Mga kwento sa likod ng kwentong tag-araw

 

Kumusta kayo? Tag-ulan na, mga kapatid…🙂

 

Image of rains falling on a window

Tapos na yata ang tag-init, tag-basa naman/ footage.shutterstock.com

 

Dati, naikwento ko sa inyong may posts akong maymai – may mailagay lang, ahaha. Pero meron pang isa, ang kwentong daya. Daya – ‘yong kwentong singit lang, kunwari lang may sinasabi pero humuhunta lang naman talaga, hihi. Ganitong klase itong meron tayo sa ngayon, pasensya na. Kukwentuhin ko kayo tungkol sa kawalan ko ng kwento nitong huling tag-araw, shaks na ‘yan… Totoo, kakaunti lang ang naisulat ko nitong summer, mapa-blog man o hindi. Ang dahilan, mainit kasi at nahihirapan akong kumuha ng concentration sa pagsusulat. Kaya sa pangkalahatan, naghahabi lang ng kung anu-ano (ang sama ko yata) o kaya, inilathala ko ang mga dati pang nasulat.

Pwede naman, di ba?😉 Paanong gagawin? Kailangang may bagong mailimbag kahit wala namang bagong isisiwalat o naisulat, kainaman.  Kaya ‘yon, may posts pa rin. Parang aktibo pa rin ang site kahit sisiyap-siyap lang naman, hihi. Bibigyan ko kayo ng halimbawa. Para sa buwan ng Marso, ang gusto ko lang talagang sulatin noon ay ang kwento ukol sa lugar ng Mabini sa Maynila. Matagal na ‘yon, buong Pebrero ko pa binalak. Pero hindi ganoon kadali ipinanganak ang komposisyon, medyo matagal kong nilimliman…

 

Samantala, nagsulat muna ako ng tungkol sa Maraming Salita, Lagi mo rin ba akong mamahalin? at Sa mga siwang at pagitan. Fun pieces ang mga ito, for me. Naaliw ako habang sinusulat ko sila – maymai pero wari ko, pwede na. May ilan din namang nagbasang natuwa. Love ang topic ng dalawang huli at sa karanasan ko, napupukaw ang interes ng bloggers-readers sa tuwing iyan ang usapan, hihi. At any rate, ano ang nangyari sa kwentong Mabini? Interesting na lugar – red-light district ng Maynila. Pinilit kong gawing makatarungan ang pagsusulat, as vivid as possible, as exciting, kumbaga. Hayon, hindi siya mabentang kwento, whehehe. Ilan lang ang nag-like, iilan ang nag-comment at mas kakaunti sa karaniwan ang nag-view nito noong linggo kung kailan ito inilathala. Bakit kaya, sa tingin ninyo?🙂

Para sa buwan ng Abril, apat na posts rin ang aking inilimbag – Hindi Na Kita Mahal, Awit at Lipunan, Minsan pa,  sa tag-araw…  at  Saan napunta ang mga pangarap? Hihi, siyempre, nag-react ang ka-blogs sa Hindi Na Kita Mahal. Ang reflex question ng mga tao, sino raw ang aking pinatutungkulan, ang saya lang. O, sya, sasagutin ko, para happy tayo.😉 Para iyon sa isang taong present sa buhay ko 15 to 20 years ago, mga kapatid. Ancient na, archaic and definitely past, sorry naman sa mga gusto akong gawan ng lablayp.😉 Pero natuwa akong marami-rami ang naka-identify sa sentimyento ng unrequited love or love gone sour, kumbaga. Asus,  hindi yata kumukupas ang sama ng loob sa gano’ng sitwasyon, hihi. Lahat yata tayo, dumaan sa ganyan, at one time or another…😉

 

Ang Saan napunta ang mga pangarap? ay sinulat in reaction sa lahok-panulat ni bagotilyo sa isang patimpalak. Na-touch ako sa piyesa niya, kumbaga, at ako ‘tong si manggagaya, gumawa rin ng sariling version, haha. Hindi  malinaw sa akin noon kung ilalathala ko ba ito o hindi at kung sasali rin ba ako sa patimpalak o hindi. Mabilis ko lang yaong nahabi, tatlong araw yata pagkabasa ko ng piyesa ni ka-blog bagotilyo. Iyon ang halimbawa ng komposisyon that seems to have written itself. Gumawa ako ng note kay ka-blog asking him if I should join. Sabi nya, oo. Madali lang nya akong nakumbinsi dahil mutual admiration society kami, hihi. ‘Yon lang, nagkaroon ako ng munting dilemma – paano ang ending ng akdang sanaysay? Mag-iiba kasi pag for public consumption na ang sulatin.

Pinag-isipan kong i-revise ang dulo, gawing mas magaan sana. Gamitan ng play with words para tabasin ang seemingly matalas na conclusion,  para mas marami ang maka-identify at maging feel good ang komposisyon sa pangkalahatan. Ganoon din, huwag mag-full disclosure sa nilalaman tutal, panandalian lang naman marahil ang interes ng marami sa magbabasa. Inisip kong alisin na ang ilang parte ng akda. Baka kasi, sa halip na makadagdag ang ibang impormasyon sa bilang ng mga susunod at magbabasa sa site, makabawas pa, shaks. Iilan-ilan na nga lang sila, maiilang pa…😉

 

Kaya inisip kong palitan ang conclusion. Kumbaga sa kanta, gawing falsetto sa parteng mataas ang pitch. Chances are, ilan lang naman ang posibleng makakahalata, ahaha. Kung itu-tweak ko ng konti, baka nga, marami pa ang matuwa dahil may mga mga sulatin tayong nababasa that make us uncomfortable, ‘ika nga. Mas madalas, hinahangaan natin ang ganoon, pero sa malayo, may distansya. Dangan kasi, inconvenient truths ang laman, mas mabuti nang iwasan para hindi masira ang ating araw, ahaha.

Mahigit tatlong linggo sa drafts folder ang akda, binibisita ko pag minsan para hindi amagin. In the end, I decided to publish the same and to join the contest, isang araw bago ang deadline. Hindi ko binago. Ang napagpasyahan ng kapiranggot kong isip na tila natutunaw sa init noon, iyon ang hinihingi ng patimpalak – bagsik ng panitik. Kailangan, consistent ang logic ng komposisyon, ma-maintain ang pitch – kung crescendo, crescendo through to the end – at dapat ay mai-deliver ang pangakong binitawan ng akda sa panimula ng komposisyon.

Dahil bet ko ang lahok ni bagotilyo at bet raw naman nya ang lahok ko, haha, pustahan kami. E, di, ang saya, talo ang mokong.😉  Sya na ang original, ayaw pang maniwala. Hindi naman sya being falsely modest, sa palagay ko… At that age, posibleng hindi pa ganoon kalalim ang tiwala nya sa sarili in terms of kakayahang magsulat. Sa sariling karanasan, it would take a few more years past that age, bago ako naniwalang ‘Oo, nga, kaya ko naman palang magsulat.‘ Iyon ay kahit nagsusulat na ako noon, noon pa. Ang pinagkatapusan – nanalo sa patimpalak ang piyesa ni bagotilyo boy, ikalawang karangalan, nanalo ako sa pustahan (paalala lang) at higit sa lahat,  alam kong hindi ako nagkamali ng pinagkopyahan, ahaha.😉

 

Para sa buwan ng Mayo, apat rin ang nailathala kong posts  – Kanya-kanyang Kaadikan, Sana ay masaya at maganda ka pa rin, Tinanong Mo Ako Kung Bakit at Eksenang Kalye. Zoom in tayo sa Tinanong Mo Ako Kung Bakit dahil ito ang tila naging kontrobersyal so far, ahaha, sa mga naisulat dito sa Sa Saliw ng Awit. Maraming-maraming salamat sa mga nagbasa, sa mga nag-like at lalo pa, sa mga nag-iwan ng comments. Mabuhay kayo!🙂 Na-shock at na-curious ba kayong may isang tula ukol sa mahapding usapin ng singlehood? Ahaha. At siyempre, ang malaking tanong, para kanino ba ang shaks na tula? Sino ang nagtulak o nag-prompt sa abang blogger (pa-aba epek lang) na magsulat at talakayin ang gano’ng paksa?😉

 

image of a calm sea, cover of Tag-ulan, Tag-araw record by Hajji Alejandro

Payapa ang mga alon sa dagat kapag buwan ng Hunyo/ wn.com

 

Kung tama ang recall ko, lima yata ang bloggers na nakapagtanong na nyan sa akin – “Ba’t ako singol?” May mga nagtanong sa chat, meron sa emails. Sa pangkalahatan, understandable namang matanong ng gano’n, parang ASL lang, hihi. Saka, sweeping lang naman ang pagka-phrase nila ng tanong, parang getting to know you, kumbaga. Maliban sa isa. Lalaking blogger ito, sa email niya ako tinanong at medyo makulit, haha. Sinagot ko na nga sya, as honest as I could muster, may follow-up questions pa, kainaman.😉 Sabi ko noon sa sarili ko, ‘Aba, okey ang mamang ito, pambihira.‘🙂

O, bago umandar ang aktibo nyong imagination (haha), walang namamagitang anuman sa amin nitong si ka-blog, ha? Kulitan lang kami noon, kwentuhan sa emails. Nothing amorous, huwag kayong pasaway, ahaha. Dahil nakulitan ako, nakapagsulat ako no’n ng isang sanaysay, ba’t mo nga ako iniwan? ang pamagat. Inilathala ko ‘to, doon sa lumang (suspended) site. Alam ni ka-blog, ‘yong kakukulit nya ang dahilan ba’t naisulat ‘yon, sinabi ko sa kanya sa email. A woman’s point of view ng isang naiwan ang laman ng akda. Gusto ko sanang gumawa ng isa pang komposisyon na man’s point of view naman, sa usapang iwanan, haha. Hindi ako nagtagumpay, sadly.

 

Sa halip,  naisulat ko noon ang isang tula, Kung sa iyong Pag-iisa ang title (nailathala na rin ito sa dating site, male point of view nga pero di exactly kapareho ng tinatalakay) . Naisulat ko rin noon itong Tinanong Mo Ako Kung Bakit. In short, humigit-kumulang isang taon na itong akda at nailimbag lamang dahil wala akong mailagay na post recently… Sabi ni Ren sa comment, poem of love and despair daw. Heart-wrenching, sabi nya. Sabagay, parang ganoon naman nga, mala- laslas-pulsong saloobin, ahihi…

So, ano’ng punto ko  sa shaks na tula? Na hindi madaling sagutin ang mga tanong ni ka-blog, na it’s like opening old wounds. Na sa tinakbo ng pagkikilanlan at tsikahan namin sa email, may isang antas na wari ko’y nag-intrude siya sa privacy ko. Mas maganda sana, mas ideal, kung hinayaan niyang i-volunteer ko ang mga impormasyong iyon. Ayon. ^^ Anyway… so, ano’ng nangyari? As things would go, magkakaroon kami ng isyu-isyung dalawa. Eventually, mapi-piss off ako sa kanya, ahaha,  sa mga kilos at sabi nya.

 

Anyway, hindi ko naman pa talaga kilala si ka-blog, sa totoo lang, sa comment section at sa emails lang kami nagkakapalitan dati. Sa pagkaalam ko, maraming buwan na siyang hindi nagsusulat ng posts. Sa unang taon ko ng pagba-blog, napansin kong isa siya sa pinakamahuhusay sa pagsusulat at sa paglalarawan. Masisining ang mga komposisyon nya. Kayraming ka-blogs ang dumadalaw at nagko-comment sa mga sulatin nyang malalandi, haha. Parang tease sya – sa creations nya at sa pagkatao rin, possibly. Hula ko lang naman ‘to…🙂

Anyway, ang kwento, binasa nya ang post kong  Saan napunta ang mga Pangarap? at ni-like nya ‘yon. Btw, hindi pa kami bati, open-ended pa ang usaping ‘yon. Wari ko, hindi naman kami saradong ayusin, na isang araw ay mag-uusap uli kami. Pero, napansin kong ni-like nya ang post, something na hindi nya ginawa sa ibang entries sa patimpalak.

Btw, nanalo rin pala ang gaya-gayang komposisyon – pampito. Masarap sanang mag-reklamo at magtungayaw, sabihin sa sponsor na, ‘Kapatid, ano ba ang depinisyon ng panitikan? Ano ba ang ibig sabihin ng mabagsik?‘  Pero, sa kabilang banda, magkakaiba ng pamantayan ang mga nagsusulat at lalo’t higit, ang mga hurado. Kaya, kahit hindi ako magalang na tao (oo, irreverent talaga ako), igagalang ko ang hatol. Nanalo naman ang bet kong lahok ni bagotilyo at ni-like nga ni ka-blog ang aking patimpalak post.

 

Palagay ko,  okey na sa akin. Magagaling ang dalawang ito pareho, mababagsik magsulat.🙂

 

image of a boy playing with a lamp post while raining

Malamig kapag tag-ulan, ginaw na lang ang poproblemahin/ duking.wordpress.com

 

Ahaha, sana ay nakarating kayo sa dulo nitong walang wentang mga wento at sana, nasa maigi ang inyong lagay, mga ka-blog…🙂 Huwag sanang bumaha ng matindi sa mga darating na araw at buwan, susmaryosep.  Maligayang tag-ulan sa ating lahat! ^_^  

 

41 thoughts on “Mga kwento sa likod ng kwentong tag-araw

  1. natuwa ako dun sa falsetto falsetto imbis na birit …
    akmang akma sa pangalan ng blogsite na ito hehe.

    oo na panalo ka na nga sa pustahan..😄

    salamat sa pagtag dito kapatid.

    Sana matuto din ako magsulat … :p

    • ahaha, ‘yon nga, hindi ko finalsetto. haha, e, kung nag-falsetto kaya ako?😉 laki nga ng problema ko, tungkol sa awit ang site tapos, di pa ako nagpi-feature ng tungkol sa kanta, shaks na ‘yan…😉

      aba, siyempre, iki-claim ko ‘yon bago mag-expire.😄

      no problem, you pa?😉

      at sus, may gano’n pang hirit? kainaman!😄😉

    • oo na, ipinagdadamot ang kanyang like, haha. hamo, ipapatanggal ko sa WP happiness engineers, haha.XD btw, sali ka pala sa ptimpalak ni kulisap sa http://kainaman.wordpress.com. today lang ‘yon, kapatid. ^^

      ba’t nga madalang kang mag-post? may iniimbento ka bang bagong info system o iba pang life-changing method?😄 ano kaya ‘yon, method to one’s madness?😉

      stay pretty ka rin, whehehe.🙂

      • pag pinatanggal mo yan.. patatanggal ko lahat ng like mo sa blog ko.. hahahahahaha.

        ang aga mong mag-advice ng isang patimpalak.. as in NOW na.. hahahahahahaha..
        para namang ako ang Diyos ng Sanaysay..

        at bakit ako di nakakapag-post..
        madalas ang isang tatay ay wala ng pribelehiyo ng ibang lalake..
        para bang nagtatago ako sa responsiblidad ngisang ama? sana hindi.. pero iyon ang totoo.
        yun yang painting na ginagawa ko.. inaamag na.. di pa tapos.
        for some reason.. wala akong oras.

        still stay pretty..
        pakiusap wag gamitin ang kataga pabalik sa akin.. hahahahaha..

      • ahaha, mas marami akong ni-like sa post mo, mahihirapan ka/sila, hihi. ^^

        maaga akong mag-advise, as in… ano ‘yon, same day contest talaga, biglaang habi, kumbaga. wala pa rin akong entry, di ko alam kung may maiisip or what pero ang dami ko pang errands, ahaha. good luck na lang (sa ‘kin) at sa ‘yo rin. ^^

        ala, ayaw mo ng salitang pretty? nyehehe.😉

  2. bilib na bilib talaga ako sayo magsulat ate ko, isa ka sa mga hinahangaan kong magsulat idol !! Kahit napaka haba nakakarating pa rin ako sa pinaka dulo huwag nga lang mahuli ng boss ko.. pero kiber ba eh nagbabasa lang naman eh…

    kilala ko ba yung ka blog mo? hihi

    nga pala naantig mo ako dun sa dalawang tula mo yung kung sa iyong pag iisa at tinanong mo ako kung bakit… actually sa sobrang pagka gusto ko dito hiningi ko pa ang bendisyon mo para ma i post ko ito sa fezbook hihi at ayun naantig yata yung ex ko haha nagparamdam that was last year diba? tapos yun tinanong mo ako kung bakit ayun post ko ulit sa notes ko.. binabasa ko paulit ulit.. gusto ko rin magsulat ng tula kaya lang sabog sabog ako magsulat eh ako na ang adik hihi..

  3. ahaha, binasa at tinapos ni sister hanggang dulo. salamat, kapatid! i can’t say the same for my sister, as in… minsan lang syang nagbasa rito, yong tulang Sa Mga Siwang at Pagitan dahil daw in-okray ko si J. Mraz, ahihi… hala, di ka nahuhuli ni bossing? Xd

    kilala mo? hmn…😉

    naks, naantig sya at nabuhay ang lablayp. glad to be of help somehow, lambing. ang galing mo kayang magsulat ng prose? over time, makakagawa ka rin ng mga tula. hindi ka adik, oy… hugs!🙂

      • salamat sa pag imbita. Sa totoo lang hindi ako mahilig sumali sa mga patimpalak pagdating sa pagsulat. Masaya na ako kung ano man ginagawa ko ngayon..Baka sa balang araw,.hihihi..Goodluck po sa iyo gurl.. GO GO GO!😉

    • ano’ng kasagutan ang iniisip mo dyaan, merrystrawberry girl? hehe. wala ‘yon, wala, as in…🙂

      ano at parang ang tunog mo ryan e, para kang nagpu-push ng kung anong batas, shaks lang. i’ll let you know pag meron -i-email kita, as in. happy weekend! shaks, weekend na uli? ^_^

  4. At talaga naman, recap kung recap ng buong summer hahaha! Ako ay sumasaludo kasi suuuuper tiyaga mong gawin ito hehehe.

    At naintriga ako kung sino itetch na ka-blog hahaha!

    • ahaha, halata bang diarrhea of the keyboard, kapatid?😉 sus, parang sabi-sabi ng mga tao, hindi ako matyaga, as in. mainipin daw ako… thing is, in real life, gumagawa ako ng papers na 15 to 20 pages long. haha, ang boring lang.😉

      so, ayon, nandamay lang ‘ata ako ng boredom dito (ang sama ko). hamo na si ka-blog, alam naman nya. saka, di ko naman aim na mang-intriga rito. gusto ko sana, to put an end sa kung ano mang haka-haka, hula-hulang paminsan-minsan ay pumapailanlang sa ere dahil wala lang. minsan lang, bored ang mga tao at feel nilang gawan ng lablayp ang isang ka-blog, haha. ^^ loveless akong tao, naku, kakahiya mang aminin.😉

      hmnn, let it slide, dear. kunwari, ‘ala kang nabasa. hey, regards!😉

  5. Hahaha. ISYU! Parang andaming ideya dito, labo labo lang parang ako hahaha. naalala ko yung tanong mo sa mabini post mo, hakhak. Baka alam na nila yun kaya hindi na nila binasa? Hakhak. At sumasali ka sa mga contest yak ang lloser kong blogger napakadormant hahahaha. hindi man lang kita navote choss pwede ba yun? hakhak. at yung sa loverboy issue mo hahahahaha! wala lang, issyuuuu!!! Hakhak.

    • Hahaha. Nag-comment ka rin pala rito. Ang cool lang…. Hala, wala lang akong mai-post kaya nagkwento na lang ng kung anu-ano, shaks na yan. Oo nga, e, malamang nga alam na ng mga tao ang tungkol sa Mabini, baka ayaw nilang ma-incriminate kaya di nila binasa, haha. Sa stereotype perception kasi, makasalanan ang lugar, hihi… ^^

      Ah, no problem, sinubukan ko rin lang mag-join ng patimpalak uli after more than 20 years na hindi, ahaha. Saka, hindi by voting ‘yon, may judges talaga… Thanks for the offer, though….Ay sus, hindi ko loverboy yon, bru, pramis. Hakhak ka dyan, sabunutan kaya kita – virtual na sabunot, hihi. ^^ Hello sa ‘yo.😉

  6. Pingback: Salamat sa mga sumisilip | sasaliwngawit

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s