Sa Mabini Tayo Pumadpad

image of establishments in Burgost Street in Makati City

Bago pa itong Burgos Street, ilang dekada munang sa Mabini St. makikita ang ganitong tanawin/ burgosstreet.net

 

Lungga ng mga Magdalena, lugar ng mga kalapating mabababa ang lipad – iyan ang reputasyon ng kalye ng Mabini sa lungsod ng Maynila sa matagal na panahon. Marami-raming taon din akong naging saksi ng pamamayagpag ng Mabini bilang sentrong aliwan o red light district sa Kamaynilaan. Seedy, sleazy and dirty, ilan sa mga salitang madalas gamitin ng marami para ilarawan ang nasabing lunan.

 

Bagong salta ako noon sa malaking lungsod at hindi ko pa alam kung ano ang ibig sabihin ng red light district. Sabagay, ano ba ang alam ng isang probinsyanang bagong salta sa mga ganoon kung lalabing-anim na taong gulang  pa lang? Practically, wala… Anyway, ang Mabini ay sakop ng Ermita. Ang Ermita district sa kabuuan ang may kwestyunableng reputasyon na kung ilang dekada nang nakadikit, kung tutuusin. Hindi nga ba at may joke at kabastusang nakadikit sa kalye ng Adriatico, dating kilala bilang Dakota? Ayon, sa Mabini lang ang lundo, ang sentro ng business sa Ermita, kumbaga.

 

map of Burgos street  in Makati City

Malapit sa Makati Avenue ang Burgos Street sa Makati/ moonlighthotel.com.ph

Kung nadadaan kayo sa Burgos Street sa Makati, medyo parang ganoon ang itsura ng Mabini noon. Except mas de-klase, mas malinis at mas tamed ang Burgos kaysa sa Mabini. Mas maiksing strech din ito kung ikukumpara at mas contained, ‘ika nga ang business. Mas regulated sa Burgos, sa isang banda.

Pero, marami silang pagkakahawig. Maraming kumukutitap na malalanding ilaw, hili-hilera ang mga inuman at may sangkaterbang dayuhan o foreigners na naglipana sa kalsada – out to have a good time. With drinks and women, of course. Ganoon ang eksenang matatagpuan sa parteng iyon ng Maynila, late 80s hanggang sa late 90s yata.

 

Mahaba-haba ang street ng Mabini bilang isa sa mga kalyeng parallel ang takbo sa kahabaan ng Roxas Boulevard. Nag-uumpisa ito sa may intersection ng T.M. Kalaw hanggang doon na sa may Remedios Circle sa Malate. Isa itong panulukang binubuo ng mahabang serye ng bars, lounges at mga kainan. May mga hotel din at motels, pension houses at convenience stores.

 

image of Burgos Street in Makati City

Makulay, puno ng ilaw at aliw ang  karaniwang matatagpuan/ flickr.com

Pag andoon ka, mapapansin mong neon lights ang kadalasang panulat ng pangalan ng establishments. Tapos, ang mga ilaw sa loob, iyong dimmed na tinatawag. Sa labas, may podium kung saan nakapwesto ang ushers cum bouncers. Sa paligid nitong podium tumatambay ang mga babaeng taga-aliw pag wala pang gaanong customers. Doon din nagtatanong ang mga parokyano saka, nakikisindi ng yosi.

 

Sa lugar na iyon, nangingibabaw ang kulay na pula – pula ang marami sa mga patay-sinding ilaw, pula ang maiiksing palda ng mga kababaihan at pula rin ang kanilang mga lipstick. Karamihan sa mga taga-aliw o guest relations officer (GROs) ay pitis ang mga suot, mapang-akit kundiman mahalay, ang mga gayak at, naka-kolerete ang kanilang mga mukha. Scantily dressed, fully made up at handang rumampa, ‘ika nga.

Pag hindi sanay ang napadaan, maninibago siya, malamang. Ang lugar ay tila isang jungle na para ring entablado na para rin namang karnibal.  Makulay iyon, maingay at matao. Sa loob ng bars, karaniwan ay puno ng mga nag-iinuman, nagkakantahan at naghuhuntahan. Sa second floors ng mga gusali, madalas ay mayroong loge o mga kwartong may cubicles. Maraming mga dayuhan – mga Puti, mga Negro at may ilang mga Asyano – Hapones, ganyan. Gumigimik sila, handang gumastos para maaliw. Sa Mabini.

Pag nagawi ka noon sa lugar pag bandang hapon, makikita mong busy ang pawnshops, money exchangers at mga meryendahan. Sa mga bars, masisilip mo ang mga lalaking nagpapatas o nagpapasok ng beers at softdrinks, may mga nagba-vacuum ng tiles at may mga babaeng nagtutupi ng table napkins. May mga gumagala na ring mga bugaw o pimps sa oras na iyon, nagtitingin-tingin ng prospective customers at may mangilan-ngilang Puting umiinom sa mga patio. Ang iba naman, gumagala sa mga tindahan ng antiques at paintings, marami rin nyan sa area.

 

image of Ermita by daytime, snapshot taken in 1988

Sa gabi ang saya sa bandang Ermita. Sa hapon, nilalamnan pa lang ang bituka, nililinis ang mga suka/ http://dickheadley.blogspot.com/2005/02/ermita.html

 

Doon sa kalye ng Padre Faura, malapit na malapit sa  kahabaan ng Mabini, may bookstore doon – La Solidaridad ang pangalan. Pag-aari raw iyon ng manunulat na si F. Sionil Jose. Oo, siya iyong sumulat ng The Pretender at ng My Brother, My Executioner. Maliit lang ang bookstore na iyon. Natatandaan kong ang baba ng kisame roon at ang stocks ng libro, nasa isang parang loft na masasagi na halos ng ulo mo pag ika’y sa loob nagtitingin-tingin. Madalas ako noong gumawi sa La Solidaridad.  Pero, isang beses lang yata akong nakabili, haha. Magaganda ang titles at marami roong Filipiniana publications pero ayon, medyo mahal…

Ilang hakbang mula sa La Solidaridad, Mabini Street na. Makakakita ka na ng mga batang babaeng edad 12 to 15, malalaswa ang pananamit, inaakbayan o hawak sa puwit habang naglalakad ng mga higanteng Puti. Minsan, isang foreigner, apat na batang babae ang kasama. Lalo na pag gumabi, on na ang night life ng lugar – dumadagundong ang tunog ng speakers. Full tilt ang happenings, eksenang red district talaga.

 

Mabini, at least labinlimang taon ang nakakaraan…

 

34 thoughts on “Sa Mabini Tayo Pumadpad

    • Hello! Thank you for reading, BSB. Oh, my friends and I used to go to Ermita for years (they studied or worked in the area) as I’ve been passing through Burgos St. for the last two years. Btw, your site curiously, has an article about the said hotel.^^ Actually, I don’t know where it is exactly, it’s just that that map happens to be the best of Burgos via Google. ^_^

  1. ito ang babaybayin ko after holyweek para maghanap ng agency na mapagaapplyan.

    pero mukang mas ok kung gabi ako pumunta no?

    ano sa tingin mo?

    hahahaha

    kamusta ka na?

    Cheers🙂

  2. hihi, wala kang kupas, bagotilyo. puro kakulitan ang naiisip mo, lagi…🙂

    btw, medyo dead na ang bukas-sinding industriya sa mabini and ermita area these days. sa bandang burgos ka na gumawi para dyan sa happenings na hanap mo. ^^ saka, hindi kailangan ng resume sa mga ganyan, ahaha.

    mabuti naman, salamat. ikaw ba? ^^ cheers din!🙂

    • Hello, singkamas. Ang saya at nakabalik ka na!🙂 Oo, punta ka roon, mula sa building ng Supreme Court, pwede mo nang lakarin, dire-diretso lang at makikita mo na ang La Solidaridad. Salamat sa pagdaan at magandang weekend sa ‘yo, hugs!🙂

  3. aaminin ko dahil sa reputasyon na yan, may pag-aalinlangan ako sa isang kumpanya na dyan naka-locate. maliban pa sa malayo talaga ako sa lugar na yan.

    pero sana bago na talaga. ito naman ay impresyon lang dahil sa mga kwento-kwento.

    • ahaha, di ko lang alam, hoshi… kung mga manpower agencies, marami na talaga dyan sa ermita area, dati pa. mas marami naman yata ang legit kaysa sa hindi, ahaha. ^^

      hindi ko sure kung nagbago na. pero di na kasing-sigla ng dati ang red light business dyaan, lumipat na ang mga ‘yon sa ibang lugar. sa burgos nga sa makati ang isa, hehe.🙂

    • hello, haribon! kapatid, late ka ata sa balita, ahaha. ah, humina kasi, nawala ang u.s. bases, yon ang isa. tapos, dahil sa politics, ipinasara dati ng mayor ng lungsod, ayon… ^^

      sa makati ang burgos, malapit sa makati avenue. ipagtanong mo lang, ahaha. cheers!🙂

  4. Hi, there !

    I really don’t understand, starting from the title of your post. ! ! ~.^

    First, Mabini is a street, and it’s the red light district ? We did drive by that place on the way home Mall of Asia. It was nightime, and there were indeed ladies at the entrance of each bar/.watering hole, and they were young ! I was able to take a good look coz there was traffic, lol. Interesting.

    • hello, renx!

      una muna, there is this famous song by Freddie Aguilar, Magdalena. It’s about a fallen woman. The chorus goes like, “Kaya ika’y namasukan, doon sa Mabini napadpad. Mula noo’y binansagan, kalapating mababa ang lipad.” Napadpad ako rito is like saying, the wind brought me here. ayon…

      secondly, the band, Eraserheads, also sang a song about young love that was never meant to be, El Bimbo. it’s about a pretty girl who taught a young boy to dance (and to love). but the girl’s fate took her to Manila where she ended up in a bar’s kitchen. it goes like, “Tagahugas ka raw ng pinggan sa may Ermita…”

      yes, Ermita as a whole and Mabini in particular are both interesting places. the red light district is Ermita, Mabini St. is where the bulk of the business happens. sa pagkaalam ko…ahaha, talagang nanood ka pagdaan nyo roon. hmn, anu-ano pang nakita mo? hihi…regards lagi, 🙂

  5. Hi there again !

    I’m leaving in a few minutes for school. I ‘m passing by coz I saw your link in my stats. I’m buried with school work, but I try to read up everyday when I can.

    Cheers, Ate !

    Hey, maybe I’m going back to the Philippines for my Nursing course ( maybe ) . It’s so expensive here, about $ 20,000 a school year, I think. We definitely cannot afford it, and I don’t want to be saddled with student loans . Or, maybe I’ll go there to become an idol, ha ha ha. Anne Curtis look alike daw whoever she is…… but, I don’t know how to sing ! LOL

    • Hello, Renx,

      Natutuwa ako every time you drop by. Salamat.🙂

      Talaga, magna-Nursing ka? Mas maigi yata, kung uuwi ka na rin lang dito para mag-aral, Med na. Marami na masyadong Nurses na Pilipino, hehe. ^^

      Si Anne Curtis is an Australian-Filipina celebrity. Maganda sya although am not sure kung hawig kayo, magkaiba yata…^^ She can act but, she can’t carry a tune. Anyway, she recorded an album😦 ^^

      Good luck with your studies. Chill and cheers lagi!🙂

  6. Ayos ito Kuwentong Maynila at Makati. Kuwentong ‘patay-sindi’ ika nga sa madaling salita.

    Sa totoo lang eh kuwento rin lang ang experience ko sa Mabini. Medyo pang foreigner kasi noong araw ang lugar na iyan kaya di uubra ang laman ng bulsa ko noong araw. At una ay talagang mahina ang loob kong pumasok dyan. Pang Shakey’s lang kami noong araw dyan.

    Ang Burgos St. ay ‘zero rin ako dyan’. Nakikita ko lang kapag nadaraan ang sasakyan. Very informative ang kwento mo dito…para na rin akong nakapunta.

    Sa konting kwento tungkol sa ‘patay-sindi’ ay batang QC lang po ako.

    Musta na lang po.

    • hello, lolo, glad to see you back… mabuti po ako at salamat…:)

      alam nyo ho bang andoon pa sa area ang Shakey’s na sinasabi nyo? ^^ nakita ko noong galing ako ro’n, late January. pero, generally speaking, patay na ang red light business sa lugar. andoon pa rin naman ang bars, clubs and beer gardens pero decaying na lang ang commerce or business dito. sabi ho ng manong na binilihan ko ng kape, the business has gone somewhere else daw ho, ahaha.

      ah, punta kayo sa Burgos pag-uwi nyo ho uli dito. pam-foreigner din ata ang presyo do’n pero wari ko, afford nyo na, haha.

      tungkol ho sa patay-sindi sa QC Avenue, hanyo, baka gawan ko ng post minsan. pero baka hindi about the clubs, baka tungkol do’n sa street hookers, ahaha. tingin nyo?😉

      • Ah tingin ko graduate na ako sa mga katulad ng Burgos na sinasabi mo…haha…at Pinoy pa rin po ang bulsa ko…hahaha.

        Siguro lang kampante lang ako dun sa dati kong bakuran…ang QC…at katulad noong huli kaming lumabas dyan na kasama si Salbe at Taribong…yung beer at pipe-in music lang at open pa ang place(parang nasa garden lang…kaya nga beer garden…walang mga ibon…hehe).

        Sa totoo lang zero din ako sa mga kwentong ‘pick-up’ sa QC av. Nakikita ko rin lang sila madalas kapag ginagabi na ako ng uwi. Madalas kong nakikita sa mga documentary ng mga Pinoy TV ang mga tungkol sa ganyang mga topics…ummm nakakalungkot kasi mga bata pa ang madalas ang mga andun. Ok na topic pa rin sa blog…mula sa paningin SSA.

        O sige…salamat din sa pagbisita sa aking blog.

  7. hello, lolo,

    one’s never too old for fun, ahaha. i wasn’t suggesting hunky-punky, tambay lang sa Burgos, kayo naman… ^^

    ahaha, nakakapunta kami sa Quezon Ave. clubs dati. mga lalaki hong officemates ang kasama, dalawa lang kaming babae. masaya, as in… doon ko natutunan na ang mamahal pala ng drinks sa ganoon. tapos, may ibang establishments na mandatory ang mag-table. e, ang opismeyts ko, ayaw kunyari. sabi nila, kaya raw kami isinama, kami na ‘yon, haha. in fairness, sexy ang GROs. yon lang, pag kinausap nyo, medyo iba ang salita, street language ang gamit nila, ahaha.🙂

    ang dami hong pick-ups sa lugar na ‘yan sa gabi – lalaki at babae, as in… nakakawindang, kung iisipin…^^

  8. Helloo … kmusta ka na?
    Mayroon din sa amin yan sa Angeles Pampanga, Fields Avenue ang tawag namin.
    Lalung lalu na noong panahon ng nandun pa ang mga US bases, sandamakmak ang mga clubs. Hanggang ngayon ganun pa rin ang itsura.

    • Hello rin, Kikoman,🙂

      Mabuti naman, salamat. Sobrang init nga lang dito sa Pilipinas ngayon. Masakit sa balat ang hangin basta nasa labas, ahaha.😉

      Hala, alam nya – noon at ngayon – ang red light district. Ikaw na! Dali, gawa ka ng post about it, ang tagal mo na rin yatang walang post, kapatid… Busy ka sa Facebook? ^_^

      • ah, oo naman, disyerto dyan, kapatid… pero balita ko, mas marami ryan ang buildings, structures at bahay na aircon’d, ahaha. tipo raw na one to two hours lang in a day ang tagal na wala kayo sa malamig na lugar, haha. kumusta naman kaya ‘yon? ^^

        aantayin ko ang post mo. sobrang ganda dapat, bawi ka sa absence, lols! regards to your loved ones and kaberks…🙂

  9. Pingback: Mga kwento sa likod ng kwentong tag-araw | sasaliwngawit

  10. Napadpad nga ako sa Mabini. Bihira ako sa Kamaynilaan. Salamat na lamang at naikuwento mo ang dekada kung saan ang puti at kayumanggi ay maningning na nakasipat sa sulo ng liwanag, sa tawag ng mga laman, sa amoy ng alak at sigarilyo- sa mga laway na lumalagkit at umaamoy hanggang magdamag.

    May libro ka na bang naisapubliko? Napakahusay mong magsalansan ng mga salita, ‘yon ang totoo. Buhay na buhay ang mga sandali, ang bawat sulok, para bang pati itim ng singit o kung gaano kabusilak ang puso….gayon din kung ano ang amoy ng panis na laway at hininga naman ng sanggol ay kaya mong ilarawan sa akmang pamamaraan.

    Sa sinulat mong ito, hindi ko maiwasang ikumpara ka kay Lualhati sa libro niyang Gapo.
    🙂

  11. Hello, Kulisap. Sino ang nagagawi sa madidilim at mapang-akit na lugar? ahaha. May nabasa akong post mong ukol sa paghihintay ng pag-ibig sa ilalim ng dimmed light ng poste, hihi. Biro lang… ^^ Kailangan talaga, may laway na kasali? ahaha.😉

    Wala po, sus. Brochures, ‘yan, marami, haha. Saka newsletters and reports, hihi. May ilan na akong naisulat na piyesang lumabas bilang bahagi ng books pero portions lang, hindi buo at siyempre, sa ibang tao o sa institusyon nakapangalan. Isa pa, in English ang mga ‘yon at ibang-ibang paksa naman. Hindi literary, kumbaga. ^^

    Hetong Mabini post, more than two months itong nilimliman, kapatid. Mabilis lang noong aktwal na isinulat pero matagal ang paghehele sa ideya, ahaha. Dapat makapasa sa panlasa ng gaya mo, hehe. Tomo, ni hindi mo nga na-like? Tapos, sasabihin mong mahusay?… ^^

    Hala, ba’t may laway uli sa sumunod na paragraph? Ang hilig mo ata sa laway, malagkit man o panis – joke.😉 Ah, oo, nabasa ko ang Gapo, hawig ba? Mas tanda ko ang sinulat nyang Dekada ’70 and Bata-bata… anupaman, maraming salamat sa pag-appreciate, kapatid… Regards.🙂

  12. Pingback: Hello world! Kumusta kayo? | sasaliwngawit

  13. Pingback: sa mga panahong naiinip ang puso… | sasaliwngawit

  14. Pingback: Ang lugar sa panulat | sasaliwngawit

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s