Mga tinig sa panulat

 

Hello! Dahil may category rito tungkol sa pagsusulat, paninindigan ko na, ahihi. Kunwari, may alam talaga sa larangan, tsos.๐Ÿ™‚

 

Image of Other Voices

Maaari raw magkaroon ng iba’t ibang boses sa loob ng panulat/ http://www.imro.ie

Sabi ng teachers ko ย sa English at sa Literature dati, may mga boses raw ang panulat. Weh? Pwede raw iba-ibang boses ang gamitin, pag sanay na… So, tiningnan ko ang fictions na pinagbabasa ko no’n – parang meron nga… Madalas ako noong makabasa ng writings na boses bata… Pero paano?๐Ÿ˜‰

Paiksiin natin ang kwento, hihi. Hindi ko nalaman. Yon… Hanggang sa nag-blog ang lola nyo rito… Oha, kwentong revelation, hakhak. Pramis, sa blog ko nalaman – pwede naman nga pala. Paano? Parang magpapasapi lang, hahaha. Parang magta-transform ala superhero, mag-a-assume ng ibang identity, yey! O, di ba masaya? Internalize, yon daw, sabi… Get into the mood – blah, blah… Concentrate, feel the atmosphere, get into the characters (hahaha, sinabi na rin ‘to dati sa ‘min sa workshops, ala namang nangyari). Katahimikan… Voila! May tama ka na, hakhakhak. Ang baliw lang…๐Ÿ˜‰

 

O, basta, hindi ko talaga alam paano, shaks lang. Pero dito sa masayang mundo ng blog, kung saan katakut-takot ang naaani kong pang-o-okray sa mga taong di ko naman kilala, pero feel nila kilala nila ‘ko (haha, nag-senti lang), sabi-sabi ay may mga boses na nga raw ang panulat ng lola nyo. E, di, sumaya naman ako ng slight lang, ahihi. Ang tagal ko yatang pinangarap ma-achieve yown? Antagal hinanap, andito lang pala?๐Ÿ˜‰ Ay, di ito opening line sa isang dramatic interlude. Wala lang…

Sige na nga, gan’to… Dati, ang alam ko lang boses, yong sabi nyong “parang sa libro.” ย Formal writing yata ang ibig sabihin – formal language ang karamihan sa mga salitang ginagamit sa akda at sinusunod ang rules ng grammar, ayon… Tunog business-like? Oo, ‘yong parang seryoso at hindi nagbibiro, hahaha. Isa syang textbook-like na type ng sulatin o basahin. Ano’ng trivia ko senyo? Wala lang, wala naman, hihi.

Bago nga pala nag-blog, apat na Tagalog writings lang ang naisulat ng lola nyo sa nakaraang 17 taon… isang sanaysay at tatlong talumpati. Ang sanaysay, assignment pa no’ng college. Tapos, tatlong speech sa Tagalog… Ay kasi, English halos lahat ng ipinapasulat dito sa atin, opo. Loyal tayo sa English language, ahaha… Oo, maski graduation speech dito sa atin, in English, pambihira… So, yun, walang gaanong karanasan ang lola sa pagsusulat sa Tagalog bago nag-blog. Medyo handicapped pa, pag written…๐Ÿ™‚

 

So, no’ng sabi ng ilang ka-blogs, para raw sa libro magsulat ang blogger dito, nangiti naman me. Madalas dating masabihan ng mga kapatid na nagpipilit raw sa isang endeavor na di naman alam. Oo, sabi nila, di raw ako marunong ng ating wika sa written… In fairness sa mga kapatid, mas maaalam sila lahat mag-Tagalog, kaysa sa lola nyo rito. Pag gumagawa ang lola nyo ng posts na Tagalog dati, bali-baligtad ang mga salita sa first draft, kakahiya. Matatawa kayo, pramis…

So, ‘ika nga, ako ay nag-persevere, ahaha… Nagpaka-trying hard mag-blog in Tagalog. O, bakit? Improved na ngayon, whehe. Proud me much, hala… May mga nag-iisip pa ngang bihasa ang lola nyo sa Tagalog? Ahihi, shaks lang… ย Maalam akong magsalita. OA, Tagalog kaya kami?๐Ÿ˜‰ Ayon lang, pag hindi yata gaanong napa-praktis ang wika, pumupurol ang alam sa paggamit at dumarami rin ang insecurities, hihi.ย At saka, may kaibahan wari ang conversational Tagalog sa written, lalo pa kung mag-iistrikto… ^^ Anyway, feeling ko ngayon, medyo nakakabawi na, ayiii.๐Ÿ˜‰

Anyway, “panlibro” raw ang post na Papalayo, Papalapit,ย sabi-sabi… Nakow, tatlong kilometro ang nasabing sulatin about blogging… Sa totoo lang, di ko alam paano naging ganoon ang tunog ng sanaysay. Nakasulat na ako ng marami-raming formal essays, pero in English. Ang alala ko sa Papalayo, dumapo ang ideyang may time, space and distance sa pagsusulat. Time and distance, pasensya naman…. Basta, ang tunog ng write-up, naging pormal.๐Ÿ™‚

 

Boses lalaki – eto ang kwentong creepy… Oo, hahaha, brace yourselves, mga kapatid… Tinig ng kapatid naming lalaki ang ginagaya o ginagamit ko pag nagsusulat ng ganoon. Siya ang Kuya namin – artistic, may pagka-literary at baduy, hahaha. Oo, baduy usually ang art-art nya, pero artistic ang rendition lagi. Kumbaga, he has the ย eye for beauty, saka may music rin sya sa katawan. Yon lang… Wala na ang kapatid naming ito. A few years back, pumanaw na sya.๐Ÿ™‚

 

Image of Voices and Choices

Marahil, nasa pagsasanay at pagpapasya ng nagsusulat kung alin o kaninong boses ang gagamitin sa panulat sa blog/ http://www.gundfdn.org

Hindi ko pa lang kayang ikwento ng mahabang kwento, as in… ย Pero sa posts ng lola nyo, siya ang most mentioned sa mga kapatid. Yon. Hahaha, na-creep out ba kayo? Hindi naman, kapatid ko naman sya and the years before siya nawala, close kami. So, pag nagsusulat at kailangan ng boses lalaki, iniisip ko lang – paano kung si kapatid ang magsasabi no’n? Ayon… Ahaha, gan’to. Usually, ‘yong posts na may malalalim na Tagalog. OA kayo, inisip nyong ganoon talaga akong managalog? Wish ko lang…๐Ÿ™‚

Ang mga halimbawa ay angย Tawagin ang Pulis at dito sa SSA, ang Minsan pa, sa tag-araw… Ang Tawagin ang Pulis na pagkabaduy, parang sya mismo ang gumawa… Ganoon isusulat ‘yon ni kapatid – kung siya ang magsasatitik. E, kasi, nababaduyan ako sa idea, kailangan talagang manghiram ng voice… Ang Minsan pa, sa tag-araw, tungkol sa apo sa pamangkin. Boses din ni kapatid ang ginamit doon… Kalalalim ng Tagalog sa write-up, pati ako, nangilo… Btw, naikwento ko dati, saย Kung Tapos Na Ang Lahat, may dalawang lalaking nag-uusap? Si Kuya namin ang isa roon.๐Ÿ™‚

 

Kung tutuusin, nakatulong din siguro ang pagbabasa ng Liwayway magazine. Oo, haha, maraming Liwayway ang nabasa noong araw. Kami mismo sa bahay, wala nitong babasahin. Nanghihiram at nakikibasa lang… Tapos, ย pinagbabasa kami ng Inay ng Bibliya sa Tagalog – pag gabi. Mga sampong taon din siguro, kainaman na… Ay, hwag nyo akong tatanungin, limot ko na … Ano na lang, pag Holy Week at may basa ng Pasyon, nakikinig ang lola nyo – ang daming mga Tagalog na salitang noon at doon ko na lang naririnig, hihi. Ang iba ay nagagamit, pag nagsusulat ng posts…

Tapos, binasa ko ng paulit-ulit ang Hiyas ng Wika I to IV, di nga. Textbooks yaon sa Panitikan ng mga nakatatandang kapatid, noong high school sila. Pinakialaman, as in, whehe…๐Ÿ™‚ Saan pa ba? Sa mga librong Tagalog na binasa, naikwento ko sa Mga Paglalahad page sa DPSA. Marami rin nga yatang pinanggalingan ang boses-boses sa panulat na sinasabi… Kung saan-saan kinahoy at pinulot, patatawarin. Ang iba, sobrang tagal at layo na ng pinanggalingan. Sa totoo lang, maski ako, naaaliw…๐Ÿ˜‰

 

O, sya, last na… Alin sa mga panulat ang parang boses mismo ng lola nyo sa totoong buhay? Dyarann! Dyok. Alam nyo naman ‘ata – ang Kanya-Kanyang Kaadikan, tungkol sa mangga pag summer? Gano’n ang boses ng lola nyo rito pag nangungulit… Pag medyo pormal, yong nasa Para saan ang isang saglit?๐Ÿ™‚

Ang boses ng bata sa panulat, di ko pa na-a-achieve. Perspective ng bata, sa post na Ang Kwento ni Nine, medyo-medyo nakuha na, maybe… Mahirap nga ย ang ginagawa ng magagaling na authors – iba-ibang boses talaga sa loob ng iisang panulat… Pero sa tingin ko, tingin lang naman, a matter of familiarity din. Pag mas maraming nabasa, pag na-expose sa mga sulating may voice-voice, natutunan naman yata, over time... Kailangan, siyempre, magsanay lagi. Ayon, nasabi ko na rin ย – pag interesado tayo sa ating isinusulat, napupukaw natin ang interes at nahahawa ang mga mambabasa…๐Ÿ™‚

 

Image of an Amazing Sunset by the Sea

Marami raw mga tinig sa loob natin, sabi ng kumuha ng larawan. Pag minsan raw, huwag muna silang pansinin para makita natin ang kagandahan ng paligid / http://www.slrlounge.com

 

Ang dami kong kwento, as in. Pati ako, nadadaldalan sa ‘kin, haha… Teka, seryoso, iniisip kong mag-shift na sa mas maiiksing entries… ย Mas madali ang magsulat at maglathala ng mahahabang posts, matagal at ma-hassle ang magpa-ikliย Kaya ang tanong, ahaha –ย Kaya ko kaya?๐Ÿ˜‰ Wish me luck, pipol.๐Ÿ™‚

 

33 thoughts on “Mga tinig sa panulat

    • hello, maalam na pusa. salamat sa pagdaan uli. ahaha, artista? oo nga, ‘no? basta, may emote-emote pag nagsusulat, alam mo ‘yan.๐Ÿ™‚ may pagri-recreate ng atmosphere at sitwasyon para maka-acting, errr, makasulat ng ramdam. right on cue talaga? hihihi. o, basta, kayo ang mga pinagkokopyahan ko, hohoho. good day po.๐Ÿ™‚

  1. Tinig mo ang naririnig ko dito… (kung narinig ko sana kahit saglit ang totoo mong boses :))
    …’yong entry mo noon sa isang pa-contest, purong tagalog, kung saan mo nakuha ang mga salitang ginamit doon. Malupit na tagalog ‘yon. Kahanga hanga ^_^

    • hala, narinig mo talaga? kaasar.๐Ÿ˜‰ mababa, second voice… minsan, bahagya nang marinig at minsan, sobrang lakas daw… may defect ang hearing, yown…basta, nothing interesting sa totoong boses. baka ma-disappoint ka pa, whehe… :c

      ha, alin – sa damuhan or sa km3? parehong ma -Tagalog, hihi. salamat…:) marami na ata source ng vocabularies doon – mga salita ng kapatid, mga nabasa dati sa Panitikan and Tagalog as spoken sa lugar namin (na naririnig ko lang). ako, Tagalog Maynila na rin ang alam at ginagamit. ahaha, nag-i-import (ng Tagalog) pag nagsusulat, hakhak… hello, froggy! good day po.๐Ÿ™‚

    • hello, eirene… natutuwa ako at dumaan ka uli. ay salamat, you’re one of the few who do, hahaha. pwera biro, thanks. a, e, matanda na kasi ang lola mo rito, dami na ring napagdaanan… ay, may boses na ang panulat mo. ayon lang, pag bata pa (early 20s), di pa gaanong distinct. over time, maho-hone din at lilinaw. just keep on writing.๐Ÿ™‚ warm regards… ~ ate san

      • thanks ate san!!medyo hindi po ako naniniwala na i’m “one of the few”…Di pa po ako ganun kahusay sa pagsulat..mabilis din maubusan ng ideya… pero salamat po sa sinabi niyo at panghahawakan ko yan para mas ma motivate ako…salamat talaga..:))

      • you’re welcome. a, totoo ‘yon. mas marami ang naaasar sa boses at mga kwento ng lola mo rito, ahaha. marami rin ang umiiwas o naalangan daw – yon…:) but you do write well for somebody that young. di ako ganyan ka-articulate when i was that age. so, potentially, you have more to go by, kumbaga. just keep on writing, magsanay ka palagi.๐Ÿ™‚ have a good week!

  2. yung boses na tinutukoy mo eh maaari din sigurong tawaging “istilo”…pero totoo nga, merong mga sulatin na kahit hindi isulat nung may-akda ang pangalan n’ya eh mahuhulaan pa rin na s’ya ang may-akda base sa boses nung katha๐Ÿ˜€ ay, ang serious naman ng comment ko hehe

    • ah, parang marka or brand ang ibig mong sabihin?:) iba pa yata yaon, kapatid… halimbawa, commonly branded ang post ng lola mong mahahaba. the thing is, titingnan natin pag nagsulat na ako ng maiiksi, hehehe…๐Ÿ˜‰ tapos, si banjo or alvin, kaya nyang mag-iba-ibang boses sa loob ng writings, oo. meron ding isang ka-blog, dalawa (2) ang boses at points of view sa loob ng posts nya lagi.๐Ÿ™‚ gandang gabi sa iyo.๐Ÿ™‚

  3. hala Ms. Saliw, paano na kaya ang boses ko sa panulat merong pinitpit na lata at umaatungal na bisiro. magulo na walang pattern. mahulaan kaya yung mga sinulat ko na ako yun kung walang obvious reference (ng aking mukha, anak at trabaho)๐Ÿ˜€

    • hello, ms. S… OA naman ang description nyo yata. yong sa akin ho ay parang ginugupit na yero lang, hihi. may voice ho ang writings nyo – that of a woman who is efficient and has been around, ‘ika nga. parang ganoon ho ang impression ko. at saka, ayaw nyo po ng non-sensical, to the point agad, hehe.๐Ÿ™‚ gandang gabi po…

  4. Hi Sa Saliw ng Awit! Ngayon lang ulit me naka-visita hohoho kaya advance Happy Valentine’s Day na rin. Okay yan ang voice na yan. di ko lang alam kung anong boses ang pagsulat ko. pero tingin ko bumibirit like Lea Salonga. Pang-Broadway lang daw, hahaha! puwede rin naman Regine Velasquez.

    nakakatuwa na nahahanap natin ang style natin sa pagdaan ng panahon. yung kahit hindi mo talagang inaaral basta kusa mo lang nakukuha kakasulat. actually ang isa pang nakaka-amaze minsan na nararanasan ko sa blogging ay madalas na napagkakamalan akong lalaki. Siguro sa pseudonym ko na rin at minsan din akong napagkamalan na mommy. Madalas hinahayaan ko na lang kaysa kino-correct. ang importante naman sa akin, ay makuha nila ang mensahe ako at effective yung dating. Kung boses lalaki ba ako kung gadget ang usapan, why not. Kung boses mommy ba ako dahil sa mga payo ko sa buhay, why not. sisihin ko pa ba ang sarili ko na ganoon ay panay naman ang tago ko ng identity. hohoho.

    Mabuhay sa iyong pagsusulat sa Tagalog!

    • hello, hoshi… glad to see you, kapatid. salamat, happy valentines din. uu, mahilig ka nga palang magkakanta. baka yon dahilan ba’t yon natatandaan ng iba sa ‘yo… ako, what i remember sa iyong blog, various and reader-friendly usually ang posts mo. isa pa, tunog ka ‘teh na city-dweller, hehe, somebody na alam ang pasikut-sikot ng magulong lunsod, ahaha. ^^

      a, about tunog-lalaki. siguro, kasi tough-sounding. maybe stereotype na pagtantya ng bumabasa. kasi, sa usual expectation, ang babae is dependent, hardly knows her way around and illogical mag-isip, ahaha. something siguro that readers do not detect in your blog. at sa akin din, hehe. tapos, malamang medyo lalaki talaga tayo sa totoong buhay, ahehe. kidding aside, am in between two boys (men na dapat ngayon) na parehong bully. so, somehow, had to learn how to be man enough, haha. tapos, tough ang upbringing, ang environment. kahit paano, those things show in our writings. or, maybe, nasi-sense talaga. ng readers. nasasaatin naman, how much weight we give sa ganoong perception and what use we make of it. yon yata…๐Ÿ™‚

      about being anonymous sa blog, choice natin. it has advantages and disadvantages, as you know. especially since may bloggers na naaaliw na mag-expose ng ka-blogs or mag-push na mag-disclose earlier and more than what the blogger is ready or willing to reveal publicly. sarili nating journey ang pagsusulat sa blog, i guess… mas maganda kung nako-consider o napagbibigyan pa nga ang hiling ng readers. but then, kung hindi naman idinaan sa comment section or sa email or direktang ipinaabot sa blogger, di siguro dapat bigyan ng matamang pansin o seryosohin. alam naman natin – may ilang ang layon lang ay mang-okray o walang pakialam kung nakakasakit ba sila ng kapwa. ^^

      happy weekend!๐Ÿ™‚

  5. Totoo maraming boses ang panulat. Yung panulat ko ata pambata. Lagi kasing comment sakin eh, sobrang youthful ang mga posts ko. Parang nababalik ata sila sa nakaraan e, Kelan kaya magkakalalim yung post ko? Hahaha. Ako naman nahihirapan gumawa ng entries na mahaba. Hahaha. Kaya mo yan ate san. Either way, inviting at masaya ka naman magsulat e, so okay naman siya basahin.๐Ÿ™‚

    • hello, Rhence… pasensya na, medyo kabusyhan ang weekend… a, your writings sound young and youthful kasi bata ka pa naman nga. saka, ibig sabihin, hindi ka bitter. ahaha, maganda yon. ganto yata – ang isinusulat natin, kung ano ang meron tayo. as you grow older, darami ang laman ng imbakan mo, pramis… salamat sa pag-appreciate. have a good week.๐Ÿ™‚

  6. Nagpapahiwatig itong post na ito sa tumataas na antas ng iyong pagsusulat. Mantakin mo, may voice ka nang nalalaman at nababatid mo na ang pagkakaiba ng tinig sa iyong mga isinulat? Marahil nga ay di ko nga lang ito binigyang halaga. Basta sulat lang ako ng sulat, pero in retrospect, (pano nga ba sa tagalog ang retrospect?๐Ÿ™‚ ), pansin kong serious ako sa mga naisulat ko, medyo malayo sa itsura. Kahit minsan pilit akong nagpapaka-‘candid’, nahahalatang napakaintroverted kong tao at kinakapos sa humor.
    Sa tulong ng post mo, malalaman ko rin balang araw ang totoong voice ko within at kung paano ko mababago ito para makalikha ng ibang identity.

    • hello, June… may voice nang nalalaman, shaks na ‘yan.๐Ÿ™‚ but you do write well, kapatid. for somebody that young, you express yourself so well. i wasn’t writing half as much or as good when i was your age, di nga… hey, as you go along life, as you mix with more people and as you come across varied circumstances, mag-a-adjust din at magiging flexible ang mga sinusulat mo. just keep at it. the years will see your writings through, hamo…๐Ÿ™‚ have a good week!

  7. Yey. Ok na yung DPSA! Ang galing. Effort sa akin yung mahabang post, sayo baliktad. Hmm, hawahan nyo naman po ako ng konting galing. Haha. Napakainteresting nung voice and choices. Gusto ko ipractice yun kaso kailangan ko pa siguro magbasa ng mas maraming libro.๐Ÿ˜€

    • hello, Karen… oo, na-restore ang dpsa, nov. 2012, ahaha. salamat…. a, mahirap magpa-iksi – marami-raming elimination ang needed. kumbaga, what to include, what to exclude? perpetual dilemma ng isang nagsusulat – alin ang ideya na worth i-retain sa page? btw, i think the use of varying voices will naturally come pag nasasanay nang magsulat. for now, just keep on writing. darating sa iyo ‘yon basta keep on expressing yourself in the written form… have a good week!๐Ÿ™‚

  8. *tango tango*
    gusto ko po yung boses nyo sa panulat.
    kelan kaya ako magkakaroon? magbabasa pa ng marami at magsusulat at ng masanay.

    buti nlng at sinipag na akong magbasa ng mahahaba ngayon.. hehehe

    • hello, Dale… ahaha, salamat, salamat…๐Ÿ™‚ may boses ka na, maliit pa lang (saka makulit) pero meron… pag nagsulat at nagsanay ka lagi, you will eventually grow it to its proper and distinct size.๐Ÿ™‚ salamat uli, have a good week!๐Ÿ™‚

  9. Wah! Grabe ka! Nalinlang mo kami, iba-iba ang pagsaliw ng awit mo. Ano daw? Hakhak.

    Kapag sobrang nag-uumapaw mga ideya mo, parang ayaw mo na tumigil kakatype. Ang sarap din kasi magkwento. Hakhak.

    • hello, batopik… ahaha, boses mo ang ginaya ko sa third paragraph, napansin mo? hakhak, salamat pow.๐Ÿ™‚

      a, masarap magkwento, yes. pero may structure dapat at may restraint, hehe. ano raw?๐Ÿ˜‰

  10. ewan ko ha, sa tuwing nagbabasa ako ng blog, nai-imagine ko rin yung boses.. iilan pa lang ang na meet ko in person pero halos hawig ang boses nila sa iniisip ko habang nagbabasa… eheheheh.. hi san!! kamusta ka na? *kaway-kaway*

    • hello, Pot… ahaha, talaga? sabagay, likely, may hawig nga ang written and spoken voices… pero merong kaya talaga ang mag-iba-ibang boses sa panulat, gaya ni walangmagawasi banjo. ayon…

      oki-oki naman po, salamat.๐Ÿ™‚ ikaw, musta na, Potski? hope things are better…๐Ÿ™‚

      • things are.. hmmm.. good? or normal.. ahh basta… ok lang naman ako.. ehehehehe… minsan yung utak ko kapag nagbabasa, may boses talaga, kaya ang kulit lang.. ehehehe.. kapag alam kong babae ang gumawa, babae ang boses, kapag lalake, lalake… ang kulit lang… ikaw kamusta ka na? hope ok ka san.. *kaway-kaway*

      • ahaha, sana nakakausad ka maski paano sa problema mo dahil ako, hindi, hahaha. basta, hope things are better your side of town, kapatid…๐Ÿ™‚ pag babae raw, mas madada at mas ma-argue, whehe. pag lalaki, may pagka- imposing, parang basta ibinabagsak – senga ba? gano’n nga ba?๐Ÿ˜‰ kaway-kaway, Pot…๐Ÿ™‚

      • parang ganun.. pero may character ang mga boses sa utak ko eh… ahh basta, ang hirap i explain… sana maalpasan mo ang problema mo.. ako nga eh, hindi ko alam kung aalpas pa.. ehehehehe.. ingat ka palagi san! *kaway-kaway*

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s