Awit at Lipunan

 

Mainit na pagbati sa inyong lahat! Saksakan ng init…πŸ™‚

 

Isa lang itong singit na post para ipaalam sa inyong magdaragdag ako ng dalawang kategorya sa site. May Kinalaman sa Kanta ang isa, bilang pagsunod at paninindigan sa pangalan nitong bahay, hihi. Tulad ng naikwento ko na dati, wala akong gaanong kwenta pagdating sa kantahan. Hindi kagandahan ang boses ko, ang baba pa. Second voice ako sa choir noong high school. Kumakanta kami noon sa Cathedral kapag weekends, sa plaza kapag may mga pagtitipon sa lungsod at sa school kapag may program. Ayon, masipag ako noong um-attend ng practice at tuwang-tuwa ako pag nagbi-blend ang aming mga boses pag serious mode na, haha.

Ang pagiging choir member ko noon ang isa sa pinakana-enjoy ko sa high school, sunod sa pagiging mabuting member ng Girl Scout, ahaha. Pinaka-hate ko naman ang CAT at ang CMT (officer ako, required sa matatangkad, haha). Anyway, sa pagiging choir member, ang dami kong natutunan – pasensya, kooperasyon at pag-abot sa mahihirap na notes. Kumbaga, doon ko natuklasang ang bagay na mahirap sa umpisa, unti-unti ring nakukuha kapag pinagsumikapan. At ang sarap ng pakiramdam kapag maayos ninyong nai-deliver o nai-render ang piyesa. Tinuruan din kami roon na intindihin ang kahulugan ng kanta para mas ramdam ang pag-awit. Iyon siguro ang ibabahagi ko rito, ang pagsilip sa kahulugan ng ilang piling kanta. Ayon naman…

 

Ang ikalawang kategoryang napagpasyahan kong idagdag ay ang Aralin Natin ang Lipunan. Hindi na siguro ito bago sa inyo, may ilang post na akong nagawang papasok sa kategoryang iyan. Iyon nga lang, pahapyaw lang sa Social Studies ang naging treatment ko sa mga iyon dahil mas ang intensyon ko pa roon ay Β mag-feature ng city sights and sounds, mga paglalarawan ng mga pangitain sa lungsod. Dito sa iniisip ko ngayon, mas magiging marked ang Social Science, haha, bilang pagkilala siguro sa disiplina ko bilang A.B. graduate. Ang magiging itsura malamang noon, gagamitan ng sociological approach, kaunting Philosophy, ilang patak ng Anthropology at bahagya rin ng Economics at Political Science. Ayan, nosebleed na ba agad? Ahaha. Hindi naman…πŸ˜‰

Ang Social Science, para sa mga hindi pamilyar, ay isang disiplinang ang inaaral ay ang lipunan at ang mga taong kabilang dito. Bagaman at hindi siya kasing-eksakto ng tinatawag na hard sciences, mayroon din ritong hinihinging rigour at scientificity, mula sa nilalaman at maging sa pamamaraan o method ng pag-aaral. In short, hindi rin pwedeng tsika lang o opinyon lang o bola-bola lang. May proof ding kailangan. Ang accuracy ng pag-aaral na ito, di kasing-taas ng sa quantitave sciences. Ang paliwanag, kasi, tao ang inaaral at hindi bagay o kaya ay figures kung saan halos lahat ay pwedeng ipirmi o gawing constants. Mas marami ang variables kapag tao, lalo na kapag taong maramihan na. Ayon.

 

Sa ganitong mga karagdagan, mas seseryoso pa ba kaysa sa dati itong site? Ahaha, hindi naman siguro. Pinipilit ko naman laging pagaanin ang paksa – hanggang kaya. Kung iniisip nyong ang bibigat ng mga nabasa nyo na rito, mas mabibigat ang Β pinaghalawan ng mga iyon, mas serious. Medyo kailangan ko ring ibagay ang pagsusulat sa edad ko, karanasang pinagdaanan at mga ideyang naaral na. Gustuhin ko mang magpabata rito, magpaka-delingkwente at light, may hangganan din kung hanggang saan ko pwedeng gawin ‘yon. Isa pa, hindi talaga naka-format itong site bilang talaan lamang ng mga personal na pangyayari sa buhay ko, haha. Hindi kasi ako masyadong interesting na person, haha. Maingay na boring lang, gano’n. Β ^_^

Ganoon pa man, nanalig pa rin akong may dadalaw at magbabasa rito. Maaaring hindi kasing-dami at kasing-dalas kung formatted ito ala-Facebook or Multiply blog. Pero mayroon, haha. Tingin ko, marami pang kulang na online materials na nakasulat sa Tagalog. Isa pa, Β pinipilit kong buuin ang mga ideyang ibinabahagi ko rito, isang pagtatangkang maaaring lumabas na ibang flavor, kumbaga. Sa ngayon kasi, mas marami sa online information ay pira-piraso o fragmented, kung hindi man dala ng outbursts o kaya ay paglalayong makabenta ng produkto o serbisyo. Wala namang masama sa mga nabanggit at pare-pareho namang may lugar ang mga iyan sa internet. Pero sa hula ko, posible pa ring may tumangkilik sa mga sulating gaya ng matatagpuan dito.

 

Ang pagsusulat ay isa sa pinaka-conscious na activity ng tao. Maganda kung spontaneous at creative ang likha, siyempre. Pero kung matagal-tagal na kayong nagba-blog, siguro ay alam nyo na ring lampas dyaan ang hinihingi ng pagsusulat sa blog. May hinihingi itong kalinawan, sinop ng pagkakasalansan at tibay ng istruktura ng likha. Kaya may edit features itong ating blog, may comment section at may kate-kategorya pa. In short, hindi ito laru-laro lang. Higit pa ryan, napansin nyo na rin marahil na mas spontaneous at mas creative lumalabas ang akda kapag gamay ang paksang sinusulat, mas pinaglaanan ng panahon sa post-production at ginawa hindi simpleng para may maihirit lang. Basta, alam nyo ‘to…πŸ˜‰

Marami-rami rin ang effort at dedication na hinihingi ng pagsusulat. Kailangan, pirming magsanay at pirming magbasa para humusay pa lalo ang mga sulatin. Kung depende lang sa mood ang paghabi at pagsusulat at hindi talaga paglalaanan ng oras, hindi rin gaanong aandar ang imahinasyon at kalaunan, ang blogger ay manghihinawa. Kung magkakagano’n, sayang. Ngayon lang kasing blog age nagkaroon ng ganito ka-dynamic na platform para magkausap-usap at magkapalitan ng kuru-kuro ang mga nagsusulat – baguhan man o datihan. At kung tungkol man sa pagdidilig ng halaman kaninang umaga o tungkol sa awit na naulinigan, o, kaya tungkol sa lipunang kaykunat ng pagbabago – ang gusto mo o kong talakayin – dito sa blog iyon ay pwede at kay inam gawin. Ayon naman…

 

Maligayang tag-araw, mga ka-blog!πŸ™‚

 

41 thoughts on “Awit at Lipunan

  1. “…napansin nyo na rin marahil na mas spontaneous at mas creative lumalabas ang akda kapag gamay ang paksang sinusulat, mas pinaglaanan ng panahon sa post-production at ginawa hindi simpleng para may maihirit lang. Basta, alam nyo β€˜to…”

    Haha, these days yata e nagba-blog na lang ako “simpleng para may maihirit lang” dahil, kasi, sapagkat
    “…depende lang sa mood ang paghabi at pagsusulat at hindi talaga paglalaanan ng oras…”

    • haha, pasaway ka, singkamas!πŸ˜‰ magsulat ka na uli ng tuluy-tuloy kasi…. lagot ka, hahalughugin ko ang archives mo, marami akong makikita ro’ng deep, dark secrets, ahaha.^^ happy mainit na Tuesday sa ‘yo!πŸ™‚

  2. Awit at Lipunan? Nakakaaliw naman. Sa choir ka rin pala nung HS. Hehe. Sa school namin, may mass sponsorship ang bawat section every school year kaya at least once e magiging choir at sponsor ang isang section sa mass. Kaya kahit hindi kasali sa choir, walang ligtas ang wala sa tono sa pagkanta. Enjoy ang blending at 2nd voice. Kaso ang problema e lagi akong malapit sa mic kaya pwersadong maglead or melody.

    Never kong naranasan ang CAT. At kung maranasan ko man yun, lagot ako kasi sa tangkad ko e kuba ako. Naalala ko nung nasa elementary pa ako, tumatawa ako dun sa mga frat members ng CAT kasi pinagtitripan ng officers yung mga members. Nung nalaman ng school admin na laganap ang frat sa CAT, naabolish tuloy bago ako tumuntong ng high school. Tapos nung pagtuntong ko ng college e napalitan naman ng NSTP ang ROTC. Hindi ko alam kung mabuti yun o hinde. Parang tree planting vs. soldier training yun e. Mukhang ayaw talaga sakin ng pagsusundalo. Haha!

    Tungkol naman sa lipunan, as much as possible e iiwasan ko ang pagsusulat dun pati na rin about sa religion at pananampalataya. Alam kong eclectic ako at reserved kaya quiet na lang. Mas open pa akong pag-usapan ang love life ko kaysa dun. Partida pa e hindi ako mahilig magshare ng love life sa mga kaibigan ko. Haha! Nalihis ang usapan from lipunan to pag-ibig. Haha! Sa pagsusulat ko nitong comment na to e naalala ko tuloy yung perception sakin ng mga Bisaya kong kaibigan. Taglish daw ang salita ko, hindi Tagalog. Haha!πŸ˜€

    Pasensya na sa mala-nobela kong comment. Siya nga pala, salamat pala sa pagbati sa kaarawan ko. Na-appreciate ko.πŸ™‚

    • Hello, Allen! oo, choir me noong high school, maski parang nilalagaring yero ang boses ko, hihi. pag ako ang pinag-solo sa kanta, haha, nightmare ‘yon, as in… ikaw, maganda siguro ang boses mo, hula ko lang. feeling ko, hehe.πŸ™‚

      ah, oo. several years after naming mag-CAT, na-abolish na nga ang program. hindi ko lang alam kung mas nakabuti o mas nakapag-foster ng spirit of nationalism ang ipinalit, haha. sayang, mukha ka pa namang malaki, ahaha. you would have made a nakakatakot na officer sa CAT or sa ROTC. haha, peace!

      ah, okey lang ‘yong may social science. yon ang larangan ko, e. kaya naman sigurong i-handle ang contentious discussions. hindi naman ako nag-iisip mag-discuss ng religion, medyo tough waters ‘yon, kumbaga.πŸ™‚

      salamat nga sa mahaba mong comment, kapatid. ahaha, ginagawa ko rin ang mala-nobelang comments sa site mo, di ba? ang saya nga…thanks for sharing your experiences and views, ha. happy bday uli at happy summer!πŸ™‚

  3. ayan ate ko mag iiwan ako ng bakasπŸ™‚ Bilib nga ako sayo ang tyaga mo, saka talented ka talaga. Very informative ang iyong blog. Di man ako madalas mapadaan pero tyak ko pag nagbasa ako may naiiwan sa aking aral ayun naman eh.. Ala eh member ka rin pala ng choir noon.. ako din hihi.. saka ang pagkanta ko kahit di kagandahan ang boses kumakanta talaga ako.. pananggal stress ko kase yown lalo naman ang pag ba blog .. medyo emosyonal nga lang akong blogger ahahaha… gusto ko pa matuto mag sulat kasi hilig ko na noon.. ano kaya kung mag blog ka rin ng tungkol sa creative writing ?

    pa kiss na lang mwah! mwah!

    • naku, kakaiba ata ang estilo ng aking pagsusulat, para sa akin kasi naging libangan ko lang ang lugar na ito. subalit, ito’y pinaglalaan ko rin ng oras at panahon at sinisiguro ko din na bawat babasa nito ay (sana nga) mag-enjoy at magkaroon ng tatak sa kanilang puso’t isipan. panghihinayang nga at bakit ngayon ko lang natuklasan ang tambayang ito.

      sa kabilang banda, ikinagagalak ko ang makilala ang mga iniidolo kong blogger dito, darating kaya ang oras na iyon?

      • hello, cupnoodles,

        ei, ayos naman ang istilo mo, ah. kanya-kanya naman ‘yan, wari ko. wala namang sinasabing ganito o ganyang style lang ang pwede. o, kaya, may style na mas katanggap-tanggap over the style of others. sa tingin ko, ha? ^^

        mas ang ipinupunto ko sa post, pag ang framework ng blogger sa pagsusulat ng blog ay parang hiritan lang or kung kailan lang sya may naiisip na kalokohan, doon lang magba-blog, chances are, mas madali syang mananawa. yon… ^^ pero di pa rin bawal ‘yon, hehe, pwede pa rin. hindi nga lang masu-sustain masyado ang readership… ^^

        ei, sa pagkaalam ko, may mga meet ups from time to time na ina-arrange. minsan naman, may workshops, abang ka… tayo, kita tayo minsan sa stop & shop, kain tayo ng lugaw at tokwa, saka coke, hihi… regards sa ‘yow…πŸ™‚

      • lambing!!! hellow sa ‘yow, kapatid. ‘yan naman, pag once a year mag-iwan ng comment, lalagyan ng bola, ahihi…pero, salamat pa rin… aral, gano’n? ahaha, parang ang ibig sabihin, ang serious ng posts ko, di mo ma-feel mag-comment, hihi. ^^ o, basta, happy ako’t nag-iwan ka ng bakas ngayon.πŸ™‚

        choir nga me, dati, ahaha. sorry na lang sila… at ikaw, halata ko pong second nature mo ang magkakanta, miss. sino kaya ang may blog na may sangkatutak na music? ahehe…^^

        maski emotional ang blogs mo, paborito ko sya. hindi sya gaya ng ibang emotional sites na (hehe, hwag na lang). basta, yong sa ‘yo, parang pang-share talaga at nakaka-engganyong basahin, comment-an at tambayan, ahaha.

        ay, wala akong alam sa creative writing na pormal, dear. ‘yong iba siguro, baka may aral talaga sa ganyan, may course or workshop na dinaluhan. ako, wala, e. may konti lang akong alam sa Literature, in general. yown… pa-kiss at hug rin sa ‘yo, na miss kita…πŸ™‚

      • hmmm.. writer na songer pa..

        makikigulo..
        at bakit sa stop n shop kayo kakain ng lugaw at siopao..
        any reason? hhmm.. dahil gamay mo ang Sta. Mesa, o dahil me bottomless lugaw sa may PUP..
        at bakit lugaw? why not cup noodles..πŸ™‚

      • oo nga, ‘no? cupnoodles… malay mo, may times before na andoon ako tapos ando’n ka rin with your friends? posible… dati kasi, pag may emergency o minamadaling i-print, dyan sa may teresa ako nagpapa-print.(bibihira kaming may printer sa bahay, haha).

        malamang nagkita na tayo, hihi. ^_^

      • ahaha, wala naman. nagkataon lang na nag-aral at tumira si cupnoodles doon dati. tapos, pamilyar naman ako sa lugar.

        paminsan-minsan lang ako maglugaw, katunayan. cupnoodles, okey lang pero di rin madalas. haha, kanin girl ako.πŸ˜‰ pero ‘yong tokwa, mahilig ako dyan, ahaha. maski three times a week. yown!πŸ™‚

      • @cupnoodles.. let the singer writer.. explain.. hahahahaha.. wala lang..
        isang mapagpalayang araw sainyong dalawa.πŸ™‚

      • Magandang araw, Tsinelas! Ala pa naman, di ako masyadong songer – mahilig lang makinig at makisabay, pramis. Mahilig ako sa songs ng 80s – madamdamin ang lyrics at melodious ang tunog, hehe.^^

        Btw, ikinuwento ko ‘yan sa January posts ko –
        6-part series yata ‘yon, from the post Kwentong Ligaw to Pag-awit, Pagsusulat at Pagmamahal, yon… do’n bale ang awit & me, haha. Cheers!:)

  4. Hallo! Magaganda pala ang boses ng mga narito.πŸ™‚ medyo naligaw lang po ang boses palaka.
    Aabangan ko ang bagong paraan ng pagsusulat mo. Mukhang interesting at siksik sa nilalaman. Babasahin ko na lang ‘yung gagawin mo ha. MedyoΒ “nosebleed” nga aabutin ko kung susubukan ko =)). Bara-bara pa naman ang blog ko:) “Bahala na si batman” parang ganoon ang mga sinulat ko.πŸ™‚
    See u around…πŸ™‚

  5. mabuhay sa iyong mga bagong pages. i’ll try my very best na mabisita ang mga yan sa aking blog hopping mode.

    dati naisip ko rin na mag-audition sa choir kaso alam ko hindi kakayanin ng sched ko chuz. (kunwari dahil talagang mas marami akong nood at laro before, hohohoh).

    ako rin ayaw ko ng cat, pahirap sa high school life ko yan. napapagastos at kunwari nagpapa-tweetums ako sa mga officer wag lang mapag-initan. hehehehe

    • hello, hoshi. salamat sa pagdaan at sa suporta, kapatid. ah, di sila bagong pages, bagong categories lang (may launch pa, hehe)…

      hala, ba’t di ka nag-choir? sayang, they must have missed a lot not having your around, girl. music-minded ka pa naman… ^^

      ayon, ikaw pala ‘yong nagpapa-cute sa officers, kainaman. hala, squat!πŸ˜‰ thanks for dropping by….

  6. Napaisip tuloy ako. Haha! kase naman ang blog ko kung anu-ano lang. depende sa panahon. mahirap din kaseng mag-isip kung talagang flat na katawan mo. Never ko din kaseng inisip na dapat may theme o kaya dapat na linya ng topic ang iba-blog. excuses! excuses! ahahaha!

    Pero tulad ng dati, magbabasa parin ako magcocomment man o wala.

    hello ate.

    • Hello, Ani,

      Ahaha, napababa ang backpack ng isang ale. Kumusta ang ‘yong byahe-byahe? Ikaw na ang pa-travel-travel, hihi… Hwag kang mag-alala, kahit spurs of the moment lang ang posts mo, mabibigat, philosophical at creative na. Paano pa kaya pag themed na? haha… ^^

      Nakita ko na ang coffee paintings mong may kulay na di lang brown, ahaha. Babalik ako ro’n para sa comment. Salamat sa pagdaan at sa bakas.Happy summer!πŸ™‚

  7. Magandang araw!

    Masarap mag-blog ng tipong pinag-iisipan. At sang-ayon ako doon sa talagang mas maganda ang resulta kapag gamay ng may-akda ang paksa, tulad na lang sa mga posts mo dito, hindi ko nga alam kung talagang inaaral mo ng bongga ang isang lugar o talagang marami ka lang talagang alam ala Kuya Kim Atienza. Paborito ko dito yung sa Sta. Mesa. Lagi kasi akong takot doon, pero sa pagkakasanaysay mo, para bang marami pang maaaring tuklasin sa Sta. Mesa at pati na rin sa iba pang lugar. Karamihan ng posts ko personal opinion, matrabaho kasi ang pagcheck ng facts, hahaha. Go go go!

    Naks, choir! Ako nung elem lang, nag-quit ako kasi isinalang ako sa harap ng choir e dati lagi ako sa likod, natakot ako sa dami ng tao, tapos tagaktak pawis ko at hindi na makakanta ng maayos sa sobrang kaba dahil nasa harap ako ng group namin. Tapos the end, ayoko na. Hahahaha! At naalala ko noon, grade 5 ata ako noon pinasabi ng paulit-ulit sa amin yung supercalifragilisticexpialidocious bago kami magsimulang kumanta ng Rudolf The Red-Nosed ReindeerπŸ™‚

    • Magandang gabi sa ‘yo, Athina!

      Hey, alam mo bang nag-aalala na ako kasi di ko makita ang kaybago mo pa namang site na na-like ko ang theme at format kaysa sa dati? Ayan, maigi’t nagparamdam ka na, nakita ko na rin ang nagpalit-balat mong bahay, ahihi. Glad you’re still much around.πŸ™‚

      Ahaha, wala akong research team gaya ni Kuya Kim… ^^ Hala, hindi ko inaaral ang isang lugar para gawing post, kapatid. So far, yong mga naisulat ko na, nasa post mismo kung paano at bakit naisipang isulat yaon, haha. Naligaw o napadpad ako ro’n ng di sinasadya (ganyan ka-absent-minded ang lola mo). But the thing is, dati ko na silang napuntahan o nadadaanan. May certain familiarity na sa lugar, kumbaga. Yon…

      Hala, share ako about the Sta. Mesa post. Isa iyon sa nagustuhan ko sa naisulat na rito… Dalawa lang ang fact-checking na ginawa – kung saan ang umpisa at dulo ng Old Sta. Mesa St. at ang pangalan ng kalye ng Unciano College. Gano’n mismo ang nangyari – nakasakay sa dyip, ma-traffic kaya bumaba ako sa V.Mapa para mag-abang ng taxi para di ma-late sa appt. Walang taxi, kaya naglakad ako sa may motel-motel, haha. Since di na aabot sa pupuntahan, what I did was to sit in a carinderia (sa may photography studio) at inumpisahan kong isulat ang post. Di rin akalain na gano’n karami ang mari-recall ko about the place…

      At that time, ang gusto kong isulat ay ang Nakpil St. sa Maynila, ang lugar ng street parties noong 90s. Nadaanan ko sya noong January, no’ng ni-renew ko ang passport… Hayon, until now, di ko pa sya nabubuo, nililimliman pa rin… Actually, the post about Mabini St., balak kong doon idugtong ang susulatin pang Nakpil post.

      A, sa akin, ang fact-checking, after ko nang maisulat ang draft. Sulat lang muna, tapos pag nai-type na, saka ako magtsi-check ng facts – kung may sense or logic ba ang pinagsusulat, haha. ^^

      Ang ganda ng kwentong choir mo, aliw na aliw ako. Nai-imagine ko inis mo. ^^ Mala-nobela ‘tong sagot ko sa yong comment, sana di ka ma-discourage mag-comment uli. Glad you dropped by, Akda. Happy summer!πŸ˜‰

  8. pagdating sa kantahan na ang tema, isa lang alam ko dyan…. ang walang kamatayang “my way” harharharπŸ˜›

    pagdating sa CAT at ROTC…. CAT? kelan pa ba yun di ko na matandaan hahahahaha
    sa ROTC naman, mga ilan sa vivid memories ko lang yung live firing ng M16 sa fort bonifacio… pila pila kami nakadapa at ng putukan na napaso ako sa leeg dahil sa talsik ng basyo ng katabi ko. isa pa, sa dami ko naman absent, pinambabayad ko sa absent ay ang blood letting pag may red cross week. isang 500ml na dugo kapalit apat na absent hahahaha!

    ang buhay nga naman noon…. ano na ba meron ngayon?

    • hello, haribon! tropang mywei ka pala…πŸ˜‰

      bakit gano’n, pag nagkukwento ang mga tao about ROTC, tungkol madalas sa misadventure, kalokohan at pag-absent? saka, kwentong bayad – paano nagbayad para makalusot at maka-graduate sa RO… kainaman na… ^^

      mainit, masakit sa balat ang singaw ng hangin, nakakainit ng ulo, ahaha.πŸ™‚

      • old school mentality na kasi yang ROTC. dati kasi compulsary lahat umatend at exception lang ay may medical conditions at clearance.

        ano ba meaning ng ROTC? Reserve Officers Training Course… meaning pag nakatapos nyan nakalinya sa roster ng reserve officers at pwede maging opisyal kung sakali magka digmaan.

        Despite na compulsory course, sino ba naman sa mga graduates and gusto actively maisalang sa digmaan? malamang less than 10% lang! Di na kasama dyan yung mga ROTC officers kasi sila mismo ginusto nila yan. Well, kung magkaroon man ng digmaan, gaya ngayon maiinit usapin sa west philippine sea… ang mga tao naman may free will na to join or just go out of the country. Gaano pa ba kalalim ang nationalism ng mga pinoy? imagine madami na mismo sa pinoy ay CHINOY!! so papano yang digmaan na yan mismong sa loob ng pinas mayron mabuong rift? another subject matter yan for you sis, baka may time ka i-tackleπŸ˜‰

        So yun nga, sa kagaya namin na pangkaraniwang mamamayan lang, na wala balak mag military pero dahil nga sa compulsory, eh tatapusin na lang ang 2 yrs course by hook or by crook ika nga.

        So dun na papasok ang sari-saring paraan kung papaano mapapagaan ang buhay ROTC.

        yun na!πŸ™‚

      • hello, H.I.! hala, di naman ako nag-R.O., paano ba ‘yan? hihi.. pero parang sa dinig ko, noong meron pa nga nyang program, ganyan ang sentiment ng karamihan – hindi nila feel magsanay para maging reserve officers sakaling magka-gera. kaya ayon, marami noon ay napipilitan lang at ang iba pa nga ay nagsusuhol sa commander (sabi-sabi) para makapasa lang sa requirement, sus. ^^

        paano ba? kasi, kamo nga, depende ‘yan sa perception ng mga mamamayan ng kanilang patriotic duties, ika nga. tapos, depende rin sa gobyerno, kung paano nila ini-inculcate sa citizens ang duty to defend their country. may countries, like Israel, pati babae, required na mag-military training for two years, ingrained sa kukote nila ang military preparedness, ayon…

        sa atin, hmnn…sabi mo nga, depende ‘yan sa pakiramdam ng mga tao if they align themselves sa cause ng kanilang bansa and feel nilang they have enough stakes to defend their country of birth. siguro nga, with the option to go abroad, naiba na rin ang perception ng mga tao as to the worthiness of risking one’s life and limbs for his country… ^^πŸ™‚

    • hey, ilang degrees ba dyan? hindi na nga makatarungan ang init dito, hwag mo nang dagdagan, kapatid. dyan yata, aircon lahat ng structures – gano’n nga ba, saudi boy?

      regards sa ‘yow!πŸ™‚

      • ang totoo nyan sis, nakakaputi pa nga dito. kasi halos 22~23hours per day nasa aircon (bahay, sasakyan, opis, sasakyan, bahay). yung natirang 1~2 hour yan yung lalabas ka “in between” outside the comfort of aircon.

        well, exception dyan yung mga workers na walang choice kundi mag bilad sa araw like construction workers, etc.

        sa ngayon nag uumpisa palang uminit, max 36 degrees palang pero pag dating ng peak summer.. normal na ang 45 degrees or above.

      • ayon, di lumabas din, haha… mas nagdurusa kami sa init dito sa tropical na bansa kesa dyan sa disyertong mainit nga pero nasa aircon naman lagi, ahaha. what to do, eh? ^^

        madalas na ritong mag-37 degrees, kapatid. ayon, nakakaitim ng mukha, ahaha. nakakainit din ng ulo, walang masyadong magawa. paglabas mo ng aircon’d room, ang init ng singaw! sa lugar na may aircon naman, di na maramdaman ang lamig, haha. kainaman.

        kakaunti naman ang lugar na may centralized aircon dito, di ba… ayon. :c

  9. Wala pa man ay excited na ako!πŸ™‚

    Sa katotohanan, pangarap ko noon ang maging miyembro ng choir, kaso lang hindi ako pinapayagan ni mother nature ko na sumali sa extra curricular activities.. haha! Ibig ko palang sabihin, yung not affiliated sa school. haha! dakilang girl scout din kasi ako.. oh diba!

    hanggang sa ngayon pangarap ko pa rin ang maging miyembro ng choir. mas mainam kasi para sa akin ang umawit ng papuri para sa kanya. Mas worthwhile ‘yon kumpara sa mga subok kong maging kaisa ng alternative band.

    Ang musika ay ang dugo ko. Dumadaloy sya sa katawan ko. HAHA! yun nga lang, secret ko lang ‘yon sa iba haha. No pressure ika ngaπŸ˜€

    At ang social science, apir! Noon ako ay isang magiting na magaaral pa, paborito ko rin yan. Masarap din makialam paminsan minsan!πŸ™‚

    Summer na summer na ‘no. Init sobraaaaa. hehe.

    Happy Wednesday!πŸ™‚

    • Hello, sister marystrawberry!πŸ™‚ alam mo bang kumakain ako ngayon ng strawberry, di nga, merong galing Baguio, ahaha. malamig sa bibig, as in…

      masarap mag-choir, ang sarap ng feeling pag naaayos nyo na ang tono, tonong nag-umpisang ewan, ahihi. hindi ko sinubukang mag-banda, di ko yata naisip. di kaya ng powers ng lola mo, hihi. may mga barkada pala akong nag-banda banda rin…^^

      ba’t pala di mo itinuloy ang banda-banda? naman… anyway, pwede ka pang mag-choir ngayon… usually sa parish may ganyan, e. try mo kaya?πŸ˜‰

      ay, salamat at may mag-aabang. shaks, kinabahan tuloy ako bigla. ^_^ hah, OA ang init, as in… Have a happy Thursday, dear. glad you dropped by πŸ™‚

      • HAHA enge naman ng strawberries! pakibato over the internet?πŸ˜€

        Gustuhin ko man, hindi kaya ng schedule ko. Hapit na hapit eh haha! Pero sa banyo naman namin kahit papano, nagagawan ko ng paraan LOL.

        Medyo maulan na rin naman, pero biglang iinit na naman. HAHA Ilang tikbalang kaya ang ikinasal?

        ^^

  10. Pingback: Mga kwento sa likod ng kwentong tag-araw | sasaliwngawit

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s