Sa May Kanto ng Avenida at Recto

image of Doroteo Jose platform in Manila, going Monumento side

Silip muna sa view ng lumang Maynila habang naghihintay ng tren/ flickr.com

 

Simula noong maligaw ako sa Quiapo, naka-apat na beses na yata akong bumalik-balik sa syudad ng Maynila. At siyempre, natutunan ko na ang aking aral – mag-LRT hangga’t maari, haha. Katunayan, napasobra yata ang aking pagsakay-sakay sa tren, Lines 1 and 2, pag nasa bandang Maynila. Kahit hindi naman kailangan, naghahanap ako ng excuse para makasakay sa mga ‘yon. Hindi na nga yata ako hinihingal pag-akyat-baba sa LRT platforms, ang husay lang.

 

image of LRT2, going from Recto Ave. to Santolan

Mas bago ang linyang ito ng tren at kulay purple/ article.wn.com

Anyway, ganito. Nahilig ako sa connecting flights, eerrr, connecting tubes ng mga tren, haha. Kahit naka-high heels ako, keber sa keber ang maglakad. Feel na feel, kainaman. Kabisado ko na yata kung saang windows mabilis bumili ng ticket, aling turnstiles ang gumagana at alin ang hindi,  at saang yellow lane dapat tumapat sa pagsakay, para hindi masyadong masikip sa loob ng train box, ahaha. Ako na…

 

Since nga na-revive ng  accidental sojourn sa Quaipo ang interes ko sa Maynila, haha, ang mga mata at isip ko ay para laging nagja-jot down notes pag ako’y nasa bandang Maynila na. Parang gustong i-absorb lahat – mauusok at nangingitim na islands sa ilalim ng train lines, mga basurang nakatambak sa sulok at pati mga mamang hubad-baro at mga manang na naka-leggings at sleeveless  (haha, ang sama ko) – naka-paste yata lahat ‘yon sa utak kong ewan.

 

image of vehicular traffic in the Rizal and Recto avenues intersection

Mga byaheng galing Sta. Cruz papuntang Blumentritt at Monumento/ victorvillanueva.net

Ganoon pa man, ang kwento ko sa inyo ngayon ay tungkol sa panulukan ng Rizal Avenue na mas kilala bilang Avenida,  at  sa Recto Avenue, kilala bilang Azcarraga Street noong araw (noong di pa rin ako ipinapanganak, hehe). Yan, Maynilang Maynila – walang duda, mga kapatid… All the smokes, dirts and grimes that one could imagine, ando’n, haha. Context pala muna, sa intersection na ‘yan, isang block lang ang layo ng connecting tube ng LRT1 sa LRT2.  Madadaanan mo ang lugar alinman pag galing kang Baclaran(Baclaran station) o Makati (Buendia station), papuntang Quezon City (para sa connecting trip to Cubao o Santolan station) . And vice-versa. Pwede rin namang pag galing ka sa bandang Tondo o kaya R. Papa at at ayaw mong sa EDSA dumaan pa-QC. Bale, mag-e-LRT1 ka muna tapos, sakay ng LRT2 pa-Katipunan. So, yon.

 

Mga busy na panulukan pareho ang Avenida at Recto. Ang Avenida kasi ay malapit na sa Sta. Cruz, isang abalang lugar at ang Recto naman ay malapit na sa Divisoria, isang pamilihang mas abala pa. Malapit din ang Recto sa Morayta at sa stretch ng tinatawag na University Belt. Kaya ayon, mataong lugar ang kanto ng Recto Avenue na nag-intersect sa Avenida. Mga sampong taon ang nakakaraan, nagagawi ako banda ryan dahil may bilihan do’n sa Recto ng art supplies. Enriquez Art Supply ang pangalan.

 

image of Recto and Avenida intersections in Manila

Ibang fastfood chain ang lessee sa kantong ito noon/ wn.com

 

So, noong isang araw, sinisilip ko kung andoon pa ba ang Enriquez. Di ko sigurado pero di ko na maaninag. Ang nakakatuwa, andoon pa ang lumang sinehan sa building na ‘yon. Hindi ko lang alam ang pangalan ng Cinerama o Theater. Pero, nakita ko, ang palabas ay pelikulang ang pamagat ay Daklot. O, di ba? Interesting, haha. Lalaki, siyempre ang nasa billboard, wink wink. Artistang di ko kilala. Doon ‘yon sa hilera ng Funeraria Paz Manila sa dulong kanto, Recto side at sa kabilang dulo ay may Chowking, sa kantong-kanto ng Recto and Avenida intersections. Twenty years ago, ang lessee establishment doon ay Cindy’s, isang fastfood chain na wala na sa ngayon. Kulay dilaw ang kainan ng Cindy’s at pula naman ang mga letra ng pangalan nito. Haha, tanda ko pa.

 

Pero sa same hilera, along Avenida side,  andoon pa rin and doing good business ang Baker’s Fair. Ito yong tindahan ng hopia at mga tinapay, may branch pa rin nito akong nakita kailan lang sa Cubao, sa may Farmer’s. Pag maglakad ka ng ng konting-konti lang, may Jollibee naman, ahaha. About half a block mula roon, pa-North sa Avenida, makikita mo na ang kailan lang ay binago, pinaganda at ni-revive na Manila Grand Opera Hotel, sa kanto ng Doroteo Jose. Daraanan mo muna, siyempre, ang mga nagtitinda ng yosi’t kendi, isang bus station papuntang Bagong Silang, isa pang istasyon pa-Bulacan naman at pati yaong mga nagtitinda ng tinging gulay galing Baguio.

 

image of the new Manila Grand Opera Hotel in Doroteo Jose, Manila

Engrande raw ang lugar at tambayan ng alta sosyedad noong araw/ skyscrapercity.com

 

Anyway highway, sa kabilang side, Avenida pa rin, pa-Monumento,  sa tapat bale,  andoon pa rin ang istasyon ng bus papuntang North, mga byaheng Zambalez at Baguio. Dati, ang alam ko ay Philippine Rabbit* yata ‘yon. Hindi ko lang alam kung depot pa rin yon ng parehong kompanya. Pero halos ganoon pa rin ang itsura – matao, masikip, marumi, haha, maraming nagtitinda ng poncan at orange sa harap at mayroon na ring lansones at strawberries, ahaha. May mga tindahan pa rin ng biskwit at juice in tetra packs saka, M.Y. San na nasa balde at timbang dilaw at green, haha.

 

image of Odeon Mall, former location of Odeon Theater in Manila

Sikat raw ang Odeon Theater noong 60s hanggang 80s/ skyscrapercity.com

Sa kantong-kanto noon, andoon dati ang Odeon Theater. Naku, sikat ‘yon noong araw, as in, let’s say, thirty years ago, haha. Kasi, sabi ni SuperlolongPinoy, doon daw ipinapalabas ang Bruce Lee at James Bond movies. Ahaha, hindi ko talaga alam, isang beses lang yata ako nakanood doon. Oh, basta, ilang taon lang ang nakalilipas, inalis na ang movie house na ‘yon at ginawa na ‘yong Odeon Shopping Mall. Dangan kasi, ang building na ‘yon mismo ang nasa ilalim ng connecting tube ng LRT. Bale, daanan ito ng sangkatutak na passersby at commuters.

 

Sa tapat naman nito, sa Recto side, pareho pa rin halos ang establishments. By the way, clockwise ang direksyon ng paglalarawan ko, ha…. So, yon, halos iyon at iyon pa rin ang mga tindahan at kainan doon sa pagtawid ng Odeon papunta sa kabilang side ng Recto. Pati yata mga nagtitinda at tumatambay, ‘yon pa rin. Marumi talaga ang sulok na iyon, excuse me lang po. Maraming nagtitinda ng kung anu-ano sa bangketa – may pagkain, may prutas, may pang-ayos ng buhok at iba pa – nasa portable tables ang mga paninda o kaya, sa kariton. Tapos, sa kalsada, doon pa sa mismong kantong-kanto humihinto ang mga byaheng Punta, San Juan, Cubao at Morayta – galing lahat sila sa Divisoria. So, yon nga, it’s a busy place, patatawarin. At may karakter, haha, hindi nga. Kumbaga, you want a slice of Manila at it’s finest (or most naked, haha)? Doon ka tumingin.  Marami kang makikita, pramis.

 

image of the projection room of the Dilson Theater in Recto Ave., Manila

Ganito pa ang itsura ng projection room ng lumang sinehan ng Dilson/ http://my_sarisari_store.typepad.com

Iyong tiles pa lang ng bangketa ang tingnan mo, mapapansin mong mas matanda pa yon sa ‘yo o baka pati sa mga magulang mo, ahaha. Tapos, ang mga nakapagkit na usok at dumi, baka pwede nang bomoto, ahihi. Anyway, ang good news ko sa mga mahihilig sa picture ng city decadence, ahaha, andoon pa ang lumang theater o movie house doon. Dilson ang pangalan. At may palabas pa. Lumang bold movie na hindi sikat, siyempre. Ayon tuloy, hindi ko natandaan ang pamagat. Ang sistema ng ticketing nila roon ay ‘yong dati pa, ha? Iyong pink o green na rectangular paper na pinipilas, haha.

 

Pero, eto ang better news, sa katabing building nito, andoon pa ang isa pang lumang sinehan, ang Holywood Theater. Nakow, sikat ito! Ang claim to fame ng sinehang ito ay dito lang naman ang shooting ng movie ni Papa Piolo Pascual noong babago pa nating nabi-bistahan ang kanyang kapogian, ahaha. Opo, wala nang iba, sa Holywood Theater nag-shoot ang Lagarista. Ah, basta, hindi ko na ‘yon ikukwento, i-download nyo na lang ang kopya, sakaling hindi nyo pa napapanood, haha.

 

image of Hollywood Theater in C.M. Recto Avenue in Manila

Dito nag-shoot ang pelikulang Lagarista ni Piolo Pascual/ http://my_sarisari_store.typepad.com

 

Ganoon pa rin ang itsura ng Hollywood Theater –  may orchestra, may balcony at may loge, haha. Lumang ticketing system din. Double picture na bold nga pala ang palabas. Hindi ko rin maalala ang pamagat pero iyong isa ay may salitang ligaya at ang isa naman ay may hiram. O, Hiram ‘ata mismo ang pamagat noong isang movie? O, yan din pala ang palabas doon sa google pic na nahanap ko, ahaha, ang kulit lang… Kung hindi ba naman tunog steamy ang mga movies na ‘to, ewan ko lang, ahaha. Ah, at saka nga pala, ang billboards nitong mga sinehang naikwento ko ay iyong luma pa rin, yong hand-painted sa Signs and Crafts shops noong araw? Di ba ngayon, tarpaulin na ang karamihan o di kaya, movie poster na lang sa cinema lobbies? Nakaka-miss din nga pala ‘yong manu-manong billboards na uso dati, naman.

 

At any rate, ang Hollywood Theater ay may katabing isa pang building na nagha-house sa Little Hollywood Restaurant, isang kainang ang especialty raw ay crispy pata. Basta, nadiskubre ko na ito dati, last quarter last year pa, ahaha. Isang kainang kulay dilaw at orange ang mga upuan, magkaharapan ang diners sa upuang may sandalan ng likod at ang itsura nito’y lumang noodle and dimsum house, na mga lumang parokyano ang tumatambay, haha. May videoke na (concession sa makabagong panahon) at mahal ang kape. Nescafe lang, trenta pesos na, haha. Parusa siguro yon sa usiserang nakikiupo para magmasid-masid, sus.

 

Ganoon pa man, balik na tayo uli sa kantong-kanto mismo ng panulukan. Doon sa sinasabi kong busy at di-kalinisang kanto, ang katapat nito sa Avenida side ay mga lumang buildings pa rin. Iyon pa ring mga dati, palagay ko. Parang iyon pa rin ang lessees, tenants at mga vendors sa harap. Pag umusud-usod ka banda roon, makikita mo pa rin ang sign ng Alemar’s Bookstore. Hindi ko lang alam kung bukas pa itong establishment, sarado kasi noong ako ay dumaan.

 

image of Rizal Avenue, just before the C.M. Recto intersection

Sa bandang kaliwa ng view ang Merriam & Webster, katapat sa kanan ang Alemar’s/ panoramio.com

Pero parang ganoon pa rin ang itsura noong corner. Ang isang building doon, natatandaan kong Arguelles Building yata ang pangalan. Ang itsura nito, ‘yong typical gray cement building gaya  sa bandang Binondo at Divisoria – space for shops sa ibaba, maaring stockroom sa second and third floors, at residences na sa top floors. Iyon bang tipong ang mga sira at maalikabok na bintana ang nagsisilbing testimony sa commercial place na has seen better days? Ahaha. Basta, parang gano’n.

 

Halos magkatapatan ang Alemar’s at ang Merriam and Webster sa kabilang side. Pero itong huling bookstore, nagbagong-anyo na. Medyo pinaganda na at pinaliwanag ang loob, parang mas malinis kaysa dati at mas maayos. Ganoon pa man,  ang mga katabi nitong tindahan ng mumurahing pantalon at belts, halos iyon pa rin, pareho pa rin halos sa twenty years ago. May nagtitinda pa rin ng manggang binalatan sa harap at may burger joint pa ring katabi, na tila tambayan ng lahat.

 

image of Recto and Avenida intersections with an LRT1 train in the background

Nagsasalubong sa Doroteo Jose Station ang LRT 1 and 2, kalapit ng Recto at Avenida/ manilahub.i.ph

At sabi ko nga, huwag kang masyadong titingin sa bandang baba, kasi naman nga, ang tiles, ang tiles. May panahon kayang nakaranas din ang mga iyong ma-hose down at ma-scrub? Ahaha, ang lagay ay nagtatanong lang. Nagtatanong ang isang taong siya namang may penchant gumawi sa mga lugar na ang sabi, seedy places daw. Asus.  :)🙂

 

 

 

 

* May pagwawasto – sa halip na Victory Liner, Phil. Rabbit ang tamang pangalan ng depot. Salamat kay Superlolo.

28 thoughts on “Sa May Kanto ng Avenida at Recto

  1. hindi ako masyadong pamilyar sa maynila pero kailan lang eh naglaboy ako sa makati para mag job hunt. kaya mejo nakarelate ako sa pag jujump over from one place to another gamit ang ibat ibang uri ng sasakyan at ma enjoy at pagtawanan ang mga scenery sa byahe.

    natawa ako dun sa “DAKLOT” hahaha … pamilyar nga sa akin dati yang mga cinerama na yan na may title na wholesome.
    😀

    • hello, bagotilyo,

      manila, as a city, is really interesting. bukod sa matao at marumi, isa itong lugar na may history, ‘ika nga… ah, oo, masarap magtatawid sa connecting tubes ng LRT2 and MRT, MRT and LRT1 and LRT1 and LRT2. pag sinamahan mo pa ng jeepney rides, haha, tyak na bagsak ka sa pagod sa gabi, haha.^^

      okey yong daklot ‘no? kung di lang ako may pupuntahan no’n, hehe… ano kaya kung balikan ko ‘yong cinema, wholesome pa rin kaya ang palabas? haha.🙂

  2. Unting lakad na lang at mararating na ang hulmahan ng mga pangarap.. Hindi yung mga libro diyan sa tabi-tabi na sinasabi ko ah.. kundi yung mga pagawaan ng mga pangarap.. pagawaan ng diploma, TOR at trophy. Kung wala kang maipagyayabang sa bahay niyo ay pwedeng bumili ang kahit sino ng trophy o ng diploma na pwedeng ipaskil sa Salas para maipagmalaki sa bisitang darating. Pwede ring ipasa sa employer basta`t wag lang pahuhuli.. Pwede ring magkaroon ng lisensya kahit hindi ka marunong mag-drive. Masarap magawi sa lugar na yan.. Isang jeep divisoria na.. Isang jeep nasa espanya ka na.. Magulo at maingay ang mga jeepney sa baba dahil na rin nakabalagbag ang mga jeep sa baba na nag-aantay ng mga pasaherong bababa galing sa 2 linya ng tren. Di ko pa nasusubukan manood sa sinehan diyan sa recto.. mukhang masaya pero mukhang may nag-aabang na bading sa loob kaya di ko na sinubukan.

    • hello, metaporista,

      nagagawi ka pala sa recto. interesting, ‘no? oks talaga yang pagawaan ng diploma, lisensya at iba pang dokumento sa recto. pati thesis, hehe… actually, may nagawa na ako dating mahabang essay about recto, the diploma mill. isasali ko sana sa isang patimpalak kaya lang, 10 pages ang required habang eight lang ang inabot ng nagawa ko.
      balak kong mag-post uli about recto pag nai-feature ko na ang iba pang parts ng Maynila. sa susunod, may talakayan na ukol sa hulmahan kamong ‘yan ng pangarap, haha.^^

      try mong manood minsan, pero dapat may kasama ka para walang lalapit sa ‘yo, haha… eight years ago pa ako nanood, pero sa cinema sa quiapo, with my brother. double picture ang palabas – sira ang mga upuan, kaduda-duda ang mga tao at malagkit ang sahig, haha. it’ll be an interesting experience if you do watch in those theaters, one of these days…🙂 regards!

    • haha! hindi. hindi pa ako nakakanood do’n. pero balak ko, minsan. sama ka kaya? ^^

      hwag kang mambabasag ng ulo, ha? maynila ‘yon, kiko – maraming mas halang ang bituka, tandaan mo.*wink* haha, how are you, kritiko?🙂

  3. minsan lang akong makadaan ng avenida pero kung sa Recto medyo gamay ko yan especially noong college. pero yung tinutukoy kong Recto ay yung mula sa kanto ng Legarda hanggang Isetann. hehehe (hindi kasi ako gaanong gala)

    pero siguro gaya mo iba ang pakiramdam ko pag nasa mga lugar na ‘yan. sige nandooon na yung matao at mausok pero iba pa rin, may something na kumukurot sa iyong puso at kokote. hindi ko na naabutan alin man sa mga sinehan na tinutukoy mo siguro nga dahil malapit naman sa amin ang Ever Recto. hehehe

    • hello, hoshi,

      bandang morayta ka nag-aral? hmmn… alam ko ang stretch na tinukoy mo, girl. yes, tama ka about the usok. ba’t nga kaya ang usok dyan sa legarda area? teka, hindi na Ever ang Ever Recto, ni-renovate na at ibang mall na ang pangalan… :c

      ahaha, yong sabi mong kurot, wari ko ay ‘yong character ng lugar – busy, colorful and madungis, haha. seedy, ‘ika nga… ^^ kumusta ka.🙂

  4. noong wala pang LRT sa lugar na yan ay mas maayos siya.. medyo dumilim kase ng matayo ang LRT..

    pag medyo ginabi ka dyan sa kanto ng Rizal ave at Recto.. at nag-aabang ka ng sasakyan at lalake ka.. me mga lalapit sa yo.. ang ibubulong.. ‘short-time’.. at kung anu-ano pa.
    bagamat nasa lugar ako ng FEU/Morayta kada sabado, matagal na ng huli ako mapasyal sa kanto na iyon.

    • hello, uli, tsinelas,

      ah, oo. dumilim nga ng magka-LRT sa area. dati, against din ako sa train line na above ground. feeling ko, sinira ang landscape ng lugar. parang monstrosity ang dating sa akin noon, haha. katagalan, nasanay na rin ako kasi, madalas na rin akong sumakay sa tren. tapos, sabi, hindi raw kaya dito sa mga kalsada natin ang ground level na tren (parang sa US and Europe) – sisikip ang traffic at mahihirapan sa maintenance and sanitation. nga naman… ^^

      teka, ano’ng sagot nyo sa bulong? haha, biro lang po. nag-aaral kayo o nagtuturo sa FEU?🙂

  5. Kahit kelan, hindi pa ako nakasakay sa LRT. 2x na kami nag- vacation dyan pero hindi ako nakasakay, pero nakasakay ako ng jeep, bus, at tricycle.My cousin picked me up from our house in Paranaque, and we rode all sorts of vehicles going to UP, his school. he also let me eat street food ( fish balls ). Yum, yum. I bought 6… kulang sa akin ang one stick.

    • hello, ren,

      thanks for dropping by and leaving a comment…

      pag nauwi ka uli sa pilipinas, sakay ka minsan sa LRT. okey din, mas mabilis sa dyip, haha. at gumala ka na pala sa UP. naku, staple food ng mga taga-peyups ang fishball, turon at ang monay na may palamang keso, tinda ni manang sa may FC building, haha.

      sa may film center at sa UP Theater, ipinasyal ka rin ng cousin mo? medyo maganda sa gawing ‘yon… cheers to you!🙂

  6. Grabe. Namimiss ko tuloy ang LRT 2 rides ko. Yung tipong nakakatulog ako pauwi tapos gigisingin na lang ako ng guwardiya sa Santolan. Haha! 4 years din akong nag-aral sa Maynila. Kaso hindi ako dun nag-aral sa “Recto University”. Yung university na wala pang one hour, may diploma ka na. Hahaha!

    Panalo yang Holywood Theater. Matatawa ka na lang sa mga title ng pelikulang pinapalabas nila dyan.

    • hello, allen,

      ahaha… oo, ah? masarap sumakay sa lrt2. haha, hindi ko pa naman nagagawang matulog do’n, masubukan nga… usually kasi, nanonood ako ng mga bahay, bubong at lumang buildings pag nasa lrt2 ako… saka namamahinga, tumutunganga. ^^

      hala, mukhang seedy talaga ang holywood theater, haha. hmmn, parang paulit-ulit ang palabas nila ro’n. mas interesting ang moviehouse na nagpalabas ng daklot. hahanap ako ng makakasama, makapasok nga ro’n bago ibahin ang building, ahaha. regards!🙂

  7. Pingback: Hello world! Kumusta kayo? | sasaliwngawit

  8. Pingback: sa mga panahong naiinip ang puso… | sasaliwngawit

  9. Delightful post .Philippines is one country l love to visit in the future.Thank you for liking my recent post ( Authentic Responsibility.Blessings and regards.jalal

  10. Sa may Morayta din ako nag-aral ng college hehe (mahuhulaan mo na kung saan…). Pakiramdam ko, sa Maynila ko na-develop ang allergic rhinitis ko. Anyway, pinaka-ayaw kong sakyan eh ang MRT. Okay lang ang LRT, pero literal na sarsa nalang ang kulang, sardinas na kayo sa MRT. Hehe.

    Gusto ko din pumasok sa teatro sa Avenida, kaso nakakatakot ang mga tao doon. One time gagawa sana kami ng film docu about Bomba films at gusto sana namin mga shoot duon pero basta, mismong yung nagbibigay ng ticket ay nakakatakot. Haha. Minsan nga ang pamagat ng palabas dun ay Talong at Kangkong. Well…bright metaphors.

    Namimiss ko na ang Maynila. Hindi na kasi ako nakakapunta doon dahil busy ba. Kahit pa marumi at mausok, napaka-nostalgic ng pakiramdam. Lalo na ang Divisoria. Haaay. Makabuluhan ang paglalakbay mo! Haha.

    • hello, doklita… ahaha, sa morayta, kung saan pag naglakad ka e, maipapalit sa iba ang iyong mukha? hehe, sana mukhang mas sexy at mas maganda, hihihi. hala, ayaw ko dati sa pareho – lrt and mrt. nitong mga huling taon, nasanay na rin. naaliw na ring nagsasakay, as in…🙂

      ahaha, i guess that’s what i like about avenida-recto. makakita ka ng lahat ng klase, shapes and amoy ng tao – may kamukha ni frankenstein, may kamukha ni morticia addams, may kamukha ni edward scissorhands at may kamukha ni wengweng, hihihi. characters ang lugar at mga tao, patatawarin – very interesting…

      ay, me trivia me sa iyo. ang guy na nagsulat ng movie na Talong is an WP blogger – si jerry gracio. literary wari siyang tao at sa kanyang blog sya nagtataka o nagla-lament (ahihi) ba’t mula sa mga tula at prose nyang malalalim, Seiko films bold movies ang karamihan sa kanyang naisulat. ayon…🙂

      mausok sa may Legarda masyado, hihi. at ang ganda na ng Divisoria, kapatid. marami nang strips don na sosyal, medyo namangha me, ahaha. salamat sa comment at sa follow. balik ka…🙂

  11. Pingback: Buhay nga naman… | sasaliwngawit

  12. Pingback: Ang lugar sa panulat | sasaliwngawit

  13. Maganda. Nakakatakot ngunit iyan ang katotohanan. Kagaya rin ng ibang mga lugar. Mata-o at mata-e sa maraming kalsada. Nanakawan na ako sa Kalye Recto. Muntik nang mabiktima ng isang babae na nagbebenta ng laman sa Kalye Rizal (Sabi ng isang mang-uulat: nasa Avenida Rizal Avenue ako ngayon! naku po, Avenida is Spanish for Avenue. Subukan mong tanungin ang isang tsuper kung saan ang Avenida Taft o Avenida Epifanio de los Reyes). Kung sinehan ang pag-uusapan, ang Isetann cinemas ay pupwede na po kasi mas mahal ang mas kilala. Kakaiba ang “Manila.” Napakasikat na pangalan. Lahat ng mga lugar sa Metro Manila at Luzon “sakop” nito. Hahaha. Pinakamalaki na yata ito sa buong mundo. Sabi ng isang taga-Marawi: Nasa Manila si kuya. Tanong ng kausap niya: Saan sa Manila? Sagot naman ni Ginoong Marawi: Sa Bacoor (Cavite). O, diba? Sakop ng Maynila ang Bacoor. Pati na rin ang Batanes. hehehe. Mahal ko po ang aking Maynila.

  14. Pingback: sa mga ka-blogs na nang-ookray… | doon po sa amin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s