Pagmamahal ng isang Ina

 

Hello, ka-blogs! Happy Mother’s Day pa rin sa lahat ng mga Nanay! Teka pala, bomoto ba kayo? Ahaha, ang lola nyo, aliw pa sa indelible ink sa hintuturo, as in. Nagpi-feeling-feeling-ang trabahador sa talyer, marumi ang kuko. Maya’t maya ay tinitingnan, ang ewan lang…πŸ˜‰

 

Image of a mother carrying her child in her bossom

Kabahagi niya/ ansathudinapotha.blogspot.com

 

Pahabol sa Mother’s Day ang kwentuhan natin ngayon. Marami kaming commotions sa homefront, nitong weekend at hanggang kahapon, pasensya na… Medyo masasaya namang kaguluhan yon, somehow.

Gayunpaman, ang kwento ko sa inyo, tungkol sa Inay naming ilang taon na rin namang wala. Namatay siya dahil sa pneumonia, sanhi ng sakit niya noon – kanser. Β Oo, siya yong ina naming makulit, mahusay magsulat at sya rin ang dahilan bakit ganoon ang URL ng una kong site, ahaha.

 

 

Bata pa ang Inay namin noong pumanaw, early 60’s lang. Late 50’s siya bale, noong tamaan ng sakit. By that time, adults na lahat ng mga anak nya. Naikwento ko na rati, 16 lamang siya nang ipakasal sa aming ama. Marami kaming magkakapatid, pero hindi naman si Inay taon-taon, nanganganak. Ang iba ay may pagitan, hihi.

Anyway, noong magkasakit siya, independent na kunwari ang lola nyo, haha. Kumbaga, ilang taon na noong nag-umpisa ang sinasabing role reversal sa pagitan ng ina at mga anak. Siya na noon ang iniintindi, ang pinagbibigyan at ibinibili ng kung anu-ano. Naming mga anak nya, ako siguro, primarily… Dangan, ang lola nyo ang singol – mas may time at mas may free money, kumbaga. Medyo ini-spoil ko sya noon at sya naman, pasaway…πŸ˜‰

 

Makulit si Inay. Ang binibili ko noong mga damit sa kanya, sa sunod kong uwi, makikita kong suot ng iba kong kapatid o hipag, ahaha. Ang grocery na binili sa kanya, makikita ko sa estante ng kapatid o hipag, hahaha uli, at ang perang iniabot sa kanya, minsan, di pa ako nakakatalikod – iniaabot na nya sa isa sa mga pasaway kong kapatid. Ahihi, di ba interesting? At nakakainis, siyempre.πŸ˜‰

Eksenang Tanging Yaman ba? Oo, hehe. Anyway, di naman ako singyaman ng character ni Edu Manzano sa pelikula, ang layo… Pero, may pagka-ganoon ang mga pangyayari. Ang paliwanag ni Inay sa tendency nya, kasi raw, ganoon sadya ang isang ina – di matitiis ang mga anak (kahit abusado ang iba). Nagtatalo kami noong dalawa, natatandaan ko… Kako, alisan nya na ng walker ang mga kapatid ko – lalo na ‘yong mga sobrang dependent. Hindi kako sila matututo… ^^

 

Ilang taon nang wala ang Inay. In many ways, sanay na rin akong wala siya. Hindi na ako umaapela sa langit, sa kapalaran o sa kanino pa man, tungkol sa maaga niyang pag-alis. Over the years, hindi na rin si Inay ang idealized mother figure sa aking isip at pakiramdam. May ideya na ako ng mga kahinaan niya, pagkukulang at saan siya lumabis – sa kanyang original na pamilya, sa ama namin at sa aming mga anak niya. Medyo alam ko na rin ang strengths niya at ano ang kanyang actual size – kung ano siya sa buhay namin…πŸ™‚

 

Sabi sa isang librong nabasa ko rati, people do not get past caring – lalo na kung usapang pagmamahal ng isang ina. Maging 7, 17 or 70 ka man daw, pag iniwan ng iyong ina – iiyak mo pa rin sa matagal na panahon at dadalhin ang kawalan sa panghabambuhay.

Ano nga ba ang mayroon sa presence at pagkalinga ng isang ina, di natin matagpuan sa iba’t ibang taong ating nasasalubong at nakakaugnayan? Ang suspetsa ko, suspetsa lang naman – warmth, comfort, tenderness and security. Security and acceptance na maging sino ka man, anuman ang kapalpakan mo sa buhay, anak ka pa rin niya – bahaging kakalingain at di niya tatalikuran, ever.πŸ™‚

 

Belated Happy birthday kay Inay. Belated Happy Mother’s day din. Late greetings ng anak sa kanyang late mother…πŸ˜‰

 

20 thoughts on “Pagmamahal ng isang Ina

    • ahaha, sabi ko rin nga… salamat, June. thanks for the greetings and for reading through her, our story, hehe. maging mabuting anak, ha…πŸ˜‰ belated happy Mother’s Day uli kay Mom mo.

  1. Belated kay May 11 at sana ay happy siya sa red lipistik niya, hihihi. Ang mami ko ay sobrang caring at tight ang security sa akin noong araw to the point na nabato ako ng monoblock na upuan kasi nakipag date ako sa lalaking ayaw nya, hahahaha! Ang kulit no? Iba’t ibang level ang mga mommies. And would you believe na hanggang ngayon ay ganun pa rin siya?! (not in the sense na binabato pa rin ako ng upuan dahil may ibang ka-date, hehehe). Pero iyong matinding habilin na wag akong gagala ng gagala! hahahaha…anuvah.

    • hello, biatch… salamat sa bati uli sa Inay, kay May 11. ahaha, interesting si mommy mo, monobloc ba naman? siguro, pasaway ang idini-date mo no’n, hakhak. siguro nga, feeling nya, till now, baby ka pa rin nya (na pasaway) at dapat i-protect or batukan from time to time, hehehe.

      nakow, mothers – ang lakas nilang rumamdam, yon lang, hehe.πŸ˜‰ belated Happy Mom’s Day kay mommy mo.πŸ™‚

    • haha, salamat, Myr. hindi ako nanay, e… pero, para kang ‘yong mga gwardyang bumati sa akin from saturday night to monday, hehe. asus, mukhang motherly nga ‘ata… teynks pa rin…πŸ™‚

  2. Happy mother’s day!
    Late na late na pero hahabol pa…

    Iba talaga ang mga inay, kahit parang kontrabida sa maraming pagkakataon, the best pa din sa maraming sitwasyon… ^_^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s