Ang lugar sa panulat

 

Hello, ka-blogs… Ang tagal na, di ko pa natutupad ang pangakong magsulat uli tungkol sa isang mataong lugar sa Kamaynilaan. Ahaha, kalye ng Nakpil sa Maynila o, Cubao sa Quezon City, senga? Ayan ata ang nabanggit ko sa inyo dati, inaambisyon ko, whehe. Pasensya na, wala pa – di ko pa naiintindi…πŸ™‚

 

Image of Mabini street in Manila

Nais nating dalhin ang mambabasa sa isang lugar, sa isang panahon at ipadama sa kanila ang ating naramdaman/ http://www.aladdin.st

Ang huli pa, yong Sa Mabini Tayo Pumadpad, sa Maynila rin… Hindi nag-click ‘yaong post sa ka-blogs, hihi. Intense yata ang naging dating sa readers? Pero, sadyang gano’n ang itsura ng Mabini noon, ganoon ang ambiance… Maraming mga sundalo roong puti, andoon pag off duty. Actually, after ko iyon i-publish, nakabasa ng ilang blogs ng mga puting madalas doon noong araw. Nahiya naman ako, ang mild ng kwento ko, hahaha. Mas makukulay ang sa kanila, di nga… Iba ang description nila — lugar daw iyon kung saan nila hinuhubad ang restraint, sabihin pa…

 

Bago iyon, naunang naisulat at nailathala angΒ Ibang Silip sa Sta. Mesa. Maraming salamat sa mga kapatid na matyagang nagbasa ng may kahabaang o istorya, haha.πŸ™‚ Ang background story ng post, inilagay ko na pala mismo sa loob ng akda… Mas nauna pa roon, ang kwentong Recto at Avenida. Ang Recto, malapit sa loob ng blogger dito, true. Dyaan ako unang dinala ng ate ko pagtutuntong ng Maynila, yihee! Oo, nasa elementary pa me noon at nanood kami ro’n ng sine… Wow experience na ‘yon sa akin, that time, hihi. Ang sine? Zapped, si Ralph Macchio ang bida. Aysows, tanda pa talaga…πŸ˜‰

Ang Avenida, malapit din sa akin…Β May dalawang ate (ibang mga ate), salesgirls sila noon ng pantalon sa Uniwide Carriedo, along Rizal Avenue. Ayon, madalas ako noong gumawi sa Avenida… Pinupuntahan ko sila, after class o basta bakante. Parang namamasyal na rin, nag-iikot sa department store, nagtitingin-tingin. Minsan, hinihintay ko sila, sabay-sabay na pag-uwi. Bonding na namin ‘yon… Working students sila – wala kaming gaanong pagkakataong magkita at mag-usap. Bale, si young sister nila ay naglilikot – habang sila, naglilista ng imbentaryo.πŸ˜‰

 

Hindi ko alam kung ilang porsyento ng sarili ang interesadong balikan yaong mga lumang panulukanΒ sa Maynila – mga landas na tinahak ng pares ng paang gala, noong unang tatlong taon sa Kamaynilaan… Ilang porsyento ang napukaw dahil sa kwentuhan namin ng isang ka-blog sa email, tungkol sa mga eksenang unang bumungad sa paningin, pagtuntong sa sentrong lungsod ng bansa… Ilang bahagi ang galing sa curiosity, ilan ang dala ng nostalgia para sa isang luma ngunit pamilyar na lugar at, ilang bahagi ang nangungulit lang, naghahanap ng updates? Hindi ko alam…

 

Image of a creek in a small, distant village

Ang lumang sarili ay bumabalik sa isang lugar, dala ay bago na nga bang pagtanaw?/ enchantedinkpot.livejournal.com

 

Medyo matagal ang the making ng nasabing lathalain… Tatlong beses kong dinalaw ang nasabing avenues para sa sanaysay. Pag sa kasalukuyan titingnan, parang ang weird… Maluho at makain sa oras ang bumalik sa isang lumang lunan – para tahiin muli sa alaala ang dati pang panahon at pangyayari – para ikumpara sa anong meron sa ngayon. Ang unang punta, sinadya talaga, haha. Ang ikalawa at ang huli – galing sa ibang lugar, hindi dapat doon mismo dumaan… Pero suminsay nga at nagmasid – sa magka-krus na panulukan – dinama ang paligid, minasdan ang mga tao roon at kinapa ang sariling pakiramdam.

Isa roon, galing ako sa probinsya. Pagdaan sa lugar, umupo sa Little Hollywood restaurant at um-order ang inyong lingkod ng kape. Hindi lang dahil sa mahilig sa kape, haha, pero kailangan ko ng masusulatan, hihi. So, nagkape nga, kahit kainitan – para maka-avail ng table tissue o napkin, susulatan ng observations. Whehe, aliw na buhay ng isang aspiring writer… So, ayon, sa magaspang na tissue ng kainan naisulat ang notes para sa Sa May Kanto ng Avenida at Recto, ahaha. Classic? Mahigit dalawang linggo sa bag ang kumpol ng papel, dala ko yata maski saan. Kainaman na…

 

Image of a painting of a frontyard of a house

Ang istorya ay maaring mangyari at umikot sa isang tagong pook, sa isang munting sulok/ howtoplanwriteanddevelopabook.blogspot.com

Pag tayo ay lumilikha o nagsusulat ng sentimyento natin para sa isang pook, alin-alin ang isinasali, inaalis at iniiwan? Β Sabi, mas impressions na lang ang practical na itala at ihayag sa ngayon..Β Capture the scene in that one moment, we are in a constant flow. Sabagay, mahigit 20 taon na rin… May masasabi pa kayang bago, may maidadagdag pa sa mga naihayag at naitala na ng iba, may bagong liwanag pang magpapakita muli sa nasabing lunan? Ang lugar ay minsan pang silipin, masdan, i-appreciate at damhing may pagkukuro… Paano magka-ugnay ang lugar at ang nagsusulat – napadaan lang, sadya dating pinupuntahan o naligaw lang? Paano ipapaabot sa mambabasa ng isang nagsusulat o lumilikha ang damdamin niya para sa isang lugar?

 

Sa nakaraang post, naikwento ko si Eudora Welty, tanyag na regional writer na tumanggap ng Pulitzer Prize. Kilala siya sa husay niyang maglarawan ng lugar sa panulat. Sabi niya, kung wala raw lugar sa sulatin, walang kwento… Ang galing niya sa pagbibigay-buhay sa lunan ang pinilit gayahin o higitan pa, ng manunulat na si Alice Munro. Kakaibang mag-render ng isang pook sa panulat si Munro, tila bawat isang sulok doon ay iniilawan… Ang kapansin-pansin, matingkad ang elemento ng panahon sa kanyang writings – time element. Habang binabasa, mararamdamang ang characters ay nanghihinayang, nagugulat o, nagmamadali, para habulin – ang sandali – lipas na o papadating pa lamang?

Matingkad rin sa sulatin ng iba pang mga manunulat ang lugar sa kwento – ang setting… Nakilala ang mga panulat ni Miss Read sa Inglatera dahil sa kanyang fictional village – ang Thrush Green. Sa America, napamahal naman sa laksang tao sa maraming dekada ang manunulat at radio talent na si Garrison KeillorΒ dahil sa kanyang fictional suburban community – ang Lake Wobegon. Tinanghal sa buong mundo ang galing ng panulat ni John SteinbeckΒ dahil sa kanyang fictional na pamayanan – ang Salinas Valley. Sa kanilang mga sulatin, binuhay ng mga may-akda ang mga pangyayari at tauhan – sa isang tiyak na setting – pinuntahan, ginalugad at tinuklas din sa imahinasyon ng milyong mambabasang napukaw.

 

Image of a painting of an old kingdom in a distant place

Noong unang panahon, sa isang malayong kaharian…./ englit-debs.blogspot.com

 

Kung ilang ilang dekada na ang layo natin sa mga nabanggit na authors. Isandaan hanggang 150 ang nakakaraan, popular ang nobela bilang anyo ng panulat at babasahin. Sa ngayon, mas coffee table books na … Kadalasan, binabasa na lang sila mula sa Kindle o sa tablet, tinitingnan na lang sa gitna ng paghihintay — sa meeting, sa sasakyan o sa in-order na inumin at pagkain. Mas maiksi at papalit-palit na rin daw ang attention ng mga nagbabasa, sabi… Bilang mga taga-kwento at tagagawa ng istorya, mahalaga pa ba sa atin ngayon ang lugar sa panulat? Paano natin iyon ipanapaloob sa entries – kuhang larawan man, tula o sanaysay – taglay ang mga payak nating iniisip at pakiramdam, pagkukuro at kapirasong pagkamalikhain? Paano natin hinahabi ang kamunting kwento, magpapasabi sa titingin o babasa, “Ay, gusto ko ryan. May naalala ako bigla…”πŸ˜‰

 

18 thoughts on “Ang lugar sa panulat

  1. Isang marka ng pagiging mahusay na manunulat ang pagbabahagi ng pinangyarihan ng istorya sa detalyado at buhay na pamamaraan. Pangkaraniwan ito sa mga Classic na babasahin Ate San ngunit sa mga contemporary writings parang unti unti na itong nawawala. Dahil kaya ito sa pag-usbong ng mga teknolohiyang mas hitik sa visual content gaya ng telebisyon at iba pa, kaya parang nawawalan na ng gana ang mga mambabasa at manunulat para gumugol ng panahon para wariin ang mga lugar sa panulat? Parang mas binibigyang diin ang ‘pace’ ng plot kaysa sa setting. Pansin ko lang naman.πŸ™‚

    Gayunpaman, importante talaga gaya ng sabi mo ang magandang pagsasalaysay upang madala ang mga mambabasa sa panahon at lugar kung saan makakatulong sa pag-set ng mood na maaring makapagbigay ng nostalgia, or interest sa mga hindi pamilyar sa lugar. Isa rin itong paraan na makakapag-intensify or solemnize ng scene. Kelangan ko na talagang mabasa ang mga sulating mga nabanggit mo Ate San at nang maging familiar ako at maalalahanan ng importansiya at techniques sa mas mahusay na pagsalaysay ng lugar or pinangyarihan.πŸ™‚

    Thanks sa pagshare Ate San!πŸ˜‰

    • hello, June… oo, nga. sa classic writings nga pala ang ganoon. ahaha, di ko naisip till now. salamat for pointing that out. tama ka about mas focused sa visual content and pacing ng plot ang mas nauuso in the last decades. oo nga, no? pero, dati pang ganyan sa comics (na in English, haha), mostly na rin ba ng books na naka-mainstream ganyan na rin? oo nga, makes sense. mabilisan na kasi ang buhay ng karamihan, luxury na yata talaga ang makapagbasa leisurely and makapag-ponder-ponder sa buhay-buhay, ahaha. what do you think, kapatid?

      gusto ko ang sabi mo about a good description of the place helps sets the mood and atmosphere of the story. saka yong intensifying and solemnizing the scene. ahaha, gusto ko ang comment mo. mapag-isip kang tao, kapatid. salamat, i now have something to ponder upon. yon lang, mamalantsa pa me at magliligpit, hakhak. thanks for your thought out kuru-kuro. ‘py Sunday!πŸ™‚

      • Agree ako Ate San, luxury na ang makapagbasa leisurely sa dami ng ginagawa at sa mabilisan na pamumuhay. Ngayon din kasi marami na ang pagpipilian para sa pastime, di gaya noon na halos pagbabasa or paglalaro/pagliliwaliw lang ang pagpipilian. Mahilig na rin tayo sa instant ngayon. Instant coffee instant noodles, fb at twitter hehe ang layo ng range ng mga examples. Kaya sa fictional na babasahin, mas prefer ko ang short stories kasi may instant gratification. Quickie lang ang peg hihihi.
        As much as possible binabasa ko lahat mula sa nobela, comics at kahit na textbook para mas wide ang scope ng pinagkukuhanan ng ideya.πŸ™‚
        Happy Special Holiday Ate San.

      • haha, true. parang lahat sa ngayon, minamadali – pipindutin na lang lahat, may card na halos lahat, isu-swipe na lang… yon din marahil ang dahilan ba’t parang luho na ang magbasa, lalo pa pag mahahaba. para nga pating ang daming kaagaw ng gool old reading habit, ahaha.

        maski ako, bibihira na nakakabasa ng dyaryo, maski nasa harapan ko na. sa Yahoo News ko na rin nasasagap ang marami sa balita, shaks lang…

        ahaha, tama lang siguro ang short stories na binabasa, sa age mo. and, novel- novel pag may time, ahihi.

        yong mga gaya naming archaic pa, mas sa libro talaga sanay, haha. basta, read as much and as often…

        ikaw rin, hope you’ve had a fun and restful day, JuneπŸ™‚

  2. Actually maganda na ang Mabini area ngayon unlike during those days when it was still a red district. Maganda rin San sa Binondo, maraming masarap na Chinese restaurant (just don’t mind the kitchen area). Diretso mo na rin sa Divisoria lalo na ngayong magpapasko. Ay, pag malapit na ang Pasko lagi kong naaalala ang Avenida. Dati kasi noong maliliit pa kami doon kami pinapasyal nina dadita at mamita para ipamili ng pamasko. Meron kasi dating Uniwide Sales dun diba?

    • hello, Iska… ahaha, oo nga. out of business na ang marami sa mga patay-sinding establishments. marami na ring bagong itinatayong buildings… ahaha, boto ako sa Binondo, kapatid. at talagang tumuloy na sya sa Divi, ikaw na…πŸ˜‰

      ahaha, inabot nya rin ang Uniwide Sales sa Carriedo, aliw… true, do’n saleslady ang mga ate namin, haha. nawala na Uniwide, e. yon ang nauna bago ang Makro-Makro and S & R, haha.πŸ™‚

    • hello, Myr… eto, sulat sulat pag may time, hihi. mabuti po, salamat. ikaw, sana ikaw ay nasa maigi. hindi ako maka-comment sa napoles post mo, hirap me gumawa ng opinyon, ahaha. binasa ko na rin yong about freddie aguilar. wala rin me na comment, hihi, pasensya na po.πŸ™‚

      kakaiba talaga ang dimension? compliment ba ‘yon, kapatid? ahaha. warm regards, ha…πŸ™‚

      • mabuti naman ako. medyo madalang sa patak ng ulan makapagsulat..lam mo na abala ako sa pagpapagandang lalaki. ayus lang kung di ka makapagcomento sa ngyon alam kong busy ka rin sa pag momodeling..in time makikita ko rin un opinyon mo kapag nagkapanahon ka…enjoy po sa araw ng mga patay..;-)

      • ay, glad to hear you’re okay, kapatid. at hindi ka rin vain, hano? haha. hala, modeling, ah? sa lahat ng propesyon, Myr, di me uubra dyan, pramis. wa poise ang lola mo, muntangang maglakad at magdala ng sarili. ang kulit mo, magsulat ka pa rin, ba’t ba?

        ayos naman holiday, umuwi kami ng probinsya. maulan din doon, saka madilim. kababalik lang namin. kayo ba, di na nauwi sa Quezon?πŸ™‚

  3. Six days na pala itong nakapost, haha hindi ko napansin masyadong madaming pinagkakaabalahan, madaming gustong gawin pero wala naman oras sabi nga – so many things, so little timeπŸ™‚

    Malaking bentahe ‘yung mahusay kang maglarawan ng lugar sa iyong pagsusulat kasi mas lumalawak ang imahinasyon ng mambabasa ‘yung visualization towards the description of the place, isa sa sign na effective kang writer kasama na rin diyan yung pagdescribe mo sa character and its traits. Wow, nakakabilib ‘yung mga taong may ganitong talento ako kasi ang alam ko lang sumulat ng kung anong maiisip ko, walang pakialam kung hindi maganda pero siyempre kailangan eventually maimprove ang craft (kung craft ngang maitatawag yung pinaggagagawa ko).
    Masarap mangarap na sana maging mahusay na writer/storyteller pero recently narealized ko hindi lahat ng tao may sariling galing sa pagsusulat na kahit anong gawin mo hindi natural ang flow ng ideas, may mga tao talagang blessed na magkaroon ng talent sa writing at oo, hindi ako kasama dun, haha.

    ‘Yung mga places na binabanggit mo sa entry hehe, pamilyar ako diyan at lahat ng establishment at moviehouse along the sta. Cruz, binondo, recto at quiapo area ay nawitness ko ang prime at unti-unti nilang pagsara. Naalala ko yung movie na Ghost, two months yatang ishinowing sa Vinta theater, haha tagal na nun. Meron pang liveband dati sa ilalim ng uniwide, patok pa yung mga department store doon na plaza fair, isetann at sm carriedo ngayon hindi na gaano at sarado na pala yung plaza fair.

    Nakakatuwa rin na sa panahon ngayon marami pa rin ang nagbabasa ng novel at books na tipong dekada na ay hindi ko pa kayang tapusin, nagbabasa rin naman ako ng libro pero ‘yung maninipis lang at siyempre tagalog, haha ayoko magbasa ng english novel na mayat maya naman ay nakatingin sa dictionary. Pag meron lang interesting na basahin or nirecommend ng katulad mo, ‘yun dun pa lang makucurios na basahin ang article or writings ng author.

    Ayan napahaba na naman ang komento ko parang isang blog entry na naman.
    Anyways, gandang araw ate san and happy long weekend! Enjoy the day.πŸ™‚

    • hello, Limarx… musta? umuwi ba kayo (may inuuwian ba kayong mas probinsya pa sa Bulacan? haha) nitong long holiday, kapatid? kami, we did. maulan din doon. sabagay, usually maputik sa sementeryo pag Nov. 2 na, haha.

      ei, di na ako makapunta sa account mo. thru google na raw. thing is, di ko na maalala ang google account ko (hihi) at kung nakapag-set up nga ba ako no’n noong araw. shaks na yan… di muna kita mabibisita, paano ba ‘yan? :c

      ay, kainaman, alam nya pa lahat – uniwide, isetann at pati plaza fair, hahaha. ikaw na… e, yong original sm sa sm carriedo, alam mo? hahaha. oy, ikaw kaya gawa ng mas comprehensive na post about avenida, isama mo na ang sta. cruz church, pati mga kainan at yong bilog doon? dali!πŸ˜‰

      on the other hand, kapatid, sa writings mo, napi-picture ko ang mga silid at kalyeng ikinukwento mo. mahusay ka nga sa ganoon… siguro, yong mas specific na paglalarawan ng isang avenue or village ang di mo pa nasusubukan. but you can always try, if i might say. ahaha…

      when you’ve more time, you can always read more, tagalog novels man or in English. madadagdagan nito parati ang iyong kaalaman, perspective at pati vocabularies. saka mapapayaman nito somehow ang pag-appreciate mo sa buhay ng iba, kultura, atbp. at magri-reflect sa iyong panulat. ang husay mo na but there’s still always room to improve, ika nga, ahaha.

      do read the works of the authors above, lalo na sina Munro, Keillor and Steinbeck (medyo heavy si Steinbeck). mapapahanga ka sa kanila at mababano, hihi.

      sana ikaw ay naka-rest, kapatid. salamat sa mahabang comment. have a good week.πŸ™‚

  4. Hi ate!

    Sa akin, hirap ako magkuwento sa personal e so mahirap din ako magkuwento ng detalye tungkol sa isang lugar parang puro highlights kagad ang bubungaran ko. yung bakit maganda run, ano mapapala run at kung ano ang kasaysayan dun. pero yung tipong ano yung ambiance,yung feel, yung aura- hirap ako dun.

    tama rin yung talagang umiikli na yung oras na magbasa. personally medyo ganun ako pero once na may time at talagang ginahan ako sa kwento gorah.

    mabuhay sa iyong panulat!

    • hello, hoshi… ahaha, ako rin, hirap magkwento ng personal sa harapan. pero dito sa blog, feel kong magku-kwento, hihi. oo nga, no? medyo gano’n ka nga magkwento, papunta agad sa highlights. but then, tanda ko, naibigan ko ang wentong abroad mo, sa Korea ba ‘yon? natuwa ako ro’n, pinuntahan nyo pa ang coffee house kung saan sila nag-shoot ng soap – ang cool.

      oo, kokonti na nga ata…. maski sa gaya ko, adik dati sa pagbabasa, nahihirapan na rin lately. parang lahat ang bilis na? ahaha. kumusta ka, kapatid? hope you are fine. salamat sa pagdaan, ha.πŸ™‚ mabuhay rin ang iyong panulat! magsulat lang lagi…

  5. ATE, silipin mo ito. http://palaisip.blogspot.ca/2010/02/manila-most-beautiful-city-in-asia.html Ang ganda ng Maynila noon, sana naabutan ko na ganyan kalinis ang Maynila. Hehe. Naku dahil puro graphic novels ang binabasa ko ngayon, parang ang focus ay ang lugar. Pinapansin hindi lang yung lugar mismo, pati yung mga details sa paligid tulad ng mga suot ng mga tao sa lugar na yon. Kung anong klaseng antas ng tao ang palaging dumadaan, atbp. Pero kung sa blog ko, parang minsan lang ako magdetail sa isang lugar hahahaha.

    Nakakatuwa yung naghanap ka talaga ng coffee shop para lang maisulat mo yung nassa isip mo, kasi baka mawala. Hahahaha. Minsan ganyan din ako sa loob ng bus, may naiisip akong mga phrases tapos naghahalungkat sa bag kung may papel maski sa likod ng resibo.

    • hello, batopik. i just did make silip to that post – Manila in the 50s and 60s. true, Manila was a haven, back then… sabi, nang mga panahong iyon, Philippines was next to Japan in terms of prosperity and advancement in Asia. something must have happened, bakit na-arrest or na-discontinue ang development natin, hoho.

      btw, may ka-blog na nag-send sa’kin ng link to those pics (Milwaukee collection of Old Manila) before… looking closely, those shots are similar to how Rockwell and certain parts of Alabang appear these days. i mean, the commercial hubs of the richest in the country usually look prim and proper – pwedeng ipagmalaki. pag pumunta ka ngayon sa Rockwell, parang gano’n din – maayos lahat, walang manholes na unsightly and well-dressed ang mga tao, haha…

      i suppose, selective pics sila, showcasing the best places in the city, hoho. the beautiful coexist side by side with the ugly, mas iyon usual sa citification process… ahaha, napapansin ko rin ang suot ng mga tao sa lugar, usually, kainaman na … one time, pumunta ako sa town ng boss ko (remote) ta’s tinanong ko sya, ba’t 70s pa bihis ng mga tao, hakhak. sabi nya, ang sama ko raw.

      sa napkin ng restau or sa resibo, pwede ro’ng magsulat pareho, hakhak…πŸ˜‰ kaway-kaway…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s