Kwentong atin-atin

 

Hello, ka-blogs…πŸ™‚

 

Kwentong atin-atin lang – mahirap ang ilan ang sites, haha. Di na ang lola nyo nakakabasa ng Freshly Pressed, as in… Yun ang gusto ko rati sa blogging, nakakabasa ng pinapaksa ng iba pang manunulat. These days, ang nagagawa, silipin na lang ang sites ng mga nag-comment at nag-like, pasensya naman. Nami-miss ko talaga ang FP… Nami-miss ko rin ang nagba-backread, oo…

Paano naka-cope? Actually, hindi, hahaha. Bahagya na… Anyway, may reblogging, saka YouTube, hihi. Napansin nyo marahil, panay ang posts na song-related. Iyon ang madali-dali, ahaha. Kung tutuusin, may mga nakasubi pang naisulat… Pero, hindi pa sila typed at time-consuming ang editing. Medyo nahihirapang ilugar, hala…πŸ™‚

 

Cartoon image of a man blogging

Minsan, kunwari ay Β meron…/ http://www.smallbizwebdesign.ca

 

Ay, istorya pala muna (parang di pa kumukwento, e, ‘no? ;)). Inside story, kunyari… Hindi kataasan ang views ng SSA, average lang ng 50 in a day yata. Minsan, less pa… Pag Lunes hanggang Miyerkules, nakakatsamba ng around 100, yon. Pag may inilathalang tula-tula, nadadagdagan ng viewership – mula sa ka-blogs (lurkers, hihi).

Ang DPSA, pag Lunes hanggang Miyerkules, nakaka-300 siguro ng views. About 280 yata, galing sa searches, ahaha. Konti rin ang views nito mula sa ka-blogs… Siyempre, sa galing sa search engine, minsan, ang search words na ginamit, nakakaiyak. Halatang naligaw lang sa site? Hihihi… Saka, bilang nagsusulat, may hopes tayo para sa ilang entries – mas iyon sana ang basahin ng marami. E, hindi, kainaman na…πŸ™‚

 

Sa English na site, mas mahirap pa. Pag may 15 to 20 views do’n sa isang araw, ayos na… Ito sa tingin ko lang, ha? Mas mahirap kumuha ng audience sa English blog, yaong regular na magbabasa at babalik… Una, parang ang laki ng English-speaking world. Ikalawa, marami rin, sisilip lang sa iyong site pag napansing mga tatlong dosena na ang nabasa mo sa posts nila, haha at ni-like mo ang mga kalahati, hihi…

Sa ka-blogs na Pinoy, di karamihan ang nagbabasa sa mga sulating English. Mayroon din… Β Pero, iilan lang ang magla-like at lalo pa, magko-comment. Iyong iba, follow lang. Mayroon din, lurkers – sisilip minsan sa dalawang buwan, yata… Mas mabilis ako mag-conceptualize at magsulat sa English, sabihin na… Pero, ang isang isinulat at inilathala sa English – baka lampas pa ang views ng DPSA sa isang araw – sa isang linggo roon. Ay, medyo ganoon… ^^

 

So, ano ang problema ko? Hihi, marami…πŸ™‚ Wala naman, masyado, baka iniisip lang ng iba, tumatabo sa takilya ang mga online sulatin ng lola nyo, hihi. Lilinawin ko, hindi po… Bukod sa length and seriousness ng karamihan sa entries, sa pangkalahatan, talking to myself and to my family pa rin ang nilalaman ng mga akda. Isinusulat sila, para linawin ang mga bagay-bagay – sa nagsulat mismo…

Ang gulo ko? Ang komplikado? Sabi ko rin nga, hihi… Ay, teka, nadi-disarm kayo minsan sa honesty ng ibang mga sulatin sa blogs? Naasiwa kayong mag-comment? Medyo hula ko ito, ha… Ganito, may ideya ang inyong lingkod, gaano ka-capable ang sariling magtabon ng mga katotohanan, haha. O, kaya, mag-dekorasyon – gamit ang mga salita… Kaya ang pangontra, maging tapat sa mga sulatin… Sana, hanggang kaya…

 

Pero, may mga limitasyon, hanggang saan ang ihahayag publicly, mga kapatid. Bakit? May pamilya at mga kaibigan ring pwedeng maapektuhan. Pangalawa, hindi naman yata lahat ng juicy details ng buhay-buhay, pambahagi sa publiko… At sa maibahagi baga, malamang, juicy lang sandali, haha. Isa pa, para saan, di nga… Konsiderasyon din, marami sa aking mga nasalubong sa malimuot na byahe, so far, public personas… Hindi madaling bitawan ang mga pangalan nila nang walang posibleng epekto. Mahirap ding gawin yaon, nang di maakusahang name-dropping… ^^

Ang nais ko sanang ibahagi, ideas… Mailinaw mismo sa sarili, saan na ba ang inabot? Sa dami na rin naman ng nasalubong, may tumining ba? O, koleksyon pa rin lang ng senseless ramblings? Simpleng impressions? May natandaan rin ba, sa dinami-dami na ng encounters, sa itinanda na? Somehow, siguro, nagmumukhang know-it-all ang blogs. Sa totoo lang, know nothing ang person behind, hahaha. Di nga… Makikita nyo sa mga darating na panulat – paanong pagdami ng sinasabi, pagkaunti ng kabatiran. At, paanong walang karapatang mag-preach… Wala.

 

In the meantime, hayaan nyong pasalamatan ko ang mga nagbasa sa May Personalan at sa iba pang About Pages ng lola nyo. Salamat… Β At, sa mga nag-like, I appreciate it, mga kapatid… Sa tuwing naiisip ko, huwag na lang ituloy ang pagsusulat sa blog, naalala ko yaon. Malaking bagay sa akin na dumaan kayo, nag-like at nag-iwan ng comment. Mabuhay kayo!πŸ™‚πŸ™‚πŸ™‚

 

Image of Filipino rock singer, Bamboo

Ampogi. ‘Indi na kailangan ng paliwanag / kingtheory.wordpress.com

Tsika lang… Dalawang weekends na akong nakakanood ng The Voice of the Philippines, haha. Medyo naiingayan ako kay Lea, hindi yata ako sanay na gano’n sya kapasaway at kakulit, haha. Anyway, ang news, ando’n si Bamboo, yihee… Ang cute nya lang, di nga… Cool ang Adam’s apple nya. Saka pagpi-perform nya, pagkanta, ahihi… With the Voice, pwede ko na syang pagmasdan galore, ayiii. Hangganda lang ng mata nya, pramis. Feeling ko, pag tinitigan nya me, matutunaw lang ako at walang magagawa. Pagbigyan nyo na, ahihi, minsan lang magpaka-fan girl.πŸ˜‰

 

Hi, Bamboo! :)Β 

 

 

 

 

Halata pala, sino’ng nagustuhan ko sa audition? haha. Cool sya kumanta, but I doubt if sya ang magiging popular choice sa dulo. Parang mas maganda sya pakinggan sa gig, peace.πŸ™‚

 

 

 

49 thoughts on “Kwentong atin-atin

  1. Hello! Nasan ang english blog? Pasensya na mejo baliw ako ngayon, ke tagal kong pumila sa bangko. Isa sa mga dahilan kung bakit ako nahihirapang mag-comment (ako yung lurker siguro madalas hahahaha!) e dahil nahihiya ako. Parang, “yay ang galing dahil…” tapos mahihirapan na kong dugtungan kasi mabilis mag-move on ang utak ko. Saka isa pa, ang well-structured ng mga posts mo nahihiya ako minsan magpost ng informal. Hehehehe. Tapos gusto ko rin ung FP dati kaso lang madalang ko na syang mabuksan ngayon. Dapat pala duon naka-link ung bookmark ko ng wordpress. Nakakatuwa kasi mga posts doon. At andami kong natagpuang masasayang blogs doon.

    Nagsimula akong mag-blog dati kasi feeling ko may anonymous power. Parang pwede ko sabihin kahit ano. Pero di ko rin napanindigan ang pagiging anonymous dahil nga andami kong galit sa mundo lalo na nung mga kabataan ko. Tapos pag binibisita ko ung mga luma kong posts nagugulat ako kasi andami kong pinapangalanan, as in full name pa. Titiisin ko sana kasi gusto kong ma-preserve yung dating feelings ko pero di ko kaya kasi ung iba ok naman ang samahan ngayon parang bugso lang ng damdamin ung mga napost ko dati kaya pinalitan ko ng initials hahahaha. Tapos super personal ng ibang posts. Nagtataka ako bat ko pinublish online, siguro wala akong friends dati, or nahumaling lang ako ng bongga sa internet world. Hehehehehe.

    • hello rin! hala, dumaan na ako sa site mo thru the english site, twice ata… ay, sows, nakakabuwang sadya ang pumila sa bangko, hihi… ha, ba’t ka mahihiya, ang sites mo ang creative parati….πŸ™‚ inactive na nga yong isa mong site, alaga ko pang dalawin, hihi. eniwey, pasensya naman sa structure-structure na ‘yan, mas sanay kasi ang lola mo sa essay form, yon…pero sa comment, wala naman akong expectation na masinsin ang ilalagay, no… conversation sa comment, di naman another post, haha. maganda talaga pag nakakabasa ng FP, feeling not alone sa kabaliwan…πŸ™‚

      haha, sa umpisa, medyo nakaka-engganyo ang anonymity-anonymity na yan, e, no? pero, napansin mo rin, once non-traditional or strong ang opinions expressed sa posts, may nagri-react na other bloggers, haha. so, anonymity isn’t actually a license para magbato ng kung anu-ano – galit, ka-emohan atbp. e, gano’n talaga yata… di ba before the blogs and during blog’s early days, sikat ang lonelyplanet.com? malungkot daw kasi ang modern age at keraming kagalit-galit, haha.

      salamat sa kwentong comment mo, akda. gandang gabi sa ‘yo…πŸ™‚

      • Ay hindi ko napansing ke haba na pala ng comment. Haha! Salamat din sa mahabang reply! Gusto ko subukan noon na gumawa ng posts na iba’t-ibang tao ang makaka relate, yung walang ginagamit na ‘ako’ or mga pangalan. Para depende sa nagbabasa yung ibig sabihin, kaya naiintriga ako sa anonymity. Parang eto: http://www.flickr.com/photos/closetartist

        Kaso lang e hindi ko natiis, ang hirap e. Mas madali yung parang diary lang ng bata, hehehe. Tamad pala, yon langπŸ™‚

        Lagi kong naririnig ang lonelyplanet.com akala ko travel-travel lang sya. Hindi pa ako nakakapagbabad sa website nila, susubukan ko minsan. Naalala ko nga dati ung english blog mo e. Pasensya na at mejo makakalimutin, mahahanap ko rin yan pag mejo hindi na ko baliw.

        Saka kras ko din si bamboo, paminsan-minsan. Lalo na pag nagpe-perform. Ayan ilalagay ko na naman yung “I You” nila sa iPod at paulit-ulit na patutugtugin at kikiligin hehehehe. Saka si Lee Grane pa lang ang napapnuod ko sa The Voice tapos mejo kras ko na din sya. Hello, isa pang mahabang comment. Ang daldal ko pasensya na. hehehe.

      • haha, okey lang, nukaba… welkam, akda… talaga? e, pwede mo pang ituloy, isang araw pag di kabisihan at nag-uumapaw ang creative energy sa loob, hehe.

        hihi, mahirap pag tamad sa pagsusulat, ay, sows.πŸ˜‰ take it from somebody na matagal nang nagsusulat at matagal ring nagpakatamad at walang lakas ng loob, haha. sa blog yata ako natutong magsipag, kapatid. ewan ko… naiba yata noong lampas na lang sa mga kaibigan at katrabaho ang nakakabasa ng mga sulatin. somehow, hehe.

        true, travel ang lonelyplanet.com. travel guide sya ng places na pupuntahan and routes – para sa backpackers. but it spawned blogs and travel notes online – ang mga nag-avail ng trips, nag-record ng mga nakita nila – prostitution of children, trafficking, injustice, degradation of the environment, mga ganyan. basta, nakita nila, the earth or our planet, together with the people on it, suffering… basta, may time na ipinasara ang blog ng lonelyplanet kasi, di naforesee na ganoon ang kalalabasan. it started as a business, e. kumwento…πŸ˜‰

        ay, kras ko si Bamboo for all time yata, haha. di ko lang sya madalas nakikita or napapanood. di ako masunod… parang mahusay si Lee Grane. sana makapag-record sya, lampas sa gigs-gigs sa bars. sus, madaldal din me.πŸ™‚ good day sa ‘yow…

  2. Naku, na mimiss ko rin ang FP. Samantalang noon halos nauubos kong basahin yan lahat pero nung nagsimulang magreach out sa ibang bloggers, wala na. Makabasa nga ulit, maganda rin kasi mag-adapt dun ng writing ideas and styles.πŸ™‚

    Interesting ang na share mo tungkol sa Stats ng blogs mo Ate San. Noon di ko pinapansin yan pero sa tagalan di mo talagang di mapigilan pansinin no? Kahit papaano eh pampalubag loob din kung di man pampalungkot hehe.

    Agree ako sa thoughts mo about Lea Ate San! Napepressure yata syang lumevel sa pagka-vivacious ng mga judges abroad.πŸ˜€ Astig si Bamboo, talented, mukhang smart at mukha ding mabait. Nakikita ko yung substance at sincerity nya sa mga sinasabi nya. Magandang lalaki na rin, fan na fan ka nga sa adam’s apple nya eh LOL. tawang tawa talaga ako dun sa sabi mo.

    Agree din ako sayo tungkol kay Lee Grane. Nanonood ako pero hindi ako ganun ka hyped. Ewan, naumay na yata ako sa mga singing contest at ganun din naman ang patutunguhan ng mga nanalo.πŸ™‚ Sana lang di na naman ito maging kagaya ng Pilipinas Got Awa.πŸ˜€

    • hello, June. apir tayo sa halos nauubos basahin ang posts sa FP, apir! those were the days na lang, haha. sana, isang araw, makabasa uli… thing with FP, pag may nakitang magandang site, subscribe. e, di, yon, dumarami ang subscription, beyond what is humanly possible to read, haha.

      generally, di me conscious sa stats… netong naglagay sa sidebar ng most frequently visited, do’n medyo naging aware, haha. nagtataka – ba’t certain posts highly viewed, di naman hino-hope na basahin ng marami, haha. kumbaga, ba’t di yong gusto ko – sana – ang silipin? haha, ang sama… ^^

      pero, mahirap din yatang sabihin – alin ang magugustuhan ng readers sa mga sulatin. so far, made naman sa Mga Tahi at Paso, sa DPSA Usapang Pag-unlad and Avenida at Recto posts, masaya…pero taka ako – bakit certain posts, ranking high, like, Maraming Salita, Kwentong Tag-araw, ganyan… these posts, inilathala ko lang as paningit, sa pagkaalala ko, hihi… ^^

      ang nakikita ko, so far, interested ang readers sa personal na kwento ng blogger – sa tsismis, sa on the side at sa pagkatao ng nagsulat. haha, ayon… and it could be uncomfortable at times, lalo pa pag di naman nag-iiwan ng comments ang nagbabasa…

      on the other hand, may binubuksan din. halimbawa, the need na pagaanin pa ang talakayan. madalas kasi, when i write, parang mga taga-UP ang aking kausap, haha. mas conversational and mas maiksi ang gusto ng mga tao these days… may kailangan ding i-balance, i guess…

      haha, di ba ang ingay at ang pleaser ni Lea ro’n? basta… ang ganda ng mata ni Bamboo, kumikislap para sa akin, hihihi. yes, he’s all that you say, salamat po.πŸ™‚ at, hayaan mo na lang ang mention ng adam’s apple, haha.πŸ˜‰

      di na rin ako gaano sa reality shows, ang dami na kasi. medyo kakaiba lang ng onti etong The Voice dahil big time ang judges. am with you sa masyadong ini-squeeze ang awa sentiments ng audience to the point na natatabunan na ang talent – sa past reality searches, hano… paano, uso yata… ^^

      on the other hand, may advantages rin. parang blogs, na-a-unearth nito ang mga may talent magsulat pero di naka-made sa mainstream, for some reason…. sa talent singing searches, may napapalabas ding parang ganoon… masyadong pop for you?πŸ™‚ hamo, minsan, when i have more time, i’ll discuss sa blog – pop art versus the elite art and the pop taste vs. the “elite” taste, haha.

      salamat sa mahabang comment, appreciate it. pasensya sa mas mahabang reply. good day!πŸ™‚

      • “i’ll discuss sa blog – pop art versus the elite art and the pop taste vs. the β€œelite” taste” — Interesting yan Ate San. Aabangan ko.

        Haha! haba nga ng reply mo. Minsan iniisip ko di ka papatalbog sa pahabaan ng comment hihi.
        Pero itong ganitong diskurso ang gusto ko kasi mas nagiging expressive ako at nagiging candid. May natututunan at nalalaman din ako beyond sa post.

        Mahaba man reply mo, matagal namang di nawala ngiti ko.πŸ™‚ Ingat Ate San!

      • hello, June… ahaha, hwag, parang pressure…πŸ˜‰

        pagpasensyahan mo na muna, di pa maalam ng maiksi. hindi pa rin ako marunong sumhowbiz ng sagot, ahihi. shaks, diskurso talaga? kainaman na…

        nangingiti ka, kasi nabibisto mo ako, haha. patatawarin. teynks, take care ka rin, kapatid.πŸ™‚

  3. Hi Ate San,
    Nakakatuwa naman ang post na ito kwentong muni-muni tungkol sa sariling blog. Haha, medyo curious ka pala ‘pag dating sa views & stats, interested ka rin sa kung saan at sino ang dumadalaw sa bahay mo. Ako kasi hindi ko na gaanong sinisilip kung may views pa ba yung mga post ko kinatamaran na rin. Hanggang ngayon may sarili pa rin akong panuntunan sa pagsusulat; nagsusulat ako ayon sa gusto at nais sabihin ng utak ko at bonus na lang kung magugustuhan ito ng ilan kong mambabasa.
    Madalas ako magbasa ng ibang mga blog minsan nakakakuha ng mga ideya at paksa sa mga nabasa hindi na rin nakakakapag-iwan ng komento ewan ko kung bakit, nakasanayan na siguro kahit nga ‘yung mga komento sa sarili kong blog hindi ko na madalas nakakareply. Kahit alam kong katumbas ng appreciation ang pag-iwan ng isang komento nauunahan pa rin ako ng katamaran dahil na rin siguro sa pagkainip o sa dami ng trabaho. ‘Yung kaisipan na pag-iwan sa nakasanayang pagsusulat minsan pumapasok din pero dahil sa passion hindi natutuloy, hindi ko pa ginagawa nami-miss ko na. Mas maganda kung mapalawak pa ang estilo ng pagsusulat; gumawa ng maikling kwento sa halip na nakasanayang sanaysay, personal blog o pakwentong pagsusulat. Walang biro, gusto ko ‘yung tipo ng pagsusulat mo parang kaharap mo lang at kausap mo ‘yung mambabasa mo – may pagkapersonal touch ang dating.

    Dahil sa curiosity pinapanood ko na rin ang The Voice ayoko kasing mapag-iwanan ‘pag may nagkukwentuhan sa office. Si Bamboo – pag nakita mo siya iba ang dating niya. Rivermaya days pa lang alam kong may mararating siya sa industriya. May angas pero hindi mayabang. Rockstar pero hindi nagpipilit. Kung may mga CD ka niya mapapansin mong kakaiba siya kung sumulat ng kanta magmula sa lyrics hanggang sa paglapat ng musika. Pero siyempre mas angat para sa akin si Sir Ely Buendia.πŸ™‚
    Sana sa mga susunod na episode ng The Voice makapagpalit na ng mga damit ‘yung mga judge/coach pansin ko kasi ‘yun palagi ang suot nila. Hahaha, pati ‘yun pinakialaman ko, pasensya naman.πŸ™‚

    Hanggang sa muling pagbisita. Mabuhay tayong lahat!

    • hello, Limarx… pasensya ha, ipinahuli ko pagsagot sa comment mo, may kahabaan, e. hahaha. kwento sentimyento lang, ikaw naman, hahaha.

      a, di masyado. the first two years sa blogging, hardly conscious kung may bumabasa o wala, kung may dumadalaw o wala… mas nito na lang yata (3rd year ko na sa blogging), kasi may patterns na, somehow na na-observe – alin ang nagki-click na sulatin, alin ang hindi. alin patok at hindi…

      ay, ganto… am older than most by 20, 15 and 10 years. so, kumbaga, may likely generation gap sa language, sa content at sa point of view – with other bloggers. and some bloggers, makukulit, as in. parang they want a blogger (halimbawa, ako) to adopt their ways or be like them. medyo mahirap…

      ayos din naman, provided they say it sa comment ng blog, sana – positive or negative… thing is, hindi sa comment pinaparaan, sa social networks… and it could be discomforting (wala akong SN sites, kapatid). while pwedeng tingnan as baka curious lang sa blogger na nagsulat, baka nga natutuwa pa, pero di lang masabi, mahirap pa ring tantyahin at may times na nakakalungkot…

      ewan ko lang. but the basic courtesy, sa pagkaalam ko, pag may gustong sabihin sa iyo ang kapwa blogger, sa comments or sa emails. i guess, hindi kagandahang pinag-uusapan ka sa networks without so much as the benefit ng courtesy call sa blog via comment, like or message. parang simpleng pakikipagkapwa – gusto mong kilalanin o magpakilala, introduce yourself. say hi… yon.

      i understand, they find my writings non-traditional and pointed. but, marunong naman din mag-extend ng courtesy sa dumarating. nagre-reply ako, mahaba nga lang, hahaha. mga gano’n… ^^

      pwede ka namang mag-try gumawa rin ng kwento-kwento post, ahaha. pwede… btw, dalawa kayong nag-mention, di nagpapalit ng damit ang judges, haha. halata, isang shooting day lang, e, no? salamat at di ka komokontra sa pag-iibigan namin ni Bamboo, ahihi. good evening…πŸ™‚

  4. ayii.. ate san~ atin-atin lang to… kilig din ako.. ganda ng mata ni bamboo…hahaha…

    naku, tambay din ako dati sa Freshly pressed tapos may freshly bakedπŸ™‚ , nagbabasa tapos kumakain… kaso ng matuto akong pasukin ang mundo ng mga naka Mother Tongue na blogsite like here, mas kinarer kong tambayan at basahin…πŸ™‚

    • hello, babetski…. hamo, kitang dalawa lang ang makakaalam, hihi…πŸ˜‰

      hala, FP pipol tayo. gusto ko, gusto ko ang may freshy baked, haha. oo, pagdami ng kakilala, nauubos ang time para sa Freshly Pressed. suguro, mas gusto natin ang nakakwentuhan paminsan-minsan ang kapwa bloggers. pag basa ng FP, may pagka-one way lang, hihi…

      natutuwa ako, napaka-comment ka, teynks.πŸ™‚ gandang hapon…

      • ahaha, gandang hapon din…πŸ™‚

        secret natin dalawa yun ha.. hihihi

        dahil sa FP, mas enjoy akong magbasa at manatiling tumambay sa mga site na dati eh sinusulyapan ko lang.. ngayon natuto akong mag halukay ng baul nila…

        oo nga, eh napa comment din, kinilig kasi ako.. oh bamboo…. my love so sweettttttttttttt…

      • hello, babetski, kaway-kaway… atin si bamboo, ahihi. hwag nating ipag-share, hakhak.πŸ™‚

        oo, most rin ng nakatsikahan kong bloggers, through FP ko na-discover, haha. o, di ba, cool rin ang FP?

        pambihira, umabot rine ang kilig mo, hahaha.πŸ˜‰ waving…

  5. Apir tayo dito: “Pero, may mga limitasyon, hanggang saan ang ihahayag publicly”. May english blog ka pa pala? Anong site para mabisita ko naman.

    Pero sa totoo lang, natawa ako sayo sa BAMBOO MO…!!! HAHAHAHAHA…! Ang kulit mo!

    • apir! uso yata, revelation-revelation sa blog. thing is, mahirap yown… certain things, oo… others, good luck naman sa consequences, ahaha.πŸ™‚ maybe, if popularity ng blogger ang habol, needed, “revelation,” every so often. in my case and in your case, haha, mahirap, nakakapamilipit, ahaha.

      hala, saka na… mahihiya me, baka ma-off ka. mas mataray voice ko ro’n (pa, haha), mas mabilis ang writing sa english… necessarily, faster ang pace sa english, i guess… ganto, 75% ng katsikahan ko sa Tagalog, di na nakausap after dumalaw sa english site, shaks. ^^

      hahaha, nahiya ka, biatch, para sa akin?πŸ˜‰ hahaha, minsan lang..πŸ™‚

      • Hindi, natuwa nga ako para sayo at kay Bamboo! hahahaha! Di ko lang inexpect. Parang umabot hanggang opisina namin ang kilig mo. nyahahahaha! E bakit ba, magaling talaga yan. Teka, para kiligan tayong dalawa ng husto, share ko syo duet nila ni pareng Charice. Astig kasi. Eto o:

      • haha, di mo ini-expect? oo, paminsan, lumalambot rin ang matigas kong puso, haha. pambihira, abot dyan? maulan pa yon, ha… nagulo pa signals, hihihi.

        salamat uli rito sa vid. little boy lost lang ang peg ni papa Bamboo habang kumakanta, haha. patatawarin ko sya. i’ll give him another chance – 2nd, 3rd, 4th at kung anumang exponent pa gusto nya, hihi. basta ako ang kakantahan nya ng look me in the eyes, ayiii.

        maganda ang duet nila. di sing-OA ng kay B. Mars, hehe. nadi-distract pa rin ako sa looks ni charice, haha. magaling pa rin syang kumanta, though. isip ko, kung iba ang nag-duet nyan, wouldn’t have come out the same…

        parang di nagbabago ang looks ni Bamboo ‘no? 1993, 2003 and 2013, haha. may chance kaya kami?πŸ˜‰

      • HAHAHAHAHA!

        at isa pang….

        HAHAHAHAHAHA!

        Hoy, nakakahawa kilig mo! Tama na yan!!! Pero sige na nga, sagarin natin to. Feeling ko bagay kayo. Meron lang akong naaalala sa crush mo. Lam mo, kamukha sya ng ex ko bago ko nakilala si hubby HAHAHAHAHAHAHAHAHAH! Bad boy image nga lang compared sa crush mo pero as in ganun din, banda ang peg ng lolo ko nun (landi much, naalala lang hahaha…kaw kasi)

      • haha, ang sarap ng tawa mo, hahaha.

        yeah, bagay kami. and, wala na meng parents so wala na syang iwo-worry na mother and dad, di mag-a-approve, haha. ako na lang ang magwo-worry, hihihi.

        parang gusto ko syang damputin, akapin sa part na “i’ll try, i’ll try, i’ll try” ahihi. tapos, pag nakalma na sya, kakantahan nya me ng You’ll Be Safe Here, hakhak.

        may bad boy na ex, hahaha rin. at, naalala, hahaha. pasensya naman sa pagpapaalala, maganda talaga mata ni Bamboo, ayiii. kaway-kaway…πŸ˜‰

      • uhmmm…actually kinilig din ako sa part na yan, hihihi. “pa-try try until you die”, galing din ng pasok ni charice sa the one that got away ano.

        Si Bamboo pa ba ang bokalista nila sa You’ll Be Safe Here?

      • hahaha, o, di ba, nakakilig ang expression ni Bamboo sa try-try-try, parang gusto ko syang akapin, hihihi. oo, medyo seamless ang dugtungan nila, ahaha. sila na… btw, pinanood ko nga kahapon vid ng the one that got away, haha. affected much? curious much lang, paano nila ginawa ang arrangement ng astig na performance, haha…

        Rico Blanco na yata yon… pero, gusto ko’ng message, hihi. good day, biatch…πŸ˜‰ kaway-kaway po.

    • hello, Ynal… ahaha, ayaw mo kay Sarah ro’n? parang mas big time ata other judges sa kanya, hehe… but then, oks rin, para may bata, batang point of view sa singing, ahaha. feeling ko lang.πŸ˜‰ salamat sa pagdaan, ha at sa comment.πŸ™‚ balik ka minsan…

  6. Okay lang yan ate san. pag di mo na feel, hiatus ka muna, pero bumalik ka din ah! Naku gusto ko din yang si Lee Grane. At kahit papaano, maganda naman ang The Voice of the Philippines. Pero apat na episodes na ganun pa rin mga damit ng judges. Hakhak. Wala lang. Maymasabi lang. Hahahaha!

    • hello, batopik… nagha-hang PC, di agad makasagot sa comments… di ko alam if di feel ang tawag do’n. nalulumbay siguro… di ako masyadong adjusted sa idea that most things i say in blogs, some ka-blogs take them personally or presume them to be my experience and ongoing experience at that…. halimbawa, if i use first person sa narration, not necessarily kwento ko mismo ‘yon. first person narration naisip ihayag ang post. yon…πŸ™‚

      hahaha, dalawa na kayo, nagsabing dapat palit damit ang The Voice judges, hakhak.πŸ˜‰

  7. Hahaha, guilty ako sa pagiging lurker (nakaka-lurkey!)
    Pero oo nga ate, mahirap umipon ng views kapag English ang site, ibabalik ko na nga sa tagalog itong Journey chuva.

    The Voice…medyo hindi ko na nagugustuhan si Sarah kapag umo-OA pero kumpara naman dun sa isang judge sa naunang singing contest nila eh mas mamahalin ko itong si Sarah. At oo ate ang pogi ni Bamboo, hindi ako fan pero naappreciate ko siya sa The VoiceπŸ™‚

    At sa revelation thingy? hahaha guilty din ako diyan pero hindi naman ako nag-name-drop medyo blind item pa din hahaha.

    Hello Ate SanπŸ™‚

    • ahaha, lurker talaga?πŸ™‚ noong first year sa blogging, lurker much din lang me sa maraming sites, hahaha. nahihiya ako, natatakot – parang ang bibibo at ang kukulit ng mga tao sa blogs, haha.

      ahaha, medyo mahirap nga. ‘indi ko pa balak mag-english blog, the time na binuksan english blog. naumpisahan lang since nawala sa ere ang dpsa… anyway, am trying to keep the site… i guess, mas kabisado ko nang medium ang english, kinakapa pa rin yata written Tagalog… ^^

      ahaha, bata pa si Sarah. isa pa, di naman high end and cultured ang pinagmulan nya, kumbaga… mas maigi yata, may youthful point of view sa judges. ay, may edad na sina Lea and Allan. isa pa, bigtimers sa music industry kahalubilo ng mga iyon, medyo elitist crowd baga… saka, cono rin si papa Bamboo, haha. with Sarah, i guess, mababalanse, parang… ^^

      cool and sexy si Bamboo, ahihi. salamat, i knew you’d take my side.πŸ˜‰

      ay, sows, mahirap revelation-revelation sa public fora, as in a blog… ewan ko lang… mahirap tantyahin consequences. sandaling pag-uusapan, ang epekto, pangmatagalan, i suppose… ^^

      in another angle, no’ng ikinwento ko buhay ng mother namin sa english, instead na sympathy ma-generate, parang may mga nagalak pa yata among Pinoy bloggers. parang naka-score ng points na di mo maintindihan… nalulungkot ako pag gano’n… kahit hwag nang mag-sympathize, respeto na lang, sana… over a situation na malungkot. yown…

      mahal ang truth, kapatid, one of the most expensive… kaya yata di me makabili, hoho. good day sa yow…πŸ™‚

      • Oo ate lurker, hahaha bihirang-bihira na akong umiikot ngayon eh, busy? walang time masyado? maraming dahilan? haha

        Well, in fairness to Sarah better naman siya kesa dun sa sinasabi kong isa hehe. Saka normal din naman niya kasi yung ganung reaksyon. Anyways…oo kakampihan nga kita kay BambooπŸ™‚

        Revelation…dapat maingat din talaga hindi kasi lahat ng tao makakaintindi sa situwasyon.πŸ™‚

        “mahal ang truth” really true!πŸ™‚

      • a, e, busy ka sa ingkul? school muna, saka pasyal ka sa campus kasi, pag exam period na at gawaan na ng papers, hala… busy days lalo ‘yon…πŸ™‚

        ahaha, pwede na si Sarah. haha, sino kaya yong isang judge dati? haha. aba, parang napilitan ka lang sa love team namin ni Bamboo, a? hihi, younger sya sa ‘kin. pero, di nya na papansinin yon, haha.

        oo, kasi minsan, importanteng pangyayari iyon sa blogger pero, conversation piece na lang doon sa mga nagbasa. pwedeng ma-misjudge or taken out of context, mga gano’n…

        yes, some people pay for the truth with their lives. others die to conceal it…πŸ™‚ truth nga naman…πŸ™‚

      • Hahaha…papers!!! Oh my gee!!! meron na nga sa isang subject 3 agad-agad pero for the whole sem na yun, ewan ko lang dun sa isang subject kung magpapasulat din. Wala pa akong nasisimulang isulat hahaha…crammer much!

        Basta pag nag-meet kayo ni Bamboo isabit mo ako ha? Kahit taga piksyu lang hekhek

        Kung sabagay tingin ko naman in one way or another guilty din tayo minsan sa pagja-judge ng sumulat ng binabasa hehe…iba talaga kapag personal mong nakakausap.πŸ™‚ (ang layo na ng sinasabi ko, hahaha)

      • ahaha, maraming magpagawa ng papers sa UP, kapatid. mapapasalang ang writing ability mo plus lahat-lahat na, hihi.

        o, sige, papadugtungin kita sa date namin, hihihi. jo-join ka, empre, ta’s saka tayo picture-picture. kami muna para may allowance sa awkward moments, saka lambingan muna kami privately, ‘lam mo na. hakhakπŸ˜‰

        a, oo yata. we’re all guilty of that, iba’t ibang degree lang siguro… mas iba pa rin ang personal. kahit ano’ng tsika at feeling close na kayo sa online, may malaki pa ring pagkakaiba sa personal, up close.

        ahaha, di malayo… may isinulat ako about that pala sa dpsa (luma) – Close na Ba Tayo? ang title, silip mo one time na di kabisihan. kaway-kaway…πŸ™‚

      • Hahaha nung unang basa ko sa “mapapasalang” ang pagkakabasa ko “mapapaslang” hahaha. Magsisimula na ako next week…so help me God.

        Ay ‘teh ok na pala sa kasal (kasalan) na lang ako aattend hihihi.

        Oo nga po iba-ibang degree lang ang pagka-judgmental, yung iba hard-core maka-react eh kalma-kalma din minsan hihi.

        Pero meron talagang magki-click kayo kahit personal na kayo nag-meetπŸ™‚

        Sige bibisitahin ko minsan at nang makapag-back read.πŸ™‚

      • ahaha, pag nag-abot-abot na papers na ipinapasulat, parang gugustuhin mo pumaslang, yes… πŸ˜‰ matagal pa yon. when the time comes, so, help you god.πŸ™‚

        ahihi, may kasalan agad. natawa naman ako ro’n, hihi.

        oo, may hardcore nga. maski ako, guilty dyan…twice nag-react strongly and hastily. regrets ang kasunod, saka sangkaterbang remorse, haha.

        a, oo. merong click sa virtual na click pa rin sa personal, marami. ang mahirap, yong naging too close na sa virtual nang di nakapag-device ng means na lampas sa virtual – prone sa misunderstandings… ^^

        teynks and no pressure…πŸ™‚ happy weekend, kapatid…

  8. mahilig din ako mag-check ng stats dati lalo na nung mga unang buwan ko sa blogging hanggang sa naging hindi na masyadong conscious…pero mas ok syempre kung may magbabasa sa isinulat na akdaπŸ™‚

    • hindi me mahilig sa anumang may kinalaman sa numbers, hehe. pero, sus, noong bago sa blogging, tuwang tuwa me, from 3 to 5, naging 10-12 na yata ang views, haha. pero no’ng nag-30 na, deadma na uli.πŸ™‚

      true, mas okey.πŸ™‚ magandang umaga, RP.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s