Sa may gulod

 

Sa may Gulod pwedeng mag-inom ang mga taga-UP, ahaha. Iyon, pag gustong uminom ng mga estudyante ng di lumalabas, nasa campus perimeters pa rin… Saka pala sa PCED building, Β sa may likod ng UP Hostel, pwede rin do’n (Kaya lang, mostly professors tambay ro’n, makikipag-inuman sila sa inyo). O, kaya, pwedeng bumili ng beer sa Coop, tapos, sa loob ng dorm nyo inumin, hihi. Patago, siyempre…πŸ˜‰ Bawal kasing uminom sa loob ng campus, dati pa… Dumaraan kasi sa panahon, marami-rami ang Β frat wars, paluan ng bat madalas, o kaya, pag may nakitang bote ng beer, ayon… So, bawal.πŸ™‚

 

Image of a jeepney plying the route, UP Ikot

Sakay kayo ng dyip na byaheng Ikot, dadaan sa kaparangan ng UP, bago makarating sa may entrance ng baranggay Krus na Ligas. UP pa rin, probinsya ng UP/ apartmenthuntr.tumblr.com

Pag UP Fair, noon at doon pwede, legal… Isang linggo yaon, may mga nagtitinda ng beer sa Sunken Garden at sa pali-paligid nito. Second week ‘yon ng February, tandang-tanda, hahaha. Sa kiosks, masarap mag-inom. Parang nasa beer garden lang ang ambience, tapos, maraming kalat na bags, tsaka uniforms sa PE at folders ng assigned readings… Inuman kayo sa tambayan, magmura na ang mga may sama ng loob, haha, magkwentuhan na to the max at mag-diskurso yaong mga di pa over sa dini-discuss sa klase. Ang sama…πŸ˜‰ Pwede ring mag-PDA, sus. Ay, may nagpi-PDA, maski anong season, ahihi. Pwede ring sumakay ng dyip, diretso na sa SM North, mas ito ang usual… Kung gusto, sa malapit lang, sa Katipunan. Medyo mas mahal nga lang. Pag konti budget, sa Philcoa area. May mga inuman din do’n, sa gilid-gilid…

 

Sa karaniwang pagkakataon, sa Gulod lang nag-iinom. Ang Gulod, isang beer garden, andoon sa may kanto ng Barangay Krus na Ligas at C.P. Garcia… Bale, pagkaliko ng Ikot na dyip – matapos dumaan sa UP Police station, sa mga kaba-kabayo (may farm doon, Β nagbi-breed ng thoroughbreeds, haha) at sa kaparangan ng UP sa pangkalahatan – baba na… Hindi na kayo aabot sa Residence ng UP President (pag umabot do’n, ibig sabihin, lampas na). Hindi na rin aabot sa Math Building, malayo na ‘yon (at kailangan nyo nang lakarin pabalik, walang masasakyan). Doon na, sa kantong-kanto mismo ng Krus na Ligas, sa may arko ng barangay. May dalawang inuman establishments doon noon – ang Gulod at ang Sarah’s. Punung-puno lagi ‘yon ng mga estudyante pagtuntong ng 530 siguro, hanggang sa gumabi. By the way, palengke ng barangay ang bungad ng Krus na Ligas. Kaya yon, nakakatuwa, maraming mabibili…

 

Image of the entrance of Krus na Ligas village in Quezon City

Nasa kaliwang bahagi ng arko ng Krus na Ligas ang inumang kung tawagin ay Gulod/ http://www.facebook.com

 

Ang Gulod, parang inuman lang sa probinsya, ahihi.. Yari sa kubo ang establishment. As in, nipa hut, oo. Tanda nyo ‘yong kubong nipa ang bubong, may bintanang parang sa kantang Bahay-Kubo lang at may mga nakasabit na orchids sa loob at sa paligid? Oo, haha, gano’n… Tanda ko ‘yon kasi, pag ise-serve pa lang ang inumin, Β gawain namin noon, i-observe ang mga orchid plants at punahin kung alin ang lumaki na, ang parang di lumalaki at kung inilipat ba ang isang paso doon sa kabila, haha. O, kaya, minsan, may orchids na yumuyungyong sa mga mata namin, hakhak… O, basta, countryside ang ambience ng Gulod. May mga bangko at mesang native, yari sa kahoy o kawayan. Parang sa probinsya talaga, hindi even ang pagkakagawa. Iyong iba, hindi magkaka-terno, hihi. Pati plates, baso at mangkok do’n, hindi terno. O, kaya, chipped ang gilid-gilid, haha. Ayos lang ‘yon sa mga estudyante, sus.πŸ˜‰

 

cartoon image of a student's usual weekend routines

Masarap maging estudyante/ http://www.facebook.com

Anyway, bago nyo itsurahan sa imahinasyon ang wild drinking days namin noon, haha, hayaan nyo munang basagin ko ang inyong trip, hehe. Hindi sa Gulod naganap ang mga iyon, hakhak. Oo, at least sa groups and barkada namin, hindi sa Gulod. Sa Timog at sa SM North yon, whehe… Ang Gulod kasi, parang beer lounge ng mga estudyante – pwedeng in between classes or after the class – yon. So, medyo carefree drinking lang ang ginagawa namin doon sa sulok na yaon. Tig-iisa or dalawang beer, after class na. Actually, mas madalas, pumupunta lang kami noon doon para um-order ng gisadong pansit at Coke. Or, tokwa at baboy, Β iced tea or Cali ang iniinom, haha. Kokonti ang instances na nag-inom talaga kami ro’n, as in, inom na walang patumangga at magpapakalasing, haha. Mas katuwaan lang, mapalayo kahit paano sa mga eksenang University Avenue or UP Coop or CASAA. Matataong lugar lahat yaan, puno palagi, mga estudyante at hindi…

 

Kumbaga, pag feeling namin, We want to get away from it all, akala mo naman, haha, sumasakay kami ng Ikot na dyip at punta sa Gulod. To let our hair down, kumbaga… Malayo sa sangka-estudyantehan, malayo sa makakasalubong ng professors at malayo sa mga Xerox machines na nangangahulugang readings up to sawa, sa Gulod tutungo… Feeling namin, pumupunta na sa probinsya, probinsya ng UP, hahaha. Iba rin sa pakiramdam – makalanghap ng hanging galing sa mga talahib sa bandang Farm, makakita ng mga manok na nakatali at mga taong nakabihis na parang mamalengke lang, hahaha. Parang pumupunta kami ro’n para maibaba lang ang mga bag, hahaha, makakilos ng maluwag, walang sisita at hindi mako-conscious sa itsura o, sa sasabihin ng iba. Pwede rin, doon magmumura at magmamaktol at pwede ring magbasa-basa, haha.

 

Image of the UP Sunken Garden, view from one side of the University avenue

Mas marami pa rin sa tambay namin noon, sa Sunken Garden lang o sa paligid nito/ commons.wikimedia.org

 

Actually, may time na ginagawa namin yon noon – punta kami sa Gulod para roon magpakabanal kunwari over our readings o mag-solve ng Math problems, hakhak. Lunch or after lunch… Order ng maiinom, para naman may business sila, para di magsarado, hihi… Β Sa kabila, sa katabing-katabi, Sarah’s naman. Ang Sarah’s, mas malaking beer garden. Mas doon yata ang puntahan ng mga iinom talaga. Basta, mapapansin nyo, hard-core drinkers ang ando’n sa kabila. Mas marami pating isine-serve na pulutan do’n, as in… Tapos – maraming fratmen and brods-brods – doon sila pumupunta, pulu-pulutong, lalo pag bandang alas-sais na. Tatlong beses lang ‘ata akong nakapunta sa Sarah’s. Mas sa Gulod talaga kami… Dadalawa ang boys sa barkada namin, mapuputi pa sila, haha, hindi mukhang fratmen. May dalawa sa barkada namin, mga aleng sexy nga, sexy naman, pero astig, ahaha. Tipong sinusundo ng boyprend sa Gulod? Patatawarin.πŸ˜‰

 

Hindi pala elevated ang kinatatayuan ng Gulod. I mean, kapantay lang ng kalsada ang grounds ng establishment. Ang area, generally, elevated. Hindi yata binabaha ang parteng iyon ng UP. Mas tama sigurong sabihin, ang pangkalahatang area ang gulod, hilly… Ang lugar na iyon, tila parang talaga. Sa malapit ay may puno-puno ng mangga, malilim, may bushes, at may damu-damo. Pwede pang pagpastulan ng hayop, haha… Pag bandang alas siyete pumaroon, para lang kayong pumunta sa tiyahin nyo sa probinsya, hihihi. Ay, siyanga pala, matagal nang wala ang Gulod na inuman. About eight years ago, pumunta kami roon, iba na ang nakatayo. Kainan pa rin, pwede pa rin yatang uminom, pero themed restaurant na. Likha Diwa yata ang pangalan. Parang artsy-artsy establishment, kamukha ng mga nasa Kamuning area. Iyong tipong artsy people ang nagsi-serve? Gano’n… Nang time na yon, though, andoon pa ang Sarah’s, sa katabi. Ewan ko lang sa ngayon…πŸ™‚

 

Image of fried shitake mushrooms served at Likha Diwa

Deep-fried shitake mushrooms, isang pagkaing served sa Likha Diwa. Curry-flavored dish naman tinikman namin, minsang nagawi roon/ thepaoloproject.com

 

Nakaka-miss maging estudyante, hihi. Lalo pa, pitong taon bago maka-graduate. Ay, average time ‘yon para makapagtapos sa Peyups. Maski ipagtanong nyo pa…πŸ˜‰

 

46 thoughts on “Sa may gulod

  1. My parents are both UP graduates, members of frat and sorority. My Dad wasn’t a good student, so I heard…. he and friends were once detained at the detention Center for rowdy behavior with rival frat. Ha ha They had to be bailed out. Punks.

    • hello, Ren… i could picture your parents, they seem to be both good-looking and belonged to the in crowd at the campus, haha. my barkadas and i were blousy-types, always panicking to have the assigned readings photocopied, hehe. but we have other friends who were frat and soro members. yes, kaloka buhay-estudyante nila. parang masaya, though. oks lang Dad mo, cool ‘yon noon.πŸ˜‰

  2. Kahit hindi ako taga UP kakarelate naman ako kahit papaano sa buhay estudyante post na ito, hehe ‘yung patagong inom after school, yung lakwatsa, kulitan, kwentuhan at grievances sa lahat ng bagay. Ngayon, mas concentrated na sa trabaho, sa pamilya at sa pagpapaaral ng anak.
    Palagi at parati ‘yung respeto namin sa taga-UP laging naroon.
    Gandang araw, Ate San!

    • ahaha, mabait ito, mabait. sa dpsa, may isa pang kwento – Dekadente ang title, mas makulit yown… ahaha, sadyang ganyan yata, nabait despite oneself, hihi. or, nagkakabait? basta…πŸ˜‰ a, oo, kagalang-galang ang mga taga-UP dahil maraming kalokahan at kabulastugang nalalaman, sige…^^

      gandang hapon sa iyo. salamat sa dalaw at regards sa misis at sa pinaaaral na kids.πŸ™‚

  3. Deep-fried shitake mushrooms…gusto ko i-try ‘yan. Mahilig ako sa mushroomπŸ™‚

    Anyway, nag-practice teaching ako sa KNL High School at may mga kamag-anak din kami diyan (since nagkalat ata ang lahi namin sa UP, mga dun lang nakatira hehe). Sayang ‘di ko na nakita yung Gulod.πŸ™‚

    Hello ate.

    • ay, mahilig rin me sa mushroom. may write-up me sa dpsa, Ang Tagkabute, ahaha. masarap ang shitake, yon lang, usually, medyo mahal. pero pag fan ka ng kabute, gow…

      ay, alam nya ang KNL, ikaw na… at taga-UP area sadya ang lahi nyo? kaya pala studious ka, hihi. hello sa naglalagalag sa online library. masaya ‘yan, magulo. good luck, hihi.πŸ˜‰

      • Yung tito ko pagkatapos umulan naikot sa madadamong area sa campus tapos uuwi yun at presto! may ulam na sila…syempre may parte ako dun hahaha. Medyo mahal nga eh, kaya minsan tyaga-tyaga sa button mushroom hihi

        Opo, sa UP ako lumaki at nagkaisip…gumagala kami ng mga pinsan ko sa Sunken garden pero madalas sa lagoon nung maayos pa at maganda kapag hapon pagkagising pati sa mini zoo sa simbahang bilog, nakita ko pa si Carla yung dambuhalang sawa sa mini zoo na yun. Nangunguha ng santol sa bakuran ng mga prof, mangga, kaimito, sampalok, avocado, duhat, bayabas, minsan papaya hehe at chico minsan sa harap ng University Health Service (Infermari dati).πŸ™‚ Yung UP Hotel ngayon Hostel pa dati hihi.

        Sa Pook Palaris ako tumira ng matagal, kapitbahay namin ang mga DavidπŸ™‚

      • ay, ang cool, sa loob ng UP nangangabute. but come to think of it, parang gubat lang talaga UP campus after the rain, di ba ga?πŸ˜‰ masarap ang button mushroom. lahat yata ng edible mushroom, masarap sa ‘kin, hihi.

        ay, ang swerte mo. ang ganda ng ambience ng UP as a community, kapatid. may time din dati, dumadayo kami ng family sa Sunken Garden pag weekend, ipinapasyal mga bata (pamangkin, apo), nagba-badminton or nanonood ng nagpa-practice ng football (kagaganda ng legs ng players, haha).

        may zoo pa ba sa may simbahan. alam ko, dati yon, noong si Fr. Robert Reyes pa ang assigned priest – sya ang mahilig sa pet animals… at pumangit na ba ang lagoon? maganda-ganda ‘yon dati, ewan ko lang ngayon. hahaha, alam ko ‘yong mga bahay dyan na keraming puno, parang sa probinsya lang, hahaha. ang swerte mo…

        Infirmary or Infirmatay, marami akong dental check-up at kung anu-ano’ng check up na in-avail dyan, maski pang WWII hospital ang ambiance, hakhak. may kaimito nga ro’n! at maganda na ba ang hostel? hotel proper na sya? mukhang bed and breakfast or lodge lang yon dati, ahihi. makapag-check in nga…πŸ˜‰

        a, talaga? nagagawi me sa Palaris dati. maganda dyan. pangarap ko dati, makatira sa loob ng UP, as in doon ang bahay, hahaha. oasis, oasis ang UP.πŸ™‚

      • Ay korek ‘te! Mukhang gubat dun pagkatapos umulan saka ang bango ng amoy ng paligidπŸ™‚ , medyo creepy nga lang ang ambiance kapag naglakad ka sa ilalim ng ulan sa gabi hahaha. At oo masarap lahat ng edible mushroom.πŸ˜€

        Kapag weekends madami tao sa sunken. Tumatambay ako dun ngayon bago ako pumasok sa klase hehe.

        Wala na yung zoo dun ate matagal na…ang alam ko yung ibang hayop nilagay na sa Wildlife. Si Fr. Robert Reyes the running priest, bata pa ako nung siya ang assigned dun eh. Elementary siguro. Hindi ko pa napupuntahan ulit ang lagoon ngayon, nung college kasi ako medyo tuyo na daw eh, dati maganda talaga ‘di ba? May mga lotus hihi tapos nanghuhuli kami dun ng gurami tapos aalagaan tapos kapag namatay yung kasama niya sa aquarium eh nagsu-suicide yung natira. Hahaha.

        Oo infirmatay!!! hahaha natatawa ako tawag ng mga tita ko din ‘yan diyan. May discount kapag student ‘di ba? May recommendation kasi sa akin sa medical na magpatingin sa ortho gawa ng scolio ko tapos dahil super underweight daw ako eh kelangan ko din i-meet ang dietitian haha at wala pa akong nasusunod sa mga sinabi ng doctor, jaran!

        Maganda na ung facade ng hotel, try mo mag-check-in minsan may mga special promo and discount sa mga alumni ehπŸ™‚

        Ako din kung titira ako for good dito sa parteng Manila sa UP Campus ko gusto tumira. Hehehe, kelangan maging professor para may pag-asang magkabahay ng maayos sa loob.πŸ˜€

      • ahihi, amen ako sa mga sinabi mo. mas alam mo, dyaan ka lumaki… magawa nga yon one of my crazy days – mangabuti sa Peyups after the rain, ahihi. ay, oo, masarap tumambay sa Sunken pag walang hinahabol na papers or klase, haha. maghanap ka ng kasama para may buddy pagbili ng fishball, ahihi. saka, kareklamuhan…πŸ˜‰

        talaga? matagal na me’ng di nagagawi ro’n, pati sa QC Parks and Wildlife. ang Wildlife, pinaganda, napansin ko the last time I went there…oo. may lotus at bibe sa lagoon, wala na ba? ang kulit, nanghuhuli kayo ng gurami? talagang taga-UP ka, native of the place, ‘ika nga. picture-picture ang ginagawa namin doon noon…

        free ang basic check-ups sa Infirmary para sa enrolled students. other procedures, may bayad na. di ko maalala if discounted. nagpa-derma and other special procedures me do’n, mahal din naman… sa St. Lukes ang hospital ng doctors noon so, St. Lukes price ang nag-a-apply, haha. namulubi ako, kainaman na… pataba ka at ipa-check-up mo na rin scolio mo (powtek, sakit yan ng magaganda at mayayaman, hihi), before lumala. mas mahal pag gano’n, may kapatid rin akong meron, mahal ang therapy plus rehab ng likod. yown…

        sige nga, na-curious ako. last time i went there, for a seminar yata… hotel na talaga? masilip nga facade-facade na ‘yan. in fairness, masarap naman food do’n, if tama recall… makapunta nga…

        o, sige, prof Tina, mag-aral kang mabuti, hihihi. dadalaw ako sa inyo at kakain tayo ng caimito, hihi. hullow!

      • Hihihi…oo nga masarap may kasama kapag tatambay dun tapos food trip tapos gagawan ng kwento yung mga tao tapos pikturan to the max at oo hahaha gusto ko ‘yang kareklamuhan hahaha

        nanghuhuli kami ng gurami, kaming magpipinsan pero mga busy na kami ngayon. at ang dami nga ng bibe dati. sana maganda padin ngayon.

        Free din kaya sa ortho? sana may discount hihihi. Pangmayaman at pangmaganda? hahaha nakakahirap at nakakapangit kapag mahal ang bayad sa gamutan kaya oo nga kailangan ko nang patignan ‘to huhuhu

        UP Hotel na ang tawag eh. maganda sa labas lalo na kapag pasko yung maraming ilaw. hihihi

        mag-aral mabuti, tama. magala tayo sa campus minsan kasama si Bru at mag-isaw hahaha

  4. Relate ako sa mga tambay moments ng mga estudyante pero walang gulod samin. Naiimagine ko naman. Teka, gulod sa ingles ay ‘hill’ di ba?πŸ™‚

    • ay, tambay, sarap yon. sana lang, kung pwede, estudyante forever, haha. dapat magkapera me at makapag-aral uli. masarap din feeling ng naghahabol ng paperworks at nagpa-panic, haha.πŸ˜‰ gulod is hilltop or verge of a slope, parang ganyan… gandang hapon, June.πŸ™‚

      • Nakaka-miss talaga maging estudyante no? Daig pa ang pensionado, may panggastos na, natuto ka pa ng maraming bagay tungkol man sa mabuti o masama.πŸ™‚
        Aral uli? Serious? Cramming na naman?πŸ˜€
        Tagal ko na kasing di na-eencounter and word na gulod. Sa school pa yata nung huli kong narinig yan.πŸ™‚
        Gandang hapon din Ate San.

      • true! yon nga, hanap me ng magpe-pension sa ‘kin para makaaral uli, hihi. sa classroom, mabubuti ang itinuturo. sa labas naman, masasayang bagay, hihi. di ko sure if masasama, hehe.

        basta, mukhang inuman sa baryong liblib ang gulod, whehe.πŸ˜‰

  5. aww..sobrang kamiss talaga ang mga old times especially un mga student days..ke highskul or college days pa yan. well masyadong tradisyunal un pagkakasalarawan mo ng tambayan niyo nuon or shud i say “inuman”…gulod nga ika mo..hehehe..going back the old times ang sulat mo ngayon ate san…so refreshing ah..enjoy!πŸ˜‰

    • heh, inggit ka lang. nami-miss mo rin student days mo, beh. hahaha, biro lang, Myr… oo nga, e. halata bang wala masyadong mapaksa? anlupit ng post mo, sino’ng nanakit sa ‘yo, ha? peace.πŸ˜‰

      • sobrang miss ko talaga as in..feeling ko kulang pa un mga school days ko, dami ko pang happenings at kalokohan na gusto pang gawin..Ok naman un topic ah, di naman off, naayon pa rin at interesting. Yun post ko? wala naman nanakit, lam mo naman ako kung ano lang din masagi.hehehe..laftrip ako syo tonightπŸ˜‰

      • hihi, sabi na…πŸ˜‰ “dami ko pang happenings at kalokohan na gusto pang gawin.” yun nga… hahaha

        natawa ka? e, kasi… gusto ko sanang i-claim na matalino ako sa larangan e, singol pa nga pala me, haha.πŸ˜‰ sleep well, warm regards…

  6. hohoho .. may nagrereminisce diya-an. hahaha

    akala ko ba magpapakabait na tayo? eh bat namimiss mo ang tumoma at ang pagtambay sa gulugod.

    hahaha..

    Parang masarap ngang tumambay dun sa beer garden habang kinakain yang deep-friedmushroom.

    • hello, bagotilyo! aba, may nabuhay… kumusta po?πŸ™‚

      a, more than two years na ata me’ng di nagagawi sa UP area. napapadaan pa naman pero di nakakababa, yown…

      nakow, isang century na me di nakakainom, kapatid. must be why, haha. nakakainom pa pala – tanduay ice sa bahay, twice a year yata. di pa maubos ang isa. nami-miss ko sigurong maging delingkewente…πŸ˜‰

      ahihi, wala pang mushroom na pulutan doon noon… tokwa at baboy pa lang. nito na lang ang mushroom-mushroom, no’ng sumosyal na at umarte ang ambience sa UP, ahaha. generally, cowboy pa rin naman ‘ata, mas iyon ang tatak ng UP – umuupo sa pavements mga istudyante.πŸ™‚

  7. type na type ko ang pangalan ng barangay na yan Krus na Ligas, may angas kaagad. Hmm huling punta ko sa UP ay noong iblog 8 pa ( October 2012) pero sa bawat punta ko dyan talagang may kakaibang atmosphere akong nararamdaman. hindi naman creepy parang chillax lang hehehe

    • hello, Hoshi… ahaha, talaga? medyo kakaiba ambience ng KNL, pag ikumpara sa Teacher’s Village & UP Vill – middle class and academic yata, hahaha. ay, mas recent ka pa nagawi sa lugar. matagal-tagal na ata akong di nagagawi… kung napuntahan at nakita mo siguro ang Gulod, matutuwa ka – yon ang chillax kamo… di sya creepy, pero di rin snob…πŸ™‚ regards sa ‘yo.

    • hello, Allen. ate san here, ano ka ba… uy, na-miss kita, kapatid. from time to time, silip-silip ako sa bahay mo, pansin mo ? hihiπŸ˜‰ hmn, basta productive time away, ayos lang. you’ll catch up in no time, tamo… glad to see you’re so back. hugs,πŸ™‚

  8. Hi Sa Saliw, stunning post l enjoyed reading your thoughts. Most of us are yearning to those school days.Thank you for liking my post (Are You Afraid…?) Have a blessed day.jalal

  9. napainom na ako sa sarah’s pero di ko pa nasusubukan sa gulod. Wala na rin akong nakikitang nag-iinom pag feb fair pero marami pa rin nagpi-PDA. :)))) maraming salamat sa pagshare nito sa akin ate! Dalaw ka minsan. :3

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s