Masayahin si ka-blog

 

Hello, ka-blogs!ย Noong isang linggo pa sana ako gumawa ng post tungkol kay ka-blog, kay MerryStrawberry… Hindi ko magawa-gawa, nauunahan ako lagi ng lungkot. Siya si ka-blog na pumanaw, mahigit isang buwan na ang nakakaraan. Siya na ang nauna, maliksi talaga ang isang ‘to, pambihira…๐Ÿ™‚

 

Image of strawberries and flowers on a plate

Ayon lang, ni hindi ko napadalhan ng strawberries si Merry. Medyo madalas ko pa naman syang inggitin nito, hohoho/ http://www.dreamstime.com

 

Masarap basahin ang mga sinulat nya. Mahusay si Merry sa gayspeak at street language, natural na natural… Ang dami ko laging tawa, basta napupunta sa site nya. Ang bahay nya nga pala, hangganda ng pangalan – 12:34. O, ha? Parang default security password ย sa cellphone, ahihi…

 

Una yata nyang post na nabasa ko, tungkol sa tapsilog. Kwentong tabi-tabi, kwentong wala lang. Kwentong craving, sya na… Hindi ko na maalala, pero riot syang magkwento. Kwentong barkada? Kwentong makulit… Basta, nag-subscribe ako noon sa site nya. Parang sure ako, mahusay syang magsulat.

It turned out, writer pala sya talaga, sa campus paper nila noon sa GAUF, Gregorio Araneta University Foundation. Eskwelahan ย yaon sa Malabon, hindi gaanong sikat na paaralan, sabihin na natin… Mas kilala ang GAUF bilang agricultural and technical school for the longest time. So, medyo gulat, may gaya nya, doon nag-aral. Pero, mukhang skilled writer…

 

Isa sa mga sinulat nya, tungkol sa kanyang cellphone, pinalad na nahulog sa inodoro, hakhak. Sya na, nakuha nyang ikwento sa post… At, hindi nakaka-off ang pagka-kwento. Na-revive at naibalik sa circulation si maswerteng cellphone, haha. Katunayan, hiniling pa nya sa readers – ipag-pray si cellphone, for longer life, hakhak.

Not many can pull off a story like that, kwentong shit happens – pero di masusuka ang nagbasa pagkatapos. Mas madalas, ang nababasa kong posts about shitty happenstance, nakakabaligtad ng sikmura o parang kulang na lang, sambahin ni nagsulat ang shit. Hindi ganoon ang kay Merry… And, am not saying this, dahil wala na sya. Sa ilang pagkakataon, nasabi ko sa kanya, gaano ako kabilib sa kanyang pagsusulat…

 

Sa call center sya nagtatrabaho. Nabasa ko ang posts nya ng pagkainip, paglipat ng kompanya, pag-a-adjust sa bagong schedule, pagtitipid at pag-asang isang araw, there’ll be better days… Siyempre, ako ang nagkukwento kaya parang ang seryosong pakinggan, haha. Pag si Merry ang nagna-narrate ng struggles and hopes nya, ang delingkwente lang pakinggan. Ang kulit…

May time na dalawa ang trabaho nya, pursigidong nilalang… Early 20’s, pero sinasalubong niya ang agos at kinakaya ang mga daluyong… Binasa ko lahat ng About Pages nya, na kung ilan, hahaha. Ang pinakakakatuwaan ko kay Merry, ang tawag nya sa nanay niya, sa kanyang madir – Mother Nature. Ang ina niya, kung tama ang pagkaintindi ko, hindi nya biological mother. Yun…

Masugid niyang itinataguyod ang pamilyang nakagisnan nya. May posts siya ukol sa ama niya, pumanaw a couple of years back. Hindi ko alam, chances are, di rin niya iyon biological parent. Pero, andoon ang pagkilala, ang paggalang, ang pangungulila… Parang naiitsurahan ko sa mga kwento nya – medyo maluwag ang kanilang bahay sa urban setting, pero masikip ang mga daanan sa lugar at humuhugos ang paligid at phase ng buhay…

 

May boyfriend ang ale, haha, may lovelife… Medyo magulo pa ang mga una niyang kwentong pag-ibig, saka, mas pahiwatig lang, ahihi. Pero noong nagtagal, parang mas stable na… Parang sa kwento nya, nag-iisip na rin siyang mag-settle down, pero kailangan pa nyang pumunta sa Singapore para maka-ipon… Masaya ako para sa kanya, hindi raw siya iniwan ni boyfriend nitong may sakit na siya…

Sabi nya sa huling post, hindi na siya takot mamatay. At 22, pwede na raw… Hindi ko sure kung agree ako. At, hindi rin ako payag na magkakatotoo agad, pambihira… Parang sa mga huli naming palitan sa comments, kinakagalitan ko sya, haha. Nakukuha ย pa rin nyang magbiro, seryoso na nga ang kundisyon nya. Leukemia ang sakit nya, pero panay pa rin ang patawa ni ka-blog. Matapang sya… Her courage is unusual as is hard to come by… Mas matapang siya ng five times sa ‘kin, feeling ko lang.

 

But I should have known… Siya si ka-blog na lakas-loob nag-comment agad sa Mga Tahi at Paso, sa DPSA… Isang mahaba at hopeful na message ang iniwan niya roon. Nalaman ko, pwedeng may bumasa at maka- appreciate ng ganoong sulatin… Binasa rin niya ang Para Saan ang Isang Saglit?, akdang philosophical, type of read na malayo sa typical na binabasa ng mga kabataan these days. Nag-comment sya roon, hopeful as usual ang sabi…

Tinyaga nya ring basahin at intindihin ang limang kilometrong page dito, angย Awit, Laban at Pag-ibig, patatawarin…ย And, she shared her thoughts and feelings about it likewise. I cannot say that for others … Hindi si Merry nailang na kesyo masungit ang tunog ng sites ng lola nyo, kesyo malalalim ang sinusulat ko o ano? These did not deter her from coming over and making friend. Hindi siya umiwas o anupaman. Wala syang pa-ek-ek… Kay Merry, nakikipag-kapwa sya ng maayos so, wala siyang ipinag-aalala. Andoon ang intent niya – matuto mula sa iba at mas mailugar pa ang pagsusulat, balang araw…

 

Nagbabasa siya at naka-follow sa sites ko. Ate San, tawag nya sa akin. Siya iyong isang ka-blog na feeling ko, sister na rin… Younger sister na di matigas ang ulo, hahaha. Pero, maldita rin.๐Ÿ™‚ Sabagay, di niya itinatago, hihihi… Anyway, between the two of us, mas ako ang fan. For somebody that young, mahusay si Merry magsulat – in Tagalog and in English. Siguro, about three times syang mas marunong kesa sa akin, pagdating sa pagsusulat. Noong ganoong edad ang lola nyo, ni kalahati ng husay nya, hindi ko abot. Hindi ko kayang i-elaborate how, pero mas maalam sya.

Madalas naming pagkwentuhan – mother’s love, pagkakahig sa pagsusulat at hirap ng buhay-buhay. She sounded more mature ย than her age… Siguro, dahilan iyon para maka-identify siya ย sa writings dito. Alam ni Merry, hindi ganoon kadali ang buhay. Naranasan rin nya, first-hand… Pero, ayun – cheerful sya. Half-crazed din, from time to time, hahaha. Hindi sya magpapatalo sa mga hambalos. Lalaban siya, kung may lakas din lang… Early March, na-diagnose ang kanyang kanser, late April siya namaalam. Hindi ako naniwala noong una… For two weeks, nag-aantay pa ako, baka may mag-refute ng balita. Na hindi iyon totoo…

 

More than two weeks ago, parang nag-sink in na. Nalungkot ako – hindi ko alam kung para sa kanya o para sa akin. Malamang, itong huli… Kasi, kung siya ang tatanungin, nadaanan nya na lahat – maghirap, mag-aral, magsayaw, magsulat, maging masaya kasama ang pamilya at mga kaibigan, magmahal, mahalin, magsumikap, matakot, tumingin sa kawalan, magalit, sumuko, umasa muli, manghina, umasa, tanggapin ang mga sakit at, manalig. At sa huli, sabihing kaya niya – handa na sya… ย Malamang, nalungkot ako para sa sarili.

 

Condolence sa mga naiwan niyang mahal sa buhay… Maligayang pamamahinga, ka-blog na Merry!๐Ÿ™‚

ย 

 

*Many thanks to jamesrevelsthecomposer, an Ohio-based WP blogger for pointing me to the music, just very recently, haha. Waving, kind thanks…๐Ÿ™‚ *ย 

 

38 thoughts on “Masayahin si ka-blog

  1. eh yung tipong nalito ako sa account na ginamit ko?

    Sa WWB siya nadalaw dati.๐Ÿ˜ฆ Ang lungkot naman, maiksi lang ang buhay pero inspiring dahil sa kabila ng lahat masaya padin ang tono ng last 2 posts niya. Hayyy

  2. Hala, hindi ko alam tong pangyayaring ito. Nagkaroon ng panahon na nakakulitan ko rin sya kaya nung nakita ko yung pangalan na Merry, nagulat ako kasi sya lang naman ang kakilala kong Merry sa buong buhay ko, tapos nakita ko pa yung site, lalo akong nagulat. Makulit talaga sya, masaya at matapang. Ang sipag nya pa lalo nung nabasa kong dalawa ang work nya noon. Bye Merry!

    Salamat sa post mong ito na-inform ako. At masaya ang pagkaka-describe mo sa kanya. Talagang merry sa sobrang saya. Kasalanan yung nakipag-break ako sa blog hopping, hindi ko tuloy namalayan yung mga nangyari. Masaya yun sigurado kahit nasan sya. Masaya naman sya palagi๐Ÿ™‚

    Salamat ulit.

    • yes, kapatid. she is what you said… ang weird ‘no? sa online mo lang nakadaupan but you get affected. iba rin nga siguro ang effect sa tao ng dying and death, palagay ko…๐Ÿ™‚ maski pa stranger, kung tutuusin. but then, hindi na rin. pag nagkakilala na kayo (bloggers), somehow, you wish the best na para ro’n sa tao. but then, si merry ang may sabi, ready na sya… so, likely, disheartened ako for my shellfish self, hahaha.๐Ÿ˜‰ happy weekend, akda.

  3. napakalungkot na balita, ako ang taong di matanggap ang kamatayan, ewan ko ba sayang kase ang buhay, hindi ko ma like ang post mo dahil dito, sana masaya si Merry kung nasan man siya naroroon.

  4. Nabasa ko yung last two post niya. Masiyahin nga siya at kahit alam niyang malubha yung sakit niya hindi siya nagsi-self pity. Nakakalungkot din ‘yung pinagpasa-pasahan siya ng gov’t hospital natin, pasakit sa katawan at sa kalooban – ganunpaman hindi siya nagrant post, chill lang.
    Thanks for this inspiring post.
    God bless us, God bless her, may she rest in peace.

    • ayon, kapatid, you said it – hindi si Merry nag-rant about life, world o ibang tao. kumbaga, she owned her pains. and i find that unusual and admirable. matapang sya…๐Ÿ™‚

      salamat for coming over and sharing your thoughts, ha… happy weekend.๐Ÿ™‚

  5. Hindi pa rin ako mkapaniwala na wala na sya…
    Nakakabilib kung paano nya dalhin ang lahat ng pangyayari sa buhay. Nagagawa nya laging tumawa at tingnan ang bagay bgay sa positibong paraan..

    • hello, Myr… siguro, other people’s death remind us of our own mortality, kumbaga. lalo pa pag nakilala mo na ang tao, kahit paano. kahit virtual lang, parang real and near na rin…๐Ÿ™‚

      sa pagkaalam ko, she was preparing to undergo chemo and transplant, later. pero, humina na ang vital statistics nya as days went by. mabilis nanghina ang systems, parang gano’n… ^^

      nailibing na si Merry noong May 1st ba? pero, present pa ang site nya, ahaha.๐Ÿ™‚
      happy weekend sa iyo…

      • hello, myr… cancer of the blood or leukemia. di ko lang alam, baka kapatid o yaong boyfriend nya. nag-visit pa site nya rito kai-kailan lang, nakita ko sa Stats (alam nila noong naghahanap pa ako ng verification if totoo o hindi ang balita). parang ipinaalam lang ata sa akin – wala nang apila, hihi. btw, marami si Merry na naisulat sa blog.๐Ÿ™‚ happy weekend…

  6. Salamat sa pagpapakilala mo kay MerryStrawberry. Sayang nga lamang at hindi ko siya nakadaupang palad habang siya ay buhay pa. Ngunit ang mga iniwan niyang bakas ay mananatili sa atin. Saludo ako sa kanya, pagkabasa ko ng huli niyang post. Dama mo ang nananatiling pag-asa sa kabila ng kanyang karamdaman.

  7. Nakakainspire ang kwento ni Merry. Merryng merry pa rin sa kabila ng mga napagdaanan niya. Hindi ko alam kung bakit hindi kami nagkatagpo dito. Siguro once lang ata naaalala ko kasi mmc.XD siya minsan walang link, pero baka dahil hindi na ako masyadong nagbobloghop. **Ayan kasi paabsent absent magbloghop. Hahaha.** anyway, dun sa last post niya, nakakatuwa dahil kasama na niya si God. Tapos na ang sufferings niya.๐Ÿ™‚

  8. Hindi ko naman siya kilala pero umiiyak ako at nalulungkot. hindi naman ganun kalungkot yung post mo pero umiiyak ako at nalulungkot pa rin. Maybe because the past year was not too nice on us too. I lost four dear people, two of them quite young but not as young as merry. I want to be happy for them because where they are, pain can no longer consume them but then I wept and still weep because it is really painful for those they left behind, me, most especially. It may be selfish on my part, but then that’s how things really are. I pray wherever she may be, that she is now happily resting in God’s embrace.

    • hello, Kaye… oo nga, nabasa ko ang posts mo about them. condolence uli, kapatid.๐Ÿ™‚ e, hindi naman nga yata ganoon kadaling tanggapin ang kamatayan. try as we may and as we do, masakit lumatay ang death sa mga naiwan, lalo pa kung di expected… in a way, consoling sa mga naiwan ang thought na tapos na ang paghihirap and physical pains ng mga yumao. but then, kung minsan, it hardly assuage our desire na makapiling sila – in actual and physical terms, kumbaga… i guess, yong pains and longings natin for their continued presence, our way of saying that life is important. that we want them living, not dead and no longer accessible.

      maybe, we need more fortitude. selfish tayo, in many ways… salamat for empathizing sa kwentong buhay at pagpanaw ni kapatid and ka-blog na Merry. have a good wekend with your dear ones.๐Ÿ™‚

  9. This is such a beautiful post in memory of such a cheerful and optimistic person. I’m having mixed emotions reading this – both happy and sad. You are lucky to have been blessed with her acquaintance.

    • Hello, Nadia. Thank you for appreciating the person of Merry and her story. Happy I was able to put down the thoughts and feeling about her and her demise. But I got sad, sadder after the write-up was posted. There’s that, the finality… Yeah, I guess, the honor and pleasure’s mine. Little sister, she was. Still is… Have a good week. Hugs๐Ÿ™‚

  10. Pingback: Bye to a blogger friend « Blog ni Lolo

  11. ay nalungkot naman ako dito San. Di ba pinabibisita mo pa sa akin noon site nya kasi may tanong sya bakit kelangan ngumiti pag mag aapply ng blush-on? Sayo ko sinabi ang sagot ko kasi nahihiya ako dumalaw sa site nya. Pero sa tono naman ng blog mo para sa kanya mukhang naging masaya naman ang temporary stay niya dito sa physical world. What is important is, she’s now in a better place. Oo nga pala, pwede akin na lang yung strawberries na bibigay mo dapat sa kanya? please pretty please!!!

    • hello, Biatch… hey, ayaw nang mag-open ng URL mo rito sa comment, huhu. your blog doesn’t exist daw. tingnan mo sa setting, dear. baka may mali kang nai-input or type. hwag mag-panic, ahehe.๐Ÿ™‚

      oo, si merry nga ang may post about need na ngumiti pag naglalagay ng blush on. o, daba? gaganda ng topics ng ale… sana nga, naging masaya sya at naisulit nya ang stay nya rito. nahihinayangan pa rin ako at ang bata pa nya. and i prefer that she’s around, hala pa…

      ahaha, wala pa uling napunta sa Baguio, hehe. hamo, try natin pag meron… sa may Doroteo Jose pala, maraming tindang strawberry, hakhak….๐Ÿ˜‰ hellowie, kaway-kaway…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s