impluwensya ng ka-blogs sa panulat

 

Kumusta kayo? Ang tagal ko palang nawala – kumusta naman daw yon?๐Ÿ˜‰

 

Napaka-dynamic at interactive na platform ng blog, wari ko…๐Ÿ™‚ Tinginan at palitan tayo parati rito ng lungkot, saya, hinagpis, pagtataka, pagdurusa, karunungan,ย kababawan, tsika-chenes,ย ย katatawanan at pagkamalikhain. Silipan tayo ng silipan kung ano ang mga pwedeng sabihin, isulat, talakayin at ihapag sa isang forum na ang daming taong pwedeng makakita, makabasa at makarinig sa pinagsasabi natin. Hihi, tayo na…

Siyempre, madalas nating bitaw, wala lang tayong magawa. Blog tayo ngayon, haha. Kunwari ba, may ginagawa na tayo pag naka-blog na? Hihi, ang sama… Siguro, pag nagsusulat tayo sa blog, kinukumbinsi natin ang mga sarili – may maaari pang magawa… Hindi puro pagmamaktol o puro pagpapapansin o puro paglalabas lamang ng sama ng loob. May naayos din, may inaabot, kahit paano, ang mga kadaldalan natin dito,hihi… May nasisinop na salansan, may naiiba at pana-panahon, may napapalitan. Maski sa sarili man lang natin – may nababago tayo.

 

At the least, nakakapaghayag tayo. Nakakapagsanay na mag-isip at magsulat. Naipapaskil natin sa madla ang mga kaganapan sa ating munting mundo, naipapaalam nating buhay pa tayo, hihi at nakakapag-isip pa, haha. Hindi nga lang parating diretso ang ating naiisip. Yon. Mas madalas, maraming liko, patawing-tawing sa kung saan-saan at pahinto-hinto – sa mga tabing-daan at sulok. Kung minsan, naliligaw. O, napapatid, nadudulas. Nasasaktan din, umaaray at napapamura. Nagugumilahanan, nalilito, nalalabuan… Pero, nag-umpisa tayong naghahanap ng linaw. Naghahagilap ng mga sagot. Gayong di tayo sigurado – may sagot nga ba, o, kung dapat pa bang itanong. Hihihi…

Nag-i-inspire daw tayo pag nagsusulat, senga? Sarili ba natin ang ating ini-inspire sa mga isinusulat natin o ang ibang tao? Pareho siguro… Ano pala ang ini-inspire natin? Hahaha. Hindi nga… Nag-i-inspire ba tayo ng saya, tuwa, kagalakan? O, kaba, galit, takot – sa nakakabasa ng ating mga sulatin? Kahihiyan, nag-i-inspire tayo nito? May mga ipinapaalala tayo sa iba sa simpleng pagbanggit ng isang bagay o, sa paglalagay ng isang larawan sa post, at mayroon tayong binubuhay – akala ng nagbabasa – patay na, dati pa, hihi… Sa blog, tila inaayos natin ang magulo. Pero, ginugulo rin yata natin ang mga bagay at usaping parang ayos na, hihi. Ang gulo natin, sa totoo lang…๐Ÿ˜‰

 

image of a woman alone in an island

Ang manunulat ay nagpo-flourish, hindi sa isang isla, kundi sa isang pamayanan/ jadevarden.blogspot.com

 

Anyway, kwento ito, mahabang pasakalye – tungkol sa mga taong nanggulo sa akin, haha. Bilang blogger, akala ko noon fully equipped na sa pagsusulat sa blog. Dangan kasi, ย may mga nabasa nang kung anu-ano ang lola nyo, maraming taong nakasalubong, naranasang hirap, dusa ย at saya at, may mga salitang imbak sa taguan. Akala, papalaot at gagaod ako sa isperyo ng blog – undisturbed… Ay, sus, I spoke too soon, mga kapatid. Kahit pala suplada (hihi), sabihin pang may ipong bokabularyo at may attitude ang blogger, mai-impluwensyahan pa rin ย ng kapwa manunulat sa blog. May epekto at epekto pa rin ang mga panulat at bigkas ng ka-blogs. Mayroon, mayroon…๐Ÿ™‚

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 

mga panulat nina singkamas, pointless paranoia at daydreamer – early twenties na mga bata ito. oo, bata pa sila, sa tingin ko. mas sa english sila nagsusulat madalas. ang huhusay rin pala ng ilan nilang compositions sa Tagalog. oo, sila na, haha… anyway, ang gusto kong sabihin, literary silang magsulat, true. hindi ko alam kung paano at bakit at kung dapat ko pang pakialaman, gayong matagal nang di nadi-detect ang presence nila sa aking sites (haha, peace). pero, kung may nagsasabi o nagrereklamong “literary” ang mga pinagsasabi ko sa blogs, sa sites nila kayo pumunta, di nga… sila ang mas guilty dyaan, mga kapatid. sa kanila lang ako nangongopya, wari ko, ahaha.

walang particular posts akong mai-a-attribute sa kanila (maliban sa influence ni singkamas para maisulat ang Minsan, Dumating Ka sa Buhay Ko sa DPSA), pero upon reading their entries, may magli-linger sa iyong pakiramdam? parang longings of the human heart chorvah, hihihi – tahimik na kalungkutan, kabalintunaang dadalhin ng habambuhay at mga kalituhan ng pagkatao – di pa alam kung saan at paano ilulugar… yown. may pagkakataong masisidhi ang pakiramdam sa kanilang mga panulat, may panahong sumisigaw ng hustisya at mayroon, nagsasabing kakayanin ko – maski para namang hindi, haha. medyo emotional, subjective and random ang entries nila. raw na raw, kung minsan (peace!)…

pero, kung masusundan nyo ang mga panulat at angas nila sa buhay (hihi), may makikitang patterns. saka, mahuhusay silang rumamdam at kaya nilang isatitik ang mga iyon… may grammatical errors (sino ba namang wala?), pero hindi na dapat pagtuunan pa ng pansin, kung ang sukatan din lang ay originality ng point of view at husay ng rendition(naks!) nitong mga manunulat cum bloggers. palagay ko, they have influenced my writings so far, in the way that they hinted so much – doon sa mga hindi nila sinabi ng tuwiran sa kanilang panulat. sila ang magagaling sa pag-relate ng serendipity encounters. kaya nilang paitsurahan sa readers – Ano ang nadama at naisip ng character sa pagbukas o pagsara pa lang ng pinto? ayon…๐Ÿ™‚

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 

Ka-blogs, hindi ko na kayo nasulatan sa email for the advanced notice, pasensya na.ย Sana, pleasantly surprised kayo, ahihi. Itanggi nyo na lang, kung ayaw nyong nababanggit ko kayo, whaha… Seriously, maari nyong ipaabot sa akin sa comment o sa email,ย kung nais, ilagay natin URL nyo. Pati reklamo, kung mali o kulang ang description… Am willing to revise, adjust or make changes, sabihin nyo laang…๐Ÿ™‚ Gan’to, balak ng lola nyo, mag-feature ng ka-blogs na nag-impluwensya sa panulat, pana-panahon. Ito ang una, yon… ^^

Ahaha, may allegation, ang inyong lingkod daw ay masyadong pormal, seryoso at literary magsulat. Pag minsan lang totoo ‘yon. Saka, anlagay ako lang? Hihi… Gusto kong magturo ng ibang suspects, peace! Mga kapatid, by their very nature, Literature in general and poetry in particular, are elite forms of art. Hindi sila na-a-arrive at, sa pagdukwang lang o pagbuntung-hininga ng isang tao… Ang pagsulat ng tula, parang pag-wring ng iron – paulit-ulit na pinaiinitan at hinuhugisan – bago mapalabas ang magandang likha…

Sa kabilang banda, ang panitikan at mga tula, hindi rin naman imposible para sa karaniwang tao. Di ko pa nakikita at naririnig itong sina ka-blogs ng harapan… Pero, pero, pakiramdam ko, noong nag-aaral pa sila, nauubusan din sila ng baon – just like anybody. Hindi sila kasama sa in crowd ng campus, sa hula ko. Nagkaroon sila noon ng crush na sinulyap-sulyapan lang nila, sa mahabang panahon (peace!), naalangan sila… All am saying, di naman sila gaanong kakaiba – sa iyo, sa akin, sa atin.

That these ka-blogs churn out “literary” pieces sa blog, sets them apart, somehow. Pero ang sisi or credit, wari, mas masipag silang magbasa kaysa sa karaniwan. Mas trying hard din silang mag-praktis magsulat. Now na accessible na sa atin ang mga tagu-tago nila noon (hihi), mas mabuti, basahin natin at tangkilikin. I-appreciate, pag sulatin ay mahuhusay at magaganda… Elegante or structured man ang sulatin nina ka-blogs, e, wari ko, marami-raming effort puhunan… Pag minsan, parang di na natin halata mga pinagtahian, hihi, pero tinyaga nila ‘yon, kinalas at binuo ng ilang ulit, wari ko. ย Their writings are cool, yon…๐Ÿ˜‰

Ka-blogs, ibinubukas ko ang sites para sa guest posting, ipadala nyo lang copy ng napipisil nyong likha sa email – sasaliwngawit(at)yahoo(dot)com. Kayo na mag-edit… Isa o dalawang guest post maari nating ilathala, sa alinmang site, sa bawat buwan. Para sumaya tayo at maka-tambay rin sulatin nyo sa ibang bahay, ahihi. Hindi kelangan hifalutin’ ang paksa, basta maganda, whehe – pwedeng tungkol sa pagbili ng float sa McDo. Ta’s ililibre nyo ako ng cheeseburger, pag nagkita tayo, hakhak. ย Pwede ring picture post, oo. Basta, seryosong paanyaya ‘to…๐Ÿ˜‰๐Ÿ™‚

 

Happy New year sa inyo!ย Huli ang bati banda rito, hihi… Basta, sana ay mas full of life ang 2014 para sa atin. Mabuhay kayo…๐Ÿ™‚

 

Ay, mabalik tayo sa usapang pinto, hihi. Sa inyo, ano ang pumapasok sa isip, pag binubuksan ang pinto?…๐Ÿ˜‰

 

21 thoughts on “impluwensya ng ka-blogs sa panulat

  1. San!!! Namiss kita! Dapat ata ikaw ang mag guest post sa blogs namin.. Ehehehehe..

    Sagot sa tanong mo, pag may nagbukas ng pinto, unang pumapasok sa isip ko, lalabas ang lamig ng air-con.. Eehehehehehe.. Wala na naman kwenta comment ko.. Amfpt.. Eniwey, mabuhay ka! Woohoo! *kaway-kaway*

    • Potski! mas na-miss kaya kita? kung saan-saan sya patawing-tawing, pa-shot-shot, haha.๐Ÿ˜‰ weh, seryoso ka? nag-guest post na me dati… btw, di ko kaya level panulat mow, yong mala-TGIF, hihi. pero, oo, pag invite mo ko mag-guest post, di magpapakipot, ehehe.

      ang kulit. oo nga, ‘no? haha, halatang pawisin ang isa ryan. nagdadamot ng lamig…๐Ÿ˜‰ oist, summer na rito, mainit na as of today… musta sa bagong dance floor?๐Ÿ™‚ kaway-kaway…

  2. Bakit mayroong ganito dito? May gulo ba? Hehe. Tagal namin naghintay ng iyong post, busy? Wala akong lakas ng loob na magpadala ng ‘masterpiece’ ko, baka magkalat lang ako doon na lang yun sa blogsite ko at least, ako ang hari doon. Hehe. Pero aabangan ko ang mga isishare nila, pramis.

    Sa pagbukas ng pinto, makakagawa ka na ng maikling kwento lalo na dun sa mga bihasa at malawak ang imahinasyon. Ako, naiisip ko dun mga anak kong sasalubong sa akin pagkagaling kong opisina.

    See you around Ate San. Ako rin pala lumang taon na yata. Hehe.

    • hello, Limarx… uy, me problema me, di talaga ako makaiwan ng comment sa site mo (technically, not possible, sabi ng Google), more than a month na. yon tuloy, nabasa ko na lahat ng recent posts mo, katatambay do’n. pero, wala pa ring naiiwang comment, hihihi… pasensya ka na muna, kapatid. ^^

      a, medyo matagal na, reported sites ko as “porn” sa Google. o, e, di ang saya? tinamad me mag-post or mag-edit man lang ng nasulat na… anyway, nasusupladahan sa writings ko mga gumawa no’n, hahaha. still, i hold, hindi tama ang ginawa nilang ‘yon – sobra… nakabukas lahat ng posts, walang malisya sa mga iyon, wala akong binubura or inaalis. open sila for scrutiny, tingnan kung pornographic or hindi – ni Mr. Google o ng sinumang interesado…

      amin na ang piyesa mo, dali… masterpiece ka dyan. sipa, gusto mo? amin na… ay, gusto ko ang nakita mo sa pagbukas ng pinto…๐Ÿ™‚ musta sa kids…

      • Ano bang post iyon? Bakit ganun sila? Bakit sila salbahe? Hehe, hayaan mo na at least alam ko binabasa mo yung blog ko na minsan may kwenta madalas na wala.

        Ewan ko ba, kung bakit kailan tumaas ang mga hits ng blog ko saka naman hindi na ako nakakasulat busy sa paggawa ng tula para sa KWF! haha, two weeks ko na yung ginagawa sa sobrang higpit ng rules ganun talaga ‘pag may balak na maging poet ng taon. Oo, ganun kakapal ang mukha ko sa pagsali ng kompetisyon pero pinapaproofread ko naman sa marunong sa mga teknikal na aspekto, para hindi naman gaano kahiya-hiya. Sabi ko nga certificate lang muna, masaya na ako. Bonus na lang na pumuwesto at yung cash prize. May konek ba yung pinagsasabi ko sa comment mo? Wala yata, hehe.

        Sige, magshare ako isa padala ko sa email mo this week, bigyan mo ako ng theme para makapamili ‘pag sa akin lang kasi desisyon mahihirapan ako. Ano bang dapat? Short story, essay, poem, etc.? Bago ba o yung kahit mga dating gawa na?

        Sensya na Ate San, dami kong tanong!

      • hello, Limarx… a, me pinuntirya silang posts sa sites… yon. dito sa SSA, yong Sa May Kanto ng Avenida at Recto and Late daw sina Rizal. Hahaha… e, “mature” readings nga, kailangan ng maturity ng babasa. which, apparently, they lack, hoho.

        hayaan? hmn, am curious you said that. hamo, pag-iisipan ko… medyo mahirap, si Ginoong Google ang mag-brand sa writings ng isa as pornographic? it seems si Mr. Google has benefited sa writings ng lola mo, so far. as it is, wala namang ads sa sites – products or services – promoted or advertised. but Mr. Google has gained from them somehow, i guess… Mr. Google should at least have the diligence mechanics to verify the veracity of the “complaint” of those reporting, the “well-meaning and credible” bloggers. palagay ko…

        I mean, ayos lang sa akin, kung tatlo lang mag-view sa sites sa isang araw. hindi ako habol ng “popularity” those bloggers seem to be after. matanda na ako, kapatid. gusto ko na lang, ma-formulate in writing ang ideas na nasalubong ko at ma-test sila, somehow. hindi ko balak maging YouTube sensation or something, walang gano’n. di naka-network ang sites…

        but it is another thing to be branded, kapatid. i mean, my writings should at least show and earn the brand or the image. mahirap naman ma-brand ng bagay na di mo na-earn (ni walang pag-uumpisahan), you know?… i don’t know, curious ako, ikaw ang nagsabi nyaan, hayaan lang… ^^

        a, mahusay ka mag-compose sa Tagalog, like a true Bulakenyo. your writings know its way, paano mag-expound ng sitwasyon and mga bagay-bagay, hoho. a,e, medyo nagulat ako when i came across your panulat – kamukha sila ng mga akdang binabasa ko noong nasa elementarya, ahaha. iba yatang maghabi kayong Taal na Tagalog…

        ay, ipadala mo tatlo sa email… tapos, if it’s alright sa yo, ako na pipili (hihi).. btw, windows 7 pa gamit here, pa-convert before attaching them sa email (sakali windows 8 ka na po). ay, sus, your writings can compete naman, ba’t hindi. manlibre ka pala pag nanalo na, haha. masaya ka na kamo sa cert lang, ahihi.๐Ÿ˜‰

  3. Ate San!! Ang haba ng posts.. napagod ako magbasa. hahaha.๐Ÿ™‚ Hmmm… pag binuksan ang pinto… pakiramdam ko bagong buhay ito.. new adventures. like another phase of your life is about to begin… you just have to step into that door and enjoy and learn every moment life brings you.๐Ÿ™‚ ang dami ko na pic dito sa WP.. pag nakita mo ko somewhere… dont be shy to say hi, okay?๐Ÿ˜› hehehe

  4. Ate San!! Ang haba ng posts.. napagod ako magbasa. hahaha.๐Ÿ™‚ Hmmm… pag binuksan ang pinto… pakiramdam ko bagong buhay ito.. new adventures. like another phase of your life is about to begin… you just have to step into that door and enjoy and learn every moment life brings you.๐Ÿ™‚ ang dami ko na pic dito sa WP.. pag nakita mo ko somewhere… dont be shy to say hi, okay?๐Ÿ˜› hehehe

    • hellow, Karen… oo nga, pasensya na. maski ako, nahahabaan, hihi. am in no form to write lately yata. may mga naisulat naman though parang di angkop ilathala these times… may ka-blogs who find fun in interpreting my posts, kaylayo sa gustong ipaabot ng panulat, yon…

      ang ganda ng nakita mong scenario sa pagbukas ng pinto.๐Ÿ™‚ ahaha, ikaw pa lang nurse-blogger na-encounter ko, rather positive ang vibes sa buhay. ay, sige, ma-distinguish kaya kita among the thousand nurses sa bansa, nakaputi lahat, iisa itsura (hehe)? parang minions lang.๐Ÿ™‚ that would be a challenge, hanapin sa dagat ng mukha si Karen, bow. cheers!๐Ÿ˜‰

    • ahihi… opkors, kiko. ako po ay tao lamang…๐Ÿ˜‰ in the coming days, ipo-post ko, sino nakatulak para gumawa ng series, sino ang ka-blog na isang buong category ng posts ang naitulak na gawin kow, haha. teka, ikaw, hindi naiimpluwensyahan? asus, wala pa akong nabalitaan na-impluwensyahan ng panulat ko – naitulak lumayo o umiwas na ka-blogs, marami-rami, haha.

      may ginawa na ako nyaan, 2011 pa. mahaba, e at di ko maintinding i-edit… ikaw muna kaya gumawa? mas mabilis kang mag-lathala, e. lam mo naman, OC ako sa editing, hihi.๐Ÿ™‚ waving…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s