Pagpapanday ng Katotohanan

 

image of a man smithing steel

Gaano kainit ang temperatura?/ mashpedia.com

Paano pinapanday ang katotohanan? Isinasalang sa apoy? Gaano kainit ang temperatura? Ilang beses minamaso, hinahampas, pinapalo? Paano ito binibigyang-hugis? May hulmahan ba? Paano ang hakbang-hakbang na proseso?

Anu-ano ang kailangan sa pagpapanday – institusyon, mga tao, mga kagamitan? Sinu-sino ang maaaring magpanday – ikaw, ako o tayo bang lahat? O, ilan lamang? Silang mga bihasa at marurunong? Para saan pala ang pagpapanday – para sa isang tao lamang, para sa iilan o para sa madla?

At pagkatapos, ang pinanday na katotohanan ba ay ipagagamit, pagmamasdan lamang o ilalagay muna sa isang tabi? Gaano katagal ang buhay ng pinanday na katotohanan? Lumilipas din ba ito, naluluma, napapanis? O, pinagsasawaan lamang?

Saan galing ang katotohanang iyong inilalako? Iyan ba’y gawa sa silong ng bahay o binili rin sa pamilihan? Ibinebenta mo ng tingi o ng maramihan?

Kung magandang klase iyang iyong iniaalok, ako ay bibili.

 

image of a peddler

Sari-sari ang katotohanang inilalako sa ngayon/ nso.wikipedia.org

 

18 thoughts on “Pagpapanday ng Katotohanan

      • hello, lolo,

        ah, oo nga po. nakasilip na ho ako sa bahay nyo.^^ ayos rin naman po ang valentines ko, namin. had to rest after an out of town trip. salamat for asking.

        ingat ho kayo dyaan. tail pa rin ho ba ng winter?πŸ™‚

      • Wow okay yun…out of town…bakasyon grande…parang summer na yata.

        Ahh ang sabi ng mga tao dito ay parang pumasok ng maaga ang spring…nagtampo na daw ang winter. Yung mga may business na umaasa sa pag-ulan ng yelo ay di kontento.

        Isang holiday sa Monday dito, President’s Day. Kaya ayun takbuhan sa mayelong lugar ang mga tao…may yelo naman naman kahit konti…kami sa bahay lang.

        MUsta rin.

      • a, di naman po grande, konting gala lang. ^^ hala, lolo, maganda raw ang spring. pero sabi ng ibang bloggers sa ibang states, mayelo pa. ang daming posts tungkol sa last hurrah ng winter, haha. kayo na ang homebody.cheers!:)

  1. sa aking pananaw, ang katotohanan ay hinde kailanman pinapanday, ito’y kusang lumalabas, lumilitaw.. ika nga nila “the truth always prevail”..

    p.s. isang bagay na maaring pandayin – ito marahil ay “kasinungalingan”.

    • hello, 25cupnoodles,

      baka depende rin sa pakahulugan natin ng salitang pagpapanday. maari kasing ang isang pakahulugan ay ang paggamit ng pwersa at pagma-manipula sa isang bagay o konsepto into a desired output. maari rin namang ang pakahulugan ay you work on something systematically halimbawa, education, business, relationships, justice, etc.

      kung sweeping nating sasabihing kusa lamang lalabas lagi ang totoo, disin sana’y walang nang activities na consciously ginagawa tulad halimbawa ng pagkakaroon ng hearing at imbestigasyon para mapalabas ang maysala sa paghahanap ng hustisya. mahirap ding hintayin na lang na mangumpisal ang nagkasala, sa tingin ko… ^^

      i suppose truths are not easily arrived at, much less agreed upon. each person works and struggles to attain them, and those who have more at stake, work harder at attaining or subverting them.

      may ilang universal truths na tinatawag gaya ng paniniwalang kasalanan o immoral ang pumatay. ayon sa wari ko… salamat sa pagdaan at sa iyong comment. πŸ™‚

  2. Pingback: Parang kailan lang | sasaliwngawit

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s