig ng katawan

At kung saan ang hapong kalamna’y dapat mamahinga

At damhin ang kaigayahan

Ng isang larawang kalahati pa lamang ang hugis,

Ang diwa ay marapat na magpatuloy

Sundan ang katotohanan hanggang sa dulo ng bangin – at malaman:

Wala siya sa tahanan ng kanyang ama.

Ang umuugong at nag-aalburutong ulan

Marahil ang nagsabi sa iyo

Ang paghihintay ay mauuwi sa wala,

Subalit hinintay mo siya ng buong gabi.

Ang iyong nalinlang na paghahangad

Pinagkamalan ang bawat hampas ng ulan

Na tunog ng kanyang mga hakbang.

Sa dilim ng gabi, wari

Ay pagaspas yaon ng saya niyang basa ng tubig

Mula sa mga sangang ipinugong ng gabi

Ang pormal at malinaw ang matang kwago

Nag-anunsyo noong pagdatal ng sandali.

Naiwan kang tanging labi ng baga ng pangarap ang kapiling

Upang noo’y mabatid, kasabay ng ulan

Ang pagtatapos ng takas na tag-araw. 🙂

 

image of sun rising by early morn

Darating ang mga sinag ng umaga, matapos ang nagpupuyos na ulan ng gabi/ zzanyy.blogspot.com

 

 

 

 

 

 

 

 

– Ika- 4 ng Hunyo 2013

Salin ng tula, To One Who Was There

ng makata, Ginoong Anthony Tan

 

* Ang tula ay unang isinalin at inilathala ni thoughtpick o LJ de leon sa kanyang blog noong ika-9 ng Mayo 2013, may pamagat na Para sa Minsa’y Naroroon. Nabasa yaon ni ssa at hiniling niya kay ka-blog, ilathala rin sana niya ang orihinal na English version…

Nang mailathala ni ka-blog ang sipi ng To One Who Was There, nabasa ni ssa at naisipang gumawa rin ng sariling salin, hala pa… Nagawa naman (ang kopya ay nasa itaas). Ayon lang, ang layo sa ganda at husay ng original, ahihi. Paanong gagawin? 🙂

At, di hamak, mas mahusay ang salin ni ka-blog LJ. Mas maalam tumula ang ka-blog na ito sa ‘kin, sabihin ko sa inyo. Siya na ang nakakaalam – ano ang desire, hihihi. Di nga, pansinin at pagkumparahin ang dalawang translation, lalo sa bahaging pagaspas ng saya, ahihi.

Mas maganda ang kanyang salin. Mas alam niya, sya na… At kung tutuusin, iyon wari ang heart ng composition –  Paano ang pakiramdam ng isang naghahangad? Tila lahat ng bagay ay pumapatungkol sa iniibig. 😉

 

Maligayang Buwan ng Wika, mga kapatid, ka-blogs, kababayan… 🙂

 

 

 

Late daw sina Rizal

 

Hello, ka-blogs! Sabi ng isang ka-blog, nauubusan na raw sya ng paksang maiisulat sa blog, nagkukudkod na raw sya ng tutong, ahaha. Scraping the bottom of the barrel pala, in English ang blog nya, hihi… Sabagay, totoo ang sabi nya, hindi naman palaging may maiisulat. Minsan, marami man tayong gustong isulat, di natin alam ang handle na gagamitin sa kwento o istorya, paano iyon gagawing interesting at kapani-paniwala …

 

Image of a man whose head is at the bottom of the barrel

Nasasaid raw ang pinagkukunan ng isang lumilikha, hanap sa gilid-gilid at ila-ilalim/ http://www.forum.exscn.net

Sa kabilang banda, si ka-blog  itong mahusay mag-handle ng online conversations at magaling magkawing ng ligaw na impormasyon sa usapan, ahaha. Ang miscellaneous topics, naiuugnay nya ng maayos sa huntahan, hindi off… Maraming pumupunta sa site nya, nagkukwento at nagsi-share do’n ng opinyon, kabilang na ako, hihi… Masaya si ka-blog kakwentuhan, medyo strong ang opinions nya and pala-palagay. But then, graceful syang magdala ng palitan. Sya na… 🙂

 

So, naniniwala ba ako sa sabi nya, nagkukudkod na sya ng tutong o hindi? Ahaha, oo at hindi. Oo, kahit iyong mga nabibilang pa sa pinakamagagaling, dumarating din sa punto – nakakanto, nabubunggo at nauubusan… Si Truman Capote, mahusay na author, pagkaraming taon ng kanyang writer’s block… Si John Kennedy Toole, iisa ang naisulat na nobela (picaresque novel, parang Don Quixote de la Mancha), pagkatapos, nag-suicide na, di nga… 11 years later, inilimbag ang kaisa-isa niyang work. Nang sumunod na taon, nanalo iyon ng Pulitzer Prize for Fiction, ahaha. O, di ba? Kasama pala sa listahan ng modern classics ang kanyang nobela.

Hindi ko na sasabihing weird na tao ang mga nagsusulat, hihi. Alinman sa alam nyo na ‘yon, ayaw paniwalaan o ikinalulungkot, hala pa… Ay, mga kapatid, mahirap na. Sa panahon ngayon, uso ang ideya – ang isang writer ay well-adjusted, successful, popular at self-aware, ahaha. Bukod pa sa mataas ang sales ng kanyang mga libro, ahaha… Sa pagkaalam ko, iilan lang ang authors na nakaabot sa gano’n… Mas marami pa rin ang mga manunulat na gumapang muna sa lusak at gumagapang pa rin ang marami, ahaha. Saka na tayo magkwentuhan sa personal na paggapang sa lusak, ha… Hindi  pati ‘yon interesting basahin, asus…

 

Image of Rimbaud in teenage years

Sinuwag ni Rimbaud ang mga panuntunan sa lipunan at ini-stretch kung ano ang katanggap-tanggap at hindi/ superdemokraticos.com

Anyway, habang nasa paksa pa rin tayo ng ka-weirduhan ng mga manunulat, dapat yata isali si Arthur Rimbaud. Notable figure siya sa history of Literature, notorious… Katunayan, ilang pelikulang ang ginawa tungkol sa kanya – sa pinakahuli, si Lionardo DiCaprio ang bida. Total Eclipse pala ang pamagat… Si Rimbaud ay isang French libertine, restless na tao and bading, pero napakahusay magsulat… Unstable ang kanyang character, malimit magwala at yon, kawawa ang kanyang nanay… Paniniwala ni Rimbaud, para maging makata, kailangan sa ibabang ibaba ng existence – base, vile and low… Do’n sa movie, may linya, “I want the sun. I want the sun!” Emote na emote si Leonardo… 😉

 

Asan na nga tayo sa kwentuhan? Ahaha, kung nauubusan ba ng susulatin ang isang manunulat? Oo naman… Ayun, mahigpit ang impluwensya ni Rimbaud sa artists at manunulat ng sumunod na periods. Kabilang sa kanila sina Pablo Picasso, Dylan Thomas, Arthur Miller, at Jim Morrison. Medyo big time si Rimbaud… Pero, ang catch, mula 15 taon hanggang 20 lamang siya nagsulat. Pagdating ng 20, nagpaka-dekadente na lang siya at nagbyahe-byahe sa tatlong kontinente. Simula noon, writer’s block ang peg ng papansing manunulat… Napaka-non-traditional niya at kakaiba. Gayunpaman, tumatanaw ng utang na loob kay Arthur Rimbaud ang Symbolist, Dadaist and Surrealist movements. Siya na… 🙂

1854 to 1891 nabuhay si Rimbaud. Nagsulat siya, dalawang dekada matapos ang tinatawag na Romantic period sa kasaysayan ng Europa. Unconventional siyang tao, artistic to the core at kulang sa atensyon… Well, hindi loving ang household niya, maaga silang nilisan ng ama at very rigorous ang early education na kanyang natanggap. Infant terrible, kung tawagin siya sa saloons at receiving rooms sa Europe… Si Rimbaud ang totoong embodiment ng tinatawag na pasaway. Hindi lang niya binali ang values ng lipunan noon, dinuraan pa niya at inihian – literally and figuratively. Sinukahan at sinuway niya ang mga alituntunin ng respectable societies. Ayon, maaga siyang namatay… Pero, sabi, siya raw itong manunulat na nangahas i-explore ang romanticism – to its logical conclusion…

 

Image of the Philippine national hero, Dr. Jose Rizal

Galing sa nakakaangat na pamilya, ipinadala si Rizal sa Europa para makapag-aral muli/ en.wikipedia.org

Si-segwey pala muna sa mismong paksa, ahihi… Sina Jose Rizal and contemporaries, nasa Europe ng 1880’s, panahong nasa Africa si Rimbaud, ahaha. Kung papansinin, Romantic and Nationalist movements ang impluwensyang nasagap nina Rizal noon. Sila na ang tambay sa saloons at cafes – sa Madrid, Paris, Brussels, at Berlin – sila na… Pero, yun, late ang philosophical thoughts na na-absorb nila, ahaha. 1850, bago ipanganak si Rizal, demise na ng Romantic movement sa Europa at lumang ideya na noon ang Nationalism. Ahaha, luma, in the sense, hindi na leading philosophical thoughts, kumbaga… Early Realism na ang trending that time – sina Stendhal (sumulat ng The Red and the Black) at ang painter na si Goya ang leading advocates…

 

Well, maaring sabihin – relevant and applicable pa sa pinanggalingan nina Rizal, Lopez-Jaena at del Pilar ang nationalistic ideals noon… Pero sa Europa, declining in popularity na ang thoughts espoused by Johann Wolfgang von Goethe, Jean Jacques Rousseau (Pre-Romanticism philosopher, playwright and musician), Madame de Stael, William Wordsworth, Nathaniel Hawthorne, Edgar Allan Poe at Richard Strauss (musician, late Romanticism). Sakali, maiging basahin ang libro ni Arthur Lovejoy, Essays in the History of Ideas… Maari ring tingnan ang sulatin ni Isaiah Berlin, Against the Current: Essays in the History of Ideas… Ang Romanticism as a movement – sa sining, musika at pilosopiya – ang diin ay sa personal na boses ng naghahayag. Isa itong pagri-rebelde sa “rationality” or “reason” ng naunang panahon, Age of Enlightenment. Ayon, late sina Rizal:  Wala pa noong Twitter. 😉

 

Caspar Friedrich's Wandered Above the Sea of Fog

Pagbabalik sa kalikasan at pagkatagpo ng pag-ibig, ilan sa laman ng pilosopiyang Romantiko/ en.wikipedia.org

 

Sooo, rumi-realism na noon ang Europa, nag-u-umpisa pa lang mag-aral ng Romanticism sina Rizal, shaks lang… At, formative stage pa lang noon ang counterpart nitong nationalist movement – sa grupo ng islang later, tatawaging Filipinas (later, later pa ang spelling na Pilipinas, with a P). Shaks, late tayo? Or, late ang representatives natin – sina Rizal? Kumpara sa Europe, oo… Pero sa Asia, tila ahead na… Si Mahatma Gandhi, lider ng nationalist movement sa India, kasabayang dekada ni Rizal nang ipinanganak – 1869. Pero ang “passive resistance” ni Gandhi, nag-umpisa lang ng 1915 – matapos ang matagal niyang pagtigil sa Africa, bilang licensed barrister sa London…

 

Image of Dr. Sun Yat-sen

Si Dr. Sun Yat-sen ang namuno para mabuo muli ang Tsinang pinaghati-hatian ng mga nanakop na bansa/sembury.weebly.com

Si Dr. Sun Yat- sen naman, nationalist leader, kinikilala bilang founder ng bansang Tsina (Republic of China), ipinanganak noong 1866… Naging magkaibigan daw sina Mariano Ponce at Sun Yat-sen sa Japan, by late 1890s. Tumulong pa si Dr. Sun sa laban ng mga Pilipino versus the Americans… Anti-imperialism ang peg nila noon, hihi. Pero, ang efforts for reunification of China ni Dr. Sun, magsisimula officially noong 1917 pa lamang… Kaya, in another sense, maaring sabihin, bandang 1890’s, trending na si Lolo Jose among intellectuals of the period, hihi… Bukod, sa kanyang pagiging Math wizard, polyglot, athlete at dashing debonaire (maayos lagi ang Amerikana at may bowler hat, haha) na mahusay mambola ng women and men admirers, ahihi…

 

Anyway, ang layo na ng tinakbo ng ating kwentuhan, pasensya na… Ang point yata, maraming pasaway sa mundo at buhay, ahaha. May mga manunulat at may artists, may kinilala at hindi, may maagang namatay at may nabuhay ng matagal (78 si Gandhi nang pumanaw). Ang usapan – kakayahang mag-break ng traditions and conventions ng mga manlilikha ng sining and philosophers. Karaniwan, may tinatawag na classicists – nag-aral, nagsanay at sumunod sa klasikong turo… Mayroon ding trendsetters and original na mga nilalang… May classicists na katagalan, naging mga rebelde. Halimbawa, si Oscar Wilde, parang sina Rizal, nag-umpisa as a classicist. Kilala siya bilang Irish playwright, notable sa kanyang wits and sarcasm at magarbong pananamit… Nag-asawa si Wilde at nagkaroon ng dalawang anak, bago nagkaroon ng homosexual affairs.

 

Image of Oscar Wilde

Makisig manamit at tanggap si Wilde sa alta sosyedad ng Europa/ http://www.peoplesniper.com

Pasaway at papansin si Wilde, pero well-received siya sa saloons noon. Mahilig siya sa luho at creature of comfort, sabi… Si Rimbaud na napag-usapan natin kanina, discredited saan man – sinasadya niya raw maging marumi at mababang tao. Curiously, tulad ni Rimbaud, hindi rin maganda ang ending ng buhay ni Wilde… Nakulong si Oscar and later, namatay na naghihikahos. Pareho sina Wilde at Rimbaud – trendsetter ng “avant-garde ” na sining at paniniwala. Kapwa sila malikhain at malalakas ang loob… Kay Rimbaud, tanging sa pag-disorganize ng self mapapalitaw ang tunay at lantay na sining. Kay Wilde – may duplicity ang tao, masakit ang katotohanan at marapat itong bihisan ng maganda. May pagkilala si Wilde sa conventions and respectability, si Rimbaud ay wala.

 

Sa usapang pag-i-scrape ng bottom of the barrel sa pagsusulat, marami sigurong matutunan kina Rimbaud at Wilde … Sa mga Pilipinong kinilala,  si Nick Joaquin ang isa sa mahusay na naglarawan sa “decadence.” Marami-rami ang naisulat niya sa paksa… Ano ang culture of decay? Bakit marami ang artists and writers na nabibighani rito? Sabi, hindi lamang daw sa tema at istilo ng pagsusulat, sa artworks, sa attitude at sa pananamit ang pagkabulok. Isa raw itong way of life… Ang lumilikha raw, darating sa punto – physically, intellectually and emotionally poor. Sayad na sayad siya sa sahig, gumagapang at walang-wala na… Sa ganoong kalagayan, doon daw lalabas ang individuality ng artist – resource, reserve and artistry niya – para makalikha ng magaganda, malikhain at orihinal.

Ka-blogs, bago ko pala makalimutan, ang major works ni Jose Rizal, Noli Mi Tangere at El Filibusterismo, romantic thoughts ang laman, yown… Doon inilagay ng ating Renaissance man ang mga natutunan niya sa pag-aaral, pakikisalamuha at pakikipagkwentuhan sa cafes at pati sa boudoirs. Ay, kasali ang boudoirs or private rooms learnings niya, ahihi… Alam nyo bakit? Sapagkat, ang romanticism as a philosophical thought, going back to man’s basic sentiments and feelings… Kaya, may trek back to nature (may eksenang ilog, di ba?) at maraming pag-explore sa senses sa mga nasabing akda, ahaha. Si Rizal, a man of reason, very celebral na tao – matapos mag- ikot sa cosmopolitan centers ng mundo – nagbabalik sa katutubo niyang lupa at inaalam ang kanyang mga sentimyento sa mga nobela niya. Noli Mi Tangere is about decadence, remember? 🙂 Hala, ang dami ng wento, susme.

 

Image of Noli and Fili, Rizal's major novels

Ang unang nobela ni Rizal ay ukol sa pagkabulok ng ating lipunan sa pagtatapos ng siglo/ http://www.tumblr.com

 

About 20 years ago, may mga nasalubong – mga taong Dadaists at Surrealists daw… Sa mas madali, Dadaism, yong art-art na may toilet, ahaha at ang Surrealism, yong dark-dark, mga sining na galing sa bangungot, yon yata… Ay, wala pa rin akong alam noon sa art-art, babago pa lang nagbabasa-basa ng Philosophy at nagtataka lang ako sa buhay ko – Bakit ang we-weird nila, ahaha… Matagal na rin, di ko na sila napagkikita… Nitong mga huling taon, ang  “unconventional” na lang na nasasalubong – mga taong mahihilig  sa reggae music, corn row ang hairdos  pag minsan, at mahihilig  sa surfing at usapang iskwater and pubhouse, hoho… Pero, parang malilinis at maseselan naman sila? Ahaha, artsy silang tao, though… Nag-iba na kaya ang philosophy of decadence? O, iba na rin pakahulugan dito sa ngayon? Naitatanong lang… 😉

 

Sa akin, parang matagal pa bago mauubusan ng paksa si ka-blog, ahaha. Hindi sa binobola  o pina-patronize ko sya. Mukha syang taong curious. Pag curious daw, hindi madaling maubusan ng creativity, sabi… Tapos, ang bata pa nya, parang ang layo pa sa end of her ropes, ang dami pa niyang pwedeng i-explore at tuklasin – sa blog man o hindi… 😉

 

Process

 

Hello, pipol! 🙂 Hayaan ninyong ipakilala ko sa inyo ang mga sulatin ni The Tale of My Heart. Siya ay isang Indian blogger, naka-base sa London. Isa siya sa iilang bloggers na subscribed sa lahat kong site, isang bagay na tunay kong ipinagpapasalamat. Nagbabasa siya sa lahat… Ang kakaiba, sa DPSA lamang siya madalas maglagay ng like, ahaha. 🙂

Romantic na nilalang ang blogger, knowledgeable sa philosophy and well-versed sa international issues. Kung sabi ng ilan, romantic ang mga sulatin sa sites ko, wala pa siguro iyong ika-sampo ng gaano ka-romantic at nakakapukaw ang site ni TToMH. Sana, silipin ninyo ang kanyang mga likhang-akda. 🙂

Maligayang araw!

♥ The Tale Of My Heart ♥

Process

,,,

You will learn by reading
But you will understand with love.

,,, 

Shams Tabrizi

View original post

Masayahin si ka-blog

 

Hello, ka-blogs! Noong isang linggo pa sana ako gumawa ng post tungkol kay ka-blog, kay MerryStrawberry… Hindi ko magawa-gawa, nauunahan ako lagi ng lungkot. Siya si ka-blog na pumanaw, mahigit isang buwan na ang nakakaraan. Siya na ang nauna, maliksi talaga ang isang ‘to, pambihira… 🙂

 

Image of strawberries and flowers on a plate

Ayon lang, ni hindi ko napadalhan ng strawberries si Merry. Medyo madalas ko pa naman syang inggitin nito, hohoho/ http://www.dreamstime.com

 

Masarap basahin ang mga sinulat nya. Mahusay si Merry sa gayspeak at street language, natural na natural… Ang dami ko laging tawa, basta napupunta sa site nya. Ang bahay nya nga pala, hangganda ng pangalan – 12:34. O, ha? Parang default security password  sa cellphone, ahihi…

 

Una yata nyang post na nabasa ko, tungkol sa tapsilog. Kwentong tabi-tabi, kwentong wala lang. Kwentong craving, sya na… Hindi ko na maalala, pero riot syang magkwento. Kwentong barkada? Kwentong makulit… Basta, nag-subscribe ako noon sa site nya. Parang sure ako, mahusay syang magsulat.

It turned out, writer pala sya talaga, sa campus paper nila noon sa GAUF, Gregorio Araneta University Foundation. Eskwelahan  yaon sa Malabon, hindi gaanong sikat na paaralan, sabihin na natin… Mas kilala ang GAUF bilang agricultural and technical school for the longest time. So, medyo gulat, may gaya nya, doon nag-aral. Pero, mukhang skilled writer…

 

Isa sa mga sinulat nya, tungkol sa kanyang cellphone, pinalad na nahulog sa inodoro, hakhak. Sya na, nakuha nyang ikwento sa post… At, hindi nakaka-off ang pagka-kwento. Na-revive at naibalik sa circulation si maswerteng cellphone, haha. Katunayan, hiniling pa nya sa readers – ipag-pray si cellphone, for longer life, hakhak.

Not many can pull off a story like that, kwentong shit happens – pero di masusuka ang nagbasa pagkatapos. Mas madalas, ang nababasa kong posts about shitty happenstance, nakakabaligtad ng sikmura o parang kulang na lang, sambahin ni nagsulat ang shit. Hindi ganoon ang kay Merry… And, am not saying this, dahil wala na sya. Sa ilang pagkakataon, nasabi ko sa kanya, gaano ako kabilib sa kanyang pagsusulat…

 

Sa call center sya nagtatrabaho. Nabasa ko ang posts nya ng pagkainip, paglipat ng kompanya, pag-a-adjust sa bagong schedule, pagtitipid at pag-asang isang araw, there’ll be better days… Siyempre, ako ang nagkukwento kaya parang ang seryosong pakinggan, haha. Pag si Merry ang nagna-narrate ng struggles and hopes nya, ang delingkwente lang pakinggan. Ang kulit…

May time na dalawa ang trabaho nya, pursigidong nilalang… Early 20’s, pero sinasalubong niya ang agos at kinakaya ang mga daluyong… Binasa ko lahat ng About Pages nya, na kung ilan, hahaha. Ang pinakakakatuwaan ko kay Merry, ang tawag nya sa nanay niya, sa kanyang madir – Mother Nature. Ang ina niya, kung tama ang pagkaintindi ko, hindi nya biological mother. Yun…

Masugid niyang itinataguyod ang pamilyang nakagisnan nya. May posts siya ukol sa ama niya, pumanaw a couple of years back. Hindi ko alam, chances are, di rin niya iyon biological parent. Pero, andoon ang pagkilala, ang paggalang, ang pangungulila… Parang naiitsurahan ko sa mga kwento nya – medyo maluwag ang kanilang bahay sa urban setting, pero masikip ang mga daanan sa lugar at humuhugos ang paligid at phase ng buhay…

 

May boyfriend ang ale, haha, may lovelife… Medyo magulo pa ang mga una niyang kwentong pag-ibig, saka, mas pahiwatig lang, ahihi. Pero noong nagtagal, parang mas stable na… Parang sa kwento nya, nag-iisip na rin siyang mag-settle down, pero kailangan pa nyang pumunta sa Singapore para maka-ipon… Masaya ako para sa kanya, hindi raw siya iniwan ni boyfriend nitong may sakit na siya…

Sabi nya sa huling post, hindi na siya takot mamatay. At 22, pwede na raw… Hindi ko sure kung agree ako. At, hindi rin ako payag na magkakatotoo agad, pambihira… Parang sa mga huli naming palitan sa comments, kinakagalitan ko sya, haha. Nakukuha  pa rin nyang magbiro, seryoso na nga ang kundisyon nya. Leukemia ang sakit nya, pero panay pa rin ang patawa ni ka-blog. Matapang sya… Her courage is unusual as is hard to come by… Mas matapang siya ng five times sa ‘kin, feeling ko lang.

 

But I should have known… Siya si ka-blog na lakas-loob nag-comment agad sa Mga Tahi at Paso, sa DPSA… Isang mahaba at hopeful na message ang iniwan niya roon. Nalaman ko, pwedeng may bumasa at maka- appreciate ng ganoong sulatin… Binasa rin niya ang Para Saan ang Isang Saglit?, akdang philosophical, type of read na malayo sa typical na binabasa ng mga kabataan these days. Nag-comment sya roon, hopeful as usual ang sabi…

Tinyaga nya ring basahin at intindihin ang limang kilometrong page dito, ang Awit, Laban at Pag-ibig, patatawarin… And, she shared her thoughts and feelings about it likewise. I cannot say that for others … Hindi si Merry nailang na kesyo masungit ang tunog ng sites ng lola nyo, kesyo malalalim ang sinusulat ko o ano? These did not deter her from coming over and making friend. Hindi siya umiwas o anupaman. Wala syang pa-ek-ek… Kay Merry, nakikipag-kapwa sya ng maayos so, wala siyang ipinag-aalala. Andoon ang intent niya – matuto mula sa iba at mas mailugar pa ang pagsusulat, balang araw…

 

Nagbabasa siya at naka-follow sa sites ko. Ate San, tawag nya sa akin. Siya iyong isang ka-blog na feeling ko, sister na rin… Younger sister na di matigas ang ulo, hahaha. Pero, maldita rin. 🙂 Sabagay, di niya itinatago, hihihi… Anyway, between the two of us, mas ako ang fan. For somebody that young, mahusay si Merry magsulat – in Tagalog and in English. Siguro, about three times syang mas marunong kesa sa akin, pagdating sa pagsusulat. Noong ganoong edad ang lola nyo, ni kalahati ng husay nya, hindi ko abot. Hindi ko kayang i-elaborate how, pero mas maalam sya.

Madalas naming pagkwentuhan – mother’s love, pagkakahig sa pagsusulat at hirap ng buhay-buhay. She sounded more mature  than her age… Siguro, dahilan iyon para maka-identify siya  sa writings dito. Alam ni Merry, hindi ganoon kadali ang buhay. Naranasan rin nya, first-hand… Pero, ayun – cheerful sya. Half-crazed din, from time to time, hahaha. Hindi sya magpapatalo sa mga hambalos. Lalaban siya, kung may lakas din lang… Early March, na-diagnose ang kanyang kanser, late April siya namaalam. Hindi ako naniwala noong una… For two weeks, nag-aantay pa ako, baka may mag-refute ng balita. Na hindi iyon totoo…

 

More than two weeks ago, parang nag-sink in na. Nalungkot ako – hindi ko alam kung para sa kanya o para sa akin. Malamang, itong huli… Kasi, kung siya ang tatanungin, nadaanan nya na lahat – maghirap, mag-aral, magsayaw, magsulat, maging masaya kasama ang pamilya at mga kaibigan, magmahal, mahalin, magsumikap, matakot, tumingin sa kawalan, magalit, sumuko, umasa muli, manghina, umasa, tanggapin ang mga sakit at, manalig. At sa huli, sabihing kaya niya – handa na sya…  Malamang, nalungkot ako para sa sarili.

 

Condolence sa mga naiwan niyang mahal sa buhay… Maligayang pamamahinga, ka-blog na Merry! 🙂

 

 

*Many thanks to jamesrevelsthecomposer, an Ohio-based WP blogger for pointing me to the music, just very recently, haha. Waving, kind thanks… 🙂 * 

 

mga ideya para sa panulat

 

Hello, ka-blogs! Napansin ko, marami-rami ang sumisilip sa post na Madali raw magsulat? Ahaha, may pumapansin din naman, yihee… Anyway, sa akin, sign iyon, maraming ka-blogs ang interested alamin – paano makakapagsulat ng mas marami pa at mas magagandang sulatin. Saka, ano rin, siguro, para ma-confirm, maski ang gaya ng lola nyong medyo madalas mag-post, nahihirapan din sa gawain. Na hindi biro ang paghahayag at pag-abot sa mambabasa… We’re in the same boat, ika nga. 😉

 

Image of a pen on top of a notebook filled with notes

Sulat lang lagi/ jdelmiguez.blogspot.com

Sabi, walang formula o tiyak na hakbang para ang isang tao ay makapagsulat. Wala… Pero, huwag kayo, ang dami pa ring nagtatangka at sumusubok, ahaha. O, di ba? Ibig sabihin, kahit walang formula, maraming posibleng maisulat at pwedeng magsulat. Actually, alam nyo ‘yan. Karamihan sa ka-blogs, hindi naman sa pagsusulat ang larangan. Ang iba, ni hindi related sa trabaho o papel nila sa buhay ang pagsusulat – at all. Pero, nakakasulat. May naiisulat. At, magaganda pa nga, haha. 😉

 

Narinig nyo na ‘yong madalas sabihin – Your life story is your most powerful tool? O, yun. Na kapag nahabi mo raw sa interesting at engaging na paraan ang iyong buhaya compelling narrativekaya mong mang-impluwensya ng iba. Makakayanan mo raw pagalawin ang ibang tao at baguhin ang sariling buhay. Ayon ang sabi… Na kapag naipaabot mo raw sa sangkatauhan ang pansariling kwentong buhay, para ka na rin – nakapagbuhat ng bundok, nakatawid ng dagat at nakapag-rewrite ng kasaysayan ng pamayanan. Ahaha, ayon ang mga sabi…

Paano naman ‘yon? E, ikaw lang ‘to. O, ako lang ‘to. Tayo lang ‘to… 🙂 Saka, sa marami sa atin, gusto lang nating ma-manage ang challenges ng pang-araw-araw na buhay – may pamalengke at pang-grocery, may enough amount of love, konting respect at ilang patak ng goodwill and neighborliness. Ayon, tama na ‘yon… Huwag na ang ma-impluwensyahan pa ang sangkatauhan, ang hirap kaya no’n? Bangayan nga lang sa loob ng pamilya, ang hirap nang i-manage, humanity pa, sus! Mag-lobby nga lang sa barangay para huwag sa may gate nyo padumihin ang aso ng kapitbahay, may nakaka-away pa. ‘Yun pa kayang impluwensyahan ang sangkatauhan? Susmaryosep… At hwag na nating isali pa ang national politics, enough na… ^^

 

Image of a young person writing in a corner

Nagsusulat maski saan/ chaoticsoulzzz.wordpress.com

 

Anyway, ba’t nga ba sinasabi nilang ganoon? Ba’t panay ang salespitch ukol sa power of the individual in this time and age? Tsows! Bakit, bakit? 😉 Kasi raw, masyadong dominated ang scene ng malalaking institutions, malalalim at entrenched na habits and traditions, naglalakihang kompanyang may specialized rules and tenets, at, ng in-your-face na tri-media… Gagatiting na raw ang espasyo at boses para sa individual na tao, ang basic unit ng lipunan, hoho. Malakas raw masyado ang pressure para mag-standardize at maging uniform –  sa kasalukuyan, sabi… Kailangan raw palabasin ang boses at hugisan ang mukha ng individual – para balansehin ang interes ng publiko at pribado. Sabi lang naman… ^^

 

So, iyon ang madalas sabihin sa atin ngayon sa iba’t ibang babasahin at panoorin – Tell us your story. Tell us your story, and if it speaks to us of our own lives – our joys, woes and experiences – it is as if we have lived. You can make a difference. Parang ganyan ang sabi, di ba? So, ayon, we take our cue from that… Subok tayo ngayon lahat magsulat sa online – sa blogs, ahaha. May -i-sulat tayong para nga namang interesting ang ating buhay, ahaha, as if may makikinig. And, lo and behold! Mayroon naman nga. At may mga natuwa pa, ahihi. So, sulat tayo uli, medyo feeling writer na, writer na blogger, shaks lang. Hanggang isang araw… Hanggang isang araw, natuyuan ang ating tinta, hakhak. Shaks lang, at doon at noon natin naisip – hala, di nga pala ganoon kadali ang magsulat. Kailangan nga pala, nag-i-employ ng brain cells, kainaman na… 😉

 

Image of a writer in a block

May mga panahong ayaw tumuloy sa kamay natin ang mga iniisip at pakiramdam/ razamisor.multiply.com

At siyempre, sa mga ganoong pagkakataon, nakakanto na tayo at wala tayong gaanong magawa maliban sa – kagat-kagatin ang eraser ng pencil, tumipa-tipa sa keyboard at tuminga-tumingala sa kisame  – tinatanong natin ang sarili bakit nga ba naumpisahan natin ito at bakit naniwala tayo kahit pansumandali sa salespitch na original ang ating kwentong-buhay, haha. Kung merong nakakaalam, higit sa lahat – kung gaano ka-boring ang ating so-called life –  tayo mismo, ahaha. Pero, hindi tayo naggi-give up – kasubuan na ito, hihihi. So, susubok tayo uli, mula sa pinaka-trivial na kwento tungkol sa langgam na papalapit sa tasa ng kape sa desk, hanggang sa pagbati ng gwardya kaninang umaga at hanggang sa bagong work schedule na natanggap kanina lamang – lahat iyon, susubukang gawan ng kwento… Boring na kung sa boring – e, bakit? Basta, susubukan, malay mo… At malay naman nga natin, ahaha. 🙂

 

So, may ideya ba talaga tayo ng kung ano ang gusto nating sulatin? Kung saan sila manggagaling, kung paano natin sila isasalansan at pahihigpitin para gawing kwentong kapaki-pakinig naman, worth tapunan ng ilang sandali ng babasa, gawan nila ng panibagong kwento? Pwedeng meron… Pero, pwede ring wala. Pwedeng meron, na sa kalagitnaan ay nawala, haha. Pwedeng wala, na sa biglang pagpaling ng ulo, sumulpot at sumindi, parang bombilya – Eureka! Pwedeng merong malinaw dati, na noong tinatahi na natin, parang palabo ng palabo – sa tinamaan ng magaling na ‘yan… Pwedeng meron, nag-notes na nga tayo dati – tapos, noong sinisinop na natin ang notes, ayaw magkabit-kabit, shaks … May mga araw na wala talaga – sarado ang library ng ating utak at pakiramdam – next week na lang daw uli, on-leave ang librarian, hakhak. 😉

 

So, ano nga uli ang ating huntahan? Kung saan at paano nanghuhuli ng mga ideya para sa panulat… Ewan ko, kanya-kanya nga siguro. Parang… Kayo ang magsasabi, di nga…. Sa DPSA pala, may naisulat ang lola nyo, Sukatin Mo ang pamagat – tungkol sa English and metric system at sa mga tradisyunal na panukat — dangkal, dipa at salop. May pagka-weird ang topic, haha. Anyway, November 2010 yata yaon nailathala. Kung paano dumating ang ideya ay ganire… 😉

Pumunta kami noong Nob. 1 sa sementeryo, sa public cemetery sa aming bayan, ‘yong usual… Pagkakagaling namin sa mga puntod – dasal-dasal, kanta-kanta at update-update sa kamag-anak incorporated, ahaha – namimili kami sa may paglabas ng sementeryo. Ang usual na mga tinda roon, ay marami, haha. Ang madalas naming binibili, butse-butse at mga butil – paayap, kadyos at utaw (soya beans) na sariwa – dinadala pa-Maynila. Saka, minsan, sitaw…  Anyway, ang napansin ko, kinikimis pa rin ng magtitinda ang sitaw para sukatin – isang pabilog na hawak – mga sampong sitaw ang laman. Isang kimis, a handful, sabi sa English… Ayon, na-compare ng lola nyo – ang layo ng sistemang kimis – sa style sa supermarket, tinitimbang at nila-label na lahat ng prutas at gulay. Ayon…

 

Image of stringbeans for sale

Kinikimis muna ang mga sitaw, bago tinatalian para ipagbili/ naturalherbalmedicinepinoy.blogspot.com

 

So, ganoon ka-weird at ka-ordinaryo ang instance, nag-precipitate ng isang sulatin – tungkol sa pwesto ng Pilipinas sa ISO standards, sa pandaigdigang kalakalan. A, e, siyempre, weird ang lola nyo…. Pati mga ganoon, napag-iisipan ng kung anu-ano, hakhak. Anyway, ang value sa akin ng nasabing sulatin, medyo malaki… Iyon yata ang unang post na social commentary. Kumumentari talaga, ahaha. Ay, hindi pala iyon pre-conceived post, hindi kasama sa originally pinag-isipan at ini-outline na mga paksa sa DPSA. Dahil nakitang kinikimis pa si sitaw, haha, at tinatakal pa sa maliliit na salop ang butil ng kadyos, sa may sementeryo sa bayan. Uncool, ano? Uncool ang lola, sabi sa inyo… Anyway, may pagka-academic ang treatment na kinalabasan ng Sukatin Mo. Mala-lecture, ahihi. Kaya, di na rin ako nagtataka, iniiwasan ng iba, parang subject lang sa eskwela, hakhak. 😉

 

Image of a hand writing on a sheet of paper

Nagtataka tayo madalas, saan galing ang ideya noong mahususay magsulat/ sweetbubbles14.wordpress.com

Anyway, dati, naikwento ko sa inyo, bilib na bilib ako sa dalawang bloggers – sina taympers at joyo. Maraming dahilan bakit nagagalingan ako sa pluma ng dalawang ito. Pero, isa na lang muna ang babanggitin ko ngayon – the ability of their pens to make things, people and events come alive. Ayon, ahaha… May isang naisulat dati si taympers, tungkol sa elementary days nya sa munting paaralan sa nayon. May flag ceremony ang kwento. Sa pagkakwento nya, parang nakita ko mismo ang flagpole sa harapan ko, as in… Tapos, ang kwento naman ni joyo na tumatak sa akin, isang rant post – kung pwede lang daw na ala-Juan Tamad, maghintay na lang na pumatak sa bibig ang bayabas. Pero, the way she told her story, parang naitsurahan ko mismo ang bayabas – sa harapan ko… At na-humble akong maigi noong binasa ko ang mga istorya nila… Naitanong ko sa sarili ——

 

Saan kaya galing ang ideya nina ka-blogs para sa kanilang panulat?” Nakakainis sila, sa totoo lang. 😉