mahahabang maiikling kwento

 

Sa ganyan siya nakilala, sa kanyang mahahabang maiikling kwentong nakakapukaw, set sa isang county sa Southern Ontario. Si Alice Munro ang aking tinutukoy, Canadian short story writer, itinanghal na Nobel Prize Winner for Literature, 2013.  Ahaha, sobrang tuwa ko nang unang mabasa ang balita. As in, feeling ko, kapamilya ko ang nanalo, hihi. Hindi naman niya ako kilala, ahihi… Isa lamang ako sa daang libo niyang tagahanga. Kung kilala ko sya? Konting-konti siguro, sa kanyang mga panulat… ^^

 

Image of Nobel Prize for Literature 2013 winner, Alice Munro

Si Alice Munro, isang magaling at bihasang kwentista/ http://www.npr.org

May pagka-pribado syang tao. Iyan din ang sabi tungkol sa kanya ng mga nailathalang features at panayam. Isa raw si Alice Munro sa relatively famous authors na sobrang maingat sa pribadong buhay, iwas sadya sa limelight. May asawa siya at tatlong anak (apat, pero namatay ang isa). Katagalan, naghiwalay sila at muling nag-asawa si Ms. Munro. Napakadalang niyang magpa-interview at sinisikap nya, walang camerang nagbabantay sa kanyang mga kilos. Mayroon nga pala siyang bookstore na ilang dekada na at andyan pa rin, ahaha. Marami na si Alice Munrong napanalunang writing awards at pinakasikat yata siyang contemporary writer sa Canada nitong huling dalawang dekada…

 

Ang swerte ko, ang una kong nabasa sa mga akda niya, ang una rin niyang aklat na nalimbag, Dance of the Happy Shades, collection of short stories. Ang ganda no’n! I mean, seriously, nabasa ko rin ang mga sumunod niyang likha. Hindi pa lahat, pero karamihan… Para sa akin, pinakamaganda ang una niyang libro – isa sa mga nabasang di ko malilimutan. Wow na panulat, as in, wow… Hindi ako sing-smitten sa mga sumunod nyang likha, for some reason. Pero, ang gagaling din, andoon pa rin ang kakaibang touch niya bilang author. Na para sa akin, parang walang katulad. May mga kahawig marahil, pero walang katulad, ahaha.

Maiiksing kwento ang sinusulat ni Alice Munro, iyon ang distinct sa panulat nya. Puro short stories, ahaha. Nakaka-curious – bakit maiiksing kwento lang, walang nobela?  Marami na rin ang nagtanong. Hindi ko maalaala ang sagot, sa totoo lang… Pero, dati, sabi-sabi, ang isang libro nya, nobela. Bilang fan, excited akong makahanap ng kopya… Tapos, tapos, noong makakita na at makabili, binasa ko agad, ahihi. Aba, wari ko,  di pa rin iyon nobela. Short story pa rin, mahaba nga lang, kaysa sa mga dati nyang naisulat, ahihi…  Yon, sabi sa mga nabasa ko later, erroneous PR lang daw ang balita. Short story collection pa rin ang nasabing aklat. Ang saya…🙂

 

Ang husay-husay sa paglalarawan ng panulat ni Alice Munro. Halimbawa, sa kwento nya, ang setting ay sa bakuran ng bahay, ikukwento nya, ano ang mayroon sa yard – mga halaman, damo, sampayan, mga ipit ng damit, bangkong lumang-luma na, mga nakatambak na gulong sa sulok, scarf na naiwan sa may hagdanan at paano ang slant ng araw, ahaha. Tapos, ang galing din ng pag-ugnay niya ng slant ng araw sa expression ng mukha ng character sa kwento, paano nag-react ang bida sa pagkakita, halimbawa, sa mga gulong na nasa sulok. O, di kaya, sa lumang bangko. O, sa mga ipit sa sampayan, ahaha. Gaano man kaliit ang detalye, may connect sa istorya, ganoon siya magsulat…

 

Sabi ni Ms. Munro, si Eudora Welty raw ang author na nag-impluwensya ng mahigpit sa kanyang panulat. Regional writer si Welty, American, awarded ng Pulitzer Prize, nabuhay at nagsulat two decades earlier kay Munro. Southern rich ang pamilya ni Eudora Welty. School teacher ang ina niya, tulad rin ng school teacher ang Nanay ni Ms. Munro… Noong nakabasa na ako ng apat yata sa books ni Alice Munro, na-curious na ako sa buhay ko, haha, nagbasa na ako ng works ni Eudora Welty. Mahusay si Ms. Welty, astute magsulat… Pero, mas nagagalingan ako kay Munro, ahihi. Ang style ng idol ni Alice, parang photographic ang panulat, parang snapshots ang kanyang mga kwento sa mga nobela nya. Sa totoong buhay, journalist at photography enthusiast si Welty at mahusay siya sa kanyang larangan.

Pero para sa akin, mas may kurot ang mga kwento ni Ms. Munro at mas rounded yata? Ewan ko lang kung dahil Nanay si Alice at si Eudora ay single, ahaha. Pero, for some reason, parang matitigas ang istorya at pati ang point of view ni Ms. Welty? O, di kaya, dahil upper middle class si Welty, habang rural poor naman ang background ni Munro, farm girl na naging middle class suburban wife? Ahaha, hindi ko lang alam… May hawig, kahit paano, ang point of view and treatment ni Welty sa kanyang mga nobela sa panulat ni Virginia Woolf, isa pang astute na babaeng author at aristocratic din or well-off ang background. Hindi ko sadya alam, sa pakiwari ko lang…

 

Ang isa pang natatangi sa panulat ni Alice Munro, ang mga kwento nya ay umiikot sa isang dekada lamang, dekada kung kailan siya ay teenager sa farm na kanyang nilakihan. Sa isang interview, tinanong na siya tungkol dito, bakit… Sabi niya, iyon daw period na iyon ang kaya niyang i-illustrate ng may katarungan at iyon din ang malapit sa kanyang isip at pakiramdam. Ayon, ang characters sa kanyang mga akda, nabuhay at pumalaot sa iisang panahon, ahaha. Pero, pag binasa nyo, modern and contemporary na rin ang dating ng mga akda nya, marami na rin ang aspetong makabago… Iyon lang, may mga kwento pa siya sa pag-i-skin ng hayop – hanapbuhay ng ama niya noon sa rural Canada.

 

Hindi ko lang alam kung nasa lugar akong magsabi, pero ang author na nakikita kong malapit o hawig kay Alice Munro ang mga likha, sa women writers, si Grace Paley. May pagkakapareho ang ilang gawa nila, lalo sa pagkapa sa pakiramdam ng tao – kung ano ang nangyayari sa loob ng pagkatao ng tao, habang ganito o ganyan naman ang kanyang ikinikilos o sinasabi sa labas o sa publiko. Pero si Grace Paley, American modern writer (pumanaw kai-kailan lang), mahusay at nakilala sa iba’t ibang anyo ng panulat – nobela, maikling kwento at mga tula. Si Munro, pirming maikling kwento lang ang anyong ginamit at nakasanayan. Realism ang genre ni Paley, hindi malinaw kung realism rin bang matatawag ang mga sulatin ni Alice Munro. Parang hindi…

Mas sharp din yata ang mga likha ni Grace Paley, lalo pa at lantad siyang feminist. May panahon din, naging bahagi siya ng kilusang sosyalista. Walang markadong political involvement si Alice Munro, sa kabilang banda. Hindi ko alam kung may sinalihan o pinanigan siyang kilusan o samahan at kung may itinaguyod siyang pampulitikang paniniwala. Parang wala… In this sense, kakaiba si Ms. Munro. Karamihan sa mga manunulat na gumawa ng pangalan at nag-iwan ng marka sa panitikan, in one way or another, nakisali at nakialam sa panlipunang issues. Na, sa isang banda, nakatulong para ma-formulate ang kanilang mga paniniwala sa buhay, siya nilang ibinahagi sa publikong mambabasa.

 

Hindi ko masabi kung writer for writing’s sake ang liga ni Alice Munro. O, kung importante pa bang ilagay siya sa isang kahon o kategorya… May mga manunulat at kritikong nagkukumpara sa kanya kay Anton Chekhov, Russian author. Si Ginoong Chekhov, prolific writer at kilala sa istilong napakahusay sa pag-recreate ng mood at atmosphere sa kwento. Playwright, novelist at short story writer siya at isang medical doctor… Sabi ng mga kilala ring Canadian writers, si Alice Munro raw is the Canadian Chekhov. Parang ganoon nga ang kanyang panulat – kaya niyang dalahin ang mambabasa sa isang malayong panahon at ipanood at ipadama sa kanila ang mga pangyayari – parang andyan lang, nangyayari sa harapan.

Sabi ng mga pumili sa kanya para sa Nobel Prize, master of fiction daw si Ms. Alice Munro. Parang angkop na angkop ang paglalarawan sa kanya. Sa mga akda niya, makikita mo ang layers ng human interaction, ang daming ambiguities at very complex ang portrayal niya sa human nature. Iyong parang indirectly, sinasabi niya – hindi tayo pwedeng magkahon? Marami sa mga bida sa kanyang mga kwento ay babae at iyon din ang napapansin ng marami sa kanyang mga likha – very nuanced at may depth daw ang kanyang pagbibigay-hugis sa katauhan ng babae – ang babaeng napakaraming roles sa buhay. Sa maiikling kwento niya, hahanapin mo palagi at aabangan ang revelation, ang realization at ang irony, feature parati ng mahuhusay na short stories.

 

Para sa akin, writer’s writer si Alice Munro… Hala pa, basahin nyo works nya.🙂😉

 

15 thoughts on “mahahabang maiikling kwento

      • wow, speaking of books na ididispose…aba nung Friday may booksale dito…lahat ng mga books eh worth 5 to 20 dirhams lang….andami puro fiction nga lang hahaha..nakabili ako ng tatlo ahaha…at yung isa 18th Century English lit…haha nagfeeling….mukang gusto kong mamili ng mga books na ibebenta mo ate…

      • ahaha, namili sya. ako rin, pag me pera, shopping galore ng books. kaya yon dumaraming parang gremlins, di naman mabasa, hihi.

        btw, basahin mo yang 18th century lit na ‘yan, dear. period of enlightenment ba laman – mga Voltaire? haha, goodluck. interesting din, pag nakaka-concentrate ka.

        sige, parine ka. 50 to 70 pesos lang… idi-dispose ko kasi pag ulanan pala, nada-dampen ang white paper. i need a new house, hehe, to store books.😉

  1. harhar, compilation sya at Gulliver’s Travel lang ang pamilyar sa pandinig ko dito hahaha….eto’t kasali sila Jonathan Swift, John Gay, Alexander Pope, at marami pang * hindi ko naman talaga kilala huhuhu* pero babasahin ko sya….kasi madaming tula at maiikling kwento haha

    hihihi, patayo ka na lang ng library Ate San hihihihi

    • oy, magaling si Jonathan Swift – astute thinker… kung may essays sya sa book, may i suggest you read them, ahaha. wala pa akong nababasang works ni John Gay, naririnig ko lang, hihi. si Alexander Pope is one of the giants din yata sa Lit., na-come across ko na but am not quite familiar with his body of works. pero, magaling daw, sabi…🙂 yes, read the compilation, dear…

      ahihi. meron na kami dati, maraming laman, galing sa booksale mostly, ahaha. pero, na-Ondoy…🙂

  2. Tama ba San? Ilang beses din siya nag-attempt sumulat ng nobela pero di ata niya magawa. Parang ang forte daw niya talaga ay short stories. Di niya magawang i-istrech na pang nobela. Gusto ko nga makabasa ng sample ng story nya e. Nabasa ko lang siya sa news.

    • true. short story ang form na na-master ni Alice Munro in more than six decades of writing. pero, very prolific sya, ang dami ng laman ng body of works. dedicated talaga sya sa craft, that kind…🙂

      ay, hanap ka ng copy ng Dance of the Happy Shades (nako, mamahal siguro ngayon, haha). mapapahanga ka, mai-insecure at mai-inspire. you’d know that writing is really a lot of work, haha. as if naman, di mo pa alam…😉 hello, Biatch, kaway-kaway…

    • salamat po, ay, sige, di mo pagsisihan, June. ahaha, kulang na lang, tumalon ako sa tuwa when i learned about the news na naka-Nobel na sya, finally. in her 80s na sya, e… btw, nabanggit ko na sya dati, sa dpsa page at sa isang post sa english site. fan talaga me ng panulat nya, hoho. ^^

      happy weekend sa iyo. will await your new post.🙂

  3. Napanood ko yan sa balita, at ang ligaya ng mga Canadian nung nalaman nilang napasali na si Munro sa Nobel Prize. Pero wala pa akong nababasang akda niya, una ko din ngang babasahin ang Dance of the Happy Shades. Yung bunso kong kapatid, binabasa nila sa English class nila si Alice Munro. *wala lang. Ang tagal ko ngang nawala october pa pala to haha.

    • ahaha, oo, kasaya-saya talaga ‘yong balita, as in… Canadians should be proud, true. Alice Munro is one of the most prolific authors, kapatid. ang tagal din, bago sya napansin ng mundo.

      ay, basahin mo. hiramin mo books ni kapatid, hakhak… umpisahan mo na, dali🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s