Hindi Na Kita Mahal

 

Hindi na kita mahal

masaklap ‘tong balita

Hindi na kita mahal

di ko sinasadya.

 

image of a blue sea from the distance

Sa mga alon ibinubulong ang pahimakas sa pag-ibig/ mobileapples.com

 

Hindi na kita mahal

wala na ‘kong tiwala

pagtatangi’y iyong niyapakan

at ipinagsawalang-bahala.

 

 

Hindi na kita mahal

kay tagal ko ring naniwala

sa ‘yo’y uusbong ang damdaming

tatapat sa aking pagkalinga.

Β 

image of a melancholic girl

Kung minsan ay walang katapat ang pagsuyo/ weheartit.com


Hindi na kita mahal

ang hirap na muling tumaya

paggalang at pagmamahal

paglalarua’t dadalhin sa wala.

 

 

 

Hindi na kita mahal

huli ko nang nabatid

ang nais mo lamang, makapanlupig

di alintanang ako’y manlimahid.

 

Hindi na kita mahal

tama na ang pasakit

pagsuyong walang kapalit

‘sang iglap, iyong iwinaglit.

 

Hindi na kita mahal

sapat nang minsan ako’y hangal

kung pakatutuusin

bakit ko pa pinatagal?

 

Hindi na kita mahal

mas masakit sa akin

sa umpisa pa lamang

wala ka nang pagtingin.

 

Hindi na kita mahal

sinasabi kong nakatunghay

pag-ibig na lubos

sa iba na iaalay.

 

a poster explaining imbalance in love equation

Pagtagal, natutunan din ang aral ukol sa unrequited love/ brucemctague.com

Hindi na kita mahal

Hindi na.

64 thoughts on “Hindi Na Kita Mahal

  1. Basted :((
    Hindi mo na siya mahal dahil hindi mo lang natanggap yung pagmamahal na binigay mo sa kanya? Hindi yan. Deep within your heart, siya pa din ang sumasaliw sa iyong puso. Chos!

    • ahaha, ang dami kong tawa sa reaksyon mo.πŸ˜‰ lumang-lumang tula lang, kapatid, no relevance sa present. aliw naman at seryoso para sa ‘yow.^^ in fairness, that time na sinulat ko ‘yan, seryoso rin ako, hihi… happy easter!πŸ™‚

  2. Sabi nga sa isang post sa 9gag, Love is like a fart, if you have to force it it’s probably shit. Better na kumawala, kaysa sa ipagpatuloy ang pagtitiis, kasi sayang ang pinagsamahan. Mas maaga, mas maganda.
    Have a good day, and I hope hindi mo na talaga siya mahal, hanap ka na ng ibang mahal, hehehe

    ~akda

    • hello, akda, salamat sa muling paggawi banda rito…πŸ™‚

      ahaha, yes, advocate rin ako nyang walang pilitan sa pag-ibig, ahaha. at may naisulat na rin akong post na ganyan, shaks lang. anyway, matagal na ‘tong tula, hindi recent, e. ^^

      sa experience ko, mahirap i-outgrow ang love-love for some reason. at tila hindi na nababawi ang pagpapahalaga at affection na ibinigay mo ro’n sa tao. ang pwede na lang gawin ay tigilan, tigilan ang pangangarap that you’ll be sharing more time with that person. in short, darating sa point na sasabihin mo sa sarili – tama na ang ilusyon, haha. cheers!πŸ™‚

  3. parang gusto kong maniwala na walang pinanggagalingan sa kasalukuyan ang tula mo.. pero parang ayaw ko rin maniwala..πŸ™‚

    ganda ng poem..
    nagsusulat din ako ng poem dati.. for some strange reason.. i just stopped.. and the poem i wrote.. i dont have copy kase i gave them to some beloved pipol..😐

    please continue to inspire people surrounding you.. or may i say, as i say in my blog, isang mapagpalayang araw sa yo…

    • hello, kokoy,

      hala, paniwalaan mo kung alin ang mabuti sa’yong pakiramdam,hihi… ^_^

      salamat at naibigan mo, kapatid. sa totoo, this was written 18 years ago (antagal na). nahalungkat ko last year at ni-revise ko ng kaunti at pinatambay sa drafts folder. ayon…

      kung sa ngayon ako magsusulat about unrequited love, baka iba ng konti – mas mature siguro ng bahagya – sa pananaw at sa verses, ‘ika nga… ^^

      aba, magsulat ka uli…. ako rin, dito sa pagba-blog ko natagpuan muli ang munting talent sa pagtula-tula, ahaha naman. ikaw rin, inspiring ang blog mo… isang tigib ng sayang hapon sa iyo. regards at salamat sa pagbabalik. πŸ™‚

  4. ahaha, chill, haribon…πŸ™‚

    nothing much happened. you might even say that the recent days have been uneventful, haha. hindi ako nabigo sa pag-ibig, if that’s what you mean… ^^

    dating-dati ko pa ‘yan naisulat, kapatid. wala akong lovelife so, walang kabiguan of that nature na nagbe-befall sa ‘kin lately, hihi. am fine, salamat po…πŸ™‚ ikaw, musta? ^_^

  5. hahahahaha!

    nabasa ko nga sa reply mo sa ibang nag koments. di na kasi muna ako nagbasa ng comments… as in super react agad hahahaha

    ang buhay buhay nga namanπŸ™‚

    about me?

    ngayon ko lang na realize ang hirap ng maging “saudi boy”😦

    sa isang banda, ang mga pagbabawal ay sya ring nagiging mitsa upang ang imahinasyon ay mas higit na pagyamanin upang maibsan ang pagkauhaw sa mga bagay-bagay na ipinagkakait.

    marahil bahagi parin ito ng pangkalahatang layunin. sa mga bahagi ng pang araw-araw na buhay masasalamin ang aral na nais ipabatid. upang magampanan ang iniatas na pagsubok gaano man ito kaliit o kalaki.

    unti-unti at dahan dahan, ang iniatas ay tutupdin upang ang kaalaman at mahikal na karunungan ay makamtan….

    the spell had been cast, sisπŸ˜‰

    • oo, napansin ko ngang nag-alala ka, hihi. hindi ako bigo o sawi, ano ka ba? ^^

      ikaw na ang saudi boy na yayaman. at saksakan ng sipag, as in…

      hala, sana kasing -inspired at kasing-driven mo ako. o, kahit kalahati lang, ahaha. good luck sa work mo at bagong buhay dyaan sa disyerto…

      teka, ano ‘yong spell-spell na yaan? ahaha. πŸ™‚

      • ah, sa Saudi ka rin pala nag-OFW. at nag-opis at nagturo ka rito sa Pilipinas no’ng nagpamilya na? hehe, tama ba ang reading ko thru your posts? ^^ hope summer’s going fine for you and your loved ones.πŸ™‚

    • ahaha, tama, kapatid… noong time na isinulat ko ‘yan, palagay ko, masidhi nga ang aking pakiramdam. pero, ang tagal na nyan, e. over na as in, over, hihi.πŸ™‚

      salamat sa pagdaan uli at sa awwww! ^_^

    • ahaha, paano? hmmn, sa experience ko, matagal na matagal na, ganyan ang nangyari. for quite a while, nagpapansin and making goo-goo eyes ako at him, to no avail. yong isang katabi nya lagi na mas gwapo (haha) ang pumansin sa ‘kin. then, a year later, noong ipinagpalit na ako nitong si wapo sa iba, nanligaw ng pormal si original. walang nangyari, as in… hindi pa ako over do’n sa isa at asar lang ako sa buhay ko – ba’t no’n lang nya ako nakita, ahaha. yan ang wento ko kay singkamas… ei, glad to see you, how’s summer?πŸ™‚

  6. Aww. Madalas talaga nakakabadtrip ang wrong timing e. Nainis ako pareho kay wapo at original, haha.

    Anyway, masaya naman ang summer kahit may pasok sa office pero nakaka-miss pa rin yung tipong summer break nung may classes pa.

    • haha, sadya yatang gano’n… may isang point do’n na gusto ko silang pagbuhulin, haha… si original ay sexy, maganda ang mata at matangkad (varsitarian) – habulin. si wapo naman ay pretty-faced na maganda ang katawan, hihi and younger than me. may mga pagkukulang din ako rito sa huli, medyo naiintindihan ko sya though matagal akong ‘hurt” do’n, haha. ^^

      bru, walang summer break pag opis na (sa iskul lang yon) kahit pa beckoning sa ‘yo ang liwanag at ganda ng summer, haha. pasalamat ka na lang at may aircon sa opis at may PC where you can take glimpses of resorts sa ‘yong monitor, haha. miss mo ang LB ‘no?πŸ˜‰

      • Haaay, sayang naman, ano ba yun. Ba’t pinakawalan mo ang tulad nila, este ba’t nila pinakawalan ang isang tulad mo, hehe.

        Haha, siyang tunay. Pero babalik naman ako saglit dun para sa grad. Excited na ‘kow, hahaha. Yun nga lang, saglit lang talaga. Tsk, kung pwede lang sanang mag-leave at mag-post-graduate outing with college friends.

      • Hmnn, let’s put it na we were all young then and didn’t know any better, haha.Kung di kami nagkawalay ni wapo, baka may anak na kami ngayong syang nagba-blog, ahaha. But maybe, things couldn’t have turned out alright for us din. Immature pa kami in many ways. Ayon…^^

        Hala, magma-march ang ale ngayong April, ye’y! Congrats na malaki sa ‘yo! Sana ay mailugar nyo pa ang outing. Ahaha, masaya yon… Cheers!πŸ™‚

  7. Oh, wow ! I’m late for the party !

    Wait, I want to translate one stanza. if I may ?

    I don;t love you anymore
    @___@ What;s masaklap ?

    Aaargh , never mind !

    That’s a moving on poem, right ? It sounds good reading it. There’s gentle rhythm in it.

  8. hello, renx! nah, you’re only fashionably late, dear…πŸ˜‰

    masaklap means not good. mal, in Spanish… ^^

    hamo, isang araw na di ako gaanong nagkukunwaring busy, haha, ita-translate ko itong pyesa in English…

    thanks for appreciating the poem and its rhythm…πŸ™‚ i guess its meaning is, my love is wasted on you, ahaha. but it’s probably untrue, hehe. ^^ because every time we attempt to love, we reach out and embrace life with all its consequences, emotional turmoil and all.
    thus, it’s not wasted, it just didn’t work out as expected. ayon naman…πŸ˜‰

    hope your lawn/garden is better now, huh? and so are you. cheers! πŸ™‚

  9. ang hirap din sabihin ng katagang ito sa totoong buhay. kahit hindi pa lumabas sa bibig mo pero alam mo yun na ang laman ng iyong puso. sa aking tala, may tao akong naisipan ng ganyan at nag-ukol ako ng 6 years bago ko nasabi ko ito sa sarili ko. nakakapagod din ha para lang sa ilang words. hohohoho.
    mabuti pa ang tongue twister

    • oo nga. tama ka kapatid. i don’t remember na may nasabihan ako ng ganyan ng harapan. mas sa sarili nga lang usually nasasabi, ahaha. ba’t nga ba? kasi yata, saying so wouldn’t change a thing – yong katotohanan na mas minahal mo ‘yong tao kaysa sa minahal ka niya. ahaha, excuse me po…πŸ˜‰

  10. sabi nga nila sa isang relationship daw meron MAS nagmamahal at yung mga MAS na yun ang MAS nasasaktan… what to do! kung pwede lang sanang iautomatic na lang ang puso.

  11. hello, Joyo. ice cream ka muna…πŸ˜‰

    yon nga yata… at its most romantic, ang concept ng love is to outdo the other in loving, haha. ‘yon din yata ang dahilan (love with your utmost and all) ba’t ang sakit pag natatapos or napapatunayang unrequited, hihi. what to do, eh? ^^

    ei, basahin mo ang post ditong Lagi Mo Rin Ba Akong Mamahalin? pambawi.. kumusta na bakasyon sa pagba-blog? miss ko na writings moπŸ™‚

  12. Hindi ko talaga mapigilang maalala ang malupit na isinulat ni Pablo Neruda about sa same subject ng tula mo – Tonight I Can Write. Medyo nalulungkot rin ako kapag nakakabasa ng malungkot sa tula ngunit hindi naman laging saya ang matatamasa natin sa buhay.

    Pero sabi nga sa isang kanta: “talagang ganyan ang buhay lagi kang nasasabihan pagka’t ikaw ay bata.” Teka? Parang walang konek ah? Yun kasi ang pumapasok sa isipan ko. Toinks! Haha!πŸ˜€

    Siya nga pala, tungkol ba ito sa unrequited love?

    • ahaha, i remember that poem, Tonight I can write the saddest song, parang ganyan, senga? I think gumawa ako ng sarili kong version nyan one hundred years, err, 18 years ago rin yata. unfortunately, hindi ko na-save ang kopya… :c

      doon naman sa dati kong site, gumawa ako ng version ko ng If You Forget Me. ang title naman, Huwag Mong Sabihin. ang message, huwag mong sabihing nalimutan mo na ako, ahihi. hay, Neruda poems, madamdamin at nakakadala lagi…πŸ™‚

      unrequited love, mismo! ayiii, that’s life – you live, you love, you learn. or so, we think, hehe… salamat sa comments and have a good week, Allen. πŸ™‚

  13. “hindi na kita mahal” wow ang heavy makabasa nun, what sad words😐 but then again kung sa iba maibabaling ang pagibig at makakatanggap din yung sumusulat ng pagibig na nararapat para sa kanya, GOOWWWWW.

    • natuwa naman ako at napa-comment ka, Mars.πŸ™‚ ‘ala, wala sigurong gaanong aalalahanin, matagal nang wala sa perimeters ang subject person nitong tula. lumang komposisyon na ito. masaklap pa rin nga bang makabasa ng gan’to? hah, pasensya naman.πŸ˜‰

      nakow, matagal na akong nakabakasyon sa larangan ng pag-ibig, ahaha. sa blog ko na lang yata inaalaala ang pakiramdam ng ganyan, hihi.πŸ˜‰ thanks for your kind thoughts …

  14. Pingback: Mga kwento sa likod ng kwentong tag-araw | sasaliwngawit

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s