Doon Po sa Amin, balik-tanaw – ikatlong bahagi

 

Ikalawang site ko na ang Doon Po Sa Amin, kung tutuusin. Ang nauna, isang blog sa English, dito rin sa WordPress.  Nagkaroon lamang iyon ng dalawang entries pagkatapos ay iniwanan ko na, patatawarin… Hindi pa yata ako marunong mag-blog noon – 2007. Pero, kung tutuusin,  2005 pa nang ako ay nag-umpisang magbasa ng blogs – tungkol sa economic, development and governance issues, madalas.  DIY type of posts din pati, from time to time. Oo, mga kapatid, stiff akong tao, dati pa, hihi… Anyway, sa malapitan, hindi naman kasing-seryoso at kasing-komplikado ng sa blog, mga kababawan din lang ang concerns and topics ng lola nyo, as in… Basta, panahon pa ng Friendster ang kauna-unahang blog, susmaryosep…

 

image of a mug with text explaining writer's block

Sari-saring pamimilipit at pamimiga sa utak at pakiramdam, makapagsulat lamang/ amandalewisab.wordpress. com

Sa loob ng sumunod na dalawa’t kalahating taon, sinubukan kong gumawa ng mga sulating parang sa blogs – medyo maiiksi, pero nakakatawag ng pansin. Creative writing kako, maiba naman sa mga usual na nakakabatong mga sinusulat … Hayon, awa ng langit, nakagawa ng dalawang sulatin sa loob ng dalawa’t kalahating taon, haha. Dalawa lang, as in… At eto pa, hindi pa talaga buong komposisyon ang mga akdang iyon. Sentence outlines pa lang at handwritten, oo. Parang passable naman ‘yong mga gawa… Ayon lang, di pa rin nabuo into paragraphs, magpahanggang ngayon… Pag may blogger na nagsasabi,  ang “sipag” at ang “husay” ko raw magsulat – parang gusto ko syang sabihan, “Kapatid, kung alam mo lang…” Kung alam mo lang ang agonies, bago nakapagsulat na parang natural at wala lang, ahaha.  ^^

 

Ang isang naisulat, ukol sa kaisa-isang photographer noon sa aming bayan (haha). Amazed ako sa pangyayaring nag-iisa ang taga-retrato sa amin noon. Feeling ko, the guy deserves a place in the history ng aming munti at aantok-antok na bayan…  Tungkol naman sa isang babaeng gustong magsulat ukol sa mga paksang sadyang gusto nya (ang self-indulgent lang, hihi) ang isa pang naisulat… Ano, bale, inspired ito ng isang nabasang write-up sa Inquirer, sa column na Young Blood? Ang pamagat ng article, This Business of Writing. Bale roon, naghayag ng saloobin ang isang PR writer na nagsusulat sa totoong buhay, pero malaki pa rin ang pangarap na ma-publish bilang siya at makalabas sa dyaryo, sa PDI – bago tumuntong sa edad na 30. Doon sa sulatin, parang ginawan ko ng sariling version ang nasabing article. Ayon…

 

image of a chicken confronted with writer's block

Marami-rami at matitinding pakikipagtuos muna sa blankong papel at kawalan, bago dumating ang mga ideya para sa panulat/ davidhuntershaw.blogspot.com

 

Noong 2010, hilig namin ng kapatid kong magnonood ng mga palabas sa cable TV –  tungkol sa pagkain. Paborito namin ang isang palabas na set sa Irish countryside, lalaking parang di nagsusuklay ng buhok ang host ng programa, haha, at iba pang kung anu-anong cooking shows sa Asian Food Channel – street foods, street dining at sari-sari pa. Sa kanonood,  sa katitingin sa berdeng kanayunan at sariwang pagkain, naengganyo rin ang lola ninyo rito. Gagawa rin kako ako ng ganyan… Ang lakas lang ng loob, as in. ^^

 

image of AFC's logo

May kung anong panghalina ang mga palabas sa AFC na nagtulak sa aking magsulat/ vimeo.com

Pero, dahil hindi naman ako marunong mag-document through film,  isusulat ko na lang – sa blog… Kaya, hayon, tungkol sa mga katutubo at pangkaraniwang pagkain ang unang dalawang posts sa DPSA. Matapos noo’y napagtanto kong wala naman pala akong sapat na kaalaman tungkol sa food preparations, haha. Ang saya lang… Bale ang nangyari, tinawagan ko si ateng mahusay magluto to verify kung tama ang pagtalakay ko sa paggawa ng pakumbo. Sabi nya, “Magkaiba ang macaroons at ang pakumbo.” Tapos, ipinaliwanag nya ang pagkakaiba – sa mga sahog at sa proseso ng paghahanda. Ayon, humbled me much. Ang lagay, kumwento pala ako sa draft post tungkol sa isang bagay na di ko naman talaga nalalaman, hihi.

 

Ang limang posts na sumunod ay ukol na sa kanayunan – buhay-buhay at kalinangan doon. Ang ika-anim at bale, pang-walong write-up ay Hello, World article na. Matapos iyon, de-ni-sign ko na ang lalamanin ng site, ahaha… Ako na ang dense, pero na-realize ko noon – mahirap kung magsusulat tungkol sa mga paksang sinauna pa (buhay-kanayunan) at sa paraang kung ano lang ang maisip ng nagsusulat sa oras na iyon… So, ang ginawa ng lola nyo, nagbuo ng three-column na chart. Sa unang column, nakalagay ang paksa. Sa ikalawa, ano ang highlight ng discussion. Sa ikatlo, ano ang approach na gagamitin – humor ba, straight-telling o tipong illustration? Surprisingly, marami-rami ang naihanay, higit sa 50 paksa yata. Ang suspetsa ko, matagal nang dala-dala ng subconscious and unconscious kong bahagi ang kagustuhang magsulat ukol sa pinanggalingan.

 

image of Albert Einstein writing a message on the blackboard

Sabi ni Einstein, wala naman talagang nakalipas/ nibiruplanetx.blogspot.com

Kaya, masasabi kong kalakhan sa laman ng DPSA, lalo na ang about countryside life – pre-conceptualized. Ayon yata ang sikreto, kung sikreto nga bang matatawag … Hindi naman siguro. Palagay ko, bibihira naman ang manunulat na kayang mag-travel back in time in an instant’s notice. Sa pakiwari ko, nakatulong ang maagang pag-set sa kung anu-ano ang susulating posts. Kumbaga, naging themed site ang DPSA… Noong actual ko nang isinulat ang posts – mabibilis, tuluy-tuloy at karamihan ay natatapos sa isang upuan lamang. Ilan lang ang hindi, for some reason. At gaya ng nasabi ko previously, aided ng research ang mga sulatin sa site. Pero palagay ko, importante rin ang long-term memory

 

May isang paksang matagal ko nang gustong isulat sa DPSA at hanggang  ngayon, di pa nagagawa – ang tungkol sa tagmais. Ay, mga kapatid, isa iyan sa pinakamagandang alaala at ipinagmamalaki ko sa aking childhood – naabutan ko pa ang mga maisan doon sa amin… Pero sa kung anong kadahilanan, hindi ko maisulat-sulat ang paksang ito. Sa wari ko ay sapagkat disjointed ang pag-alaala ko rito. Kahit pa kayang i-research sa internet ang tungkol sa mais at seasons nito sa Pilipinas, kapos pa rin – di pa rin kayang mabuo… Siyanga pala, lampas kalahati sa mga paksang naihanay doon sa chart, nailathala na noong ang site ay naisara ng Automattic – November 2011 – isang taon at dalawang buwan matapos  itong isilang.

 

Sa pagpalaot ko noon sa mundo ng blog, nadiskubre kong may readers palang bloggers din, shaks… Ang saya lang, di ko akalain ‘yon, di nga… Ang inosente kong palagay dati – private, self-indulgent at pang-autistic na enterprise lang talaga ang personal blogs. Ang ibig kong sabihin, panay sa search engine lang manggagaling ang viewership ng isang blogger – random matatagpuan ang site ni blogger ng mga taong di siya kilala at di rin naman niya kilala.Tapos, dadagdag na lang pag minsan ang ilang mga kasamahan at kakilalang inimbitahan at binigyan ng blogger ng URL o online address ng site. Maliban na lang kung public figure na talaga ang blogger – gaya nina Jim Paredes, Lea Salonga at Jessica Zafra at mga tulad nilang sadyang mayroon nang public following. Iyon ang pagkaintindi ko dati..

 

Ay, sus, hindi naman pala me, myself and I ang blog.  Ayan ang aking nakakasindak at nakakatuwa rin namang finding habang tumatagal. Na pwede palang makita at mabasa ng iba pang blogger ang iyong isinulat ilang segundo matapos itong ilathala, ahaha… Noong itong impormasyon ay naipirmi ko na, nagdagdag ang lola nyo ng mga kategorya sa site – ang blog about blogging, ang mga paksa tungkol sa pag-ibig at ang character sketches. Wala sila sa original design ng site, sa totoo lang. Kumbaga, offshoot sila ng kamalayang may mga kasamahan pala sa isperyo ng blog at mga ganyang paksa (sa tingin ko) ang  madalas na sinusubaybayan ng bloggers. Siguro nga, dahil bilang babasahin, ang blog ay masasabing personal in nature. Hindi yata pwedeng strictly issues or informative posts lamang ang dapat nitong lamanin.

 

Medyo naging kontrobersyal yata sa ibang bloggers ang blogs about blogging. May mga nagbasang nagulat at sa pagkaalam ko, may mga nawindang, ahaha… Sa totoo lang, ang tawag ko sa mga sulating iyon ay shockers, haha… May pagka-inside look into our blogging experience ang mga sulatin, inspired sila ng blogs about blogging na nababasa ko sa English ng WP. Bale, iniba ko ang anggulo ng diskusyon o treatment sa isyu sa posts – para ilapat sa wika at kalagayang Pinoy… Matataas ang views ng shocker posts among bloggers, di lang marami ang nagko-comment. Shocked pa ang ka-blogs marahil, sa candor ng mga sulatin at ng blogger na rin, pasensya naman…

 

image of a psychologist and a patient lying on the couch

Bakit nga ba ang mga tao ay nagsusulat ng mga saloobin at isipin sa blog?/ problogger.net

 

Ang nauna sa shocker posts ay ang Ang Bagong Betamax – Rated PG, isang analogy ng blogging sa pornography. Kako sa panulat, sa blog ang mga mahihinhin ay nagiging malalandi, ang mga di-makabasag-pinggan ay naglalakas-loob ng public display at ang mga taong lame naman sa totoong buhay (gaya ng lola nyo) ay umaastang exhibitionists. Ayon… Mayroon ding naisulat na Hindi Putok sa Buho, isang argumentong sabi,  karamihan sa bloggers – datihan nang nagsusulat at nagdu-doodle sa kani-kanilang secret notebooks. Kumbaga, hindi sila sa blogs nag-umpisa sa kanilang pagiging creative and weird kundi sa banda roon pa at mas maaga, ahihi. Ang post namang Gawa-Gawa Lamang ay isang lakas-loob na diskurso sa virtual experience, ang mundo ng blog bilang isang make-believe world.

 

Medyo mataas ang antas ng diskusyon sa post na ito, totoong nakakadugo ng ilong, ‘ika nga… Ang orihinal na draft ay halos doble pa ang haba kaysa sa nailathalang version  at mas malalim pa, pasensya naman… Philosophical ang take nitong sulatin, gumamit ng Algebra (Algebra, ang mortal kong kaaway sa pagkahabang panahon) at ang ideya naman para sa sulatin ay galing sa The Hunchback of Notre Dame. Isa itong nobela ni Victor Hugo, tungkol sa isang kuba at sa pinagsisilbihan niyang paring confronted by a moral dilemma. Ang unang pamagat nga pala ng post, Kung Mangahas Kang Magpahanap at Ikaw ay Matagpuan. Tila gustong itanong at sagutin na rin sa write-up – kung magpapakilala ba si blogger o patuloy na magtatago sa pagiging anonymous

 

Ang iba pa ay mas magagaan – ang Ba’t Mo Naman Napagdiskitahang Mag-blog? ay humor piece na nagtangkang kalapin at ihanay ang iba’t ibang nakasulat sa About Page ng sari-saring bloggers – bakit sila naitulak o nangahas sa blogging at paano… Ang Iyong Kwento naman,  isang pag-e-enumerate sa mga istoryang nakakaantig – galing sa posts ng kulang-kulang isang daang bloggers – nabasa ng lola ninyo, sa loob ng apat na buwan yata. Personally, isa ito sa mga paborito ko dahil tuluy-tuloy lang naisatitik at dito ko rin inilatag ang different issues discussed sa mga naunang posts about blogging sa site, sa paraang personalized. Kumbaga, it was my way of saying, “Kapatid, nabasa ko ang post mong iyon and I was touched.”

 

image of a road for running

Ang pagba-blog daw ay isang paglalakbay para sanayin at kilalanin ang sarili/ langwitches.org

Mabigat din ang Close Na Ba Tayo?, isang sarcasm piece na ang parang sinasabi –  mahihirapan akong makikilala agad si ka-blog, kahit pa matapos kong i-backread ang posts niya. Sa kabilang banda, maliit din ang tsansang makikilala kaagad ni ka-blog ang blogger dito – kahit tila nakuha naman niya ang mga gusto kong ipahiwatig sa posts. Na tila hindi ganoon kadali ang kilanlanan sa virtual settings. Ayon… Pero dahil consistent nga sa pagiging nosebleed ang site, may mas mabigat pa roon, hehe… Iyon ay ang post na Akala Natin. Ang akda ay isang tulang nagpapahiwatig –  sa virtual setting, ang isang haplos ay tila isang hambalos. Na akala natin ay wala, pero madalas, meron.

 

Ang ipinambawi yata sa nosebleed pieces, haha, ay ang Dantay. Isa itong sanaysay tungkol sa iba’t ibang uri ng touch at ang sinasabi, “Touch lightly.” Ito ay isang bagay na mahirap gawin, pero sa interactions sa blog – dapat. Dapat ay magaan lamang… Ako yata ang isa sa mahusay lumabag nito, patatawarin… Isa sa mga kabalintunaan sa blogging ay ang mataas na paghiling ng publikong mambabasa sa candid and honest na mga paglalahad – ang mapalabas ang mga kwentong blogs na tila straight from real life. Subalit dahil virtual nga ang setting, may malaking elemento ng imagination involved sa prosesong siyang nagma-magnify ng effects and impacts ng mga nakasulat na salita. Lumalabas, kung nais ng blogger na magtagal sa sphere ng blogging, may balanse sa pagitan ng intimacy and distance siyang kailangang ma-establish.

 

image of a poster outlining positive values

Susi raw para makamit ng tao ang magandang buhay ay ang pagiging mulat, maunawain at masayahin/ livelearnloveeat.com

Anyway, para sa unang anibersaryo ng DPSA, naghanda ang lola ninyo ng isang mahabang essay ukol sa makabagong journalism –  ang Lumalakad ang Balitadalawang linggo bago ang okasyon. Serious piece itong Lumalakad at ang sabi, may kaakibat na responsibilidad ang pagba-blog at iba pang modernong paraan ng pakikipagtalastasan… Subalit dahil unang anibersaryo nga ng DPSA noong ika-27 ng Agosto, 2011, naisip kong mas maigi kung magaan at nakakaaliw ang ilathalang piyesa. Saka, tagubiling pana-panahon, dapat ay magsabog ng tuwa at pag-ibig sa blog, ahaha. Kaya ayon, tatlong araw bago ang okasyon, gumawa ang inyong lingkod ng isang love post na siyang ipinampalit at inilathala para sa mismong kaarawan ng site – ang kailan huling nagpasya ang iyong puso?

 

image of a poster speaking of the need for courage

Ang pagba-blog daw ay nangangailangan ng tapang, para ring sa pag-ibig/ lovelyandlight. wordpress. com

 

 

Pambihira na sa pambihira, pero isang kilometro rin ang haba ng nasabing sanaysay. Ewan ko lang kung may nakakaalaala pa… Pero, masaya ang sulating iyon. Kumbaga, ang frame of mind noong iyon ay ginagawa – pasayahin ang mga babasa, gawing in love, hihihi… Siyempre, anniversary offering... Ang bonus track, doon ko inilagay o ipinahiwatig  sa nasabing post ang mga personal kong paniniwala sa tinamaan ng magaling na paksang pag-ibig.  Ahaha, oks ba?…😉

 

 

 

58 thoughts on “Doon Po sa Amin, balik-tanaw – ikatlong bahagi

  1. HINDI OK! Gusto ko kasi mabasa ang nilalaman nung mga highlighted na sa taas🙂
    Ako naman ay iyong tinakam sa nilalaman ng DPSA… Shaks at sarado pa rin gang ngayon… =}
    gandang araw…
    Aabangan na lamang ang ipapaskil dito sa SSA. Ingat lagi…

    • hello, kapatid… aliw at nakaka-bloghop ka na… hala pa, siguro i just need to get a few things out about DPSA. iyon talaga ang original kong baby, hehe… medyo mabilis lang akong magsulat pero matagal usually sa editing. salamat for reading thru at sa pag-appreciate.

      ah, medyo daming problema. we went out of town last weekend, ayon… tom, may family lunch ata…medyo magulo over here but i hope to pull myself and act decisively, haha. keep your fingers crossed for me. thanks sa pangungumusta… regards sa inyo ni manong at sa mom mo rin…😉

  2. tama c ate bell. grbe ang tyaga mo sa pagsulat. napagod ako sa pagbasa hahaha! bakit nagsusulat na patungkol sa sarili ang ibang blogger? kasi kapag nagsusulat ka patungkol sa nararamdaman mo, nakakatulong na gumaan. lalo na kapag alam mong may nakikinig at ung cyber hug ay nkakatulong din ng malaki😀

    • hahaha, matyaga ba? nagsusulat talaga ako, kayds. iyan talaga ang linya ko. at times, i do papers na 15pp long, sa technical na English. nai-imagine mo gaano ka-boring? ahaha. ^^

      i guess, sa blogs, we try to get ourselves acquainted with our thoughts and feelings, kumbaga. dito rin yata natin tinatabas ang edges ng ating mga sarili – habang may nakakabasa at nakakarinig. public display, hehe… oo, masaya pag nagre-resonate sa iba pa ang mga sinulat. ^^

      cyber hug sa ‘yow… pasensya naman, pinagod ko ang isang bata.😉🙂

  3. Ang dami mo na rin pala talagang pinagdaanan..mula sa simula hanggang sa kasalukuyan. Sana noon pa nasaksihan ko ang unti unting paglago ng iyong blog site..pero labis na rin akong nagagalak at natunghayan ko ang mga mabalasik na panulat..Galing mo talaga!😉

    • hello, Myr… ah, medyo ganoon nga, kapatid… hindi kasing-simple or effortless gaya ng akala ng iba ang pagsusulat ng lola mo. marami munang pagtatangka at missteps bago nakuha ang rhythm and form. maraming experiments and groping in the dark, haha. and huge amount ng pagka-TH, hehe…

      nagpapasalamat rin ako that you are one of those I came across with, dito sa sphere ng blogging. regards and have a happy week.😉

  4. Ang bilis naman ng kasunod San. Di ko pa nabubuong basahin ang mga nauna. Kaya nanamnamin ko muna muli ang mga unang parte at babalikan ko ito para basahin. Katulad ng sabi ni MrsGBP matiyaga at very informative. Idol talaga. Babalik…

    • hala, pasensya naman, Lo… kailangan ko hong mai-out ang sulatin about DPSA ngayong September to give way sa mga sadyang ilalathala, ayon… mabusisi ho sa editing ang ganyan (dami pang errors, haha) pero di na naman ho ganoon kahirap isulat for me… naku, kayo ho kaya ang may mga music and photography na masisining at napapanahon? naman… amateur writing pa rin ho itong write-ups sa blogs, kung tutuusin… but am glad na na-aapreciate nyo…🙂 hope you & kids are well. regards po😉

      • Aba tunay na saludo naman ang marami sa iyong panahon na ginugugol sa iyong pagsusulat…talagang namang pang dyaryo o magazine sa kumpletos rekados. Maraming akong natutunan sa iyong istilo ng pagsusulat sana kahit gatiting ay aking maabot…lalo na yung sa inglis.

        Ah iyang musika at potograpiya ay habang buhay ko yatang pag-aaralan din…nakakatuwang libangan ika nga sa aking buhay.

        Mabuti naman dito at musta na rin dyan. Salamat.

      • haha, ganoon din ho ang pagsusulat, Lolo, parang study rin ng music and photography – lifelong learning ba?…😉

        ay, marami ho ritong intindihin at proble-problema. hope things are well on your side. happy week…😉

      • Tuloy-tuloy nga ang aral dahil na rin kasi habang nababasa, nakikita at naririnig ang katha ng iba ay parang nais din na maabot ang kakayahan ng iba…masarap lang subukan kung kaya rin.

        Ah at relaks lang matatapos at dadaan din ang mga intindihin na yan. Salamat at Ingat din dyan sa atin.

  5. What a journey hehe…

    Relate much naman ako sa ‘pamimilipit at pamimiga sa utak’ bago pa makatapos ng isang sulatin. Pati yung ‘pagtutuos sa blangkong papel’, ‘the private self indulgence’ at mortal enemy ang algebra… whehehe..

    Very well enumerated, elaborated, at ganda ng pagkaka present ng mga highlighted articles…
    Dami pa talaga dapat matutunan, lalo na siguro yung ‘ how to magnify the effects and impact’ ng isang article to the readers.🙂

    glad your back Saliw🙂

    cheers!

    • hello, biag… real glad you dropped by, kapatid… naibigan ko how you put it… yes, it’s a journey of sort… “We shall not cease from exploration/ And the end of all our exploring/
      Will be to arrive where we started/ And know the place for the first time. ” T.S. Eliot —
      “Little Gidding” (the last of his Four Quartets)

      ahaha, i just want to share, although things may look as though parang peanuts lang ang magsulat, hindi rin… it wasn’t easy especially sa umpisa – nahihiya, natatakot at nangangapa… si blankong papel, katagalan, very dear sa akin… i guess it says a lot about the process of creation – beginning with nothing, with blankness and as we go along, we find out na may laman naman pala… but as creators, we have to decide what to include and to exclude sa frame…

      salamat- marami, kapatid… i guess, to be able to write more, one has to acknowledge (kahit hindi publicly) na ang dami pang kulang, na ang daming gustong ihayag but one does not have the right words and tools just yet… once one has that, mag-iibayo ang kagustuhang magsanay – to write one’s way through mistakes, confusion and amateurishness – to get things right over time…

      makakatulong din ng malaki ang pagbabasa and pag-o-observe. haha, ginagawa mo na ang mga ‘yan, am sure. magsanay ka lang lagi… salamat for being around. have a pleasant week.😉

  6. kamusta po? Kahit hindi ako madalas magparamdam, isa ito sa binabalik-balikan kong blog… oo, natatandaan ko yung Doon po sa amin mo na blog, medyo nanghinayang nga ako nung malaman ko yung nangyari kasi talaga namang daang pabalik sa buhay probinsya yung mga posts mo dun..
    Ate San, hehehe may nagbulong sa akin ng pangalan mo, paano ka ba mag blog? anong oras, seremonyas? at talagang suportado ng research yung mga post mo? gusto ko malaman, baka sakaling may matutunan ang mga tamad na blogger na gaya ko…

    • hello, lipadlaya… haha, e, di ang saya kung ganoon… ikaw ang isa sa mga una kong idol sa blog, shortly after madiskubre ko ang kamangha-manghang pagsusulat nina taympers at joyo. kayo ang maaalam talaga – yong parang natural?😉

      hala, hindi ako kasipagang blogger… paano ba? gan’to, nagsusulat talaga ako sa totoong buhay pero for a long long time, di ako masyadong proud of what i do. and i didn’t call myself a writer until i did blogging… bale, sa blog ko pa lang tinawag at tinanggap ang sarili as writer, whehe…

      i write most posts sa notebooks, kapatid… bale, usually i just keep on writing, hardly thinking kung ipa-publish sa blog o hindi. buo na pati ang idea before i sit down to write -sulat-kamay. and often, pagkasulat, editing na lang, wala nang revision… pero antagal-ang naisulat ng 5mins, pwedeng upuan for editing ng 5times na tig-iisang oras – gano’n ka-OC, as in… bibihira ang posts kong ipinablis within the same week na naisulat. usually, ita-type lang sa drafts tapos, pag may time, saka upo for editing… a week or two or three pa mailalathala pagkasulat.

      so, walang trick, haha. i just keep on writing and pag naalala kong hoho nga, dapat pala at least once a week, may post? napipilitan akong mag-finalize ng isa sa ini- edit, ang sama lang… tapos, the time am supposed to use for reading, for blogging na muna for almost two years na (2 years nang di nagbabasa, haha). voracious reader ako before – 2 to 3 hrs of reading on weekdays and some more sa weekends.

      sa research, ginagawa ko na lang ito matapos magsulat, kapatid – for fact-checking, madalas, pag sulating blog… o, di kaya, for verification ng logic ng assertions na ginamit sa write-up. bale, buo na ang ideya at nai-execute na, bago pa i-research… iba naman ang lugar ng research sa work-related na sulatin. doon, nauuna ang pagsasaliksik either to familiarize oneself sa topic or sa range ng arguments na pwedeng gamitin sa isusulat. ayon…

      wala akong asawa, anak o karelasyon – yon pala ang importanteng malaman, haha… seriously, that allows for uninterrupted organization of thoughts. hala, mas okey pa rin yata ang may lablayp maski once a month lang ang post, hehe… parang ang kulit pala ng tanong mo. ^^ kumusta?😉

  7. mukhang hindi pumasok yung reply by email.. buti na lang test lang yun.

    And for some reason, etong post na to eh “in my face” na sinasabing nakakahiya ang ginagawa ko sa blog ko dahil sa mga katulad niyo po. bakit? nagpapakita ito ng passion sa pag susulat. pero yun lang yun. hehe

    anyway, ano nga po pala ang link ng DPSA na blog mo?🙂

    • hello, snake, kumusta? salamat sa pagdalaw at sa comment, kapatid…🙂

      di naman… may sense naman usually ang mga isinusulat mo sa blog – para sa akin. you express yourself well for somebody that young and, may galit ang iyong mga sulatin, haha. maganda raw ang ganoon – mga sulating may galit at bibihira ang nakaka-muster nyaan.

      ayon lang, over time, dapat nate-temper din ang presentation nito – through creativity and artistry. pag very raw ang anger, nakakasakit sa mga babasa. ayon… haha, baka nga mas writer ang lola mo than masipag na blogger. anyway, writing is just one part of blogging, sa pagkaalam ko…

      DPSA is http://may11apr1940.wordpress.com – suspended pa rin ito to this day, haha. iniisip ko nga kung gaano katindi ang virus na nahagilap ng last post para di man lang i-consider ng WP na ma-restore ang site, haha… hayyy, buhay… hope things are well…😉

      • HAHAHA, may galit ba? actually, frustrated ako. pero siguro nga. kaya lagi talaga kong interesado sa opinyon ng iba dahil most of the time iba yung dumadating na vibes sa kanila kesa sa vibes na intended ko.🙂 Well buti na lang at mukhang may “kopya” kayo noong mga dati niyong sinulat, minsan yan talaga ang hirap pag “sikat” ang isang blog.😀

      • oo, meron, kapatid. ang kilala kong writers na may ganyan, yong black writer, si James Baldwin ba? sa babae naman, sina Margaret Atwood and Joan Didion. magagaling sila… pero, sabi, they worked really hard din to get published and to get heard…

        hey, you are very young to get frustrated, kapatid. my suggestion is for you to consider going back to school, di nga… ako, huminto rin before and nag-work na. i was mid20s when i went back to finish my college degree. and am glad i did. it requires patience and humility but i guess that is what education is all about – para matuto tayong pumila, haha.
        secondary na lang ang inputs – theories and formula. educ is about queueing, ahaha. happy Sunday, kapatid😉

      • If that’s the case, then siguro formal education will never be something for me.😀

        Pero to tell you the truth, I managed to get in on a Distance based university dito sa satin, my program was Associate in Arts kaso some things happened kaya AWOL ako ngayon. hehehe (won’t mention the name of the school, kasi I don’t want to sound arrogant or something.)

        Also, I’m on a point na para bang lahat ng sinisimulan ko hindi ko matapos. kahit na nasa isip ko na gusto kong tapusin. (it started ever since I dropped out of HS) Although I plan to write something about that in the near future haha may leakage na lol.

        and Lastly, siguro sinabi ko na to paulit ulit, consciously, ok lang na I don’t get heard. didn’t really care that much, and mas lalong hindi ko goal ma publish, I don’t or can’t write for things like that. hehe (Proof, June 2006 ang first ever entry ko sa blog ko. ang all time hits ko nasa 10k pa lang, compared sa iba na siguradong mas mataas na ang numbers.)😀

        and as always, thank you po sa pakikipagusapan sa akin. the truth is, sabik ako sa kausap hehe😀

      • hello, snake… pasensya na, natagalan ang reply ko. sana, okey ang iyong weekend, somehow…🙂

        magiging pasaway ako…you sound like an intelligent, young person to me, someone who will come out strong pag nahubog ng formal education. as i said, education is about pagpila or following the rules. in a structured society such as ours, importante ito. it is about standardization of behaviour – paano i-a-align ang different and varying behaviors ng mga taong may magkakaibang circumstances and motivations.

        kailangan ito para mag-function normally ang isang lipunan. kung kanya-kanya at magkakaiba ang norms, magulo, walang order ang isang society and it will result to chaos, sickness and killing – without limits. sabi sa kanta ng The Doors, false control daw ang education. in many senses, it is…

        but still, can you imagine a society – present society – without education? it will proceed naturally but natural means that people will be behaving in the manner of animals following only their basic instincts. on a large scale, this means deprivation, disorder and wars without ends… ayon…

        most people can be “educated” or standardized easily especially if they come from economically and emotionally secure families and social environments. others are not as lucky – their backgrounds and circumstances maybe damaged or broken by family goings-on and limitations. they may take longer time to be standardized and considered “fit” and adjusted for normal functioning. normal, of course, means what is considered acceptable by the society at that given historical period. ayon…

        anyway, it is your decision, whether or not you choose to be educated. but living on the margins or on the fringes of society or simply not being traditional, comes at a very high cost for an individual. at some point, he or she will have to find a balance between being unconventional (and original) and being accepted and conforming to society’s standards so that he or she will live a good, if not satisfying, life. and this is basic, i guess… a person will always look for the place where he belongs and seek his own level, so to speak… ayon

        have a good Sunday, kapatid. regards sa iyo.🙂

      • Young, yes I still am, Intelligent? no I don’t think so. hindi po ako intelligent, pero since sabi nila pag bata daw ay matigas ang ulo, so magiging matigas din po ang ulo ko. hahaha.

        Pero I guess error in my writing (or typing) na naman kung lumalabas na “i don’t like education” in general to the point na lahat eh dapat hindi iyon gawin. (or at least my impression when I read your reply)

        Kaso standardization is what exactly my problem is on the current form of education, ang dating kasi sa akin eh ang school eh isang malaking factory na nag lalabas ng mga robot. (Thank you Ken Robinson for that analogy) sa tingin ko naman eh kilala niyo siya, here’s one video of him. http://www.youtube.com/watch?v=zDZFcDGpL4U very interesting insight. (pero aminado din naman ako na may confirmation bias ako pag dating diyan. haha)

        So going back, I would like to think na hypothetical (sana tama pag gamit ko dito) na magkakaroon ng disorder, and endless wars kung walang “standardization” ang society. in the first place sino ba nag decide nun? like for example, monogamy? or even the concept of ownership? nung pinanganak tayo ganun na yun eh, but nobody questions why? Di ko alam kung saan pupunta tong pinag sasasabi ko pero I guess we are just too scared to look outside that norms na ni hindi man lang nga natin alam kung san nang galing. in a way baka nga yun pa ang limiting factor ng mga tao for lack of advancement (yan of course, is my own hypothesis na without basis of course :D)

        Pero tignan din po natin siguro on a deeper level, bakit nga ba sabihin natin may disorder when supposed “civilized” na tayo? people will just say he or she is just the exception, or they are a few bad apples. but I disagree, mas gusto kong isipin na product din sila nitong standardization and norms na ito, in the first place. they we’re part of it. but what made them do that? tignan po natin sa angulo ng greed, san nang galing yun? sa standardization and norms na kailangan ganito itsura mo, kailangan may ganito ka, kailangan ganoon ka. and being a human being (na in a way animals) we have a tendency of wanting to fit exactly because of that S&N (ang haba kasi eh) that they are willing to do anything and everything just to fit in.

        I don’t know if I explained that right, or if that even made sense (as all with my typing ng mga ganito, I do it on the fly. haha) pero ang sigurado ako, i’m just rationalizing myself.😛

        and to end, I guess I’ll leave this video po on what is evil according to his study. http://www.youtube.com/watch?v=OsFEV35tWsg

        As always, thank you po sa pakikipag usap sa akin, I really enjoyed this. have a good day.🙂

  8. hello Ms. SSA, nakawala din ako sa maraming basahin ng nagdaang mga araw at ngayon lang napapad sa iyong mga pahina. Ay, kagaling mo gang magsulat. Naaliw mo na naman ako, Salamat.🙂

  9. *breathes in and out muna at uminom muna ng isang basong tubing kasi hiningal sa pagbabasa* hahaha!

    First off, bilib naman ako at talagang na-recall mo pa ang ilang mga post mo sa DPSA. I have no idea that you are also behind DPSA. But definitely, naisip kong meron talagang similarities ang tono ng dalawang blog, lalong-lalo na kapag bumitaw ka na ng “kainaman” hahaha!

    Naks, nakapag-friendster blog ka pala. Di ko nasubukan mag-friendster kasi noong nagsimula ako magblog, mga year 2000-2002, may mga blogging platform nang nagagamit tulad ng tblog, blogdrive, at tk.

    Nakatutuwa naman na naalala mo pa yung mga pangyayari kung bakit mo naisulat ang isang post. At talagang alam mo pa kung galing ito sa subconscious at kung ano ang frame of mind mo noong isinusulat mo sila.

    Ako, palibhasa talagang pang-self expression lang ang blog ko, I write whatever comes to mind hehehe. Pero nakakatuwa ng merong mga taong nakaka-relate sa post. Katulad na lamang nung isang post ko na ang titulo ay “Superhero, ” nagulat ako na marami ang nag-a-ask ng permission kung puwede nila i-share sa facebook at sa mga forum ng OFW. Meron ding mga babasahin na gawa ng mga OFW na nanghingi ng pemiso na maimprinta ito. Isa sa masasabi kong reward sa blogging.

    Keep up the good work.

    • hello, hello, Ms. N… pasensya naman, hiningal ang isang ale sa haba ng byahe…😉 mag-light snack ka muna rito, bago matulog, hehe…

      ay, may pagka-ganyan yata talaga ako, kapatid, repository ng lahat ng useless information, hehe. parang gan’to, pag kailangan, di ko maalala. pag di naman masyadong importante, yon, tandang-tanda ko, haha. somehow, it serves me well sa blogging, hakhak… aliw naman at natatandaan mo pa ang DPSA. hala, sa ka-blogs ko lang nasalubong uli ang word na kainaman, kay kulisap yata…

      hah, di ako nag-blog sa Friendster, dear. may account lang do’n, dati, ginawa lang ng kapatid ko – walang pic at wawalo ang friends, kainaman na… ay, ang galing, active blogging netizen ka na by year 2000? medyo late ako nag-explore sa interactive side ng internet, kapatid. mid 2000 na yata. nagbabasa lang ako dati sa internet. oo, medyo slow creature ang lola mo. ^^ ang isa palang meron ako dati, shelfari account – para sa mga taong crazy about books, haha. nauna yon, bago ako nag-explore sa WP…

      ah, ganto ang paliwanag ba’t naalala pa – kasi sa totoong buhay, i forget a lot of things – practical concerns, nasaan ako kahapon at this hour, ano nga ang binili ko at bakit ako dumaan sa NBS, mga ganyan… i have to list down things needed sa araw-araw na buhay to make it through sa totoong mundo. may sarili yatang will at kagustuhan ang retrieval ng memory ko, as in… in daily life bale, i pass up most details ng mga bagay – pag magsusulat na lang saka parang nag-i-istrikto ang isip na kailangan, mai-reflect ang detalye. yown…

      hahanapin ko ang post mong Superhero, oo. gusto kong mag-backread sa site mo, di pa lang nakakakuha ng tyempo. saka, parang daunting na task, kapatid, 2008 ka pa nag-blog! ikaw na ang seasoned blogger, haha….

      ganoon din sa ‘kin, parang sa ‘yo – whatever comes to mind… usually, sulat lang ako ng sulat – di ko na muna iniisip kong pam-blog ba ‘yon o hindi, kung ipa-publish o hindi… ang paglalathala siguro ang mas conscious na part sa akin – when i decide to publish. ang karamihan sa mga tulang nagawa, di ko inisip na for publication – mas challenge lang sa sarili kung kaya ko bang magsulat ng ganoong topic. ayon…

      salamat, kapatid. do soar high – sa ‘yong mga gawain, mga paglalakbay at sa blogging. your blog is a site to emulate, naman…😉

  10. gusto kong mabasa ang DPSA mo san… sa mga binigay mong topics, parang naakaengganyong basahin… kahit dumugo ang ilong ko sa mga paksa at rebelasyon… nawa’y mabuksan muli ito.. hihihi.. hi san!! *kaway kaway*

    • hello, Pot… kumusta ang Monday? pasensya sa delayed response, di ako usually nagba-blog pag weekends, lalo na pag Sunday… :c ikaw, ano pala pinagkakaabalahan mo pag ka-weekend-an?😉

      hala pa, mag-petisyon ka kay Ginoong WordPress – sama kayo ni Froggy Girl – para i-restore ang DPSA, ahaha. gusto raw nyang mabasa ang ba’t mo nga ako iniwan? hihi. shaks na iwanan ‘yan… ah, hula ko, you’d like Close na ba Tayo? and Akala Natin, saka ang Betamax, hihi. ^_^

      indi naman masyadong nakakadugo ng ilong, kung tutuusin… mas sinanay na lang yata tayo (kasama ako) these days na maiiksi at sobrang dami ng info na binabasa. tapos, ini-skim lang… but after a while, we realize – kaya pa namang magbasa at mag-isip ng sustained… i guess, people are more intelligent than what the traditional info providers take us for and supply us with… feeling ko lang, hehe. ^^

      kaway-kaway, happy Monday, Potski!😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s