Pusikit ang Dilim

 

Pusikit ang dilim, ang hangin ay banayad

Pumasok na sa bahay, mga batang naghahabulan

Humimlay na sa puno ang mga manok at kilyawan

Kanina pang namaalam itong si haring araw.

 

image of sunset in the Philippines

Maagang magpaalam ang araw pagdating ng hanging amihan/ pranzkaeno.tumblr.com

 

 

 

 

 

 

 

 

Di ko na naabutan, paghalik ng mga butiki sa lupa

Di ko napansing gabi na, kung magpakita ang mga tala

Hinahanap ko ang mga alitaptap na iilaw sa daan

Hinahantay ko ang mga ulap na maghahatid sa buwan.

 

Pusikit ang dilim

kislap ng iyong mata

ang tanging tanglaw.

 

Pag-awit, Pagsusulat at Pagmamahal

imageof a G Cleft

Simbulo/ pcadvisor.co.uk

… Sa madaling salita, hindi ako sumikat, hindi yumaman at hindi nag-asawa. Dahil nga ako ay nagsusulat, hayaan nyong ako na ang magsabing ang tatlong scenario ay pwede lahat gawan ng kwento – maski tig-lilima. Mas madali yata ang gumawa ng kwento kesa sa matuto ng isang buong kanta? Hmmn… at least, para sa akin. Pero, lagi-lagi pa rin akong nakikinig sa mga kantang hindi ko naman alam at hindi nakakabisa. May nagagawa yata ang kanta sa taong tila hindi kayang ipaliwanag ng mga salita lamang?

At siyempre, kumakanta pa rin ako, maski puro chorus o refrain lang naman. Tulad din ng pagsusulat, iyan ang isang bagay na hindi ko binibitawan o iwinawala. Paniniwala ko, hanggang nakakahimig pa ako, ako’y nasa katinuan pa. Dito sa mundong magkakasama’t nagkakasalubong sa araw-araw ang mga taong nabubuhay sa pamumulot ng basura at iyong mga bored na bored kung paano gagastusin ang kanilang mga pera, mas maigi kung may pinaniniwalaan pa.

image of a pen and a notebook

Ang pagsulat ay pag-abot/ wribie.blogspot.com

Naniniwala pa rin ako sa pagsusulat kahit pa sabihin ng ibang marami sa mga nakalimbag na salita ay basura lamang – mga kasinungalingan at pagpapanggap. Nagsusulat ako para tingnan kung kaya ko pang maghiwalay, magbago ng mga ayos at kung kaya ko pang magbigay-hugis. Kasi, para sa akin, ang pagsusulat ay isang uri rin ng pagmamahal.

Hindi na raw uso ang harana. Wala nang sumunod na nanligaw na nag-concert para sa akin. Hindi ko alam kung okey rin ba ang pakiramdam ng pinapadalhan ng video message at kung nakakakilig ba ang haranahin sa YouTube.

 

image of a lyric sheet

Iilan lang ang lyrics na alam/ zedequalszee.com

 

Ano Na Ang Uso?

image of a post-it announcing updates

Ano na ang mga huling kaganapan?/ tagalogonlinepocketbook.com

 

… So, fast forward na tayo sa kasalukuyang uso na ang salitang cougar, pag nagsulat ka sa internet ay unang hihimay-himayin ng mga nagbabasa ang iyong preference at orientation at matagal nang byword ang salitang update na pumapatungkol madalas sa kung nakailan ka na at kung ikaw ba’y nakarami, ha, ha… Ng kung ano, di malinaw.

Di tulad noong ang uso pa ay ang magrenta ng komiks, makukulit ang mga nagbabasa sa ngayon. Hindi lang sila nakikibasa ng libre sa iyong sinulat kundi ookray-okrayin ka pa bilang kapalit. Lalo na iyong mga mambabasang nagsusulat din at magagaling naman, parating gustong mag-breaking news tungkol sa mga kapwa nagsusulat, ha,ha. Para silang may lens na sumasalamin sa future, ang lalakas ng kanilang loob. Sana, ganyan din ako.

Sa ngayon, isa na akong lipas sa kalendaryong nagsusulat. Dito at pati sa totoong buhay. Dati, matapang din naman ako, parang ‘yong bloggers sa ngayon, ahaha. Ganyan din ako i-describe ng mga tao noon. Over the years, nabawasan na ng husto ang sigla at kakulitang sabi ay nakaka-attract daw sa mga tao. Na-tame na ng real encounters, kumbaga. Natabas at pumusyaw doon sa mga lugar at sitwasyong madalas ay ang taas ng traffic ng mga tao at mga salita. Mga salitang standardized, packaged at sabi’y palabas lamang. Showbiz, ‘yon ang tawag. Sabi naman ng iba, lingos daw ‘yon – jargons. Kasali rin ako doon – bilang producer at consumer, naman.

Bumili rin ako dati ng Palm Top, personal laptop at nag-subscribe sa internet noong dial-up pa ang technology, ha,ha… Madalas ako rating manood ng primiere sa mga sinehan, plays at musicals sa CCP at sa RCBC Plaza at ilang taon ding madalas sa mga bagong bukas na medyo mamahaling kainan.

image of a cellphone with capability to download itunes

Makabago na ang mga gadget at plataporma ng musika/ nobelbiocare.com

Itong sa ngayon ang hindi na ako gaanong sumasabay. Kailan ba nag-umpisa ‘yon? Noon sigurong mauso na ang broadband technology. Kapatid ko na ang bumayad ng ganyan sa bahay. Siya rin itong updated sa digicam-digicam. Sa social networking na tinatawag, hanggang Friendster lang ang aking inabot. Iginawa ako ng kapatid ko ng account na ni hindi ko nilagyan ng picture, haha. May walo ako roong Friends – tatlong friends at dalawang kapatid at tatlong pamangkin. Ahaha, oks ba?

Masasabi kong generally, hindi na ako kasabay sa mga usong social media, sari-saring gadgets at mabilisang pagpapalit ng mga impormasyon, bagay at tao. Hindi ako nagsa-shopping online dahil hindi ako gumagamit ng credit card – hindi ko ‘yan sinubukan. Hanggang checking account lang ako. Ha,ha, sinauna talaga. Over-all, mas sanay pa rin ako sa basic sa isang mundong tila pinatatakbo na ng mga overlapping na kawad at sinulid.

Lima pa rin lang ang kantang alam ko, both music and lyrics, ngayong uso na ang downloads at itunes. Iyon pa rin ang tanong ng aking kapatid pag naririnig niya akong nagha-hum, “Teka, kasama ba iyan doon sa lima?” Hindi pa rin niya alam hanggang sa ngayon kung alin iyong lima…

 

Romantiko at Hindi

 

… Si romantikong six-footer, ang tanging naging kakumpetensya sa pinakaromantikong paraan ng panliligaw ay isang promding di-kagwapuhan pero malambing din at artistic. Sa probinsya siya naka-base at doon ko siya na-meet sa isang out-of-town na lakad.

Iba naman ang the moves nito. Tumatawag siya sa opisina namin sa Maynila tuwing impunto alas-sais ng gabi sa ganitong araw kada linggo at nagpapadala ng grocery every two weeks, ha, ha… Ang kulit lang, grocery, as in…  Hindi rin naging kami nitong taong itong napaka-thoughtful at sweet kung manligaw.

 

Anong klase raw ba ang hinahanap ko? Ang duda ko ay iyong taong kaya akong patahimikin sa isang tingin lang. At may na-meet na akong ganitong tipo dati pero pinalampas ko. Taga-lay-out siya ng brochure at iba pang materials sa isang lumang printing press. Messenger yata namin ang nag-rekomenda, doon na kami magpagawa ng material.

 

image of an old printing press with attached computer

Sa computer na noon ginagawa ang lay-out pero luma pa ang press na gamit/ ohgizmo.com

 

Mas bata ito sa akin ng dalawang taon, working student daw sya at nasa third year pa lang noon. Ako nama’y graduate na at medyo matagal nang nag-oopisina. Nakakabili na ako noon ng maganda-gandang blazer at nagpi-feeling-feelingang ayus-ayos na rin naman ang mga nangyari sa aking buhay. Noon ko siya nakita. Ilang beses lang, tatlo yata.

Naku, hindi sya gwapo pero hindi naman pangit. Natakot ako noon, bibihira ang taong nakakapagpatahimik sa akin. Mas marami sa mga nanligaw sa akin, kung hindi gwapo, very presentable. Ang mga iyon sa wari ko ay nalinlang sa aking pananalita. Narinig nila ang aking ide-ideas at doon sila namangha, ahaha. Saka, payat pa raw ako noon kaya kung ilan din yaong mga nagbitbit ng bag ko kahit kaya ko naman, nagpadala ng kasoy at mangga at meron ding mga kumawit ng aking bewang kahit hindi pa naman nila ako girlfriend. Nalinlang ang mga ‘yon, nabola ‘ika nga.

 

Itong si magli-lay out, hindi nalinlang o natakot sa aking presence. Hindi ko rin nabola. Mr. No Nonsense sya, pambihira. Kaya nya akong patahimikin sa tingin lang, pramis. Kaya ayon, ako ang natakot. Bago pa mangyari ang aking kinatatakutan, ginawan ko na ng paraan para hindi ako mabulid sa bangin. Simple lang, ‘yong boylet ko na sa opisina ang pinapunta ko sa printing press. Gaga nga ako, nasabi ko na ba ‘yon?…

 

Hindi Sumuko

 

an image of courtship in ancient times

Ang nais ng nanliligaw ay pasukuin ang damdamin ng nililigawan/ paintinghere.com

 

… Naging kami ba nitong romantikong mamang ito? Hindi. Ikinalulungkot ko, brothers and sisters… Bata pa ako ng mga panahong iyon at di gaya sa kasalukuyan, ang alam ko ay nakakaramdam pa naman ako noon. Kaya lang… kaya lang, noo’y tahimik pang nanaghoy ang puso kong ipinagpalit sa iba, kai-kailan lang. Ipinagpalit nang di raw sinasadya, ha, ha.

Kaya hindi nasungkit ng pangalawang matangkad sa buhay ko ang pihikan kong puso. At di tulad ng unang pagsuyo – ng unang matangkad na lalaking nagpabilis ng pintig ng aking pulso sa papungay-pungay ng mata at payakap-yakap – hindi si singer-songwriter naka-first base man lang. Malupit siguro akong tao, tingin ko.

Noong magkita kami four years matapos ang panahon ng kanyang panliligaw, masuyo’t mabait pa rin siya. Kalog pa rin. Wala pa rin daw siyang asawa pero mayroon siya noong girlfriend. Ang lambing ng pagkakasabi nyang, “Ikaw, kasi..,” napangiti ako.

Sa mga kaibigan ko lang ako usually nagkukwento ng mga bagay na personal. At ang mga kaibigan ko noon, sila ang kinikilig tuwing may next installment ang kwentong ito. Noong sumuko na itong si Mr. Romantic – dahil ang dami na nga naman nyang efforts gayong ako’y wala namang isinusuko o ipinahihiwatig man lang – series din ang panggigisang nakuha ko sa mga kaibigan ko. “Ano ka ba, sayang ‘yon? Hindi pinapalampas ang mga gano’n, gaga!”

So, ‘yon, gaga nga ako. Malamang, noon pa ma’y alam na ng mga kaibigan ko kung anong karakter meron dito. Hindi ako nanghihinayang, hindi ko pinagsisisihang hindi naging kami. Pero, hindi ko rin nalilimutang may lugar siya sa pagkatao ko. Ang premise ay tao rin naman ako, iba lang siguro ang yari ng puso.

Hindi ko ito ikinukwento para siya ay ipahiya kundi para sakaling ganoon nga kamakapangyarihan ang internet, malaman nyang napansin ko siya at ang mga paghihirap nya noon. Nagkataon lang na slow ako at hindi ko pa kayang mag-accomodate ng bago habang hindi pa naluluma ang pagkabigong unang nagpaiyak sa akin…

 

Aawitan Kita

image of a drum set, guitar and speakers set-up on a stage

Nag-concert ang grupo nila nang isa lang ang audience/ beatlesstorelondon.co.uk

 

…  Doon sa building namin, may kakutsaba itong si mamang matangkad na dalawang batang pinagdadala nya sa akin ng Coke. Dalawang beses ‘yon sa isang linggo, pag oras ng meryenda. Tapos, pag may invitations sa abroad ang cultural group nya, lagi syang may pasalubong sa akin.

Madalas noon, pagdating ko sa office, may nakapatong nang kung ano sa desk ko – t-shirt, trinket, knick-knacks – nakabalot lagi ‘yon sa dyaryo.  Ako na ang maiksi ng buhok na mahaba ang hair, ha, ha…Masuyo ang taong ito, gentleman na medyo bastos at binata na sya. Anim na taon ang aming pagitan.

 

image of a vendor and her flowers outside a church in the Philippines

Hindi siya nagbibigay ng bulaklak, nagpi-prisintang magnanakaw sya nito/ pinaylighterside.com

Sa mga nanligaw sa akin, siya ‘yong matiyaga sa hatid-hatid. Pag nakikita nya ako noong palabas na ng opisina – at madalas ay natityempuhan nya dahil one-third yata ng mga tao sa building ay kinutsaba nya – takbo na sya para sabayan ako. Malapit sa building, may simbahan. Sa labas noon, may nagtitinda, siyempre, ng mga bulaklak, kandila at palaspas. Pag naglalakad na kami, ang sabi nya, “Gusto mo, inanakaw kita ng bulaklak?” Ahaha, sweet sya, as in…  At may ideya na siguro kayo kung gaano kahirap tunawin ang puso kong bato.

 

Punta na tayo sa kwentong harana. Isang araw, makapananghalian, papasok ako sa building na niluma na ng panahon, may babaeng sumalubong sa akin. Akyat daw ako sa rooftop. Sinamahan nya ako sa opis naming bulok (ha, ha) para ibaba ang aking mga gamit at dinala nya ako sa itaas ng gusali.  Pagdating ko ro’n, kakaunti lang ang tao. Ang alam ko, mas mataas ang traffic ng tao sa bandang itaas ng building kaysa sa doon sa amin sa second floor. Iyon pala… Iyon pala, talagang pinaalis ang mga tao. Ahaha, oks ba?

Tapos, may drum set at speakers sa unahan. Pinaupo akong parang bisita bago nag-assemble ang buong cultural group at nag-perform. Limang kanta ang kanilang ini-render, isang buong repertoire, bale. Habang nagpi-perform, nagbi-beam ang mata nitong si vocalist, panay ang pa-cute. Oks naman. Cute naman syang tingnan maski malaki, ha, ha… Ako lang ang audience. Affectedme much, naman! Umabot rin sa EDSA ang buhok ko noon at malamang ay sumampay pa sa mga dyip, ha, ha….

 

Kwentong Ligaw

image of a young man serenading a young woman

Masarap ang suyuin sa pamamagitan ng harana/ radkat23.deviantart.com

 

Dito ko na naranasang haranahin sa Maynila. Pawala na kasi noon ang tradisyon ng harana sa lugar namin sa probinsya. Tatlong beses yata ako nakaranas maharana. Ano ang feeling? Masarap. Nakaka-flatter. Oo, maski sa totoong buhay, malayung-malayo ako roon sa sinasabing dainty, demure Filipina, rosy cheeks, brown eyes and dark hair.

Plain ako, medyo matangkad at mataas ang pares ng kilay. Ha,ha… maigi na siguro yong ngayon pa lang, alam nyo na ang itsura ko para malinaw. Bihira akong mapagkamalang babae, haha… Pero minsan, may mga nauuto rin at ika nga’y nag-aalay ng kung ano sa aking mapanuring mga kilay. Gaya nitong si six-footer na ikukwento ko sa inyo ngayon. Pangalawa syang six-footer sa buhay kong ewan.

Third year law student sya noon (magkaiba kami ng universities), mahusay maggitara at may itsura. Palabiro, cool ang personality at marunong kumanta. Vocalist siya ng isang cultural group na ang opisina at studio ay sa rooftop ng magigiba nang building na pinagtatrabahuhan ko noon. Ang unang ginawa ng mokong ay magpadala sa akin sa campus ng sulat na nakatupi ng pagkaliit-liit – maliit pa sa piso.

Ang laman ng sulat ay declaration of intent -kung paano ko raw sya nabighani, ha,ha at kung okey lang daw bang manligaw. Ang kakaiba sa liham na ‘yon, walang capital letters (e.e. cummings, ikaw ba ‘yan?) at wala maski isang punctuation. As in, wala. Hanep sa diskarte. Napasusmaryosep ang puso kong sa umpisa pa lang yata, yari na sa bato.

Ang mas malaking puzzle sa akin noon, papaano nya naiparating sa akin ang sulat. Ang nagbigay sa akin noon ay isang first year na taga-ibang college. Kuya nya raw ang nagpapabigay. Ang kuya nya, iba rin ang school. Hindi ko kilala itong si girl at hindi rin siya kilala ng mga kaibigan at orgmates ko. Ni sa hinagap ay wala pa noong Facebook, DOS pa ang system na nagpapaandar sa mga computer at berde pa ang screen ng monitor, haha.

Bale, mukhang hinanap ako sa talahiban ng batang iyon, istrikto siguro ang bilin ni Kuya. Katagalan, malalaman kong nagkakasama pala si six-footer at itong si Kuya sa jammings sa underground music scene.  Kaya ayon ang the moves nitong mamang matangkad. Siya na ang may element of surprise at magaling magpapansin, ha, ha…