Salamat sa mga sumisilip

 

Hello, ka-blogsJust taking the time para pasalamatan ang mga sumisilip sa sites, pero di nag-iiwan ng bakas through the like and comment features. Salamat.🙂

 

Image of a dog taking a glimpse inside from a fence

Tingin lang, walang sasabihin, di magpaparamdam/ http://www.flickr.com

Sa mga sumisilip para okrayin ang posts at ang blogger dito, salamat din. Salamat sa curiosity and the efforts. Nag-aabala pa kayo, sus…🙂 Ay, senga pala, bukas ang comment section, sakali, may gusto kayong itanong at alamin mula sa nagsusulat, welcome kayo, di nga… Ilagay nyo lang, kapatids,  pipiliting sagutin sa abot ng kaya…

 

Seryoso yata ang mga nakaraang posts, pasensya na. True, feeling ko, pati ako, napagod, kainaman na… O, di ba, may emotional reserve na hinihingi ang pagsusulat at pagbabasa? Nararamdaman nyo ‘yon, yong pagkatapos isulat at ilathala ang post, parang mixture ng pagod at relief? Oo, ahaha, may gano’n…😉

 

Pasensya na kayo, mabibigat ang menu na nai-serve nitong mga huling araw. Susubukan ko, i-minimize na… Anyway, ka-blogs, may posts dito, medyo mataas ang views from fellow bloggers. Nagtataka ako bakit, as in… Paningit na posts lang sila nang isinulat at ilathala. Pero, since rumi-rating, i-a-ask ko sana sa inyo – bakit, ano ang mayroon sa mga iyon…

Hahaha, marami-rami  ang sumisilip sa kanila, pero di nadadagdagan ang likes or comments. Baka, kako, may kung ano sa mga ito, sa inyo ko mismo itatanong –

 

Maraming Salita

Mga kwento sa likod ng kwentong tag-araw

Katutubong Wika sa Katutubong Awit

Babatiin ko ng Ngiti

 

Sakaling makakuha tayo ng sapat na bilang ng feedbacks or responses (medyo makatarungan at believable, ha, kapatids, hihihi), ilalathala natin ang isa sa tatlong natitira pa sa pitong poems enumerated sa Kayo Po ang Pipili. Tanda nyo pa? Oo, may tatlo pa sa imbakan, madadrama at pa-comedy effect din, hihi.

Or, pag marami sa mga nagbasa ng alinman sa apat na posts ang nagbigay liwanag sa misteryo, haha, baka ma-excite ang lola nyo rito (am pretty excitable, hakhak) at ilathala natin ang isa pang tula sa imbakan. Ay, pasaway title, hala…

 

May Mahika Nga Ba ang Pag-ibig?😉

 

Image of the statue of Julius Caesar

Sa lahat ng kapanalig, pati kapwa maliligalig,  ahaha… ;)/ mawdizzle.com

May katagalang panahon na rin naisulat ang poem,  di ko sana balak i-publish… Pero, in the spirit of camaraderie and fun, am willing to be convinced, hakhak. Biro lang,  mga kapatid… Ano rin, nagkukwento kasi at nagpahiwatig  lately about romanticism, romantic thoughts and related ideas, bumubukas ako sa possibility – may ilang na-curious sa mga pasaway na hirit sa paksa….

 

So, friends, Romans, countrymen, lurkers, lovers and foes alike, hinihikayat ko kayo, mag-comment at magbigay sana ng feedbacks. Your time and thoughts will be much appreciated. Thanks.🙂

 

Have a good week ahead… ^_^

 

42 thoughts on “Salamat sa mga sumisilip

    • haha, less than 1000 words ‘tong post ngayon, like mo?😉 sus, nambola ka pa. hey, alin sa apat sa above ang binasa mo? feedback ka, kapatid, para mag-publish tayo uli ng tula, hala… musta po?🙂

  1. hala, napagod yata ako sa umagang ito dami kong binasa sa mga post mo pero walang pagsisisi nag-enjoy ako ng husto.🙂 informative at nakakarelax basahin – parang kaharap lang kita.

    mas madalas ‘pag nagbabasa ako ng blog (kahit sarili kong blog) bihira talaga ako magkomento pasensya naman, kaya siguro bihira lang din ang naliligaw sa blog ko kasi hindi ako nagpapakilala, okay lang naman ‘yun sa’kin (ayoko kasing sumikat at wala akong karapatang sumikat – nakakatakot ‘yun!, haha) pero lately nag-iiwan na rin ako ng bakas – kung bakit ba naman kasi pati pagla-log in ay kinakatamaran pa, haha.

    gusto ko ‘yung mga tula/post tungkol sa pag-ibig, pagmamahalan at hiwalayan – mas lumalabas ang pagkaangas ng sumusulat, mas may emosyon at madamdamin ‘pag yun ang paksa, sa tingin ko. mahilig din ako kahit papaano sumulat ng tungkol sa pag-ibig, pagtataksil, paghihiwalayan kahit walang kinalaman sa sarili kong karanasan – kunwari lang ilalagay ko ang sarili ko sa kanila ayun, madalas hilaw ang pagkakagawa, ayos lang wala namang grading system eh kung mayroon malamang lagapak ako.

    salamat din ate san sa napapadalas mong pagsilip at pagkomento sa blog ko. abangan ko ‘yung tula mo ha?

    • haha, e, ba’t mo minarathon, Limarx? hayan, napagod ka… salamat for reading, ha at sa maagang pagdalaw…

      talaga? tamad mag-comment pati sa sariling blog? kainaman na… better mag-comment ka sa site mo, magtatampo ‘yon pag indi, hakhak. comment ka, siyempre, sa sites ng iba, better…🙂

      hihihi, tayo na ang may mga tula about hiwalayan, kainaman na… ay, sus, yon ang isang problema, some readers immediately think na si blogger mismo ang nasa tula at ongoing pa ang mga pangyayari, shaks lang.. ^^

      intense ang ‘yong mga likha, kapatid. para ka laging tambay sa palengke. malamang either nasa Ortigas ka or Makati, hakhak.

      pag marami ang nagbigay ng feedback, maiilathala ang tula. keep your finger crossed… cheers😉

      • Minsan naiisip kong perks din ng pagiging writer/blogger ‘yung mga sinusulat niya kasi pwede mong sabihing fiction ang isang akda kahit totoo naman and vise versa. Pwede mong ilabas ang lahat ng sama ng loob mo sa mundo, sa trabaho, sa lipunan, sa teleserye, sa tao (safe nang ‘wag magbanggit ng pangalan) at itago ang karakter o saloobin mo sa ibang personalidad o sa ibang paraan, ang galing ‘di ba?
        Maraming beses ko na ‘yang ginawa. At ako lang din hanggang ngayon ang tanging nakakaalam kung fiction man o hindi ang ginagawa ko.

        Nalito naman ako ‘dun sa tambay ng palengke tapos Ortigas or Makati…ang sosyal naman nung palengke na ‘yun. Ano ba ang tinutukoy dun parang Market! Market! – palengke, palengke- ganun? haha.

        Ayan, nakakadalawang comment na ko dito sa post na’to ibig sabihin sumisipag na ko magkomento. Oo nga no, upon realization (naks may realization pang nalalaman!) natutuwa akong may komento sa mga post ko pero ako mismo hindi nagrereply sa iilang nakaka-appreciate ng gawa ko, mali nga yata.😦

        P.S. I-post mo na agad ‘yung poem tungkol sa pag-ibig o hiwalayan mas madrama kung mayroong musical background, mas feel namin ‘yun, PLS.🙂 (at nakuha ko pang magrequest! haha)

        Gandang araw sa’yo Ate San.
        God bless sa ating lahat.

      • ahaha, in a way, pwede pag very artistic and creative ang rendition ng blogger, ang pagkakagawa… but generally, i do not do that. pag non-fiction (essay), usually, doon nagkukwento ng ongoing events or recent events and basa ng readers na totoong kwento ‘yon…

        sa mga tula, usually, about past encounters sila and using old materials pa. hindi ako impromptu poetry writer, kapatid… medyo distilled (and past) experiences ang nagagawan ng tula. hirap pati ako sa objectivity sa pagsusulat, pag ongoing or very recent pa ang events.

        even then, kahit past na sila, ini-interprete pa rin ng marami-raming ka-blogs na ongoing or recent event/s pa and pahiwatig sila sa ka-blog/s…

        my suspicion, suspicion lang, ha… it is because, they use the blog para magpaabot ng pahiwatig, rants and sama ng loob sa kapwa blogger. thus, they suspect others of doing the same. i generally avoid doing that. advice din ng WordPress…

        when i have a ka-blog in mind sa post, usually ipinapaalam ko sa email or sa comment – na siya iyon, maski di pinangalanan…

        palagay ko, di rin ganoon kalakas ang loob ko to stretch the anonymity angle/feature ng blog sphere or the artistic license na sinasabi. parang too risky for me…^^

        ah, kasi, in my case, pag galing ako sa napaka-urban na setting, doon ako nakakagawa ng napaka-rural or backstreet na post/eksena. parang contrast ba? pag galing sa sosyal na kainan, halimbawa, kaya kong lumikha ng kwentong karinderia, haha.

        a, depende pa ang posting ng tula if marami ang magko-comment about the 4 posts na medyo rumi-rating, ahaha. saka, di ba kamo, nagbasa ka na kaninang umaga, pambihira. sipag mong magbasa, ahaha. mabigat kaya basahin ang tula?🙂

        salamat sa pangalawang comment. gandang gabi sa ‘yo and to your loved ones.🙂

      • hala buti kong sa kalawakan napunta, parang sumama sa agos ng baha…. whaa.. maulan pa nga at ito yata ang simula ng siyam siyam… kainaman, sayang ang mga santol at rambutan di mapitas dahil sa ulan…
        kaway kaway din kahit maulan…😀

      • ahaha, sa ether. yon ang tawag, kapatid, sa atmosphere na iniikutan ng energy para tayo makapag-internet. sa dpsa, may post, kailan huling nagpasya ang iyong puso?, may diagram ng infrastructure sa pag-i-internet (hihi, may i refer pa). wah, gusto ko ng rambutan. pagtila, putihin mo na at i-lbc paparine, ha…😉 naaliw ako sa post mo, blow by blow account, binilang ang beses ng pag-isnab ng tricycle sa beauty, hakhak. ^^

        hi, babetski, kaway-kaway…😉 good evening.

      • wow, kailan huling nagpasya ang puso… may puso ba ako, parang atay at balunan na lang ang natira…ahaha..😀

        ay masarap nga ang rambutan lalo na at RR, pero hwag mo na ask kung ano ibig sabihin non, malamang rambutan, rambutan… wala kasi ako pakels sa mga variety basta prutas at nakakain game pa kahit minsan eh may astronaut pang kasama… laman tiyan din.. ewww.. hahaha

        hanggang tatlo lang lagi ang count ko, para di uminit ulo ko, sabay hanap ng naka uniform.. hehehe, madami kasi ngayong mga choosyng frog mapagsamantala ayaw mag sakay kapag nag-iisa… kaya natutunan ko kapag tumatawag ako naka sign na kamay ko ng tatlo, syempre nagtataka yung driver sabay tanong, sino pong kasama nyo, sagot ko naman, nakikita mo tong dalawang multo… paupuin mo sa tabi mo yung isa at ibabayad ko… without smile yan, hahaha, pag nagbayad ako ng tatlo, sinusuklian pa ako… bwahaha…😀

        ~gandang gabi rin~

      • ahaha, first anniv post yon ng kabilang site kaya pumapag-ibig ng matindi, hakhak.

        basta, masarap ang rambutan…😉

        dona kang pasahero, ahihi. pero, twosko, namimili nga ang mga ‘yan, akala mo naman, ang ganda ng awto nila, hakhak. anyway, unless bihis ako at ngawit na sa high heels or sobrang pagod, i avoid riding tricycle. hanggang kaya kong lakarin, lalakarin na lang. least liked PUV ko ang tricycle, lalo rito sa MM – parang di safe pag sa highway? feeling ko, takaw aksidente… tapos, yon, maangas ang tsuper, bibihira ang gentleman, mas marami, walang modo, parang…ahihi. ^^

        medyo astig kang pasahero, hihi.😉 hi, babetski.

      • ahaha, taxikel lang ang peg ko sa market side, mahirap kasing maglakad ng may kalayuan kapag naka heels ang lola, oi, binabasa ko, gusto mo palang mag sulat about maisan, ang daming mais dito, lagkitan, sweet corn, japanese corn… mais panahon, yung ginagawang pop corn… ahaha… sayang dapat pala ginawan ko ng docu ang pangunguha ng mais kahapon, hahaha, naki join ako kasi until now inlove pa rin ako sa buhok ng mais… para sa aking voodoo dolls.. hakhak😀

      • parang ang ganda ng tirahan mo. do’n kayo banda sa may lyceum, yong highway? medyo mataas na part? para kasing do’n, newly-opened communities (around 12 years pa lang) tapos, may mga parteng MM or high-end. maganda ro’n, kung tama nga ang lugar na binabanggit ko, harhar.

        pero, shaks, ba’t may maisan pa – kumpleto roll coll – lagkitan, sweet and japanese. dapat nga na-docu mo, ineng. sayang… at may buhok ng mais collection sya, mid 20s ka o early 20s, dear? may doll collection pala, akala ko happy meal toys lang dati, hihi.😉 good night po.

      • ahaha, sa bandang likuran na kami ng lyceum kung tutuusin, yung bulubundukin doon na lumiliwanag kapag gabi na animo’y laging may prusisyon..😀

        kaya may mga mga maisan pa rin dito, palayan na lang talaga ang tuluyang nawala😦

        ahihihi, nasa 30s na ang lola, ang una kong blogsite sa blogger ay about sa mga doll collections ko.. ahahaha…kaso deleted na account ko, 3years ago na, wala na rin sa search engine… chaka lang.. pero may print outs ako, kapag may time na ulit… try ko ulit i share ang mga uri ng manikang kinabaliwan ko…😀

        dami ko kasing kinu-collect noong kabataan ko, ang masintahan na lang, lalaki nga lang yata ang di ko nagawang kolektahin… bwahahaha..wala kasi akong paglalagyan… haha😀

        ~gandang umaga~

      • ayiii, alam ko ang lugar, nadadaanan, minamasdan & wini-wish magkapera ng marami para makabili ro’n, hakhak. kakatuwa description mo nito pag gabi… curiously, parang gano’n nga yata, hano? hill ba yaan o mini-bundok, kapatid na babetski?

        ang kulit talaga, may maisan pa… anyway, about the palayan, marami sadyang rice communities sa Pinas nangawala in the past 15 or 20 years na… masyado raw mataas production cost, unsure naman ang ani. kulang pati patubig system dito sa atin… mahirap maging magsasaka if all one has e, mga kamay and love for the soil, hakhak…

        ay, rare pagko-collect ng dolls, dear. iilan lang kayo, hahaha. kaya pala creative ka magsulat, may pet dolls na napag-practice-an ng kaartehan, hihihi. baliw? di naman, kanya-kanyang artistry lang yan based on limited budget, hehe. stamps nga lang kinolect ko no’n, marami, nawala at nabaha na, hala. basta may kinollect, yon importante…

        ikaw lang narinig ko uling nagsabi ng word na masintahan, kakatuwa. sa amin, mas madalas gamitin ang “maibigan.” parang gano’n din, arbitrary choice or inclination…

        aww, but you sound like a cheery and nurturing person, woman… hamo, time will come, pipila sila sa ‘yow. hu u? lang isasagot mo, hakhak.

        kinokolekta ba ang mga lalaki? ahaha. di ko alam at di ko rin alam kung inihahanap sila ng lagayan, hihi.natatandaan ko, no’ng medyo may pila pa, mga kaibigan at workmates ang masasaya. sila nakikinabang sa fruits and nuts na regalo, ang sama…but men are good to have around, lalo pag maganda face, dibdib and legs rin, hakhak. hindi sila gaya ng babae (hihi, tayo pala yon), madakdak and mabilis mag-panic, hihihi.

        hey, magpa-beauty ka lang ng onti, mas mag-ayos ng mukha, before you know it, may pila na, hehe. akala mo naman, maalam… harhar. good evening…😉

      • ayiii.. ahaha.. gandang morning…

        ay, parang going to quezon ka kapatid kung nadaraanan mo ang lugar. pengeng buko pie.. hahaha…

        dito lang ito sa bulubundukin ng highlands.. ako yung nakatira sa kabilang bakod.. ahahaha..
        yung lugar na madali mong masasabi ang agwat ng pamumuhay ng dahil sa pader na pumapalibot dito. nyahaha….at nagsasabing wala na sa kapatagan ang mayayaman, namumundok na sila… whahaha.

        Ahaha, bibihira daw ang nakaka collect ng boylet, malamang artistahin na ang level, hahaha…

        haha, naaliw din akong gamitin ang masintahan, sa mga oldies ko na lang kasi naririnig ito, same din ng maibigan… para lang kasintahan at kaibigan..:D

        hahaha, iba naman ang payo ni bossing, hwag na daw akong mag-ayos, lumiban na lang daw ako ng kabilang bakod dahil ang exotic kong beauty ay hanaping hanapin ng kano.. whahaha…san ka pa… lalo akong nanliliit sa height ko… whahaha…

      • hellow… ahaha, hindi quezon, although may relatives din kami ro’n and nagagawi pa naman from time to time.. hihi, highlands nga, katuwa.

        gusto ko observations mo re: agwat, pader and kapatagan. napaka-keen ng paningin mow…

        a, gano’n, bibihira kami, haha… taray, ang sama… e, nangyayari yown, may sunud-sunod sa yo para maghatid, maghintay at magbitbit ng gamit. masaya na raw, masilayan ka lamang, hakhak…ahihi, hindi po artistahin blogger dito- plain, bungisngis and awkward… minsan-minsan nakakauto, though…

        ahaha, sa amin, may expression, balang maibigan. it means, whatever one pleases to do, parang gano’n.

        well, actually, your boss’s advice seems to make more sense. umpisahan mo na ang application. kuha ka na ng NBI clearance at apply ng work visa, hihi. half-meant yan, ha…🙂 gandang hapon, babetski.

    • hello, biag… ahaha, mag-comment muna kayo about the four posts. gusto ko pati malaman bakit maraming sumisilip, pero di nala-like or napapagpasyahang comment-an… hala, bait me, dami nang posts, hehe. mas parang hesitant or asiwa ka-blogs to leave opinions & comments, it seems…😉

      • minsan kase tinitingnan muna yung mga naunang comments.. at usually pag mahaba-haba na ang discussions, nai-intimidate ng mag comment yung iba (kasali na ako don) hehe

      • hello, biag… a, gano’n pala. mas intimate, mas exclusive and mas private ang hanap na atmosphere, nakow… hala pa, paano kaya ‘yon? pasaway marami sa ideas raised by your lola’s post, di maiwasang marami-rami ang nagri-react, ahaha. but i see, kapatid. medyo gets ko.🙂

        howdy! hope things are well, dear…🙂 cheers!

  2. Ate San! Sumilip ba ko? Di ko matandaan. Parang hindi. heheheh!😀 Ang hirap naman i-comprehend ng Tagalog mo. LOL! At bakit mo naitanong kung may magic ang pag-ibig? Minsan meron. Madalas wala. Depende sa magician!😀

    • hello, karenicanix…. ahaha, oks lang, naman ‘to… recent acquaintance naman katang dalawa, di ba…🙂 alin sa mga Tagalog rito nalaliman ka, kapatid? a, di ako’ng nagtanong nyan originally, hakhak. nakita ko lang sa marami-raming posts and comments ng ka-blog… one day, isang araw, wala meng magawa, i did a poem about it, subok lang…

      ahihi, naaliw naman ako, wala pa si post, um-opinyon na ang nar-es, hihi. may magician talagang nalalaman, ayiii..😉 pag na-publish, comment ka ng isang kilometrong candid na bitiw, dear… gandang hapon🙂

  3. Nauna akong inanod as daloy ng tubig sa iyong Tula bago ako napadpad sa awit ni Nora Dahil sayo, kaloka ang peg, buwan ng Agosto at sa paghabi mo ng mga salita hayaan mo na Lang ang aking pagsilip at iwan ko man ang bakas, hindi rin magtatagal sa lakas ng ulan ngayon aanurin pa rin. Kumusta ka na Ms. S?

    • “iwan ko man ang bakas, hindi rin magtatagal sa lakas ng ulan ngayon aanurin pa rin.” – eto po, inaanod pa rin, hahaha. salamat po sa bakas, gayunpaman. warm regards sa tag-ulan, Ms. S.😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s