Hindi na kita mahal
masaklap ‘tong balita
Hindi na kita mahal
di ko sinasadya.
Hindi na kita mahal
wala na ‘kong tiwala
pagtatangi’y iyong niyapakan
at ipinagsawalang-bahala.
Hindi na kita mahal
kay tagal ko ring naniwala
sa ‘yo’y uusbong ang damdaming
tatapat sa aking pagkalinga.
Β
Hindi na kita mahal
ang hirap na muling tumaya
paggalang at pagmamahal
paglalarua’t dadalhin sa wala.
Hindi na kita mahal
huli ko nang nabatid
ang nais mo lamang, makapanlupig
di alintanang ako’y manlimahid.
Hindi na kita mahal
tama na ang pasakit
pagsuyong walang kapalit
‘sang iglap, iyong iwinaglit.
Hindi na kita mahal
sapat nang minsan ako’y hangal
kung pakatutuusin
bakit ko pa pinatagal?
Hindi na kita mahal
mas masakit sa akin
sa umpisa pa lamang
wala ka nang pagtingin.
Hindi na kita mahal
sinasabi kong nakatunghay
pag-ibig na lubos
sa iba na iaalay.
Hindi na kita mahal
Hindi na.
Basted :((
Hindi mo na siya mahal dahil hindi mo lang natanggap yung pagmamahal na binigay mo sa kanya? Hindi yan. Deep within your heart, siya pa din ang sumasaliw sa iyong puso. Chos!
ahaha, ang dami kong tawa sa reaksyon mo. π lumang-lumang tula lang, kapatid, no relevance sa present. aliw naman at seryoso para sa ‘yow.^^ in fairness, that time na sinulat ko ‘yan, seryoso rin ako, hihi… happy easter! π
Nakakalongkot..pero kelangan bumangon at magsimula ng panibagong pag-ibig..
yes, correct! kung tutuusin, pag dumating sa kaya nang sabihing hindi na mahal ang mahal, very crucial point ‘yon. kung masakit man, liberating din, kumbaga… cheers sa ‘yo! π
Sabi nga sa isang post sa 9gag, Love is like a fart, if you have to force it it’s probably shit. Better na kumawala, kaysa sa ipagpatuloy ang pagtitiis, kasi sayang ang pinagsamahan. Mas maaga, mas maganda.
Have a good day, and I hope hindi mo na talaga siya mahal, hanap ka na ng ibang mahal, hehehe
~akda
hello, akda, salamat sa muling paggawi banda rito… π
ahaha, yes, advocate rin ako nyang walang pilitan sa pag-ibig, ahaha. at may naisulat na rin akong post na ganyan, shaks lang. anyway, matagal na ‘tong tula, hindi recent, e. ^^
sa experience ko, mahirap i-outgrow ang love-love for some reason. at tila hindi na nababawi ang pagpapahalaga at affection na ibinigay mo ro’n sa tao. ang pwede na lang gawin ay tigilan, tigilan ang pangangarap that you’ll be sharing more time with that person. in short, darating sa point na sasabihin mo sa sarili – tama na ang ilusyon, haha. cheers! π
I agree! Parang sugal e. naitaya mo na yung pagmamahal/oras/pagpapahalaga/tiwala sa taong iyon, wala ng bawian. Akala mo naman kung sino akong expert, hahaha. π
π π
“hindi na kita mahal” dami pumapalahaw sa phrase na ‘yan! π
Sa ngayon natagpuan mo na ba ang iyong totoong mahal? *wink *wink * wink… π
ahaha, marami ba? medyo uso? shaks naman… ^_^
hindi pa, e. hindi pa nya ako natatagpuan, hihi. (*wink-wink*) hullow, crazy frog! π
oo naniniwala na ako .. hindi na.
hindi na talaga.
sumisigaw ang bawat salita ng tunay na nararamdaman. ayiiieee π
hihi… aliw pag ikaw ang nagko-comment, bagotilyo. winner lagi! π
shaks, bakit pala parang alam na alam mo? ayiiieee ^_^
makikisawsaw ako, mahal ko pa rin cya. hehe.. mahal na mahal walang pag-aalinlangan.
hala, talaga lang? truly, definitely, absolutely? ^^ kainaman… π hello, cupnoodles!
makikigulo sa usapan.. haha..
at least honest ka.. π
parang gusto kong maniwala na walang pinanggagalingan sa kasalukuyan ang tula mo.. pero parang ayaw ko rin maniwala.. π
ganda ng poem..
nagsusulat din ako ng poem dati.. for some strange reason.. i just stopped.. and the poem i wrote.. i dont have copy kase i gave them to some beloved pipol.. π
please continue to inspire people surrounding you.. or may i say, as i say in my blog, isang mapagpalayang araw sa yo…
hello, kokoy,
hala, paniwalaan mo kung alin ang mabuti sa’yong pakiramdam,hihi… ^_^
salamat at naibigan mo, kapatid. sa totoo, this was written 18 years ago (antagal na). nahalungkat ko last year at ni-revise ko ng kaunti at pinatambay sa drafts folder. ayon…
kung sa ngayon ako magsusulat about unrequited love, baka iba ng konti – mas mature siguro ng bahagya – sa pananaw at sa verses, ‘ika nga… ^^
aba, magsulat ka uli…. ako rin, dito sa pagba-blog ko natagpuan muli ang munting talent sa pagtula-tula, ahaha naman. ikaw rin, inspiring ang blog mo… isang tigib ng sayang hapon sa iyo. regards at salamat sa pagbabalik. π
HUH?
What happened Sis?
Ang Deep Ng Emote ng Akda mo ?!
ahaha, chill, haribon… π
nothing much happened. you might even say that the recent days have been uneventful, haha. hindi ako nabigo sa pag-ibig, if that’s what you mean… ^^
dating-dati ko pa ‘yan naisulat, kapatid. wala akong lovelife so, walang kabiguan of that nature na nagbe-befall sa ‘kin lately, hihi. am fine, salamat po… π ikaw, musta? ^_^
hahahahaha!
nabasa ko nga sa reply mo sa ibang nag koments. di na kasi muna ako nagbasa ng comments… as in super react agad hahahaha
ang buhay buhay nga naman π
about me?
ngayon ko lang na realize ang hirap ng maging “saudi boy” π¦
sa isang banda, ang mga pagbabawal ay sya ring nagiging mitsa upang ang imahinasyon ay mas higit na pagyamanin upang maibsan ang pagkauhaw sa mga bagay-bagay na ipinagkakait.
marahil bahagi parin ito ng pangkalahatang layunin. sa mga bahagi ng pang araw-araw na buhay masasalamin ang aral na nais ipabatid. upang magampanan ang iniatas na pagsubok gaano man ito kaliit o kalaki.
unti-unti at dahan dahan, ang iniatas ay tutupdin upang ang kaalaman at mahikal na karunungan ay makamtan….
the spell had been cast, sis π
oo, napansin ko ngang nag-alala ka, hihi. hindi ako bigo o sawi, ano ka ba? ^^
ikaw na ang saudi boy na yayaman. at saksakan ng sipag, as in…
hala, sana kasing -inspired at kasing-driven mo ako. o, kahit kalahati lang, ahaha. good luck sa work mo at bagong buhay dyaan sa disyerto…
teka, ano ‘yong spell-spell na yaan? ahaha. π
nakaka-relate ako sa kaibigan mo.. dati kase akong Saudi Boy.. π
ah, sa Saudi ka rin pala nag-OFW. at nag-opis at nagturo ka rito sa Pilipinas no’ng nagpamilya na? hehe, tama ba ang reading ko thru your posts? ^^ hope summer’s going fine for you and your loved ones. π
ganduh naman!!!!! =)
π hello sa ‘yow!
hi =)
π cute ng doggie…
hehe thanx
Ang masasabi ko lang ay …..awwwwwwww……hihihi. Pag may matinding damdamin ang isang tao, matindi rin ang dating kapag naisulat ito π
ahaha, tama, kapatid… noong time na isinulat ko ‘yan, palagay ko, masidhi nga ang aking pakiramdam. pero, ang tagal na nyan, e. over na as in, over, hihi. π
salamat sa pagdaan uli at sa awwww! ^_^
Ako, mahal pa kita. paano ba yan? baka pwede namang pag-usapan pa, baka pwede namang madaan sa maboteng usapan hahaha π
ahaha, oo, mahal mo na kung mahal. π ba’t ang tagal mo uli bago naligaw dito? ^^ di ka naman nauwi, kailan ang maboteng usapan… π musta?
hahaha diko makita yong daan pabalik sabi kasi my friend turn left tapos turn right tapos round about kaso wala akong nakitang round about kaya di ako nakaikot tapos yon di na ko nakabalik hahahaha
asus, ang round about ng paliwanag… hala, welcome ka naman dito lagi. ikaw pa – laging makulit ang posts, haha. sya, have a seat … π
“Hindi na kita mahal.”
E pano kung ikaw naman yung biglang minahal ng minahal mo dati na di mo na mahal ngayon? Haha, gulo lang e.
ahaha, paano? hmmn, sa experience ko, matagal na matagal na, ganyan ang nangyari. for quite a while, nagpapansin and making goo-goo eyes ako at him, to no avail. yong isang katabi nya lagi na mas gwapo (haha) ang pumansin sa ‘kin. then, a year later, noong ipinagpalit na ako nitong si wapo sa iba, nanligaw ng pormal si original. walang nangyari, as in… hindi pa ako over do’n sa isa at asar lang ako sa buhay ko – ba’t no’n lang nya ako nakita, ahaha. yan ang wento ko kay singkamas… ei, glad to see you, how’s summer? π
Aww. Madalas talaga nakakabadtrip ang wrong timing e. Nainis ako pareho kay wapo at original, haha.
Anyway, masaya naman ang summer kahit may pasok sa office pero nakaka-miss pa rin yung tipong summer break nung may classes pa.
haha, sadya yatang gano’n… may isang point do’n na gusto ko silang pagbuhulin, haha… si original ay sexy, maganda ang mata at matangkad (varsitarian) – habulin. si wapo naman ay pretty-faced na maganda ang katawan, hihi and younger than me. may mga pagkukulang din ako rito sa huli, medyo naiintindihan ko sya though matagal akong ‘hurt” do’n, haha. ^^
bru, walang summer break pag opis na (sa iskul lang yon) kahit pa beckoning sa ‘yo ang liwanag at ganda ng summer, haha. pasalamat ka na lang at may aircon sa opis at may PC where you can take glimpses of resorts sa ‘yong monitor, haha. miss mo ang LB ‘no? π
Haaay, sayang naman, ano ba yun. Ba’t pinakawalan mo ang tulad nila, este ba’t nila pinakawalan ang isang tulad mo, hehe.
Haha, siyang tunay. Pero babalik naman ako saglit dun para sa grad. Excited na ‘kow, hahaha. Yun nga lang, saglit lang talaga. Tsk, kung pwede lang sanang mag-leave at mag-post-graduate outing with college friends.
Hmnn, let’s put it na we were all young then and didn’t know any better, haha.Kung di kami nagkawalay ni wapo, baka may anak na kami ngayong syang nagba-blog, ahaha. But maybe, things couldn’t have turned out alright for us din. Immature pa kami in many ways. Ayon…^^
Hala, magma-march ang ale ngayong April, ye’y! Congrats na malaki sa ‘yo! Sana ay mailugar nyo pa ang outing. Ahaha, masaya yon… Cheers! π
Di na kita mahal. >.< Charing! π
hihi… π hello, ineng!
Hi! π kamusta po?
ayos naman, salamat. ikaw, ‘musta? π
Ok din. Grabe init! π
Oh, wow ! I’m late for the party !
Wait, I want to translate one stanza. if I may ?
I don;t love you anymore
@___@ What;s masaklap ?
Aaargh , never mind !
That’s a moving on poem, right ? It sounds good reading it. There’s gentle rhythm in it.
hello, renx! nah, you’re only fashionably late, dear… π
masaklap means not good. mal, in Spanish… ^^
hamo, isang araw na di ako gaanong nagkukunwaring busy, haha, ita-translate ko itong pyesa in English…
thanks for appreciating the poem and its rhythm… π i guess its meaning is, my love is wasted on you, ahaha. but it’s probably untrue, hehe. ^^ because every time we attempt to love, we reach out and embrace life with all its consequences, emotional turmoil and all.
thus, it’s not wasted, it just didn’t work out as expected. ayon naman… π
hope your lawn/garden is better now, huh? and so are you. cheers! π
:((
happy face dapat, foobarph. hello! π
ang hirap din sabihin ng katagang ito sa totoong buhay. kahit hindi pa lumabas sa bibig mo pero alam mo yun na ang laman ng iyong puso. sa aking tala, may tao akong naisipan ng ganyan at nag-ukol ako ng 6 years bago ko nasabi ko ito sa sarili ko. nakakapagod din ha para lang sa ilang words. hohohoho.
mabuti pa ang tongue twister
oo nga. tama ka kapatid. i don’t remember na may nasabihan ako ng ganyan ng harapan. mas sa sarili nga lang usually nasasabi, ahaha. ba’t nga ba? kasi yata, saying so wouldn’t change a thing – yong katotohanan na mas minahal mo ‘yong tao kaysa sa minahal ka niya. ahaha, excuse me po… π
sabi nga nila sa isang relationship daw meron MAS nagmamahal at yung mga MAS na yun ang MAS nasasaktan… what to do! kung pwede lang sanang iautomatic na lang ang puso.
hello, Joyo. ice cream ka muna… π
yon nga yata… at its most romantic, ang concept ng love is to outdo the other in loving, haha. ‘yon din yata ang dahilan (love with your utmost and all) ba’t ang sakit pag natatapos or napapatunayang unrequited, hihi. what to do, eh? ^^
ei, basahin mo ang post ditong Lagi Mo Rin Ba Akong Mamahalin? pambawi.. kumusta na bakasyon sa pagba-blog? miss ko na writings mo π
Malungkot magpaaalam pero nakakagaan ng loob magpalaya. Basta natanggap na natin ang mga bagay-bagay at kasalukuyan nating estado, mas magiging masaya tayo. π
True! π hello, allen…
Hi SSA. π
Hindi ko talaga mapigilang maalala ang malupit na isinulat ni Pablo Neruda about sa same subject ng tula mo – Tonight I Can Write. Medyo nalulungkot rin ako kapag nakakabasa ng malungkot sa tula ngunit hindi naman laging saya ang matatamasa natin sa buhay.
Pero sabi nga sa isang kanta: “talagang ganyan ang buhay lagi kang nasasabihan pagka’t ikaw ay bata.” Teka? Parang walang konek ah? Yun kasi ang pumapasok sa isipan ko. Toinks! Haha! π
Siya nga pala, tungkol ba ito sa unrequited love?
ahaha, i remember that poem, Tonight I can write the saddest song, parang ganyan, senga? I think gumawa ako ng sarili kong version nyan one hundred years, err, 18 years ago rin yata. unfortunately, hindi ko na-save ang kopya… :c
doon naman sa dati kong site, gumawa ako ng version ko ng If You Forget Me. ang title naman, Huwag Mong Sabihin. ang message, huwag mong sabihing nalimutan mo na ako, ahihi. hay, Neruda poems, madamdamin at nakakadala lagi… π
unrequited love, mismo! ayiii, that’s life – you live, you love, you learn. or so, we think, hehe… salamat sa comments and have a good week, Allen. π
“thatβs life β you live, you love, you learn. or so, we think” – I like this. Hehe!
Same to you SSA, have a good week. π
“hindi na kita mahal” wow ang heavy makabasa nun, what sad words π but then again kung sa iba maibabaling ang pagibig at makakatanggap din yung sumusulat ng pagibig na nararapat para sa kanya, GOOWWWWW.
natuwa naman ako at napa-comment ka, Mars. π ‘ala, wala sigurong gaanong aalalahanin, matagal nang wala sa perimeters ang subject person nitong tula. lumang komposisyon na ito. masaklap pa rin nga bang makabasa ng gan’to? hah, pasensya naman. π
nakow, matagal na akong nakabakasyon sa larangan ng pag-ibig, ahaha. sa blog ko na lang yata inaalaala ang pakiramdam ng ganyan, hihi. π thanks for your kind thoughts …
Mahaba at malalim na buntung-hininga lamang ang aking magawa.
ahaha, sapat na ‘yon, dear. naka-relate ka ba sa pakiramdam noong nagsulat o sa pakiramdam ng sinulatan? ahaha, ang sama ng ugali… π kumusta ka na? π
Pingback: Mga kwento sa likod ng kwentong tag-araw | sasaliwngawit