Samu’t sari

 

Hello, ka-blogs… Marami-rami ang nagvi-view ng Kahoy na Panggatong sa dpsa, sa di malamang dahilan, hoho. So, isang gabi, pinalitan ko ang limang naburang attached pics sa post. Nahiya na ako sa mga sumisilip, slight lang, hihi…πŸ™‚

 

Image of the book cover of Twilight: breaking dawn

Pabalat ng aklat na Twilight: breaking dawn/ http://www.recipechatter. com

 

E, di, go… Sa ‘kin pala, seryosong gawain ang paglalagay ng pics sa post, pasensya na… Parang gan’to, ang isinulat ng 10 minutes, about 1 hour to 1 and 1/2 ang allotted time sa paghahanap ng angkop na larawan, ganyan ka-ewan…

 

Isa sa mga hinanap, tungkol sa madaling-araw sa liblib na lugar sa Pilipinas. E, di, hanap hanap… Search words: break of dawn in rural Philippines images.Β Ay, tumambad kanyo sa ‘kin – sangkatutak na pics nina Edward and Bella. Hihi, ang saya-saya…πŸ˜‰

 

 

Nais ko nga palang pasalamatan ang ka-blogs na nagbi-view ng post na Maraming Salita. Opo, aliw naman at marami ang naku-curious, ano ang pinagsasabi ro’n, hihi… Yon lang, medyo geeky and boring na article yown, haha. Alam nyo, bakit? Snatches kasi yaon ng usapan namin ni geek friend, more than 10 years ago… Yong kaibigang may Ph.D. sa Economics na mahilig sa Linguistics? Oo, ganyan ka-ewan ang mga usapan namin, patatawarin.

Anyway, tuwa at grateful pa rin ako, bakit something na academic-sounding, nasisilip at napag-abalahang basahin ng ka-blogs… Pero, gan’to, sa post na Ngiti sa dpsa, doon yata in-illustrate (naks), gaano ka-elaborate, ka-metikoloso sa salita ang mga taga-amin… Doon sinubukang ipakita gaano sila (hihi, sila lang) ka-irritatingly precise sa paggamit ng mga salita, haha. Nag-iisip no’n ng pag-ibig series, medyo sociological ang approach… So, kinailangang tumawid at alalahanin – paano attempts lumandi, nang 16 to 18 years old pa lang, harhar… Shaks na yan…πŸ˜‰

 

Paningit, ka-blogs… Dalawa aking cellphones (uu, do’n pa me sa ligang yon), isang bago-bago at isang luma pa, ahaha. Sa pareho, nagpi-picture-picture, kahit paano, whehe… Yon pala, halos lahat ng laman, pics ng ulap, whehe. Maraming sunset pics… Di ko alam, pero, feeling ko, mauubos na memory ng kaselpunan sa dami ng ulap na nakalagay. Di ako marunong maglipat sa PC, kainaman na… Kayo, maalam paano?πŸ™‚

 

Image of sunset at Canyon Cove, Nasugbu

Mga ganitong pagtatangka ang nasa cellphone, whehe/ http://www.pinoyphotography.org

 

Nagpi-play kami ni apo (apo sa pamangkin) noong Friday night, around midnight na yata. Nakahiga na at gumagawa na ng tulog noon si Ate (totoo nyang lola). Andoon din kaming dalawa sa kama… Kumuha si apo ng food sa plastic storage box. Ferrero na parang wafer sa tingin ko ang laman (no’n lang ako nakakita no’n). Nang binuksan nya, bread sticks pala ang laman, coated ng chocolate. Oks, food, hehe… Kumain sya, nakikain na rin ako, hihi. Masarap, actually…

We were eating in silence. Nagmulat si Ate ng mata. Huli! Nagalit… Nagratatat, hahaha. Kesyo raw, may chocolate ‘yon, mai-stimulate ang bata, 4am na naman makakatulog, ratatat-ratatat…. Mga three minutes indiscriminate firing nya, hihi. Tapos, pikit na uli… Makahulugan ang tinginan namin ni apo. Nakagalitan kami? Shaks lang…

 

Apo: (in a conspiratorial tone) Magso-sorry tayo?

Ako: Weh? Ikaw lang. Ikaw ang kumuha, saka nagbukas…

Apo: Ngiti, ngiti ng isang nabisto, but means to get away with it.

 

Two and a half na nga pala ang bebe namin… Pero, parang four na size nya. Halos sindami na ng kain ko ang kain… Three weeks ago, isinama na namin sya sa sinehan, first time, hahaha. Despicable Me2… Ang likot ni apo at ang ingay, hahaha. Lakad sya ng lakad, ang lakas tumawa ng bata at nag-i-expect syang pagtawa nya, magsusunuran kami lahat, hihi. Pag medyo nakakatakot tunog, lumilipat sya ng upuan… Anyway, within 15 minutes pagkaupo namin, nagsilipatan ng upuan ang mga tao sa dalawang rows, kakahiya… Bukambibig pala ni apo since then, “minions”… Β Peyborit nya: ‘yong kulay ube.πŸ˜‰

 

Image of the minions from the movie, Despicable Me2

Usapang minions kami parati/ http://www.veto-corp.com

 

Sabihan nyo pala ako, pag nagmumukhang granny blog na itong site, ha?Β Ire pala ang walang-kamatayang theme song nina Edward and Bella, para sa mga nakaalala, hihi… Hindi ko masyadong gusto face ni Edward, mas gusto ko ‘yong isang guy, haha. Pero, napansin, hangganda ng katawan ni Edward, hakhak.πŸ˜‰ Parang two years ago ko pa dapat ipinorward ‘tong opinyon, pansin nyo rin? Ahihi, ako na ang updated…πŸ™‚

 

 

29 thoughts on “Samu’t sari

  1. Ah, team Jacob ka rin pala? Ako din kaya. Mas prefer ko hunk kesa sa patpat, mukha siyang adiktus sa mga latest na Bampira movies na nila. Ay, maganda ang kanta mo a pero nalulungkot ako tuwing naririnig yan, weird lang, hahahaha.

    Ay mamaya or bukas ko siguro puntahan yung suggested posts na binanggit mo. Sagot din ako mamaya sa Carriedo hihihihi (nakatalikod lang si bossing)πŸ˜€

    • hello, biatch… ahihi, wala akong team-team sa Twilight. feeling ko, am too old to take sides, hakhak. pero, true, mas gusto ko si jacob. di yata ako mahilig sa mga sobrang puputi… pero, hwag ka, maganda pa body ni edward sa unang twilight? after yata ng infidelity ni kristen, saka pa lang nahulog ang katawan ni pattinson. kainaman na, haha… ^^

      oks lang. nabasa mo na yata ang Ngiti? di nga, nanggaling ka sa Carriedo? matagal-tagal na meng di nakakababa ro’n…πŸ™‚

      • Hi San! Ang totoo ay bihira lang ako mapunta doon. Nakapunta ako doon kasi may hinanap akong pulis na gagawin kong testigo. As in, sinuyod ko ang Carriedo. Ginawa ko din siyang setting ng first chapter ng libro ko dati kasi it depicted the 2000 Rizal Bombing. Sa Carriedo station alam ko yun e. YEHEY WALANG PASOK BUKAS!

      • ahaha. basta, be grateful for your chances na magawi sa ganoong lugar, kapatid… at pulis talaga ang hinahanap, such a precarious business – maghanap ng tagapagpatupad ng batas sa lungga ng mga gala, naliligaw, kriminal at bugaw – pambihira, hihi…πŸ˜‰

        hey, talaga? ano title ng book? btw, am curious. among the news items, isa ‘yon sa medyo nakaapekto sa ‘kin years back – Rizal Day bombing and RCBC bank heist. yown…

        ahaha, and all caps talaga? di halatang Happy ka.πŸ˜‰
        have a restful long weekend, biatch…

      • HAHAHAHA! Hala San! Yung sagot ko sayo sa ibang conversation mo with another blogger ko nalagay! Sorry naman! Hahahaha! Kung anu-ano na naman pinagpipindot ko kasi. Ayun siya sa baba o

  2. Nag-umpisa sa previous blog entry natapos sa apong makulit. Ako rin may apo na sa pamangkin siguro mga isang dekada pa baka magkaroon na rin ako ng totoong apo.
    Ang kulit ng apo mo akalain mo gising pa ng hatinggabi para lang kumain, haha. Magsu-sorry naman pala hindi mo pa sinabayan, hehe. Naguilty tuloy siya dahil siya lang mag-isa ang may kasalanan, kawawang bata.

    Try mo i-upload yung pics mo from your cellphone kaya mo iyan pag-aralan o kaya dun ka na lang mag-log in instead sa PC or send mo na lang as attachement sa email para mas feel mo yung picture kasi ikaw mismo yung kumuha. Kaya mo iyan ikaw pa – dali lang yun.πŸ™‚

    Hindi kaya ‘yung apo mo ang nakita naming malikot at maingay nang nanonood kami ng despicable me 2 sa the block? Haha.

    Gandang araw ate san. Basahin ko rin later yung kahoy na panggatong aalamin ko kung anong mayroon dun.

    • hello, Limarx… hihihi, makukulit talaga ang mga bata, lalo pag maliliit pa… mas nakakatuwa pag apo or pamangkin mo lang. almost same joys ang hatid, minus the worries na ikaw ang magpapaligo everyday at mamo-mroblema sa tuition balang araw, hakhak… ^^

      ay, ang apo namin, medyo gabi na sya talaga matulog, lalo pag Friday to Sunday, expected nya, maraming Lolos and Lolas, Titos and Titas darating… expected nya rin, may pasyal pag weekends, hihi… ay, nakow, tinanong ko sya, if allowed kumain at di ba pagagalitan? ang ginawa, mentras tinear off ang balot ng ferrero. nakikain na lang me, sya talaga may initiative…πŸ˜‰

      ‘yong pics? marami kasi, medyo kailangan nang i-empty, ilipat… di me matyaga sa technology, wala ring matyaga magturo sa lola mo, hihihi. ganyan din sabi nila, ang dali lang. maski sino, kaya, wah…

      hihi, sya nga yown… haha, di kami sa may SM North nanood…πŸ™‚ haha, wala naman, kwento lang sa pangangahoy at pagluluto – wood pa gamit sa kalan. baka na-weirduhan ka-blogs, hihi… salamat sa pagbabasa, ha. btw, nabasa ko na rin ‘yong recent post, haba. pero, ang husay mo sa fiction, heavy kind, hakhak… gandang gabi sa yo…πŸ™‚

      • Nabasa ko na yung kahoy na panggatong, ang ganda at ang habaaaa! Ayos ang recollection ng kabataan malinaw na malinaw ang pagkakalahad, probinsyang-probinsya ang pagkakadescribe, hehe. Nagsubscribe at nai-bookmark ko na rin dito sa tablet para pag wala ako sa office babasahin ko ang mga buhay-buhay doon sa inyo. Hirap magmaintain ng dalawang blog ‘yung isa nga lang medyo gahol na sa oras pero ikaw ang hahaba ng post mo, nakakainspired na basahin light stories and essays hindi katulad ng blog ko papunta na yata sa darkness, haha. Susunod na post gagawin kong humor naman then essay on how to cope loneliness, natatypecast yata ako sa mga “galit” na blog post, haha. Hindi naman nagkataon lang ‘yun.

        “Saan ko kinukuha ang galit ko?” Napangiti mo ako dun, ba’t naman ako naghahanap ng galit, hehe, ewan ko parang sunod-sunod yung mga ideas na puro ganun ang tema, pramis hindi ko ‘yun sinadya. Actually, masiyahin akong tao kabaligtaran sa mga sinusulat kong madidilim ang tema.

        Ang iyong apo ‘pag hindi napigilan sa paglapad ng katawan mahihirapan na siya nyan pag papunta na sa teenage, ganyan din yung eldest ko nung 4 y/o ang laki talaga buti nakumbinsi namin magdiet ayun medyo maganda na ang katawan. Masarap ang may bata sa bahay kakawala ng pagod galing office pero pag masakit ang ulo mo lalong dumadagdag sa sakit, haha. Kailangan ng dagdag pasensya sa kanila pag hindi hala ka mapipikon ka lang sa kanila,

        Ang haba na ng komento ko parang isang blog entry na. Gandang araw ulit!

      • hello, Limarx… ahaha, salamat sa pagdaan at pagbabasa sa may amin. ay, mahaba-haba nga post na ‘yon, pasensya naman. nami-miss ko, namumulot ng panggatong sa may daang pagubat. ang di ko nami-miss ay ang paglilinis ng maiitim na kaldero, haha. rural talaga ang setting ng wento, do’n early childhood namin. btw, elementary pa me, doon sa kwento, kapatid…

        ah, no worries, pansin ko namang magaan ka lang kumwento sa comments. sa posts mo ikaw parang sinasapian, harhar. btw, that is artistry, hohoho… ayon lang, some of your stories are too sharp and too pointed, kapatid. while they may satisfy the creator’s desire to create compositions that are excellent and life-like, the tone may also limit the audience of the blog. lalo pa siguro when some of them are deemed as parinig or pahiwatig to ka-blogs. i don’t know…

        from experience, even my not intense entries get riled at and mocked, simply because thay do not coincide with the viewpoints of some ka-blogs, ahaha. they’re compositions that apparently offend their sensibilities. must be because, most ka-blogs tend to think that blogs are addressed to them directly, even if they are not. so there…πŸ™‚

        but “galit” in writing per se is not bad. in fact, most of the time, it is essential. it gives the writings body and structure, kumbaga… there are so many known authors who handle galit in their writings so well… try reading the works of E.L. Doctorow when you’ve the time. he’s one of those really magaling, both in the scholarly, academic and popular sense…. try mo, Ragtime (maraming kopya sa Booksale, P50 lang ata, hihi). it’s a book about patriotism and racism, very admirable…

        but in blog, kako nga, galit must be handled with care and caution. sa panahon ngayon, masyadong polarized ang paniniwala ng mga tao sa mundo and it is so easy to be labeled and thrown mud at… gaya rin naman, madali lang mag-condemn and mag-label din, for writers who are adept in using their pens and keyboards to box and label people.

        ahaha, salamat sa paalala re: health of our apo. dahil sa ‘yong sinabi, am reminded (just now) that her father was an obese child from 4 to 15 yata. ahaha, kaya pala the child has big appetite, hehe. and her mom’s tall, as in, 5’8” yata… hamo, we’ll do what we can to prevent her from becoming huge, ahaha. hihi, masaya pa kami ngayon pag matakaw sya, though pag minsan, namamangha rin kami… gandang araw din, salamat uli.πŸ™‚

    • Ah, Lethal yon. Series. Nasa e-book nga lang pero yung Part 2 will be released hopefully next month sa NBS at nasa print na siya, (di ko lang talaga matutukan ang requirements with National at tinambakan ako ng paper works ng mga kalaban ko).

      Oo nga pala, yung Carriedo station ang opening sa Chapter 1 nung Lethal. About sa magkasintahan yon na pasakay ng LRT. Pero sa baba pa lang nagtalo na, as in, eskandalo. Alam mo naman sa Carriedo, gumawa ka ng ganung eksena palilibutan ka talaga na parang akala mo e may shooting. Na badtrip si girl so di na siya sumama paakyat and decided to go home without him. Si guy ang dumiretso paakyat at iniwan si girl…and never even bothered to go after her. Ayun. Si guy was among those 22 left dead sa bombing.

      Si girl ang bida dun sa Part 1 na yunπŸ™‚ Ayun lang.

      • ay, parang ang ganda! at wala akong masabi, ikaw na ang may e-book na mukhang action with dramang explosive at now, lalabas na as hardcopy, yay! kakahusay. mag-iipon ako para may pang-shop sa NBS tapos, ipa-otograph ko, hihihi.πŸ™‚

        btw, may isang blogger dito sa WP, mahusay rin sa ganyan – 17 year old, as in… di yata sya active these days sa blog but he used to visit here – his name is NonoyManga. artist din sya, sounds like 30plus na, pero hindi, hindi.πŸ™‚ just in case, you may see his gravatar here, sa post na Hindi Ito ang Kwento. sobrang husay nya, parang di tao, haha.πŸ˜‰

  3. Talaga palang may proseso kang sinusunod sa iyong pagsusulat. Iniisip mo pa ang approachπŸ™‚ Maganda naman yan para napaghahandaan. Di tulad kong sabak lang nang sabak. Ang panuntunan ko sa bawat blog post ko ay type and post at bawal akong mag-edit hehehe. Kasi, ang nangyayari pag ini-edit ko, nawawala na yung mga orihinal na gusto kong sabihin. Parang nagiging iba na hehe.

    At may apo ka na pala! Sabagay, ako rin may mga apo na sa pamangkin na kay agang nagsipag-asawa.

    • hellow, Ms. N… dito sa blog, merong konti, hihi. disorganized kasi akong tao, sa blog man lang, magmukhang may order, ahaha. but then, not all the time… do’n sa dpsa, marami-rami ang nai-publish ng walang edit. naayos posts, one year or two years after na, hihihi… here sa ssa, mas marami na edited before posting… but you’re right, medyo kasama sa iniisip sa blogs, paano approach na gagamitin sa write-up… a, may konting leverage maybe ate mo, mas matagal na me writing sa non-blog, hehe. pero gusto ko nga gawa ng younger bloggers, mas spontaneous – kakatuwang basahin… ahihi, maagang lumantod panganay naming nephew, hihi. ang tatay ng bata sa post above, mid-20s na, naisipang mag-reproduce, hehe. magkamukha sila, sobra… cheers!πŸ˜‰

      • Pareho pala tayo, ang trabaho ko’y nasa mundo rin ng mga salitaπŸ˜‰ Pinabulaanan ko pala sa reply ko sa comment mo sa blog ko ang inaakala mong trabaho koπŸ™‚ At tungkol naman sa security situation sa probinsya, heto at isi-share ko ang link sa isang karanasan noon na naisulat ko: http://nortehanon.com/?p=455 Pasensya na kung off-topic ito dito haha.

      • hello, ms. N… ahaha, mundo talaga ng mga salita, e, ‘no? ahaha, what to do? talaga, kailangan mong pabulaanan? pambihira, parang report ng case or press statement ang sinabi ko, hihihi.

        at security situation talaga ang tawag? kainaman na…πŸ™‚ hey, my fault, dear. natuwa lang ate mo, your serene and composed writings belie your “turbulent” past, kumbaga. somehow, i get it bakit “altruistic” endeavors mo, bakit di mahirap for you to be a person for others, ahaha.πŸ™‚

        nabasa ko na, ha… bukod sa embodiment ng plight ng children naging karanasan mo, mabuting halimbawa ka rin (oo, ikaw) ng righting the wrongs, kahit paano… systematic and first-hand na pag-abot sa mga kapus-palad at biktima ng harsh situations and circumstances… tapos, maganda pa magsulat. o, hwag mo na namang itanggi, mapipikon na ako, hahaha. happy long weekend.πŸ™‚

      • Ate San, dito na kita sagutin nang konti sa comment mo. Delete mo na lang kung hindi puwede hehe. Tama ka naman po, taga-Pens of Hope po ako. Ako po ang nagtatag nito. Pero hindi po ito opisina kundi advocacy poπŸ˜‰ Salamat!

      • ayown, gets ko na, founder ng Pens of Hope na isang advocacy. galing!πŸ™‚ ba’t ko idi-delete? have a restful weekend. hey, kapatid, next week, may follow and like button na site mo, ha… it better have, hahaha. waving…πŸ˜‰

  4. Ahaha, ang kulet ng apo… . parang pamangkin ko 4years old, gumigising sa hatinggabi para mamahaw… kapag di nagising kuya ko, namumungkal na lang mag-isa sa kusina, syempre, bata mangangalampag kaserola, ang masaya pati kapitbahay nagigising dahil akala may magnanakaw… hahaha

    Kaway..πŸ™‚

    • true, saksakan sya ng kulet at likot. isa lang, pero equivalent to three, hihi…πŸ™‚ aliw pamangkin mo, namamahaw sa gabi, haha. “namumungkal” at “nangangalampag” ng kaldero. wala me masabi, babetski, may initiative ang bata, patatawarin…πŸ˜‰

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s