Parang kailan lang

 

Masayang pagbati sa inyo. Maligayang pag-alala sa kaarawan ni Gat Andres Bonifacio!🙂

 

Isang taon na ang Sa Saliw ng Awit. Ika-30 ng Nobyembre, 2011 nang maglimbag ng unang post dito sa site. Ika-22 naman ng parehong buwan nang mag-rehistro sa host site,  sabi ng pagbating ipinadala sa akin ng WordPress. Salamat. Nailagay pala nila iyon sa kanilang tala… Ang bilis din, ano? Kung tutuusin, parang kailan lang…

 

 poster na bumabati ng maligayang anibersaryo

Maligayang unang anibersaryo sa Sa Saliw ng Awit /feroniaproject.org

 

Parang kailan lang, nagsi-simpir akong maigi sa pagkawala ng unang site, ang DPSA. Naglalabas ng sama ng loob ang lola nyo sa ilang ka-blogs, ahaha. Nagsasabing hindi tamang isinara nila ng ganoon-gano’n lang. Naghihimutok, sabihin na natin…

Pero, maigi rin. Nalaman ko sa panahong iyon, sinu-sino sa virtual friends ang totoong concerned at sino ang totoong interesado sa aking mga panulat. Sinu-sino ang sumulat sa email at nangumusta, nagpaabot ng pagkabahala, suporta at pagnanais na kagyat sanang makabalik muli sa pagsusulat online. Salamat sa inyo…🙂

 

May isang bandang pwedeng sabihin, ang SSA ay ipinanganak sa sama ng loob, ahaha. Sa kabilang banda, maari ring tingnan, ang pagkakaroon ng bagong site ay pagsasabi:  Hindi basta-basta mapapagulong ng ganoon na lamang ang aleng nagsusulat dito. Kumbaga, babangon at babangon – maghahayag, magsusulat… Hindi basta magpapatalo.

Ang tanong, may laban ba? Hindi ko rin sigurado… Ang tiyak, marami akong gustong sabihin, ihayag at ipaabot. Marami akong kaguluhan sa loob na sa pagsusulat, pilit kong isinasalansan, binibigyan ng hugis, boses at buhay. Ang tiyak, marami akong napapansing hindi tama sa mga pangyayari, kaayusan, palakad at posibleng tunguhin – ko at ng iba pa. Sa pagsusulat, kahit paano, nakakapalag, nakakasigaw at nakakapagsabi – meron pa…

 

Ano’ng meron? Mayroon pang pwedeng gawin, pwedeng abutin at pwede ring gumawa pa ng bago. Na hindi hanggang dito lang…  Na hindi puro lungkot, dusa at hinagpis. Hindi puro pagkainip at pag-ulit ng pare-pareho lang. Pwedeng tingnan ang kaparehong bagay at kalagayan sa ibang anggulo. Pwedeng isulat ng bago ang isang luma at gasgas nang istorya. Pwedeng lapatan ng bagong tugtugin ang isang luma nang awitin.

Pwedeng gumawa ng bagong musika. Pwedeng isulat muli ang isang kwento. Pwedeng magkaroon ng bagong karakter. Kung hindi naman, pwedeng ang dati pang karakter ay magbagong-anyo, bagong pananaw at bagong himig. Pwede ring magbagong-bihis. Pwede rin – manatili ang dati subalit may bagong sigla, bagong pag-asa, bagong tinatanaw. Sa isang mundo at buhay na maligalig, sa isang setting na umiikot ng mabilis at hindi naghihintay – may puwang para sa kinakabahan ngunit kahit paano, matapat na paghahayag.

 

 

Mataas ang tono ng unang post dito sa SSA, ang Pagpapanday ng Katotohanan, pasensya na… Parang sinasabi, paghusayan ninyo – marami nang nakita, narinig at nasalubong ang manunulat dito. Hindi siya madaling kumbinsihin. Na sa isang banda, totoo… Sa edad ko at inabot na karanasan, hindi na ako madaling bolahin. Kumbaga, narinig ko na ang iba’t ibang klase ng kasinungalingan at pagpapanggap, marami-rami nang na-engkwentrong di-pangkaraniwan at ang iba pa, kahindik-hindik.

Sa kabilang banda, hindi rin… Sphere ito ng blog kung saan tayo ay nagsusulat at nakikisalamuha sa pagkakaraming nilalang – may kanya-kanyang pinanggalingan, istorya at hinagpis sa buhay. May kanya-kanya rin tayong mga pangarap at adhikain, takot, pangamba at pag-asang pilit binibigyang-laya at katuparan sa panitik. Bawat isang blogger ay lumalangoy at nanantya sa isang pampublikong dagat – nanalig na may makukuhang simpatya, may makakadaupang-palad kahit iilan at may makakarinig, kahit paano, sa munting boses na naglalakas-loob. In this sense, tila pantay at nagkakaisa tayo. Walang maliit at walang malaki, walang una at huli. Bawat isa ay kasali.

Anupa at tila sa blog natin iginuguhit ang hugis ng pag-asang ating nababanaag. Dito tayo naglalagay ng mga mumunting saya, kapirasong hiling, mga pag-asam  at maging mga pangitain ng bukas na bahagya nang mapanghawakan, ngunit pilit pa ring hinahabi at binibigyang-katotohanan. Gaano man kanipis, gaano man kalayo o ka-imposible, isinusulat natin… Sinasamahan ng bulong at pagsasabing harinawa – ang bukas ay mas maganda, ang ako ay mas matatag at handa, at mas may kakayahang dalahin ang mga pagsubok.

 

Sabi, marami raw nagba-blog hindi lamang dahil ito ay hindi bawal, libre at madali nang maka-circulate sa virtual na mundo. Bagkus, dahil marami raw sa mga tao ay nawawala. Lost. Sa makabagong panahon, kung kailan sandamakmak ang umaagos na impormasyon, tuluy-tuloy ang dating ng mga balita at walang patid ang breakthroughs ng agham, habang hindi natatapos ang mga gera at alitan sa iba’t ibang panig, hindi raw kataka-takang milyong nilalang ang magnais na tuklasin ang kanyang lagay at lokasyon sa mga pangyayari.

It seems that we blog to locate ourselves amidst the events and apparently, to make sense of it all; to situate ourselves amidst the developments and to know where we stand. Ang iisang tao, na may iisang tinig at may iisang boto sa mga kaganapan, nangangahas na magsalita sa isang pandaigdigang mikropono upang ipaabot sa santinakpan ang kanyang mga saloobin at isipin, ang kanyang munting balita sa sanlibutan, ang kanyang ambag mula sa kanyang payak na panig. Isang tila hangal na pagtatangka, isang tila naive na gawain at isang romantikong paglalayag. Maaring sabihin…

 

May mga nagsasabi ring ang pagdami raw ng blogs ay patunay ng pakipot na pakipot na public space. Na sa panahon ngayon, paunti nang paunti ang espasyo para sa individual at pribado, sapagkat ang espasyong pampubliko – dominado ng gobyerno, mga higanteng korporasyon, malalaking institusyon at ng media na anong laki ng sakop at abot sa makabagong pamumuhay… Na ang blogs ay paggigiit ng boses niyong maraming tila nawalan na ng puwang sa pagpapasya at diskursong pampubliko, isang forum para maipaabot ang alternatibong opinyon ng sinasabing literate and wired populace. Sabi.

Ang blog ay tila isang bagay na personal ngunit ang abot nito ay tila panlipunan o social. Kahit pa ang inilalagay natin dito, tungkol sa – pagluluto ng masarap na sopas, pagsugpo ng mga uod sa tanim na halaman, pagkondena sa bagong ipatutupad na batas, paghahayag ng panlulumo sa huling naganap na krimen o projection sa tatahakin ng ekonomiya ng mundo matapos ang eleksyon sa America – personal na take natin ang ating inihahayag sa ating online na mga panulat… Kung titingnan sa maramihan, maaring ang blog ay isang social outlet, isang paraan para matantya ang mood and temperature niyong mga taong marurunong bumasa, maghayag at sumulat.

 

Maaaring nagba-blog tayo para tanungin kung tama ba ang mga nangyayari. Maari rin namang para sabihing tama lang na ganyan ang nangyayari… Maaring para sabihin, wala nang pupuntahang maganda ang mga kaganapan. Maari rin naman, para sabihing may mga di pa nasusubukang hakbang… Maaring para sabihin nating itapon at palitan na ang luma. Pwede rin namang para sabihin, hindi, maari pa iyang gawan ng paraan at pakinabangan. Maaring nagba-blog tayo para ihayag ang ating concern and care. Pwede rin namang nagba-blog para sabihing wala nang pagsasa-alang-alang at pakialam. Iba’t iba…

Anuman, masaya ang mag-blog. Nabibigyang laya nito ang ating mga pakiramdam at naiisip, hinihikayat at pinauunlad nito ang ating pagkamalikhain at iniuugnay tayo nito sa daan-daan, kundi man libo o milyong iba pang bloggers na may kaparehong nais. May isang bandang hinihipan nito ang ating tiwala sa sarili, para lumaki,  at may kabilang banda, tinatabas nito at pinaliliit ang ating ego, biases at prejudices sa buhay… Tinuturuan tayo nitong magtantya at magsa-alang-alang sa opinyon at pananaw ng iba, at, binibigyan tayo nito ng pagkakataong matuto sa karanasan, pamamaraan at nilalaman ng ibang bloggers. Inaakay tayo ng blogging sa paglalakbay ng ating panulat, sa pakikipag-ugnayan sa iba at sa pagbalanse ng sariling nangangahas at nagbabakasakali.

 

Palagay ko, ang isa sa nagagawa ng blogging, ipakita sa ating bloggers na unique tayo bilang individual, at, hindi rin naman… Na tayo ay average and connected at the same time, despite our differences and uniqueness. In this sense, habang ipinapakilala natin ang ating sarili sa publiko, tila ipinapakilala rin natin tayo – sa ting mga sarili. Nasasaatin na kung ano ang gagawin natin sa ating self-knowledge… Pero ang isang sigurado, may isang antas na pinayayaman tayo ng ating mga panulat, inaarmasan tayo nito sa ating pang-araw-araw na pakikihamok at ipinalalasap nito sa atin ang hirap at saya ng  pagbubuo at paghahayag ng ating mga karanasan – gaano man ang mga iyon kakaiba o kapangkaraniwan.

Sa blogging ko na naipirming kaya ko nga pala kahit paanong magsulat ng iba’t ibang paksa, gamit ay iba’t ibang approaches at sari-saring boses. Dito ko rin naipirming suplada nga pala ako, haha, at medyo spoiled rotten, hihi. Akala ko kasi dati, mabait ako, whehehe. At mapagbigay at magalang, hahaha. Di nga… Ngayon, dahil sa blogging, medyo alam ko nang ang dami ng defects ng personalidad ko, naitatanong ko tuloy, ano kaya ang logic and motives ng mga kumaibigan sa akin, hahaha. Mahirap namang sabihing simpleng wala silang tastes, hano? O, kaya, mababa ang kanilang standards, hehe. O, di kaya, mahilig sila sa hodge-podge na katauhan, hehe. Weird sila, yon, medyo obvious yon. Feeling nila siguro, may kakaiba rito. Akala lang nila yon, whehe…😉

 

Siyanga pala, medyo philosophical at impractical talaga akong tao in person, ahaha. Mabiro at mapang-alaska rin sa mga matatagal nang kakilala. Moody at medyo masungit, halata nyo na naman yon, ahihi… A, pero, hindi ako madaldal all the time at hindi rin parating ma-diskurso. Karamihan sa mga kapatid  at kaibigan, mga pragmatic na nilalang, at mga day-to-day events and concerns rin lang naman ang aming pinag-uusapan at pinagtatalunan. Saka, alam nila ‘yong times na tumatahimik ako o di kaya, gawa lang ng gawa – walang imik… So, dito  sa blogs makikita at mababasa ang mga tila malalalim, kayhahaba at pa-profound na mga paksa, haha, dala marahil ng mga nabasa at napansin-pansin ng lola nyo, hihi.

Ang feedback ng marami, mabibigat daw at malalalim ang mga panulat dito sa SSA. Medyo totoo… Hindi ito kapareho ng DPSA na largely informative ang content at tungkol pa sa lumang pamumuhay ang marami sa mga sulatin. Ang SSA ay na-conceptualize bilang lagayan ng mga obserbasyon sa buhay-lungsod, kabaligtaran ng DPSA… Kaya marahil, mapapansin nyo, may write-ups tungkol sa mababangis na eksena sa Kamaynilaan, sa kadugyutan ng ilang mga sulok at marami-rami ang portrayal sa buhay na impersonal at nagmamadali… May isang bandang kadugtong pa rin ito ng DPSA, ang promding sumaltang aanga-anga at namamangha sa lunsod. Pero, may bahagi rin ng probinsyanang nakapag-aral na, nakisalamuha at nakipaghamok sa kalunsuran at sa mas malaking lipunan… Sa SSA na nakalagay ang mga aning obserbasyon at aral – sa bagong setting.

 

May mga malalalim nga akong naisulat dito, mga sulating kinakabahan ang lola nyo, bago pindutin ang “ilathala,” hahaha. Ang ilang halimbawa, Huwag Mong Isiping Ganoon Uli, Saan Napunta ang mga Pangarap? Walang Bukas at Para Saan ang isang Saglit? Pagkalathala ng mga ‘yan, kumakabog-kabog ang dibdib, hahaha. Kinakabahan sa pwedeng maging feedback at reaction ng mga makakabasa… Medyo philosophical nga ang take sa mga nasabing sulatin, medyo mataas ng pitch ng mga komposisyon. Bakit kaya? Una, ang nagsulat, mas matanda na, ahaha.  Ikalawa, hindi na ang lola nyo kasama sa generation na sinasabing random at fragmented. Panghuli, matapos ang mga napagdaanan at mga taon, mas may kakayahan na marahil magbuo at mag-philosophize, somehow… And I hope you will not take it against me, people… Kumbaga, panahon namin iyon ng mga kasabayan…

 

larawan ng isang cake na simbolo ng unang kaarawan

Masaya akong isang taon ko na kayong nakasama sa pamamagitan ng Sa Saliw ng Awit. Mabuhay kayo!🙂 / blog.pinkcakebox.com

 

May mga naisulat din namang magagaan, makikita nyo sakaling interesado kayong maghalughog… Ang isang natatandaan kong medyo magaan, ang Kwentong Tabi-tabi, tungkol sa pagkabasag ng mga itlog na binili sa palengke. Isang upuan at tuluy-tuloy lang yaong naisulat. Ang style palang ginaya sa akda, istilo nina salbehe at jojitah. Oo, kanilang panulat ang trying hard na kinopya ko ro’n, haha. Salamat po…  Ba’t sila? Kasi funny, medyo maldita, haha, tapos, may dash ng self-deprecating humor. Siyempre, mas masaya at mas maiksi, kung sila ang magsusulat, hihi. Ayon.😉

 

Maraming-maraming salamat, mga kapatid, sa inyong pagtangkilik, pagbabasa at pagdalaw dito sa site. Your presence is truly appreciated… Thanks for the gift of friendship.🙂

 

Happy holiday and have a fun, long weekend… ^_^

 

36 thoughts on “Parang kailan lang

  1. wuhoo! happy anniversary! 90% lang ang nabasa ko sa post pero nakaka-relate ako sa mga kuru-kuro mo tungkol sa blogging…marami ngang matututunan sa blogging, hindi lang tungkol sa iyong sarili kundi pati na rin tungkol sa ibang tao😀 bago lang ako sa blogging pero ang napansin kong kagandahan dito ay mas nagpapakatotoo tayo sa likod ng mga alyas at avatar natin🙂

    • ahaha, daming salamat, patriot… ang bilis nga, naka-90% ka kaagad.😉 oo, somehow, blogging teaches us tolerance… sabi pala sa librong nabasa ko, honesty raw ang currency sa blogging. mahirap kung tutuusin, but we’re all trying, hihi.

      salamat sa pagdaan, have a great weekend🙂

  2. Maligayang bati SSA!
    Ang isip at damdamin ng tao ay sadyang di mapipigilan. Para itong tubig na kahit pigilan man ay kusang dumadaloy. Minsan sa isang kawalan, nabuhay ang SSA. Dahil nga, sa pamamagitan ng blogging dumadaloy ang mga ideyang minsay kasindalisay ng hangin o kasinlamig ng yelo. Ngunit pasasaan man kusang nagpaparamdam may pumansin man o wala.
    Sa buhay walang permanente, lahat ay natatapos. Ngunit kahit anong landas man ang aking tahakin o ano man ang kahihinatnan ng aking paglalakbay, hindi ko makakalimutan na akoy napaisip at napadama minsan ‘sa saliw ng awit’.

    • Salamat, salamat, June.🙂 sadyang di napipigilan ang pagsusulat? tila tubig o pag-ibig? shaks, ikaw na… sabagay, para sa mga seryosong nagsusulat, parang need talaga ang magsatitik ng damdamin at isipin – parang second nature na yata… ^^

      Ako man ay nagagalak na minsan kang nasagi ng mga panulat dito. ako, natuwa ako sa nakasulat sa About page mo, kung tama ang pagkatanda ko… magsulat ka rin lagi, kapatid. Salamat.🙂

  3. Happy anniversary!!! Yehey!!! Hakhak. Habang tumatagal, mas marami ka pang maidadagdag kung bakit patuloy tayong nagboblog. Saka masaya talaga magblog, kahit na walang sweldo. Hakhak. Enjoy enjoy! Kasabayan pala ito ng kaarawan ni Gat Andres Bonifacio.

    • Ahaha, salamat ng marami, batopik… “Saka masaya talaga magblog, kahit na walang sweldo.” –😉

      Ikaw rin, magsulat ka lagi at maglathala, naman… Oo nga, coincidental yon, as in. Sa pagkaalam ko, mid Nov, nagsulat na ako ng pam-post na articles sa bagong site at nag-reg na sa WP pero di ko lang naintindi agad na maglathala, kainaman na…si andres boni, hatapang hatao? hehehe😉

  4. hi ate! yuhoooo! hahaha..ganda ng dating ko. hapi blogsari po :-** kung meron kang award, ay yung pinakamahabang post of the year at every year yun hehehe. goodluck ate, and more more more blogpost to come hahah. ingat palage🙂

    • hello, kaydee… hala, na-miss kita, kapatid. sana ay nasa maigi ka.🙂 haha, oo, longest post award – hands down, hehehe. every year talaga? hamo, pag nakabisa ko nang magsulat in Filipino, iiksi ang mga ‘yan. ^^ salamat sa well-wishes, ha… sana nga, makapagsulat palage. ingat ka…🙂

  5. Hala hindi ko alam kung hindi ko lang na-post o na-spam na naman ang comment ko. hehhe

    anyway, isa pa! Happy Anniversary sa Sa Saliw ng Awit! Tingnan mo nga naman at konti na lang lalakad na rin yan at hahabul-habulin mo na ( parang bata eh ano)

    Mabuhay at happy blogging Kapatid!

    • hello, hoshi… salamat, kapatid. i checked it sa spam folder, wala… anuman, maraming teynk you sa pagtake ng time at pag-type uli, haha.

      ang cute ng analogy sa toddler, thanks.🙂 sana nga, tumagal pa, gaya ng sites mong stable nang maglakad, tumakbo at tumatalon-talon pa, ahehe. salamat… happy week, happy blogging!🙂

    • hello, kiko… maraming salamat, kapatid. ahehe, ‘lam ko, with emphasis ang word na tumatanda na (coming from you) at nakuha ko, inirereklamo mo ang haba, ahihi. ganto, minsan, maiiksi lang talaga ang posts, hinahabaan ko para i-aggravate ka, hehe… biro lang, thanks, bossing.😉🙂

  6. binabati ko po kayo ng maligayang isang taon ng anibersaryo ng blog nyong SSA!ang tagal kong ndi napadpad (busybusyhan po ang lola nyo) anywayhayway, swak na swak po ang mga linyang “It seems that we blog to locate ourselves amidst the events and apparently, to make sense of it all; to situate ourselves amidst the developments and to know where we stand.”. Ajah at more powers po!hehe

    • hello, Aubu…🙂 glad to see you, long time no long, ahaha. ikaw na ang busy at nag-iipon, gow… ^^

      oo nga, ajah ajah, fighting! ikaw rin, dalasan mo ang posts, basta maisisingit, hihi. salamat, ha …😉

  7. maligayang maligayang anniv sa blog mong ito. Naenjoy ko ang bawat musika at awit na inilathala mo dito at sigurado akong sasabay pa rin ako sa saliw ng awit sa mga darating pang mga panahon.

    Ineexpect ko ngang 10k words ito kasi anniversary . Nabigo ako. wahhahaha.

    Hindi rin siguro ganun kasaya ang blogging kung wala kang mga kaibigan at kakulitan. Buti na lang andiyan kayo .

    lagi ko ng comment to: “eh ano pa bang sasabihin ko sinabi mo na ang lahat.” wahhahah.

    Cheers!

    • hello, bagotilyo… maligayang Pasko sa iyo, kapatid!🙂 salamat sa suporta at sa pag-enjoy kamo sa music dito – kakatuwa… naa-appreciate ko lagi ang iyong dalaw at malolokong comments, haha😉

      nakow, pasensya na, kayhaba pa rin nitong anniv message. wala yata ako sa hulog noong ginawa ‘to… di ba, holiday no’n? gustung-gusto ko nang lumabas at gumala kesa sa magsulat, haha. ‘yon tuloy…mahaba talaga yata ang kinalalabasan pag di alam ang sasabihin at paano…^^

      a, oo. iba pag may nagko-comment sa mga sinulat, may nakaka-appreciate, may nang-aalaska, hihi… buti na lang, andyan ka at ang iba pang ka-blogs na makukulit, hehehe.😉

      mag-post ka na ng bago bago pumasko – whehehe. salamat, bagotilyo.🙂 keep well…

  8. congratulations! na aliw ako sa sinabi mo tungkol sa pagbabago. Oo, pwedeng gumawa ng bagong kwento, bagong himig. Pero napag-isip isipan ko ring hindi naman pareho ang pagkakasulat ng katha. Merong mawawalang mga salita na minsan lang natin na pahiwatig na swak na swak na ating gustong ipamungkahi

    In a sense, we cannot repeat art (shyeeet nawalan na ako ng Tagalog teh, pasensiya). Just like performing on stage – no matter how choreographed or rehearsed, there is a right mood and a right time where we can showcase and depict our piece 🙂

    But change is constant. We make mistakes, and so be it. We just cross our fingers that our re-make or our new creations become more than our prior work, just as we’d like to see our selves grow in our craft and field.

    Continue writing, my fellow blogger!😀

    • ahaha, salamat, Vivien… nakow, some big words yaan from somebody na matagal-tagal na ring iwas sa pagbabago, hehehe.😉 siguro, ang ibig kong sabihin, ang isang bagay o pangyayari ay pwedeng i-render sa iba’t ibang paraan ng isang nilalang na malikhain. yes, tama ka na sa bawat isang attempt, bawat isang rendition, magkaiba, for some reason. art? perspective? ahehe…🙂

      yes, each execution may come out differently each time, as in a stage production. if we’ll look at it deeply, pwedeng ‘yong kamo – mood, atmosphere, timing etc. that may spell out the difference. kahit sa painting, kung titingnang maigi ang replica ng isang gawa, may kaibahan pa rin. kahit pa same painter or artisan ang nag-reproduce ng work…🙂

      ayon lang, mahirap ding ma-imbibe ang attitude ng change, as in…kahit pa para roon sa tila matatapang magsalitang parang lola mo rito, hihihi. may points din when and where, nagiging complacent or paralyzed by fears or inured by habits ang isang nilalang. it seems that in the end, ang comparison nga, sa old works and old selves natin, i think… hindi sa kung ano ang dictates ng times or society. at pag titingnan mo, we just might find ourselves constantly lacking, lol…

      nonetheless, we keep on trying to reinvent our crafts and selves, somehow. in the hope of something and someone better, i guess…🙂 thank you for the support and encouragement. it is your writing, btw, that is youthful, rebellious and full of chutzpah, ahaha. thanks, keep writing, dear🙂

  9. pagbati sa iyo sa saliw ng awit! huli man daw at magaling (ahem), wala lang, ganun pa rin. congrats. hindi na kita sasabihing magpatuloy–dahil mukhang hindi ka naman papipigil sa pagsulat kahit kailan e hahaha.

    • salamat, Ayer… hala, ayos lang. ang mahalaga ay importante, hihi. kumusta ka…🙂

      gano’n? hala, hindi rin… may times ding nanghihinawa, nawawalan ng loob o minsan, nadi-discourage sa online tsismax, ganyan. mahilig akong magsulat kung sa sulat lang. pero blogwriting? medyo tricky rin, ang dami rin ng pitfalls and discouraging events and talks, kumbaga… saka, nakakaba rin ang maraming blogs, ‘no? wala namang bayad, shaks lang, lol.😉

      i hope you are well. salamat sa pagdaan, sa bati at Magandang Pasko sa iyo.🙂

  10. ang mga linyang ito,

    “Sa blogging ko na naipirming kaya ko nga pala kahit paanong magsulat ng iba’t ibang paksa, gamit ay iba’t ibang approaches at sari-saring boses. Dito ko rin naipirming suplada nga pala ako, haha, at medyo spoiled rotten, hihi. Akala ko kasi dati, mabait ako, whehehe. At mapagbigay at magalang, hahaha. Di nga… Ngayon, dahil sa blogging, medyo alam ko nang ang dami ng defects ng personalidad ko, naitatanong ko tuloy kung ano kaya ang logic and motives ng mga kumaibigan sa akin, hahaha. Mahirap namang sabihing simpleng wala silang tastes, hano? O, kaya, mababa ang kanilang standards, hehe. O, di kaya, mahilig sila sa hodge-podge na katauhan, hehe. Weird sila, yon, medyo obvious yon. Feeling nila siguro, kakaiba ang lola nyo. Akala lang nila yon, whehe…”

    naisip ko lang, naiisip mo din kaya ako dito sa mga linya mo? o sumagi man lamang?

    • hello, Cup… ay, hindi po, pasensya naman.🙂 methinks i have enough ego and vanity of my own enough to spread on the grounds without including the angsts of others, whehehe.😉

      o, e, may gan’to ka ring sentimyento, kapatid? parang sabi-sabi naman, mabait ka?😉

      • nais kong sang-ayunan ang mga sabi-sabi, hehe. dama ko rin naman talaga, di ba lahat naman tayo may parte sa ating buhay na may pagka-busilak, hindi nga lamang lubus-lubosan kagaya ng sa akin, but at least mayron pa rin. hmmm. ayon nga sa isa sa aking katha:

        “Sa mga panahon
        Na minsang nahamon
        Ito’y pawang pagtikim
        At di na muling nais maaatim (as much as possible).”

        ayan halaw sa isa sa aking peborit na katha.

        p.s. pinapasabi nga pala ni Cup na ang iyong tinta ay palagi niyang inaabangan sa bawat likha niya.

      • si Cup, sa pagkaalam ko ay bolero at malandi, ahaha. di ko pa alam kung mabait sya – i have yet to find that one out, hihi. malamang, isa lang yon sa obscure urban tales, myths na walang masyadong basehan, hakhak.😉

        tamo, kailangan pang i-drumbeat ditong mayroon daw isang may busilak na kalooban, patatawarin. di nga baga’t kako sa itaas, di madaling bolahin ang lola mo? pasensya naman. Cup is suspect unless proven otherwise, hehehe. happy weekend, kapatid.😉

  11. Happy anniversary Ate San!🙂 Masaya nga talagang magblog, at sa sobrang dami ng bloggers ngayon, I am glad to have found you here! Walang pang-eechos! Haha.

    Pinaka gusto ko to -> “Palagay ko, ang isa sa nagagawa ng blogging ay ipakita sa ating bloggers na unique tayo bilang individual at hindi rin naman.”🙂

    Pero hindi ko pa nakikita yung other side mo na masungit. Haha. Parang hindi naman kasi.😛

    • hello, Rhence… maraming-maraming salamat sa bati.🙂 oo, masayang mai-put into words ang mga iniisip at nararamdaman. tapos, curiously, may mga nagbabasa. hala, mas glad akong nasalubong kita – ang bata mo pa tapos ang husay mong mag-express. partida pa ‘yon, BS ang course mo?😉

      ahaha. talaga? am glad you liked that…

      hala, mataas ang kilay ng lola mo, literally, hihi. basahin mo ang posts na malalalim (as provided above) isang araw na may time ka. mararamdaman mo ro’n ang kasungitan ko, whehehe. thank you for the warm thoughts and best regards, lagi…🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s