mga ideya para sa panulat

 

Hello, ka-blogs! Napansin ko, marami-rami ang sumisilip sa post na Madali raw magsulat? Ahaha, may pumapansin din naman, yihee… Anyway, sa akin, sign iyon, maraming ka-blogs ang interested alamin – paano makakapagsulat ng mas marami pa at mas magagandang sulatin. Saka, ano rin, siguro, para ma-confirm, maski ang gaya ng lola nyong medyo madalas mag-post, nahihirapan din sa gawain. Na hindi biro ang paghahayag at pag-abot sa mambabasa… We’re in the same boat, ika nga.πŸ˜‰

 

Image of a pen on top of a notebook filled with notes

Sulat lang lagi/ jdelmiguez.blogspot.com

Sabi, walang formula o tiyak na hakbang para ang isang tao ay makapagsulat. Wala… Pero, huwag kayo, ang dami pa ring nagtatangka at sumusubok, ahaha. O, di ba? Ibig sabihin, kahit walang formula, maraming posibleng maisulat at pwedeng magsulat. Actually, alam nyo ‘yan. Karamihan sa ka-blogs, hindi naman sa pagsusulat ang larangan. Ang iba, ni hindi related sa trabaho o papel nila sa buhay ang pagsusulat – at all. Pero, nakakasulat. May naiisulat. At, magaganda pa nga, haha.πŸ˜‰

 

Narinig nyo na ‘yong madalas sabihin – Your life story is your most powerful tool? O, yun. Na kapag nahabi mo raw sa interesting at engaging na paraan ang iyong buhaya compelling narrativekaya mong mang-impluwensya ng iba. Makakayanan mo raw pagalawin ang ibang tao at baguhin ang sariling buhay. Ayon ang sabi… Na kapag naipaabot mo raw sa sangkatauhan ang pansariling kwentong buhay, para ka na rin – nakapagbuhat ng bundok, nakatawid ng dagat at nakapag-rewrite ng kasaysayan ng pamayanan. Ahaha, ayon ang mga sabi…

Paano naman ‘yon? E, ikaw lang ‘to. O, ako lang ‘to. Tayo lang ‘to…πŸ™‚ Saka, sa marami sa atin, gusto lang nating ma-manage ang challenges ng pang-araw-araw na buhay – may pamalengke at pang-grocery, may enough amount of love, konting respect at ilang patak ng goodwill and neighborliness. Ayon, tama na ‘yon… Huwag na ang ma-impluwensyahan pa ang sangkatauhan, ang hirap kaya no’n? Bangayan nga lang sa loob ng pamilya, ang hirap nang i-manage, humanity pa, sus! Mag-lobby nga lang sa barangay para huwag sa may gate nyo padumihin ang aso ng kapitbahay, may nakaka-away pa. ‘Yun pa kayang impluwensyahan ang sangkatauhan? Susmaryosep… At hwag na nating isali pa ang national politics, enough na… ^^

 

Image of a young person writing in a corner

Nagsusulat maski saan/ chaoticsoulzzz.wordpress.com

 

Anyway, ba’t nga ba sinasabi nilang ganoon? Ba’t panay ang salespitch ukol sa power of the individual in this time and age? Tsows! Bakit, bakit?πŸ˜‰ Kasi raw, masyadong dominated ang scene ng malalaking institutions, malalalim at entrenched na habits and traditions, naglalakihang kompanyang may specialized rules and tenets, at, ng in-your-face na tri-media… Gagatiting na raw ang espasyo at boses para sa individual na tao, ang basic unit ng lipunan, hoho. Malakas raw masyado ang pressure para mag-standardize at maging uniform – Β sa kasalukuyan, sabi… Kailangan raw palabasin ang boses at hugisan ang mukha ng individual – para balansehin ang interes ng publiko at pribado. Sabi lang naman… ^^

 

So, iyon ang madalas sabihin sa atin ngayon sa iba’t ibang babasahin at panoorin – Tell us your story. Tell us your story, and if it speaks to us of our own lives – our joys, woes and experiences – it is as if we have lived. You can make a difference. Parang ganyan ang sabi, di ba? So, ayon, we take our cue from that… Subok tayo ngayon lahat magsulat sa online – sa blogs, ahaha. May -i-sulat tayong para nga namang interesting ang ating buhay, ahaha, as if may makikinig. And, lo and behold! Mayroon naman nga. At may mga natuwa pa, ahihi. So, sulat tayo uli, medyo feeling writer na, writer na blogger, shaks lang. Hanggang isang araw… Hanggang isang araw, natuyuan ang ating tinta, hakhak. Shaks lang, at doon at noon natin naisip – hala, di nga pala ganoon kadali ang magsulat. Kailangan nga pala, nag-i-employ ng brain cells, kainaman na…πŸ˜‰

 

Image of a writer in a block

May mga panahong ayaw tumuloy sa kamay natin ang mga iniisip at pakiramdam/ razamisor.multiply.com

At siyempre, sa mga ganoong pagkakataon, nakakanto na tayo at wala tayong gaanong magawa maliban sa – kagat-kagatin ang eraser ng pencil, tumipa-tipa sa keyboard at tuminga-tumingala sa kisame Β – tinatanong natin ang sarili bakit nga ba naumpisahan natin ito at bakit naniwala tayo kahit pansumandali sa salespitch na original ang ating kwentong-buhay, haha. Kung merong nakakaalam, higit sa lahat – kung gaano ka-boring ang ating so-called life – Β tayo mismo, ahaha. Pero, hindi tayo naggi-give up – kasubuan na ito, hihihi. So, susubok tayo uli, mula sa pinaka-trivial na kwento tungkol sa langgam na papalapit sa tasa ng kape sa desk, hanggang sa pagbati ng gwardya kaninang umaga at hanggang sa bagong work schedule na natanggap kanina lamang – lahat iyon, susubukang gawan ng kwento… Boring na kung sa boring – e, bakit? Basta, susubukan, malay mo… At malay naman nga natin, ahaha.πŸ™‚

 

So, may ideya ba talaga tayo ng kung ano ang gusto nating sulatin? Kung saan sila manggagaling, kung paano natin sila isasalansan at pahihigpitin para gawing kwentong kapaki-pakinig naman, worth tapunan ng ilang sandali ng babasa, gawan nila ng panibagong kwento? Pwedeng meron… Pero, pwede ring wala. Pwedeng meron, na sa kalagitnaan ay nawala, haha. Pwedeng wala, na sa biglang pagpaling ng ulo, sumulpot at sumindi, parang bombilya – Eureka! Pwedeng merong malinaw dati, na noong tinatahi na natin, parang palabo ng palabo – sa tinamaan ng magaling na ‘yan… Pwedeng meron, nag-notes na nga tayo dati – tapos, noong sinisinop na natin ang notes, ayaw magkabit-kabit, shaks … May mga araw na wala talaga – sarado ang library ng ating utak at pakiramdam – next week na lang daw uli, on-leave ang librarian, hakhak.πŸ˜‰

 

So, ano nga uli ang ating huntahan? Kung saan at paano nanghuhuli ng mga ideya para sa panulat… Ewan ko, kanya-kanya nga siguro. Parang… Kayo ang magsasabi, di nga…. Sa DPSA pala, may naisulat ang lola nyo, Sukatin Mo ang pamagat – tungkol sa English and metric system at sa mga tradisyunal na panukat — dangkal, dipa at salop. May pagka-weird ang topic, haha. Anyway, November 2010 yata yaon nailathala. Kung paano dumating ang ideya ay ganire…πŸ˜‰

Pumunta kami noong Nob. 1 sa sementeryo, sa public cemetery sa aming bayan, ‘yong usual… Pagkakagaling namin sa mga puntod – dasal-dasal, kanta-kanta at update-update sa kamag-anak incorporated, ahaha – namimili kami sa may paglabas ng sementeryo. Ang usual na mga tinda roon, ay marami, haha. Ang madalas naming binibili, butse-butse at mga butil – paayap, kadyos at utaw (soya beans) na sariwa – dinadala pa-Maynila. Saka, minsan, sitaw… Β Anyway, ang napansin ko, kinikimis pa rin ng magtitinda ang sitaw para sukatin – isang pabilog na hawak – mga sampong sitaw ang laman. Isang kimis, a handful, sabi sa English… Ayon, na-compare ng lola nyo – ang layo ng sistemang kimis – sa style sa supermarket, tinitimbang at nila-label na lahat ng prutas at gulay. Ayon…

 

Image of stringbeans for sale

Kinikimis muna ang mga sitaw, bago tinatalian para ipagbili/ naturalherbalmedicinepinoy.blogspot.com

 

So, ganoon ka-weird at ka-ordinaryo ang instance, nag-precipitate ng isang sulatin – tungkol sa pwesto ng Pilipinas sa ISO standards, sa pandaigdigang kalakalan. A, e, siyempre, weird ang lola nyo…. Pati mga ganoon, napag-iisipan ng kung anu-ano, hakhak. Anyway, ang value sa akin ng nasabing sulatin, medyo malaki… Iyon yata ang unang post na social commentary. Kumumentari talaga, ahaha. Ay, hindi pala iyon pre-conceived post, hindi kasama sa originally pinag-isipan at ini-outline na mga paksa sa DPSA. Dahil nakitang kinikimis pa si sitaw, haha, at tinatakal pa sa maliliit na salop ang butil ng kadyos, sa may sementeryo sa bayan. Uncool, ano? Uncool ang lola, sabi sa inyo…Β Anyway, may pagka-academic ang treatment na kinalabasan ng Sukatin Mo. Mala-lecture, ahihi.Β Kaya, di na rin ako nagtataka, iniiwasan ng iba, parang subject lang sa eskwela, hakhak.πŸ˜‰

 

Image of a hand writing on a sheet of paper

Nagtataka tayo madalas, saan galing ang ideya noong mahususay magsulat/ sweetbubbles14.wordpress.com

Anyway, dati, naikwento ko sa inyo, bilib na bilib ako sa dalawang bloggers – sina taympers at joyo. Maraming dahilan bakit nagagalingan ako sa pluma ng dalawang ito. Pero, isa na lang muna ang babanggitin ko ngayon – the ability of their pens to make things, people and events come alive. Ayon, ahaha… May isang naisulat dati si taympers, tungkol sa elementary days nya sa munting paaralan sa nayon. May flag ceremony ang kwento. Sa pagkakwento nya, parang nakita ko mismo ang flagpole sa harapan ko, as in… Tapos, ang kwento naman ni joyo na tumatak sa akin, isang rant post – kung pwede lang daw na ala-Juan Tamad, maghintay na lang na pumatak sa bibig ang bayabas. Pero, the way she told her story, parang naitsurahan ko mismo ang bayabas – sa harapan ko… At na-humble akong maigi noong binasa ko ang mga istorya nila… Naitanong ko sa sarili ——

 

Saan kaya galing ang ideya nina ka-blogs para sa kanilang panulat?” Nakakainis sila, sa totoo lang.πŸ˜‰

 

37 thoughts on “mga ideya para sa panulat

    • helo te san. di pa ako makapagcoment sa post mo kase natawa rin ako sa comment ni renxkyoko. Going back, like what you have said kahit sino naman talaga pede makapagsulat hindi mo kailangan maging isang writer or o reporter, i mean its not really a talent siguro its more on freewill. Bonus na lang kung talaga mahusay ang pagkakagawa or pagkakasulat mo isang paksa. What ever comes out to our mind, go..! sulat lang ng sulat..la lang…aba aba, mashado nang mainit! kaway kaway!πŸ˜‰

      • hello, Myr… ay, sus, nababasa mo rin posts ni Ren, makwento, hehe. but that’s just one side of it, i think… her writings can see through several points and make for one whole, engaging tale or conversation. dami pang info, ahaha… so, hwag nating pansinin sabi ni Ren, ahihi. ka-intelligent na bata, sya pa ang nai-insecure sa pagsusulat?…πŸ˜‰ e, paano tayo, mga nagkakahig lang? hakhak. peace, Ren… ^_^

        siguro, isa sa gusto kong sabihin sa post, there are 1001 ways of saying a story. or more… as many writers or blogger-writers are there – who attempt to tell about one single story, one incident – ganoon din karami ang lalabas na kwento. hindi monopolized ng mga dati nang nagsusulat or mas mataas ang posisyon or magaling magpatawa or manlait or gumawa ng drama – hindi… tingin ko, ha. so, kamo, nga, sulat lang ng sulat…πŸ™‚ kaway-kaway din!

    • a, hindi. lab ka ng readers mow – lagi mo yang tatandaan, kapatid.πŸ™‚ siguro, babalensehin din – may outer travels, informative type… may “inner travels” din kuno, as if naman, may kung anong brewing sa loob ni blogger-writer, hakhak, worth malaman ng audience (haha).

      di ko rin alam, ahaha. ang DPSA, mas marami ang viewers, mga nagsi-search (ewan ko lang if nakikita nila roon ang hinahanap, ahihi). but then, ang SSA, marami ang followers (and lurkers, haha). gusto ko ngang gumawa ng posts re: everyday things, everyday happenings sa nagsusulat dito, hakhak. but then, nag-iipon pa ng lakas ng loob – pang-artista ang gano’n, ahaha. hi, RP…πŸ˜‰

  1. Marami pong salamat sa mga tips. Ang sabi nga ay palagian nating isaisip na “we are always learning sa ating buhay-buhay”. Ako po yun nais kong matuto talaga lalo na sa pagsusulat.

    Gusto ko yung nabanggit mong butse na kakanin dyan sa atin….

    • hello, Lolo… wala pong anuman. ayon, what strikes you – what strikes you strongly and deeply sa pagbyahe sa buhay-buhay, yon ho ang maiging isulat nyo… kung learning man yaon, kung objection o kung ironies man… that touched you or moved you, you may write about them. the better nga po kasi ramdam – you could convey the thoughts and feelings sa readers…πŸ™‚

      ay, butse ho? mashed kamote po yata yon na binalutan ng orange na starch, ahehe. sarap….πŸ˜‰ musta kayo? salamat po sa pagdaan at sa comment. regards…πŸ™‚

  2. bigla kong ni-review mga post ko. my goodness halu-halo. Hahaha! hindi ko nga alam saan ba patungo bakit pa ko nagbablog.

    Naalala ko bigla yong pag-oobserve ko sa mga langgam. part ng mga kaweirduhan ko sa buhay. hahaha!

    • hello, ani… o, oks lang, kung halu-halo, ahaha.πŸ™‚ after some time, in due time, yong mind mo na bahalang gumawa ng pattern or trend sa iyong mga sulatin. darating yon, pag marami na ang mga naisulat mow…πŸ™‚

      ei, tanda ko ang kwentong langgam mo, nag-comment me ro’n, hihi. parang maganda namang post yon… heh, may post kaya ang lola mo re: binati ng gwardya, ahaha. pwede lahat yown…πŸ˜‰

  3. tita susaaan!! hahaa.. peace po. =) ‘Te malaking tulong ‘to sa akin lalo na ngayon maski gas matters wala nang laman tekukots ko vacuum na lang yahaha. Kimis! bago sa pandinig ko pero tama ang tunog kaya gagayahin ko yahaha. parang present tsaka future tense ng kiss na pinagsama hakhak. ayan napaisip tuloy ako kung anong sistema ang subconsciously kong ginagamit, minsan iwan ko ngang may nakabantay na cam para alam ko ano mga antics ko habang nire-rape ko utak ko. tapos ipoposte ko para may madamay ako yahaha.

    • helllo, Yin! ate lang, naman ‘to…oo, ang oldest na nephew, parang kapatid ko lang, ahaha. mostly ng nephews namin, parang boypren lang turing namin, hihi. medyo gano’n, basta…πŸ˜‰

      oo, kinikimis ang sitaw, kapatid, para ring pagpi-prepare ng meatballs, hala pa…eto pa, noong araw, as in, di pa ipinapanganak mga lolo natin, shells ang una nilang money as in currency, haha. o, di ba? interesting rin paano nabuhay mga tao no’n e… ang tatay namin, noong buhay pa, hilig nyang magsukat gamit ay hakbang, style James Bond. saka ‘yon din ginagamit sa bank heists, ahihi.πŸ˜‰

      pambihira, rape talaga? kainaman na… sa english blog, meron akong mga kilala, ang huhusay – dark ang writings nila, as in…di ko maalala links pero hanapin mo sa WP rin. sina nina d dark angel (american) and simonet7 (british). meron pa, italians naman – si edilio ecosistele ‘ata name saka isa pa, varjlou ‘ata ang name. hanggagaling nila, parang carnivals ang loob ng utak, ahihi.

      ay, sows, namamahinga lang utak mow… nagbakasyon, hihi. try mo palang silipin ang works ng author na si Truman Capote. mahusay sya. and, sya ata ‘yong writer na may long, long time na na-writer’s block, ahaha… daan ka sa palengke minsan tapos, pagdating mo ng bahay, sulat ka.πŸ™‚πŸ˜‰
      .

  4. Yun oh, parang isang buong blogpost ang sagot mo sa komento ko at parang history channel hehe, tenchu ‘te san.. oo si TC naririnig ko na din, bakit dark writers ang naisip mong irekomenda naman sa akin?? hahaha.. ngayon ko na lang nagagahasa yung note app na matagal ko na dinownload kaya tingin ko makakapagdura na din ako ng mga brainfarts ko hekhek.

    Ay kapag inabot ko yung palitan ng shells baka ang yaman ko nun! egg shells ba? hahaha. hindi ko na kasi alam sino buhay pa mga nasa blogroll ko kaya ikaw una kong binisita, dinutdot ko na lang yung iniwan mong bakas dun sa crib ehe.

    • ahaha, pasensya naman, nakerid away lang me (ngayon lang kita uli napagkikita, haha). ah, interesting si TC, napanood ko rin movie about him (di singganda ng totoo nyang buhay, hihi). ah, creative, malikot at irreverent kang magsulat, kaya dark writings yata, possibly, kaaliwan mo, feeling ko, hihi πŸ™‚ anyway, si nina d dark angel, ang huhusay ng sinulat nya about damnation, being in purgatory (parang) and hell, hakhak. si edilio, cartoons ang sa kanya – parody sa human nature and mabagsik rin – when he makes posts na social commentaries. isang drowing lang usually…

      sea shells, bruho…πŸ˜‰ bago nila naisip mag-mint ng coins na sobrang bibigat pa no’n, hakhak. asus naman, inuna talaga? lumapad ang atay ko pow… salamat. btw, yong sinulat mo before na may angel, may kahawig sa sinulat ni blogger nina. parang mas weird sya sa ‘tin, haha, hilig nya sadyang magdadalaw sa sementeryo at gawan ng wento. o, di ba? warm regards, kapatid…πŸ™‚

  5. hi san!! *kaway-kaway* long time no chika ha… kamusta na? kanya-kanya nga ang pagsulat ng bawat isa, at bawat isa ay may kakaibang kiliti… kaya nga masayang magbasa, kahit late ako lagi.. ehehehehe.. anong balita sa iyo? hope you’re doing fine.. ‘wag mo na muna kaong hanapin sa blogsphere at busy ang lolo mo sa trabaho at mga events kapag weekend.. nagpapatanggal stress eh.. hihihi.. *kaway-kaway*

    • hello, Potski… ay sows, sabi ko rin nga. may isang nag-iipon dyan, what to do?πŸ˜‰ at marami kang sidelines – yayaman ka ryan sa pinaggagawa mo, sige ka… hindi kita hinahanap, kapatid. mali ka ryan, hakhak. btw, pati ba pagiging DI, pinasok mo na rin? ikaw na ang maraming diskarte, kapatid. nakakainis ka, sa totoo lang.πŸ˜‰ hope you’re alright, Pot. sana, lubayan na tayo ng mga problema, ipasa na lang muna sa iba, lol. kaway-kaway…

  6. Hello po ate san! Ako naman ang napadaan dito. Salamat at napukaw mo rin kahit papano ang damdamin namin sa post na ‘to. Yung tipong gigising ka sa umaga at tatanungin mong sarili mo, “para kanino ka bumabangon?” ika nga ng isang patalastas. Parang ganito rin yung pagsusulat. Matatanong mo rin kung “para san kaya ang aking mga panulat?” Kusang may bumubuslong liwanag na aakayin ka patungo sa ilog ng damdamin at imahinasyon. Umaagos lamang kase ang mga ideya sa di inaasahang panahon, sa di mawaring kadahilanan, sa mga simpleng bagay-bagay. At iyon pa madalas ang mas nagiging matingkad at makabuluhang akda. Kudos po sa iyo!

    • hello, Kevin… aliw naman at nag-iwan ka ng bakas, kakatuwa… musta you?πŸ™‚ gusto ko ‘to…
      ” Kusang may bumubuslong liwanag na aakayin ka patungo sa ilog ng damdamin at imahinasyon. Umaagos lamang kase ang mga ideya sa di inaasahang panahon, sa di mawaring kadahilanan, sa mga simpleng bagay-bagay.”

      ang ganda mo namang mag-formulate, hala pa… bukas, daan ako sa may inyo. pasensya na, busy-busihan lately, patak-patak lang ang oras para sa bloghop.

      salamat sa pagdaan. warm regards sa ‘yow …πŸ™‚

      • HAha. Ganyan naman di ba pag magsulat, di pinipilit, di pinipiga ang isip at damdamin. Abala ka nga talaga kse prominente ka na sa larangang ito. Regards din po!

      • ahihi, may time na pinipiga, kapatid. ayon lang, di gaanong maganda ang outcome – parang hinog sa pilit, hihi. btw, galing na me sa may inyo – ang husay naman ng recent post mo – damang-dama ang pagkasawi, parang wagi na rin, ahaha. ano’ng prominente, kapatid? sus, ba’t nasabi yaan… alaga meng pulutanin sa online huntahan, ayon, ahaha… have a relaxing Sunday.πŸ˜‰

  7. Mahirap maghanap ng ideya pero mas mahirap magexecute ng ideya gaano man karami minsan. Sakin naman, ang balakid ay ang aim for aesthetic and substance perfection which is mali kasi it will only lead to procrastination when in fact, perfection is usually an illusion kasi iba-iba parin ang mga outlook natin kahit sa iisang bagay. Salamat naman at may mga nagpupush satin para magsulat kahit papaano. Minsan sariling kagustuhan o ang pag motivate nang iba satin pero ang mahalaga patuloy parin tayong nagpaparamdam at nagpapalabas ng saloobin through blogging ano man ang kasalukuyang takbo ng buhaybuhay natin.
    Kung anu-ano na naman pinagngangangawa ko dito.πŸ™‚ Kaway kaway sa parating na tag-ulan Ate San!πŸ˜€

    • hello, June… hala, tama, kapatid… kung minsan, may ideya, nakahanap na, ‘ika nga… the thing is, paano magbabawas at magtatabas ng inputs, hakhak. kung minsan, nagka-crowd out ang mga iniisip natin, nagka-cascade ang ideas about a topic. tapos, ang nagsusulat mismo, parang maanod kungdi makakakapit, kainaman na…πŸ™‚ i guess, sa pagsusulat, isa rin sa sinasanay sa atin – decision-making – what to include and what to exclude in our writings. wari…. ^^

      parang nababawasan mo na naman ang perfectionist tendencies, observation ko, ahihi…πŸ™‚ in my case, isa yan sa natutunan, over the years. sa writing outside of blogs, bibihira assignment na ang content at format, si writer ang nagde-determine. it’s usually other people, haha. kumbaga, di lang si writer ang owner at may say and stake sa sulatin – marami kayo/kami…. so, di na me hostile sa idea ng revision, adjustments and editing, maski paulit-ulit, haha. nakaka-humble wari ang ganoon at nakaka-improve din ng writings.. importante ang distance and objectivity sa pagsusulat, i guess.

      aye, sulat lang ng sulat… perhaps, that is the sure way we’d go some distance – sa dyaskeng pagsusulat na pinaggagawa natin, ahaha.πŸ™‚ oo, June na, June (pun intended). rainy days again.πŸ™‚

  8. Ang galing! Hakhak. Ako nga palagi na lang close ang library. Wala na akong brain cells. Minsan din parang nag-aalangan ako sa naisulat ko parang masyado kong sinasala. Masyado na akong naging conscious, pero hindi dapat. Ang bigat tuloy sa loob. Haha. Sooooo babalik na ako sa labo-labo hahahaha. Thank you, ate san! Aliw din ako kay kuya pot haha di ko kilala si ate joya. Makapagbloghop nga hakhak.

    • hah, close pa yun? karami ngang posts… and yours is one of those na small bites pero creative, sa totoo lang.πŸ™‚ hala, lola mo, marami-rami ang nai-publish na wala halos editing, haha. yong iba, in-edit na lang after a year or two years, ahaha, noong napalagay sila sa sidebar, sa list ng madalas silipin? ayon… don’t be too hard on yourself siguro. and hey, am much older, kapatid. mas marami nang encounters at pati nabasa (adik lang), marami ang kailangang i-share or i-unload, ahaha.

      hala, sina taympers at joyo…. si taympers, ang blog nya is blagblagan.wordpress.com. si joyo naman is jowyow.wordpress.com. but yes, Potpot’s site is awesome and fun, aye.

      happy weekend pow.πŸ™‚

      • Puro pictures lang kaya madaling gawan ng kwento. Pero pag walang wala, picture lang talaga. Hakhak. Gusto ko mahaba parang sayo mahaba haha.

        Ay si taympers pala nalito tuloy ako kay kuya pot at kuya taympers. Oo si taympers makwela mahilig din siya sa film photography nagbebenta ng film hakhak. Paiba iba kasi ng blog yun. Si ate joyo mabisita nga at mafollow na din. Thank you ate san! Happy weekend din wag masyado pastress!πŸ™‚

      • weh? sharp nga ang one-liner captions mo. o, kaya, title pa lang keribels na, hahaha. a, yong mahahabang post? di bagay masyado sa panahon ngayon, short and sweet ang gusto ng readers. di ko pa lang masyado kabisado magsulat in Tagalog. pag maalam na, iiksi na entries, haha (sana).

        paiba-iba nga… blagblagan ang name ng recent site nya. si joyo, magaling yown. di lang masyado nagsusulat recently. ay, di me pa-stress, swimming bukas… yon lang, ala ata meng bathing suit, yon, nakaka-stress, haha. basta, swimming me… happy coming weekend, batopikπŸ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s