Dalawang taon na pala… :)

 

Logo of WordPress, host site of SSA

Buti, ipinaalala ni Ginoong WordPress, Nov. 21 pala nai-rehistro ang SSA/

 

 

You registered on WordPress.com 2 years ago!

Thanks for flying with us. Keep up the good blogging!

 

 

 

Image of a birthday muffin, announcing second birthday

Nakadalawang taon na rin pala… :)/ http://www.aliceinnappyland.com

 

                                                                      Lab, lab, lab… 🙂 🙂 🙂 

 

Advertisements

Ang lugar sa panulat

 

Hello, ka-blogs… Ang tagal na, di ko pa natutupad ang pangakong magsulat uli tungkol sa isang mataong lugar sa Kamaynilaan. Ahaha, kalye ng Nakpil sa Maynila o, Cubao sa Quezon City, senga? Ayan ata ang nabanggit ko sa inyo dati, inaambisyon ko, whehe. Pasensya na, wala pa – di ko pa naiintindi… 🙂

 

Image of Mabini street in Manila

Nais nating dalhin ang mambabasa sa isang lugar, sa isang panahon at ipadama sa kanila ang ating naramdaman/ http://www.aladdin.st

Ang huli pa, yong Sa Mabini Tayo Pumadpad, sa Maynila rin… Hindi nag-click ‘yaong post sa ka-blogs, hihi. Intense yata ang naging dating sa readers? Pero, sadyang gano’n ang itsura ng Mabini noon, ganoon ang ambiance… Maraming mga sundalo roong puti, andoon pag off duty. Actually, after ko iyon i-publish, nakabasa ng ilang blogs ng mga puting madalas doon noong araw. Nahiya naman ako, ang mild ng kwento ko, hahaha. Mas makukulay ang sa kanila, di nga… Iba ang description nila — lugar daw iyon kung saan nila hinuhubad ang restraint, sabihin pa…

 

Bago iyon, naunang naisulat at nailathala ang Ibang Silip sa Sta. Mesa. Maraming salamat sa mga kapatid na matyagang nagbasa ng may kahabaang o istorya, haha. 🙂 Ang background story ng post, inilagay ko na pala mismo sa loob ng akda… Mas nauna pa roon, ang kwentong Recto at Avenida. Ang Recto, malapit sa loob ng blogger dito, true. Dyaan ako unang dinala ng ate ko pagtutuntong ng Maynila, yihee! Oo, nasa elementary pa me noon at nanood kami ro’n ng sine… Wow experience na ‘yon sa akin, that time, hihi. Ang sine? Zapped, si Ralph Macchio ang bida. Aysows, tanda pa talaga… 😉

Ang Avenida, malapit din sa akin… May dalawang ate (ibang mga ate), salesgirls sila noon ng pantalon sa Uniwide Carriedo, along Rizal Avenue. Ayon, madalas ako noong gumawi sa Avenida… Pinupuntahan ko sila, after class o basta bakante. Parang namamasyal na rin, nag-iikot sa department store, nagtitingin-tingin. Minsan, hinihintay ko sila, sabay-sabay na pag-uwi. Bonding na namin ‘yon… Working students sila – wala kaming gaanong pagkakataong magkita at mag-usap. Bale, si young sister nila ay naglilikot – habang sila, naglilista ng imbentaryo. 😉

 

Hindi ko alam kung ilang porsyento ng sarili ang interesadong balikan yaong mga lumang panulukan sa Maynila – mga landas na tinahak ng pares ng paang gala, noong unang tatlong taon sa Kamaynilaan… Ilang porsyento ang napukaw dahil sa kwentuhan namin ng isang ka-blog sa email, tungkol sa mga eksenang unang bumungad sa paningin, pagtuntong sa sentrong lungsod ng bansa… Ilang bahagi ang galing sa curiosity, ilan ang dala ng nostalgia para sa isang luma ngunit pamilyar na lugar at, ilang bahagi ang nangungulit lang, naghahanap ng updates? Hindi ko alam…

 

Image of a creek in a small, distant village

Ang lumang sarili ay bumabalik sa isang lugar, dala ay bago na nga bang pagtanaw?/ enchantedinkpot.livejournal.com

 

Medyo matagal ang the making ng nasabing lathalain… Tatlong beses kong dinalaw ang nasabing avenues para sa sanaysay. Pag sa kasalukuyan titingnan, parang ang weird… Maluho at makain sa oras ang bumalik sa isang lumang lunan – para tahiin muli sa alaala ang dati pang panahon at pangyayari – para ikumpara sa anong meron sa ngayon. Ang unang punta, sinadya talaga, haha. Ang ikalawa at ang huli – galing sa ibang lugar, hindi dapat doon mismo dumaan… Pero suminsay nga at nagmasid – sa magka-krus na panulukan – dinama ang paligid, minasdan ang mga tao roon at kinapa ang sariling pakiramdam.

Isa roon, galing ako sa probinsya. Pagdaan sa lugar, umupo sa Little Hollywood restaurant at um-order ang inyong lingkod ng kape. Hindi lang dahil sa mahilig sa kape, haha, pero kailangan ko ng masusulatan, hihi. So, nagkape nga, kahit kainitan – para maka-avail ng table tissue o napkin, susulatan ng observations. Whehe, aliw na buhay ng isang aspiring writer… So, ayon, sa magaspang na tissue ng kainan naisulat ang notes para sa Sa May Kanto ng Avenida at Recto, ahaha. Classic? Mahigit dalawang linggo sa bag ang kumpol ng papel, dala ko yata maski saan. Kainaman na…

 

Image of a painting of a frontyard of a house

Ang istorya ay maaring mangyari at umikot sa isang tagong pook, sa isang munting sulok/ howtoplanwriteanddevelopabook.blogspot.com

Pag tayo ay lumilikha o nagsusulat ng sentimyento natin para sa isang pook, alin-alin ang isinasali, inaalis at iniiwan?  Sabi, mas impressions na lang ang practical na itala at ihayag sa ngayon.. Capture the scene in that one moment, we are in a constant flow. Sabagay, mahigit 20 taon na rin… May masasabi pa kayang bago, may maidadagdag pa sa mga naihayag at naitala na ng iba, may bagong liwanag pang magpapakita muli sa nasabing lunan? Ang lugar ay minsan pang silipin, masdan, i-appreciate at damhing may pagkukuro… Paano magka-ugnay ang lugar at ang nagsusulat – napadaan lang, sadya dating pinupuntahan o naligaw lang? Paano ipapaabot sa mambabasa ng isang nagsusulat o lumilikha ang damdamin niya para sa isang lugar?

 

Sa nakaraang post, naikwento ko si Eudora Welty, tanyag na regional writer na tumanggap ng Pulitzer Prize. Kilala siya sa husay niyang maglarawan ng lugar sa panulat. Sabi niya, kung wala raw lugar sa sulatin, walang kwento… Ang galing niya sa pagbibigay-buhay sa lunan ang pinilit gayahin o higitan pa, ng manunulat na si Alice Munro. Kakaibang mag-render ng isang pook sa panulat si Munro, tila bawat isang sulok doon ay iniilawan… Ang kapansin-pansin, matingkad ang elemento ng panahon sa kanyang writings – time element. Habang binabasa, mararamdamang ang characters ay nanghihinayang, nagugulat o, nagmamadali, para habulin – ang sandali – lipas na o papadating pa lamang?

Matingkad rin sa sulatin ng iba pang mga manunulat ang lugar sa kwento – ang setting… Nakilala ang mga panulat ni Miss Read sa Inglatera dahil sa kanyang fictional village – ang Thrush Green. Sa America, napamahal naman sa laksang tao sa maraming dekada ang manunulat at radio talent na si Garrison Keillor dahil sa kanyang fictional suburban community – ang Lake Wobegon. Tinanghal sa buong mundo ang galing ng panulat ni John Steinbeck dahil sa kanyang fictional na pamayanan – ang Salinas Valley. Sa kanilang mga sulatin, binuhay ng mga may-akda ang mga pangyayari at tauhan – sa isang tiyak na setting – pinuntahan, ginalugad at tinuklas din sa imahinasyon ng milyong mambabasang napukaw.

 

Image of a painting of an old kingdom in a distant place

Noong unang panahon, sa isang malayong kaharian…./ englit-debs.blogspot.com

 

Kung ilang ilang dekada na ang layo natin sa mga nabanggit na authors. Isandaan hanggang 150 ang nakakaraan, popular ang nobela bilang anyo ng panulat at babasahin. Sa ngayon, mas coffee table books na … Kadalasan, binabasa na lang sila mula sa Kindle o sa tablet, tinitingnan na lang sa gitna ng paghihintay — sa meeting, sa sasakyan o sa in-order na inumin at pagkain. Mas maiksi at papalit-palit na rin daw ang attention ng mga nagbabasa, sabi… Bilang mga taga-kwento at tagagawa ng istorya, mahalaga pa ba sa atin ngayon ang lugar sa panulat? Paano natin iyon ipanapaloob sa entries – kuhang larawan man, tula o sanaysay – taglay ang mga payak nating iniisip at pakiramdam, pagkukuro at kapirasong pagkamalikhain? Paano natin hinahabi ang kamunting kwento, magpapasabi sa titingin o babasa, “Ay, gusto ko ryan. May naalala ako bigla…” 😉

 

mahahabang maiikling kwento

 

Sa ganyan siya nakilala, sa kanyang mahahabang maiikling kwentong nakakapukaw, set sa isang county sa Southern Ontario. Si Alice Munro ang aking tinutukoy, Canadian short story writer, itinanghal na Nobel Prize Winner for Literature, 2013.  Ahaha, sobrang tuwa ko nang unang mabasa ang balita. As in, feeling ko, kapamilya ko ang nanalo, hihi. Hindi naman niya ako kilala, ahihi… Isa lamang ako sa daang libo niyang tagahanga. Kung kilala ko sya? Konting-konti siguro, sa kanyang mga panulat… ^^

 

Image of Nobel Prize for Literature 2013 winner, Alice Munro

Si Alice Munro, isang magaling at bihasang kwentista/ http://www.npr.org

May pagka-pribado syang tao. Iyan din ang sabi tungkol sa kanya ng mga nailathalang features at panayam. Isa raw si Alice Munro sa relatively famous authors na sobrang maingat sa pribadong buhay, iwas sadya sa limelight. May asawa siya at tatlong anak (apat, pero namatay ang isa). Katagalan, naghiwalay sila at muling nag-asawa si Ms. Munro. Napakadalang niyang magpa-interview at sinisikap nya, walang camerang nagbabantay sa kanyang mga kilos. Mayroon nga pala siyang bookstore na ilang dekada na at andyan pa rin, ahaha. Marami na si Alice Munrong napanalunang writing awards at pinakasikat yata siyang contemporary writer sa Canada nitong huling dalawang dekada…

 

Ang swerte ko, ang una kong nabasa sa mga akda niya, ang una rin niyang aklat na nalimbag, Dance of the Happy Shades, collection of short stories. Ang ganda no’n! I mean, seriously, nabasa ko rin ang mga sumunod niyang likha. Hindi pa lahat, pero karamihan… Para sa akin, pinakamaganda ang una niyang libro – isa sa mga nabasang di ko malilimutan. Wow na panulat, as in, wow… Hindi ako sing-smitten sa mga sumunod nyang likha, for some reason. Pero, ang gagaling din, andoon pa rin ang kakaibang touch niya bilang author. Na para sa akin, parang walang katulad. May mga kahawig marahil, pero walang katulad, ahaha.

Maiiksing kwento ang sinusulat ni Alice Munro, iyon ang distinct sa panulat nya. Puro short stories, ahaha. Nakaka-curious – bakit maiiksing kwento lang, walang nobela?  Marami na rin ang nagtanong. Hindi ko maalaala ang sagot, sa totoo lang… Pero, dati, sabi-sabi, ang isang libro nya, nobela. Bilang fan, excited akong makahanap ng kopya… Tapos, tapos, noong makakita na at makabili, binasa ko agad, ahihi. Aba, wari ko,  di pa rin iyon nobela. Short story pa rin, mahaba nga lang, kaysa sa mga dati nyang naisulat, ahihi…  Yon, sabi sa mga nabasa ko later, erroneous PR lang daw ang balita. Short story collection pa rin ang nasabing aklat. Ang saya… 🙂

 

Ang husay-husay sa paglalarawan ng panulat ni Alice Munro. Halimbawa, sa kwento nya, ang setting ay sa bakuran ng bahay, ikukwento nya, ano ang mayroon sa yard – mga halaman, damo, sampayan, mga ipit ng damit, bangkong lumang-luma na, mga nakatambak na gulong sa sulok, scarf na naiwan sa may hagdanan at paano ang slant ng araw, ahaha. Tapos, ang galing din ng pag-ugnay niya ng slant ng araw sa expression ng mukha ng character sa kwento, paano nag-react ang bida sa pagkakita, halimbawa, sa mga gulong na nasa sulok. O, di kaya, sa lumang bangko. O, sa mga ipit sa sampayan, ahaha. Gaano man kaliit ang detalye, may connect sa istorya, ganoon siya magsulat…

 

Sabi ni Ms. Munro, si Eudora Welty raw ang author na nag-impluwensya ng mahigpit sa kanyang panulat. Regional writer si Welty, American, awarded ng Pulitzer Prize, nabuhay at nagsulat two decades earlier kay Munro. Southern rich ang pamilya ni Eudora Welty. School teacher ang ina niya, tulad rin ng school teacher ang Nanay ni Ms. Munro… Noong nakabasa na ako ng apat yata sa books ni Alice Munro, na-curious na ako sa buhay ko, haha, nagbasa na ako ng works ni Eudora Welty. Mahusay si Ms. Welty, astute magsulat… Pero, mas nagagalingan ako kay Munro, ahihi. Ang style ng idol ni Alice, parang photographic ang panulat, parang snapshots ang kanyang mga kwento sa mga nobela nya. Sa totoong buhay, journalist at photography enthusiast si Welty at mahusay siya sa kanyang larangan.

Pero para sa akin, mas may kurot ang mga kwento ni Ms. Munro at mas rounded yata? Ewan ko lang kung dahil Nanay si Alice at si Eudora ay single, ahaha. Pero, for some reason, parang matitigas ang istorya at pati ang point of view ni Ms. Welty? O, di kaya, dahil upper middle class si Welty, habang rural poor naman ang background ni Munro, farm girl na naging middle class suburban wife? Ahaha, hindi ko lang alam… May hawig, kahit paano, ang point of view and treatment ni Welty sa kanyang mga nobela sa panulat ni Virginia Woolf, isa pang astute na babaeng author at aristocratic din or well-off ang background. Hindi ko sadya alam, sa pakiwari ko lang…

 

Ang isa pang natatangi sa panulat ni Alice Munro, ang mga kwento nya ay umiikot sa isang dekada lamang, dekada kung kailan siya ay teenager sa farm na kanyang nilakihan. Sa isang interview, tinanong na siya tungkol dito, bakit… Sabi niya, iyon daw period na iyon ang kaya niyang i-illustrate ng may katarungan at iyon din ang malapit sa kanyang isip at pakiramdam. Ayon, ang characters sa kanyang mga akda, nabuhay at pumalaot sa iisang panahon, ahaha. Pero, pag binasa nyo, modern and contemporary na rin ang dating ng mga akda nya, marami na rin ang aspetong makabago… Iyon lang, may mga kwento pa siya sa pag-i-skin ng hayop – hanapbuhay ng ama niya noon sa rural Canada.

 

Hindi ko lang alam kung nasa lugar akong magsabi, pero ang author na nakikita kong malapit o hawig kay Alice Munro ang mga likha, sa women writers, si Grace Paley. May pagkakapareho ang ilang gawa nila, lalo sa pagkapa sa pakiramdam ng tao – kung ano ang nangyayari sa loob ng pagkatao ng tao, habang ganito o ganyan naman ang kanyang ikinikilos o sinasabi sa labas o sa publiko. Pero si Grace Paley, American modern writer (pumanaw kai-kailan lang), mahusay at nakilala sa iba’t ibang anyo ng panulat – nobela, maikling kwento at mga tula. Si Munro, pirming maikling kwento lang ang anyong ginamit at nakasanayan. Realism ang genre ni Paley, hindi malinaw kung realism rin bang matatawag ang mga sulatin ni Alice Munro. Parang hindi…

Mas sharp din yata ang mga likha ni Grace Paley, lalo pa at lantad siyang feminist. May panahon din, naging bahagi siya ng kilusang sosyalista. Walang markadong political involvement si Alice Munro, sa kabilang banda. Hindi ko alam kung may sinalihan o pinanigan siyang kilusan o samahan at kung may itinaguyod siyang pampulitikang paniniwala. Parang wala… In this sense, kakaiba si Ms. Munro. Karamihan sa mga manunulat na gumawa ng pangalan at nag-iwan ng marka sa panitikan, in one way or another, nakisali at nakialam sa panlipunang issues. Na, sa isang banda, nakatulong para ma-formulate ang kanilang mga paniniwala sa buhay, siya nilang ibinahagi sa publikong mambabasa.

 

Hindi ko masabi kung writer for writing’s sake ang liga ni Alice Munro. O, kung importante pa bang ilagay siya sa isang kahon o kategorya… May mga manunulat at kritikong nagkukumpara sa kanya kay Anton Chekhov, Russian author. Si Ginoong Chekhov, prolific writer at kilala sa istilong napakahusay sa pag-recreate ng mood at atmosphere sa kwento. Playwright, novelist at short story writer siya at isang medical doctor… Sabi ng mga kilala ring Canadian writers, si Alice Munro raw is the Canadian Chekhov. Parang ganoon nga ang kanyang panulat – kaya niyang dalahin ang mambabasa sa isang malayong panahon at ipanood at ipadama sa kanila ang mga pangyayari – parang andyan lang, nangyayari sa harapan.

Sabi ng mga pumili sa kanya para sa Nobel Prize, master of fiction daw si Ms. Alice Munro. Parang angkop na angkop ang paglalarawan sa kanya. Sa mga akda niya, makikita mo ang layers ng human interaction, ang daming ambiguities at very complex ang portrayal niya sa human nature. Iyong parang indirectly, sinasabi niya – hindi tayo pwedeng magkahon? Marami sa mga bida sa kanyang mga kwento ay babae at iyon din ang napapansin ng marami sa kanyang mga likha – very nuanced at may depth daw ang kanyang pagbibigay-hugis sa katauhan ng babae – ang babaeng napakaraming roles sa buhay. Sa maiikling kwento niya, hahanapin mo palagi at aabangan ang revelation, ang realization at ang irony, feature parati ng mahuhusay na short stories.

 

Para sa akin, writer’s writer si Alice Munro… Hala pa, basahin nyo works nya. 🙂 😉

 

Ang Pulubi at ang mga Dumaraan

 

Ano kaya ang pagkakaiba ng blogger sa pulubi sa panulukanumaamot ng gatiting na pansin sa mga dumaraan, umaasang kahit sandali titingnan siya sa mata at babahaginan ng kamunting pag-unawa? Andito ako, tumingin ka sa gawi rito, ipaling mo sandali ang iyong ulo, huwag kang lumampas, huwag… Higit sa panlabas na anyo, bukod sa daing na namumutawi sa bibig, lampas sa karaniwang paghuhusga, masdan mo ako ng saglit at bigyan ng pagsasaalang-alang. Ako ay tao rin – umiiral, may pakiramdam, pana-panahon, mayroon ding  hiya… Ako ay ikaw rin. Pag minsan, ikaw man ay andito – humihingi ng habag, nakikiusap, pinagdaramutan… Ngumingiti matapos ang pang-aalipusta, pagtataboy at panlalait ng kaharap – parang walang narinig. Anupa at may darating, may daraan muling kasunod – mas may pakikipagkapwa. Harinawa…

 

Image of a young beggar in the Philippines

Tapunan sana ng isang tingin, pahingi ng konting limos/ 500px.com

 

Ano kaya ang pagkakaiba ng blogger sa sira-ulong nagbabalita sa paparating na katapusan? Kumpleto ang custome, may paraphernalia, may bitbit na krus at banal na aklat… Matatas at tuluy-tuloy ang sinasabi – May panahon pa, umpisahan na natin ang pagsisisi, itakwil ang mga maling gawi at magtika sa mga nagawang kasalanan… May araw ng pagkukwenta at paniningil, pagbabayaran ang lahat, gugunawin ang mundo… May pagmamahal sa puso ng tao, tiyakin ang kaligtasan at huwag kaligtaan ang mga nalalabing araw para magwasto. Iligtas mo ang iyong sarili sa kasamaang bumabalot, sa kadilimang nakakabulag at sa mga anasan ng mga sinusunog na nakabibingi… Humayo ka sa tamang landas, damhin mo ang pagpapala at tahakin ang tamang daan. Ang kaligtasan ay nasa pagtalima sa tuwid na landas, huwag mong hayaang mahuli ang lahat. Halina…

 

Ano kaya ang pagkakaiba ng blogger sa putang nangangako ng ligaya at sandaling tamis? Subukan mo ang aking kandungan, kalimutan muna ang mga alalahanin at magtuwang tayo sa lugod at kasiyahan… Tutulungan kitang isantabi ang mga pait, itakwil ang mga sakit at daramhin natin ang kakaibang timpla ng landi at paglimot… Pupunta tayo sa lugar kung saan di ka mahahabol ng mga suliranin, titikman  natin ang mga bawal at magpapakalango kita sa mga inumin ng tuwa at aliw. Magsasanib ang ating mga katawan at diwa sa piging na tanging kita lamang ang inanyayahan at magsasalo, sapagkat tayo lamang ang nakakaalam. Ipagsasawalang-bahala natin ang mga unos, ang mga siphayo ng kahapon at mga hiling ng bukas. Mag-uulayaw kita sa ngayon, sa ngayong kita ang magkadaup-palad at walang ipinapangako, tanging sarap ng kasalukuyan…

 

Ano kaya ang pagkakaiba ng blogger sa naglalako ng produkto, nag-aalok ng kalakal? Bilihin mo ito, ito ang solusyon sa malaon mo nang problema, padadaliin nito ang iyong buhay. Karapatan mong makaranas ng gaan at alwan sa pang-araw-araw, oras nang tapusin ang pagtitiis, narito at abot-kamay na ang lunas sa pakikipaghamok. Hindi masama ang maghanap ng mga bagong kaparaanan, ang gumamit ng mga bagay na makabago at umangkop sa modernong panahon. Hindi ba ikaw ay minsan at dating nangarap? Nakiliti ang munting imahinasyon sa bukas na di tigib ng dusa at paghihirap? Hindi ba at minsan mong initsurahan sa isip at pakiramdam ang buhay na malaya, may pagkakataong magliwaliw at may puwang para sa ibang intindihin? Naito na ang sagot sa matagal mo nang tanong. Ang noon ay posibilidad lamang, maari na ngayong  hawakan, gamitin at subukan. Malaking halaga ang kapalit, kapatid, subalit…

 

Ano kaya ang pagkakaiba ng blogger sa paring nangangaral sa pulpito? Ang kawan ay kailangang bantayan, siguruhing nakakain at itawid sa mga daraanan ng di napapahamak o naliligaw. Bago makarating sa langit, marapat munang tahakin ang buhay sa lupang tigib sa pasakit, luha at ligalig, dala ng pagiging makasalanan at imbi. Ang pagkakasala ay di maiiwasan ng tao, ngunit dapat niyang hanapin ang pagpapatawad at pagbabalik-loob sa grasya… Malakas ang tawag ng laman, layaw at sarap. Madali ang sumuko sa kumakaway na luho, bisyo at pagpapabaya, ang magpakawala ng damdamin at sundan ang bawat pita. Subalit, matapos ang pagkadarang, ang tao ay aangat upang mamasdan ang tuyong paligid at mapagtanto –  said na ang diwa. Anupa at dapat punuin muli ang sisidlan ng mabuting gawi at kabutihan. Tanging sa pagwaksi ng makalupang sarili, makakamit ang susi sa pinto ng langit. Kapatid, ano ang iyong hinihintay?

 

Image of hands planting

Tila ang blogger ay isa ring magtatanim/ http://www.dilg.gov.ph

Ano kaya ang pagkakaiba ng blogger sa isang magtatanim? Matiyagang naghahawan at naglilinang ng lupa para mataniman ng mga punla at buto – isang araw ay sisibol at lalago? Masipag na nagtatanggal ng mga ugat, naggagamas ng mga damo at tahimik na nagdidilig sa umaga at hapon? Matamang nag-aalis ng mga uod at pesteng kulisap, nagtataboy sa mga mapanirang ibon palayo sa sakahan? Masusing nagbabantay sa mga pagbabago ng klima at panahon, nagbabanghay ng bakod at gumagawa ng mga pilapil na daanan? Ah, anong hirap ng magsaka! Palaging banat ang likod at mga gulugod sa kayuyuko, nangingitim ang balat sa bawat araw na nakabilad at tila walang masilungan pag dumarating ang sakuna… Salat sa pagkain sa pang-araw-araw, kapos sa mga pangangailangan at balot lagi ng pangamba sa paparating na bagyo at tagtuyot. Tanging buwan ng tag-ani ang sa tuwina ay nagbibigay ng pag-asang ang lupang kinalinga – isang araw ay magdadala ng pakinabang at di magdaramot… 🙂

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 

Ka-blogs, ang sulatin sa itaas ay isang halimbawa ng pointed na panulat. Napansin ko, sa kasalukuyan, uso ang short, crispy and pointed writings. Gayundin, tila fashionable ang hindi na magpaliwanag. Pag nagpaliwanag, parang uncool, ahaha. Hindi ko itatanggi, may mga naisulat sa sites na papasok sa kaparehong kategorya tulad ng Pagpapanday ng Katotohanan at Walang Bukas. Posts silang  wari, nagtulak sa marami-raming ka-blogs para magbasa at magmasid lang mula sa malayo, hoho.

Bagaman maaring sabihin, halimbawa sila ng kasanayan sa pagsusulat at kayang gawin sa ilalim ng payong ng malayang paghahayag at pagkamalikhain, tila di mabuting dalasan ang paglalathala ng kapareho. Bakit? It seems we live in uncertain and jittery times and peoples’ beliefs tend to be polarized. Tila pag sa extreme ends ng diskurso tayo nag-umpisa ng usap, interesting at nakakatawag-pansin, oo, pero ang laki ng tendency na magdala ng sigalot at di-pagkakaunawaan – sa bahagi ng nagsulat at mambabasa at sa hanay mismo ng mga mambabasa.

 

Paalalahanan nyo ang lola nyo rito pag napapadalas ang pagsusulat ng kaparehong sulatin, ha… Salamat sa inyong pag-unawa at pagtangkilik… 🙂

 

Para sa Minsa’y Naroroon

image of a house fence overlooking a mountain view

Tatawid ng mga bayan, ilog at mga bundok para makamit ang hangad/ http://www.123rf.com

 

 

 

 

 

 

 

Kung para sa pag-ibig, binagtas mo ang limang kilometro

Sa gitna ng ulan at mga paghuhuramento ng kulog

Nagngangalit ang langit, tila mga ulap, pinupunit

Sa maputik na daanan sa isang tagong kabukiran

Kung para sa pag-ibig, tinawid mo ang humuhugos na ilog

Patalun-talon sa mga higanteng batong-buhay

Umakyat ng tatlong bundok

Na nagwawalay sa bahay ng kanyang ama

Mula sa lansangang hintuan ng bus sa isang bayang patay

Kung para sa pag-ibig sa kanya, nagtiwala ka sa di-kilala

Lango sa tuba, siyang sa iyo ay naggiya

Nagbitbit ng iyong bag, kapalit ay munting salapi

Habang suot ng iyong mga kamay, sapatos na sapin

Noong isang hapon ng kawalang-katiyakan

Habang papagapang na ang gabi

At di mo alam kung may hahapunanin

(Kung wala, magpapalala sa asim ng sikmurang sadyang karamdaman)

Sino’ng makapagsasabi

Kung iyon ay katapangan o kawalan ng ingat? 

At hindi mo kayang kalasin

Tulad rin ng pagtandang di kayang pigilin

Ngumiti ka, talos ang pagpaparaya ng panahong nagpapalimot

Anuman yaong labas sa pag-ibig na pumukaw sa iyo

At sa bundok na niyayapakan ng iyong mga paa.

Nilupig ng ulan ang alikabok ng tag-araw

Malugod mong tinanggap maging ang pangangaligkig ng katawan

At kung saan ang hapong kalamna’y dapat mamahinga

At damhin ang kaigayahan

Ng isang larawang kalahati pa lamang ang hugis,

Ang diwa ay marapat na magpatuloy

Sundan ang katotohanan hanggang sa dulo ng bangin – at malaman:

Wala siya sa tahanan ng kanyang ama.

Ang umuugong at nag-aalburutong ulan

Marahil ang nagsabi sa iyo

Ang paghihintay ay mauuwi sa wala,

Subalit hinintay mo siya ng buong gabi.

Ang iyong nalinlang na paghahangad

Pinagkamalan ang bawat hampas ng ulan

Na tunog ng kanyang mga hakbang.

Sa dilim ng gabi, wari

Ay pagaspas yaon ng saya niyang basa ng tubig

Mula sa mga sangang ipinugong ng gabi

Ang pormal at malinaw ang matang kwago

Nag-anunsyo noong pagdatal ng sandali.

Naiwan kang tanging labi ng baga ng pangarap ang kapiling

Upang noo’y mabatid, kasabay ng ulan

Ang pagtatapos ng takas na tag-araw. 🙂

 

image of sun rising by early morn

Darating ang mga sinag ng umaga, matapos ang nagpupuyos na ulan ng gabi/ zzanyy.blogspot.com

 

 

 

 

 

 

 

 

– Ika- 4 ng Hunyo 2013

Salin ng tula, To One Who Was There

ng makata, Ginoong Anthony Tan

 

* Ang tula ay unang isinalin at inilathala ni thoughtpick o LJ de leon sa kanyang blog noong ika-9 ng Mayo 2013, may pamagat na Para sa Minsa’y Naroroon. Nabasa yaon ni ssa at hiniling niya kay ka-blog, ilathala rin sana niya ang orihinal na English version…

Nang mailathala ni ka-blog ang sipi ng To One Who Was There, nabasa ni ssa at naisipang gumawa rin ng sariling salin, hala pa… Nagawa naman (ang kopya ay nasa itaas). Ayon lang, ang layo sa ganda at husay ng original, ahihi. Paanong gagawin? 🙂

At, di hamak, mas mahusay ang salin ni ka-blog LJ. Mas maalam tumula ang ka-blog na ito sa ‘kin, sabihin ko sa inyo. Siya na ang nakakaalam – ano ang desire, hihihi. Di nga, pansinin at pagkumparahin ang dalawang translation, lalo sa bahaging pagaspas ng saya, ahihi.

Mas maganda ang kanyang salin. Mas alam niya, sya na… At kung tutuusin, iyon wari ang heart ng composition –  Paano ang pakiramdam ng isang naghahangad? Tila lahat ng bagay ay pumapatungkol sa iniibig. 😉

 

Maligayang Buwan ng Wika, mga kapatid, ka-blogs, kababayan… 🙂

 

 

 

Samu’t sari

 

Hello, ka-blogs… Marami-rami ang nagvi-view ng Kahoy na Panggatong sa dpsa, sa di malamang dahilan, hoho. So, isang gabi, pinalitan ko ang limang naburang attached pics sa post. Nahiya na ako sa mga sumisilip, slight lang, hihi… 🙂

 

Image of the book cover of Twilight: breaking dawn

Pabalat ng aklat na Twilight: breaking dawn/ http://www.recipechatter. com

 

E, di, go… Sa ‘kin pala, seryosong gawain ang paglalagay ng pics sa post, pasensya na… Parang gan’to, ang isinulat ng 10 minutes, about 1 hour to 1 and 1/2 ang allotted time sa paghahanap ng angkop na larawan, ganyan ka-ewan…

 

Isa sa mga hinanap, tungkol sa madaling-araw sa liblib na lugar sa Pilipinas. E, di, hanap hanap… Search words: break of dawn in rural Philippines images. Ay, tumambad kanyo sa ‘kin – sangkatutak na pics nina Edward and Bella. Hihi, ang saya-saya… 😉

 

 

Nais ko nga palang pasalamatan ang ka-blogs na nagbi-view ng post na Maraming Salita. Opo, aliw naman at marami ang naku-curious, ano ang pinagsasabi ro’n, hihi… Yon lang, medyo geeky and boring na article yown, haha. Alam nyo, bakit? Snatches kasi yaon ng usapan namin ni geek friend, more than 10 years ago… Yong kaibigang may Ph.D. sa Economics na mahilig sa Linguistics? Oo, ganyan ka-ewan ang mga usapan namin, patatawarin.

Anyway, tuwa at grateful pa rin ako, bakit something na academic-sounding, nasisilip at napag-abalahang basahin ng ka-blogs… Pero, gan’to, sa post na Ngiti sa dpsa, doon yata in-illustrate (naks), gaano ka-elaborate, ka-metikoloso sa salita ang mga taga-amin… Doon sinubukang ipakita gaano sila (hihi, sila lang) ka-irritatingly precise sa paggamit ng mga salita, haha. Nag-iisip no’n ng pag-ibig series, medyo sociological ang approach… So, kinailangang tumawid at alalahanin – paano attempts lumandi, nang 16 to 18 years old pa lang, harhar… Shaks na yan… 😉

 

Paningit, ka-blogs… Dalawa aking cellphones (uu, do’n pa me sa ligang yon), isang bago-bago at isang luma pa, ahaha. Sa pareho, nagpi-picture-picture, kahit paano, whehe… Yon pala, halos lahat ng laman, pics ng ulap, whehe. Maraming sunset pics… Di ko alam, pero, feeling ko, mauubos na memory ng kaselpunan sa dami ng ulap na nakalagay. Di ako marunong maglipat sa PC, kainaman na… Kayo, maalam paano? 🙂

 

Image of sunset at Canyon Cove, Nasugbu

Mga ganitong pagtatangka ang nasa cellphone, whehe/ http://www.pinoyphotography.org

 

Nagpi-play kami ni apo (apo sa pamangkin) noong Friday night, around midnight na yata. Nakahiga na at gumagawa na ng tulog noon si Ate (totoo nyang lola). Andoon din kaming dalawa sa kama… Kumuha si apo ng food sa plastic storage box. Ferrero na parang wafer sa tingin ko ang laman (no’n lang ako nakakita no’n). Nang binuksan nya, bread sticks pala ang laman, coated ng chocolate. Oks, food, hehe… Kumain sya, nakikain na rin ako, hihi. Masarap, actually…

We were eating in silence. Nagmulat si Ate ng mata. Huli! Nagalit… Nagratatat, hahaha. Kesyo raw, may chocolate ‘yon, mai-stimulate ang bata, 4am na naman makakatulog, ratatat-ratatat…. Mga three minutes indiscriminate firing nya, hihi. Tapos, pikit na uli… Makahulugan ang tinginan namin ni apo. Nakagalitan kami? Shaks lang…

 

Apo: (in a conspiratorial tone) Magso-sorry tayo?

Ako: Weh? Ikaw lang. Ikaw ang kumuha, saka nagbukas…

Apo: Ngiti, ngiti ng isang nabisto, but means to get away with it.

 

Two and a half na nga pala ang bebe namin… Pero, parang four na size nya. Halos sindami na ng kain ko ang kain… Three weeks ago, isinama na namin sya sa sinehan, first time, hahaha. Despicable Me2… Ang likot ni apo at ang ingay, hahaha. Lakad sya ng lakad, ang lakas tumawa ng bata at nag-i-expect syang pagtawa nya, magsusunuran kami lahat, hihi. Pag medyo nakakatakot tunog, lumilipat sya ng upuan… Anyway, within 15 minutes pagkaupo namin, nagsilipatan ng upuan ang mga tao sa dalawang rows, kakahiya… Bukambibig pala ni apo since then, “minions”…  Peyborit nya: ‘yong kulay ube. 😉

 

Image of the minions from the movie, Despicable Me2

Usapang minions kami parati/ http://www.veto-corp.com

 

Sabihan nyo pala ako, pag nagmumukhang granny blog na itong site, ha? Ire pala ang walang-kamatayang theme song nina Edward and Bella, para sa mga nakaalala, hihi… Hindi ko masyadong gusto face ni Edward, mas gusto ko ‘yong isang guy, haha. Pero, napansin, hangganda ng katawan ni Edward, hakhak. 😉 Parang two years ago ko pa dapat ipinorward ‘tong opinyon, pansin nyo rin? Ahihi, ako na ang updated… 🙂

 

 

Salamat sa mga sumisilip

 

Hello, ka-blogsJust taking the time para pasalamatan ang mga sumisilip sa sites, pero di nag-iiwan ng bakas through the like and comment features. Salamat. 🙂

 

Image of a dog taking a glimpse inside from a fence

Tingin lang, walang sasabihin, di magpaparamdam/ http://www.flickr.com

Sa mga sumisilip para okrayin ang posts at ang blogger dito, salamat din. Salamat sa curiosity and the efforts. Nag-aabala pa kayo, sus… 🙂 Ay, senga pala, bukas ang comment section, sakali, may gusto kayong itanong at alamin mula sa nagsusulat, welcome kayo, di nga… Ilagay nyo lang, kapatids,  pipiliting sagutin sa abot ng kaya…

 

Seryoso yata ang mga nakaraang posts, pasensya na. True, feeling ko, pati ako, napagod, kainaman na… O, di ba, may emotional reserve na hinihingi ang pagsusulat at pagbabasa? Nararamdaman nyo ‘yon, yong pagkatapos isulat at ilathala ang post, parang mixture ng pagod at relief? Oo, ahaha, may gano’n… 😉

 

Pasensya na kayo, mabibigat ang menu na nai-serve nitong mga huling araw. Susubukan ko, i-minimize na… Anyway, ka-blogs, may posts dito, medyo mataas ang views from fellow bloggers. Nagtataka ako bakit, as in… Paningit na posts lang sila nang isinulat at ilathala. Pero, since rumi-rating, i-a-ask ko sana sa inyo – bakit, ano ang mayroon sa mga iyon…

Hahaha, marami-rami  ang sumisilip sa kanila, pero di nadadagdagan ang likes or comments. Baka, kako, may kung ano sa mga ito, sa inyo ko mismo itatanong –

 

Maraming Salita

Mga kwento sa likod ng kwentong tag-araw

Katutubong Wika sa Katutubong Awit

Babatiin ko ng Ngiti

 

Sakaling makakuha tayo ng sapat na bilang ng feedbacks or responses (medyo makatarungan at believable, ha, kapatids, hihihi), ilalathala natin ang isa sa tatlong natitira pa sa pitong poems enumerated sa Kayo Po ang Pipili. Tanda nyo pa? Oo, may tatlo pa sa imbakan, madadrama at pa-comedy effect din, hihi.

Or, pag marami sa mga nagbasa ng alinman sa apat na posts ang nagbigay liwanag sa misteryo, haha, baka ma-excite ang lola nyo rito (am pretty excitable, hakhak) at ilathala natin ang isa pang tula sa imbakan. Ay, pasaway title, hala…

 

May Mahika Nga Ba ang Pag-ibig? 😉

 

Image of the statue of Julius Caesar

Sa lahat ng kapanalig, pati kapwa maliligalig,  ahaha… ;)/ mawdizzle.com

May katagalang panahon na rin naisulat ang poem,  di ko sana balak i-publish… Pero, in the spirit of camaraderie and fun, am willing to be convinced, hakhak. Biro lang,  mga kapatid… Ano rin, nagkukwento kasi at nagpahiwatig  lately about romanticism, romantic thoughts and related ideas, bumubukas ako sa possibility – may ilang na-curious sa mga pasaway na hirit sa paksa….

 

So, friends, Romans, countrymen, lurkers, lovers and foes alike, hinihikayat ko kayo, mag-comment at magbigay sana ng feedbacks. Your time and thoughts will be much appreciated. Thanks. 🙂

 

Have a good week ahead… ^_^