Late daw sina Rizal

 

Hello, ka-blogs! Sabi ng isang ka-blog, nauubusan na raw sya ng paksang maiisulat sa blog, nagkukudkod na raw sya ng tutong, ahaha. Scraping the bottom of the barrel pala, in English ang blog nya, hihi… Sabagay, totoo ang sabi nya, hindi naman palaging may maiisulat. Minsan, marami man tayong gustong isulat, di natin alam ang handle na gagamitin sa kwento o istorya, paano iyon gagawing interesting at kapani-paniwala …

 

Image of a man whose head is at the bottom of the barrel

Nasasaid raw ang pinagkukunan ng isang lumilikha, hanap sa gilid-gilid at ila-ilalim/ http://www.forum.exscn.net

Sa kabilang banda, si ka-blog  itong mahusay mag-handle ng online conversations at magaling magkawing ng ligaw na impormasyon sa usapan, ahaha. Ang miscellaneous topics, naiuugnay nya ng maayos sa huntahan, hindi off… Maraming pumupunta sa site nya, nagkukwento at nagsi-share do’n ng opinyon, kabilang na ako, hihi… Masaya si ka-blog kakwentuhan, medyo strong ang opinions nya and pala-palagay. But then, graceful syang magdala ng palitan. Sya na…🙂

 

So, naniniwala ba ako sa sabi nya, nagkukudkod na sya ng tutong o hindi? Ahaha, oo at hindi. Oo, kahit iyong mga nabibilang pa sa pinakamagagaling, dumarating din sa punto – nakakanto, nabubunggo at nauubusan… Si Truman Capote, mahusay na author, pagkaraming taon ng kanyang writer’s block… Si John Kennedy Toole, iisa ang naisulat na nobela (picaresque novel, parang Don Quixote de la Mancha), pagkatapos, nag-suicide na, di nga… 11 years later, inilimbag ang kaisa-isa niyang work. Nang sumunod na taon, nanalo iyon ng Pulitzer Prize for Fiction, ahaha. O, di ba? Kasama pala sa listahan ng modern classics ang kanyang nobela.

Hindi ko na sasabihing weird na tao ang mga nagsusulat, hihi. Alinman sa alam nyo na ‘yon, ayaw paniwalaan o ikinalulungkot, hala pa… Ay, mga kapatid, mahirap na. Sa panahon ngayon, uso ang ideya – ang isang writer ay well-adjusted, successful, popular at self-aware, ahaha. Bukod pa sa mataas ang sales ng kanyang mga libro, ahaha… Sa pagkaalam ko, iilan lang ang authors na nakaabot sa gano’n… Mas marami pa rin ang mga manunulat na gumapang muna sa lusak at gumagapang pa rin ang marami, ahaha. Saka na tayo magkwentuhan sa personal na paggapang sa lusak, ha… Hindi  pati ‘yon interesting basahin, asus…

 

Image of Rimbaud in teenage years

Sinuwag ni Rimbaud ang mga panuntunan sa lipunan at ini-stretch kung ano ang katanggap-tanggap at hindi/ superdemokraticos.com

Anyway, habang nasa paksa pa rin tayo ng ka-weirduhan ng mga manunulat, dapat yata isali si Arthur Rimbaud. Notable figure siya sa history of Literature, notorious… Katunayan, ilang pelikulang ang ginawa tungkol sa kanya – sa pinakahuli, si Lionardo DiCaprio ang bida. Total Eclipse pala ang pamagat… Si Rimbaud ay isang French libertine, restless na tao and bading, pero napakahusay magsulat… Unstable ang kanyang character, malimit magwala at yon, kawawa ang kanyang nanay… Paniniwala ni Rimbaud, para maging makata, kailangan sa ibabang ibaba ng existence – base, vile and low… Do’n sa movie, may linya, “I want the sun. I want the sun!” Emote na emote si Leonardo…😉

 

Asan na nga tayo sa kwentuhan? Ahaha, kung nauubusan ba ng susulatin ang isang manunulat? Oo naman… Ayun, mahigpit ang impluwensya ni Rimbaud sa artists at manunulat ng sumunod na periods. Kabilang sa kanila sina Pablo Picasso, Dylan Thomas, Arthur Miller, at Jim Morrison. Medyo big time si Rimbaud… Pero, ang catch, mula 15 taon hanggang 20 lamang siya nagsulat. Pagdating ng 20, nagpaka-dekadente na lang siya at nagbyahe-byahe sa tatlong kontinente. Simula noon, writer’s block ang peg ng papansing manunulat… Napaka-non-traditional niya at kakaiba. Gayunpaman, tumatanaw ng utang na loob kay Arthur Rimbaud ang Symbolist, Dadaist and Surrealist movements. Siya na…🙂

1854 to 1891 nabuhay si Rimbaud. Nagsulat siya, dalawang dekada matapos ang tinatawag na Romantic period sa kasaysayan ng Europa. Unconventional siyang tao, artistic to the core at kulang sa atensyon… Well, hindi loving ang household niya, maaga silang nilisan ng ama at very rigorous ang early education na kanyang natanggap. Infant terrible, kung tawagin siya sa saloons at receiving rooms sa Europe… Si Rimbaud ang totoong embodiment ng tinatawag na pasaway. Hindi lang niya binali ang values ng lipunan noon, dinuraan pa niya at inihian – literally and figuratively. Sinukahan at sinuway niya ang mga alituntunin ng respectable societies. Ayon, maaga siyang namatay… Pero, sabi, siya raw itong manunulat na nangahas i-explore ang romanticism – to its logical conclusion…

 

Image of the Philippine national hero, Dr. Jose Rizal

Galing sa nakakaangat na pamilya, ipinadala si Rizal sa Europa para makapag-aral muli/ en.wikipedia.org

Si-segwey pala muna sa mismong paksa, ahihi… Sina Jose Rizal and contemporaries, nasa Europe ng 1880’s, panahong nasa Africa si Rimbaud, ahaha. Kung papansinin, Romantic and Nationalist movements ang impluwensyang nasagap nina Rizal noon. Sila na ang tambay sa saloons at cafes – sa Madrid, Paris, Brussels, at Berlin – sila na… Pero, yun, late ang philosophical thoughts na na-absorb nila, ahaha. 1850, bago ipanganak si Rizal, demise na ng Romantic movement sa Europa at lumang ideya na noon ang Nationalism. Ahaha, luma, in the sense, hindi na leading philosophical thoughts, kumbaga… Early Realism na ang trending that time – sina Stendhal (sumulat ng The Red and the Black) at ang painter na si Goya ang leading advocates…

 

Well, maaring sabihin – relevant and applicable pa sa pinanggalingan nina Rizal, Lopez-Jaena at del Pilar ang nationalistic ideals noon… Pero sa Europa, declining in popularity na ang thoughts espoused by Johann Wolfgang von Goethe, Jean Jacques Rousseau (Pre-Romanticism philosopher, playwright and musician), Madame de Stael, William Wordsworth, Nathaniel Hawthorne, Edgar Allan Poe at Richard Strauss (musician, late Romanticism). Sakali, maiging basahin ang libro ni Arthur Lovejoy, Essays in the History of Ideas… Maari ring tingnan ang sulatin ni Isaiah Berlin, Against the Current: Essays in the History of Ideas… Ang Romanticism as a movement – sa sining, musika at pilosopiya – ang diin ay sa personal na boses ng naghahayag. Isa itong pagri-rebelde sa “rationality” or “reason” ng naunang panahon, Age of Enlightenment. Ayon, late sina Rizal:  Wala pa noong Twitter.😉

 

Caspar Friedrich's Wandered Above the Sea of Fog

Pagbabalik sa kalikasan at pagkatagpo ng pag-ibig, ilan sa laman ng pilosopiyang Romantiko/ en.wikipedia.org

 

Sooo, rumi-realism na noon ang Europa, nag-u-umpisa pa lang mag-aral ng Romanticism sina Rizal, shaks lang… At, formative stage pa lang noon ang counterpart nitong nationalist movement – sa grupo ng islang later, tatawaging Filipinas (later, later pa ang spelling na Pilipinas, with a P). Shaks, late tayo? Or, late ang representatives natin – sina Rizal? Kumpara sa Europe, oo… Pero sa Asia, tila ahead na… Si Mahatma Gandhi, lider ng nationalist movement sa India, kasabayang dekada ni Rizal nang ipinanganak – 1869. Pero ang “passive resistance” ni Gandhi, nag-umpisa lang ng 1915 – matapos ang matagal niyang pagtigil sa Africa, bilang licensed barrister sa London…

 

Image of Dr. Sun Yat-sen

Si Dr. Sun Yat-sen ang namuno para mabuo muli ang Tsinang pinaghati-hatian ng mga nanakop na bansa/sembury.weebly.com

Si Dr. Sun Yat- sen naman, nationalist leader, kinikilala bilang founder ng bansang Tsina (Republic of China), ipinanganak noong 1866… Naging magkaibigan daw sina Mariano Ponce at Sun Yat-sen sa Japan, by late 1890s. Tumulong pa si Dr. Sun sa laban ng mga Pilipino versus the Americans… Anti-imperialism ang peg nila noon, hihi. Pero, ang efforts for reunification of China ni Dr. Sun, magsisimula officially noong 1917 pa lamang… Kaya, in another sense, maaring sabihin, bandang 1890’s, trending na si Lolo Jose among intellectuals of the period, hihi… Bukod, sa kanyang pagiging Math wizard, polyglot, athlete at dashing debonaire (maayos lagi ang Amerikana at may bowler hat, haha) na mahusay mambola ng women and men admirers, ahihi…

 

Anyway, ang layo na ng tinakbo ng ating kwentuhan, pasensya na… Ang point yata, maraming pasaway sa mundo at buhay, ahaha. May mga manunulat at may artists, may kinilala at hindi, may maagang namatay at may nabuhay ng matagal (78 si Gandhi nang pumanaw). Ang usapan – kakayahang mag-break ng traditions and conventions ng mga manlilikha ng sining and philosophers. Karaniwan, may tinatawag na classicists – nag-aral, nagsanay at sumunod sa klasikong turo… Mayroon ding trendsetters and original na mga nilalang… May classicists na katagalan, naging mga rebelde. Halimbawa, si Oscar Wilde, parang sina Rizal, nag-umpisa as a classicist. Kilala siya bilang Irish playwright, notable sa kanyang wits and sarcasm at magarbong pananamit… Nag-asawa si Wilde at nagkaroon ng dalawang anak, bago nagkaroon ng homosexual affairs.

 

Image of Oscar Wilde

Makisig manamit at tanggap si Wilde sa alta sosyedad ng Europa/ http://www.peoplesniper.com

Pasaway at papansin si Wilde, pero well-received siya sa saloons noon. Mahilig siya sa luho at creature of comfort, sabi… Si Rimbaud na napag-usapan natin kanina, discredited saan man – sinasadya niya raw maging marumi at mababang tao. Curiously, tulad ni Rimbaud, hindi rin maganda ang ending ng buhay ni Wilde… Nakulong si Oscar and later, namatay na naghihikahos. Pareho sina Wilde at Rimbaud – trendsetter ng “avant-garde ” na sining at paniniwala. Kapwa sila malikhain at malalakas ang loob… Kay Rimbaud, tanging sa pag-disorganize ng self mapapalitaw ang tunay at lantay na sining. Kay Wilde – may duplicity ang tao, masakit ang katotohanan at marapat itong bihisan ng maganda. May pagkilala si Wilde sa conventions and respectability, si Rimbaud ay wala.

 

Sa usapang pag-i-scrape ng bottom of the barrel sa pagsusulat, marami sigurong matutunan kina Rimbaud at Wilde … Sa mga Pilipinong kinilala,  si Nick Joaquin ang isa sa mahusay na naglarawan sa “decadence.” Marami-rami ang naisulat niya sa paksa… Ano ang culture of decay? Bakit marami ang artists and writers na nabibighani rito? Sabi, hindi lamang daw sa tema at istilo ng pagsusulat, sa artworks, sa attitude at sa pananamit ang pagkabulok. Isa raw itong way of life… Ang lumilikha raw, darating sa punto – physically, intellectually and emotionally poor. Sayad na sayad siya sa sahig, gumagapang at walang-wala na… Sa ganoong kalagayan, doon daw lalabas ang individuality ng artist – resource, reserve and artistry niya – para makalikha ng magaganda, malikhain at orihinal.

Ka-blogs, bago ko pala makalimutan, ang major works ni Jose Rizal, Noli Mi Tangere at El Filibusterismo, romantic thoughts ang laman, yown… Doon inilagay ng ating Renaissance man ang mga natutunan niya sa pag-aaral, pakikisalamuha at pakikipagkwentuhan sa cafes at pati sa boudoirs. Ay, kasali ang boudoirs or private rooms learnings niya, ahihi… Alam nyo bakit? Sapagkat, ang romanticism as a philosophical thought, going back to man’s basic sentiments and feelings… Kaya, may trek back to nature (may eksenang ilog, di ba?) at maraming pag-explore sa senses sa mga nasabing akda, ahaha. Si Rizal, a man of reason, very celebral na tao – matapos mag- ikot sa cosmopolitan centers ng mundo – nagbabalik sa katutubo niyang lupa at inaalam ang kanyang mga sentimyento sa mga nobela niya. Noli Mi Tangere is about decadence, remember?🙂 Hala, ang dami ng wento, susme.

 

Image of Noli and Fili, Rizal's major novels

Ang unang nobela ni Rizal ay ukol sa pagkabulok ng ating lipunan sa pagtatapos ng siglo/ http://www.tumblr.com

 

About 20 years ago, may mga nasalubong – mga taong Dadaists at Surrealists daw… Sa mas madali, Dadaism, yong art-art na may toilet, ahaha at ang Surrealism, yong dark-dark, mga sining na galing sa bangungot, yon yata… Ay, wala pa rin akong alam noon sa art-art, babago pa lang nagbabasa-basa ng Philosophy at nagtataka lang ako sa buhay ko – Bakit ang we-weird nila, ahaha… Matagal na rin, di ko na sila napagkikita… Nitong mga huling taon, ang  “unconventional” na lang na nasasalubong – mga taong mahihilig  sa reggae music, corn row ang hairdos  pag minsan, at mahihilig  sa surfing at usapang iskwater and pubhouse, hoho… Pero, parang malilinis at maseselan naman sila? Ahaha, artsy silang tao, though… Nag-iba na kaya ang philosophy of decadence? O, iba na rin pakahulugan dito sa ngayon? Naitatanong lang…😉

 

Sa akin, parang matagal pa bago mauubusan ng paksa si ka-blog, ahaha. Hindi sa binobola  o pina-patronize ko sya. Mukha syang taong curious. Pag curious daw, hindi madaling maubusan ng creativity, sabi… Tapos, ang bata pa nya, parang ang layo pa sa end of her ropes, ang dami pa niyang pwedeng i-explore at tuklasin – sa blog man o hindi…😉

 

12 thoughts on “Late daw sina Rizal

  1. Wow, this is worth reading! Kahit mahaba ang article marami akong natutunan, na-enlighten sa ilang mga bagay at biglang na-aware sa ibang mga personality. Honestly, hindi naman ako pamilyar sa ilang (sige na nga marami, haha) nabanggit pero the way you tell their stories parang kilala ko na rin sila.

    ‘Yung pagiging weird or kakaiba ng mga taong sulat ng sulat hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang sagot diyan the way I see it meron lang silang “something” na wala sa iba, siguro ‘yung mga bakanteng oras nila ginugugol pa rin nila kung ano ang next nilang isusulat. All their life devoted sa literature, poetry or art o kung ano man ang dapat na itawag dun.

    Lahat yata dumadaan sa point na halos wala ka nang maisip na maisulat maraming reason; siguro naiintimidate ng ibang mahuhusay magsulat, busy sa ibang bagay, naiinip o natatakot sa wala naman, masyadong conscious at aligaga sa kanyang next topic and some other reasons na sila lang ang may gawa.

    During the era of Rizal, Gandhi, Wilde, etc. maraming malulupit na mga artist/writer/novelist noon na naka-influence sa mga artist after their generation. Ang gagaling nila grabe! Parang may mga sanib sila ‘pag sumusulat ng novel/writings. Hindi lahat siguro hindi nag-i-aim ng fame and fortune sa pagsusulat dahil from the start pa lang alam na nila na marami sa mga tulad nila ay hindi naging successful, minsan kasi hindi lang talent ang kailangan; Break and opportunity din. Mahirap din naman kung masyado ka nang naging sikat o popular dahil sa isa mong naisulat dahil lalo ka lang mapipressure, mas lalo kang mabablangko. Kaya nga maraming mga sikat na singer ang isa o dalawang album lang tapos na ang career, kasi hindi naappreciate or hindi gaanong maganda yung mga sumunod na songs nila compared sa nauna. Ibang case naman ang exceptional talent nina John Lennon, Paul McCartney, Madonna, etc. na hanggang ngayon ay sikat pa at kaya pang i-accept ng younger generation ang mga talent nila.

    Kung sina Rizal ay considered late na during the time na sinulat nila ang kani-kanilang mastepiece, siguro ‘yung mga sisibol pa lang na magagaling na mga writer/novelist may mabigat na pressure or pwedeng sabihin na absent na?!? Haha, just kidding. Gandang araw, Ate San.🙂

    • hello, Limarx… magandang gabi.🙂 salamat for reading and the appreciation, kapatid… ahihi, basahin mo bios nila, kahit sa Wiki lang – interesting na mga tao. sina Rimbaud and Wilde, characters – mga pasaway! nagsa-shine personalities nila… sina Gandhi and Sun Yat-sen, educated, may pagka-Rennaisance men & well-traveled. later pa naging leaders and org’l men…

      ahaha, writing, art, music and culture, pati politics and sports – they require liberation of a certain level. requirement na above somehow sa economic pursuits and the daily grind, the small details of living – para ma-pursue ng husay. kumbaga, dapat independent or freed from usual concerns para mas maasikaso ang mga ito… so, karamihan ng “geniuses,” alinman sa well-off ang parents, may patrons na mayayaman, friends and supporters and sugar mommies or sugar daddies – para ma-afford sundan ang art or lit nila, haha. ^^

      hala, it’s the business of life and living, siguro that “get in the way” – kabuhayan and everyday duties… for example, had i been married, i wouldn’t have had the time to read. and, malamang, maski monthly, di makaka-update ng blog, hahaha.😉 kung sa bloggers, mas parang gano’n, tingin ko…

      isa pa, may kanya-kanya tayong insecurities pagdating sa pagsusulat at paglikha. depende, if upon blogging, na-free up na ang insecurities na ‘yon or andoon pa rin… saka, constant wrestling with one’s ego, ahaha. i guess that’s a concern ng mga “lumilikha,” ahihi. sa ‘kin, i try to overcome that by constantly writing na lang – write and write. kailan din lang, about three years ago, maybe… prior, andaming reservations – susulat lang, daming pa-ek-ek… ^^

      ahaha, maraming na-produce na writers and artists after ng period of Enlightenment – Romantic period, Victorian era, Realist period hanggang sa kasalukuyan, ahaha… maybe because, during the so-called Enlightenment period, iilan lang naman ang na-enlighten, ahaha – members of the clergy, certain members of the richest families and selected scholars. sila lang iyon noon… through the centuries, unti-unting nali-liberate and opened up ang fields of education, learning and artistry, hahaha.

      natuwa ako ro’n sa parang may sanib. yes, creation is a bit like that, di ba, kapatid? inspired and driven, soaring sa other dimension, concerned sa pagbibigay-buhay sa version ng reality ng writer or artist, pwedeng sabihin…

      ahaha, sa ibang post na siguro idi-discuss ang pop art versus elite art and ang solitary nature of artistic, musical and literary activities/ pursuits, pati ang popularity and social acceptance ng mga likha, kapatid… salamat sa masigla mong comment. gandang gabi, Limarx…🙂

    • hello, Myr… salamat. ahaha, thousands mahuhusay na writers, sino sa tingin mo sa kanila di ko dapat kinalimutang i-mention sa article, kapatid? ahaha, leading si Rizal, Rennaisance man ang Lolo natin. kung may Twitter no’n, trending sya lagi, especially sa kawomenan, hakhak.😉 hullow…

  2. I can’t believe I read and actually understood this post! Your blog is truly a good exercise for my Filipino reading skills, haha. Very informative, ‘San. Your observation and passion for literature shines through – after reading this, I feel like going to the library to pick up Rimbaud’s Le bateau ivre (translation, of course, and then pretend to read, haha).

    “Ang lumilikha raw, darating sa punto – physically, intellectually and emotionally poor. Sayad na sayad siya sa sahig, gumagapang at walang-wala na… Sa ganoong kalagayan, doon daw lalabas ang individuality ng artist – resource, reserve and artistry niya – para makalikha ng magaganda, malikhain at orihinal.” Being drunk or broken-hearted also help bring out a good piece of work😀

    What era of literature do you think we are in these days? Like 100 years from now, what would people call this period? You think blogging can be classified as art?

    • hello, Nadia… ahaha, marami ka pang tanda Tagalog na salita and naiintindihan mo pa paano gamitin, aminin mo na…😉 hala pa, maybe remnants na lang ng mga pinanood na movies during student days… may Film Center sa UP, unusual films mostly ipinapalabas, haha. may times, halos tumira kami ng friends ko ro’n, hihi.

      being drunk or broken-hearted also help bring out a good piece of work, so do people say… i doubt if you’ve been in such situations, haha…😉 you must have observed that from friends, hakhak. seriously, i think personal hardships do a lot to bring out creativity in a person. it is unpleasant and ugly experiences that make one conjure images of beauty, symmetry and harmony… compels him to express them in art forms… in a way, may tama si Lolo Rimbaud, hahaha.

      post-modern era pa rin daw tawag sa kasalukuyan. after ng Realism nina T.S. Eliot, almost all artistic creations have been called post-modern, may iba-iba pa ring variants, strains and shades, parang virus lang, hakhak.

      wow, what a question… ikaw, ano sa tingin mo dapat itawag sa literary and artistic era sa ngayon? ang notable features, democratization ng access and mass participation sa art forms. hmnn, art is concerned largely with aesthetics… if blogging can produce beautiful art forms, excellent creations then, it could be classified as art, i guess… ikaw, what do you think? hirap yata tanong mo, hehe…😉

  3. * wink, wink * So, may I assume I’m the ka-blog you’re referring to?

    It’s true about me already scraping the bottom of the barrel. There’s only so much I can talk about my life , and what’s going on around me. Life goes on, day in and day out, as far as my life is concerned, I’m safely confined in a box, and so far, I like it the way it is. It’s not troublesome. Also, I guess that’s my personality. I’m a product of my environment….. cynical, straightforward, and if possible, can be explained scientifically. The most common topic in my family stems from the question….. ” What’s the scientific explanation for that? ”
    However, Rimbaud was correct. He was a writer so he needed to get out of the box. He had to move the world, and observed how the world reacted to it. I’m sure he could make stories out of it.

    Cheers, Ate San.

    • hello, Ren… hihihi, so it’s you. would you like me to put in your link, btw? just in case…🙂

      o, dear, i must have stretched the topic too far and put you in a situation of sort, pasensya na…🙂 just saying that “scraping the bottom of the barrel” happens to the best of writers and artists, to the aspiring writers and also to aspiring writers slash bloggers, haha. it’s everybody’s quandary, in a way. creation, or attempts at, put us in situations. it asks us to give a bit more than the usual…

      hmn, blogging is somehow different from writing in the traditional sense, i guess. in blogging, it is not just the content and method of writing that one is selling (so to speak) but also, the personality (and friendliness) of the blogger, ahaha. so, perhaps, you’d do well to be who you are and speak to your perceived audience in the way you are comfortable, dear. you don’t have to do a Rimbaud.😉

      and mind you, from impression, the French artists are different from you and me. they really stretch things a bit too far, ahaha. you’d observe that from their films and paintings… they’re too cosmopolitan, non-traditional and they could afford to be weird, haha. theirs is an old, rich civilization and as a people, they have evolved way longer, ahaha…. they experiment a lot… ^^

      thanks for reading, ha and being such a sport. cheers to you, too.😉🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s