Ang Pulubi at ang mga Dumaraan

 

Ano kaya ang pagkakaiba ng blogger sa pulubi sa panulukanumaamot ng gatiting na pansin sa mga dumaraan, umaasang kahit sandali titingnan siya sa mata at babahaginan ng kamunting pag-unawa? Andito ako, tumingin ka sa gawi rito, ipaling mo sandali ang iyong ulo, huwag kang lumampas, huwag… Higit sa panlabas na anyo, bukod sa daing na namumutawi sa bibig, lampas sa karaniwang paghuhusga, masdan mo ako ng saglit at bigyan ng pagsasaalang-alang. Ako ay tao rin – umiiral, may pakiramdam, pana-panahon, mayroon ding  hiya… Ako ay ikaw rin. Pag minsan, ikaw man ay andito – humihingi ng habag, nakikiusap, pinagdaramutan… Ngumingiti matapos ang pang-aalipusta, pagtataboy at panlalait ng kaharap – parang walang narinig. Anupa at may darating, may daraan muling kasunod – mas may pakikipagkapwa. Harinawa…

 

Image of a young beggar in the Philippines

Tapunan sana ng isang tingin, pahingi ng konting limos/ 500px.com

 

Ano kaya ang pagkakaiba ng blogger sa sira-ulong nagbabalita sa paparating na katapusan? Kumpleto ang custome, may paraphernalia, may bitbit na krus at banal na aklat… Matatas at tuluy-tuloy ang sinasabi – May panahon pa, umpisahan na natin ang pagsisisi, itakwil ang mga maling gawi at magtika sa mga nagawang kasalanan… May araw ng pagkukwenta at paniningil, pagbabayaran ang lahat, gugunawin ang mundo… May pagmamahal sa puso ng tao, tiyakin ang kaligtasan at huwag kaligtaan ang mga nalalabing araw para magwasto. Iligtas mo ang iyong sarili sa kasamaang bumabalot, sa kadilimang nakakabulag at sa mga anasan ng mga sinusunog na nakabibingi… Humayo ka sa tamang landas, damhin mo ang pagpapala at tahakin ang tamang daan. Ang kaligtasan ay nasa pagtalima sa tuwid na landas, huwag mong hayaang mahuli ang lahat. Halina…

 

Ano kaya ang pagkakaiba ng blogger sa putang nangangako ng ligaya at sandaling tamis? Subukan mo ang aking kandungan, kalimutan muna ang mga alalahanin at magtuwang tayo sa lugod at kasiyahan… Tutulungan kitang isantabi ang mga pait, itakwil ang mga sakit at daramhin natin ang kakaibang timpla ng landi at paglimot… Pupunta tayo sa lugar kung saan di ka mahahabol ng mga suliranin, titikman  natin ang mga bawal at magpapakalango kita sa mga inumin ng tuwa at aliw. Magsasanib ang ating mga katawan at diwa sa piging na tanging kita lamang ang inanyayahan at magsasalo, sapagkat tayo lamang ang nakakaalam. Ipagsasawalang-bahala natin ang mga unos, ang mga siphayo ng kahapon at mga hiling ng bukas. Mag-uulayaw kita sa ngayon, sa ngayong kita ang magkadaup-palad at walang ipinapangako, tanging sarap ng kasalukuyan…

 

Ano kaya ang pagkakaiba ng blogger sa naglalako ng produkto, nag-aalok ng kalakal? Bilihin mo ito, ito ang solusyon sa malaon mo nang problema, padadaliin nito ang iyong buhay. Karapatan mong makaranas ng gaan at alwan sa pang-araw-araw, oras nang tapusin ang pagtitiis, narito at abot-kamay na ang lunas sa pakikipaghamok. Hindi masama ang maghanap ng mga bagong kaparaanan, ang gumamit ng mga bagay na makabago at umangkop sa modernong panahon. Hindi ba ikaw ay minsan at dating nangarap? Nakiliti ang munting imahinasyon sa bukas na di tigib ng dusa at paghihirap? Hindi ba at minsan mong initsurahan sa isip at pakiramdam ang buhay na malaya, may pagkakataong magliwaliw at may puwang para sa ibang intindihin? Naito na ang sagot sa matagal mo nang tanong. Ang noon ay posibilidad lamang, maari na ngayong  hawakan, gamitin at subukan. Malaking halaga ang kapalit, kapatid, subalit…

 

Ano kaya ang pagkakaiba ng blogger sa paring nangangaral sa pulpito? Ang kawan ay kailangang bantayan, siguruhing nakakain at itawid sa mga daraanan ng di napapahamak o naliligaw. Bago makarating sa langit, marapat munang tahakin ang buhay sa lupang tigib sa pasakit, luha at ligalig, dala ng pagiging makasalanan at imbi. Ang pagkakasala ay di maiiwasan ng tao, ngunit dapat niyang hanapin ang pagpapatawad at pagbabalik-loob sa grasya… Malakas ang tawag ng laman, layaw at sarap. Madali ang sumuko sa kumakaway na luho, bisyo at pagpapabaya, ang magpakawala ng damdamin at sundan ang bawat pita. Subalit, matapos ang pagkadarang, ang tao ay aangat upang mamasdan ang tuyong paligid at mapagtanto –  said na ang diwa. Anupa at dapat punuin muli ang sisidlan ng mabuting gawi at kabutihan. Tanging sa pagwaksi ng makalupang sarili, makakamit ang susi sa pinto ng langit. Kapatid, ano ang iyong hinihintay?

 

Image of hands planting

Tila ang blogger ay isa ring magtatanim/ http://www.dilg.gov.ph

Ano kaya ang pagkakaiba ng blogger sa isang magtatanim? Matiyagang naghahawan at naglilinang ng lupa para mataniman ng mga punla at buto – isang araw ay sisibol at lalago? Masipag na nagtatanggal ng mga ugat, naggagamas ng mga damo at tahimik na nagdidilig sa umaga at hapon? Matamang nag-aalis ng mga uod at pesteng kulisap, nagtataboy sa mga mapanirang ibon palayo sa sakahan? Masusing nagbabantay sa mga pagbabago ng klima at panahon, nagbabanghay ng bakod at gumagawa ng mga pilapil na daanan? Ah, anong hirap ng magsaka! Palaging banat ang likod at mga gulugod sa kayuyuko, nangingitim ang balat sa bawat araw na nakabilad at tila walang masilungan pag dumarating ang sakuna… Salat sa pagkain sa pang-araw-araw, kapos sa mga pangangailangan at balot lagi ng pangamba sa paparating na bagyo at tagtuyot. Tanging buwan ng tag-ani ang sa tuwina ay nagbibigay ng pag-asang ang lupang kinalinga – isang araw ay magdadala ng pakinabang at di magdaramot…🙂

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 

Ka-blogs, ang sulatin sa itaas ay isang halimbawa ng pointed na panulat. Napansin ko, sa kasalukuyan, uso ang short, crispy and pointed writings. Gayundin, tila fashionable ang hindi na magpaliwanag. Pag nagpaliwanag, parang uncool, ahaha. Hindi ko itatanggi, may mga naisulat sa sites na papasok sa kaparehong kategorya tulad ng Pagpapanday ng Katotohanan at Walang Bukas. Posts silang  wari, nagtulak sa marami-raming ka-blogs para magbasa at magmasid lang mula sa malayo, hoho.

Bagaman maaring sabihin, halimbawa sila ng kasanayan sa pagsusulat at kayang gawin sa ilalim ng payong ng malayang paghahayag at pagkamalikhain, tila di mabuting dalasan ang paglalathala ng kapareho. Bakit? It seems we live in uncertain and jittery times and peoples’ beliefs tend to be polarized. Tila pag sa extreme ends ng diskurso tayo nag-umpisa ng usap, interesting at nakakatawag-pansin, oo, pero ang laki ng tendency na magdala ng sigalot at di-pagkakaunawaan – sa bahagi ng nagsulat at mambabasa at sa hanay mismo ng mga mambabasa.

 

Paalalahanan nyo ang lola nyo rito pag napapadalas ang pagsusulat ng kaparehong sulatin, ha… Salamat sa inyong pag-unawa at pagtangkilik…🙂

 

43 thoughts on “Ang Pulubi at ang mga Dumaraan

  1. yay ! First to LIKE, something that I didn’t understand. * sigh * Ate, where the heck are you from, ha ha ha. When I was in manila, I did understand tagalog, and could speak it , albeit with a bit of an accent. But your tagalog is as deep as the ocean !

    How’s it goin’?

    • hello, Ren… oh, that’s no news, dear. am used to it, haha. besides, am a beggar for likes, hoho. we’re from Southern Tagalog. our Tagalog words are a bit deeper than words commonly used in MM. pardon if they come out as deep as the ocean for you, haha. bother to look at the tags so you could understand them somehow, whehe. salamat pa rin. just fine, thanks. sana ikaw rin ay nasa mabuti…😉

  2. Hi Ate San,
    Gusto ko itong post na ‘to! May lalim at malikhain ang pagkakagawa. Nakakamiss ‘yung mga ganitong akda, pwede ka bang sabihing ang husay nito?🙂 ayan sinabi ko na rin, hehe.

    “Ano ba ang pagkakaiba ng blogger sa mangingibig na madalas magsabi ng “mahal kita”?
    Ang tamis at tilamsik ng dila’y nanunuot sa kaibuturan ng pusong walang pakialam sa mapanghusgang mundo, ang bawat sandali’y aani ng alaalang gagapasin sa takdang oras at panahon ngunit sa bandang huli kabiguan pa rin ang hatid nito dahil kay hirap uriin ang wagas na pag-ibig sa pusong mahusay magbalat-kayo at mapanglinlang.” Haha, ang trying hard ko! biro lang ang sa akin Ate San – hindi pwedeng ihanay sa gawa mo.🙂

    Tila ngayon na lang ulit ako nakabasa ng ganitong sulatin sa mahaba-habang panahon. Ang paghahalintulad ng manunulat sa ibang “propesyon” ay inilapat para kaaya-ayang basahin. May mga salitang hindi na gaanong ginagamit sa ngayon pero iyon ang nagpatingkad pang lalo para maappreciate ng husto ang obra.

    Happy Anniversary pala sa DPSA, hindi na ko nakakomento dun medyo busy-busyhan – daming paperworks, parang hindi natatapos.
    Gandang araw Ate San.

    • haha, salamat…🙂 ei, ang dami mo kayang posts na parang ganito? as in, malalalim at luma ang mga salita, nakakakonsensya at nakakapukaw, whehe. salamat pa rin. katuwa at na-appreciate mo…

      hala, walang pagkakaiba. pag nagba-blog, namimigay ng pagmamahal at naghahanap rin nito, whihi…pwedeng-pwede kayang ihanay, anokaba? gusto mo, i-edit ko ng konti para maipakita sa ‘yong kahanay ang tinuran mo o higit pa, kapatid…

      ahihi, medyo biblical na Tagalog ang ginamit kow… di ba malalalim ang Tagalog words sa bibliya? yown… kakatuwang natuwa ka, ang saya…🙂

      ay, ang folders, hindi talaga yan nauubos, kapatid. lalo pa pag nag-umpisang parang natatabunan ka na nila sa desk, hehe. btw, sana natapos mo for the week para may bago kang entry this weekend, hihi.

      salamat uli ng marami. have a fun weekend, Limarx…🙂

  3. Simple lang naman ang gusto ng mga bloggers. Kung ang mga pulubi ay katiting lang na barya, mas simple pa sa atin dahil ang gusto lang ng bloggers ay ang atensyon at pagbasa ng kanilang nasulat (kanila, diba kasama ako?).

    Hindi ako ganito magsalita pero naiintindihan ko ang sinulat mo. Marami akong stock words na Tagalog na hindi nagagamit, puro pabalbal. Sa papel lang kasama ang bahay namin sa CALABARZON at sana may bahay kami sa Southern Luzon para may kausap ako na ganito magsalita. Haha! Masaklap lang at nagdeteriorate na ang Tagalog ko dahil puro mga Cebuano ang kasama ko at Mindanao Tagalog ang na-aadapt ko.

    • ahaha, true, kahit konting pagtingin ang song ng bloggers, hoho… kumusta ka po?

      ay, hindi rin me ganyan magsalita, kapatid. nag-i-import lng ng Tagalogs sa naririnig at nababasa pag nagsusulat, hakhak. ay, true, mostly ng kakilala kong from the Visayas and Mindanao region, mas Cebuano and Chabacano ang salita. tapos, English ang second language nila. parang pangatlo lang yatang wika ang Tagalog sa kanila. no worries, di ako nagtatakang di ka ma-Tagalog, hoho. in real life, mas Taglish din ang gamit ng ate mow, pasensya naman.😉

      salamat sa pagbabasa at sa pag-intindi. pati sa dalaw, kuya allen…🙂

  4. Yung ideya pa lang hanga na ko. Yung theme. basta yun an yown.

    hahaha..

    pwedeng mahiram ang vocabulary mo sa tagalog? Cocopy ko lang , sosoli ko din. :p
    Eto pla yung pointed writing.

    Hindi ko rin gagawan ng interpretation mwawala yung coolness.

    Astig to ate susan!

    • ahaha, salamat, salamat, bagotilyo. salamat sa pag-appreciate, appreciate ko rin, hihi…😉

      pwede po. maski di mo isoli, hakhak. yaan nga. btw, may writings ka na before (na nabasa ko) na parang ganyan, kung tutuusin… yong Rizal at saka yong nagbibyahe sa bus, tama ba? hohoho.

      ahaha, ayos din naman if like mong i-interprete. pwede ring hindi. maski ano, hahaha.

      astig? hohoho. cool lang. musta ka?😉

  5. Ate San! Long time…🙂
    Like na like ko ito Ate San kasi para akong hinehele sa duyan ng mga salita.
    Fashionable indeed. I have a thing for old school writing. Nung mga unang araw ko sa Manila nagmumukha akong weirdo kasi malalim ang mga tagalog words ko at di pa gaanong sanay sa colloquial at sa contemporary tagalog speaking. Buti na lang may naging friend akong taga Bulacan, ayun para kaming mga manunula kung mag-usap hehe.
    Kawaykaway Ate San. I have a lot of catching up to do. Have great day.

    • Hello, June, na-miss kita, nag-alala ako, naman…🙂 ayiii, salamat. coming from you, ang saya…..mas Tagalog sa Bible ata ang pinaghalawan ko ng mga salita sa akda sa ‘taas… tapos, sa novels na original Pinoy – Lope K. Santos, Edgardo Reyes atbp… actually, pag nagsusulat, di ko pa naiisip kung kanino o saan galing ang mga salitang gamit sa komposisyon, ang mga pinagsasabi, hoho. usually, after nang mailathala, saka ko naaalala saan galing, kainaman na…

      hey, teka, andito ka na sa MM? dito ka na based, kapatid? hala, magagaling managalog ang mga taga-Bulacan tapos, parang sing-song kung bumigkas? ahaha… Southern Tagalog rin ba roots mo, ha… hugs and cheers sa yo.🙂 sumaya ako nang makita gravatar mo sa notification ng daming beses, hihi. welcome back, happy weekend….🙂

      • Hehe No Ate San! Dati pa yun nung nasa MM ako. I’m back here sa Davao matagal na rin. Naalala ko lang nung bagong salta ako dyan.
        Lumaki ako sa Davao City pero grandparents ko are from Bohol and Leyte so Binisaya or Cebuano talaga first language ko. Natuto ako ng tagalog sa mga aklat; textbooks at panitikan, kaya mas madali sakin nuon intindihin yung pure tagalog kesa colloquial. Pero natuto na rin ako kay Bob Ong.🙂 Maliban sa ibang mga malalalim na salita, di ako masyadong nahihirapan basahin yung mga salitang kapanahunan ni Rizal.🙂

      • ahaha, isa kang Davaoeno. btw, nagustuhan mo ang Maynila? were you here for long, kapatid?…

        ahaha, marunong ka ng Bisaya, English and Tagalog – luma at bago, hoho. ikaw na…🙂 kami, Tagalog sadya but hindi ako singhusay ng siblings ko rito. mas sila ang maalam. mas English na ang pamilyar sa ‘kin. pero, dahil sa blogging, marami na rin akong naalalang Tagalog words na nababasa at naririnig ko lang pero di nagagamit. yown… pero, parang alam ko pa naman pala kahit mga 20 years ago pa, hakhak. ang saya rin…🙂

        salamat, June, ha, for backreading.🙂

      • Mga 3 years din ako sa MM. medyo mahirap kasi strictly english sa work, strictly tagalog/taglish after work, at strictly bisaya sa bahay…. with corresponding accent pa, hirap magpapalitpalit ng persona. tapos na-try ko pang mag-ilocano Ate San, lalong gumulo nung nasa baguio ako.😀
        medyo maramirami din ang ibabackread kong posts na nakasave sa email ko pero worth it naman.🙂

      • ay, matagal na rin yaon… at marami ka pang ibang lugar na natigilan at mga salitang natutunan. ikaw na…🙂 inggit ako, tumira ka sa Baguio.😉

        me man, sangkaterba dapat i-backread. hope you are well, June.🙂

      • The best ang Baguio, kung papipiliin ako locally kung saan ko gustong tumanda, pipiliin ko ang Baguio.🙂
        Nomadic yata ako Ate San. Di ako nakukuntentong manatili sa isang lugar kaya pag sinasabing there’s no place like home, hindi ko masasabing Davao lang kasi kahit saan ako magpunta, I can always find that feeling of making that place, my home.🙂
        Be well din Ate San.

      • hello, June… musta? ahaha, ako man, i find Baguio to be a kind place. parang I can live there? hoho, yon ang feeling whenever I go there, kapatid…

        ahaha, nomadic talaga? ganyan yata pag 20s, kapatid. gala rin ako dati. although, lately, habang tumatanda, napansin ko, mas mabagal nang mag-adjust sa bagong lugar and bagong buhay, so to speak. siguro, may point din sa taong nagsi-settle sya, parang…. but you’re young still, go around and make many places your home, hoho.

        have a happy week, June…🙂

  6. I’m Back Ate San! yes, hehehe! ( more than one month nawala ang hoshilandia and almost di na makabalik)

    Guilty without unreasonable doubt, ako sa ilang punto rito. my other naman ata ay Ligaya and Sisa, hehehe

    Mabuhay, maiigi itong minsan may isang ate blogger na nagpapaalala sa amin ng mga bagay-bagay lalo na’t madalas wala na kaming pinagkaiba sa mga pusang niligaw na lumabas sa sako. hohoho

    • hello, hoshi… good to see you. hehe, nakita ko, back in town na nga ang hoshilandia, aliw….🙂

      ahaha, guilty saan, kapatid… hmnn, to some extent, lahat yata tayo guilty, parang. hohoho…

      iniligaw na pusang lumabas sa sako talaga? kainaman na, patatawarin.🙂 salamat sa pagdaan at sa comment. happy ako sa pagbabalik ng site mo, hoshi…🙂

      • maraming salamat sa iyong suporta, mabuhay!

        marami akong crime na nagawa sa sinabi mo sa itaas lalo na yung may kinalaman sa pagpo-post. hohoho. minsan feeling iresponsable sa mga readers.

      • you are welcome. ‘lam mo namang fan ako ng sites mow…🙂

        ah, do you mean ‘yong ibang posts mong parang sharp-tongued ang bitiw? hoho… wari ko, it’s the times, kapatid… parang pinapauso sa radio and tv shows na cool humirit ng ignorant, brutal and i-don’t-give-a-shit comments. ewan ko, parang in ang mga gano’n these days, parang most people umaastang stand-up comedians? parang gano’n ang kuha ko…. parang black humor, hohoho.

        salamat sa pagdaan uli, hoshi. warm regards…🙂

  7. Ang ganda at ang galing na naman! Minsan nga nakakalimutan ko na kung paano talaga magsulat—kumbaga kumpleto lahat ng parte ng isang sanaysay. Minsan kung anu-ano na lang ang maisip. At ayun nga, sabog-sabog ang output. Hehe. Pero maiba ako sa technical stuff, ang galing talaga nito. Pwede mo tong isali sa mga contest about blogging. Tapos pag nanalo ka, libre mo ako! Hahaha!

    • ahaha… salamat.🙂 happy ako at na-appreciate mo. hala pa, i find your entries very creative, kapatid. but you seem to me the impatient kind, hoho. writing, it needs a warehouse of patience, kapatid – paulit-ulit, pasubuk-subok at pahanap-hanap – hanggang sa makuha mo na, after years and decades of trying, hoho. parang gano’n. meaning, potentially, you have more to begin with, kumbaga… just keep at it and you can come up with something way, way better than this. o, di ba? ahaha, tagal ko na ring di sumasali sa contest. hamo, i’ll consider that. teynk yu uli. waving…🙂

    • hello, Ayer… ei, pasensya na, di ko pala ito nasagot. oy, kapatid, ang drama mo, di nga… ikaw ‘tong natuklasan kong may apat na blogs dati, pambihira. pagiging malaya ka dyan? pwede rin ang blogging sa mga naglalayon at nangangarap pa lang maging malaya, hoho. musta?🙂

    • hello, froggy… ayos naman, kapatid, salamat. di rin me masipag magsulat para sa blogs lately. hacked kasi ang accounts ko, more than three months na, hoho.

      at pinansin na naman nya ang pananagalog, kainaman na. ikaw kaya ‘tong taal na tagalog? pambihira. magsulat ka, dear, habang nilalamig. winter na ba or fall pa rin? warm regards.🙂

      • hahaha. fall pa lang pala, freezer na sa ‘yow. paano pag nag-winter na, say negative 20? ahihi, bili ka na ng thermal wear, kapatid. hindi ako siguro mabubuhay dyaan, lamigin ang lola mo…

        ay, fall is the season of love in the West, ayiii. maglakad-lakad ka kaya at baka nasa roadside lang ang prince charming mo? haha, peace, kapatid.😉

      • San walang tao sa labas at malamig na ang malakas na hangin. Kung may masalubong man nakayuko na lahat hehehhe

        Thermal suit ba? Hehe naghahanap nga ng pinakamainit na parka, ‘yong omni-heat daw na jacket pati base layer hehehhe. Pero hindi nman siguro dapat lahat ‘no? Malalaman kung tatagal … hihi ^_^

      • Hello, Zel… ahaha, parang napapanood ko sa movies ang pagka-describe mo? shaks, mabubuhay kaya ako ryan? hehe.

        oo, parka nga pala ang tawag. meron nyan dito sa Pinas, sa ukay-ukay, hehe. sus, kaya mo yan!🙂😉

  8. Pingback: sa mga ka-blogs na nang-ookray… | doon po sa amin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s