Kanya-kanyang Kaadikan

 

Hello, mga kapatid! ๐Ÿ™‚

 

Ang init pa rin, ano? Pero, tatlo o apat na beses na yatang nakaulan ngayong May. Iyong ulang tipong alangan kung papatak o hindi, ‘yong ulang bago bumuhos ay iinit muna ng kai-kainaman at iyong ulang pagkatapos ay sobrang mainit pa rin, haha. ๐Ÿ˜‰ Pero, at least, umuulan na. Kaysa sa naman noong April, para lang tayong piniprito, basta nasa lugar na walang air-con, hihi…

 

Image of the supermoon on May 06, 2012

Kakaiba ang liwanag at laki ng buwan noong ika-6 ng Mayo, 2012

Teka nga pala, napansin nyo ang buwan noong isang gabi, nitong nagdaang weekend? Kamakalawa at saka kagabi, parang kakaiba ang full moon, ano? Masyadong expressive ang buwan, ang laki-laki at talagang ini-illuminate nito ang bawat matabihang gusali o puno. Parang ang ganda-gandang i-shoot. Sana, maraming cinematographers ang nag-video at kumuha ng larawan nito. Iyon ang itsura ng buwang magandang maipakita sa mga sine, hindi nga…^^

 

Anyway, dahil nalungkot yata ang marami sa inyo sa huli kong post, poste-postehan muna tayo ngayon, ha? Magaan lang muna para swertehin tayo lahat sa pagpasok ng Mayo. Think positive para naman tumama tayo kahit three-digits lang sa lotto, ahaha. Saka, ano, month na ni Mama Mary, alayan na ng bulaklak sa probinsya. Naku, masaya ‘yon. Iyon ang isa sa inaabangan kong season noong maliit pa ako. Peyborit ko ‘yong mga hapong namamaybay kami ng bakuran ng may bakuran para mamitas ng mga bulaklak na iaalay sa gabi, sa Flores de Mayo. So, positive tayo para katuwaan tayo ni Mama Mary. ๐Ÿ˜‰

 

Kung kaya, ang paksa natin ngayon ay mga prutas pag summer. Hindi kasali ang sampalok, ha? Alam ko, marami sa inyo ay tulad ko ring maraming kakilalang mga adik sa sampalok. Iyong tipong may mga sampalok na nakatago sa drawer ng desk, yong tipong kahit maraming dapat ginagawa ay magpapaalam papunta sa canteen para isingit ang pagbili ng minatamis na sampalok (na medyo maasim naman) at ‘yong tipong mga kasamahang ihinihinto ang mga trabaho’t gagawin para magkumpulan at magkainan ng sampalok. Ang aadik lang, di ba? Oo, gano’n sila… Hindi sila ang topic natin ngayon, mga kapatid. Isa pa, sa pagkaalam ko, hindi summer ang panahong mabunga ang mga sampalok, ibang buwan. Ayon…

 

image of mangoes sold in a Philippine market in the South

Pag tag-araw, tag-mangga rin/ blog.travelpod.com

Kaya, doon tayo sa topic na mangga. Siyempre, maraming mangga pag summer. Pagpasok natin sa supermarket, bulaga! May bunton ng mga hinog na manggang nakapatas ng pagkaganda-ganda, sa may bungad pa lang. Naghe-hello na agad sa atin. Tapos, may mga berdeng mangga rin, para sa mga may gustong sa supermarket pa bibili ng hilaw na mangga, maski mas mahal. Pag sa palengke naman, mas lalo na, ang dami roon – bawat sulok yata, may tindang mangga. Maski nagtitinda ng isda, may mangga sa tabi, kainaman. Mas lalo na ‘yong mga nagtitinda ng damit at tela, may tinda ring mangga, ahaha. Tapos, siyempre, yong fruit stands, yong mga stalls o pwestong mga prutas talaga ang itinitinda. Kerami-raming manggang naka-display doon pag ganitong season. Minsan, mas marami pa sa mga saging, as in… At isa pa, paglabas natin ng palengke, sus, sunud-sunod ang mga karitong puro mangga ang laman. Lalo na ‘yong Indian mangoes? Naku, bumabaha niyan pag ganitong panahon…

 

image of ripe, sweet mango

Kasama ito madalas sa piknik pag tag-araw/ angela-akademika.blogspot.com

Siyempre, pag summer, uso ang piknik at salu-salo sa mga Pinoy. Hindi naman halos nawawala ang mangga pag ganoon. May mga manggang hinog agad na nakalagay sa basket, panghimagas pagkakain ng adobo, inihaw na tilapia at pansit, ahaha. Tapos, magvi-videoke. Kantahan na, magkasakitan na ang magkakasakitan, hihi. Iyong iba, dive agad, swimming na walang patumangga, walang pakialam kung mangitim o ano. Tapos, maya-maya, medyo magugutom na uli ang mga tao, maghahalungkat na ng tsitserya at kakanin. Tapos, naturalmente, may nagdala rin ng dyaran! hilaw na mangga! Ayon ang babalatan ng sunud-sunod at siyempre pa, papalibutan ng lahat. Damputan na. Kawawa ang tagapagbalat, hindi makakain…

 

So, ayon, doon na tayo sa pangunahing paksa natin. Ano ba talaga ang magandang sawsawan ng mangga?ย Saan dapat i-terno ang manggang hilaw para ma-achieve ang pinaka-to-die-for moment sa pagkain nito?ย Alam ko,ย may kanya-kanyang kaadikanย ang mga Pinoy pagdating dyan. Kanya-kanyang panlasa, kanya-kanyang hilig at kanya-kanyang ka-weirduhan, hindi nga… Sa iisang pamilya, may at least tatlong sawsawan ng manggang kailangang ihanda, pramis. Pwedeng magkasundo sa ibang bagay pero sa sawsawan, hindi. Isa-isahin natin, pili kayo kung alin ang trip nyo, haha —

 

1. Asin lang.

2. Asin at toyo.

3. Asin, toyo at siling labuyo.

4. Asukal na brown.

5. Asin at asukal na brown.

6. Patis at kalamansi (parang sa sinigang lang, haha)

7. Asukal at kalamansi (oo, pramis, merong ganito ang trip)

8. Iodized, refined salt lang (hindi naabutan ang rock salt)

9. Bagoong na isda, hilaw.

10. Bagoong na isdang hilaw at may sili.

11. Bagoong na alamang, hilaw.

12. Bagoong na alamang, ginisang maraming sili.

13. Bagoong na nakabote lang, mabibili sa supermarket.

 

image of sliced mango and shrimp paste

Karaniwang sa bagoong na alamang isinawsaw ang hilaw na mangga/ energychef.blogspot.com

 

Alam ko, hindi kumpleto ang listahang ito. Marami pang ibang kombinasyon. Marami pang mga taong kakaiba ang panlasa pagdating sa sawsawan ng mangga. Tanging ang nanay, BFF o asawa lang nila ang makakaintindi no’n, haha. Ang isa sa medyo naa-artehan ako ay iyong mga ayaw kumain ng mangga kapag hindi ang Nanay o Ate nila ang nag-prepare ng sawsawan… Spoiled, gano’n? ๐Ÿ˜‰ Aba, e, kung gusto nyong ma-miss out ang pagkain at pakikipag-agawan ng mangga pag summer, e, di, gowww! Iba kaya ang lasa ng manggang pinag-aagawan kaysa sa doon sa manggang ino-order nyo pag kakain kayo sa restaurant? Iba, try nyo, as in… ๐Ÿ˜‰

 

Image of singkamas bunches

Babalatan, hihiwain at palalamigin, bago lagyan ng asin at pigaan ng kalamansi/ article.wn.com

Anyway, ang kwentong summer ko sa inyo, meron akong bagong nadiskubreng masarap. Siguro, ang iba sa inyo, alam na ito. Pero sa ‘kin, bago lang. Alam nyo ‘yong binalatan at sliced na singkamas na pinalamig ng bahagya bago i-serve? O, di ba, ang sarap no’n pag ganitong tag-init? Lalo pa kung iyong singkamas ay hindi sobrang sariwa kundi medyo magulang na, naku! Ayon, mas masarap pala ‘yon kung ang sawsawan ay hindi asin lang. Ano? Asin at kalamansi, yes! Bale, bubudburan ng konting asin saka pipigaan ng kalamansi. Subukan nyo, the best ‘yon, pramis…ย Happy eating on the month of May! ๐Ÿ˜‰