Itinatala, para sa bukas

 

Sa blog, inilalagay natin ang mga tungkol sa kanina at kahapon. Iginuguhit natin at isinusulat ang mga pangyayari, ngayon. Para saan? Para sa mga babasa at titingin, mamaya at bukas.

 

We record things for posterity. Nasalubong nyo na ang huling salita? Future-oriented daw masyado ang mga tao sa kasalukuyan. Siyanga ba?😉 Hala pa, maski saan na yata ako magpunta- may Ipad, Ipod, camera at cellphone akong nakikita  – parating may taong kumukuha ng larawan, may nagtatala…

 

Noong araw, ang mga nagtayo ng malalaki at matitibay na gusali at cathedrals, visionaries daw. Ang mga nagpundar daw naman ng villages, subdivisions at mga bayan, pioneers at mga haligi ng lipunan, sabi. Nakini-kinita raw nila ang pamayanan ng hinaharap… Iilan-ilan pa lang sila noon, iyon yata ang kaibahan…

Ngayon, wari, halos lahat yata, abala sa pagdo-dokumento, patatawarin. Masyado nga kayang mabilis ang mga nangyayari? Lahat nga kaya tayo, nag-i-struggle against impermanence? Mga makukulit na tanong lang…

 

 

O, baka, excited lang tayong gamitin ang fast and easy technologies ng makabagong panahon? Sabagay, natutuwa rin ako sa touch technology, ang bilis mag-turn, ahihi. Nakakapagtingin ako ng 30 pictures sa loob ng dalawang minuto, hahaha. Dati, bago bumukas ang isang picture, sooobrang tagal…

Hindi ako sure sa mga pinagsasabi ko, hehe. Malamang, na-trigger lang ang thought sa conversation naming magkakapatid, kagabi… Inire-reklamo sa ‘kin ni nakababatang kapatid ‘yong isang barkada ko no’ng college (na Facebook friend nya, haha). Itong ale, eventually, naging ka-close din ng ate namin. Kaharap din si ate kagabi, dalawa kaming tumatawa sa kwento.

 

Reklamo ni kapatid, “Uy, sabihan mo nga si ___. Every hour, nanghihingi sa akin ng life. Nasa meeting ako or may hinahabol na deadline, sa tuwing tutunog cellphone ko, request nya. Pambihira.” Usapang Candy Crush, hihi. Pinigil ko pagtawa ng malakas. Paminsan-minsan lang ako parang nakaka-isa kay kapatid, kagabi ang isa ro’n.😉

May post sa DPSA, tungkol sa sabong – Manalo,Matalo. Itong si dabarkads nag-request no’n, naaalala nya raw ang Tatay nyang sabungero… Noong una, ayaw ko sanang magsulat ukol sa paksa. Naaasar ako, ang father namin, 2o years nang patay (the time na isinulat ang post), parating inuuna ang mga manok nya. Tapos, may kapatid rin kaming sabungero. Pero, pinagbigyan, kabarkada nga… Anyway, naaliw ako kagabi, hakhak.

 

Pero, dahil ang blog, naka-permalink at pwedeng mabasa sa hinaharap, di ko sure kung alin ang mas dapat kong ipag-alala –  mababasa ito ni kabarkada o ni kapatid?  Ay, bahala na bukas…😉

 

 

51 thoughts on “Itinatala, para sa bukas

  1. naisip ko tuloy kung paanong nagkaroon ng pre-historic era, di pa ata uso ang pagtatala noon ano, hehe? paano kaya naisalin iyon?

    ay siya, ipahinga muna ang pag-iisip, makinig na lamang muna sa MAKAHULUGANG handog na himig.🙂

    • hello, Cup… at pre-historic era talaga ang naisip, e, ‘no? wala pang records no’n. may mga nangyayari pero, di naitatala – wala pang Nokia, HP, Canon, wala pang WordPress at wala pang Instagram, whehe. wala pa rin pating Bic ballpen…

      did you like the vids? kakaiyak kanta ni Avril Lavigne, hoho.🙂 gandang araw…

      • I don’t think my blog is sustainable to be a long-running blog. Aftr my tour, what else? Oh, wait, we’re going to the Philippines, japan, Thailand, Singapore and S. Korea in summer 2014. yay !

        If and when I decide to close shop. I’ll delete the whole lot, and say bye, my lovely readers…..

        I’m running out of topic….. do I need to do something outrageous to have a topic?

      • hello, again, Ren… o, there, you’ve a topic (in a series again) all lined up already – the Asian leg of Ren’s travel adventures, ahaha.😉 will be looking forward to that…

        why delete it? you can set it to private in the meanwhile and when you’ve a BF or husband, that’s where he can do research about you, hehe.

        nah, you can reblog your post about tissue paper and tabo and yours truly will read it again, hahaha. you can even discuss molecules for idiots & you’ll be sure to have an audience here… i read crazy posts, dear, is why, hakhak… have a good week…😉

      • why, you didn’t know, huh? didn’t you notice from the sheer number and variety of half-crazed and lovable people dropping by? ahaha.🙂 cut that talk about pointlessness, Ren. it’s pointless, see? whehe. waving…

    • same with you renkyoko, no one from my family and most of my frends dont even know the existence of my blog…maybe afraid to know about the things that i might say to them,. but going back to the post of sister san, masyado na talaga nagiging fast pacing ang takbo ng mundo ngayon, mabilis mag iba at magbago. Hu knows, may dahilan kaya mo ito sinulat , mababasa rin ito in time ni kabarkada or kapatid😉

  2. Hi ulit Ate San.🙂
    Kung ngayon blogging siguro dati pwedeng i-consider ang diary as a form of recording, accounts of everyday life pero napakakaunti lang nung gumagawa nun, mostly kababaihan pa. Kung meron sigurong pinakapopular na diary sa history ‘yun ang Diary ni Anne Frank during the 2nd world war.

    When I reach old age, babalikan at babasahin ko ang mga naisulat ko sa blog ko, siguro mapapangiti ako, aalalahanin ang bakas ng nakaraan at ng kabataan. Tapos papakiusapan ko ‘yung mga apo ko na basahin naman nila ‘yung blog ko haha, ano kaya ang magiging reaksyon nila? Magbablog din kaya sila?

    Gusto ko ‘yung first video na pinost mo kakaiba siya, parang musical na may pagkaoldies.🙂
    Ang mga tao mas concentrated sa progress and development ng technology pero sa ibang bagay hindi yata, haha – ewan ko rin. Dami innovation maya’t maya kahit gipit na, go pa rin. Nauubos sa mga oras na hindi gaano makabuluhan, wala ng physical activities. Namimiss ko ‘yung mga panahon na ang mga bata ay naglalaro ng chess sa kalsada – iPad o tablet o PSP na ang hawak nila. Teka, lumalayo yata ako. Sensya na.

    Bakit may mga tips ka sa pagsasabong? Siguro nagsasabong ka rin dati? Haha.
    Isang magandang araw, Ate San.🙂

    • hello, Limarx… a, yes, maraming accounts and insights na mapupulot sa diary ni Anne Frank. pero, marami pang iba, wari… i have read a few others, magaganda rin. ay, ako, di nakapag-diary sa buhay ko, whehe. mas common yata ang pagsulat sa diary sa middle class and educated people noon. pag sa mga nasa liblib at walang-wala or doon sa napakabibilis and uncertain ng takbo ng buhay, mahirap sigurong magsulat and mag-maintain ng diary… kailangan, may facility sa words and may extent na liberated sa hustle and bustle ng buhay – para sa isang collected & sensible na pagtatala, palagay ko lang, ahihi…

      sa local Lit and local writers, marami rin… i find Florante and Laura as one of the most brilliant narratives written. and when you consider, ang aga pa ng panahon nang isinulat, nakakahanga… maganda rin, btw, ang Urbana at Feliza, parang palitan ng sulat sa magkapatid… Rizal’s diary and personal accounts, elucidating din, para sa mga matityaga and may time mag-pore over sa mga ganoong basahin, ahaha… collected and select thoughts ang sa kanila, kaya magaganda. ang layo sa ‘ting blogs-blogs – kung anu-ano maisipan at sumulpot sa pagkainip, hakhak.

      a, matutuwa sila siguro sa personal accounts mo. at the same time, ala Stone Age or Ice Age ang tingin nila sa ‘yo, whehe. pero, depende rin… pag may sense of history ang apo mong babasa, magugustuhan ‘yon, maaaliw sila. sa tingin ko…

      hihi, marami rin akong kilala, mga kapitbahay na problema ang pambayad sa upa at gagastusin, pero ang mga anak may PSP at tablet, hala pa… what to do, eh?😉

      a, post about sabong, request ‘yon ni barkada… ay, hindi. ayoko sa sabong. ayoko sa sugal, generally. hanggang tong-its, black jack and bingo lang tolerance ng lola mo pagdating sa sugal, ahihi. may three or four months sa buhay, nag-bingo sa SM, hakhak. after office, pero up to 200 lang per session. di kaya ng powers to lose or spend more, medyo risk-averse lang ang peg, hakhak.

      pasensya ka na, kehaba ng reply, ha? kaka-engganyo iyong comment, have a good week, kapatid.🙂

      • Kung papansinin natin parang mas okay ang generation ng kabataan dati, wala gaanong sagabal sa pag-aaral at ang mga sulatin ng sumusulat noon mararamdaman mo may “soul” parang mga song iba na rin compared sa ngayon. Ganun nga talaga siguro, “changes happen it’s enevitable”, tayo na lang ang mag-adjust. Naalala ko sabi ng tatay ko dati nang buhay pa siya, ‘pag nakagraduate ka raw ng High School during their time dadaigin daw nito ang mga College graduate ngayon. Hindi naman na ako nagtaka. Bukod sa technology na talagang malaking factor sa pag-aaral ng estudyante nandiyan pa ‘yung 24/7 na cartoons na always available, na nung panahon natin ay Saturday & Sunday lang. Paano madedevelop ang writing & reading skills nila, paano sila makakapag-aral ng mabuti kung masyado silang nag-ienjoy sa gadgets & cartoons? Tapos ‘pag time na nilang magbasa ng books dalawa o tatlong pages lang eh pagod na daw sila.

        The likes of Rizal, Balagtas, etc. marami pa naman ‘yan kaya lang hindi nabibigyan ng chance, mas gusto ng mga reader ngayon ‘yung mga tipong Bob Ong, Ramon Bautista ang pagkakasulat – may pagka-sarcastic na may halong komedya.
        Wala gaanong interes ang mga reader ‘pag masyadong seryoso ang topic, ayaw nila ‘yung something like “pagbabago ng Pilipinas, paglalahad ng kahirapan, mga dahilan kung bakit may political dynasty”, haha ‘pag yun ang isinulat mo malamang langawin sa bookstore or walang magkainteres na bumasa sa sinulat mo. (ang salbahe ko! haha)

        ‘Yung kapitbahay mong gipit sa panggastos pero maraming gadget, kapitbahay din ng lahat ‘yun, hehe.

      • hello. Limarx… walang gaanong distraction sa pag-aaral noon? oo nga, punta lang sa bahay ng kaklase ang ibig sabihin pag gagala or gigimik, haha. magkakantahan, partner ay songhits, ahihi… hala pa, na-discuss ko medyo tungkol ryan, sa DPSA posts, kapatid… do you mean pala, panahong lilima pa ang istasyon sa TV? ahaha, at ang may TV naman sa community, baka less than lima? ahihi… oo, am afraid, ibang panahon yon… ^^

        pasaway na opinyon – iba siguro ang challenges sa kabataan sa makabagong panahon. there maybe more perks, easy technologies and privileges for them, pero possibly, marami ring pagsubok at hirap… baka iba sa hamon noong time ko or even later, noong time mo, pero may kanya-kanya ring pagsubok. i was a teenager in the 80s, a very expressive and dramatic period. pero, ang sabi, lost and lackluster daw ang generation namin, as in… but we seem to know our history, more or less… maybe a little more than those mga sumunod? ahaha.

        parang ang current age, mas concerned sa flexibility and manageability? parang… the youth of today must know how to scan fast, to glide and to soar, ahaha. samantala, kami noon, we had the leisure and the chance to read more. we seem to know more pero, medyo mabigat din ang luggage, ahaha. hindi kasimbilis or flexy ng mga kabataang sumunod. and my generation, am afraid, has yet to prove its mettle and accomplishments, kumbaga… ^^

        a, about Bob Ong and Ramon Bautista’s popularity. hmn, i haven’t really read their works, kapatid. nakakabasa ng ilang quotes from Bob Ong and nakanood ng ilang Youtube and ads ni Ramon B. maliban do’n, wala masyado para makabuo ng matinong impression, ahaha. sa surface, ang kuha ko sa sentiments popularized by said celebrities, medyo focused on making do – magtiis, maging flexi and maging smart – parang yon ang selling point… and, know one’s inner desires (mas kiling sa sex), para may pagkukunan. parang gano’n…

        what i notice, there’s leaning sa unchangeability ng bagay-bagay. kumbaga, despair must be borne. opinyon ko lang, ha? mas manifest ata to sa “makaraos lang” ni Eros A.? there’s recognition of the hard times, yes. but, parang populist and selling the idea that life in the margins must be tolerated… there seems to be a tacit endorsement of extreme inequalities sa lipunan and that the desires of small people, small lives, must be kept to the minimum. maybe flexy, doable but conservative – for me, ahaha. peace, sa mga di agree.🙂

        pero, on the other hand, am not washing my and my generation’s hands kung bakit things and sentiments veered that way… ang dami kasi yata ng ipinangako ng 80s – institutional reforms, pagbabagsak ng isms ng lipunan, regeneration of political and social life natin as a people and pag-unlad sa pangkalahatan… even kami noon, the youths of my time, masigla and promising (ahaha, come to think of it). and as i said, tila walang masyadong na-prove, walang dramatic output, walang marked changes, for some reason…

        likely, we hoped for too much, read way too much and shouted too loud, ahaha. and then, we compromised, settled and each, privately, bore our discontents, shaks lang… hala, narinig mo na dati pa ang mga ganitong istorya. the younger generation din, siguro, nakarinig na ng ganito. kundi pa, hard to say they’d be interested this time, whehe…

        ahaha, busy sa Candy Crush sa kani-kanilang tablets ang ating mga kapitbahay, as i am typing this…😉 gandang hapon sa iyo, pasensya na sa isang kilometrong musings and ruminations…🙂

  3. bakit maraming nagtatala ng mga pangyayari? Siguro nga kasi : “where everything else changes , its nice to look back on things that never change – Memories ”

    MAKA Kowt lang. wahhaha
    Tama ba yung grammar nung kowt . ah basta yun yung thought nun. lol

    Nakakaaliw naman tlga ang technology. Minsan nga naiisip ko tayo na ang kinokontrol nito. wahahahha.. tingin mo?

    • hello, bagotilyo… tugma po at angkop, hihi. siguro, may isang part din, dahil pinadali ng technologies ang mag-record – picture-picture, video-video, sound uploading at anu-ano pang processes, pagkahirap dati…

      mantakin mo, dati ang OFW and his/her families, nagpapalitan sa koreo ng casette voice tapes, ahaha. ngayon, skype na lang… saka, recorded video. or, real time pics (matter of seconds na lang pagkakuha ng larawan, naipapadala na thru cellphone). iyon atang proximity, nearness and immediacy, malaking bagay ‘yon, sa panahon ngayon. dati, si James Bond lang me gano’n, hehe…

      ahihi. di naman, palagay ko… i would say, may edge ang producers, creators and operators ng IT infrastructures, mas gano’n yata. basta, ahaha…😉 salamat at na-bore ka sa madaling-araw, dito mo naisipang humimpil. warm regards…🙂

  4. tunay naman .. na halos lahat na ata ay nahuhumaling na sa haytek ng bagay.. nagulat nga ako dun sa nagtitinda ng taho sa amin daig pa ko, dahil sa bago nyang tatskrin na selepono ..🙂

  5. nakakatuwa ang kuwento mo ate san. medyo nahirapan sa pagtranslate hahaha pero enjoy ako sa pagbasa. may “love-hate” relationship ako ngayon sa technology, para bang can’t live with it at can’t live without it. kasama na ako sa touch screen generation sa ngayon dahil sa regalo ng aking mahal for my bday, hahaha, he got me a phablet na sobrang hirap naman magtype with dahil malaki ang aking fingertips at maliit lang ang space ng screen keyboard…I really enjoy reading your thoughts about life in Pinas. I’ll be back tomorrow to read some more.🙂

    • hello, Tropical Home… salamat at nag-comment ka. inggit ako sa ‘yo, tumatakbo ka these days. noong araw, i used to that also. nitong huli, lakad-lakad na lang, hihi. ay, cute ang regalo sa ‘yo ng hubby, nakakita na ako nyan based sa description (maliit ang space ng screen keyboard, hihi)…

      hindi kami click ng technology and gadgets for some reason, may pagka-slow me na tao, hahaha. pag minsan, bumibili din naman ako, pero sayang mostly ng features, di nagagamit. i enjoy looking at my pamangkins and siblings using them, though and seeming to enjoy themselves. balik ka…🙂

      • oo a…di lang makabasa ng blogs dahil sa pagtuturo at hirap gamitin keyboard ng tablet para sa comments, naiinis lang ang beauty ko kaya tinigilan ko na sa tablet. sa pc na lang…pang low-tech keyboard lang talaga ako hahaha…

        kaya ako may tablet dahil sya na ngayon ang gumagamit ng desktop. mahilig sa fezbuk e. ayaw nya rin ng tablet dahil sa keyboard issues.🙂 minsan libangan ng mga kidz pag naghihintay sa pila o basta naiinip sa labas o kaya pang picture at post agad sa instagram. sa pictorials lang ako happy with the tablet.😉

      • a, ako man po, best pa rin for me ang desktop, especially when editing. laptop only pag nasa labas or you want to write habang nasa bed, haha or nasa coffee shop, may hinihintay. mas masarap pa ring gamitin ang desktop, in many ways, ahaha. mas mabilis ding mag-open and mas maraming windows ang kayang bukas at a time…

        aye, for some reason, parang convenient and most apt tablets for picture-taking and viewing. probably, they aren’t best for writing and working (on). maski ako, nahihirapan sa keyboard, parang maliit nga ata? gandang gabi…🙂

    • salamat, senyor iskwater.🙂 ahaha, sa dpsa, na-discuss yata yan – sa post na Lumalakad ang Balita. ay, two km lang po ang article… may official historians pa rin, I guess. may official version pa rin kasi ang history – point of view ng victors and legitimized ruler for the period…🙂 good day.

  6. Ganun po talaga ang buhay ng mga tao ngayon… Lahat gusto mag-iwan ng mark sa history.🙂 And when technology is involved, everything seemed to move fast forward. Just enjoy every second of it!😀 PS. Level 208 na po ako sa Candy Crush! ahhahahah!😀 Good day, Ate San!

    • ahaha, lahat gustong mag-iwan ng mark? sa history talaga? ahihi… para nga, ang bilis with all these technologies. ay, gustuhin ko mang i-enjoy, di masyado. slow me sa techy, haha. di ko rin masyadong digs, my pamangkins talk to their tablets while waiting for the food to be served. ‘yon ang time para sa conversation with family members, di ba? ^^

      ay, 208 na? galing!🙂 147 lang ‘ata kapatid ko… balita, stuck na sya ro’n, ahaha. happy weekend, karenicanix.😉

      • yes.. technology is fast pacing.. kahit po kami sa hospital.. especially sa Operating Room.. ang dme new technology para mag-opera! hahaha.😀 Nway.. kme po ng mga pinsan ko… may rule pag kumakain.. (either sa bahay or dine out).. NO GADGETS. SHARE YOUR STORY. hahahaha.😀 happy Sunday!

      • hello, Karen… ay, napansin ko rin, karamihan ng hospitals sa MM, daming bagong equipments, no? unlike noong araw… mas marami na sigurong nagfi-finance sa hospitals. which is ok, for the patients, medyo mahal nga lang…😉

        parang gusto ko policy nyong magpi-pinsan… parang ang hirap i-adopt nyan sa ‘min, hakhak. have a good week.🙂

  7. Haha. Naalala ko tuloy yung Picture, Picture na episode ng Word of the Lourd. Lahat tayo guilty, hindi lang yung mga mahilig magpost ng #selfie. Sabagay, parang may finufulfill na wants ang pagsusulat ng blog; siguro immortality ito. Tama ka, nag-iistruggle talaga tayo sa impermanence. Iniiba-iba lang ang term: legacy, imprint, atbp. Naiinggit ako sa’yo ngayon, parang gusto ko na rin magblog ng Taglish. Hehehe. Happy weekend Ate.🙂

    From your Kuya Brother Allen.🙂

    • ahaha, mahanap nga yan sa YouTube, parang maganda… hala, e, napaka-self indulgent kamo ng activities ng age and time sa ngayon, kainaman na… #selfie must be the height, hehehe. but, but, if everybody is uploading blogs, pics, self-congratulatory messages and images, then, who’s listening and watching? hindi ba each is cancelling each other out? ahaha, come to think of it, hehe… ^^

      nae-engganyo mag-Taglish? hehe, nainggit you, slight? hello, kuya brother allen… haha, 19 years ata ang tanda ko sa ‘yo pero, oks, gusto ko uli magka-kuya, hihihi. happy weekend😉🙂

      • Ganun talaga ate. Kuya pa rin ang itawag mo sa’kin. Hehe. Kahit ang mga school admin na 2x ng edad ko e kuya pa rin ang tawag sakin, brother daw e. hehe. Dati, ayaw ko ng tinatawag ako ng kuya ng mga crush ko (andame nila, ‘no?). Ngayon, dahil inclined to celibacy ako, kahit yung magaganda na dalag ang tumawag sakin ng kuya, ayy… masarap sa tenga. hehehe. Uy, secret lang yun ah.😀

      • o, sige, kuya allen talaga. kuya kita, ha? ang laking tao ng kuya ko, whehe. ang saya…🙂 hihihi, makontento ka sa maraming na-Kuya sa ‘yo, vow ang vow mo, kapatid. ginusto mo yan, hahaha. gandang gabi, kuya allen…🙂

  8. ganda ng topic ng post mo. isa ata ako sa natamaan ng bongga or naka-relate ng sobra. asar din ako sa mga taong ginagawang freedom wall ang kanilang facebook na eventually ay ini-invade din ang wall mo. That’s why, napaka bihira ko na rin mag-FB and inalam ko yung mga setting. hindi lang kasi panay-panay, nega pa man din.

    isa rin ako sa madokumentado, pero nagiging ganun ako for the sake of blogging and scrapbooking. at dahil minsan nagsisisi ako na hindi ko nakahunan ng ganito ang ganyan, so meaning mababa pa ang level ko. hehehe

    • hello, Hoshi… ahaha, di naman kita pinapatamaan sa post. ibig kong sabihin, not you in particular. i mean, all of us, para tayong ewan, hahaha. it’s the times, siguro… parang lahat tayo, gustong mag-record, yun… ^^

      ay, gusto ko scrapbooking mo, kapatid. binabasa ko ang post mo about that, haha. ewan ko, meron din akong attempts na ganyan when i was younger. hindi siguro sing-sytematized and artsy noong sa ‘yo, haha, pero meron…

      sa ‘kin, mas low class, no budget attempt mag-ipon ng bagay-bagay na na-cutean ako (maski others won’t look at or appreciate them). yon lang, di ko na-maintain… nag-iiba yata ang pinagkakaabalahan as one ages.

      hindi ako masyado sa digital form. hindi ako ma-gadget and updated na lately kasi, hahaha. i don’t have anything against those who do or enjoy them, though. nasasa tao na rin siguro… in due time, malalaman din naman nya alin ang excessive, alin ang hindi. alin ang dapat ipunin at alin ang hindi, ahaha. sa blog, memories ang niri-retrieve, in a way, para ring scrapbok, ahaha. hellow sa ‘yo…🙂

  9. ahihi, Tamang-tama sa akin oh, nagtatala para bukas, ito yung reason ko noon when i started my diary/journal in 1995, at the same time ginawa ko kasi para maimprove ang penmanship ko.. Ang weird nga kasi ultimong expenses ko nakatala kaya kapag tinanong ako kung magkano ang gastos ko sa school year kaya kong sagutin si Mamita para sa reimbursement..😀 kaya nasanay ako lagi sa black /white. laging may supporting documents. At siguro nga ito yung way not to forget the memories. which is masarap naman balikan lalo na kapag usapang peg-ebeg.. ayii.. Slumbook ang peg.
    Sa ngayon, ang tingin ko, mabilis ang lahat, kailangan laging updated, hindi na interesado sa kung ano ang nakaraan. . itanong mo sa bata ngayon kung kelan sumikat ang farmville, pagtatawanan ka na sabay sabing anong petsa na….😀 ipina frame ko nga pala yung 3210 ko, sabi ng pamangkin ko. is it your phone? when? how does it work? whahaha……parang old age agad😛

    ~maulang hapon~

    • hello, babetski… natuwa naman ako, napaka-comment ka.🙂 a. talaga, may journal ka – ang husay. ako, wala, hihi. mas listahan lang ng saan pumunta, ano’ng oras ang mtg or appt. saka, yun, ginastos, hakhak. pareho kita sa naglilista ng expenses, dear. sa akin, mas parang reference pt. sila kaya ko itini-take down hal., P54 small notebook. that means, dumaan ako sa NBS that day, hihi. early 90s ko naumpisahan. although, for about a year now, i’ve stopped doing it, kainaman na…

      tama ‘yong sabi mo, may pagka-supporting docu sila, hihi. halimbawa, iniisahan ka ng kapatid, kesyo wala ka raw inilabas na gano’ng amount – titingnan ko lang listahan, ando’n, hihi… ay, wala akong journal or notes re: pag-i-pag-ibig, shaks na ‘yan. some letters to me, naitabi ko pa – from friends, lovers and countrymen, hakhak. nabaha ang mas marami, though. sayang… ay, may 3210 din me phone, nakatabi pa sa isang sulok. it’s heavy, antique-looking and kinda old, dear… modern na and younger ang pamangkin mo. ang sa’min naman, sobrang natuwa ‘yong bata (nephew namin) noong makakita ng TV na black and white na umaandar pa. di sya makapaniwala, haha.😉 musta you… hope you are nakapahinga na, somehow… warm regards🙂

      • 😀 yup naka journal ang lola, pero since yung last kong journal eh nakasama sa naiwang kong bag, bigla akong tinamad, para kasi akong na hold-up, hehehe sumusulat man ako hindi na ganun ka heavy ang drama + masintahan na rin lang, ewan ko ba, dumadaan siguro talaga ang ganun time na medyo dinadalaw ni tamaritis..
        ay naku sinabi mo pa, kaya di ako maisahan nina brotherhood when it comes to expenses, may supporting document lagi ako. hahaha:D..
        eto, medyo ok na, pinaglalabanan ang pamamanglaw, dinadaan na lang sa pagtulog para makakabawi na sa madaming puyat.😀 at kapag dinadaan ng pangungulila, basa basa lang ng mga na miss kong subaybayin,,, hehehe..

      • aliw, may journal. ay, oo, nakakasama ng loob pag iyon ang nawala. as in, parang one- third na rin ng buhay ang naglaho? hehe… kakatuwa ang term, masintahan. ngayon ko na lang uli yan narinig… btw, ako man, di rin gano’n ka-faithful sa recording maski ng expenses lately. dangan kasi, walang pera, hakhak…

        supporting document talaga. gan’to, pag gusto kang isahan ni/nina kapatid, iisahan ka. maski may ibinigay ka, i-insist sa ‘yo na wala, sabay magtatampo pa. hakhak, ang sama… anyway, baka sa amin lang gano’n, ahaha…

        at may isa ka pang term na ngayon ko lang uli narinig – pamamanglaw.😉 gets ko na, from ST region ka rin, kapatid na babetski. o,sya, ibalik ang alindog, ahihi… kaway-kaway.😉

      • hahaha.. yup ST girlalu ang lola, maka term noh.. pang mother tongue lang.😀 buti at di ka naguliminahan…

        kaway-kaway, dito nga pala ako sa bulubundukin kung saan pinagtagpo ang tatlong lalawigan.😀

      • hala, nasa MM me, though my lolas are from Laguna. btw, di ko pa alam exactly asan you, ang saya lang. pero dami ko na nabasa e.g. the ST provinces cluster, star tollway, atbp. ang adik lang. kaway-kaway…😉

      • ahaha, nasa MM ka pala, yung kapitbahay ko puro MM din… Mayayamang Mamamayan ng bansa..😀 mga bukod-tanging pinagpala. nyahaha… dito ako sa boundary ng kabundukan ng Cavite-Laguna-Batangas, at mas feel ko ang pagiging batanguena, ala eh… baka magalit si Ate Vi, hehehe…;D tanaw tanaw din…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s