Para saan nga ba ang isang saglit? Isang patak sa orasan, isang hagod ng pinakamaliit na kamay ng relong laging nagmamadali at tila ayaw papigil at, isang pagkakataon para ang isang nilalang ay tumungo o tumingala. O, di kaya ay magsabi ng isang salita, “Teka!” O, kaya ang isa pang pakiusap, “Sandali!” Na akala mo baga ay maaari ngang habulin o pigilan o pahabain ng isang segundo ang kung anumang nangyayari sa buhay sa oras na iyon.
Kaya nga ba? Ang alin, ang ano? Na dugtungan ang oras, ang panahon, ang mabigyan ng isa pang pagkakataon. Isang-isa lang, kaunting-kaunti lamang, kapiraso – sabi. Lumingon ka lang o huminto sa paglalakad o makinig ng bahagya. Ipaling ang ulo, masdan ang anumang idinudulog at pagkatapos ay humayo na uli sa kung saan man pupunta o patutungo para ipagpatuloy ang kung anumang ginagawa.
“Pare, sandali nga,” sabi ng isang astig na mama. “One moment, Ate,” sabi no’ng pa-cute mong ka-opisina. Tapos, noong hindi ka tumitingin man lang, kasi siya iyong ka-opisina mong lahat na lang itinanong – parang walang kibot na hindi iaasa sa iba… So, ‘yun, dinagdagan nya, “One moment, please, pretty please?” Napilitan ka na ngayong lumingon, may kasamang buntong-hininga, haha. Sabay singhal, “O, ano na naman ‘yon? Anong problema, kapatid?”
Pero, parang gano’n. May mga pagkakataong ang hirap hingiin, kailangan pang hilingin ang isang saglit ng ating pansin. At nangyayari rin naman ngang ipinagdadamot natin ‘yon. Sabi natin, baka kasi humaba o wala namang pupuntahan. Baka masayang lang. O, baka, pwede nang hindi?
“Un momento,” sabi ng mga Italyano. Ang gandang pakinggan, di ba? Pero dahil ang mga Italyano ay malalambing na tao at mabubulaklak manalita, kadalasan ay sinasabi nila iyon ng puno ng damdamin at may karugtong pa, “Un momento per favore!”Na tila kung ikaw ang sinasabihan, malamang ay mapapahinto at lilingon ka, tatanungin ang nakikiusap – ano ba ang iyong maipaglilingkod.
Sa mga Amerikano, sa mga Amerikanong mas kilala sa pagiging time-conscious, time-oriented at sabihin na natin, mas time-bound din silang mga tao, iba… Sa kanila, sasabihin nilang “Just a sec!.” O, pag mas polite, sasabihin nilang “Just a second, dear.” O, kaya, pag mas seryoso, tatanungin ka, “Excuse me, do you have a minute?” Ayon. Parang madali naman nating intindihin dahil tayong mga Pinoy, mayroon noong sinasabing relative literacy pagdating sa Inglisan. Kuha agad natin pag sinabihan tayo, “Listen to me a while, sweetheart.”
May dalawang awitin ditong nais ko sanang ipasilip sa inyo… Papakinggan sana, pagkumparahin sila at pag-ibahin din… Iyon ay kung meron kayong isang saglit? O, dalawa.. Dalawang minuto… Dalawampo – pwede… Dalawang araw? Ahaha, huwag namang gano’n… Isang pagkakataon para isa-alang-alang – ano ang nais sabihin ng dalawang kantang sumikat at humagod sa ating mga puso at isipan? Ang One Moment in Time ni Whitney Houston at ang Kahit Isang Saglit ni Martin Nievera, naririto…
Dinggin sana natin ang kanilang idinudulog. Timbangin natin – may saysay ba ang pakiusap? Para saan? 😉
*Pasensya naman, naka-sleeveless si Martin, haha. ‘Yong kanta na lang… 😉
Eww at Martin with sleeveless.
Anyway, this was a thought-provoking post. There are moments that I want to rewind sometimes, just one last chance, like you mentioned in the post. But I suppose that will throw everything off balance: life, relationships, past, present, etc. Knowing that we can’t have the same moment ever again is what makes time priceless.
Ugh..I really hate sleeveless on Martin.
Sorry, I had to mention my distaste twice 😉
Hello, early bird Nadia… Ditto on Martin’s penchant for showing off his biceps plus underarms, haha. I hate it when he does that and he does it quite often, naman… 😉
Anyway, his song above is really, really touching. One moment to embrace the one he loves, aha. And Martin renders the song quite well…
Well, am not exactly saying we should turn back the time… Am asking, if I may, if we can stretch it, ahaha (do you think that’s maybe a stretch?). And, if there really is one such moment that people say or believe is momentous? One moment that will tip the balance, so to speak… ^^
ahaha, generally I hate sleeveless on men… 😉
hihihi…
ako ay makikisawsaw sa “sleeveless on men”…
If he can carry it well and has the biceps to show, why not, coconut? I find it sexy…
If its like the one shown in your attached vid, if I love the man, I’d rather have him wear the sleeveless when inside my room na lang, kasi di man sya maappreciate ng iba, sa akin sya pa rin ang pinaka seksing nilalang, dahil mahal ko sya! bwahahahahah
May dalawang puntong nais bigyang pansin, sa maikling saglit nasa akin ay nakahain:
1.) “May mga pagkakataong ang hirap hingiin, kailangan pang hilingin ang isang saglit ng ating pansin. At nangyayari rin naman ngang ipinagdadamot natin ‘yon. Sabi natin, baka kasi humaba o wala namang pupuntahan.”
Minsan ito ay may katotohanan… di tayo masyadong senstibo sa “hiling” ng ibang tao… Para sa kanila, ang saglit na pansin ay napakahalaga, minsan katumbas na ng kabuuan ng buhay nila… Tayo ay minsang bingi at bulag dahil may ibang hinahanap… o may ibang nakakatawag ng pansin…
Ngunit minsan, sa paglalaro ng tadhana, nababaligtad ang panahon at pagkakataon, tayo naman ang humihiling…”isang saglit”, kaunting panahon… minsan, nakakalumbay kasi di makamtan, dahil ating dahilan, dahilan na rin ng hinihilingan….
2.) “One moment in time”
Each day I live
I want to be
A day to give
The best of me
I’m only one
But not alone
My finest day
Is yet unknown
I broke my heart
Fought every gain
To taste the sweet
I face the pain
I rise and fall
Yet through it all
This much remains
I want one moment in time
When I’m more than I thought I could be
When all of my dreams are a heartbeat away
And the answers are all up to me
Give me one moment in time
When I’m racing with destiny
Then in that one moment of time
I will feel
I will feel eternity
I’ve lived to be
The very best
I want it all
No time for less
I’ve laid the plans
Now lay the chance
Here in my hands
Give me one moment in time
When I’m more than I thought I could be
When all of my dreams are a heartbeat away
And the answers are all up to me
Give me one moment in time
When I’m racing with destiny
Then in that one moment of time
I will feel
I will feel eternity
You’re a winner for a lifetime
If you seize that one moment in time
Make it shine
Give me one moment in time
When I’m more than I thought I could be
When all of my dreams are a heartbeat away
And the answers are all up to me
Give me one moment in time
When I’m racing with destiny
Then in that one moment of time
I will be
I will be
I will be free
I will be
I will be free
The song says it all…. its a summary… its a reminder…its something we have to base our lives on…
(nyaaaa ang haba, sorry saliw ha?)
hello, chilled honey… ahaha, pag sando sa lalaking may biceps, okey lang. kahit hindi masyadong ala mark nelson, haha. 😉
oo, minsan tayo ang di nagbibigay ng isang mahalagang sandali, for some reason. tapos, nangyayari rin naman sa ating tayo ang napagkakaitan noon. bakit nga ba? hmnn… ^^
salamat sa pag provide ng lyrics ng awit ni whitney houston, kapatid. ang awit na gustong lumipad patungo sa kalayaan… 😉
Hmmmm, actually… tulad ng aking sinabi sa pahina ni kaibigang kayedee, medyo nadala na rin sa mga ala mark nelson hihihi… yako na…kanila na lang… dami kaagaw… tapos nanghihingi ka ng atensyon (ooppppss!), samantalang nung sinusuyo ka, ihihahandog sa iyo ang langit at lupa… kalaunan burak pala ang dala… hahahhaha
Anyway, hiway, bythe way,
“minsan tayo ang di nagbibigay ng isang mahalagang sandali, for some reason. tapos, nangyayari rin naman sa ating tayo ang napagkakaitan noon. bakit nga ba? hmnn… ^^”
kasi hindi natin nakikita ang kahalagahan ng isang taong nagbibigay pansin sa atin na nagdarasal na ating pansinin rin kung siya ay nariyan pa… minsan, kalungkutan, ito ay ating napapagtanto na siya lang pala ang kayang magbigay ng pansin na nais mo, dahil ang kanyang kaligayahan ay kayang isantabi maging maligaya ka lamang….
Ang awit ni whitney ay hit na hit sa voice, sa melody at sa mensahe…napakaganda… pagpapalaya sa dikta ng society, pagpapalaya sa dikta ng ibang tao, pagbibigay halaga sa sariling naiisin na siyang dikta ng sariling puso at isipan …. SIGH
ahaha, may isang aleng napaso na sa mga wapong athletic, naman…aliw ang tungkol sa handog handog. sounds like spoken from experience, kainaman…^^
oo, ba’t nga may gano’n sa loob natin? na ‘yong mas nag-i-effort para mapansin natin, hindi natin masyadong napapahalagahan kung minsan. tapos, pag na-reverse na ang sitwasyon, yong tayo ang nasa receiving end (asking end pala), sumasaklap ang pakiramdam natin, akala mo di natin nagawang mang-isnab o mang-ignore, hala lang…
ang awit ni whitney, pang-winner, theme song ng olympic. “one moment in time when i’m more than i thought i could be…” ayon… “when the answers are all up to me.” 😉
nakita ko ngang naaliw ka sa handog -handog sa aking pahina hihihi
hmmmmm
minsan kung hindi magkaroon tamang panahon at pagkakataon, ang pagtipa ang nagbibigay ng layang nais makamtan… tulad nga ng awit ni whitney (Each day I live, I want to be) hihihi
Ay tunay ka, minsan ang mga wapo ay parang may isa pang mahal ng sobra higit sa lahat… ang sarili lang nila… kasi for them since they have the looks, you can be replaced anytime… (bitter pala? hahahahah) … Tapos ang di maganda, dahil ibinasura ka (whew! ibinasura talaga eh no?)… ang self esteem mo, ayuuuuuuuunnnnnn, nahulog, nadurog, nawala……ang ending, tinging mo sa sarili, ugly duckling, kahit namannnnnnn, ikaw ay prinsesang kayganda dun sa taong sa iyo ay humahanga pero di mo pinapansin….
isa pang gusto kong awitin ay ung waka waka… heheheh… ganda ni shakira, ganda ng kanta, ganda ng message at higit sa lahat, ganda kantahin sa videoke! wagi!
You’re a good soldier
Choosing your battles
Pick yourself up
And dust yourself off
And back in the saddle
You’re on the frontline
Everyone’s watching
You know it’s serious
We’re getting closer
This isnt over
The pressure is on
You feel it
But you’ve got it all
Believe it
When you fall get up
Oh oh…
And if you fall get up
Oh oh…
Tsamina mina
Zangalewa
Cuz this is Africa
Tsamina mina eh eh
Waka Waka eh eh
Tsamina mina zangalewa
Anawa aa
This time for Africa
Listen to your god
This is our motto
Your time to shine
Dont wait in line
Y vamos por Todo
People are raising
Their Expectations
Go on and feed them
This is your moment
No hesitations
Today’s your day
I feel it
You paved the way
Believe it
If you get down
Get up Oh oh…
When you get down
Get up eh eh…
Tsamina mina zangalewa
Anawa aa
This time for Africa
Tsamina mina eh eh
Waka Waka eh eh
Tsamina mina zangalewa
Anawa aa
Tsamina mina eh eh
Waka Waka eh eh
Tsamina mina zangalewa
This time for Africa
ah, yes, dear, writing is surely one of the ways to be free, tunay ka… 😉
oo, ba’t nga, karamihan sa mga gwapo ay insecure at ang mahal ay ang sarili, haha. and yes, i agree with you na sa karamihan ng relasyon that don’t work out, pakiramdam sa sarili ay kinawawang matindi, haha. sa grounds pupulutin ang self-esteem, kainaman. hahaha pati. 😉
hah, gusto ko rin si shakira. at gusto ko sya sa mtv ng waka waka, cool na cool… 😉 teka, parang taga lyrics dot com ka, di kaya? ahaha. hello, honey girl! ^_^
Writing frees the spirit that has been shutdown from the world because of standards and expectations that are not in his/her person…
In the real world, ang pagpapakawala ng sari saring emosyon ay magpapataas ng maraming makakapal na kilay sa ating paligid…
Maaring sila ay sumang-ayon, maaring hindi… pero ang reality, we cant please everyone and people have different personal standards and perspectives… Ang ganitong pagpapakawala ng mga kaisipan ay maaring hindi maunawaan, maari ding mahusgahan…
(especially when you have to present yourself as someone who has to conform to the dictates of the position so as to maintain control and authority)
Pero ako, hihihi, nilink ko silang lahat sa FB ko. Katwiran ko, what you see is what you get. If you judge me by my cover, bahala ka, but let my inner person make you understand the different colors that I wear…
Transparency. Its a risk. Pero what the heck…I think we were not born to this earth to please anybody else, only God…
hihihi
Sorry, Taglish! Mas mabuti na yan kesa Ilong-Log…Ilonggong-Tagalog, mas magulo hihihi
Oo, chilled honey, tama ka sa sinabi mo. May pagka-alternate universe nga ang pagsusulat. Dapat nga siguro, I took up blogging more seriously earlier. Late ko na rin napagdiskitahan, haha.
Haha, alam ng mga kasamahan mo ang blog mo? Ang lakas ng loob mo talaga, nakakabilib, as in… Mahirap maging trasparent, yes, kasi magkakaiba ng background, practices, values atbp.
At may blessing baga ng langit ang pagpapakatotoo ni kapatid? Ahaha. Is that another word for bahala na ang itaas kung may masagi ka sa katapatan mo sa ‘yong blog writing? 😉
At least makikita ko ang mga tunay na kaibigang tatanggapin ka kung ano ka, lukaret ka man o kagalang galang…
Malakas lang ang loob ko dahil noon pa man ako naman ay transparent, bago ang WP, sa FB. Sa aking karanasan, sa FB, dahil nga may mukha at at may galaw, ang mga taong tunay na may pagpapahalaga… nananatili sa “active” friends list mo. Ung mga nariyan lang for other purposes, especially ung mga naghahangad lang ng pakinabang, unti unting naglalaho…
Nung una, may mga pagbatikos sa aking katauhan (di maiwasan di ba)… kalaunan, nagsawa din naman sila…. di naman kasi sila ang aking kasama pagtulog at paggising sa umaga…
Alam mo bang ang present employer, FB ang ginamit para ma BI ako? Kumpleto ang talaan ng buhay ko sa FB. Isang photo blog.
Ilang libo ang nasa friendslist ko. at least, di ako nahihirapang mag sort ng long term friends at shortterm friends…
Minsan lang tayong mabubuhay, ang kalayaan ay pagpapalaya sa sarili, walang pagkukunwari…
Minsan, di lang naman wapo ang ganyan, may ugali lang talagang di marunong magpahalaga sa damdamin ng iba… iyon ang nakakalungkot di ba? Besides, at the age na tayo ay may kakayahang pumasok sa isang intimate na relasyon, may isip na tayo… despuwes… we cant bend an “old bamboo” anymore… anjan na yan sa katauhan ng tao, nasa atin na lang kung susugod pa rin tayo, kahit nakikita na natin ito… (ay teka, pag inlab pala, bulag….)
hihihi… copy-paste ang lyrics… ganda ni shakira! bet ko ang bewang na malambot kumembot!
ah, oo, napaka-spoiled kasi ng kalalakihang Pinoy, karamihan… nasanay na pinagbibigyan at nasusunod all the time sa mga bahay na nilakihan nila kaya ‘yon, marami ay feelingero, haha. pagtingin ko ‘yan, ha? ‘yon lang ang problema ro’n pag nahulog na ang loob mo, haha, good luck na lang.
ah, oo, babae nga sya sa bewang at kembot nya, haha. pero sa kin, kaya pati gusto ko sya, parang mabait? di ko lang sure kung image lang ‘yon o mabait sya talaga, bukod sa marunong mag-perform. 😉
Tama ka Saliw…
Minsan, dahil hindi nga masyadong emotional ang mga lalaki, sila ay pumapasok sa isang sitwasyong nagbibigay saya sa kanilang puso ngunit hindi kayang panghawakan ng matagal… ang ending, hindi man nila sadyain, sila ay nakakahiwa ng puso at damdamin. Minsan, nais pa ring hawakan kung ano ang nariyan ngunit medyo mahirap kung ang nasaktan ay lumuha na ng isang drum…Nalilimutan nilang ang babae, by nature, ay highly emotional, matagal mag heal.
I love shakira kasi she is a total performer. magaling, seksi at maganda pero di masagwa at bastusin.
hekasi nga, ang mga lalaking pinoy, karamihan, spoiled sa mga nanay at kapatid nila kaya mas sanay na sila ang pinagbibigyan at di masyadong ma-care sa damdamin ng mga babae. and i’m talking here about mga lalaki mismo sa clans namin, haha. one time nga, yong ate ko, narinig kong nile-lecture ‘yong isa kong kapatid na lalaki, sabi nya, “aba, mag-consider naman kayo, ang mga babae nama’y may pakiramdam din.” ayon…amen ako sa words mo for shakira. oo, di nga sya mukhang bastusin kahit nagsi-shake ang bewang nya. sa iba, di gano’n ang impression. 🙂
Tama… kaya nga ang nag-iingat sa paghandle sa aking dalawang boys…
Nais kong sa kanilang paghawak ng kanilang buhay later, hindi sila magbigay ng pasakit, tulad ng aking naranasan, sa ibat ibang pagkakataon…
Dasal na sila ay mas maging sensitive sa damdamin ng mga babae, tulad ng pag aalaga sa damdamin ng kanilang ina…
😉
. “One moment, sabi ’ng pa-cute mong ka-opisina”, hahaha…. naririnig ko ito madalas sa sekretarya, ang “one moment please/sir/mada’am”, hahaha.
hmmm, 2 na ang blog na aking nabisitang tila nagnanais na makinig sa saliw ng musika, at di lang pala pakikinig, nais ring bumirit. hahaha.
sa isang saglit,
na walang pamimilit,
wari nag-aalumpihit,
kundi mabigyan ng ‘sang saglit.
o ako’y sumaglit ha, ako muli’y napa dine, ang iyong “isang saglit” ay katumbas ng isang hagok sa aking hininga, sighhhhhhhhhhh.
wagi ang iyong pagsaglit! hihihi
sabi ko rin nga… 😉
Saliw, basta dito nagbabad, no problemo!!!!
uy, pasensya kayo, ha. two days nang panay nagda-down ang internet connection sa mga kinaroroonan ko, as in. shaks lang! 😉
unstable nga ang connections minsan at may mga lugar na dead spot, kahit anong network hihihi…
Maaring dala iyan ng sama ng panahon, na minsan ay nagdadala din ng sakit sa ulo at sipon…
at ang sama pa nito, bumbunan pag naambunan,
minsan nawawala sa ayos, nawawala sa katinuan…
(aking sarili ba ay aking pinariringgan? hahahah ayan na nga ba sinasabi ko, pag umuulan eh…)
oo, almost three days nang panay ang aberya sa connection ng internet, maski saan. may epekto pa rin nga yata ang ulan… 😉
maraming cables na down eh… malakas ang hangin…
gano’n ba? thanks for the info… 🙂 buti di ako makapasok sa line ng ISP provider at di ako naging isa sa irate costumers, haha. joke lang, bihirang-bihira akong nagiging irate sa costumer hotline… 😉
Ay ako din, sayang ang time makipagtalo… tapos sasabihin nila bago ibaba ang fone, “Thank you for calling” 🙂 e di lalong inis….
haha, actually, karamihan sa agents, mas sila ang dahilan ba’t ka magiging irate, haha. kasi, di nakikinig. minsan ang gusto mo lang namang marinig kaya ka tumatawag, i-acknowledge ang complaint mo at mag-sorry. extra na lang ‘yong kung kikilos ba sila at agad. yown ang aking palagay, haha 😉
My first job was operator at Pocketbell…
We were trained to maintain composure even nagmumura na ang client…ang extent lang ng duties and responsibilities ay magtakedown ng lahat ng sinasabi at hindi makipagtalo.
You still have to say, “Thank you, Good day”… nakarecord lahat ng calls for the supervisors to review…alang lusot
hala, am honored na maka-meet ng isang nagtrabaho sa pocketbell, galing… may pocketbell ako dati, haha. tapos nagkaroon din ng easy call. sayang, nawala na ang mga ‘yon…teka, di ba nar-es ka kamo? 😉
talaga? nag pocketbell ka din?
Oo Saliw, Nars ako. Displaced noong pahanon na iyon.
oo, yan yong device to send message, di ba ga? aliw ‘yon…parang singhaba ng sa twitter ang pwede…
btw, teaching and nurse ka pa rin?… 🙂
Yun ang time na if gusto mo ma reach agad ang gusto mong ma reach, i page mo lang…takbo sa nearest landline, send message thru operator…pedi up to three lines. at sinasala ng operator ang statements. bawal bad words.
Nurse, teaching, managing
yes, tanda ko ‘yong bawal bad words… thanks, titser na nar-es na boss manager… 😉
ay di naman manager as in manager… tama na yung nar es na lamang 🙂
sya, nar es kung nar es… 😉 happy weekend to you and your two boys. ^_^
Salamat Saliw!
Ikaw rin, enjoy your day and be blessed always!
nar es – titser honey, masipag mag-compose ng anik-anik… pedi na yown? 😉
hihihi nagtate at nagsusuka ang aking ballpen… kahit anong sitwasyon at kundisyon, napakasensitive….maipagamot nga a-re!haiiist!!!
hanla pa, sana nama’y umaayos-ayos na at maging consistent ang daan ng tinta… gawing banayad ang pagsulat para hindi maglahok, hihi. hello… 😉
Chopseuy nga ang labas nga pahina ko eh hihihi
Alang pagkakakilanlan na istilo…
Freeflow…
Aba eh hayaan na basta ang aking katinuan ay aking nahahawakan sa pagsaboy ko ng tintang iba’t ibang kulay at sa kung saan lang bahagi ng canvass maikalat…hihihi
Mukhang ang consistency ay di maachieve kaibigan… Maaring aking pahina ay ganyan lagi…
Rollercoaster ride…
At natutuwa akong minsan ay sakay kita hihihi
ayos ba? hihi
hihihi ayos na ayos…. APRUB WITHOUT THINKING!!!!
winner na winner! 😉
hello cupnoodles… ah, oo, common sa opisina ang “one moment, one moment please,” na yan. ^^
ito naman, medyo matagal ko nang ipinangako doon sa post kong Awit at Lipunan na magkakaroon pana-panahon ng post na about song interpretation. dati pang may lista ng songs na candidates, haha. okey lang ba ang style na ganito – dalawang songs na compare and contrast? ^^
aliw ‘yong sumaglit, tagalog na tagalog. pwede ring sabihing suminsay, ahaha. ba’t naman hagok, kapatid, at may kasama pang buntong-hininga? kainaman… 😉
subukan mong huminga, try mo now, o diba, iyon ang isang saglit. tama ba isang saglit = isang hagok?
Tagalog na tagalog kang magsalita, haha. Pati yong sasaglit, sa katagalugan ‘yon, as in… 😉 O, dito natin ituloy ang usapan tungkol sa time already spent or time remaining at kung masusukat nga ba ang time-time na yan, say mo? 😉
para sa aking pananaw, ang estilo ay tamang-tama / ok na ok.
Estilo ay maganda, pangkiliti sa nais magtapon ng tinta sa tanghaling makulimlim hihihi
wala ngang naglalagay ng comment, huhu. maglagay kaya kayo, kayo nina noodles, manunulat ng bayan atbp ang nakita kong gumawa ng posts about orasan, mga time-conscious kayong ale at mama, kainaman. haha 😉
hala… sa amin na lamang, ulam na hihihi… kasipag gumawa ng mga katha tungkol sa buhay at oras na hiram, paggamit ng meron at nalalabi…
hayaan mo, wari ko marami ang nagbabasa, hindi nga lang makahugot ng mga kataga at salita, hirap magbaybay ng mga talata at parirala, hindi makabuo ng pangungusap at barirala….kaya nagkasya na sa pagtunganga nang manghang mangha sa iyong panulat na may lalim at talinhaga…
Ang pagpapalitan ng tula at katwiran sa salitang Filipino ay amin nang libangan ni cup. Napakagandang wika…tumatagos sa kaisipan, tumitimo sa diwa…
AT MUKHANG MARAMING NAHAHAWA hihihi
Pahiram ng salita…. “KAINAMAN!” 🙂
oo nga, asiwa sigurong mag-comment ang mga tao. sus, pwede naman, di naman kailangang high tech ang argument o ano. di naman kailangang buo kaagad ang ideya, ang importante ay may mapagsimulan… 😉
hala, di ko word ang kainaman. kay kulisap ‘yan, sya wari ko ang nagpauso nyan dito sa WP tagalog… ^^
hihihi, may naging puna kasi ako, si kayedee din ata…
minsan nabanggit niya na ayaw nyang magcomment sa pahina ko o sa pahina ni cup dahil mahina syang gumawa ng tula…
pero kalaunan, di niya napapansin, maganda na banyuhay ng kanyang mga talata at ito ay dumuduyan na rin katulad ng isang tula… hihihi
kanya-kanyang istilo, di ba Saliw?
Istilo na nagsasalamin ng ating katauhan….
O sya, salamat JKul sa “kainaman!” hahahah
Mahirap ma charge ng plagiarism!
hihihi
ah, ay di naman talaga agad nakukuha ang paggawa ng tula, sa tingin ko, ha? medyo kailangan talaga ng practice pag tula. iba sya sa prose, e. di naman requirement sa blog comment na magtutula? sa teritoryo ni noodles uso ang gano’n, haha.;) dito, di naman… mataas masyado, pag ini-expect na mga poetic na mga tao lang ang mag-iiwan ng comments, as in… 😉 kainaman…
maari nga, kasi ang paggawa ng tula ay nangangailangan ng kakyahang magtagpi ng mga salita…
pedi namang mag comment ng jologs eh, walang required format…:)
ah, ang tula kasi, medyo nagre-require talaga no’ng tinatawag na facility sa language at saka, concentration at saka, distillation ng isip at pakiramdam, sabi… medyo parang gano’n naman nga yata… 🙂
Facility…
Concentration…
Distillation…
PERFECTLY SAID! 🙂
ang time already spent ay buong tatag kong ihahayag na sukat na sukat, pagkat ito’y aking pinagdaanan, ngunit ang time remaining iyan ay di ko maaring itakda, pagkat alam naman nating ang ating Amang Lumikha ang tunay na naka-aalam kung kelan tayo huhugutin ng ISANG SAGLIT. sigh, maari palang ihanay ang katagang isang saglit sa “pagpanaw”. hmmm, sigh. “isang saglit = dagliang pagpanaw”, naalala ko na naman si ama, “kamusta, di mo na ako dinadalaw sa panaginip”.
ayan bumati pa ako’t nanawagan, kahit isang saglit lang.
talaga naman, ikaw na ang matatas na nagsasabing time well spent ang nagdaan, kainaman. oo nga, ano, isang saglit din ang moment pag nawala na ang hininga. hala, nalungkot ka na naman… ba’t ba tayo napunta uli ro’n? 🙂
aba’y biglang naalala naman kasi. ang katagang, isang saglit.
… 🙂
ang liriko ni Martin ang nagpa-alala, mabuti na lang at walang manggas ang t-shirt nya. hahaha
haha, humirit din sa manggas ni martin. pasaway! 😉
Ah basta, make every moment count. Isang sandali man yan, gano karaming segundo o minuto, oras o araw, 🙂
Para paglipas ng panahon, pag binalik tanawan mo yung pagkakataon na ‘yon, mapapangiti ka at masasabi mong wala kang pinagsisisihan..
Miss you, Ate San 😉 Hope you’re doing good! Happy Friday night <3.
Miss you, girl. Have a restful and fun weekend with your dear ones. 😉
ako na nalula sa kwentuhan nyo ni chilled honey ahahaha..
anyways. dugyot ba pag nka sleeveless si martin ate? hehehe
minsan lng talaga kc nakakainis ung palaging nangungulit at kht sglit lng. or lalo kung bc ka. kc bwat saglit ay mahalaga, kagaya nlng ng pag naglalaro ka ng tetris s fb, wla kang krpatang kht tumingin s hrap, gilid lalo s likod mo kc mttalo ka at mwwla sa ayos ang blocks mo. kya importante kht isng segundo.. ahihih. wla lng nadamay ko lang ai tetrid 😀
haha, maiksi pa ‘yong kwentuhan namin ni chilled honey, pramis… di ba nga nar-es si ate honey mo? feeling ko, noong araw, madalas syang ma-duty sa ER. kaya hayon, developed ang pagiging efficient (peace!), nadala nya ang talent sa pagta-type, haha ^_^ tapos, makwento pa sa dilang makwento ang hinuhunta nya. ayown! ^^
hindi ko alam, actually… di lang ata talaga ako nagagandahan sa lalaking naka-sleeveless. ^^ pero si Martin, noong araw, di ko sya gusto – maarte, vain, madaldal for a guy (haha, peace po). yon lang, dumaan sa nagnonood ako ng Martin Late at Night… until nadiskubre ko na isang gabi -like ko na pala ang pagkanta nya, hihi. naintindihan ko na ba’t maraming pumipila sa concert nya, haha. ^^
ay, panalo ang tetris sample sa kahalagahan ng bawat segundo, haha. no better example, my dear. di lang segundo ang mahalaga sa tetris, pati nanosecond, pramis…imagine ang saglit na malingat? hehe …. hey, hope your Sunday’s fun, kaydee girl.:)
preho kc kau madaldal ahaha. pag nag EB tyong 3 kawawa ako cguro noh? OP ako kc d ako mkhabol sa kadaldalan nyo hahhaha
ahaha, sino’ng may sabi, kapatid? may pruweba ka? kami ni chilled honey, madaldal? naman, mga tahimik kaming tao once up close at personalan na. kaya nga dito sa blog kami tumatabil, pramis… try mo, pag nagkita-kita tayo. ikaw ang magiging bangka, as in… hellow! 😉
Pingback: Hello world! Kumusta kayo? | sasaliwngawit
Pingback: Parang kailan lang | sasaliwngawit
Pingback: Mga tinig sa panulat | sasaliwngawit